The Silent Type of Bad Girl (...

By conflictjumper

847K 18.5K 814

(EDITING) [Genre: Humor, Action, Mystery/Thriller, Teen Fiction, Romance] A badgirl that is hidding her true... More

Prologue
Chapter 1 - Just a Nobody
Chapter 2 - Badgirls in Silence
Chapter 3 - I'm Satan
Chapter 4 - First Kiss
Chapter 5 - She's Dead
Chapter 6 - Dark Junco
Chapter 7 - Silver Bracelet
Chapter 8 - Green Eyes Wolf
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - The Punishment
Chapter 11 - Damn you, Hiro Ashford!
Chapter 12 - Erickha's Secret
Chapter 13 - Friendship
Chapter 14 - Familiar
Chapter 15 - Field Trip
Chapter 16 - Pairing
Chapter 17 - Stranded
Chapter 19 - Positions
Chapter 20 - Officially Back
Chapter 21 - Heartless
Chapter 22 - Convinsing Chase
Chapter 23 - Game
Chapter 24 - Rank 10
Chapter 25 - Blaze
Chapter 26 - I'm dead
Chapter 27 - Unexpected
Chapter 28 - The 2015 20th Annual Underground Battle Pt. 1
Chapter 29 - T201520thAUB
Chapter 30 - The Day After
Chapter 31 - New Trouble
Chapter 32 - Battle is not Over
Chapter 33 - Memories
Chapter 34 - Near
Chapter 35 - The Rival's Plan
Chapter 36 - Crazy
Chapter 37 - Worry
Chapter 38 - Prom Night
Chapter 39 - GW Powerful Leaders
Chapter 40 - The Past
Chapter 41 - Revelations
Chapter 42 - How?
Chapter 43 - Real Reason
Chapter 44 - Traitor Bitch
Chapter 45 - Important (Last Chapter)
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5 - A Random Letter for Castro by Javier
Special Chapter 6 (Final Special Chap)
EXTRAS

Chapter 18 - Black Snake Gang

14.9K 376 23
By conflictjumper

CHAPTER 18 - BLACK SNAKE GANG

Chasey's POV

"Chasey! Hiro! Nasaan ba kayo?!"

"Chasey!"

"Hiro!"

"Magpakita na kayo, parang awa!"

"Masakit na paa namin kakalakad!"

Naalimpungatan ako dahil sa mga sigaw na naririnig ko. Those annoying voices are so familiar that for the first time I want to hug them so tight for doing something good ever in their lives!

Nakatulog pala 'ko ng hindi ko namamalayan. Paano ba naman kasi, sobrang tahimik at napagod na rin ako sa lahat ng nangyari kanina. Hindi na rin naman ako kinausap pa ni Hiro, mukhang nagulat rin ata siya sa biglaang outburst niya kanina. Sino ba naman kasing hindi? He's so out of character! May ginawa yata sa kanya ang kagubatan na 'to!

Tumayo naman ako agad mula sa pagkakasandal ko sa puno at sumigaw rin para mahanap nila. Mabuti naman at naisipan na nila kaming hanapin! Akala ko talaga ay ma s-stuck na ko rito kasama si Hiro hanggang bukas e!

"Nandito kami!" Sigaw ko habang nakataas pa 'yung dalawang kamay ko at winawagayway. Nilingon ko naman si Hiro at mukhang kagigising lang din niya. Ginugulo niya ang kanyang buhok at mukhang disoriented pa siya.

"Hoy! Umayos ka na diyan. May nag r-rescue na sa'tin dito." Sabi ko sa kanya at muling sumigaw. Hindi ko pa natatanaw ang mga kaibigan ko mula rito pero alam kong nasa malapit lang sila.

Ang tagal naman nilang makita kami rito! Parang sobrang tago naman ng part na 'to kung nasaan kami.

Naramdaman ko naman na tumayo na rin si Hiro at nag simula siyang maglakad palayo sa'kin. Kinunutan ko siya ng noo at natigilan. Saan naman pupunta 'to? "Hoy lalake! Saan ka pupunta?" Tumigil naman siya saglit at humarap sa'kin. And wow! What do we have here? He's back to his old expression again!

Bipolar kaya 'to?

"Pupunta na sa kanila. Kung mag sisisigaw ka lang diyan para makita nila tayo, 'wag ka ng umasa na mangyayari 'yun dahil tago ang parte ng gubat na 'to. Malabo nila tayong makita." Napataas naman doon ang kilay ko.

"So, bakit hindi mo sinasabi sa'kin na pupunta ka na sa kanila? Balak mo kong iwanan dito 'no? You do have a mission to get rid of me, right?" Ang isang 'to! Mukhang iisahan pa yata ako! Asa naman siya.

For a split second there, may nakita akong nag bago sa emosyon niya dahil sa sinabi ko. But he did composed himself immediately and shooked his head.

"Kung balak talaga kitang iwanan edi sana kanina ko pa ginawa. Dahil alam ko naman kung saan ang daan pabalik."

"Ano?" Alin daw ang alam niya? Hindi ko masyadong naintindihan kasi ang hina ng pag kakasabi niya do'n sa huling mga salita. Potek! Kalalaking tao ang hina ng boses!

"Wala! Tara na nga at baka iwanan talaga kita rito." Inis na sinabi niya at nag lakad na ulit. Inirapan ko naman siya bago ako tumakbo at sumunod sa kanya. Pasalamat talaga siya at hindi ko alam ang mga daan sa gubat na 'to, kung hindi kanina ko pa siya nasaktan! He's so freaking moody and so annoying!

Malabo talaga na makatagal ako na kasama siya.

Pagkatapos ng ilang minutong lakaran ay nakita na rin namin ang mga  hinahanap namin. Mukhang nagulat pa nga sila dahil bigla na lamang kaming sumulpot sa gitna ng dilim. Napatili pa si Ella.

"Chasey!"

"Kuya Hiro!"

"Finally! Nag pakita na kayong dalawa!"

They all said when they finally recovered from shock. Agad silang lumapit sa'min. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga nakakalokong ngiti nina Ella at Keith habang palipat-lipat ang tingin nila sa'kin at kay Hiro. Problema naman ng mga 'to?

"Anong mga tingin 'yan, huh? Ang creepy!" Sita ko at nag simula na kaming mag lakad pabalik sa tinutuluyan namin. Hindi naman sila sumagot pero narinig ko ang mahinang pag hagikhik ni Ella at ang pag hampas sa kanya ni Keith. Parang timang talagang 'tong mga ito.

"Ano bang nangyari? Naligaw ba kayo?" Tanong ni Erickha.

"Obvious ba?"

"Something...just happened."

Halos sabay namin iyon sinagot ni Hiro kaya nangunot ang noo ni Erickha sa'min pero hindi na siya nag tanong pa.

While we are walking, narealize ko na ang layo nga pala talaga noong part kung saan kami na stuck ni Hiro. Kasi ang haba pa ng nilakad namin bago namin natanaw 'yung mismong bungad kung saan kami nag simula kanina! Seriously? Natakbo talaga namin ang ganoong kalayo kanina? Nagagawa nga naman ng adrenaline.

Nang makarating na kami sa mismong tinutuluyan namin ay doon kami dumaan sa parte na may back door para hindi kami mapansin ng mga faculty. Ang back door kasi ay malapit lamang sa sa stair case paakyat sa mga kwarto. Hindi ka mapapansin ng kahit na sino doon dahil ang pinaka living room ng first floor ay hindi kita mula roon. Basta maingat ka at hindi gagawa ng kahit anong ingay, makakalagpas ka.

"Buti iniwan niyong bukas ito bago kayo umalis." Sabi ko habang tinitingnan si Ella na dahan-dahang binubuksan ang pinto.

"Siyempre naman, gaga! Alam na namin na ganito mangyayari e." Si Keith.

Nauna nang umakyat si Hiro, walang salisalita at hindi kami nilingon. Sumunod naman ang tatlo kung mga kaibigan pero ako ay nanatiling nakatayo doon sa may baba at nag iisip kung paano ako makakapunta sa kusina nang matiwasay. Past dinner time na at hindi ko alam kung pwede pa kung kumain. Wala naman kasing alam ang mga faculty sa nangyari sa dalawa nilang estudyante sa gubat kaya malamang ay magtataka sila kung bakit hindi pa 'ko nakain at gutom na gutom pa ako ngayon. Should I say, late night snack?

Ugh! I just want to eat! Nahihilo na talaga ako sa gutom.

"Chasey, bakit nakatayo ka pa diyan? Tara na sa taas. Baka mahuli pa nila tayo rito!" Keith said in a hurried tone. Hindi ko naman iyon pinansin. Anong pakielam ko kung mahuli nila kami rito? We're already inside the house! Wala naman kaming ginagawang masama. And as if they would assume that we broke some rules, we're the good girls. They'll never think that about us.

"May pagkain pa bang natira sa kusina?" I asked them instead. Kumunot naman ang noo nila.

"Ahm...hindi namin alam e. Nag didinner pa kasi ang iba noong umalis kami para hanapin ka. Tingnan mo na lang doon sa kitchen kung meron pa. Bakit?" Si Ella.

Napairap naman ako. "Hindi pa ba obvious? Hindi pa ko kumakain mula kaninang tanghali! Gutom na gutom na 'ko!" Maktol ko. "Samahan niyo naman ako doon sa kitchen, pwede?"

Napakamot naman sila sa ulo bago sila bumaba at samahan ako papuntang kusina. Ilang faculty ang nadaanan namin at mabuti na lamang ay hindi na sila nag tanong pa kung anong gagawin namin sa kusina. Wala talaga ako sa mood mag paliwanag ngayon. Baka mapilosopo ko lamang sila kaya mas mabuti ng tumahimik.

Pagdating namin do'n ay nag diretso agad ako sa ref at binuksan ito. Konting pagkain lamang ang nakita ko at karamihan mga tira pa kaya napangiwi na lamang ako. Isasara ko na sana 'yung pinto noong ref, nawawalan na ng pag asa, no'ng may mahagip ang mga mata ko na tupperware. Tiningan ko ito maigi at pakiramdam ko ay biglang nag ningning ang mga mata ko sa nakita ko.

Shit! Mango grahams! My favorite!

Dali-dali ko itong inilabas mula sa refrigerator at nilagay sa table. Kumuha ako ng platito at dalawang kutsara sa cabinet. Nag hagilap din ako ng kutsilyo para panghiwa sa grahams ko. Noong ayos na ay excited akong bumalik sa table at sinentensyahan na ang baby ko. Unang subo ko pa lang, nanlaki na agad ang mga mata ko. Shit! Ang sarap ng pagkakagawa! Hindi talaga ako mag sasawa rito kahit mag kadiabeties pa 'ko. Ito kasi talaga ang favorite ko sa lahat ng desserts.

Habang masarap na nilalantakan ko ang grahams ko ay narinig kung nag bubulungan ang tatlo sa harapan ko. Akala naman nila hindi ko naririnig!

"Kapag talaga nakakakain siya ng grahams, nagiging childish talaga siya. Nawawala bigla 'yung Chasey na astig at napapalitan ng Chasey na isip bata." Boses ni Erickha.

"Oo nga! Kung pakainin kaya palagi natin siya ng grahams para mawala na 'yung pagiging sadista niya sa'tin?" Si Keith naman.

"Gaga! Ang mahal kaya ng recipe niyan. Kung araw-araw natin siyang gagawan no'n, baka mamulubi tayo," Si Ella at nakita ko pa ang pag nguwi niya. "Tsaka ang creepy kaya ng mabait na Chasey! Mas gusto ko pa rin 'yung may attitude."

"Sabagay."

Palihim na lamang akong natawa dahil sa naging usapan nila. Mga baliw talaga! 

Pagkatapos kung kumain ay umakyat na rin kami sa taas para mag pahinga. Pagkakita ko pa lang sa kama ko ay agad na kong nag dive doon at tumingin lang sa ceiling ng kwarto. Ang daming nangyari ngayong araw. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at gusto kung matulog hanggang bukas. Ang sakit rin ng mga binti at likod ko. Parang hindi ko na kayang tumayo pa para mag banyo.

I sighed and forced myself to get up. Hinang hina na ako. Tumingin ako sa paligid at nakitang halos tulog na lahat ang mga kasama ko rito. Si Ella ay nakahiga na ngunit nag cecellphone pa. Mukhang may binabasa kasi nangingiti pa.

Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa noong maramdaman ko itong nag vibrate. Nag tetext pala si Kuya Chase.

From: Kuya Chase
Little sis, musta na field trip? Masaya ba? Hahaha!

Oy buhay ka pa ba? Baka tumalon ka ng bus ha

Chasey Andrei???

Umirap naman ako. Agad nag tipa.

To: Kuya Chase
Ang saya :)

From: Kuya Chase
Oh? Di ka tumalon sa bus?

To: Kuya Chase 

Mauna ka

From: Kuya Chase

mAuNa kA nye nye sungit mo

Matulog ka na gabi na

Umiling ako at pinatay na lamang ang cellphone. Malala na talaga siya. Sumasakit ang ulo ko.

Tatayo na sana ako para gumamit ng banyo sandali nang may mahagip ang mga mata ko na pag galaw sa malaking puno na katapat lamang mismo ng kwarto namin. Kumunot ang noo ko, hindi nag pahalata na napansin siya at nag diretso ng lakad. Nang makalagpas nang kaunti ay agad akong nag punta sa likod ng pader at bahagya siyang sinilip. Dahil sa dilim ay hindi ko siya masyadong maaninaw pero nakita ko ang pag kinang ng kwintas na suot nito. Isang kwintas na alam kung pamilyar na sa'kin.

Ngumisi ako. Pinatay ang switch ng ilaw sa likuran ko at nag hintay lamang sa gilid. Hindi rin naman nag tagal ay naramdaman ko na ang pag lapit ng taong iyon sa bintana at ang dahan-dahan na pag bukas nito doon. Naningkit ang mga mata ko at bago pa man siya tuluyang makapasok ay sinugod ko na siya.

Nilagay ko agad ang aking braso sa kanyang leeg at hinarap muli ang katawan niya sa may bintana. Umamba pa siyang lalaban sa'kin at kinuha ang kanyang baril, naiputok niya pa iyon sa salamin kaya agad itong lumikha nang napalakas na ingay. I winced and tighened my hold on him.

Shit. Mag tatawag pa ng atensyon ang isang ito!

Bago pa man magising ang mga kasama ko at marami pa ang mang usisa ay dali-dali ko nang pinilipit ang mga braso niya at hinagis ang baril niya sa malayo. Pagkatapos ay agad ko siyang tinulak sa ibaba. Iyon na ata ang pinaka mabilis na ginawa ko sa lahat, kasabay nang pag kakahulog ko sa kanya ay ang pag sara ko ng bintana at harap muli sa direksyon ng kwarto. Nangingiti ng pilit.

"Chasey, anong nangyari? Ano 'yung nabasag?" Tarantang tanong ni Ella nang magising na at nagulat pa sa mga basag na piraso ng salamin sa sahig.  "What-"

"Ah, wala iyan," Umiling ako. "Natabig ko lang kaya nabasag. Pasensya na kung nagising ko pa kayo." Marahang paliwanag ko at tinitigan lamang ako ng tatlo. Amery then tilted her head a bit, eyeing the pieces of glass and stared at me. Nailang ako sa titig niya, mabuti na lamang at nahiga na siya ulit at hindi na kami pinakielamanan.

"You should be careful..." Si Riellyn sa mahinang boses bago tumayo at walang pasubali na lumabas. Kumunot sandali ang noo ko, nag taka kung saan pa siya pupunta pero nabaling rin ang atensyon kay Ella nang lapitan niya ako at kurutin.

"Aray! Problema mo?"

"Anong nangyari?" Tanong niya, masama ang tingin sa'kin, alam agad na nag sisinungaling ako. Umirap naman ako. Nilingon sandali ang ibaba at nakita na wala na doon ang lalaki.

"Bukas ko na lang sasabihin sa'yo, okay?" Mahina kung sinabi at tiningnan ang direksyon ni Amery. Bumuntong hininga naman siya at tumango bago bumalik sa kanyang higaan. Binalingan ko naman muli ng tingin ang madilim at tahimik na gabi. Iniisip ang mga biglaang pangyayari sa araw na iyon.

Dalawang beses sa isang araw? Kung sino man ang nag uutos nito, sadyang matindi ang galit niya sa'kin. Pero ano nga bang ginawa ko? Sa pag kakaalala ko ay nanahimik ako rito at wala naman akong ginawa na kahit ano na pwedeng makagawa ng gulo sa kanila.

I bit my lower lip and sighed. Dumiretso na lamang muli ako sa aking kama at nahiga.

Alam kung member ang isang iyon ng Black Snake Gang dahil doon pa lamang sa kwintas na suot niya. Top 4 sila sa kasalukuyang ranking at marami rin silang underlings na nag kalat sa kung saan mang lupalop ng Pilipinas. Black snake are always known as the hidden in the dark type. Sila iyong palagi sa gabi umaatake dahil doon ay tago at hindi sila makikita.

Madalas ay wala silang pakielam. Pero kapag nautusan at nabayaran, kumikilos agad sila sa alam nilang paraan.

Habang nakahiga ay nakapag isip-isip ako. Habang tumatagal ay parami na ng parami ang nag tatangka sa buhay namin, lalo na sa'kin. Sa tingin ko ay mukhang kailangan na naming bumalik. Kailangan makapasok ulit kami sa ranking nang sa gano'n ay mag karoon ulit kami ng kapangyarihan. Kapangyarihan para malabanan ulit sila ng patas sa loob ng Underground battle at kapangyarihan na makakapag bibigay sa'min ng proteksyon pansamantala.

At sa oras na mag balik na kami, hindi na nila kami kailangan hanapin pa. Kami na mismo ang hahanap sa kanila. They want another war, I'll surely give them what they want and raised hell.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

Zombies By BlackGloomyAngel

Mystery / Thriller

23.2K 403 32
There's no life apart from Christ. what if you and your friend ay nasa bar nag-uusap tungkol sa problema and then biglang may sumigaw at naglabasan a...
138K 3.5K 64
Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story. [EDITING FOR MANUSCRIPT SUBMISSION]
279K 10.4K 73
Zouie Raine Martinez is so thirsty of love and care of a family and friends. Her family never treated her as a family that's why, she became a rebel...
1.6M 42.4K 74
I want a normal life. A life far from trouble War Guns Gangsters Mafia Reapers Assassins But I think I can't escape this now. Coz Im Fallen , the EMP...