Behind the Blue Skies (Strawb...

Autorstwa Ineryss

2.2M 102K 193K

bl Więcej

Behind the Blue Skies
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 21

56.9K 2.7K 5.9K
Autorstwa Ineryss

Clear

Gusto ko na rin talagang kumilala. Naisip ko lang na kung ipu-pursue ko ang law school, wala na yata akong maraming oras para sa ganito. Isa pa, kikilalanin pa lang naman. Depende kung nagwork-out, edi manliligaw.

"Sino nga 'yon?" tanong ni Shiloh sa akin nang huminto na kami sa isang classroom.

"Kia daw eh. Ikaw nga, Shiloh. Baka kasi binibiro rin ako ni Mav," sabi ko at namulsa sa pants ko.

Tumango si Shiloh at ganadong sumilip sa nakabukas na pinto. Sumandal ako sa pader at kinagat kagat ang pang-ibaba kong labi, medyo kabado pero pursigido.

"Nandito si Kia?" si Shiloh sa marahang tinig at dumudungaw na.

"Oh my gosh, Kia!" ang tili ng isang babae.

"It's Shiloh, right? Ang guwapo niya talaga..." rinig ko ang ibang girls.

"Ayon siya! Ayon! Crush niya ang barkada mo. You know that buzz-cut guy? 'Yung bad boy? 'Yung lagi magkasalubong ang kilay? She likes him so much! Like, can you reto her sa friend mo?" ang maarteng pagsasalita noong kaibigan yata ni Kia.

Lumingon si Shiloh sa akin at sinenyasan akong lumapit. Nagkamot ako ng batok at naglakad patungo sa kanya. May nakita agad akong grupo ng mga babae na ngiting ngiti sa amin, at may pamilyar na babaeng niyuyugyog. Sa namumula pa lang na mukha, alam kong si Kia iyon.

We went in. Wala pala silang class. Naghihintay lang ng next subject kaya hindi muna lumabas.

"Oh my god! Oh my god! Good girl and bad boy couple! Bagay!" ang isa sa mga kaibigan niya nang lapitan ko si Kia.

Compared to her picture, mas cute siya sa personal. Medyo mahaba ang buhok at kitang kita sa features niya ang banyagang dugo. She's mixed. Filipino at American yata. Hanggang dibdib ko lang din siya nang lapitan ko at naglahad ng kamay na mas ikinatili ng mga girls.

Kia shyly shook my hand, stifling her smile while blushing. Ngumuso din ako, nag-angat ng kilay kay Shiloh na lumingon din sa akin.

"Sinabi ni Maverick Evander?" she asked softly as I noticed the foreign color of her eyes and the slight dots on the bridge of her nose.

Tumango ako at inalis ang paninitig sa freckles niya.

"Oo. Pinakita niya rin ang Facebook mo."

Namilog ang mga mata niya at mas lalong namula. Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako lalo. I find her cute. My type of girl, to be exact.

"Maganda ka naman doon. Pero mas...maganda sa personal," hirit ko para naman hindi siya mahiya o kung ano pa.

Kaso sa halip na mauna siyang magreact, tumili na 'yung friends niya na nilingon niya at pinagtawanan. Hinaplos ko tuloy ang batok ko at binalingan si Shiloh na pinagkakaguluhan din ng ibang girls.

I asked for her number. Alam din naman kasi ng boys kung gaano ko kahilig sa soft girls. Medyo tagilid kasi sa akin ang mga wild. Parang hindi ko masasabayan. I'm not wild. O...hindi lang din talaga ako komportableng ganoon agad.

Kia:

Cookies and cream? What? You're cute hahahaha

Reply niya iyon sa sumunod na mga araw nang mag text na rin kami. I asked for her favorites. Ang dami din pala naming differences.

Reagan:

Anong favorite mo na flavor?

It feels odd. Para akong galing sa break-up kaya nagsisimula ulit sa umpisa na kilalanin. At nagkakasalubong pa ang kilay ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko eh wala pa naman sana akong nagiging girlfriend.

Kia:

Rocky road.

Napatitig ako sa reply niya. Hindi cookies and cream? Paano kami mags-share ng ice cream niyan kung rocky road ang kanya? Baka pag-awayan pa namin 'yan sa 7-eleven. Hindi pa nga kami nakikita ko na agad ang magiging away namin. Hindi ko pa naman nauubos minsan ang isang—mabilis akong pumunta sa messenger nang may maalala.

Reagan Aldric Vallejo:

Nasa'n ka? Pupunta ka ba dito?

Hinintay ko ang reply niya.

Daniel Rio Ferrin:

Wala akong pamasahe tropapips :(

Tang inang nickname 'yan.

Reagan Aldric Vallejo:

Punta ka dito. Babayaran ko.

Daniel Rio Ferrin:

Osige!

'Yung kuya niya kasi, hindi namamansin. Di na nga nagrereply sa text. Iniisip ko, baka nagreach out na rin si Arron. Sabi pa naman nitong si Rio tanga daw 'yan sa pag-ibig. Parang naniniwala na nga ako.

Bumaba ako nang nagchat na si Rio na nasa ibaba na at nag taxi. Ako ang nagbayad no'n at sabay kaming umakyat.

"Wala si Kuya sa unit niya. Baka nandoon kay Kuya Arron," aniya.

"Ichat mo. Sabihin mo nandito ka sa Green Residences," udyok ko nang patuluyin ko siya.

"Hindi 'yon nangseseen si Kuya. Kaya dapat tinatawagan ko siya," aniya nang itinabi ang sapatos niya pagkatapos iyong hubarin.

Kumuha ako ng isa pang indoor slipper na magagamit niya. Kinuha ko rin ang phone ko at inilahad sa kanya.

"Tawagan mo. Sabihin mo nandito ka sa unit ko," utos ko.

Titig na titig siya sa akin nang tinanggap iyon. Hinayaan ko siyang tawagan si Rin habang nag-order ako ng pagkain. Pansin ko mahilig silang magkapatid sa manok kaya isang bucket chicken ng Jollibee ang in-order ko at pizza sa Greenwich. At mahilig sa pasta? Nag-order ako noong malaking lasagna para kung sakaling umuwi 'yung isa, may makain siya.

Naglaro kami ng Valorant. Siya ang nasa computer ko, ako naman sa laptop ko. Siya ang gumamit ng gaming chair ko at nasa sofa naman ako.

"Kilala mo si Jasver?" bigla kong tanong sa kalagitnaan ng laro.

"Si Kuya Jasver? Oo. Kapitbahay namin sila. Crush na crush 'yan ni Kuya. Padaan daan sa harap ng bahay nila noon," ani Rio habang tutok na tutok sa computer.

Napatigil ako at bumaling sa kanya. Kapitbahay. May crush daw 'yon noon na kapitbahay. Ah...itong Jasver nga? Tapos 'yung varsity ay si Brent? Tang ina. Kahit ako si Arron sasabog yata ang ugat sa ulo ko kung ang dami ba namang crush.

"Bakit mo alam? Sinabi niya?" tanong ko at baka gawa gawa lang din nitong batang 'to, binibigyan lang ng meaning purket bading ang kapatid niya.

"Dumadaan daan din ako sa bahay nila eh. Crush ko 'yung kapatid ni Kuya Jasver. Si Kittie. Ang ganda ganda no'n. Kaso masungit kasi 'yan si Kuya Jasver."

Umangat ang kilay ko. Tirador pala ng kapitbahay ang magkapatid na 'to.

"Ang gaganda ng lahi nila. Kahit si Kuya Jasver, ang guwapo rin no'n. Kaya lumalala ang kabadingan ni Kuya dahil napapaligiran siya ng guwapo."

Natawa ako sa sinabi niyang kabadingan.

"Sino ang mas guwapo sa amin ni Jasver?" tanong ko.

Lumingon si Rio sa akin. Tumingin din ako at inangat ang kilay. Paglalakarin ko 'to pauwi kung mali 'yang sagot niya.

"S'yempre ikaw tropapips."

Ngumisi ako at ipinakita ang kamay ko. Nakipaghigh-five siya sa akin saka namin ulit ibinalik ang atensyon sa laro.

"Ang ganda ganda no'n ni Kittie. Ka edad ko siya eh. Pati ate niya, maganda," patuloy na daldal ni Rio.

"Baka 'yang binibigay ng kapatid mo sa'yo na pambaon pinangd-date mo pala diyan sa Kittie na 'yan ah?"

Mabilis ang iling niya. "Hindi ah! Gusto ko nga i-report ang Facebook account niya. Ayaw i-accept ang friend request ko. Ano pang silbi ng Facebook niya kung hindi kami friends?"

Humalakhak ako at naeengganyo na sa kwento niya. "Baka naman kasi hindi ka rin type."

May nagdoorbell kaya ako ang tumayo. Bumungad ang delivery food na nginitian ko at tinanggap ang mga dala niya.

Inilapag ko iyon sa table at tinawag si Rio na tumayo agad.

"Galit si Kittie sa pamilya namin. May manok kasi sila noon na pumunta sa bakuran namin. Eh ang Papa ko, inihaw niya. Kaya noong nalaman niya, umiyak siya eh pet niya pala 'yon. Bakit daw namin inulam," patuloy na kuwento ni Rio habang kumakain na kami.

"Oh, eh bakit niyo naman inulam? Hindi rin naman sa inyo?" tanong ko at kumuha ng slice ng pizza.

"Eh wala kaming ulam no'n! Tapos pumasok 'yung manok nila. Hindi na nakalabas ng bahay namin kasi ginawa nang tinola ni Papa. Hindi ko na 'yon kasalanan! Nakikain lang ako!" aniya.

Kinagatan ko ang pizza na hawak habang titig na titig kay Rio nang may napagtanto ako sa kwento niya. I never experienced poverty. Siguro nga, isa iyon sa ipinagpapasalamat ko sa parents ko. I grew up having my own privileges as a kid. Karapatan din naman sana ng ibang bata ang ganoon, pero tama si Rin, hindi lahat ay lumaki sa isang magulang na kayang bigyan ng maginhawang buhay ang mga anak nila.

Kaya nga may tinatawag na family planning dahil dapat mong sukatin kung kaya mong pagpakain ng bata kung mag-aanak ka. Kung hindi mo kayang magpaaral, o kahit pangkain man lang, huwag na sanang mag-anak.

Ang tingin din kasi ng ibang magulang, anak ang susi nila sa kahirapan. Anak ang pwedeng mag-aahon sa hirap. Iyon ang pangit na mindset na hindi maputol putol ng henerasyon na ito na ginagawa nang puhunan ang isang anak. Kaya sa halip na may mga batang karapatang makapag-aral man lang, may hindi iyon nakukuha dahil sa poor planning pagdating sa pagkakaroon ng pamilya.

Pero may iba ring anak, abusado. Gusto nila, naibibigay lahat ng mga hinaing at nakakasabay sa trends. Ito rin 'yung nakakagalit na may mga responsableng magulang, pero meron ding maluhong mga anak. Hindi nakokontento sa kung hanggang saan lang ang kayang ibigay ng magulang nila sa kanila.

"Kaya ikaw, mag-aral ka nang mabuti. Naghihirap 'yung kuya mo na magtrabaho para hindi kayo magaya sa sinapit ng parents mo. Oo, normal 'yan sa edad mo na may crush ka. Pero huwag pasobra," payo ko.

Rio nodded attentively. Nagring ang phone ko. Mabilis ko iyong tiningnan at dinampot habang si Rio ay bumabagal ang pagnguya at titig na titig sa kilos ko.

"Tumawag. Ako na ang sasagot," sabi ko at ipinakita ang screen.

I answered his call. "Oh?"

His sigh welcomed me. "Pauwiin mo na si Rio. Baka matagalan ako. Mamaya pa ako uuwi."

Umangat ang kilay ko at nabitiwan ang slice ng pizza. "Bakit? Hindi maingay ah? Nasaan ka ba?"

"Gig..." mahina niyang sabi.

Mabilis kong ibinigay kay Rio ang phone. "Pauwiin mo ng maaga." I mouthed.

Tinanggap iyon ni Rio, kunot ang noo, saka inilagay sa tainga niya ang phone.

"Kuya uwi ka raw nang maaga. Sabi ni..." Tiningnan niya ako.

I shook my head and pointed at him eagerly. He pointed himself which made me nod.

"Sabi ko. Umuwi ka agad..." si Rio.

I calmed down and crossed my arms. Sa pagbabago ng ekspresyon ni Rio, magkasalubong ang kilay at medyo naiirita, mukhang napagalitan pa yata. Kaya nga ayokong sabihin iyon dahil alam ko, magagalit talaga. Siya tuloy ang nasermonan.

"Oo na. Uuwi din naman ako pagkatapos!" sabi ni Rio na nagkamot ng batok at inilahad agad sa akin pabalik ang phone ko.

Tinanggap ko iyon, kunot noong inilagay sa tainga ko.

"Mahiya ka, Rio. Hindi mo 'yan kamag-anak. Hindi kadugo. Huwag mong abusuhin," patuloy niyang lintanya.

Kita ko ang pagbaba ni Rio sa manok na hawak niya. Siguro nahiya rin. Tumikhim ako.

"Ako ang nagpapunta sa kanya," sabi ko.

Natahimik siya saglit sa kabilang linya ngunit nagsalita din. "Babayaran ko nalang—"

"Umuwi ka agad pagkatapos ng gig mo," putol ko saka ibinaba ang tawag.

Alam ko kung saan nanggagaling ang opinyon ni Rin. Kasalanan ko rin iyon na sinabi kong hinuhuthutan siya ni Arron noon. Kaya rin siguro hindi siya ganito ka komportable sa akin pag usapang pera na. Tingin niya, isusumbat ko rin ito, o aakusahan ko ulit siya ng ganoon.

Pero hindi naman. Nagmamalasakit ako sa kapatid niya. Naiintindihan ko ang hirap ng buhay nila.

Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kay Rio, pero uwing uwi na rin siya. Mukhang tinablan sa sinabi ni Rin.

"Hindi na... baka wala ka ring makain mamaya," si Rio na tinanggihan pa ang gusto kong ipadalang mga pagkain.

"Sa'yo na. Mapapanis lang 'yan sa ref ko."

Tahimik niya iyong tinanggap. "Salamat..."

I smirked and pulled out my wallet. Naglabas ako ng isang libo at limang daan saka ko inilahad iyon sa kanya. Namilog ang mga mata niya.

"Huwag mong sabihin sa kapatid mo. Pamasahe mo na rin. At kung may problema ka sa allowance, kung hindi ka nabigyan ni Rin, sabihin mo sa akin."

He looked like he had finally found his new hope. Ngunit mabilis ding kumunot ang noo niya.

"Rin?" he repeated.

"Ah. Kuya mo. Aldrin. Edi Rin."

He looked at me carefully. Ramdam ko ang pang-uusisa niya kaya tinapik ko ang balikat at nagdesisyong ihatid na rin siya pababa at pasakayin ng taxi.

Ka text ko si Kia hanggang alas nwebe ngunit nagpaalam din na matutulog na siya. Masaya siya ka text dahil open sa kahit anong discussion. Matalino. Ito 'yung gusto ko eh. 'Yung may ibubuga rin academically.

Humikab ako noong alas onse na at tiningnan ang messages ko. Pinindot ko ang pangalan ni Rin para magtype ng message.

Reagan:

Anong oras ka uuwi? Baka gusto mong magpasundo?

Pinaglaruan ko ang phone ko at hinintay ang reply niya. Baka naman wala 'yon sa gig? Baka nasa ex niya talaga?

I stood up frustratedly. Tinitingnan ko ang phone ko, gusto siyang tawagan, ngunit pinipigilan ko rin baka makadisturbo. Tss.

Rin:

Mamaya pa.

Rin:

Hindi na kailangan. Nakauwi na si Rio?

Tinawagan ko siya para sa call kami mag-usap. Kaso nakakailang ring na 'yon, hindi pa rin sinasagot. I tried it again, but this time, he ended the call.

Baka busy? Hindi ko nalang tinawagan. Hinintay ko hanggang alas dose kaso na badtrip lang ako kung ba't hindi siya nagreply. Kahit text kinabukasan, wala.

Kia:

Study sa coffeeshop? I think that's nice.

At mas nauna pang magreply si Kia sa text ko. Nagtanong siya kanina kung may plano daw ba ako ngayon. Sabi ko mag-aaral lang kaya ngayon, nangyayaya siya ng study.

Heto na naman. Pero sa coffee shop naman. Iyon nga lang, nakalimutan kong dalhin ang books ko. Nasa iPad ko naman 'yung iba pero iba pa rin pag sa libro din talaga.

Reagan:

Uwi muna ako. Let's meet around 2 p.m. Kukunin ko lang sa condo ko ang books ko. Nasa Taft Avenue lang din naman. Green Residences.

She abruptly replied.

Kia:

Break time ko na rin. U want company? Let's get your books together?

Tinitigan ko ang reply. Para bang isang case na masyado kong inaanalyze at iniisip ang mga butas noon. Innocent until proven guilty, Rick. In other words, huwag judgemental.

Reagan:

Okay

Sinamahan nga ako ni Kia. Ito yata ang unang beses na magdadala akong babae sa unit ko. Pero may kukunin lang din naman ako.

"Ang lapit lang ng condo unit mo sa school. Madali lang umuwi during breaktimes," aniya nang papasok na kami sa elevator.

Ngumiti ako at may sasabihin sana nang bumukas ang elevator at lumabas si Rin. Halos napawi ang ngiti ko. Kahit siya, medyo nagulat na nagdalawang-isip pa siyang lumabas. Tumingin din si Kia sa kanya, kumurap, at muling bumaling sa akin.

Rin avoided my gaze and went out of the elevator without even saying anything. Kahit man lang sana bumati...

Wala sa sarili akong pumasok sa elevator kasama si Kia na tahimik nalang din.

"That's Denver, right?" she pointed out.

Bumaling ako sa kanya. "Kilala mo?"

She nodded. "Yup. I heard he's bi. Ex niya si Arron."

Big deal ba ang relasyon nila sa school at daming nakakaalam? Hiwalay na ah? Bakit pa pinagt-tsismisan.

Iyon ang naging topic namin hanggang nasa unit na kami at binuksan ko ang pinto para patuluyin siya. Inayos ko ang sofa at doon siya pinaupo. Nasa labi ang ngiti niya habang iginagala ang tingin.

Pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang books ko. Noong lumabas, gusto ko na agad magyayang umalis pero mukhang komportable si Kia sa sofa.

"We can study here," aniya.

Labag sa loob ko. Naalala ko ang karanasan ko kay Keycee. Pero hindi naman siya si Keycee.

"Ikaw. Kung kumportable ka..." sabi ko.

She nodded and placed her laptop. Kumalma ako at lumapit. Doon ko na rin inilapag ang iPad ko. Nagtungo muna ako sa ref para kumuha ng snacks man lang.

Noong umupo ako sa tabi niya, p-in-icturan ko agad ang set-up ng table. Pinindot ko ang messenger app at is-in-end iyon kay Rin.

Ayoko siyang ichat sa totoo lang. Hindi naman siya nagreply kagabi, pinatayan pa ako ng tawag, at hindi na rin nagtext. Kaso nakita ako kanina. Baka anong isipin no'n...

Nag-aral lang kami buong oras. Seryoso si Kia na nagbabasa at seryoso rin ako. She's actually the perfect example of the girls I like. Soft vibe. Sasabayan ako sa mga gusto ko at hindi agresibo.

Pero talagang hindi ako mapakali. Gusto ko na siyang yayain lumabas at bumalik nalang sa school. Hindi ako komportable na nandito kaming dalawa sa matagal na oras.

I picked up my phone and opened my Messenger app to check if he had viewed my photos. Which he did. Pero seen lang. Ang snacks sa table, kinunan ko ng picture at iyon ang s-in-end. Ilang sandali lang, nagreply siya kaya binuksan ko agad.

Denver Ferrin:

Ano 'yan?

The tension I was feeling lessened a bit. He replied.

Reagan:

Study?

Denver Ferrin:

Oo nga. Pero bakit mo sinisend?

Reagan:

Sabi mo isesend ko ang mga pictures. I'm doing it?

Tumingin si Kia sa phone ko. Doon ko napansing distracted ako roon kaya inilapag ko ulit at kinuha ang iPad ko para magbasa.

I couldn't concentrate. Nababanas ako at kuryoso kung nagreply ba siya. So I picked up my phone again to view my messenger, but he didn't reply anymore.

I bit my lower lip and typed for a reply.

Reagan:

Galit ka? Hindi mo ako binati kanina. Hindi ka rin nagreply sa mga text ko.

Kia glanced at me. I dropped my phone back on the table and tried to focus on my reading. Kaso talagang nabobother ako. Gusto ko nang lumabas kami rito. Hindi na ako komportable.

"Uh...we should go back to school?" suhestyon ko at nauna pang tumayo.

"Oh? Sure! Pwede naman," ani Kia at nakangiting tumayo, mabilis na isinara ang laptop at niligpit ang gamit.

Mabilis ko ring niligpit ang gamit ko. Gusto kong ipadala sa kanya ang ibang snacks pero tumanggi na siya. Lumabas kaming dalawa at pabalik na sa school nang magsalita ulit si Kia.

"Uh...is it okay to...confirm..." Makahulugan niya akong tiningnan.

Nasa phone ko pa ang atensyon ko nang mag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Sure. Ano 'yon?"

She looked at my phone for a while, then back to my eyes.

"You are single, right? I mean...you don't have a girlfriend?"

Namilog ang mga mata ko. Mabilis akong umiling. "Wala..."

She calmed down a bit, but she still looked bothered.

"Oh, okay. I just thought you're taken. I mean, don't get me wrong. You seem...distracted."

Fuck. Nasanay na yata akong hindi pumuporma sa babae na hindi ko na alam paano makitungo. Ibinulsa ko tuloy ang phone ko nang mapagtanto rin iyon.

Noon, natural lang naman sa akin na kumilala ng babae. Marunong naman akong pumorma. I am not that reserved. I could even strike up a normal conversation without feeling awkward or different.

But...this time...I hate the feeling. Gustong gusto kong kumilala sa totoo lang. Gustong gusto kong may nakakausap din o may ka date. But I didn't expect it would be this hard.

Hinatid ko si Kia sa next niyang subject nang sabihin niyang may klase pa siya. Mag-isa tuloy akong nasa isang coffee shop pero mas magaan na kumpara kanina na pakiramdam ko, may mali akong ginagawa.

I took a photo of my lonely coffee and my own sandwich. Inayos ko rin ang laptop at siniguradong makukuha ang empty chair sa harap. Then I sent it to him.

Noong magbeep ang phone ko, excited akong tiningnan kaso text pala ni Kia. I sighed and swiped the notification to the side to clear it from my screen.

Badtrip. Galit ba 'yon? O baka naman busy kasi chinachat din noong ex niya? So I immediately tap the Facebook app and stalked his profile.

As usual, wala namang nagbago. Hindi rin ako in-accept. Gusto ko sanang tingnan ang friend list kaso naka private. Nang wala akong mapapala doon, nagpasya akong istalk si Arron.

Madali lang naman 'yung hanapin lalo na't marami rin kaming mutuals sa school. Limang sigundo lang ang nakalipas, nahanap ko agad ang Facebook niya.

Kinuha ko ang sandwich at kinagatan iyon habang umaangat ang kilay ko sa profile niya. Nakaupo sa isang sun lounger at nakangisi sa camera habang topless lamang. Tiningnan ko ang likers. Nasa one thousand plus. Medyo kumalma ako nang makitang mas marami ang likers ko. Umaabot nga ng three thousand. Hindi pa ako topless no'n ah?

Nagbasa ako ng comments hanggang makita kong nangunguna doon si Rin at one year ago pa.

Denver Ferrin:

Sinong nagpicture?

Arron replied with a simple 'my pretty babe'. Tsss. Ang kokorni. Iyong mga ganitong post ang dapat naka only me eh.

I scrolled down on his wall boredly. Naiirita ako kung bakit nandito ako sa Facebook niya pero inaalala kong pagbabatiin ko nga pala sila ni Rin. Baka kasi may kung ano anong katarantaduhan na pala siya dito sa Facebook niya? Paano kung nakikipagdate na rin 'to tapos pinipilit ko si Rin na balikan siya? Edi kawawa 'yon?

May recent post siya. Picture niya. Kagabi lang iyon. Tiningnan ko ang comments at binasa ang iba hanggang sa nagpasya akong umalis nalang sa wall niya. Ano ako, stalker?

Isinara ko ang laptop at iritadong kumain ngunit nakakawalang gana pa ang lasa ng sandwich. Nawala bigla ang gutom ko.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

412K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
14.3K 491 60
Katanungan, Kalokohan at iba pa ng Twice! Im Nayeon, Yoo Jeongyeon, Momo Jjang, Sana Jjang, Park Jihyo, Mina Jjang, Kim Dahyun, Son Chaeyoung, Chou...
722 21 27
Date started: Sep 25, 2022 Date finished: April 18, 2023