My Naughty Bratinella (Comple...

Da twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 17

2.6K 55 1
Da twinklingberyl

Amethyst's POV


"Wala kang balak bumaba?" tanong niya ng makapag-park na kami.

"Open the door for me." Naka-cross arms pa na sagot ko sa kanya, "I'm a princess and you should be a gentleman." I added.

"You have your two hands your highness. Kung ayaw mong bumaba, then stay." Nakangisi pang sagot niya atsaka siya bumaba ng sasakyan at iniwan ako dun.

Oh gosh! Ang sakit niya sa bangs! Wala tuloy akong nagawa kundi ang padabog na bumaba ng sasakyan at habulin siyang nagpatiuna na sa paglalakad. Pagdating pa lang namin ng entrance ng mall ay puno na ng tao at karamihan sa kanila may mga dalang banner. Umuulan ngayon ng mukha ni Jace! Sana pala nagdala din ako.

"Girl, siya ata si Amethyst Tuazon." Narinig kong bulong ng isang fan sa kasama niya na agad naming tumingin sa akin.

"Owww. Yung na-link kay Jace nung isang araw?" the girl asked na tinanguan naman ng kasama, "Maganda naman pala talaga pero quiet ka lang kasi solid JaceLeen tayo." She added.

Agad akong umirap ng marinig ko yun at sumiksik ako para makapasok sa loob ng mall. Gosh, ang sikip ah. Baka ma-suffocate ako ditto at ma-deads, Hahaha O.A lang. Halu-halo kasing pabango ang nai-smell ng nose ko.

"C'mmon." Biglang sabi ni Cloud na inilahad ang kamay niya sa akin.

Nagtaas agad ako ng isang kilay, "For what?" I asked.

"Daming tanong!"

"It's just one question, duh."

"Whatever. Bagal mo e." sabay hawak niya sa kamay ko at hinatak ako papuntang kung saan. Damn this man!

**********

"You idiot! You almost killed me! Damn!" I shouted ng bitiwan niya ko. Siraulo talaga, hatakin ba naman ako sa kumpulan ng mga tao sabay takbo. Kung sinu-sino tuloy nabangga ko.

"O.A mo, pfft." Natatawang sabi niya, "Maaga tayo ng 30 minutes, kain muna tayo. Nagmumukha akong fanboy ni Jace e."

"He's your friend dapat lang na maging fan ka niya."

"I support him, yes. But not as a fan."

"Whatever." I said then I rolled my eyes. Nginisihan niya lang ako at sabay kami na tumungo sa isang restaurant.

Patapos na kaming kumain ng may ma-receive na tawag si Cloud galling kay Jace.

"Alright, alright...patapos na rin kami...Damn, It's obvious Jace. Pfft. Stop being so fuckin' excited, magkikita rin kayo." Tumatawang sabi ni Cloud bago niya pinatay ang cellphone.

"Bakit excited si Jace? Sino makikita niya?" I asked after their conversation.

"Secret, Pfft." Aniya sabay subo ng steak na natitira sa plato.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nagmadali akong tinapos yung kinakain ko. Excited na kong makita si Jace e!

After naming kumain ay tumungo na kami sa activity center kung saan gaganapin ang Album Launching ni Jace. At dahil kilala kami ni Jace ay sa backstage kami pina-diretso! Gaaaahd! First time ko to!

"Kapag may tour ba si Jace lagi kayong nasa backstage o kaya sa dressing room niya?" I asked Cloud na ngayon ay prenteng nakaupo sa couch.

"Of course. Alangan naming sasama kami sa mga fans niya? Tss." Bored na sagot niya.

"Sana pala noon pa kita nakilala kahit nakakabwiset ka, eh di sana palagi rin akong nandito." Ngiting ngiti na sabi ko sa kanya kaya napailing na lang siya.

Napatayo ako ng dumating si Jace at binigyan ko siya ng isang pinakamatamis na ngiti ng isang Amethyst Tuazon pero ng makita ko si Aileen na nakasunod sa likod niya ay agad rin iyong napawi. Akala ko ba mall tour lang to ni Jace?

Sinulyapan ko si Cloud sa gilid ko at halatang nagulat din siya.

"Amethyst..." Jace uttered kaya ayun, natimang na naman ako ng pakitaan niya ko ng killer smile niya.

"J-Jace..." nauutal na sabi ko.

"A-Aileen..." kagaya ko ay nakatayo rin siya at halatang kinakabahan ng makita ang ex niya.

"Ow, Cloud." Aileen said smiling.

Huwaw! Ano 'to, tawagan lang kami ng pangalan? Hindi ko alam kung matatawa ba ko o mao-awkward e. Lalapit na sana si Jace sa akin ng pigilan siya ni Aileen sa kamay.

"There are cameras, Jace." She whispered.

Pareho kaming napatingin ni Cloud sa kamay ni Aileen na nakahawak sa kamay ni Jace.

"Pre san kayo dumaan? Ang daming tao sa entrance pa lang ah?" biglang tanong ni Cloud. Alam kong tinatanggal lang niya ang awkwardness sa aming apat.

"Tss. Kapag di madaanan ang entrance, saan pa nga ba? Eh di sa exit, pfft." Jace answered at bahagya pa siyang natawa. Oh my, Jace.

Tumingin ako kay Aileen at nginitian niya ko kaya nginitian ko rin siya pero there's something about her smile pati yung mga tinginan niya. Gusto kong bakit magkasama sila pero naisip kong loveteam nga pala sila at baka magpo-promote lang sila ng movie.

"Jace, start na tayo in 5 minutes." Biglang sabi nung isang staff kaya tumango si Jace ditto.

"Okay lang ba kayo dito?" Jace asked.

"C'mmon Jace, lagi naman kaming nasa backstage pag mall tour mo ngayon ka pa magtatanong kung okay lang?" si Cloud ang sumagot.

"Hell, dude! I'm pertaining to Amethyst!" he said laughing.

"But you said 'kayo'." Nag-qoutation pa sa ere si Cloud dun sa word na 'kayo'.

"Para di halata, gago! Pfft. Panira ka e!"

Err. The hell Jace! Alam kong nagba-blush na ko ngayon dahil sa takbo ng usapan nila. Hindi naman ako slow noh! Nakikitawa na lang din ako sa kanila kahit nao-awkward ako pero grabe lang gusto ko ng tumambling sabay split sa sobrang kilig!

Napadako ang tingin ko kay Aileen na nakatingin pala sa akin. Naka-cross arms siya sa gilid ni Jace at matabang akong nginitian pero di ko na lang iyon pinansin dahil lumabas na si Jace sa backstage at talaga naming dumagundong ang mall lalo na ng mag-umpisa na siyang kumanta.

One hour lang ang duration ng Album Launching niya, 30 minutes sa chikahan at kantahan, 30 minutes para sa autograph signing at papicture sa kanya with his album. After ng pang-apat niyang kanta ay lumabas na rin si Aileen. So tama nga ako, nandito rin si Aileen as his special guest para ipakilala ito at ang JaceLeen loveteam na bagong magpapakilig daw ng sambayanan at para ipromote na rin ang movie nila.

Sumilip ako sa gilid at hindi ko maiwasan ang hindi mainis. The way they hold each other's hand habang kumakanta si Jace at titig na titig sa todo ngiting si Aileen. Oh gosh, love team lang sila! Erase your negative thoughts Amethyst!

"They're just doing their job. Pero ang tindi! Kelan lang sila ipinakilala, nag-click agad sila." Biglang sabi ni Cloud na nasa gilid ko na pala at pinapanood rin ang dalawang naglalambingan sa stage.

"Aren't you jealous?" I asked, "She's your ex and he's your bestfriend." I added.

"Yeah, he's my bestfriend that's why I trust him." He answered without looking at me.

"Sus! Ang plastic mo! If I know, tinatadtad mo na ng pinung-pino si Jace diyan sa utak mo habang pinapasagasaan sa ten wheeler truck, hahaha." Pang-aasar ko sa kanya na tinawanan lang niya.

After kantahan at picture picture sa mga fans nila Jace at Aileen ay babalik na sila sa backstage. Inilahad ni Cloud ang kamay niya para alalayan si Aileen pababa ng hagdan ng stage pero tinanggihan iyon ni Aileen at may binulong kay Jace na nakasunod sa likod niya. Palihim na umiling si Jace atsaka hinawakan sa bewang si Aileen para alalayan itong makababa kaya nagtilian na naman yung mga tao. Kumaway-kaway pa silang dalawa sa mga fans nila bago sila tuluyang makabalik ng backstage.

"Ayusin mo yang mukha mo, para kang batang inagawan ng candy." Bulong ko kay Cloud na nakabusangot ang mukha. Naiinis ako sa kanya pero this time, mas naiinis ako kay Aileen, "Uhm...Jace, picture tayo. Okay lang ba?" I asked smiling. Malakas na ang loob ko dahil friends na kami atsaka ang tagal kong hinintay to noh.

"Sure." Full smile din na sagot niya tapos lumapit siya sa akin at pumwesto sa likod ko. Itinapat ko agad yung cellphone kong naka-front cam para sa selfie naming. Para akong na-freeze ng ipatong niya ang chin niya sa may balikat ko atsaka nag-wacky. I know I'm blushing right now but damn you Jace! Kinikilig ako. Apat na wacky shots ang tinake ko at kapag titingnan ko yung picture namin nay un ay hindi ko mapigilan ang pagngiti. Shems! Mukha kaming mag boyfriend-girlfriend! Mabilis kong in-uppload sa twitter at IG yung picture naming. Kung dati ay ayokong mag-uppload ng pictures namin, ngayon ay wala na akong kinakatakot dahil alam naman na ng lahat na magkaibigan lang kami ni Jace. Siyempre nilagyan ko ng caption na, 'Wacky Time with Jace C. Congratulations!'

"Jace, let's take a picture too." Full smile din na sabi ni Aileen atsaka lumapit kay Jace at tumingkayad siya para maakbayan ito. Sabay pa kaming nag-iwas ng tingin ni Cloud ng biglang halikan ni Aileen si Jace sa pisngi kasabay ng pag-click ng camera.

"Ayieeeh! Totohanan na yan ah..." kantiyaw ng isang staff. Sa sobrang inis ko sa sinabi niya ay pinatid ko siya nung dumaan siya sa harap ko kaya muntik na siyang bumulagta sa sahig. Dalawa kami ni Cloud ang sinamaan nya ng tingin dahil tinawanan din siya ni Cloud.

'You're fuckin' insane." Cloud whispered na nagpipigil pa rin ng tawa.

"Yes, I am." Bulong ko rin. Di iyon napansin nung dalawa dahil may pinag-uusapan na sila at tungkol ata yun sa movie.

Blangko ang ekspresyon ni Aileen ng lingunin niya ko dahil napansin niya sigurong panay ang salita niya habang nasa akin naman ang atensiyon ni Jace.

"Let's talk about it later, Aileen. Excuse me." Narinig kong sabi ni Jace kay Aileen sabay lapit sa akin, "Dinner?" he asked smiling. Oh Gosh, who am I to refuse?

"S-sure." I said.

"Let's go—"

"Jace..." biglang tawag ni Aileen kaya nilingon siya nito.

"What?"

"Sama ako sa dinner niyo ni Amethyst."

Nabaling ang atensiyon naming lahat kay Aileen sa sinabi niya. Impakta to makisawsaw pa sa momentum naming ni Jace. Pag sumama siya eh di magmumukha akong third wheel sa kanila o kaya chaperon? No freakin' way!

"What? W-why?" nakakunot noong tanong ni Jace.

"Jace, cameras are everywhere... sa mata ng tao, we are love team—we are in good terms. Anon a lang iisipin nila kapag kumalat na nag-dinner date kayo ni Amethyst?" she explained, "Hindi sa nang-iistorbo ako but this is our job, we have no choice but to act as real couple. Diba yun yung sabi sa atin nung management?" dagdag pa niya.

I clinched my fist, COUPLE COUPLE PA SIYANG NALALAMAN, PAKYU SIYA!

"Calm your shit down. She's still my girl." Bulong ni Cloud sa gilid ko.

"Ex-girl." Pagtatama ko.

"Is it okay for you Amethyst?" biglang tanong sa akin ni Aileen.

Kinalma ko yung sarili ko at pilit akong ngumiti, "O-Of course..." I lied. "Gusto rin daw sumama ni Cloud, diba Cloud?" baling ko kay Cloud na halatang nagulat. Sinenyasan ko siya at palihim na kinurot ang tagiliran.

"Y-yeah." He said.

Narinig kong napabuntung-hininga si Jace atsaka napailing, "Then let's go." He said.

"Sa kotse mo ako sasakay, Jace." Malambing ang tono ni Ailen sabay kapit sa braso ni Jace.

"How about you Amethyst?" Jace asked.

Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Cloud, "Ako ng bahala sa kanya, dude. Susunod na lang kami sa inyo." He answered ng nakangiti. Napansin kong napatingin si Jace at Aileen sa kamay ni Cloud na nasa balikat ko bago tumango at lumabas ng backstage with their marshalls.

Mabilis kong siniko sa sikmura si Cloud ng makalabas sila Jace kaya natanggal yung pagkakaakbay niya sa akin.

"What was that for?!" inis na tanong niya habang hawak ang sikmura niyang siniko ko.

"I should be the one asking you that. What was that for?" I repeated pertaining dun sa pang-aakbay niya sa akin.

"Is that your way of saying thank you? I was helping you, damn."

"Whatever, Montero." Then I rolled my eyes at nagpatiuna na akong maglakad palabras ng back stage. He's helping me? How? He's really weird, tss.

Dumeretso kami sa isang private restaurant. Mangilan ngilan lang ang tao sa loob. Pinili siguro ito ni Jace para na rin hindi siya pagkaguluhan—malamang. Sayang. Kung kaming dalawa lang ni Jace ngayon siguro ito na yung second date namin. Lintek na Aileen kasi to, she's ruining my way to Jace. Err. Parang double date tuloy ang kinalabasan. Me with this irritating man in the world and Jace with Aileen. Damn , sitting position huh? Magkatabi kami ni Aileen. Sa harap ni Aileen si My Loves at sa harap ko naman si ulap. Tss.

*******

Aileen's POV

"Excuse me, CR lang ako." Paalam ni Amethyst saka siya dumeretso papuntang CR. Alam kong umiiwas lang siya sa awkward atmosphere naming apat ngayon. Simula kasi kanina ay walang nagsasalita sa amin ni isa. Lahat kami ay tahimik na kumakain kahit kapansin pansin ang panay sulyap ni Jace kay Amethyst—which I don't like. It will ruin my plan whatever it is.

"Jace, can I ask you a question?" basag ko sa katahimikann naming tatlo.

"You're already asking." He said without looking at me habang patuloy lang siya sa pagkain.

I rolled my eyes at him, "Whatever. Do you like her?" diretsahang tanong ko sa kanya na siyang naging dahilan ng pag-angat ng tingin niya sa akin.

"Who?" he asked.

"Amethyst Tuazon."

Napatigil din sa pagkain si Cloud at dalawa na sila ni Jace ang nakatitig sa akin ngayon. Alam kong kagaya ko, ay naghihintay din si Cloud ng isasagot ni Jace.

Just say No, Jace.


*******

A/N: Medyo mahaba na yan. Huhu sorry, thesis ko naman ngayon ang pinagkakaabalahan ko kaya medyo tumatagal yung mga update ko. Bawi ako after din ng OJT at book report ko. Thanks! Muaaaaaa :*****


-Ate Jeng ♥


Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
5.4M 274K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
147K 11.3K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
344K 6.6K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...