Imbisibol (BXB RomCom 2016)

Ai_Tenshi tarafından

420K 17K 1.4K

Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na... Daha Fazla

Imbisibol Part 1
Imbisibol Part 2
Imbisibol Part 3
Imbisibol Part 4
Imbisibol Part 5
Imbisibol Part 6
Imbisibol Part 7
Imbisibol Part 8
Imbisibol Part 9
Imbisibol Part 10
Imbisibol Part 11
Imbisibol Part 12
Imbisibol Part 13
Imbisibol Part 14
Imbisibol Part 15
Imbisibol Part 16
Imbisibol Part 17
Imbisibol Part 18
Imbisibol Part 19
Imbisibol Part 20 (season 1 finale)
Imbisibol Part 21
Imbisibol Part 22
Imbisibol Part 23
Imbisibol Part 24
Imbisibol Part 25
Imbisibol Part 26
Imbisibol Part 27
Imbisibol Part 28
Imbisibol Part 29
Imbisibol Part 30
Imbisibol Part 31
Imbisibol Part 32
Imbisibol Part 33
Imbisibol Part 34
Imbisibol Part 35
Imbisibol Part 36
Imbisibol Part 37
Imbisibol Part 38
Imbisibol Part 39
Imbisibol Part 40
Imbisibol Part 41
Imbisibol Part 42
Imbisibol Part 44
Imbisibol Part 45
Imbisibol Part 46
Imbisibol Part 47
Imbisibol Part 48
Imbisibol Part 49
Imbisibol Part 50
Imbisibol Part 51
Imbisibol Part 52 (END)

Imbisibol Part 43

7.4K 303 10
Ai_Tenshi tarafından

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 43

Mabilis na lumipas ang mga araw, katakot takot na pag subok ang pinag daanan namin sa mga subjects para makapasa sa finals. Naalala ko tuloy ang sabi ni papa na hindi biro ang makatapos ng kolehiyo sa ganito panahon dahil tiyak na sasakit ang ulo mo sa dami ng research paper at projects. Halos pabalik balik rin kami sa mga shop upang makigamit ng personal computer at makiresearch ng mga data na hindi naka tala sa mga libro sa library.

(Author's note: Noong kasi ay hindi naka depende ang mga tao lalo na ang mga mag aaral sa internet. Madalas ay sa libro lamang din sila kumukuha ng mga impormasyon sa mga research at karaniwan sa mga ito ay pinapasa ng hand written)

Sila Rycen naman ay naging abala sa varsity at ganoon din si Kerby sa basketball team. At bago matapos ang finals ay dumaan din sila sa butas ng karayom upang makapasa. Ayos nga lang daw sa kanila na umuulan ng 3 ang grade nila atleast ay pasa kaysa sa umulit nanaman.

At sa huli, matapos ang katakot takot na exam ay nag plano naman ang aming department na mag karoon ng outing sa beach. Parang pinaka summer vacation narin namin ito bago uwi ng kanya kanyang probinsya. "Eh asan ba kasi si Rycen? Naka ayos na ba sya ng gamit para bukas?" ang tanong ko kay Gab habang abala sa pag sisilid ng damit na dadalhin sa outing.

"Baka nandon sa silid nila, nanood nanaman iyon ng Ghost fighter at paborito nya iyon. Umaastang si Eugene! Bang!" ang sagot naman ni Gabby.

"Ayy e ayoko si Eugene. Kasi si Vincent ako at ikaw naman si Alfred diba?" ang pang aasar ko.

"Yuck! Si Dennis ako no!" ang inis na sagot nito.

"Si Kerby na yon! Si Taguro ka nalang." ang pang aasar ko ulit kaya naman binalibag na nya ako ng unan.

"Bakit lagi nyo akong kinakawawa? Akala ko ba ay frend tayo! Bad kayo ah!" pag mamaktol nito habang naka nguso.

Tawanan..

"Nga pala, pansin mo ba mag buhat noong mabugbog iyang si Rycen ay hindi na ulit nag gf? Ilang buwan na rin ahh." ang puna ni Gab. "Oo nga eh baka natrauma na sya, mainam nga yon atleast.." ang naka ngisi kong sagot.

"Atleast wala kang karibal? Iyon na nga ang hirap, wala ka ngang karibal ay hindi ka pa napapansin." ang pang aasar nito sabay tawa ng pigil. "Wala na ngang karibal deadma pa rin haha"

"Loko! Mang inis ba? Ewan ko ba naman dyan kay mokong. Nakikita mo ba yung picture nya na iyan?" tanong ko sabay turo sa larawan niyang naka ngiti ng ubod ng tamis.

"Oo naman. Isabit mo ba naman dyan sa dingding natin iyang larawan ni Rycen, minu-minuto mo pa itong dinadasalan natural ay nakikita ko nga." hirit nya.

"Ang tawag sa kanya ay kayamanan, star! Iniidolo ng lahat. Ang tawag naman sayo ay pang karinawan. At ako naman yung tipo ng nirereject, pero dati iyon. Dahil ngayon si Jopet ay isa nang magandang swan. Ang nakaka inis lang ay ginawa ko naman lahat para mapansin nya, nag paka singer ako, nag paka mutant ako, gumulong, nag padapa sa harap nya pero bale wala pa rin." pag mamaktol ko.

"Eh itry mo kaya mag pa kabit ng boobs? Baka sakaling mapansin ka nya. Naku yung mga tipo ni Rycen na iyan ay mahilig talaga sa pechay at sa legs.. Legs ng babae ha."

"The last time na naka usap ko ng seryoso si Rycen ay noong kaarawan niya at niyakap pa nya ako dahil sa sobrang tuwa. Pag kalipas ng ilang araw ay balik nanaman sya sa pag lalaro ng volleyball at nawala nanaman ako sa kanyang paningin. Sana ay araw araw nalang niyang birthday para araw araw niya akong niyayakap."

"Loko, saan ka naman kukuha ng budget para sa araw araw na party nya? Tigilan mo nga ako Jopet. Ituloy mo nalang iyang singing career mo at mag tayo ng samahan para sa mga taong imbisibol."

"Hay hindi ko na alam gagawin ko. Habang tumatagal ay palala ng palala itong nararamdaman ko. Hanggang tingin nalang talaga ako sa kanya." bulong ko sa aking sarili habang naka higa sa kama at naka titig sa kisame. "Huwag kana mag emote dyan Jopet. Ayusin mo na itong gamit mo at bibili pa tayo ng pag kain pambaon." hirit naman ni Gabby.

"Wala akong ganang lumakad sa mall. Ikaw nalang mag isa ang bumili." ang tugon ko sabay suklob ng kumot sa mukha.

"Bakit ako lang mag isa? Ang akala ko ba ay gusto mong mag luto ng inihaw na pusit? Sumama kana para mabili mo ang lahat ng gusto mo." pamimilit ni Gab.

"Wala talaga akong gana. Saka isa pa ay tinatamad ako." pag tanggi ko naman.

Habang nasa ganoon pag uusap kami ay bumukas naman ang pinto ng aming silid at doon ay narinig ko ang boses ni Rycen. "Hanep, galing ni Taguro! Bang!! O akala ko ba ay bibili tayo ng pag kain sa mall? Bakit hindi pa kayo naka gayak?" ang tanong nito dahilan para mag bago ang mood ko.

Agad ako bumalikwas sa pag kakahiga at mabilis na tumayo. "Oo nga! Ewan ko ba naman dyan kay Gabby. Kanina pa nga ako nag aaya e. Tayo na Gabby ang bagal mo naman!" pag yaya ko habang naka ngising aso.

Napakamot nalang ito ng ulo at napailing. "Malala ka nga Jopet. Biglang sigla mo ah." hirit nito habang tumatayo.

Edi ayun nga ang set up, agad kaming nag punta sa mall at sa department store upang bumili ng mga gagamitin sa outing bukas. Ang usapan kasi ay contribution nalang sa pag kain kaya't marami rami rin ang aming binili. Masayang masaya ako lalo kasabay kong lumalakad si Rycen, paminsan minsan ay inaakbayan pa ako nito o kaya ay hinahawakan sa kamay. Siguro sa kanya ay bale wala lang ito pero para sa akin naman ay heaven na ang katumbas.

"Nga pala Jopet, tumawag yung morning show sa local station. Bukas raw ay nandoon din sila sa resort kung saan tayo mag a-outing. Pinapatanong kung maaari kang mag guest bukas. Ang topic kasi nila ay tungkol sa mga "power students" o yung mga nakilala sa buong campus dahil sa pinag samang talino at talento. Huwag kang mag alala dahil kaibigan naman ni papa ang host ng programang iyon kaya't magiging maayos ang lahat." wika ni Gabby habang kumakain kami.

"Ayos lang naman sa akin, basta ba kasama kayong dalawa eh." tugon ko.

"Oo naman. Ako ang tatayong body guard mo bro." naka ngiting wika naman ni Rycen habang patuloy sa pag subo ng pag kain.

"Wow salamat tol. Pero mas mukha akong body guard kaysa sayo." biro ko naman dahil para mag tawanan ang mga ito.

Kinabukasan, alas 3 palang ng madaling araw ay tumulak na kami sa resort sakay ng dalawang coaster. Tatlong oras ang biyahe patungo dito at kukuha pa kami ng cottage pag dating doon kaya't maaga pa lang ay tumulak na kami. Excited ang lahat habang naka upo sa loob ng sasakyan.

Samantalang ako naman ay hinahanap si Rycen sa paligid. Ewan nag woworry kasi ako na baka naiwan ito dahil para siyang mantika kung matulog. "Mahihilo ka lang kahahanap dyan kay Rycen, hindi mo talaga siya makikita dahil nasa kabilang coaster sya kasama ng mga kateam nya." ang wika ni Gabby sabay pihit sa aking ulo paharap sa bintana. Wala naman akong nagawa kundi ang lumingon nalang sa mga tanawin sa labas hanggang sa muli akong dalawin ng antok at makatulog sa aking upuan.

Mahimbing ang aking tulog, maya maya ay may naramdaman ako tumatapik sa aking pisngi. "Snow white gising na.. Snow... gising na, nandito na tayo." ang wika ng boses kaya naman agad kong imulat ang aking mata. "Nasaan si Rycen?" ang agad kong tanong.

"Aba, malandi na to. Kakagising palang si Rycen agad ang hinahanap" asar na salita ni Gab.

"Eh wala naman pala si Rycen, matutulog muna ako."

"Nandoon sya sa baba, hinihintay ka. Hindi ba nga may guesting ka ngayon?"

"Ganoon naman pala bakit di mo agad sakin sinabi. Tabi ka nga dyan" pag aapura ko naman dahilan para mapakamot nalang ito ng ulo.

Pag baba ko ng coaster ay eksaktong nasa resort na. Naririnig ko ang malakas na hampas ng alon sa karagatan at ang mabangong ihip ng hangin sa paligid. Agad akong hinitak ni Gabby sa labas at doon ay sinalubong kami ng mga staff ng naturang morning show kung saan ako mag guguest. Dahil nga late na ay bihisihan nalang ako ng polo at kaunting face power sa mukha ay ayos na. At katulad nga ng ipinangako ni Rycen ay kasama ko siyang lumakad sa set at doon nag bantay lang siya sa akin.

Pag dating sa loob ay binati kami ng iba pang staff, at hindi lang iyon dahil sa susunod linggo raw ay si Rycen naman ang iguguest nila dahil halos lahat sila ay nagwapuhan dito. Bago mag air ang programa ay nag usap pa kami ng host at sinabing mag relax lang ako, huwag kakabahan dahil para lang kaming nag kkwentuhan.

Sumindi na ang mga spot light..

In 3 2 1..

Live!!

Nag simulang bumati ang host ng magandang umaga sa buong siyudad. Syempre mataas na mataas nag energy nito at talaga namang madadala ka sa kanyang mga punch line na nakakatawa talaga. "At ngayon mga kaibigan ay makakasama natin ang isa sa pinaka talentadong mag aaral ng St. Vincent All boys Academy. Siya rin ang Grand Champion ng katatapos lang na Musikahan 1999 singing contest. Palakpakan natin si Mr. John Peter Guzmaaaan!!"

Ngumiti ako noong ifocus sa akin ang camera. "Maganda umaga po sa inyong lahat. Goodmorning din po tito Marc." ang bati ko naman habang naka ngiti.

"Talaga palang hindi lang talentado ang batang ito. Napaka gwapo pa." ang papuri ng host dahilan para matawa rin ako.

"Salamat po tito" tugon ko naman.

"Mga kaibigan si Jopet ay tubong Cabanatuan City sa Nueva Ecija. Tell me, paano ka nakarating dito sa malayong Siyudad?" ang unang tanong ng host.

"2nd year high school po ako noong nag decide si papa na pag aralin ako dito sa siyudad. Bata pa lang kasi ay tinuturan na nya ako kung paano mamuhay ng mag isa, parte ito ng pag sasanay kung kaya ko bang tumayo ng mag isa, pero gayon pa man ay palaging naka suporta ang mama at papa ko sa akin at sa lahat ng bagay na ginagawa ko." sagot ko naman habang naka ngiti pa rin

"Wow, ganyan din ako noong bata ako, high school pa lang ay lumayo na ako sa aking pamilya dito sa siyudad dahil nais kong mag aral doon sa probinsya. Anyway, pag usapan natin yung pag kapanalo mo sa Musikahan 1999, nag expect ka ba na ikaw ang mananalo?" tanong ulit ng host.

"28 entries ang nag laban laban that time. Never po akong nag expect na mananalo ako dahil ang lahat ay talagang mahuhusay. Siguro ay marami lang ang nakarelate sa lyrics ng kantang ginamit ko." sagot ko ulit.

"Wow, speaking of lyrics. Ang kantang "imbisibol" paano ka nag come up sa ganitong idea? Kasi napansin namin na tungkol ito sa isang taong hindi napapansin ng kanyang hinahangaan. Ang tanong ko lang sa iyo Jopet, sa gwapo mong iyan, naranasan mo na ba ang maging isang "imbisibol?"" pang uusisa ng host.

Natawa ako sa kanyang katanungan. "Ang totoo noon, hindi naman ganito ang itsura ko dati. Parati nga akong laman ng panunukso at katuwaan ng mga ka klase ko noong highschool at nitong kolehiyo ako. Basta pinag sikapan ko lamang na baguhin ang sarili ko upang mas maging epektibo ako sa paningin ng nakararami. Tungkol naman sa kantang "imbisibol", ang chorus nito ay hango sa isang tula na ibinigay ng isang espesyal na kaibigan. Naalala ko ay mayroon akong isang taong hinahangaan simula pa noon ngunit hindi ko ito masabi sa kanya hanggang sa naging kontento na lang ako sa pag nanakaw ng tingin at pag sulyap sa kanya ng palihim

kapag mag kasama kami. Ang nakakatuwa lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ako napapansin. Iyon ang dahilan kung bakit nabuo ang kantang imbisibol." ang pag sasalaysay ko.

Natawa ang host at gayon din ang ilang staff. "Huwag kang mag alala dahil tiyak na napapansin kana nya ngayon. Anyway Mr. John Peter, mayroon ka bang mensahe para sa mga mag aaral na nag nanais na sumunod sa yapak po bilang isang matalino at talentadong estudyante? Pag kakataon na upang makapag bigay ka advice sa kanila."

"Opo, para sa mga katulad kong mag aaral na nag sisikap upang abutin ang pangarap, ang mensahe ko lang sa iyo ay sundin ninyo ang nilalaman ng puso ninyo, maging matapang at maingat sa bawat desisyon na inyong gagawin dahil iyan ang mag dadala sa inyo sa tamang daan patungo sa tagumpay. Basta walang imposible sa taong nangangarap kaya't idilat mo lang ang iyong mata at gawing posible ang mga bagay na inaakala mong imposible. Salamat po." ang wika ko at nag palakpakan ang mga tao studio.

"Idilat nyo ang inyong mga mata at gawing posible ang mga bagay na imposible!! WOW! Napaka gandang mensahe Mr. John Peter. At bago tayo mag paalam sa ating bisita ngayong umaga ay kakatahin niya sa atin ang kantang kinabaliwan ng lahat ng mga imbisibol pag dating sa pag mamahal. Please welcome Mr. John Peter Guzman singing "Imbisibol."

palakpakan ang lahat.

Imbisibol lyrics

imbisibol ako sa'yong paningin
imbisibol, hindi mo napapansin
halos magmukhang tanga ang puso ko
mapansin mo lamang, ako'y naririto
imbisibol ako sa 'yong mata

hindi naman ako isang superhero
na nawawala't lumilipad
ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat wooh
at lalong di ako si batman o robin
superman o wolverine
ako'y isang hamak na kulang sa pansin wooh

imbisibol ako sa'yong paningin wooh
imbisibol, hindi mo napapansin
halos magmukhang tanga ang puso ko
mapansin mo lamang, ako'y naririto
imbisibol ako sa 'yong mata ahahhahh

Cut!! Commercial!!

Hindi na natapos ang aking kanta dahil sa pag pasok ng commercial. Agad akong kinamayan ng host at ng mga staff. Muli silang nag pasalamat sila sa pag guguest ko sa kanilang programa sa umagang iyon. Siyempre ay tuwang tuwa naman ako dahil nabigyan ako ng pag kakataon na makita sa telebisyon at ganoon din si Rycen na palaging pino focus sa camera lalo't naka ngiti ito.

Patuloy ang aming outing, pag balik namin ng cottage ang lahat ay abala sa pag luluto sa pamumuno ni Gabby. Sina Kerby naman ay nag lalaro ng volleyball sa harap ng cottage. Yung iba naman ay nag sisimula nang mag swimming sa dagat.

Maya maya ay nag hubad na rin si Rycen, short lamang ang suot nito at walang pang itaas na damit. Muling tumambad sa aking mata ang kanyang magandang katawan. Bilugan ang braso at tyan na walang kataba taba. "Hoy, kumurap ka naman. Nakatitig ka na naman sa katawan ni Rycen." bulong ni Gabby sabay abot ng inihaw na pusit.

"Hindi ah, hindi ko naman siya tinitingnan." ang pag tanggi ko naman sabay kagat ng pag kain sa aking harapan.

"Eh gigil na gigil ka sa pag kain ng pusit. Siguro iniisip mo na si Rycen iyan hano?" ang aasar nito.

"Hindi no. Wala akong iniisip na ganoon. Teka wala ka bang balak maligo?" tanong ko.

"Mayroon kaso ay mamaya pa. Alam mo naman walang bantay dito sa cottage. Saka isa pa ay mainit pa, ayokong mag ka sunburn." tugon nito.

"Ganoon ba, sige ako nalang ang maliligo." ang naka ngisi kong sagot sabay palit ng pampaligong damit. Short lang din ang suot ko at sandong puti. Hindi pa ako handang mag hubad sa public e. Joke lang.

Agad akong lumabas at nag tatakbo patungo sa dalampasigan kung saan naroroon si Rycen at naka upo. Para lang akong anino na sumusunod sa kanya pero hindi ko na masyadong pinag tuunan ng pansin iyon dahil ang mahalaga ay makasama ko sya ngayong araw. Malapit nanaman kasi ang bakasyon kaya't ilang buwan nanaman kaming di mag kikita. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah." ang bungad ko sabay upo sa kanyang tabi.

"Nag papahangin lang tol. Maganda pala dito, nakakarelax at nakakapag pakalma ng iniisip." ang wika niya habang naka tingin sa kaluyuan.

"Kaya nga palagi akong nakatambay doon sa seawall sa siyudad natin. Nakaka hanap ako ng kapayapaan doon at nakaka pawi rin ito ng lungkot." ang sagot ko habang nakatingin sa kanyang mukha.

"Kasali ba ako sa mga nag bibigay ng kalungkutan sa iyo tol?" ang seryosong tanong nito na aking ikinabigla.

Hindi agad ako naka imik, aminado naman ako na siya ang nag papasaya sa akin at siya rin ang dahilan ng aking matinding kalungkutan. Ngunit, hindi ko naman ito maaaring sabihin sa kanya dahil tiyak na hindi nya mauunawaan ang dahilan. "Minsan ay nagiging dahilan ka ng kalungkutan ko, lalo na kapag alam kong hindi maaayos ang kalagayan mo. Kapag malungkot ka ay nalulungkot din ako. Syempre natural lamang iyon dahil mag kaibigan tayo diba?" ang naka ngiti kong sagot.

"Oo naman tol, mag kaibigan tayo. At higit pa sa kapatid ang turingan natin. Kaya nga masaya ako na nakilala kita." ang tugon niya sabay ngiti sa akin.

Ngumiti rin ako at muling ibinaling ang aking tingin sa kalayuan.

Tahimik..

"Noong bata ako ay naligo kami ng mga kaibigan ko sa ilog, katuwaan lamang iyon ngunit nauwi sa trahedya ang lahat noong biglang lumakas ang tubig at inanod palayo ang aking mga kalaro. 8 taong gulang palang ako noon at naging saksi na ko sa ganoong kasakit na pang yayari sa buhay. Mag buhat noon ay takot na akong maligo o mag punta sa mga dagat o swimming pool dahil natatakot akong maulit ang pang yayaring iyon.

Ngunit sa kabila ng takot at pangamba ay ginabayan ako ni papa at tinuruan nya akong harapin ang takot na namumuo sa aking pag katao. Ang akala kong pag suko ay pinalitan niya ng tapang at pag asa noong tinuruan nya ako kung paano lumangoy at harapin ang bagay na kinatatakutan ko.

Mag buhat noon ay muling nakompleto ang aking pag katao, ang bakas ng takot at pangamba ay pinawi ni papa at muli nya akong binalik sa pagiging isang matapang na mandirigmang humaharap sa hamon ng buhay. Ang pang yayari iyon sa aking buhay ay nag turo sa akin ng dalawang mahalagang bagay. UNA: Matutong humarap sa mga bagay na iyong kinatatakutan. Kung patuloy kang mag papadaig sa takot ay habang buhay ka na lang matatakot at tatakbo hanggang sa wala ka nang mapag lagyan sa mundong ito. IKALAWA: Napag tanto ko na masyadong maigsi ang buhay na ibinigay sa atin ng may kapal kaya't dapat ay sulitin natin ito dahil limitado lamang ang lahat. Ang ibig kong sabihin ay gawin mo ang bagay na nakapag papasaya sa iyo, tumakbo ka hanggang sa mapagod ka, uminom ka ng alak hanggang sa malasing ka at tumawa ka ng tuwa hanggang sa sumasakit ang tiyan mo. Sa bandang huli ng buhay ay mapapag tanto mo na sana ay nagawa mo ang mga bagay nais mong gawin at nasabi mo ang bagay na dapat mong sabihin." ang wika ni Rycen habang nakatanaw sa kalayuan.

Ngayon ko lamang narinig na nag salita ng ganito si Rycen. Ang akala ko noon ay puro kalokohan lang ang laman ang utak nya ngunit kapag pala sumeryoso na ang isang ito ay talagang makabuluhan ang mga salitang binibigkas niya. Kung sa bagay ay tama naman ang lahat ng sinabi nya. We should live life to the fullest para hindi tayo mag sisisi sa huli.

Tahimik..

Maya maya humarap sa akin si Rycen, seryoso ang kanyang mukha at nag salita ito. "Ikaw tol, may gusto ka bang sabihin sa akin?" ang tanong nito na aking kinabigla.

Tila na nabigla ako sa kanyang katanungan, hindi agad ako naka imik at paki wari ko ba ay binusalan ng kung ano ang aking bibig.

"Ano tol, may nais ka bang ipag tapat sa akin?" ang muling tanong nito na siyang nag bigay sa akin ng ibayong kaba.

itutuloy..

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

553K 2.2K 8
Ang kwentong ito ay REMAKE. Taong 2013 noong unang inilabas ko ang kwento nila Rael at Enchong dito sa wattpad. Hanggang sa naisipan ko itong ayusin...
175K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...
686K 17K 60
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
143K 9.4K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?