Temporary (Amorist Series #2)

Od Psyrche

34.6K 545 95

Amorist Series #2 "I'd rather d'e single than devote myself and suffer in vile temporal relationships." Azari... Více

Amorist Series #2
Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 8

1.2K 14 2
Od Psyrche

Chapter 8

"Gala tayo Jin!" Belle sat on the other side of the couch. 

"Pwede naman ako, kaso ang pitaka ko hindi."

Natawa sila Eira mula sa kusina. Nasa condo kami ngayon ni Mel, pawisan sila Belle dahil sa sobrang kulit; panay talon ba naman habang kumakanta.

"Hindi ka pa pagod, Belle?" Melian asked.

"Agree, kakatapos lang natin mag-ktv." Eira said. Abala sila sa pag-prepare ng snacks at juice.

"Ktv na tawag do'n?" Binuksan ni Belle ang junk food. "E wala naman tayo sa actual na ktv, dito lang tayo sa condo, nag-YouTube then may mic."

Napailing ako. "As long as kumanta ka,"

"Aba'y miyembro ata ng sikat na grupo ang pamangkin ko. . ." Melian said.

"'Di ba?! Maganda boses ko?" Lumingon siya kina Mel. Tila nabuhayan ng dugo.

"Ano'ng grupo Mel?" Ani ko.

"Sparta,"

Napanguso si Belle, natawa kami. Nilapag ni Eira ang popcorn sa table na nasa gitna habang juice ang kay Mel.

"Boses mandirigma. . ." natatawang sabi ko.

"Grabe kayo ha! Ikaw nga Mel e! Rock ang kanta pero 'yung boses mo pang-simba! Ersh't ka pala."

"Aba'y minumura mo 'ko?" Hinampas ni Mel si Belle gamit ang unan. 

"Ikaw nag-umpisa. . ." Belle pouted even more.

Tumabi sa 'kin si Eira. Napailing at sabay kaming ngumiti. Kahit kailan talaga, para silang salamin mag-tita.

"Aray Mel! By the way Jin! Sabay tayo mag-lunch sa wednesday ha?"

Kahapon lang nangyari ang pag-grocery namin ni Ash. Linggo ngayon, sarado ang shop dahil may inaayos si ninong sa likod, wala akong gagawin kaya sumama ako kay Eira para mag-bonding.

Sa susunod na linggo pa deadline ng PETA kung saan partner ko si Ches. Napag-usapan namin na sa university lang namin gagawin ang lahat para may rest kami kapag nasa bahay.

Hinatid ako ni Ash sa shop kahit hindi ko sinabi kung saan. Nagbibiro lang ako no'ng sinabi kong alam niya kung saan ako nakatira, pero hindi ko in-expect na alam niya pala talaga. She said dati pa raw simula no'ng nagkita kami sa cemetery which is naka-suot siya ng body con dress. She's one of our client din kasi, pero ngayon lang ako naging aware kasi hindi naman sinasabi sa 'kin ni ninong.

Gusto ko man itanong kung bakit gano'n ang suot niya no'n pero 'di ko ginawa, wala kasi ako sa posisyon para makialam.

She texted me last night, pero 'di ako nakasagot kasi wala akong load. It says—Finally found the right artist that'll give meaning to my bland and dark memoir. Have a blessed Sunday! <3

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang lakas niya maka-tita. Haha!

Umagang-umaga natawa ako dahil sa nabasa, but isa lang masasabi ko, ang gandang bungad. I feel at ease right after I read her message.

She makes me feel appreciated, and even when I'm not talkative, my presence alone is enough for her.

She's the first one who has ever listened to my words, tales, and thoughts, and she also understands my silence.

I can't help but smile.

Napaayos ako ng upo nang maramdaman ang mapanuring titig ni Belle habang kumakain ng junk foods.

"Ba't ka ngumingiti?" Her eyes squinted.

"May naalala lang. . ." pati si Eira napalingon sa 'kin habang abala si Mel sa panonoorin. Lumipat siya sa tabi ko. 

"Gusto mo?" She offered the chips.

"Salamat pero iwas junk food muna ako."

"Ah talaga? Huwag kang kukuha ng fries mamaya ah? Para iwas fastfood." 

"Buti pinaalala mo!" Melian stood in an instant, bumalik siya sa kusina.

"Ano'ng papanoorin natin? Horror ba? Thriller?"

Kinuha ko ang remote sa lamesa. "Parasite? 'Yung korean movie? Maganda raw 'to." 

Belle nodded. Bumalik din si Eira sa kusina para umalalay kay Mel. 

"Alam mo Jin, nagtataka ako. Bakit horror tawag sa nakakatakot na movie." Nasa baba niya ang hintuturo, halatang nag-iisip. 

Just how innocent my friend is.

"I don't know, but the people who made those terms are genius. Akalain mo 'yun naka-imbento sila ng mga salita dati." 

"Hindi mo pa sinasagot 'yung sinabi ko kanina,"

"Alin do'n?"

"Sabi ko sabay tayong mag-lunch sa wednesday."

"Wednesday? Hindi ako pwede e." Napahimas ako sa batok, napaayos ng upo si Belle.

"Bakit?" Her brows furrowed.

"Hindi ako kakain sa university that day, may pupuntahan ako." Mas lalo siyang nagtaka.

"May pupuntahan kami ni Jin." Eira gave me a look that says na sakyan ko na lang siya. Bitbit niya ang fries habang si Mel naman ay ang kikiam at fishball.

"Talaga saan?" Belle's curiosity is inevitable. 'Di siya titigil hangga't walang sagot na nakukuha, hindi mo mamalayan mapapaamin ka na lang.

"Something important," Eira sat beside me.

"E'di dapat kasali ako, friend niyo rin naman ako ah?" Belle pouted. "Alam niyo last time pa kayo ganiyan. Bakit parang ayaw niyo ako kasama?"

"Gusto ka namin kasama," depensa ko. "Noong sa cafeteria hindi namin 'yon sinasadya, sa shop sana kami kakain no'n pero inaya kami e. Tapos sa Wednesday. . . hindi talaga si Eira ang kasama ko, may kasabay akong iba."

"Sino?"

Melian laughed. "H'wag na magtanong. . ."

"Sino nga kasi?"

"Just someone." I replied.

Akala ko ngunguso siya ulit, pero ngumisi siya na para bang naintindihan niya na. "Okay, enjoy kayo sa lunch."

Nakahinga ako ng maluwag. Finally! Tumigil na siya kakatanong. Kinuha ko ang juice at akmang iinom nang magsalita siya.

"Hindi ko na ata kailangan sabihin na mag-enjoy ka kasi alam kong mag-eenjoy ka talaga dahil sa kasama mo kung sino man 'yan."

"Bakit?" I took a sip.

"Bawat subo siyang ulam. . ."

I choked on my juice. Panay ang pat ni Eira sa likod ko habang tawang-tawa si Melian.

"Who the heck are you?" I said when I recovered.

"H'wag ka nga pa-inosente! Mas malala ka kaya sa 'kin! Ramdam na ramdam kita 'no!" 

"You guys need some serious help," Eira shook.

"Basta inosente mukha alam na." Banat naman ni Mel. 

Grabe sila ha! May alam lang ako sa family planning! Hindi sa mga bagay-bagay na maiinit!

Hindi na lang ako nag-salita.

Sasabay ako kay Ash this Wednesday, inaya niya kasi ako nang nasa kotse na niya kami kahapon, lulutuan niya raw ako. Hindi ako tumanggi since ilang beses niya na rin akong inaaya, tapos bago umuwi dumaan muna kami sa coffee shop. Doon ko nalaman she's also a coffee lover, nakaka-lima nga siya sa isang araw.

Pinayuhan ko siyang bawasan ang pag-inom baka kasi magka-UTI siya or anything else, pero hindi ko rin ma-apply sa sarili ang sinabi kasi I'm also a caffeine addict. 

Baka nga sa veins ko kape na dumadaloy hindi dugo, de joke. 

"Pero bakit sa shop sana kayo kakain that time?"

"Belle, Jin was supposed to give me the portrait she made which is ako." Eira replied.

"Jin knows how to paint?!" Mel's eyes widen.

Eira patted my hand, I turned to her. She smiled na tila ba sinasabing proud siya sa 'kin. Tila may mainit na humaplos sa puso ko.

"Yes, she even has a page."

"Talaga?! Ano'ng name?" Kinuha ni Belle ang phone.

"AJ-Enthrall Canvas."

"Sino pumili niyan?" Dismayadong sabi ni Belle.

Natawa ako. "Si Ches, I also did that on purpose para akalain nilang lalaki ang gagawa. I want to hide my identity."

"Ano naman reaction nila kapag iaabot mo na?"

"Wala naman, mostly they'll say thank you."

Mel smiled. "That's brilliant."

"Mas gusto kong gawa ko na lang ang sumikat kaysa na ako."

"Wow! Ikaw gumawa nito!?" Belle said, hinarap niya ang phone sa 'kin. Mas lumapit naman si Mel.

"They're also proud of you. . ." Eira whispered, I can't help but feel so much light. Miminsan lang ako matuwa sa reaction ng mga tao sa gawa ko. Nakakataba ng puso.

"Talagang pinta 'to? Parang kinunan lang ng litrato 'to Jin, how realistic." Kinuha ni Mel ang phone at nag-scroll pa.

"Agree! May hidden talent ka pala Jin! Actually ako rin. . . hindi ko lang alam saan ko tinago."

Natawa kami sa sinabi ni Belle. "Magkano benta mo sa waves with a thunders Jin?" Mel asked.

"Five thousand?" Their jaw dropped.

A long silence occurred between us.

"Seryoso ka?!" Belle's eyes widen.

"Malulugi ka." Eira shook.

"Bibilhin ko lahat ng paintings mo," Mel said. 

Nabuhayan ako ng dugo. "Talaga?"

"Yes!"

"No! Huwag ka papayag Jin! Budol 'yan si Mel. Malulugi ka." Umiling si Belle at hinawakan ang kamay ko.

"5k is a good price."

"No! Ang mura! Gusto mo murahin kita?!" Belle arched her brows.

"Ang oa niyo—" 

"Jin. . ." pagbabanta ni Eira. Tila ayaw niyang manliit ako sa sarili ko.

"Malulugi ka, ano ba 'yan Jin! Ganiyang paintings dapat nasa art gallery pero ang baba ng presyo mo? Nasaan ang hustisya?!"

"Belle's right, give some justice to your work." Mel sipped on her juice.

"If you only knew. . . your art is a masterpiece." Eira added.

"Stop with the fluttery words, sinasabi niyo lang naman 'yan kasi kaibigan niyo ako." Sabi ko, pero sa totoo lang sobrang gaan sa dibdib marinig ang mga sinabi nila.

"Tanga! Jin! Kung hindi kita kaibigan inubos ko na paintings mo sabay benta sa mas malaking halaga sa ibang tao." Belle said, Mel agreed with her, nag-high five pa sila sa harapan ko.

"I remembered, may paintings na naka-display sa shop niyo magkano mga presyo no'n?" Eira bit some fries.

"May shop kayo Jin?!" Mel said.

Napapikit ako ng mariin. Wala na, bulgar na ang lahat. Pagdilat ko nanlalaki ang mata ni Eira at napatakip siya sa bibig. I know it's not her fault, nadulas lang siya.

"Meron?"

"Meron? Wow! You know how to paint, tapos may shop kayo. Ang yaman niyo siguro Jin 'no?" Kita ang pagkamangha ni Belle sa mukha niya.

"Ano nga pala binibenta niyo sa shop niyo?" Mel asked. 

Napaayos ako ng upo. Sobrang interesado sila sa shop namin, feeling ko madidismaya ko lang sila. Hindi ako nahihiya sa shop at buhay ko pero bigla akong nanliit. Ayaw ko masira ang image na nabuo nila sa isip tungkol sa 'kin, baka mag-iba ang tingin nila kapag nalaman nila ang totoong pagkatao ko, pati na ang pamumuhay ko. 

Suddenly, Eira gently squeezed my hand to calm me down. I slowly turned to her. She smiled as an assurance that it was okay, that I could tell them all about it, and that they would not judge me. 

She nodded as a signal for me to talk.

"Infront of the cemetery. . ." I said, umusog sila palapit sa 'kin.

"Continue," Mel said.

"May shop kami kung saan nagbebenta kami ng lapida and other burial materials. I mean not our shop totally, sa ninong ko 'yun. Nagtatrabaho ako sa kaniya, he needs assistance and need ko rin ng pera para makapag-aral." I lowered my head. 

Ang bigat sa dibdib, ito ang unang pagkakataon na nagkwento ako sa harap ng maraming tao.

Naramdaman ko ang hintuturo ni Belle sa baba ko, dahan-dahan niya itong inangat at nang magtama ang tingin namin, agad siyang ngumiti dahilan para makaramdam ako ng kirot sa puso.

Hindi ko alam, but I suddenly felt the urge to cry. I feel like it's okay to be vulnerable in front of them. 

"You can cry. . ." Belle gently stroke my hair, umiling ako habang patuloy na kinakagat ang bandang ilalim ng labi.

When it comes to my personal issues, my family, my work, or the way I live. . . I'm so emotional to the point that I'll easily break down, but it's a good thing I can already handle it; I can already control myself.

"We don't know what you've been up to, but Jin. . . you can always come to us, if you need help we're here." Mel caressed my hand.

Ngumiti ako. Alam ko naman 'yon e, meron na akong sila; mga kaibigan na masasandalan ko sa tuwa at lungkot, pero hindi pa ako sanay sa lahat lalo na sa pakikipag-usap tungkol sa problema.

It takes time for me to open myself up, and I know they can wait.

"Nangangalaga din ba kayo ng cemetery na nasa harapan ng shop niyo?" Belle asked, siniko siya ni Mel. 

"It's okay. . ." I said to Mel. Unti-unting nawala ang namumuong luha sa mata ko, tila gumaan din ang mabigat na nararamdaman ko.

"Hindi ko sinasadya. . ." Belle pouted.

"Sa tanong mo. . . yes, naglilinis ako ng lapida saka ng mga libingan."

Her eyes widen. "Wow! Ang cool mo Jin! Kung ako siguro nasa posisyon mo natakot na ako!"

I chuckled. Her expression is enough to tell me they're not looking down on me.

"Bale caretaker kayo?" Mel asked, tumango ako.

"Hindi ka ba natakot?" Belle asked.

"I can handle it,"

"Pero nakaramdam ka naman ng takot dati? Mas malala ba?" Tanong niya ulit.

"Yes, up until now pero gaya ng sinabi ko I can handle it." I smiled. They seemed proud and amused by my work.

"How did you handle it? I mean the fear?"

"Belle," Pagbabanta ni Mel.

"I'm curious. . ." Belle pouted.

"It's okay Mel. . . you can ask such things, lubusin niyo na kasi minsan lang naman ako magsalita. And about your question, how did I handle it? It's because I had no choice. I had no choice but to face it and have the courage to earn."

Tama si ninong, walang takot kapag pera ang usapan, pero dapat sa legal na paraan.

"Manood na tayo?" Mel said to change the topic.

"Back to the question, magkano ulit benta mo sa paintings na naka-display sa shop niyo?" Eira asked.

"Around 2-3k." Dismayadong napa-facepalm si Belle.

"Marami bang bumibili?" Mel asked.

Umiling ako. "Madalang lang e," 

Mura 'yung paintings na dinisplay ko at siniguro ko ring maganda ang pagkakagawa pero konti lang talaga ang bumibili, may oras nga rin na napapaisip ako. . . maybe painting isn't for me.

"It's too cheap kasi. Subukan mo kayang taasan ang presyo?" Belle suggested.

Kumunot noo ko. "E'di mas lalong kokonti 'yung bibili." She rolled her eyes.

"Ganito kasi 'yan, the more na mura ang product the more na it would look like it has a less value."

"Belle's right, try mo ibenta sa malaking halaga sa internet tignan mo dadami na clients mo." Mel said. "It's called premium pricing."

"How?" Like possible ba 'yan?

"Ganito, 'di ba may page ka na? Tutulong si Mel sa pagpapalago niyan total content creator siya." Mel agreed to Belle. "After that, sell your paintings in a high price, but make sure it's worth the price pero sa gawa mo naman halatang worth it." 

Naguguluhan ako, kapag mababa 'yung presyo konti lang bibili, pero kapag malaki dadami?

"It all depends on marketing, Jin," Eira replied. "I believe you need some tips from them and also from me. Try to put yourself in the customer's shoes."

"Psychology?"

Eira nodded. "It's all connected."

"Eira's right. Tapos mapapansin mo masyadong mahal 'yung paintings na binibili ng mayayaman kahit tuldok-tuldok lang? It's because aside from they are an artistic lovers, some are only buying a lot of paintings to avoid the taxes." Mel said. "It's most likely the same as investment. . . you earn yet you can also avoid paying the taxes." 

"Is that even legal?" Tanong ko. Pwede pala 'yon, ang dami nilang alam!

"Yes," 

"Paano?"

"Hindi mo maintindihan? Ano pa'ng hinihintay mo? Mag-shift ka na ng course." Mel joked.

"Agree, piliin mo course namin. Mas marami kang malalaman." Belle said.

"Or you can also choose ours, you'll learn how to gain popularity and all." Eira said.

"Sometimes, the best way to become a famous artist is not all about improving your work, rather, it's all about how you try to improve in marketing." 

Napaisip naman ako sa sinabi ni Mel, pero hindi ko naman gagawing hanap-buhay 'to, there's a reason why I became a painter in the first place. 

A reason I can't let anyone know.

I nodded. "Pero hindi ako lilipat, nandiyan na kayo e, ba't ko pa gagawin?"

"So you're going to use us?!" Belle scoffed. We bursted into laughter.

"Brilliant," Mel smirked.

"Sabi niyo tutulungan niyo ako? Bihira akong pumayag na may tumulong sa 'kin kaya dapat you feel honored." I said, gaslighting them.

"Wow? Pero sige dahil love ka namin." Eira shook with a smile. Ngumiti siya na para bang proud.

"Invest ako sa materials mo Jin, then alam mo na hehe. Benefits naman diyan. . ." Belle bump into my shoulders.

"Me too!" Eira poked my waist. Napangiti ako. Talagang bilib na bilib sila sa 'kin samantalang nagdududa ako sa sarili kong kakayahan.

"Sa shop niyo Jin, I want to invest saka sa 'yo rin." Mel said, nagtaka ako. 

I looked at her with full of confusion habang siya naman ay seryoso lang na nakatingin.

"Sa shop? Why?" Wala naman siyang makukuha na benefits do'n. If she invest, it's probably not an investment but once again, a donation.

"Trip ko lang. . ." Mel said.

"I'm serious. . . wala ka namang makukuha na benefits sa shop."

"Meron kaya, kapag namat'y ako kayo bahala sa burial ko." Seryosong sabi niya.

Wala sa 'min ang nagtangkang tumawa kasi kahit expression niya sinasabing hindi siya nagbibiro. 

"Just kidding!" She laughed horribly, nakatingin lang kami sa kaniya.

"Pero seryoso Mel, why do you want to invest?"

"It's because I want to,"

"To help?" 

"No, to earn. No more buts, kakausapin ko ang ninong mo." She said, after that she clicked the button for the movie.

***

"I thought you'll cook for me?" I turned to Natasha. 

Nasa Japanese restaurant kami ngayon. It's cozy and spacious, tila magarbong bahay ang aura ng resto. Dark and grey ang makikita sa paligid; ang modern ng interior design. 

Kaming dalawa lang at ang chefs na nagluluto ng tuna sa gilid. Malapit kami sa malaking salamin kung saan makikita ang berdeng-berde na damo at mga bulaklak. Nasa right ko ang salamin while nasa left siya. 

"I will," inusog niya ang plato. "But not now."

"You made a reservation, don't you?" Iniwas niya ang tingin. "Pwede naman kahit saan na lang, at akala ko ba tayo lang?" Tukoy ko sa chef.

"Gusto mo pala ma-solo ako." She teased. I can't help but roll my eyes, grabe talaga imahinasyon niya!

"I only asked yet you're assuming things."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at naghalumbaba sa table, diretso siyang tumingin sa mata ko. "You can't hide it from me, I know gusto mo rin akong ma-solo. Don't worry lovey. . . I'm all yours."

"Napaka-laki pala ng ulo mo Natasha." Napailing ako. She giggled, which made the chefs turn to us.

"I don't have ulo but I have some toys—"

Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mata. Wala talaga siyang control sa sarili! Kahit saan grabe siya kung bumanat!

"Umayos ka nga, maririnig ka ng chefs! Ang dumi talaga ng bunganga mo." 

Tinanggal niya ang kamay ko sabay dila ng labi niya, hindi ko mapigilang mapalunok. She looks pretty alluring.

I hastily turned to the large mirror kung saan makikita ang grass sa labas. My cheeks started burning.

Pigil akong huminga nang naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. She moved closer to me.

Natawa siya sa kinilos ko. "Are you disappointed I didn't cook? I did it on purpose, I want another reason to eat with you." Malambing na sabi niya. 

She gently stroked the back of my head and sniffed the scent of my hair.

She and her subtle moves.

"Ang berde ng utak mo daig mo pa si Hulk." I meet her gaze.

Napangiti siya at umatras konti. "Hulk? You mean that big guy from the movie Avengers?" 

"Yes,"

Ethan introduced Marvel to me. Panay ang binge watch namin ng movies nito after ng cartoons.

"Oh? I prefer Scarlet Witch she's so good with her fingers." She flashed her crooked smile. Iba nasa isip ko leche!

"Yeah, powers niya e. . ."

"I'm also good in it—"

"But you don't have powers."

"I have, want a demonstration?" 

"Sige nga ano?"

"I'll make you squeal—Hey!" Daing niya nang itulak ko siya mahina palayo sa 'kin.

Ano ba 'to!? Baka 'di ako makatagal sa kinikilos at pinagsasabi niya! 'Yung utak ko! Matagal ng may alam pero nadudumihan na dahil sa kasama ko.

"Natasha. . ." pagbabanta ko.

"Okay, okay, relax." She raised her hand in her defeat.

"I can be a great listener pero 'di kaya ng utak at tenga ko pinagsasabi mo." 

She laughed. "I apologize. . . I love the way you react each time I do such a thing."

"You can say those things pero bakit sa public place? May kasama pa tayo oh?" Ngumiti sa 'min ang chef, gayon din ako.

Batid kong dinig nila ang usapan namin kasi ang tahimik ng paligid, ni-wala rin music.

"So that maraming tao." Nagtaka ako.

"E'di maraming nakakarinig!"

"Well, that's better." Naghalumbaba siya muli.

"It's not, dapat sa private mo sinasabi 'yan—"

"I don't want to make you feel uncomfortable just like what happened when we were in my office." 

Natigilan ako. Now I understand why mas gusto niyang maraming makarinig kaysa na kaming dalawa lang, it was because I got uncomfortable before.

"I prefer you being irritated infront of everybody, than to be alone with me while you're avoiding my presence." She said, smiling. 

I remained silent. "But you don't even reply to my messages." 

"I don't have a load."

"Reasons," she rolled her eyes.

"Saka ano naman ang i-re-reply ko?"

"Anything, as long as you replied." 

"E wala nga akong load. . ." I pouted, kuminang ang mata niya na tila natutuwa sa nakita, nang mapagtanto ko ang kinilos agad akong napaayos ng upo.

Nahawa na ata ako kay Belle!

"You keep making me yearn for something. . ." Ilag ang tingin na sabi niya. She reached for the water. Namumula ang kaniyang tenga.

And you keep making me yearn for warmth.

"I hope it's not sensual." Nabuga niya ang tubig na ininom. Hindi ko mapigilang matawa.

"You did it on purpose!" Pulang-pula ang mukha niya, napatayo siya at kumuha ng tissue.

Nahihiya siyang pinunasan ang sarili. Buti na lang at hindi marami ang naibuga niya. Nanatili akong pinapanood siya. 

She seemed pretty fulfilled at the moment. Her eyes glow better than the chandelier.

"What?" She slowly sat. "Are you tired?" Umiling ako bilang tugon. 

"Save your energy, I'll talk. . . just listen."

"I don't use my social battery when I'm with you."

"R-really?" Marahan siyang lumunok.

I smiled. "Hmm, nakukulitan ako sa 'yo pero hindi ka naman draining."

"Do you know that; that is the other way of telling someone you love being with them?" Her face lightened with delight. 

Nagkibit-balikat lamang ako. Sumandal ako sa bangko at tinignan siya ng maigi. 

She's all about life's beauty. Mula sa mata, sa kilay, sa ilong, pati na sa makinis na mukha. All about her features is captivating. 

She's everything.

"Makulit ako?" Tila bata ang tinig na sabi niya.

"Bearable," marahan siyang tumango at palihim na ngumiti.

"You don't need to talk, we may have a mouth, but it doesn't mean it's all we need to express what we feel inside."

"What do you think I feel inside?" I said, teasing her.

"Fulfillment."

"Ikaw lang naman ata 'yon,"

She bit her lip. "Right, there's no more for me to want, I already have all of it, here in the present."

"Ah. . ." tumango-tango ako at pilit na pinipigilan na ngumiti sa banat niya. "So hindi ako past?"

"You sure also know how to flirt subtly. . ."

"You taught me,"

She smiled with her eyes. "You're the present."

"Lakas talaga." Wala siyang takot na sabihin ang mga thoughts niya kahit anuman ang magiging reaksyon ng kausap.

"I'm always vocal to what I feel, especially when it is the truth." Depensa niya.

"Madame, here's your present." Singit ng isang chef sa usapan. 

 Parehas kaming natawa. Joke time rin 'tong si chef e!

Bitbit nila ang iba't-ibang klase ng dish, may raw tuna, may fried, meron ding sinabawan. We said thank you to the chefs and prayed, then we ate the dishes right infront of them. Iniwan naman nila kami pagkatapos mag-bow at ilang saglit lang nag-serve ng wine ang waiter.

Tahimik kaming kumakain nang magsalita siya. "I also prepared some for your family."

Uminom ako at tinignan siya sa mata. "You spent too much for just a lunch."

"For you it's a lunch, it's more than that to me."

"Thank you. . ." binabalot na naman ako ng kahihiyan. 

Ang laki ng ginastos niya, hindi ko man lang alam ang gagawin para makabawi. Hindi ako sanay na tratuhin ng ganito ng ibang tao. 

She's making me feel special when all I am is mediocrity. 

Natigil ako sa pagiisip nang hawakan niya ang kamay ko.

"Don't listen," napalunok ako, nakakapanghina ang sinseridad ng boses niya, pati na ang mainit niyang haplos. "Don't listen. . . Arin."

She turned her whole body to me, tinakpan niya ang tenga ko at matamis na ngumiti. 

"Don't listen to the noise inside your head. . ." 

Nanlabo ang aking paningin, inulap muli ng init ang puso ko. 

How can someone's comfort be this freeing?

"You're more than what it says. . ." marahan niyang pinunasan ang luha ko.

She knows that I'm about to overthink, and she helped me free myself from such a cage.

I looked at her neck to avoid her heart warming stares. Wala na talaga roon ang necklace niya na hinubad last time, noong nasa harapan kami ng office niya.

"Where's your necklace?" Napaayos kami ng upo. Base reaksyon niya halatang importante sa kaniya 'yon. "Sorry, did I—"

"I found a better one. . ." she eyed me with such intent. What did she mean by that? "Are you free for dinner?"

"Kumakain pa tayo dinner na nasa isip mo." We continued eating.

"I mean. . . I'll cook for you,"

"On the same day?" 

Akala ko ba gusto niya pa akong makasama? Nagbago na ba isip niya? After ba nito wala na kaming connection?

She nodded. "Do you like to visit and cook in my condo or something?"

Her condo?

"Are you worried about being alone with me?"

"Hindi naman—"

"Or you're worried that we won't hang-out again after that dinner?" Hindi ako nakaimik agad. 

She held my hand and squeezed it. "You have my number Arin, I'll wait for you to reach out. . . and I assure you that I'm always on my way."

No matter how much I want to join her for dinner hindi pwede, baka pagalitan ako ni ninong. Ang sasabihin may ka-date ako or may jowa na.

"Hindi ako pwede sa gabi e, lunch lang." 

Binitawan niya ako at binalik ang tingin sa pagkain. "Cool, when are you free again?"

"Bukas,"

"Let's cook in my condo?"

"Sige, magluluto lang naman tayo 'di ba. . ." she turned to me.

She flashed her playful smile. "Yes at magkakainan din tayo."

"Huwag na lang pala. . ." I joked. She bursted into laughter. "At akala ko ba ikaw magluluto? Bakit kasama na ako?"

"I want to cook with you, it looks sweet right?" Napaismid ako.

"Sweet? Nakakairita kaya kapag may kasama ka magluto, lalo na kapag nakaharang sa daan; like, umalis ka nga! Masyado kang sagabal wala kang ambag." 

Natandaan ko no'ng nagluto kami ni Ethan puro tingin lang siya tapos nakaharang pa sa daan, nakakairita! 

"I'll help, I swear, or we can stick to our original plan, you can just watch me."

"Paiba-iba talaga isip mo," napailing ako.

"I'm not indecisive. I'm just spreading a better options for you."

"Reasons," 

"As long as you're with me, whatever the option is. . . I'll take."

"Oo na, oo na. . ." uminit ang tenga ko.

She giggled. "You can watch me cook if you're already tired."

"Okay then," 

"So that you can see my cooking skills, and my potential as your wife." 

Walang tigil ang banat niya! Hindi man lang namin matapos-tapos nang mabilis ang pagkain! Baka lumamig pa ang sabaw.

"Bilisan na natin kumain oo, kasi may pasok ako mamayang alas dos. Ano? Baka abutin tayo ng gabi at matuloy pa nang wala sa oras ang dinner na sinasabi mo."

Natawa siya. "You and your words."

"No, you and your words." I emphasized. 

Her words that are strong enough to soften me up.

Tahimik kaming kumain hanggang sa natapos, she's now busy drinking water. Napaayos ako ng upo nang matandaan ang debate.

She's transparent when it comes to me to the point that I can now see her wounds.

"About the debate last time. . . I want you to know that you're also worth it."

Lagi niyang pinaparamdam na gano'n ako, but it seems like it is her who need to hear those words the most.

Marahan siyang lumingon sa 'kin, nangungusap ang mata niya na para bang nangungulila.

"And there's a person out there that will treat you right without you even asking for it. Just wait, it's all what we can do as of the moment." I smiled as an assurance it was the truth.

Iniwas niya ang tingin. "Can't it just be you?" She mumbled something I didn't heard clearly.

"H-huh?"

"Nothing." Mabilis niyang inubos ang tubig.

I sighed. "Seriously, ano 'yun?"

She took a long pause before she said the words that baffled me.

"I already found the right person. . . yet I still need to wait for the right time." 

She's the phenomenal light that produces more than warmth in life.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

9.9M 645K 75
Yaduvanshi series #1 An Arranged Marriage Story. POWER!!!!! That's what he always wanted. He is king of a small kingdom of Madhya Pradesh but his pow...
45.4K 888 23
This is a story about two twin sisters who just graduated from high school. They are very excited because they are going to a music college!
1.1K 200 19
Step into the lively streets of Paris, where the scent of freshly brewed coffee mixes with the promise of fresh starts. Nestled in the heart of the c...
3.3M 270K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...