When The Bitch Falls

Von aryanpel

679K 14.4K 1.4K

The untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She t... Mehr

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2

EPILOGUE

15.4K 261 34
Von aryanpel

Mabigat ang bawat hakbang ni Kira patungo sa nakasaradong pinto ng bahay. Lumikha ng tunog ang pag-ikot ng gulong ng maletang hila-hila niya. Nang tuluyang mahawakan ang doorknob, nagpakawala siya ng buntong-hininga at muling sumulyap sa kanyang likuran.

For the last time, she let her eyes wander around the four corners of the living room. Moments from the past suddenly played on her mind like a slow-paced slideshow. She will surely miss this house as much as she longed for Cadmium's presence now.

Lumipas ang isang linggo't anim na araw na walang Black ang nagpakita. Kating-kati siya na tawagan ang binata o kaya'y puntahan sa bahay nito ngunit hindi niya iyon ginawa. Lalo lamang siyang mahihirapan kapag nagkataon.

Pumeke si Kira ng ngiti kasabay ng muli niyang pagharap sa pinto. Binuksan niya ito at tuluyan nang lumabas ng bahay. Habang nilalagay niya ang maleta sa compartment ng kotse, bigla siyang nakarinig ng malakas na busina. Agad siyang napatayo nang tuwid at puno ng pag-asang lumingon sa itim na sasakyang papasok sa gate. Huminto ang kotse sa kanyang harapan at bumaba mula doon si Cadmium. Nakasuot ito ng tuxedo.

Excitement and happiness coated her whole. As she stared at his face, she realized how much she missed him. She badly wanted to give him a hug but her sanity stopped her from doing so. It's her pride that told her not to initiate.

"Salamat naman at naabutan pa kita," ani Cadmium nang tuluyang makalapit.

With those words from him, little hope suddenly crept up on Kira's heart. She could not stop herself from assuming that Cadmium went here to convince her not to leave. Her mood lightened up.

"What's with the get-up today?" kaswal niyang tanong. "May event ka bang pupuntahan ngayon?"

"No," matigas na sambit ni Cadmium at marahang umiling. "Ihahatid lang kita sa airport."

Nanlumo si Kira sa kanyang narinig. Ang kasiyahang nadama kanina ay muling naglaho. Hindi niya inakalang iyon lang pala ang pakay ni Cadmium. Natahimik na lamang si Kira habang nililipat ng binata ang maleta niya sa kotse nito. Nang matapos sa ginagawa, muling humarap si Cadmium at tinawag siya.

"Come on, Kira!" Pinagbuksan siya nito ng pinto sa front seat. "Baka hindi mo na maabutan ang flight mo."

Napairap si Kira sa pang-aapura ni Cadmium sa pag-alis niya. Namuo ang pinaghalong inis at dismaya sa kanyang sistema.

"You know what? Just leave me here. Mukha naman kasing nagmamadali ka. Don't worry, I can drive on my own. Hindi kita kailangan para ipagmaneho ako patungong airport," sarkastikong sambit ni Kira.

Sinamaan siya ng tingin ni Black. "Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita papasok?"

"Fine!"

Padabog siyang pumasok sa kotse. Ilang ulit siyang nagmura habang kinakabit ang seatbelt sa driver's seat. Minuto din ang lumipas bago sumunod si Cadmium sa loob. Isinarado nito ang pinto ng kotse at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Hindi niya pinansin ang binata.

Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse. Nagpokus si Cadmium sa pagmamaneho at si Kira naman ay nakatanaw sa mga building na nadadaanan. Paminsan-minsan ay may tumatawag kay Black sa cellphone pero hindi alam ni Kira kung anong pinag-uusapan nito. Nanatili lamang siyang walang kibo at diretso ang tingin sa labas ng bintana.

Mabilis na nangunot ang noo ni Kira nang mapansing lumiko si Cadmium sa maling kalye. Nag-iba ang tinatahak nilang daan. Nasa hilaga ng siyudad ang airport pero patungo na sila sa timog ngayon. Kumabog ang kanyang puso at hindi niya mapigilang mag-panic.

"Cadmium, where are you taking me?!"

Bumagal ang takbo ng kotse nang lumingon ang binata sa kanya. "Hindi pa ba halata?"

Nagkasalubong ang kanyang kilay nang bumalik ang tingin niya sa pamilyar na daan. Inisip niyang mabuti kung saan ito patungo. Napasinghap siya nang may mapagtanto.

"Anong gagawin natin sa Sta. Cruz?" histerikal niyang tanong.

"Relax, okay? You'll know once we get there," kalmadong sambit ni Cadmium bago inilapat ang kamay nito sa kanyang hita.

Above-the-knee ang suot na dress ni Kira kaya mabilis niyang naramdaman ang init ng palad ni Cadmium. Balat sa balat. Namula ang pisngi ni Kira nang dumapo ang tingin niya doon. Marahan niyang hinawi ang kanang kamay ng binata. Narinig niya itong tumikhim bago ibinalik ang hawak sa steering wheel.

Huminto ang kotse ni Cadmium sa entrance ng isang resort. Napalingon siya sa gawi ni Cadmium nang ibaba nito ang bintana sa gilid ng driver's seat at kinausap saglit ang guard. Ilang segundo pa'y muli na naman umandar ang sasakyan at nagmaneho na si Cadmium papasok.

Ibinaba siya ni Cadmium sa harap ng isang room cottage at inutusan siyang pumasok sa loob. Umalis naman ito agad. Naguguluhan man sa pangyayari, sinunod na lamang niya ang binata. Ang maleta ay iniwan niya sa kotse nito. Ang tangi niyang bitbit ay ang cellphone at passport.
Pinaghalong gulat at lito ang namuo sa kanyang isipan dahil sa kanyang nadatnan sa loob ng cottage. Nandoon ang kanyang mga kaibigan sa loob, pati sina Geena at Genevy. Silang lahat ay nakasuot ng puting dress na hanggang tuhod ang haba.

"Ate Kira!" masiglang tawag ni Genevy nang mapansin nito ang kanyang presensiya.

Nahinto naman sa pagme-make-up ang kanyang mga kaibigan. Isa-isa itong tumayo at niyakap siya. Pagkatapos ay si Tita Geena naman ang lumapit sa kanya. Ngumiti lamang ito at hinaplos ang kanyang braso. Nanikip bigla ang kanyang dibdib dahil sa ginawa ng ginang. Lumuwag lamang ang paghinga ni Kira nang tumalikod na ito at bumalik sa pag-aayos ng buhok ni Coleen.

"Anong meron, Zel?" pagtatanong niya sa buntis na kaibigan. Ito lang ang hindi na busy.

"Malalaman mo rin mamaya, bruha." Ngumisi ito at hinila siya patungo sa isang maliit na silid. "Nandiyan ang susuotin mo. Sige na. Pumasok ka na."

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at binuksan ang pinto. Natutop ni Kira ang sariling bibig nang tumambad sa kanyang paningin ang sopistikadang itim na gown sa ibabaw ng kolor de gatas na kama.

"Oh my gosh! Is this for real?" bulalas niya.

"Uh-huh! Cadmium bought that for you," tila kinikilig nitong sambit. "Isuot mo na, dali!"

Hindi na niyang nagawang tanungin si Zelena kung para saan ang gown dahil lumabas na ito ng silid at sinara ang pinto. She does have an idea lurking in her mind but she doesn't want to conclude yet. It's too risky to assume. Masasaktan lang siya.
Nangilid ang luha sa kanyang mata nang iangat ang gown. Agad siyang naghubad at mabilis itong isinukat. Namangha siya nang mapagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Wala mang kolorete ang kanyang mukha, litaw pa rin ang kanyang ganda. Tila sumasayaw ang kulot na dulo ng kanyang buhok na nakalugay. Tinatakpan nito ang kanyang balikat na kitang-kita sa suot niyang tube gown.

Naputol ang pag-oobserba ni Kira sa kanyang sarili nang marinig ang magkasabay na singhap ng kanyang mga kaibigan. Lumingon siya sa kanyang likuran at nahagip ng kanyang tingin ang malapad na ngiti ng mga ito.

"Does it suit me?" taas-kilay niyang tanong.

"Of course! You look fabulous, Kira!" komento ni Xyrina.

"Oo nga. Nagmukhang-anghel ang bruha," pabirong sambit ni Zelena.

Lumapit si Xyrina sa kanya at hinila siya nito palabas ng kwarto. Wala na si Tita Geena, Genevy at Coleen sa cottage. Bags na lang at make-up kits ang naiwan doon.
Pinaupo agad siya ni Xyrina sa isang stool at doon nilagyan ng kolorete ang kanyang mukha. Nang akmang lalagyan nito ng blush-on ang kanyang pisngi, hinawakan niya ang kamay ng kaibigan.

"Alam niyo bang flight ko ngayon?" kunot-noo niyang tanong. "Ano bang meron at kailangan ko pang magsuot ng ganito?"

Hindi sumagot si Xyrina. Nagpatuloy lamang ito sa ginagawa. Pinahiran nito ng pulang lipstick ang kanyang labi. Nang matapos si Xyrina sa pag-aayos sa kanya, dinala siya nito sa baybayin. Sumalubong sa kanya ang malalaking hampas ng alon sa dagat. Hindi na gaanong mainit sapagkat papalubog na ang araw. Makulimlim na rin. Ang tanging nagbibigay-liwanag sa lugar ay ang mga poste ng ilaw sa gilid.

Habang naglalakad si Kira sa buhangin, napapatingin ang mga taong naroroon sa kani-kanilang cottage. Napahinto ang mga bata sa paggawa ng sandcastle. Pati mga dalaga't binata ay sinusundan siya ng tingin.

Sa 'di kalayuan, tanaw niya ang candle lights sa tabing-dagat. Pumapalibot ito sa iilang upuan. Sa bandang iyon may maraming tao at lahat ay nakasuot ng pormal na damit. Nakaharap ang lahat sa kanya. Sandali siyang natigil sa paglakad nang mapansing kakilala niya lahat ang naroroon. Nanginig ang kanyang tuhod nang muli siyang maglakad. Kumakabog ang kanyang puso sa bawat hakbang ng kanyang paa.

Nang tuluyang makalapit, sumalubong sa kanyang paningin ang tipid na ngiti sa mukha ni Ellino. Inilahad ng ama ang braso nito at kumapit siya dito ng walang pag-aalinlangan. Hindi niya akalaing dadating ang araw na ito. Iyong makakaharap niya ang ama na wala ng galit sa kanyang puso.

Napalingon si Kira sa kanyang likuran nang may kumalabit sa kanya. Si Coleen iyon na may dalang wedding bouquet. Inilahad ito ng kanyang kaibigan. Nanginginig man sa kaba, tinanggap niya pa rin ito. Binati siya ni Coleen ng congratulations bago ito tumalikod. Namamawis na ang kanyang palad dahil sa nangyayari sa kanyang paligid.

"What's happening, Dad? Para saan 'to?"

Sumulyap ang kanyang ama sa kanilang harapan. Sinundan niya ito ng tingin at nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang mapatingin sa kabilang dulo ng aisle. Nakatayo doon si Cadmium, malamlam ang mata nitong nakatutok sa kanya.
Namuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata nang tuluyan niyang binigyan ng konklusyon ang lahat ng ito. Ikakasal siya. That explains why she's wearing a gown and Cadmium's on the other edge of the aisle, smiling widely as he stood beside a priest.

Kira's attention was suddenly drawn to her father when she heard him clear his throat. He smiled and let her arms clung to his' as they started walking along the sandy, red aisle. The beating of her heart seemed to synchronize with the mellow music being played. Everything seemed to slow down.

All eyes on Kira. She tried real hard to ignore the shame that she's been feeling since few months ago. And as soon as she heard claps and greetings of congratulations from the visitors, tears began to fall from her eyes, making her vision blurry. The only person that she could clearly see was Cadmium. Her gaze was fixed on him.

Nang makarating sila sa pwesto ni Cadmium, binitawan na siya ng kanyang Papa Ellino. Pabulong na nag-usap ang dalawang lalaki at nagkamayan. Pagkatapos ay inilahad na nito ang kamay sa kanya. Kumikislap ang pares ng mata ng binata at may ngiti sa labi nito.

"You..." Kinagat niya ang kanyang labi at sinapak ang braso ni Cadmium. "Hindi mo alam kung gaano ako kalungkot noong hindi ka nagpakita sa akin ng ilang araw. Tapos itoㅡ"

Hindi niya natapos ang gustong ipahayag dahil sa biglaang pagkabig ni Cadmium sa kanyang batok. Mabilis nitong sinakop ang kanyang labi. Kantyaw at asaran ang kanilang inabot nang matapos ang matamis na halik na pinagsaluhan nila sa publiko. Nagkulay-kamatis ang mukha ni Kira ngunit parang wala lamang iyon kay Cadmium. Nagawa pa nitong dampian ng halik ang tungki ng kanyang ilong.

"Galit ka sa akin dahil hindi natuloy ang flight mo?" tanong ni Cadmium na sinamahan pa ng mahinang pagtawa. "I'm sorry about it but I won't let you escape this time."

Napa-iling si Kira. Her eyes were locked with his. Natigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niya nagawang sumagot sapagkat muli na namang nagsalita ang binata.

"I missed you, big time." He kissed the side of her lips before he continued talking, "I missed your flaws and your sarcasm. I've endured the pain of not seeing you for days because I know it'll be all worth it now. You're already here in front of me. And after this, you won't be able to leave, Kira Fuentes. I'll tie you with my surname and with all the love I can give.”

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

215K 4.5K 55
The original plan was to make Ethan Adrian Salazar fall for her. Unfortunately, she was dumped. But Natalie Chase Alejo will never give up. Kaya nama...
83K 1.7K 38
Euphorsine Thalia Belleza was raised to be prim and proper. Lahat ng kilos at galaw niya ay bantay-sarado mula pagkabata. Thalia had a simple dream b...
1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
With All Might Von Thinkerbil

Aktuelle Literatur

146K 4.5K 44
Tanya Zaccary Fuentabella grow up in a rich and respected family. Her great-great grandfather establish the province of Zaccarrio after the World War...