My 3 Days Boyfriends (M3DB)...

Autorstwa MizBiz

2K 17 3

Dahil sa super duper na experience ng mom at ate niya sa relationship sa mga lalake,, Ayaw na ni Anya magkaro... Więcej

My 3 Days Boyfriends (M3DB)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part3)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day2: part3)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part1)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part2)
EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part3) - end of episode 1

EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day1: part4)

120 2 0
Autorstwa MizBiz

<CONTINUATION>

Nagtext si Peter..

Kain na u.. ANya.. wag papagutom,, study your lessons before you go to sleep.. :)

nagkunyarian nalang ako na tulog na para di na ako makapagreply,,, di naman sa  ayoko kay Peter,, im trying to give him a chance pero nalalabuan ako... di ko alm kung tama pa ba na ientertain ko siya? aaminin ko.. may chance naman siya.. Mabait siya,,, tipong gentle man... pero di ko alam,, di ko siya maintindihan.. kahit pilit ko siya intindihin eh parang nalalabuan ako sa kanya,,,

tumayo ako at nagpalit ng damit at dumaretso sa baba para makakain nagsisigawan na din naman kasi angg mga bulate ko sa tiyan,,.. tinatawag na din kasi ako ni Ate..

nakain kameng tatlo at super nakatingin silang dalawa sakin.. na tipong may nagawa akong krimen,,

"Oh? ano problema niyo?"  tanong ko,,, super kasi sila makatingin.. parang mga sira

"So magwento ka naman about kay Peter?" tanong agad ni mama

"Ma naman... ayos lang... ?"

"Nanliligaw ba yun?" dagdag na tanong ni ate.

"OO,, ganda ko kasi. ahaha" biro ko,

"Indi nga Anya,, yung totoo.. " kulet ni ate,,

"Anla, naman,,, kanina pa eh.. oo nga,, oo nga,,," painis na sagot ko,

"Hinatid ka nya?"

"Ano ba kayo??? kita nyo nga diba,, malamang.. ano yun service ko?"

"Anak,, pano? buti naman, ano sumanib sayo at natauhan ka na,, at pinayagan mo siya manligaw,, grabe anak.. buti naiintindihan mo na ang meaning ng pagibig?"

Pagibig? kakornee,, honestly,,, ligaw lang naman yun,, eh wala nga akong bahid na nararamdaman kay Peter,, hmm wala nga ba??

"Ma, naman,, alam niyo nakakawala kayo ng gana kumain.."

Dati rati kasi,, di talaga ako nagpapaligaw,, tipong ayoko talaga na may magtatanong sakin na,, pwedeng manligaw? grabe,, nangangati ang buong katawan ko pag may naririning na ganun,, actually nga kanina eh, super nangati ako nung narining ko yun kay Peter na tipong gustop  ko maghubad sa sobrang kati at magpagulong gulon sa may sahig,, kaso, syempre naman,, pagnaghubad ako baka mas matuwa pa yun si Peter,,,

Todo padin ang pagtatanong nina ate at mama,,, hanggang sa pagliligpit ko ng pinggan eh nagtatanong,, eh isa lang naman lage ang tanong ng mga yun,,

"Nanliligaw nga ba yun Anya..?"

"OO nga kakulit naman,,, kanina pa eh.."

Eh miski nga nung nasa banyo ako, kakatok pa si mama para magtanong lang,,

"Anya!! ANya!! nanliligaw nga ba sayo ni Peter ba yun" sigaw ni mama habang kinakatok ako sa may banyo,,

"Waaah,,, tigilan niyo na ako,,,!!"

OO na po,, oo na po,, isisigaw ko sa buong sanlibutan,, nagpapaligaw na nga ako,, kaya pwde ba,,, tama na ang mga tanong,,

Tumaas ako sa kwarto ko after ko maglinis ng katawan at magligpit ng hapagkaininan,,

Umupo ako sa desk ko,, may essay pa pala ako na dapat gawin,, teka teka,, clear ko lang ha,, may pagkaO.A lang po ang mga Tropa ko nung sabihin na 5 pages dapat yung essay,,, grabe,, ano yun novel? summarize nga daw eh tapos gagawing 5 pages,, gusto lang nng mga yun na habaan yung essay namen kasi daw eh ag mahaba daw yung essay eh tiyak mataas ang grade,,,

ganun naman kasi ang mga prof,, may pagkatamad din naman sila,, tulad lang din natin na mga estudyante,, lalo na sa mga essay works na yan,,, meron ata silang instant essay analyser natipong isang tingin lang nila eh nalalaman na agad nila ang score mo dun without checking the content nung essay,, babasahin nila yung first to third sentence then jump sa may last sentence na,,, pag nakitang mabaha yung gawa mo,, wow,, instant A+ ka na,, eh ni hindi nga nila ata chinecheck yung midlle part nun eh,,, maayos naman ako gumawa ng essay,, magaling kaya ako sa english,,, yun lang kasi ang bagay na di kailangan ng pagiisip at solving,,,, di din precise yung dapat mong isagot kasi una it is based on your own perspective,,, kaya mo idepend kasi una gawa mo yun,,, pero ang worst part eh,, nagisip isip ka nga ng isusulat eh,, ibabase lang yun sa haba ng sinulat mo,, yun nga lage kinaiinisan nina Nadine,, pag wala pang half ng paper ang nasusulat mo,, C o F ang grade mo,, pagumabot sa gitna ng paper mo at may labis pa,, malamang B,, pag puno ang first page mo at may mga singit na konti sa likod tiyak A ka,, at pag lumampas sa isang papel ang sinulat mo,, malamang A+ ka,, ayun ang hiwaga ng essay,,, tulad ko nga,, pagnakita kasi ang prof ng isang mahabang sulatin eh nahihilo malamang sila at sasabihin nalang na nageffort naman siya,,, syempre aaksayihn ba ng prof ang basahin ang mahaba mong sinulat kung katumbas nito eh 3 essay na ng iba,,, diba,, im so genius,,

Eh pano naman hahabaan ang essay? madali lang,, ang daming mga word na tinatawag ko singit-ers,, pwede mong paikot ikutin ang essay mo,, at isingit ang mga word na,, eventhough, so, therefore,, where,, so my point is,,, literally,, meaning,, according to me, so, then, however,  o ano pang mga anek anek sa buhay,,, last essay ko eh,, A+ ako,, syempre,, pinasukan ko ng madaming madaming ' so my point is' akalain mo yun,,, ang dami kong point na tipong di na ako matapos sa kakapoint ko,,,, ang weird kasi malamang pag nabasa yun ng prof eh tiyak sabon ako,, kasi umpisa palang ako eh binibigay ko na yung point ko,, at paulit ulit lang ako,,,

.. the moral people will know their rights and obligation to our country,, so my point here is,, pilipinos in our country will know their obligation and right and that is a moral person,, so my point is if you are moral you will know the obligation and your rights for your beloved country which is the philippines,, so the point is,, Our country people,, will always know their obligation and their right because they are morale,, so thats my point....

kitam,, in one thought eh nahabaan ko yung aking point,,  tapos ulit ulitin mo lang paltan mo ng therefore, o everthough,, para mga di ka madutdot dyan kakabbigay ng point, at good thing eh A+ naman ako nung tme na yun.. then lagyan mo ng magarbong ending,, (tulad nga ng sinabi ko about sa happy ending essay ko)

pero ang worst part eh,, pag babasahain mo yung essay mo sa klase,, well magdasal dasal ka na sa lahat ng santo, lahat ng papa, lahat ng mga character sa biblia,, diyos ng bato, diyos ng hangin,, diyos ng kahihiyan, diyos ng utot,, at diyos ng kung ano ano pa,, na sana wag mabunot papel mo o matawag pangalan mo kasi tiyak,, pag natawag papel mo eh papasakitin mo ulo ng mga makikinig sayo,, at malamang eh lalamunin ka ng lupa sa kahihiyan,,,

sikreto lang yun ng tamad sa essay na tulad ko,,

alah,, art of war,, ano naman isusulat ko dito,, eh parang sinilip ko lang yung libro kanina,, bakit kasi nahiya pa ako na magpagawa kay Peter,, ngayon muka tuloy akong tangang nagsisisi, pano ko sisimulan ang essay na to,,,

dahil nauubos na oras ko sa kakaisip isa lang ang solusyon dyan,, isa pang sikreto ng mga tamad na tulad ko,,  binuksan ko ang computer ko at naghanap ako sa net ng mga summarize ng mga ibang tao, okay.. copy,, paste,,, hanap ule sa iba,, paghahaluin haluin ko,,, copy paste ule,, o diba,, wala pang ilang hours eh may mahabang essay na ako at nagkaroon pa ako ng time magcheck ng facebook, at ano ano pa..

humiga ako sa kama ko,, dahil sobrang pagod ako.. (wow? napagod sa essay? ) gabi na dn naman kasi, inisip ko ang mga bagy bagay,, ganito naman kasi ako lage,, pagdating ng gabe eh nasesenti ako,,, wag na makulit,, ewan ko paggabe kasi yun lang yung time na nakakpagisip ako,,, mula sa dad ko na iniwan kame, sa ate ko, sa mama ko,, sa mga friends ko,,, iniisip ko yun,, pati ang school, ang problema ng pilipinas, ang butiki sa kisame,, ang agiw sa taas,, lahat eh inisip ko,,

syempre this time eh,,, si Peter ang nasa isip ko,,  tama ba ang ginawa ko,, kow naman anya,, kakadebut mo lang,,, ayoko naman ang tumandang losyang na tipong wala makakasama sa pagtanda,, gusto ko din ng mga anak at mga apo sa aking pagtanda,, wala naman masama sa pagentertain ng mga manliligaw,, ang masama lang lage eh pag nagexpect masyado ang guy, ganun naman lage eh,, sila yung mageexpect tapos sila yung magagalit,,, teka ha,, nanliligaw ka lang,, di ibig sabihin na nanligaw ka eh sinasagot na kita, para magalit sakin at isisi sakin lahat ng hinanakit mo..,, ang poop eh.. ang labo...

Eh si Peter? tingin ko mabait naman siya..

waaahh.. makatulog na nga lang,,, ano ba yan, bahala na,, malay mo naman magwork out, malay mo naman marealize kong gusto ko din si Peter,, malay mo maging masaya ako,, malay mo...

malay mo...

malay mo siya na nga....

 <TO BE CONTINUE: day 2: ang date>

Czytaj Dalej