Stuck At The 9th Step

بواسطة Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. المزيد

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL

39.3K 1.4K 901
بواسطة Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : FATHY AMANDA BARBOZA

(Note : Not a fast phase but had a series of flashback. And I know, bitin. Hehe. Lagi naman, eh.)

LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL

'RLM blog will be no longer RLM because today is the day of ultimate change which I patiently (and impatiently) waited for years. However, I've never thought that this day would take this long and I could cope up with series of changes in my twenty-eight years of existence. For a little trivia, it has been
more than a decade since my first post in this blog and I consider this quite of an achievement. I mean, wow, ang tyaga ko pala magsulat and, wow, hindi pala ako madamot sa opinyon at sarili kong karanasan. I've been writing and sharing my life for eleven years, though this was never included in my to-do list when I was a young spunky teenager. I wonder what will the fourteen year old me would say if ever she saw me sharing a sentimental and fucked-up experiences that I've been through. Can't imagine. Siguradong nagmumura na 'yon at tumatawa

RLM will be no longer RLM, not because I'm going to stop posting. No need to freak out. This became my silent world and I would never  think of destroying the sanctuary of my words.'

Nahinto ako sa pagtatype nang may pumasok sa silid. Nakita ko ang bestfriend ko na nakangiti sa akin. Pasimple akong nagclick para ibang tab ang lumitaw sa screen at hindi niya makita ang ginagawa ko.

"What are you doing?" Marahan niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. "Just searching stuff. Inaabala ko lang ang sarili ko."

Anne gave me her understanding smile. She didn't change despite the number of years that have passed. Nakabalik siya nang Pilipinas years ago at ngayon ay isa ng doktor sa sarili nilang ospital. She became mature-looking lady but still has that angelic aura. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay maikli na ang kanyang buhok, 'di tulad ng dati na sobrang haba. Binalik ko ang ngiti niya.

"Marami na raw tao sa simbahan. Tinawagan ako ni Dad."

Napawi ang ngiti ko. Parang namilipit ang sikmura ko sa sinabi niya Napaiwas ako ng tingin at pinagsalikop ang mga kamay kong nagsisimula nang manginig. Kanina ko pa pilit na tinatago ang kaba. Actually, ilang araw na. I was so nervous, and excited at the same time. The thrill and joy rushed into me. Napatitig ako sa salamin at tinignan kong mabuti ang repleksyon ko.

"You're so beautiful, Rhea." Lumapit si Anne at hinaplos ang buhok kong sobrang haba na ngayon. I prefer it simple kaya hindi ko na masyadong pinaayos kahit nagpipilit ang mga stylist kanina. Tuwid ito at bagsak hanggang baywang ko. Ang tanging ayos ay ang tirintas sa magkabilang gilid ng sintido ko na inikot sa likod at ang white pearl headpiece sa gilid ng ulo ko.

"Your groom will cry once he saw you." She giggled. Natawa rin ako.

I doubt that. Maybe, I'll be the one who's going to cry before him dahil ngayon palang ay nag-iinit na ang mata ko. Paano pa kaya pag nakita ko na siya?

"Hey, hey, no crying here." Paalala ni Anne. "Masisira ang make-up mo. Save your tears for the best moment." She winked at me. Huminga naman ako nang malalim. Masyado akong atat. Wala pa nga ako sa ceremony. Natigilan ako nang may maalalala.

"Uhm, Anne?"

"Hmm?"

"Pupunta ba si Shinn?"

Natigilan si Anne. "Hindi niya ba nasabi sa'yo na may scheduled operation ang pasyente niya ngayon?"

"Nasabi niya na sa akin kahapon." Pero umaasa ako na pupunta siya. Dalawang tao lang ang nilagay ko sa best man. Yung isa, hindi ko rin alam kung pupunta pa dahil galing iyon sa ibang bansa. Napabuntong hininga ako.

"Rhei, the wedding will survive without the best men you've invited. The presence of your groom is the most important. Gano'n na lang ang isipin mo. I don't think Shinn would intentionally skip this day. Ikaw pa? Nagulo lang ang sched no'n kaya hindi makakapunta." Inayos ni Anne ang bulaklak na hawak niya. "Besides, we, doctors have priorities. Shinn loves to play hero, although he possess a vilain aura."

Three years ago, bumalik rito si Anne at sumama si Shinn sa kanya. Isang nuero-surgeon si Shinn sa CMMC. Kung ako ang tatanungin, hindi praktikal ang ginawa niya lalo na't nasa ibang bansa ang mga negosyo niya. But I never questioned him about it. I was actually glad that he chose to live here.

Marahan akong natawa at napailing. Nakakalungkot lang isipin na wala ang presensya ni Shinn sa kasal ko. Well, he's one of my few favorite persons in the world. What happened in the past years had been already forgotten. We're still friend. I consider him my best friend next to Anne. Though, naiintindihan ko naman ang punto ni Anne na may priority silang mga doktor at buhay ang kanilang sinasalba. Ang selfish ko naman kung i-i-insist ko pa ang pagpunta niya sa kasal ko. Naisip ko rin kasing minsan lang 'to mangyayari sa akin.

"Don't give me that sad look." Napabuntong hininga si Anne at inabot sa akin ang phone niya. "Here, call him. Para gumaan ang pakiramdam mo." Nang abutin ko 'yon ay tinuro niya ang pintuan at sumenyas na lalabas. Tumango ako at ngumiti.

Hinanap ko ang number ni Shinn at nag-dial. Ilang ring muna bago niya sinagot.

"Annie?" Bungad niya.

"It's Rhea."

"Ohh, feisty." I could imagine him smirking. "Hindi pa ba nagsisimula ang kasal mo?"

"I still have twenty minutes before I leave our house. Ikaw? How's the operation?"

"Kalalabas ko lang ng operating room."

Nabuhayan ako nang loob. Napakagat ako sa aking labi. "So, makakapunta ka pa rin?"

Matagal siyang sumagot. Sa huli ay napabuntong hininga. "I'm sorry, feisty. My patient is under observation. Hindi ako makakaalis agad-agad."

Bumagsak ang balikat ko. "I see. Sayang naman."

"Huwag mong iparinig sa akin na nanghihinayang ka. Baka magbago ang isip ko." Hamalakhak siya at napairap ako.

"Seriously, Shinn. Kailangan pa ba kitang piliting pumunta?"

"I'm serious. Kung pwede ako, kanina pa ako nasa simbahan. Why would I miss your wedding?"

Ngumuso ako. Kung anu-ano ang naiisip ko. Isa na ro'n na baka nag-a-alibi lang si Shinn at ayaw niya talagang pumunta. Oh, well. . .

"Are you sure?" Sasama talaga ang loob ko kapag niloloko niya lang ako.

"Yeah. I'm very sorry. Don't worry. Napadala ko naman kay Anne yung regalo ko. Iyon ang una niyong buksan."

"I don't trust you when it comes to gifts." Gagad ko. Muli siyang natawa.

"Ouch." Tumikhim siya at biglang sumeryoso sa kabilang linya. "How are you feeling?"

"Mixed." Maikli kong sagot.

"Uh-uh. I'll take it as good. Nervous?"

"Sobra." Napahinga ako nang malalim.

"Where's the thrill if there's no jittery feeling?" He paused. "Can you send me a pic of yourself?"

Kumunot ang noo ko. "Are you thinking something naughty?"

"What?" Napahalakhak na naman siya. "That's just you and your sewer mind. Come on. Send me something. I just want to see how you look."

"Fine. After this call. Hindi ka talaga makakapunta?"

"Can't make it."

"Okay. Sandali lang kami sa reception. Babati lang tapos aalis na rin agad. Pero kung makakahabol ka pa, we might stay longer."

"I still can't make it, feisty. I'm really, really sorry."

Ngumiti na lang ako. Natapos ang tawag na 'yon na hindi ako napagbigyan. May bumalik sa alaala ko. He exactly said the same words years ago. Nung bumalik siya sa Cambridge pagtapos nang eksena isla. Ilang araw nang makabalik ako sa Manila, nagpakakita ulit siya sa akin. Wala siyang masyadong sinabi kaya naaalala ko ang bawat salita.

"I don't regret anything." Bulong niya. "But I didn't mean to make you cry. After what happened in the island, I felt like I was the biggest asshole that could destroy you in a glimpse when my only intention is to protect you from him. I knew from the very beginning that I'm no good as a friend but I was caught off guard and I totally forgot to protect you from myself."

Yumuko siya. Hindi makatingin sa akin. Iyon ang unang-unang pagkakataon na nakita ko siyang tila walang kumpyansa sa sarili at binababa ang sarili niya. The Almighty Shinn Aslejo had ran out of confidence at hindi ako natuwa. I actually blamed myself. Hindi ko gustong makita siyang ganito. Inamin kong nakaramdam ako ng galit sa kanya dahil gusto niyang sirain si Ren. He was insensitive, very selfish and out of control but despite his bad attributes, this man would to death for the person he cares. I was actually very lucky, and unlucky at the same time. Ayoko siyang itaboy pero kung mapapasama siya rito ay masgugustuhin kong bumalik na lang siya sa ibang bansa.

"You should go back to US."

Huminga siya nang malalim at tumango. "Staying here is a bad idea."

"But I'm grateful." Pinilit kong ngumiti. Who wouldn't be? This man had stayed with me when I was carrying a very bad impression to the world. He was the one who unlock the doors in a hell that I made for myself and made me see life in different perspective. He was the one who set my escape aside from the one that I failed.

"I'm really, really sorry." Bulong niya. Minsan lang siya humingi ng tawad. Hindi siya yung tipong magalang at nag-i-initiate. Ang Shinn na nakaharap ko nung araw na 'yon ay iba sa nakilala ko.

Ilang taon kaming walang komunikasyon pagtapos no'n hanggang sa nalaman kong bumalik si Anne at sumama siya sa best friend ko. Then, we meet again and rebuild the friendship. He's back with his normal attitude. He doesn't changed. Still the man who prefers party, booze and game woman.

Muli kong binalingan ang laptop at binalik sa tab kung nasa'n ang blog ko. Hindi ko alam kung ba't ngayon ko pa naisipang magbasa ng mga dati ko pang na-i-post. I've found the particular post that I'm looking for. Nanakit ang dibdib ko nang makita ko 'yon. That was my supposed to be suicide letter.

'I consider this as my last post. I feel so useless. I never thought I would reach this point. Parang ayoko na. Hindi ko na kaya. Dati, ang akala ko mababaw yung mga taong pinipiling tapusin ang buhay nila. Kung totoo man, kasama pala ako ron.

I love my family. I love my Dad and my brothers. At kung masaktan ko man sila sa gagawin ko, humihingi ako ng tawad. I just want to escape reality. Wala na akong madagdag na salita. Mahal ko naman silang lahat pero wala na akong natitirang pagmamahal sa sarili ko. I hate myself for being impulsive. I'm so weak. I can't accept my stupidity. I've never been so miserable 'til the day I realized that I made the wrong choice. If death would welcome me, I wish that this loneliness would die with my insecurities. I hate myself.'

It's a clear proof that I didn't have enough faith for anything back then. I don't have for myself, for the people I love and who loves me back, for the friends who stayed with me, and to God. I feel so ashamed.

Death didn't welcome me but life gave me a taste of hell. Yung ang hirap hirap na i-overcome ng mga issues ko sa sarili ko at sa ibang tao. I thought fixing myself is not possible but I did. I actually did.

Tingin ko, lahat ng taong nakasalamuha ko noon, they have a purpose. Ngunit ilan lang sa kanila ang natatandaan ko. Iilan lang ang pinakatumatak. Nung teenager ako, akala ko tama na yung na-o-organize ko ang mga dapat kong gawin. Akala ko no'n makakaya ko na lahat. Masyado kong in-underestimate ang buhay dahil sangkaterbang problema ang hinarap ko. Iba pa rin pag nasa sitwasyon ka na. Iba kapag ina-a-analyse mo lang ang problema kaysa sa ikaw mismo ang humaharap.

In the process of fixing myself, do'n ko nakita kung sino ako. There are only two things that defines us. Our patience when we have nothing and our attitude when we have everything. Hindi ko masasabing kilalang-kilala ko na ang sarili ko. At least, I can foresee what would I want to be in the future. Hindi na tulad ng dati na sumasabay lang sa ihip ng hangin. In this life, whether you like it or not, you decide which path you will take.

'RLM will be no longer RLM because I'm getting married today and this is gonna be the last time that I would be using M as the initial of my last name.'

Nang mapost ko 'yon ay sinara ko ang laptop at tumayo. Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror. I'm wearing an ivory wedding dress with lace top. I've waited for so long. We all waited for a very long time. Kung makita kaya ako ng batang ako, magagandahan kaya siya sa akin?

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang may kumatok. Akala ko ay si Anne pero paglingon ko ay nakita ko si Yaya Martha. Ngumiti siya sa akin at pinuri ako ngunit agaw pansin ang hawak niyang box.

"Ano po 'yan?"

"May nagpapabigay?"

Kumunot ang noo ko. "Sino po?"

Lahat ng regalo ay nasa reception pa. "Hindi ko alam. Si Kuya Roy mo ang nagpaakyat nito sa akin. Ang sabi, panapabigay raw sa'yo. Hindi niya lang sinabi kung sino."

"Ohh." Kinuha ko ang box at tinitigan 'yon. "Salamat, Yaya."

Mataktikang lumabas si Yaya pagtapos. Umupo muli ako. Dahan-dahan kong kinalas ang ribbon sa ibabaw ng box. Nang makita ko na ang laman ay natigilan ako. Nasa ibabaw no'n ang isang nakatuping papel. Napalunok ako at binasa ang nasa loob.

'I'm sorry kung hindi ako makakadalo sa kasal mo. Thanks for the invation, though. Congratulations. I'm sorry for hating you years ago. You fight well. I'm happy for you.

I hope you won't be bothered by this kind of gift. It's just that. . .well, let's say this is the only thing that I've kept for years and every time I see it, I remember you. Hindi ko kayang itapon. I was thinking of a better gift but I believe a thing that has a history is more valuable than any newly bought gifts. I hope you don't mind.

P.S. I'm still reading your blog.

Sincerely,
     Georgia.'

"Oh, my. . ." Bulalas ko. Paglipas ng ilang segundo ay napangiti ako habang tinitignan ang regalo niya.

Ang huli naming pagkikita ay three years ago. Nakapag-usap kami. That time, I was in a relationship and so is she. Nagkaunawan, nagkalinawan. Kailangan lang talaga ng sapat at tamang panahon para magkaintindihan.

Gano'n pa man, hindi ko makakalimutan ang ilan sa mga sinabi niya sa akin dahil do'n ako unti-unting natauhan. Do'n nagising ang diwa ko at iyon ang tinuntungan ko para lumaban.

"You can't escape pain. You can hide but not for a long period of time. Besides, you're as transparent of glass. Someone is bound to break you."

That was what exactly happened, right? Sinubukan ko tumakas. That was only temporary. I found myself looking back, loving the pain 'til it hurts no more. I thought I would get numb but no, mas lalo lang tumitindi ang sakit pag iniinda at hindi nilalabas.

"I want you to fight. Sometimes, being kind will get you nowhere."

That was my cue. Lumaban ako dahil gusto ko. Hindi ko na inisip kung anong kalalagyan ko. Hindi ako magsisinungaling. Nagalit at namuhi rin ako sa kanya. Pinagpasalamat ko na lang na mas pinili kong alagaan ang sakit kaysa galit. Pinatawad ko ang sarili ko at ang mga taong nakasakit sa akin. Alam ko na kaya ako nasaktan ng sobra ay dahil hindi ako nag-iisip ng consequence at nung mga panahon na 'yon, madali akong magpadala sa emosyon. Hindi ko natatagalan ang isang sitwasyon kapag sobrang sakit na kaya nakakapagdesisyon ako ng taliwas sa kagustuhan ko.

I had my share of inconsistent decisions. Yung pakiramdam na akala ko ay tama ang pinili ko pero sa una lang pala gano'n. In the end, nagsisisi ako. Kung mero'n man akong hindi pinagsisihan ay yung mga pangyayaring masakit alalahanin pero nagbigay sa akin ng aral.

Isa na ro'n yung panahon na hinabol ko si Ren at mas pinili ko magpakatanga. Pumikit ako at nagbuntong hininga. Parang umaalingawngaw sa tainga ko ang mga salitang sinabi niya sa akin noon.

"You'll find yours. . ." Nang marinig ko ang salitang 'yon sa kanya dati, sobrang nasaktan ako. Parang mas gugustuhin ko pang tahasan niya akong paluyuan kaysa marinig 'yon mula sa kanya. Gano'n pala ang pakiramdam ng tinataboy. It was an indirect rejection. Parang pinapayuhan niya akong maghanap na ng iba. Tila 'yon malutong na sampal at nagsasabing hindi na niya kayang manatili sa tabi ko.

"Fight, Rhea. For yourself alone. You don't need me or anyone else. You. . .just need yourself."

Parang katulad lang din ng sinabi sa akin ni Georgia pero iba pag galing sa kanya. Iba pag siya ang nagsabi. Imbis na sumuko ako pagtapos ng usapang iyon ay naghintay lang ako ng ilang araw. Pinag-isipan ko kung paano ako babawi.

Ang tanga, di ba? Pero nung hinahabol-habol ko siya, nakaramdam ako ng saya. Na konting atensyon lang galing sa kanya, pakiramdam ko ay buo na ang araw ko. After a year of heartbreak, nakaramdam ulit ako ng contentment. Mahal na mahal ko, eh. Kaya kong makuntento sa konting lingon at maikling pag-uusap. Binalewala ko ang lamig. Naisip kong gano'n din naman ang ginawa ko sa kanya nung sinundan niya ako sa NZ. Ang pinagkaiba nga lang ay wala akong karelasyon no'n habang siya, tuluyan nang naka-move on.

Pagtapos ng nangyari sa amin sa isla, akala ko ay tuluyan nang maaayos lahat pero hindi. Umalis pa rin siya. He's lost. Hindi ko pa gaanong naiintindihan 'yon noon pero hinayaan ko siya. Hinayaan ko siya dahil napakamakasariling isipin na ako lang ang magiging masaya samantalang siya, gulong-gulo sa sarili niya. I told him I was willing to wait pero ayaw niya at yung puso ko, parang pinulbura.

"Ayoko na mangako. Ayokong umasa ka sa wala. Babalik ako pero hindi ko alam kung kailan. Ayoko na paghintayin ka sa panahong dapat masaya ka na."

"You know, I will always give you the choice, right?"

That time I was wearing Coby's engagement ring. Hindi ko magawang itapon dahil nakokonsensya ako pero nung makita ko ang pait sa mukha ni Ren, parang isang salita niya lang magagawa kong itapon 'yon basta-basta.

But I didn't.

Umalis silang lahat at naiwan akong mag-isa. Akala ko ay hindi ko makakaya. Hindi na ako bumalik sa NZ. Nanatili na lang ako sa Pilipinas. Gano'n rin ang mga kapatid ko. Hindi ako mag-isa sa mahabang panahon dahil nanatili sila sa tabi ko. Hindi na rin bumalik sina kuya sa ibang bansa. In fact, two of my brothers got married before me. Ang isa ay hindi pa kasal pero taken na. Papa got so emotional nung nalaman niyang magpapakasal na ako at hindi ko ata kayang iwan siyang mag-isa kaya dito ko pa rin hiniling na tumira pagtapos ng kasal. Hindi siya napagbigyan ng mga kuya ko while I don't have the heart to decline my father. He's old and I love him so. Hindi ko kayang pumunta ng ibang lugar at manirahan nang malayo sa kanya.

The last time that I went out of the country was almost six months after Ren left. Pinagbigyan ko ang sarili ko na magdesisyon ulit. Pinagbigyan ko ang sarili ko na mag-take ng chance at muling mag-risk. But I want to take it slow. Ayoko magmadali. Gusto kong dahan-dahanin ang lahat. Gusto kong buuin ulit ang sarili ko at isang matibay na relasyon na nagsimula sa tama. Gusto kong piliin yung isang choice na hindi ako dehado.

Kalalapag lang ng eroplano ko no'n sa Seoul at sobrang lamig ng klima. Wala akong nasabihan na pupunta ako ro'n. Kinuha ko ang phone ko at nagdial. Pumikit ako at humiling na sana ay sagutin niya.

"Hello. . ." Sagot nang malalim na boses. Napangiti ako at nakahinga nang maluwag. Tinanggal ko ang bara sa aking lalamunan. Nang dumilat ako ay nanlalabo na ang paningin ko.

"Coby, this is Rhea. . ."

Isang katok ang nagpabalik sa diwa ko. Lumingon ako sa pinto at sumungaw ro'n si Kuya Ryan kasama ang organizer ng kasal ko.

"It's almost time." Aniya.

Tumango ako at ngumiti. "C-Can I have at least another two minutes?"

Nagkatinginan ang dalawa at sa huli ay iniwan rin ako. Kinalma ko ang sarili ko at may ginawa ng mabilis. Pagtapos ko ay muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin.

"Hindi naman halata. . ." Sambit ko bago ko tinungo ang pinto.

Mabigat ang gown ko dahil mahaba 'yon. Si Anne ang bridesmaid ko at si Shai. Tumili agad si Shai nang makita niya ako.

"Oh, my God! Oh, my God." Muntik pa niya akong yakapin ngunit hinarang siya ng mga stylist dahil baka raw masira ang ayos ko. "Oh, sorry. I forgot. I'm just thrilled."

Natawa silang dalawa ni Anne. "Thank God I'm still invited in your wedding after what happened-"

"Sshh!" Pinutol ko na agad ang sinabi niya at kinindatan siya. "Don't ruin the moment."

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Papa at Kuya Ryan. Namumula ang mata ni Papa at tumatawa naman si Kuya habang tinatapik ang balikat nito.

"There goes your only girl." Ani Kuya.

Ako na ang yumakap kay Papa at wala nang pakialam kung masira ang ayos ko. Ilang araw na siyang ganito. Pakiramdam ko tuloy ay nagluluksa siya at hindi siya masaya sa pagpapakasal kong 'to.

Hindi umimik si Papa at ngumiti lang. Natawa kami ni Kuya sa pagiging emosyonal niya.

"Are you sure about this?" Tanong ni Papa. Alam kong may pag-aalinlangan siya taong pinili kong pakasalan pero alam kong hindi niya ako pipigilan. Tumango ako.

"Let's forget the past, Pa." Marahan kong sabi.

There were scars but it wasn't nasty for me. In fact, it shows how brave I was back then. The most important thing is it's already healed.

But the fact about parents, hindi nila agad nakakalimutan ang mga bagay na nakasakit sa anak nila. Iyon ang pinakaresonableng rason na naisip ko kung bakit sobrang emosyonal ni Dad, aside sa iniisip niyang iiwan na namin siya nila Kuya. O baka naiisip niyang pagsisihan ko 'to at may mas karapat-dapat akong piliin kaysa sa taong pinili ko. My choice is absolute. Ito na ata ang pinakasiguradong desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko.

Nang marating namin ang simbahan, parang pinanghinaan ako ng tuhod. Kinapos ako ng hininga at parang mahihirapan akong lumabas ng kotse.

"Rhea." Untag ni Anne.

Tumango ako at lumunok. Kinalma ko ang sarili ko nang makalabas na ako ng sasakyan. Inabot sa akin ni Shai ang bulaklak. Inalalayan ako ni Kuya na makaakyat sa hagdan while Dad is already waiting at the door. Sunod-sunod na paghinga ang ginawa ko.

Marahang pinisil ni Kuya ang kamay kong nanginginig at hinalikan niya ang aking sintido.

"It's going to be okay."

Nasa likod ko si Anne at Shai at tinataas ang mahaba kong gown. Nang umangkla ako sa braso ni Dad, parehas na kaming naluluha. Napakagat ako sa labi ko.

"Will you be happy?" Bulong ni Dad.

Tumango na lang ako dahil hindi ko kayang magsalita. Of course, I will. I will never doubt that.

Nang unti-unting bumukas ang pinto ng simbahan ay napahigpit ang hawak ko kay Dad. I stared directly at the end of the aisle, sa baba ng altar. Hindi ko na nakita ang mga tao.  Hindi siya malinaw sa paningin ko dahil sa veil na suot ko at nanlalabo kaming paningin, idagdag pa ang distansya namin.

Naramdaman ko na lang na sumasabay-sabay ako sa paglalakad ni Papa. We rehearse this quite a few times at kusa na lang akong dinadala ng paa ko kasabay ng kantang pumapailanlang sa loob ng simbahan. Hanggang sa malinaw ko na siyang makita.

I saw his eyes full of love. Napaghikbi ako sa saya. All doubts had been omitted. I'm going to bet my all, my life, my name, my heart and soul. Everything.

Nang tuluyan kaming makalapit at binitawan na ako ni Papa, yumukap agad sa kanya. My groom's body shook as he cried with me. I never thought joy could inflict pain like this. If it is, I could say that this is my kind of pain.

"I love you." He said. I smiled and reply the same words. I'm ready. We're both ready.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

5.1M 145K 49
Nathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015
818 130 35
Z & C Series #3 Zoey and Cholo are about to take their next journey and they're going deep through the ocean where their hearts and destiny lie. Wou...
55K 1.6K 35
Welcome to my mind. My neverland. Contains poems, lines from my stories and random things that kept on running in my mind. WARNING: May contain dar...
5.8K 331 25
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...