Pabili ng Kandila

بواسطة vacantstairs

3.2K 86 7

Bakit nga ba laging tumatahol ang aso tuwing Alas dose ng madaling araw kasabay nito ang pagbili ng kandilang... المزيد

Seconde
Troisième
Quatrième
Cinquième
Sixième

Premier

943 18 0
بواسطة vacantstairs


Galing probinsiya si Christian, ngayon ay nakikituloy siya sa kanyang Tita Julieta, siya ang nagbabantay sa tindahan ng kanyang tiya sa maghapon at sa gabi siya pumapasok sa isang unibersidad. Naging ugali na ni Christian na pagkagaling sa eskuwelahan ay siya na ang nagsasara ng tindahan at madalas ay ginagabi na ito kung magsara dahil doon na niya ginagawa ang kanyang mga takdang aralin na ikinatutuwa naman ng kanyang Tiya Julieta dahil sa kanilang subdibisyon ay sa gabi malakas ang benta dahil sa mga nag-iinuman.

"Christian, tama na iyan iho, magsara ka na."

"Sige po Tita, magbabalanse lang po ako nitong benta natin at para mailista ko na rin ang mga bibilhin bukas."

"Alam mo iho, nagpapasalamat ako at sa lahat ng mga kamag-anak natin dito sa Maynila ay dito ka sa akin tumuloy, kung hindi, siguro ay isinara ko na ang tindahan ito, alam mo naman na hirap ako sa aking pagkikilos lalo na kapag sinusumpong ang aking rayuma, kundangan kasi itong mga pinsan mo eh ni hindi maaasahan dine sa tindahan."

"Walang anuman ho iyon Tita, eh ako pa nga ho ang dapat magpasalamat sa inyo, lahat libre na at madalas nyo pa akong bigyan ng pera. Salamat po."

"O siya sige, bahala ka na diyan ha."

"Opo Tita."

Dalawa ang mga anak ng kanyang tiyahin, sina Troy at James matagal ng nakapagtapos ang mga ito sa pag-aaral ngunit ayaw magsipagtrabaho ang mga ito at umaasa na lamang sa padala ng kanilang amang Kapitan ng isang pampasaherong barko sa Europa, kaya walang ginawa ang mga ito kundi ang maglakwatsa at makipagkarera ng kanilang mga mamahaling kotse.

Samantala isang gabi, pauwi na si Christian habang naglalakad sa loob ng subdibisyon ay may nakita itong babaeng naglalakad na nauuna sa kanya, hinabol niya ito.

"Miss, Miss, sandali lang."

Lumingon ang babae, sa una'y may halong pagtatanong ang reaksiyon ng mukha, ngunit ng mamukhaan ang tumatawag sa kanya ay ngumiti ito.

"Bakit?"

"Magandang gabi sa iyo! Nakikita kasi kita sa school eh, dito ka rin pala umuuwi?"

"A oo, namamasukan kasi ako bilang maid diyan sa dulo at nag-aaral naman ako sa gabi. Ikaw din madalas din kitang makita sa school at diyan sa tindahan nyo. Ako nga pala si Clarissa. "

"Ako si Christian. Kung gusto mo sabay na lamang tayo sa pag-uwi para naman may kakuwentuhan ako habang naglalakad."

"Sige, para hindi rin ako gaanong kinakabahan at para makatipid sa pamasahe."

itutuloy...


-*-

Please support my story. Xiexie. Ciao!

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

39.7K 892 23
Storya ng isang lalaking tahimik ang buhay pero nang matagpuan niya ang isang babaeng 'kala niya taga ibang planeta ay nagbago ang lahat. Tungh...
328K 5.7K 96
This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--h...
117K 5.9K 31
Tutuparin muli ng wishlist ang mga bagay na gugustuhin mong magkaroon. Subalit, gaya ni Rick kailangan sundin ni Sam ang mga utos para sa kaganapan n...
595K 17K 104
What if the bad boys met their match? What if the troublemakers met their match? What will happen if their worlds clash? Highest Rank: #14 in Teen Fi...