The Devil Who Danced At Midni...

נכתב על ידי theladyinletters

353K 16.7K 5.7K

Watch Richard Faulkerson Jr. and Maine Mendoza, who are both considered geniuses, make all the foolish choice... עוד

monologue
antipholus
bassianus
cleopatra
desdemona
egeon
friar laurence
gertrude
hamlet
iras
juliet
katharine
laertes
macbeth
nicholas
octavius
pericles
quintus
valeria
willoughby
xavier
yorick
z
prologue
t a d h a n a
t i m p i
d a l i s a y
k a l i n a w
t i n a t a n g i
m u n i - m u n i
p a g s a m o
k a u l a y a w
h u m a l i n g
m a r a h u y o
s a p a n t a h a
a l p a s
h a b i l i n
p a h i m a k a s
the lady in letters
p a r a l u m a n
R-S-T-U
romeo
silvius
thisbe
//psa
ulysses
TDWDAM Self Publishing
TDWDAM Self Publishing II
TDWDAM Self-Publishing Final Form
Landing on the Moon
Getting 11 Glances from Earth
final wave

g u n i t a

5.9K 382 171
נכתב על ידי theladyinletters


Updates will not be as frequent
as before. Internship is coming.
Help!

xxx

gunita

(n.) memory, recollection

- Laureta, Isabelle

xxx

Dalawa.

Dalawang linggo bago ko nakuha iyong mahabang pagsusulit na ipinangako niya. Nakahinga naman ako ng maluwag noong nag-anunsyo ang guro na marami pala kami, galing din sa ibang klase, at sinabi nya rin na magkita-kita kami sa ikatlong palapag ng Jose Rizal building ng alas-singko ng hapon dahil iyon lang daw ang libre nyang oras.

Hindi na rin ako lumapit para makiusap na tanggapin nya ang medical certificate ko. Hinayaan ko na lang, dahil magsasagot na rin naman ako kasama ng iba. Sinabi sa akin ni Dusk kung anong mga dapat kong aralin, kahit inasar nya pa akong hindi ko naman kailangang mag-aral.

Brainy ka naman, Ate. Sabi nya sa akin. 'Wag ka nang magreview, kahit ano masasagot mo!

Ni hindi ko nga masagot kung maaayos ng kapirasong papel ang biglaan kong pagkawala.

Sinabi sa akin ni Dusk na pare-parehas ang nakalagay sa unang parte, samantalang iba-iba ang tanong sa dulo. Stratehiya raw iyon ni Sir, para hindi makapagkopyahan. Pagsusulat ng sanaysay ang huling parte. Ipapaliwanag siguro ang kung anong akda ng kung sino. Hayaan na.

Sana ay hindi kayo mabagot kapag nagsasagot na ako. Dapat kasi, tahimik lang doon sa silid-aralan. 'Wag kayong maingay, ha? Medyo magagalitin pa rin ang mundo sa mga maiingay kaya sinusubukan kong hinaan ang pagkukuwento. Pagtiyagaan nyo na lang.

Marami kami, mga sampu. Mas maraming babae kaysa lalaki, at pinili ko iyong nasa may kaduluhang bangkuan. Kung kaya kong tapusin ito sa loob ng kalahating-oras, gagawin ko.

Matagal. Inabot kami ng mga kasama ko ng dalawampung minuto bago dumating ang guro. Mababa na ang sikat ng araw at medyo naiinitan ang pwesto ko kaya lumipat ako ng tatlong bangkuan paharap.

Dumating ang mundong mag-isa, tila hatak-hatak ang kadiliman ng gabi sa likuran nya. Makikita mong hindi ito masaya sa mga pangyayari. O nangyari. Malay ko ba. Basta, busangot ang gwapo nitong mukha. Narinig kong nagtanungan ang mga nasa tabi kong dalaga kung bakit ba naging guro ang gayong mukha.

Hindi ko rin alam.

Hindi rin naman napag-usapan ng buwan at mundo iyong mga ganoong bagay. Noong huling beses sila mag-usap, hindi malinaw. Hindi rin nabigyan ng wakas. Hindi natuldukan.

Tiningnan ng guro ang mga estudyanteng kukuha ng pagsusulit. Isa-isa, matagal. Hanggang sa dumako sya sa akin at ni hindi tumagal ang tingin nya ng isang segundo dahil agad nyang iniiwas iyon na para bang mahahawahan ko sya ng isang nakamamatay na sakit.

Nakakapiga ng puso, pero sino nga naman ang buwan, para magreklamo, 'di ba? Ang buwan ang unang tumalikod, ang buwan ang unang nagdamot ng liwanag. Hindi ito dapat magreklamo na tinalikuran na rin sya ng mundo at araw na lamang ang gustong harapin.

Nakakapanghina ng mga tuhod kapag iniisip kong hindi na ako gustong harapin ng mundo at kung maari lang sana'y huwag nang gumabi upang hindi na nya makita ang buwan.

Tama ang sinabi ni Dusk. Pare-parehas kami sa unang parte dahil kahit sino ay ganoon ang itsura ng papel, at kahit hindi ko kita ang nakasulat dahil magkakalayo kami ay alam kong iyon din ang nakasulat sa papel ko (kahit hindi pa ako nagbabasa, pasensya na). May iilan na tumingin sa akin dahil nga, mas matanda na ako sa kanila ng ilang taon ngunit hindi ko na rin pinansin. Basta ba ako'y nag-aaral at pumapasok at humihingi ng pangalawang pagkakataon para sa mga pagsusulit, ay keri. Keri. Keri. Keri.

Biro lang. Ayos lang naman magbiro, 'di ba? Diyata't ako' namamalikta sa mga nakasulat sa papel ko.

Moon. Moon. Moon.

Nanlabo ang mga mata ko. Pinilit kong pumikit ng paulit-ulit para pigilan ang mga luhang nagbabadya. 

Hindi. Hindi ako pwedeng maiyak sa mga ganitong sitwasyon. Hindi maari, hindi pwede.

Wala akong karapatan.




the sun loved the moon so much
he died every night to let her breathe

- anonymous

---

"Huwag ka na lang kayang maging Earth? Araw na lang para mas poetic, 'di ba?"

"If I were to be the sun, we wouldn't cross paths except for eclipses, you dummy."

---

and she was like the moon, so lonely,
so full of imperfections,
but still managed to shine
in times of darkness and hopeless solitude

- anonymous

---

"Oh my god. Uutot ako!"

"What?!"

"I said I'd be farting! I'm sorry!"

"...."

"Why are you laughing?! Cover your nose! Ang baho!"

"..."

"Stop staring at me! I'm just human!"

"..."

"Faulkerson, stop laughing!"

"I love you, Mendoza. Really."

---

and i tell myself, a moon will rise from my darkness

- Mahmoud Darwish

---

"You can tell me anything, Faulkerson. Really. I wouldn't mind."

"..."

"When I told you I loved you, I love you. No buts. No because. No whys."

"..."

"I just love you, Earth."

---

she was like the moon;
a part of her was always hidden

- Dia Reeves

---

"Let's talk about your family."

"Wait - ang ganda nu'ng teddy bear!"

"Mendoza - "

"Tara muna doon! Mamaya na nga tayo magkuwentuhan!"

---

but there was no greater love that existed
than the love of the earth he gathered himself
for the moon and moon alone

- anonymous

---

"What do you want to be?"

"Yours."

"Siraulo. Ano nga? After graduation? May plano ka na ba?"

"Anywhere."

"Seryoso?"

"As long as I'm close to you, I'd be fine."

---

if you asked the Earth who does it love the most
he'll tell you it's the moon

-anonymous

---

"Faulkerson?"

"What?"

"Ayokong mine-measure ang pag-ibig pero may I just ask...
gaano mo ako kamahal?"

"..."

"Huwag mo nga akong ngitian. I'm entitled to be shallow, remember?"

"I love you, Mendoza."

"Eh naman. Hindi mo sinagot 'yung tanong ko."

"Why do I need to answer your questions? When you love someone,
you plainly love someone. You don't need to answer any more
questions. Love isn't questionable once you answer yes."

---

if you would ask the earth why it loved
darkness instead of light
he'd shamelessly point at the moon
he fell in love with easily
and carelessly

but endlessly

- anonymous




Nagsulat ako nang nagsulat, paulit-ulit. Hindi ko alam kung paanong nagpatuloy akong magsulat sa kabila ng mga nababasa at naiisip ko. Sa kabila ng lahat ng naalala ko, isang malaking misteryo kung paanong ako'y hindi tumigil sa pagsulat, sa pagsagot, sa pagpapaliwanag kung paano ginamit ang buwan bilang simbolismo sa ganitong kasabihan.

Meron daw madilim na parte ang buwan na hindi pinapakita. Ito na 'yon.

Punyetang mga manunulat ito. Punyetang anonymous ito. Punyeta ang lahat ng nasa papel na ito.

Kunwaring hindi nyo na lang ako narinig, kunyaring hindi nyo nakita ang madilim na parte ng buwan na iyon. Marahil kaya iyon itinatago dahil pangit; dahil takot ang buwan na makita at malaman ng lahat na hindi ito kasingganda ng iniisip ng karamihan.

Ngunit anong magagawa ko, hindi ba? Hindi kumpleto ang kahit sino at ang kahit ano ng walang itinatagong lihim; baho; kapintasan.

At sa kaso ko, iyon.

Marami akong pagkukulang, marami akong hindi nagawa. Marami akong hindi naipaliwanag - ngunit ang parusang ito ay sukdulan na. Sumasakit ang dibdib ko; makailang-ulit kong binasa ang isang piyesa at ganoon pa rin ang pakiramdam.

At tumakbo nang tumakbo nang tumakbo ang oras nang hindi ko namamalayan.

Pagkatapos kong sagutan ang unang pahina, umangat ang ulo ko sandali at iginala ko ang aking tingin. Walang katao-tao. Wala na akong katabi. Wala na ang mga babaeng humahagikgik kanina. Wala na rin ang bakas ng mga bag nilang dala-dala.

Ako.

Ako na lamang ang natitira.

Iniwasan ko ang tingin ng gurong kanina pa tahimik sa unahan. Hindi dahil sa ayaw ko syang makita, pero dahil hindi ko kakayanin.

Hindi ko kakayaning tingnan ang mundo pagkatapos ng lahat ng alaalang sumagi sa isip ko.

Hindi ko kakayaning hindi kainin ng sarili kong konsensya at manumbat gamit ang matayog kong pag-iisip na ako ang nang-iwan, ako ang naglihim, at sa parehas na pagkakataon, sapat ba?

Sapat ba ang lahat ng 'yon para magdusa ako ng ganito?

Ibinalik ko ang tingin ko sa papel ko. Isang pahina na lang, isang mahabang sanaysay, at tapos na ako. Makakaalis na ako sa apat na sulok ng silid-aralan na parang dalawa na lang sa sobrang sikip, sa sobra-sobrang iniikli ng distansya ng buwan at mundo.

At sa paglapit ng buwan sa mundo, tila ba lumakas ang hatak nito sa lahat ng alon, kahit hindi gabi.

Narinig ko ang bulong ng unang patak ng luha. Malapit na ako, sabi nito, ngunit sinagot ko ng Hindi pwede, hindi maari, babagsak tayo nyan, at paulit-ulit ko itong pinaalalahanan na wala akong karapatan. Wala akong karapatang malungkot at umiyak at magdusa...

... dahil tinanggalan ko na rin naman sya ng karapatan na mahalin ako.

Akala ko'y isang sanaysay na lang.

Akala ko'y isang tanong na lang.

Akala ko'y tapos na.

Akala ko'y dulo na.

Akala ko'y wakas na ang sunod na nakasulat sa pahina.

Tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko at kinailangan kong hawakan ang aking upuan para sa suporta noong mabasa ko ang tanong para sa akin sa pangalawang pahina.

Bakit?

Iyon lang. Isang salita. Isang tanong. Buwan, kaya mo 'yan. 'Di ba, kaibigan? Hala't isigaw natin paulit-ulit ang pangalan ng buwan upang ganahan naman sya magsagot. Kaya mo 'yan. Bakit lang naman, 'di ba?

Bakit lang.

Bakit lang ang sasagutin.

Bakit lang ang tanong na wala akong maisagot.

Lumunok ako ng tatlong beses, ng makapitong ulit, hanggang sa hindi ko na mabilang. Kasama kong nilulon ang mataas na marka sa Literatura ng mga panahong iyon dahil napagdesisyunan kong hindi ako sasagot; wala akong ibibigay na sagot. Alam kong hindi makatarungan na iyon lamang ang nakalagay sa papel ko ngayong sigurado kong iba ang nakalagay sa karamihan... pero hindi pa rin ako magsasagot. Matibay ang aking hindi.

Wala naman talaga akong maibibigay.

Niligpit ko na ang mga gamit ko. Tumayo. Naglakad. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan.

Nabunggo ako sa mesa, at tuod na tuod kong ipinatong ang aking papel doon. Hindi na ako nagpaalam. Hindi na ako nagsabi. Nagsimula na akong maglakad papalayo...

... dahil doon naman ako magaling.

Ang umiwas sa tanong, ang hindi magpaliwanag, ang mang-iwan na lamang bigla-bigla.

Nanatiling nakatungo ang buwan noong... may isang malamig na kamay ang humawak sa palapulsuhan nito.

At iyon na nga. Wala na akong alam kung anong nangyari, kung paano, saan, at ang kinatatakutan kong bakit.

Basta't puti.

Puti na ang nakikita ko at malakas na pabangong panlalaki na lamang ang naamoy ko.

Isama mo pa ang mga bisig na nagkulong sa aking payat na katawan, at ang mga kamay na pilit akong inilalapit sa kung anong bagay man itong mabango. Ilang segundo ring nagtanong ang buwan sa kung sinong sasagot sa kanya sa isip niya kung ano ang nangyayari.

At doon na nga niya naisip at napagtanto ang ilegal na paglalapit ng mundo at buwan.

Pilit itong nagpumiglas; hinawakan ang baywang ng kayakap upang kumuha ng lakas para ilayo ang sarili ngunit malakas, malakas iyong hatak ng mundo.

Oo nga pala. Mas malakas ang gravitational pull ng Earth kesa sa Moon. Bobo ko doon, ha. Pasensya na sa inyong mga nakikinig. Medyo... hindi ako nag-isip.

Anong sinabi ko sa 'yo?

H-ha?

'Wag kang lumapit.

S-sir kailangan kong magquiz ngayon -

Oo nga. Lumakas ang hatak ng mundo hanggang sa hindi na makahinga ang buwan. Isang tanong lang, Mendoza. Isang tanong lang. Wala akong ibang tanong, Mendoza.

Garalgal ang boses nito na syang ikinadurog ng puso ng buwan.

Bakit hindi mo pa masagot?

Hindi ko po naintindihan, Sir. Nagmatigas ang buwan, pilit na isinasaisip ang bakal na singsing ng mundo at ang kaisipang hindi tama, hindi na pwede, hindi na maari, at wala nang magagawa ang kahit anong dahilang sasabihin at ipapaliwanag nya. Hindi ko po alam ang sagot kasi hindi ko po naintindihan ng mabuti 'yung tanong.

Hindi mo naintindihan? Tumawa ng mapakla ang mundo at tumitig sa mga namumungay na mata ng buwan. O ayaw mong intindihin?

Nag-iwas ng tingin ang buwan. Hindi ko po talaga alam, Sir. Hindi ko po alam ang isasagot.

Doon na humina ang hatak ng mundo at naiwang mag-isa ang buwan.

You're not Mendoza anymore, Mendoza.

Umalingawngaw ang tawang mapakla ng mundo sa mga taingang pilit na sumasara ng buwan.

You're not the Moon I knew and loved.

המשך קריאה

You'll Also Like

37.4M 778K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
3.4K 376 41
sa sapilitang pagmamahal, kakayanin mo bang magpanggap na ok lang? Try to be the woman he wants and likes. kakayanin mo bang ipamuka niya sayong hind...
3.6M 42.1K 24
A girl who is afraid to give her heart away... and a man who is willing to win her heart...