Unsolved Love - Student Serie...

De JustUnUglyGirl

60.6K 1.5K 19

[COMPLETE] Pamie Natividad and Cian Dheo Almazon Ang gusto lang naman ni Pamie ay ang magkaroon ng payapang... Mai multe

UNSOLVED LOVE
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
AUTHOR'S NOTE

EPILOGUE

1.5K 41 1
De JustUnUglyGirl

A/N: huhunesss tapos na ang Unsolved Love huhu, dahil tapos na ang Unsolved Love siyempre tapos na din ang Student Series 😭 I didn't know na matatapos ko 'to. Thank you so much kase nakaabot ka dito sa Epilogue. Enjoy reading 😽❤️

___

"Baka naman may gusto sa'yo kaya aksidenteng na like ang old post mo?" Natatawang tanong ni Josh.

"Baliw ka ba, paano magkakagusto sa akin yun, eh mukhang maarte." Sagot ko naman.

Nagtataka lang ako kung bakit ni-like niya ang old post ko, ilang years na yun eh, imposibleng namang dumaan yun sa news feed niya eh hindi naman kami friends sa facebook o kahit saang social media.

Kaya para inisin siya ay ako na ang nag add sa kaniya, sa facebook at instagram, wala akong twitter eh.

"Shit, bakit nasira?" Tanong sa akin ni Coach. Matagal na kase itong raketa ko eh.

"Pinahiram naman po ako ni Pamie," paliwanag ko, paano kase kung saan-saan pumupunta, ayan tuloy di na alam ang nangyari.

"Panalo pa din naman di ba?" Nakangiti niyang tanong, tumango naman ako bilang tugon. Naka ilang set na kami ng laro, mabuti na lang panalo pa din.

Natanaw ko sa di kalayuan si Xiena at Ajero na nanunuod. Napangiti naman ako nung makita kong ang chene-cheer niya ay kami.

Sinadya kong manalo para ako ang mang lilibre kay Pamie, bukod sa mahina talaga siya,  ayaw ko ding gumastos siya para sa akin.

Hiyang-hiya ako nung dinala ko siya sa turo-turo, hindi ko kase napaghandaan at kulang na kulang ang dala kong 150 pesos. Mabuti na lang napakiusapan ko yung tindera na dagdagan ang ulam dahil doon naman ako lagi kumakain. Mabuti na lang hindi siya nagreklamo o hindi ako nakarinig ng kung ano-ano sa kaniya.

"Cian, sino ba yang kausap mo gabi-gabi?" Napakamot ako sa ulo ng pumasok si Mama sa kuwarto ko.

"Si Pamie po," sagot ko naman. Nanlaki ang mata niya dahil sa gulat, mabilis siyang lumapit sa akin.

"Girlfriend mo? Kailan mo ipapakilala sa amin? Kailan mo pa siya naging girlfriend?" Sunod-sunod niyang tanong na ikinatawa ko.

"Ma, hindi ko po girlfriend, kaibigan ko lang po," natatawa kong sagot. Napasimagot naman siya sa pagka dismaya at tumayo.

"Akala ko naman girlfriend mo, magpakilala kana kaya ng babae dito sa bahay." Nakasimangot niyang sabi bago lumabas ng kuwarto ko.

Si Mama talaga kahit kailan, paano ako magkaka girlfriend eh hindi nga ako gusto ng babaeng gusto ko?

"Matulog kana." Utos ko kay Pamie sa call.

["Tatapusin ko lang 'to tapos matutulog na din ako."] Sagot niya naman.

Hindi ako makapaniwala na almost one week na kaming nag-aasaran nu Pamie, nasanay na din ako sa kaniya, yung mga hindi ko ginagawa dati, ginagawa ko na ngayon.

Nung una ang sungit-sungit niya sa akin, pero nasasanay na din ako sa kaniya, palagi ko pa siyang kinukulit sa messenger at Instagram.

Ilang beses ko siyang inaawitan sa call kahit hindi ko alam na kanta inaaral ko para lang maawitan siya.

Hindi ko inakala na makikita ko si Xiena at Ajero na kumain ng street foods sa harap ng SSA, hindi pa sila nahiya at naghalikan oa sa gitna ng ulanan. Pero ang mas nakakagulat ay yung nalaman kong magkakaibigan kaming lahat. Totoo ngang maliit lang ang mundo o sadyang nagkataon lang.

"Hindi naman kita hahalikan ng hindi nagpapaalam noh, may respeto ako sa'yo kaya 'di ko gagawin kapag hindi ka pumayag," sagot ko at sinubuan ko ulit siya ng kikiam. "Ang cute mo." Pagpupuri ko.

Malaki ang respeto ko sa kaniya, aaminin ko na nahuhulog na ako sa kaniya. Sino ba naman ang hindi eh ang ganda niya, nasa kaniya na ang hinahanap ng isang lalaki.

Pag-uwi ko ng bahay ay nagulat ako dahil nagsisigawan sila Mama at Papa.

"Ma, ano pong nangyari?" Hindi niya ako sinagot ay pumunta na siya sa kuwarto nila. Napatingin naman ako kay Papa na nakahawak sa ulo niya na parang naiinis.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumeritso na sa kuwarto ko para makapagpalit ng damit dahil basang-basa ako.

"Hi Cian." Gulat akong napatingin kay Lea ng sabayan niya ako maglakad papunta ng room.

"Hinatid ka ng Daddy mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Yup, ayaw ako isabay ni Pamie eh," malungkot niyang sagot.

"Suyuin mo lang ng suyuin, lalambot din yun," sagot ko naman.

"Oo nga pala, bakit basa siya nung nakaraan? Ayun nilalagnat dahil nagpaulan." Napatingin naman ako sa kaniya na nagtataka, hindi binanggit sa akin ni Pamie na may sakit siya.

Napailing na lang ako dahil sa inis, wala din naman akong magawa dahil hindi niya naman ako boyfriend. Pero dapat talaga di na lang kami kumain nun kung uulan din lang ng malakas.

"Ba't magkasama kayo?" Gulat na tanong ni Josh ng pumasok kami sa room.

"Nakita ko lang siya sa pathway habang naglalakad." Sagot naman ni Lea at umupo na sa upuan niya.

"Nagselos ka naman kaagad," pang-aasar ko kay Josh.

"Selos ka diyan, sino nagsabi?" Hindi ko na siya pinansin at napailing na lang.

Kinabukasan ay maaga akong umuwi dahil dadaan ako sa park kung saan nandoon ang mga bata na tinuturuan ko mag badminton.

"Kuya Cian, may dala ka bang pagkain?" Tanong ni Jimmanuel pagdating ko.

"Pagkain na naman Jimmanuel? Kaya ka hindi pumapayat eh," pang-aasar ni Vimmia.

"Sus, nilait mo pa eh crush mo din naman siya," sabat naman ni Kurt, hindi nakasalita si Vimmia dahil tinawanan na siya nila.

"Wala akong pagkaing dala eh." Sagot ko naman. Tila nanlumo naman ang pagkatao nila ng sabihin ko yun.

Nagsimula na akong turuan sila maglaro hanggang sa napansin ko ang isang kotse na papalapit sa amin, at hindi nga ako nagkakamali, kay Pamie yun.

Nang makita ng mga bata na papalapit siya ay agad nila itong sinalubong, nakakatampo na itong mga bata, palibhasa wala akong dalang pagkain hindi na nila ako nilalapitan.

Habang kumakain yung mga bata ay naglaro muna kami ni Pamie na nauwi sa pustahan.

"Anything?" Tanong ko, may pumasok na kalukuhan sa utak ko kaya nginisihan ko siya.

"Anything," sagot niya naman.

"Kapag natalo kita ngayon din, girlfriend na kita." Matapang kong sabi na ikinagulat nilang lahat. Naglapitan pa yung mga bata na hindi pa tapos kumain.

"Go kuya, kaya mo yan!" Si Mia habang tumatalon pa.

"Angas nun ha," natatawang si Kurt.

"Teka hindi pa ako pumapayag ha, ang daya naman nun," reklamo ni Pamie na hindi na maitsurahan ang mukha.

"Wala na, deal is a deal Ate Pamie," natatawang si Lloyd.

Ganiyan ang gusto ko sa mga bata eh, ako ang sinusuportahan.

"Wala bang second option?" Tanong ni Pamie. Malamang na kinakabahan siya. Hindi naman ito totoo eh, ayaw ko pa din talaga magkaroon ng girlfriend lalo na't masakit yung ginawa sa akin ng past girlfriend ko.

"Wala, game na!!" Sigaw nilang lahat.

Nginisihan ko si Pamie habang naglalaro kami, ilang beses na siyang natatalo na laging sa akin ang score, sinadya kong talunin siya dahil titingnan ko kung ano ang reaction niya.

Inaamin ko na nahuhulog ako sa kaniya pero ayaw kong maging girlfriend siya sa ganitong paraan.

"Service over, two lab you daw sabi ni kuya Cian," natawa ako sa sinabi ni Mia pero mabilis rin yung nawala ng makita si Pamie na naka-upo sa lupa kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.

Kitang-kita ko ang pamumula ng tuhod niya at ang mata niya ay naluluha na.

"Pano ba yan? Deal is a deal?" Nakangiti kong sabi sa kaniya habang tinutulungan siyang alisin yung dumi sa damit niya.

"I have no choice," sagot niya naman na ikinahalakhak nila.

"Because you are only mine, don't worry I won't hurt you," nakangiti kong tugon.

Shit, sabi ko joke lang yun, bakit naman naging totoo? I guess kailangan kong panindigan 'to.

"Ayieee, ede wow," sabi ni Mia at bumalik sa kinakain nila kanina, napatawa naman kami ni Pamie dahil doon.

"Haystt nagkatuluyan din," umiiling na sabi ni Cyrell.

"Inggit ka lang eh," pang-aasar naman ni kurt.

"Pagsisisihan mong naging girlfriend mo'ko," sabi niya at inirapan ko, halata naman na kinikilig siya.

"No, you're more than enough, wala akong pagsisisihan at wala akong balak na sukuan ka, kahit anong mangyari," seryuso kong sabi na ikinapamula ng mukha niya. "Ang cute mo."

Ayan na lang yung magagawa ko, ang purihin siya.

Bilang isang boyfriend niya ginawa ko lahat para mapasaya siya, dinadalaw ko siya sa school nila kahit malayo para lang makita at makasama siya. Pakiramdam ko kapag kasama ko siya lahat ng pagod sa katawan ko nawawala makita ko lang ang mga ngiti niya.

Gano'n lagi ang routine naming dalawa.

"Cian, I like you." Napatitig ako kay Lea na naka-upo sa harapan, lahat kami na nasa room ay gulat na tumingin sa kaniya, nanatili ang walang reaction kong mukha habang nakatingin sa kaniya.

"Ouch." Mahinang inda ni Josh na may gusto kay Lea.

Bakit kase siya pa yung tinawag para mag confess ng pinakatatago nilang sekreto eh. Napuno ng asaran ang buong klase dahil sa ginawang pag amin ni Lea. Nakayuko siyang bumalik sa tabi ko kung saan siya naka-upo.

"Totoo bang gusto mo si Cian?" Tanong ni Josh. Hindi ko narinig ang sagot ni Lea, hindi ko na sila pinansin at kinuha na lang ang cellphone ko, sinadya kong ipakita kay Lea ang wallpaper ko na si Pamie.

Nagkunwari lang akong tumingin ng oras at hinayaan na yun, napansin ko namang tumingin doon si Lea at napatango.

Halata naman na may gusto siya sa akin, mas gusto ko nga lang ang kapatid niya. Nagtataka lang ako kay Pamie kung bakit hindi niya nababanggit sa akin ni Lea, galit pa rin ba siya dito? Ilang buwan na ah.

Nung hapon na ay sumama ako kay Pamie at kay Lexi na sinasabi nilang double date daw. Pero nawala ako sa mood ng makitang papasok sila sa malaking restaurant, paniguradong mahal yun doon dahil sa ganda ng lugar, wala pa naman akong allowance ngayon.

Habang naglalakad kami papasok ay perang gusto ko na lang umatras dahil sa kabang nararamdaman ko.

Sinisisi ko yung sarili ko dahil sa walang-wala ako ngayon. Hiyang-hiya na ako parang ayaw ko na lang tumuloy, siguro ito na nga yung sinasabi ng iba na ang mayaman hindi pwede sa mahirap.

Pagkatapos nilang kumain ay nauna na akong lumabas, hindi ako galit kay Pamie, galit ako sa sarili ko kase hindi ko man lang siya nabilhan ng mga mamahaling gamit kagaya ng kaibigan niya.

Feeling ko hindi niya ako deserve.

"Sorry if ito lang ang kaya kong ibigay sa'yo, pero trust me kapag nagkaroon ako mas higit pa dito ang ibibigay ko sa'yo." inabot ko sa kaniya ang isang box. Ito ata yung first time na neregaluhan ko siya, gusto ko siyang bigyan ng bigyan araw-araw, pero walang-wala ako eh, mahirap lang kami.

Pinanuod namin ng sabay ang fireworks.

"I love you." Bulong ko sa kaniya.

Sana manatili kami sa isa't isa, sana ang pagmamahalan na 'to ay pang hanggang wakas na, hindi ko na ata kayang mawala si Pamie.

Pag-uwi ko ng bahay ay nagulat ako sa sigawan na naririnig ko, nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay pero parang wala na namang nangyari dahil hindi na naman sila nag iimikan, ilang beses ko na silang naabutan na ganito pero kapag tinanong ko kung anong nangyayari walang nagsasalita sa kanila.

"Ma, Pa, bakit po kayo nagsisigawan?" Nag-aalala kong tanong, hindi ako pinansin ni Mama at nagpatuloy lang siya sa paghuhugas ng plato pero halatang galit.

Si Papa naman ay nakatingin lang sa labas ng pinto ng bahay, napahinga ako ng malalim saka pumasok sa kuwarto ko para magpahinga.

Kinabukasan, nagising ako sa ingay na nanggaling sa sala namin.

"Putangina, hanggang kailan mo itatago kay Cian ang lahat?!" Rinig kong sigaw ni Mama.

"Wala kang sasabihin sa kaniya!" Mabilis akong lumabas ng bahay at nagulat ako ng makita si Papa na sinasakal si Mama.

"Pa!" Mabilis akong lumapit sa kanila para pigilan lang siya, halos hindi ns makahinga si Mama dahil sa higpit ng pagkakasalan ni Papa. "Ano po bang nangyayari?! Bakit nyo po ginawa yun?!" Sigaw ko kay Papa.

Tinulungan kong makatayo si Mama pero tinulak niya lang ako palayo.

"P-Pumasok ka sa kuwarto mo!" Nahihirapang utos ni Mama.

"Ma, ilang araw na kayong ganito, may karapatan akong malaman kung anong nangyayari sa pamilyang 'to!" Sigaw ko.

"Cian-"

"Ma, ano ba?!" Sigaw ko. "Wala ba talaga kayong planong sabihin sa akin?!"

"Ang Papa mo may ibang pamilya." Mahinang sabi na Mama habang hinahawakan ang leeg.

Gulat akong napatingin kay Papa na nagtatanong.

"Puta, Pa?!" Galit kong tanong.

Hindi siya nagsalita, umiwas siya ng tingin sa akin, putangina, tatlo na nga lang kami tapos may iba pa siyang pamilya? Nakakaputanginang buhay naman 'to.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, inis akong napasambunot sa buhok ko, galit kay Papa ang nararamdaman ko, narinig ko pa ang iyak ni Mama na mas lalong nagpadurog sa akin.

Kitang-kita ko ang pag-alis ni Papa dala ang gamit niya pangtrabaho, gusto ko siyang sigawan ng sigawa at suntukin para matauhan siya. Paano niya nagawa sa amin 'to?

"Ma-"

"Pumasok kana Cian, may exam ka pa ngayon." Utos niya.

Hindi ko alam kung paano pa ako makakapasok ng ganito ang sitwasyon namin.

"Hindi po muna ako papasok-"

"Cian! Pumasok ka, gusto mo bang pati ang buhay mo masira?! Mag-asikaso kana!" Sigaw niya at pinagtulakan pa ako papasok ng kuwarto ko.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok, habang naliligo tumutulo ang luha ko. Para akong bata na iniwan ng Nanay dahil pumunta ito sa palengke.

Ang sakit lang tanggapin na nagawa sa amin yun ni Papa, bakit pa siya naghanap ng iba? Hindi pa ba kami sapat ni Mama? Okay naman kami eh, bakit biglang naging gano'n?

Paglabas ko ng kuwarto ko ay nakangiting bumungad sa akin si Mama.

"Kumain kana muna, pinagluto kita ng paburito mong almusal, para may lakas ka sa exam nyo ngayon." Sabi niya, napangiti naman ako bago umupo at kumain. Nakatingin lang siya sa akin na ikinapagtaka ko.

"Kain kana po, Ma?" Yaya ko.

"Mauna kana, lagi kang mag ingat ha, oo nga pala wag mo pabayaan ang pag-aaral mo ha, at saka yung kay Papa mo? Wag kang magagalit sa kaniya ha, palagi mong tatandaan na mahal ka ni Mama." Niyakap niya ako habang kumakain ako.

"Ma naman," iba yung pakiramdam ko sa mga sinabi niya. "Wag na lang muna kaya ako pumasok, pwede ko naman po yung-"

"Pumasok kana, wag kang mag-alala sa akin." Utos niya.

Masama talaga ang pakiramdam ko pero hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nang matapos ako ay dumeritso na ako sa school. Tahimik lang ako at hindi pinapansin sila Josh at Lea.

Hindi ko alam kung tama ba yung mga sagot ko do'n, nang matapos ang exam namin ay dali-dali akong umuwi ng bahay dahil iba na ang pakiramdam ko, ni hindi ko na nagawang mag update kay Pamie dahil sa ang isip ko ay nag-aalala kay Mama.

"Ma?" Tawag ko pagpasok ko ng bahay pero walang sumagot kaya mas lalo akong kinabahan, dahan-dahan akong pumasok sa loob pero walang tao, kaya mabilis kong binuksan ang kuwarto nila Mama.

Para akong binuhusan ng tubig sa nakita ko. Napa-upo ako sa sahig habang nakatingin sa kisame.

"Ma!!!" Sigaw ako ng sigaw habang sinusuntok ang pintuan.

Kitang-kita ko ang katawan ni Mama na nakasabit sa kisame, ang mukha niya ay kulay violet na.

"Tangina, Mama naman!" Sigaw ako ng sigaw habang binababa ko siya.

Mama naman, bakit mo 'to ginawa?!

Mabilis ko siyang dinala sa hospital dahil na rin sa tulong ng mga kapitbahay namin, pero wala na, malamig na ang katawan ni Mama.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na akong maayos na tulog at hindi na rin ako nakakapasok sa school dahil sa nangyari, tinulungan lang ako ng mga kaibigan ni Mama.

"Cian?" Napatingin ako kay Josh pero wala akong sinabi sa kaniya, kusa na lang tumulo ang mga luha ko.

Nakakatangina lang dahil hanggang ngayon hindi nagpapakita ang magaling kong Tatay. Ang sakit-sakit. Parang gusto ko ns lang din mawala sa mundo.

Ilang araw bago malibing si Mama, nilibang ko ang sarili ko sa pag inom ng alak sa bahay, hindi na ako pumapasok at pinatigil ko na si Josh na puntahan ako sa bahay, sinigawan ko pa siya para lang tumigil.

Para akong baliw dito sa bahay, walang ginawa kundi uminom ng alak at matulog, hindi na ako kumakain, pariwara na ang buhay ko sa madaling sabi. Kinalimutan ko lahat ng tungkol sa akin dati.

Nagising na lang ako isang araw na wala ako madilim naming bahay, hindi ko na nga alam kung bahay pang matatawag yun eh.

"Cian!" Tawag ni Pamie, mabilis kong tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin, hindi dapat ako nandito. "Cian, saan ka pupunta!" Sigaw ni Pamie at hinarangan ako.

"Shut up!" Sigaw ko at tinulak ko siya palayo. "We're done Pamie, please leave me alone, ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo! Kayong lahat! Wag na wag na kayong magpapakita sa akin!" Sigaw ko sa kanila at isa-isa silang tinuro, "Lahat kayo walang kwenta, lahat kayo iiwan rin ako! Lahat kayo!!" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, kitang-kita ko ang mukha ni Pamie na umiiyak, ang mukha ni Josh na nagtataka.

Iiwan nyo din akong lahat.

Ilang beses lumapit sa akin si Pamie, hindi ko sinasadyang matulak siya.

"This is enough, Pamie makinig ka sa akin! We're over! I don't need you anymore, hindi naman talaga kita minahal eh, lahat ng yun trip ko lang, so please leave me alone at wag ka ng magpakita sa akin ulit!" Sigaw ko.

That's a lie, a fucking lie,. I need you Love, I live you. Hut I need to end this dahil ayaw ko ng masaktan pa kita.

"Let's stop this!" Dagdag ko at mabilis na lumabas ng pinto.

Para akong sinasaksak habang naglalakad papalayo sa kaniya, gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihing mahal na mahal ko siya, pero hindi na pwede, hindi pwede dahil wala siyang mapapala sa akin, hindu ako bagay sa kaniya, she doesn't deserve me.

Pagbalik ko ng bahay mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at hinanap ang alak at uminom ulit. Ilang minuto lang ay pumasok si Josh at sinuntok ako ng tatlong beses.

"Tangina mo, Cian!!" Hinihinga niyang sabi. Hindi siya pinansin at kinuha ang alak pero mabilis niya yung binasag. "Putangina mo, sinisira mo ang buhay mong gago ka, wag mo ng idamay si Pamie, gago ka, iyak ng iyak si Pamie dahil sa'yong gago ka!!" Hindi ko siya pinansin.

Kinabukasan inis akong bumangon ng may kumatok sa bahay, napamura ako sa isip ko ng makita si Pamie sa pinto.

Tangina, I want to hug her so bad, gustong-gusto ko siyang yakapin pero tama na, ayaw ko ng masaktan pa siya.

"Putangina, Pamie!" sigaw ko ng maipit siya sa pinto. Tangina.

Gustong-gusto ko siyang lapitan pero tangina, hindi ko magawa.

"Putangina, bakit?! Walang rason?! Gano'n lang yun?!" sigaw niya sa akin.

Please, baka kung ano pang magawa ko sa'yo, umalis kana.

"Just go home, it's already late." Mahinahon kong sagot sa kaniya, pinipigilan ko ang sarili kong umiyak at yakapin siya. Kitang-kita ko ang pamumuo ng luha niya sa mga mata niya na ayaw na ayaw kong makita.

Ilang beses na siyang nagmakaawa sa akin pero ayaw ko na, ayaw ko ng saktan pa siya. Gusto ko man pero siya lang ang mahihirapan kaya tama na.

Pagkatapos ng araw na yun, narealize ko na gusto ko siyang balikan, pero sa tamang panahon at tamang tao na ako para sa kaniya, yung masasabi niya ng deserve niya ako at deserve ko siya.

Kinabukasan maaga aking bumangon para pumasok sa school, pinakiusapan ko si Lea at Josh ba wag munang banggitin ang pangalan ko kay Pamie ay hayaan na lang ito.

Isang gabi napadaan ako sa pantalan para sana magpahinga muna, dahil naalala ko rin na doon kami laging nakikita ni Pamie, pero laking gulat ko ng makita siya. Nakatitig lang ako sa kaniya pero walang akong sinasabi.

Nilampasan ko lang siya at pumunta sa dulo ng pantalan, I want to hug her so bad.

Hindi pa ako nakakarating ay tinawag niya na ako, napapikit ako bago humarap sa kaniya.

Ang sakit nung sampal niya, pero deserve ko yun.

Pinulot ko yung letter na binigay niya sa akin.

Dear Cian,
    Hi Love, it's been a while since we broke up, I really missed you, alam mo simula nung nawala ka hindi ko na alam kung kaya ko bang bumangon sa umaga, dahil walang araw na dumaan na hindi kita naalala. Ang sakit lang isipin na natapos tayo ng gano'n lang, pero lagi mong tatandaan na hindi ako nagsisisi na nakilala kita.

Lagi mong ingatan ang sarili mo, lagi mong tandaan na nandito lang ako at nakasuporta palagi sa'yo, mahal na mahal kita.

Love
Pamie

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil sa letter na yun, gustong-gusto ko na siyang yakapin.

"Kumusta siya?" Tanong ko kay Lea.

"She's fine without you," sagot niya naman.

"Tanga mo kase eh." Sabi sa akin ni Josh. Hindi ko siya pinansin.

Habang naglalakad ako sa papunta sa cafeteria ay nagulat ako ng harangin ako ni Xiena at Ajero.

"Ikaw ba si Cian?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong nila. Naalala na ba nila ako?

"Yes, why?" Sagot ko naman.

"Can we talk?" Tanong ni Ajero, tinanguan ko lang sila at pumasok na kami sa cafeteria. Nag order si Ajero habang su Xiena naman ay nakataas ang kilay sa akin.

"Bakit? Anong kailangan nyo sa akin?" Taka kong tanong.

"Did you know Pamie?" Tanong niya sa akin, tinanguan ko lang siya.

May inilapag siya sa lamesa at kinuha ko naman yun.

"It's and invitation card, invited ka sa party na gaganapin sa bahay namin," sagot naman ni Ajero ng makalapit sa amin. "Anniversary ni Mommy at Daddy." Dagdag niya.

"Nabanggit sa amin ni Pamie ba ikaw si Cian na kaibigan namin ni Azal," sabi naman ni Xiena na ikinagulat ko. Nagkita-kita na pala sila. "Gusto ko nando'n ka hindi bilang ex ni Pamie, kundi kaibigan namin."

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi, nahihiya akong humarap kay Pamie pero wala akong nagawa nung sunduin ako ni Ajero sa bahay. Binigyan niya rin ako ng susuotin kong damit.

"Dapat maayos kang haharap kay Pamie," bahagya pa siyang natawa. "Ang gago mo naman kase pre eh, kailan mo balak balikan yun?"

"Kapag okay na ang lahat at kaya niya na akong tanggapin ulit." Sagot ko naman.

Nang makarating kami sa party ay napatingin ako kay Pamie, shit ang ganda niya. Walang kupas.

Inis na inis ako sa kaniya dahil sunod-sunod na ang inom niya ng alak kaya pinigilan ko na siya pero nagalit pa siya sa akin.

Kaya nang malasing sila ay nagsialisan na sila, natira na lang ay kaming dalawa ni Pamie. Kung ano-ano na ang sinasabi niya, yung iba hindi ko na maintindihan dahil puro hinanakit niya lang sa akin.

"Mahal na mahal kita, Pamie, can I kiss you?" Tanong ko. Nagulat ako ng tumango siya, sana lang hindi niya 'to maalala.

Nang dumampi ang labi ko sa labi niya ay pareho kaming napapikit, hindi rin naman yun nagtagal dahil kailangan niya ng umuwi.

Madami pa siyang sinabi pero isa lang ang naalala ko.

"B-Bumalik kana sa akin please?" Nakapikit siya habang sinasabi yun.

"Babalik ako, pangako!" Hinalikan ko siya sa noo bago binuhat at hinatid sa kotse nila.

"Ingat po kayo," paalam ko sa Mommy at Daddy niya.

"Kaibigan mo ba si Pamie?" Tanong ng Daddy niya.

"Boyfriend po," nakangiti kong sagot, nagkitinginan naman ang dalawa bago natawa.

"Hayst, si Pamie talaga, salamat hijo ha, mag ingat ka din pauwi." Kumaway sa akin ang mag asawa bago umalis.

Natawa naman ako sa reaction nila, akala ko magagalit sa akin kaya napahinga ako ng malalim.

Akala ko yun na ang huli naming pagkikita namin, nabalitaan ko kay Lea na valedictorian si Pamie, I'm so proud of her.

Sa kabila ng nagawa ko sa kaniya nagawa niyang marating lahat ng 'to, kayang-kaya niya.

"Kuya, hindi pa rin kayo nagbalikan?" Tanong ni Mia, umiling lang ako.

Sinabi ko din sa kanila na valedictorian si Pamie.

May dala akong flower's sa graduation niya, para talaga yun sa kaniya pero nahihiya akong ibigay. Hanggang sa nagulat ako ng lapitan ako ng Mommy at Daddy niya at sinabihan akong tutulungan kay Pamie.

Pero ng gabi ring yun ay napagtanto kong huli na ako, ayaw na ni Pamie, siguro narealize niya na talaga na hindi ako para sa kaniya. Pero nawala din yung isipin ko na yun ng balikan nila ako at isama sa bakasyon nila.

Tinawagan ako ng Daddy niya na chance ko na daw yun para balikan si Pamie kaya hindi ko na rin pinalampas, at hindi nga ako nagkamali.

Pagkatapos ng bakasyon na yun ay bumalik na kami na masaya, nag-usap kami ni Pamie tungkol sa amin, gusto kong mag proposed ng maayos sa kaniya. Kaya nagpatulong ako kayla Ajero para doon.

Sa pantalan namin ginawa ang proposal. Doon kami nag decorate.

"Kinakabahan ka ba?" Natatawang tanong ni Kleon.

"Sino ba namang hindi?" Sagot ko sa kaniya.

Nang marinig namin ang busina ng sasakyan ay naghanda na kaming lahat, nilagyan nila si Pamie ng blind fold para hindu niya makita.

"Ano ba 'to? Di ko naman birthday eh." Reklamo niya ng makalapit sa akin.

"But it's my birthday," natatawa kong bulong sa kaniya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang piring at gulat na tumingin sa akin.

"Love?" Dahan-dahan akong lumuhod habang hawak ang kamay niya, inilabas ko ang singsing na binili ko para sa kaniya.

"Can you be my girlfriend? Again?" Kitang-kita ko ang luha sa mga mata niya.

"Yes!" Sagot niya naman. Tumayo ako at isinuot ang singsing sa daliri niya.

Finally. Our Love was Solved!

Pamie Natividad and Cian Dheo Almazon is officially signing off!!

The end.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1M 90.9K 39
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
HATE ME NOT (BOLS #1) De Ate Gem

Ficțiune adolescenți

41.6K 5.1K 73
Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behind his facade of confidence, lies a woun...
998K 22.5K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
804 59 19
"She's my Karma, my Beautiful Karma," Jiyu, living his life to the fullest as he stumbles upon a girl under the umbrella, as he knows that she was h...