You're My Jerk and I'm Your B...

بواسطة MsAngela27

1.2M 31.7K 1.4K

Season 1 Falling in love was never in their plan. It all just happened. The magic of sweet gazes and wicked... المزيد

You're My Jerk and I'm Your Bitch
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
CHAPTER FIFTY-FOUR
CHAPTER FIFTY-FIVE
CHAPTER FIFTY-SIX
CHAPTER FIFTY-SEVEN
CHAPTER FIFTY-EIGHT
CHAPTER FIFTY-NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY-ONE
CHAPTER SIXTY-TWO
CHAPTER SIXTY-THREE
CHAPTER SIXTY-FOUR
CHAPTER SIXTY-FIVE
CHAPTER SIXTY-SIX
CHAPTER SIXTY-SEVEN
CHAPTER SIXTY-EIGHT
CHAPTER SIXTY-NINE
CHAPTER SEVENTY
CHAPTER SEVENTY-ONE
CHAPTER SEVENTY-TWO
CHAPTER SEVENTY-THREE
CHAPTER SEVENTY-FOUR
CHAPTER SEVENTY-FIVE
CHAPTER SEVENTY-SIX
CHAPTER SEVENTY-SEVEN
CHAPTER SEVENTY-EIGHT
CHAPTER SEVENTY-NINE
CHAPTER EIGHTY
CHAPTER EIGHTY-ONE
CHAPTER EIGHTY-TWO
CHAPTER EIGHTY-THREE
CHAPTER EIGHTY-FOUR
CHAPTER EIGHTY-FIVE
CHAPTER EIGHTY-SIX
CHAPTER EIGHTY-SEVEN
CHAPTER EIGHTY-EIGHT
CHAPTER EIGHTY-NINE
CHAPTER NINETY
EPILOGUE

PROLOGUE

123K 1.7K 430
بواسطة MsAngela27

Girls' Point of view: [D-Day of the classes]


"Hindi ka pa ba tapos sa pag-aayos, Scarlett? Kanina pa tayo nandidito, simula na ang klase! First day pa naman tapos mahuhuli tayo?" Reklamo agad ni Chloe kahit hindi pa naman nakakapasok sa kwarto ng kaibigan nilang si Scarlett.

Tumigil sa paglalakad si Chloe at kunot noong hinarap ang pinto ng kwarto at sunod-sunod itong kinatok.

Chloe Brooke Mendez, anak mayaman at may ari ang pamilya niya ng mga mall. Isa sa mga candidate na makakapasok sa Stagers section o Ten Outstanding Students na nagaganap lang tuwing 4th year student ka na sa Hundred University. Kung titignan sa magkakaibigan, ito ang pinaka-tahimik at mahirap basahin ang isipan. Minsan lang din magsalita at magsabi ng saloobin, hindi katulad ng mga kaibigan nito.

"Ito na ang susi, bubuksan ko na ang pinto ng kwarto." Anunsyo ng bagong dating na si Florence at tinaas pa ang mga dala na susi saka iyon pinakita kay Chloe.

"Tama pa nga," umusog si Chloe at hinayaan na makalapit si Florence sa pinto.

Florence Amber Collins, hindi katulad ng mga kaibigan, si Florence ay yumaman lang dahil nagpursige ang pamilya nila sa pagbi-business ng mga restaurant. Sikat na Chef ang pamilya nila kaya panigurado na makakapasok din ito sa Stagers Section sa susunod na taon. Unpredictable, ayan ang iniisip ng mga tao sa tuwing nasa harapan nila ang babae. Madalang lang din ito magsalita at kapag nagsalita naman ay panigurado na sasaktan nito ang damdamin mo. She hates relationships, wala siyang tiwala sa ganong bagay.

"Ayan, it open--"

"It's because I opened it!" Sigaw ni Scarlett at binuksan ang pinto. "Just wait for me, okay? I still need to put makeup on my face, may audition pa kasi ako mamaya--"

"Could you please stop putting makeup on your face?" Inis na sambit ni Florence. "It doesn't matter if you put some. Wala naman pinagbago ang mukha mo."

Naging busangot na ang mukha ni Florence at Chloe. Busangot din naman ang mukha ni Scarlett, oh hindi ba? Bestfriend goals sila? Mukha ng isa, mukha ng lahat!

"May audition kasi ako mamaya after class! Grabe naman kayo! Isa pa, pupunta sila Mom mamaya." Dagdag pa ng babae.

Scarlett Megan Lee, theater actress at natatangi ang kagandahan. Sa sobrang ganda kasi nito ay pwede itong manalo sa Ms. Universe pero baka hindi lang kayanin ng utak nito. Matalino naman ang babae, hindi lang nito kayang pantayan ang katalinuhan ng mga kaibigan. Katulad nila Florence at Chloe, isa din sa mga candidate na makapasok si Scarlett sa Stagers Section sa susunod na taon. May kaartihan ito pero kahit ganon, mapagmahal naman siyang kaibigan.

"Mamaya pa naman 'yon, ha?" Inis na sambit ni Chloe. "Please, sampong minuto na lang at mahuhuli na tayo sa opening ng klase."

Umirap naman si Scarlett at sinuklay ang mahaba nitong buhok. "Duh? Aanhin pa natin si Charlotte? She's still the President, right?" Tumalikod naman si Scarlett at bumalik na sa loob ng kwarto nito.

Suot ang uniform ay nagsuot ito ng leather jacket na kulay pink at headband na may mga makikintab na pearl.

"Yes and she might kill you anytime now if you'll stay here. Late na tayo." Sagot ni Florence sa kaibigan.

Ngumiti naman ng malapad si Scarlett at nag-ok sign. "Yep! Let's go!"

Bumaba ang magkakaibigan sa hagdan at naabutan nila sa couch si Charlotte habang nanonood ng palabas sa television. Hindi ito umiimik kaya panigurado na bad trip na ito sa mga kaibigan.

"Tara na," sambit ni Scarlett at pinagmamayabang pa ang suot nitong headband at leather jacket. "Gusto kong ipagmayabang ang mga ito." Humagikgik pa siya.

"And they'll make fun of you." Sambit ni Chloe at napailing na lang.

"You look childish, Scarlett. Iwanan mo na rito ang headband mo." Sabi naman ni Florence at nilapitan na si Charlotte.

Sakto naman na natapos ang pinapanood ni Charlotte kaya pinatay nito ang television at sinuot ang puting denim jacket at nagsuot din ng necktie na may design na lace sa gilid. "Tara." Inunahan na niya ang mga kaibigan na makalabas ng bahay.

Charlotte Skye Trinidad, tatlong taon na siyang President ng Hundred University, ang School na pinapasukan nila ngayon. Isa rin ito sa pinaka-inaasahan na estudyante roon at pinagkakatiwalaan ng mga tao kahit na introvert ito. Siguro ay ito na ang babaeng pinakakakaiba, ayaw kasi nito sa mga tao pero tumakbo siya bilang Presidente, ayaw rin nito makipaglaban pero palagi niyang pinapalo ang mga bagay-bagay na sinasalihan niya. Siya 'yung tao na mahihirapan kang patunguhan dahil sa talino nito. Pero kahit ganon, isa siya sa mga mayayaman sa Pilipinas, nagmamay-ari ng mga Hospital at gusto nito maging Doctor. Dahil sa grades at sa posisyon nito bilang Presidente, panigurado na makakapasok siya sa Stagers Section sa susunod na taon.

Nang marating ang HU o Hundred University, ang university na pinapasukan nilang apat ay taos-puso ang pagpapasalamat ng apat na nakahabol pa sila sa ceremony kaya nakapagsalita pa si Charlotte sa stage para gunitain ang mga freshmen.

Actually, everyone is above them. Even the School's rule and policy. The students in this School just made their existence hard and pretty convincing. Kinatakutan sila kaya lahat na ng mga estudyante ay natakot sa kanila. Wala naman nagawa ang apat kundi enjoy-in ang attention na binibigay sa kanila ng mga tao. You can call them Queen, only if you want to call them, just make sure you'll be their servant. The ladies are just student with lot of privileges and connections in their lives. Obviously, they can't rule this School. It's still a private institution run by Florence's Uncle. Ang mga tao lang ang gumagawa ng paraan para pagmunuan nila ang lugar na ito.

"We're classmates." Bungad ng kaibigan nila na si Charlotte nang makaalis sa bulletin board para tignan ang sections nila.

"Really?" Tumawa agad si Scarlett. "Ah, oo nga pala, Charlotte, nabalitaan mo ba na may nag-away na kaagad kaninang umaga? They're both sophomore." Ang bilis nga talaga ng tenga nito.

"Yes, inaayos na ng ilang Teacher sa Guidance Office." Sagot ni Charlotte habang tahimik na naglalakad sa pasilyo.

"Hindi ka pupunta?"

She shrug her shoulders. "Siguro mamaya na lang pagtapos ng klase." And that's another thing, ayaw nangingialam ni Charlotte sa buhay ng may buhay pero dahil tumakbo siya bilang Presidente at nanalo ng tatlong beses, wala siyang magagawa kundi pakinggan ang mga hinaing ng ibang estudyante.

Habang naglalakad sila ay may babaeng nakabangga sa balikat ni Florence. Kanina pa ito tahimik kaya naman napatigil silang apat sa paglalakad nang mahinang magmura si Florence. Freshman ang nakabangga sa balikat nito.

"S-sorry po, Ms. Florence! Nawawala lang po ako at h-hinahanap ko ang classroom ko!" Lumuhod pa ang babaeng nakabanggaan niya. Napairap na lang si Florence saka siya lumuhod at tinulungan makatayo ang babaeng nakabangga sa kanya.

Bakit ba kasi takot ang mga estudyante sa akin? Isip-isip nito habang tinulungan ang estudyante na makatayo.

"Look for the bulletin board downstairs, hanapin mo doon ang classroom mo. Don't wander in the hallways, wala ka sa museum." Irap ni Florence.

"S-salamat!"

Really? Takot talaga siya sa akin? Isip-isip na naman ni Florence sa babaeng estudyante. "Whatever." Tumakbo na palayo ang babaeng nakabangga niya, takot talaga ang mga students sa kanila.

Nagkatinginan naman silang apat at nagtawanan na lang. Si Scarlett ay ginaya pa ang ginawa at sinabi ni Florence habang si Chloe ay tawa lang nang tawa. Si Charlotte naman ay tinulungan pa si Scarlett sa paggaya.

Boys' Point of View: [D-7 before the start of classes in Hundred University]

Secluded na kwarto, eh kwarto naman kasi ito ni Jayden. Naging hideout na nila ang kwarto ng kaibigan dahil dito sila palagi tumatambay. Wala naman angal ang kaibigan lalo na't kakabalik lang nito galing ibang bansa. Bukod pa roon, lahat sila ay palapit pa lang sa edad na 18 para makapunta sa bar at uminom ng alak.

"Ayoko nga sabi!" Matigas na sagot nila Callum at Ethan kay Bailey. "Bakit ba namimilit ka? Enrolled na ako sa katabing school niyan." Irap pa ni Callum.

"Enrolled ka sa School na papasukan ni Helena?" Tanong kaagad ni Ethan nang marinig ang sinabi ng kaibigan.

Tumango naman si Callum. "Hindi ko na sinabi sayo kasi baka sumunod ka--"

"D-diyan na rin ako mag-aaral--"

"Dimwit! Manahimik kang lalaki ka! Patay na patay ka kay Helena eh niloko at iniwan ka na nga!" Sambit ni Callum at binato ito ng walang laman na beer sa can.

Ethan Riley Montenegro, ang negosyo ng pamilya nila ang matuturing na pinakamaraming pera na nakukuha. Ikaw ba naman kasi ang mag-negosyo ng mga kotse na nag-iimport sa ibang bansa. Hindi katulad ng iba niyang mga kaibigan, si Ethan ay maagang nagmahal at maaga ding naloko at naiwan ng girlfriend. He used to be a jolly person pero nang makipaghiwalay si Helena ay napagsakluban na ito ng langit at lupa. Kaya ngayon, handa siyang ibigay ang lahat niya para lang maging maayos na ulit.

"Eh bakit kasi ayaw niyong sa Hundred University tayo pumasok para sa third year?" Tanong pa uli ni Bailey.

Bailey Caleb Smith, pamatay sa babae ang angking ngiti nito. May kapatid na sadista at nagmamay-ari sila ng airline. Mayaman siya pero mas gusto pa nitong makitulog sa ibang bahay para lang malayo sa pamilya nitong sakit sa ulo. Palagi nitong ginagamit ang kagwapuhan para makuha ang gusto nito, lalo na kapag gusto nito ang babae. He can be a devil, living in an angel form.

"Maganda naman ang facilities. Natignan ko na din ang tuition at kaya naman natin iyong bayaran. Come on! Ano pa bang gusto niyo? Sagutin ko ang first semester tuition fees niyo?!" Sigaw pa ng lalaki.

Napairap na lang si Jayden na nakahiga sa lapag habang may hawak na mini airplane na binili sa ibang bansa. "Diyan nag-aral sina Ate Hana, Ate Esme at ng kapatid mong sadista, Bailey." Singit naman ni Jayden at ibinababa ang hawak nitong eroplano at tinabi ang earphone na ginamit sa bulsa ng pantalon.

"Kaya nga eh! Ayaw niyo ba ro'n? Maganda naman ang pagtuturo!" Dagdag pa ni Bailey.

"Ayoko pa rin, bro'. Ang pagkakaalam ko bias ang school na 'yan. Mataas nga ang ranking ng school pero mukhang hindi maganda ugali ng mga estudyante." Dagdag ni Jayden at nilaro na ulit ang mini figure na eroplano.

Jayden Luke Yoo, ayaw nito sa mga babae pero kayang-kaya nito maging babaero. Malakas kasi siya gumamit ng mga mabulaklak na mga salita na panalong-panalo sa mga babae. May ari ang pamilya nito ng mga resort na sikat sa Boracay, Palawan, Siargao at iba-iba pang lugar. Ang isang ito ay matalino, lahat na yata ng gusto mo sa lalaki ay nasa kanya na. Maliban na lang sa hindi ito close sa Tatay niya at ayaw na ayaw niyang nakikita iyon.

"Maganda naman, ha?" Tanong pa ni Bailey at napailing na lang. "Come on guys, I want to study in that school. Magaganda ang mga estudyante at sila rin 'yung nababalita sa article at mga blogs ng school na iyon!"

Gusto nang batukan ni Jayden ang kaibigan na nagmamaktol sa ibabaw ng kama nito para lang matupad ang gusto nito.

"Really?" Naging interesado na si Callum sa usapan nang marinig na magaganda pala ang mga estudyante doon. "Teka, sabihin mo nga bro', ano bang meron sa paaralan na 'yon at gusto mong mag-aral doon?"

Umayos sa pagkakaupo si Bailey at hinarap si Callum. "Isa lang rason ko, bro'."

"Anong rason mo?"

"I know someone there."

Napakunot naman ang noo ni Ethan sa sinabi ng kaibigan. "Lahat naman yata ay kilala mo?" Tanong ni Ethan. "Isa pa, bakit doon pa tayo mag-aaral? Pwede naman tayo sumunod kay Callum na naka-enroll na pala sa katabi niyang school."

"Stupid! Why would I? Seryoso kasi ako mga kapatid, may kilala ako roon!"

Nagsalita naman si Jayden habang nakapikit pero nakikinig pa rin naman sa usapan nitong tatlo niyang kaibigan. "Ethan, gusto mo lang makita ang ex-girlfriend mo at ipamukha rito na maayos ka na eh--" tumigil ito, "--ay mali, maayos na nga ba?"

Binato naman ni Ethan si Jayden kaya nagtawanan ang dalawa. "Ano ba?! Move on na ako kay Helena!" Galit na sigaw ni Ethan na halata namang nangangarap talaga sa gusto nito. "And please don't make fun of her or her name. Babae pa rin siya, stop telling negative things about Helena." Iniwas nito ang tingin sa mga kaibigan.

Masyado kasing pahalata eh.

"Isang taon na, ah? Hindi ka pa rin pala talaga moved on kay Helena?" Tanong ni Callum at napailing na lang. "Kalokohan na 'yan,"

Callum Stanley Buenavista, para sa mga babae, ang lalaking ito ay halimbawa ng perpektong tao. Mula sa itsyura, sa talino, hubog ng katawan at sa yaman nito ay gugustuhin ng mga babae na makuha ito. Sayang nga lang at wala siyang pake sa mga babae. Gusto lang nito na maging proud sa kaniya ang mga magulang nito. Isa din ang pamilya niya sa mayayaman dahil madami silang Hospital na nasa Europe.

Bumuntong hininga naman si Ethan at inirapan ang mga kaibigan. "Ayoko lang na pag-usapan niyo siya. T-tapos na kami ni Helena. Huwag niyo na nga siyang i-bring up sa akin--"

"Then prove us," nakangisi naman na panghihimok ni Callum kay Ethan, "prove us na wala na talaga sayo si Helena, ang babaeng nanloko sayo."

"Huh! Talaga!" Napangisi rin naman si Ethan saka tumayo at tinignan si Bailey na merong malawak na ngiti sa mukha. "Sige! Papayag ako! Sa Hundred University na ako mag-aaral. Maghahanap ako ng babae at papatunayan ko sa inyo na okay na ako na wala si Helena." With pride pang sinigaw ni Ethan 'yan ah?

"Gagamit ka ng babae?" Nakangisi rin namang sabi nito ni Jayden. "I'm telling you bro, if you do that I'll fucking kill you with my own hands." Ayaw kasi ni Jayden sa mga babaero, katulad niya lang. Well, para naman kasi rito ay laro-laro lang ang ginagawa niya.

"H-hindi ha!" Defensive na sigaw na naman ni Ethan. "Ayoko rin naman gumamit ng babae. Syempre, mamahalin ko muna 'yung babae p-para..."

"Sus!" Sambit ni Bailey at nilingon sina Callum at Jayden. "Kayo? Hihiwalay pa kayo sa amin?"

"At bakit naman?" Kunot noong tanong nito ni Callum.

"Come on, 'yung kilala ko ay may tatlo pang kaibigan. Panigurado na mahihirapan ako kapag nandon 'yung tatlo!" Dahil sa sinabi ng kaibigan ay sabay-sabay na napakunot ang noo ng mga ito. "I want to be with Scarlett Lee! Kayo na ang bahala sa tatlo pa niyang kaibigan." Nakangiting suggestion naman nito ni Bailey. "Bahala na kayo sa mga iisipin niyo basta ang gusto ko ay tulungan niyo ako sa babaeng iyon!" At dahil sa sinabi niya ay agad na napakunot ang noo nung tatlo at lumapit pa sa kanya.

Nagtataka kasi 'yung tatlo kung paano nalaman ni Bailey ang pangalan na Scarlett Lee kung hindi pa man sila nakakapasok ng Hundred University.

Isa na naman ba sa mga babae ni bro' ang Scarlett na iyon? Isip ni Ethan habang nakatitig sa kaibigan.

Grabe, ah? Gusto ba ng babaeng 'yun si Bailey kaya ngayon ay gusto na rin ni bro' na makasama ang babaeng 'yon?! Isip ni Callum at napailing na lang.

Pero si Jayden? Isang ngisi lang ang umusbong sa mukha nito.

May nagawa bang kasalanan ang babaeng iyon para sundan ni Bailey? Tumawa pa ito sa isipan niya. For sure! Babaero ang isang ito pero hindi naman siya susunod sa babaeng iyon kung wala itong ginawa sa kanya.

"Ahh! Grabe naman!" Tumawa pa si Jayden at iiling-iling habang nasa harapan ni Bailey at nagtatakang nakatingin sa kanya. "Sige, gusto ko 'yon, huh? Papahirapan natin ang mga kaibigan niya para makaganti ka sa babaeng iyon?"

Kumunot ang noo ni Bailey. "Huh? What the fuck are you saying--"

"Or pwede rin naman na tutulungan ka namin para masolo ka nung Scarlett." Iiling-iling din si Ethan. "Hay, matanda ka na talagang hinayupak ka."

"What?! Hoy! Mali kayo nang mga iniisip--"

"Alam namin na gago ka pero pwede bang bawas-bawasan mo?" Umirap si Callum. "I will call the school later, iwi-withdraw ko ang files ko ro'n para makasama ako sa inyo."

"Yes!" Sigaw ni Bailey at sumapak pa sa hangin. "Salamat mga bro--" napatigil ito nang mapansin na nakatitig lang sa kanya ang tatlo. "Lumayo nga kayo! Para kayong mga papatay ha?!"

"Asa! Sige, payag na ako, sa Hundred University na tayo pumasok." Sabi ni Callum at tumayo na at dire-diretchong lumabas ng kwarto ni Jayden.

Napangiti naman ng malawak 'tong Bailey na ito at tinignan ang dalawa na halatang nag-iisip pa din.

"Count me in," nakangising sagot ni Jayden at nahiga na sa kama niya.

"Yes! Ayun oh! O pano ka, bro'?" Kumento nitong Bailey kay Ethan.

"Papaiwan ba ako bro? Sus! Kapag ako naiwan pano kayo? Ako pa naman pinaka gwapo--"

"Sinungaling ka! Pandak!" Sigaw ni Bailey at dali-dali nang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ni Jayden. Alam niya kasing hahabulin siya nito ni Ethan. Kaya nga ang bilis niyang tumakbo papunta sa labas ng mansion ni Jayden at sumakay sa kotse niya.

At habang nasa kotse siya..

"...we'll meet again, lady," isang ngising hindi makakalimutan ang umusbong dito. Dahil sa wakas, makikita na niya ulit si Scarlett Lee.

Ang babaeng hinding-hindi na makakalimutan ng sistema nito.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
19.9K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
FEIGHT (Famous Eight) بواسطة Mac

قصص المراهقين

635K 39.7K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...