Beware of the Class President

由 JFstories

1.7M 99.9K 57.5K

FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na... 更多

INITIUM
...
CAPITULO 1 - Pervert
CAPITULO 2 - Zero
CAPITULO 3 - Boys
CAPITULO 4 - Alone
CAPITULO 5 - Oppression
CAPITULO 6 - Awakening
CAPITULO 7 - Speech Delay
CAPITULO 8 - Decoy
CAPITULO 9 - Depression
CAPITULO 10 - You
CAPITULO 11 - Unfolding
CAPITULO 12 - Body Contact
Capitulo 13 - Let's Go
CAPITULO 14 - Joyride
CAPITULO 15 - First Step
CAPITULO 16 - Incense
CAPITULO 17 - Fever
CAPITULO 18 - Nun
CAPITULO 19 - Luggage
CAPITULO 20 - Something/Someone
CAPITULO 21 - Rosary
CAPITULO 23 - Imminent
CAPITULO 24 - Companions
CAPITULO 25 - Trip
CAPITULO 26 - Wake
CAPITULO 27 - Brave
CAPITULO 28 - Confidant
CAPITULO 29 - Seized
CAPITULO 30 - Taken Over
FINE TEMPORE UNUM
CAPITULO 31 - Ataraxia
CAPITULO 32 - Boyfriend

CAPITULO 22 - Crushed

44.1K 2.3K 1.2K
由 JFstories

CAPITULO 22


SA ISANG IGLAP, GUMUHO ANG LAHAT.


Comatose si Mama. Naibagsak ko ang phone sa damuhan habang sa aking harapan ang malawak na damuhan sa quadrangle. Kaninang wala roong makikita, subalit ngayon ay may mga imaheng paroo't parito na.


Mga naglalakad na akala mo sa una ay normal lang na may pupuntahan, paalis, parating. Hindi sila umaalis sa mga puwesto. Ang mga ekspresyon ay hindi nagbabago. At nakatingin lahat sa akin ang mga ito!


Ilan sila, napakarami, iba-iba. Mga hindi pamilyar, ang mga mukha ay hindi gaanong maaninag, na parang kang malabo ang mga mata na walang suot na salamin. Ang bigat sa dibdib ng mga ito tingnan. Higit lalo ang isa sa kanila, ang nasa pinakamalayo na mas malabo ang mukha... Ang babaeng naka-itim!


Ano ba ang gusto nila sa akin?!


Bakit nakikita ko na naman ang mga ito? At bakit din hindi pa magaling si Mama? Bakit na-comatose siya? Anong nangyari sa kanya? Naniwala naman ako, di ba? Pero bakit para lang akong pinaasa sa wala?


Si El ang dumampot sa cellphone ko. Inilagay niya iyon sa bulsa ng aking suot na palda. "Umalis ka na, Kena."


Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya habang pinangingiliran ako ng luha. Tinalikuran ko na siya para umalis.


Sa tricycle papunta sa ospital ay umiiyak na ako. Ang huling iyak ko na walang patid ay noong bata pa ako, noong nahulog ako sa hagdan at nabalian ng buto. Ngayon ay parang hindi lang ako sa isang buto nabalian, kundi sa buong katawan.


Ang pakiramdam ay parang paakyat ka na, pero walang pasabing bigla kang itinulak pabagsak. Ayoko na. Ayoko na. 


Pagdating sa ospital ay dumukot ako ng pera sa bulsa para pambayad sa driver. Pagkuha ko sa purse ay nadala ang rosary ni Sister Gelai. Sumabit iyon sa zipper ng purse, at nahulog sa lapag ng tricycle.


Pag-abot ko ng bayad ay bumaba na ako. Ni hindi ko na pinagkaabalahan pang damputin ang nahulog na puting rosary. Hindi ko naman iyon kailangan. Hindi na ako aasa para lang sa huli ay mabigo na naman.


Sa isang maliit na kuwarto naroon si Mama. Ang itsura nito ay tila tumanda. Naninigas ang buhok sa tuktok na tila naging alambre. Puro tubo na ang katawan, walang malay, payat na payat at namumutla ang balat. 


Sa tabi ay nakatayo ang nangangalumata na si Tito Randy. "Ikaw muna ang magbantay, Kena," anito sa mahinang boses. "Magpapahinga muna ako."


Bawal ang dalawang bantay sa ospital. Isa lang kada pasyente. Kailangang umuwi ni Tito Randy para makapagpalit ng damit at makapagpahinga sandali.


Nang makalabas na ang lalaki ay lumapit ako sa hospital bed ni Mama. Bakit ganito ang amoy dito? Bakit ang sangsang? Dahil ba sa mga gamot? O may mga basura ba rito na kailangang itapon?


Lumingap ako sa paligid. Maliit man ang kuwarto ay malinis naman. Wala ring gaanong gamot dito. Hindi kaya nagmumula sa mga tubo ang amoy? May kumatok sa pinto.


Tumingin ako roon pero hindi ko pinagbuksan. Bakit? Dahil kung may nakalimutan man si Tito Randy, hindi na ito para kumatok pa. At kung doktor man o nurse ang nasa likod ng pinto, basta na lamang din iyong papasok. Hindi naman pribado ang kuwartong ito.


Tumingin ulit ako kay Mama. Napabuga ako ng hangin. Hindi talaga ito dapat maiwan na mag-isa. Pero siguro... hindi rin ako ang dapat nitong kasama.


Naupo ako sa plastic na upuang nasa tabi. Ano ba ang dapat kong gawin sa ganitong sandali? Magdasal? Pero may makikinig ba sa dasal ko? At meron bang mangyayari?


Mahigit apat na oras na akong walang kakilos-kilos. Wala pa akong kain o kahit inom ng tubig. Wala na rin akong mailuha dahil siguro ay natuyo na. Ang vibrate ng phone ko sa bulsa ang nagpapitlag sa akin.


Walang lakas na kinuha ko iyon at tiningnan. Nagparamdam ulit iyong babaeng estudyante na na-wrongsend sa akin na taga-Cavite. Naka-save na sa phonebook ko bilang 'F' ang number niya.


F:

Msta mama m?


Hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip tinanong ko kung kumusta na rin ba siya. Puro hangin na ang utak ko, kailangan ko ng kausap.


Me:

Ikw kmusta? Ok k n b tlaga?


F:

Oo. Pwd k call? Wla ko kausap. Naka-Unli call ako sa Sun. :)


Tumingin ako sa oras, 11:30 p.m na. Kumakalam na ang tiyan ko. Puwede siguro para makalimot sa gutom at bigat ng pakiramdam. Hindi ko pa ito nare-reply-an ay tumatawag na.


[ Hello! ] Babae nga ito ayon sa boses. Tunog din na tunay na bata pa. Pang-high school student. [ May unli kasi sa Sun ngayon. Tuwing gabi lang kaya sinusulit ko. Ang mahal kasi, one hundred plus! ]


Madaldal ang babaeng estudyante. Wala raw talaga siyang pang-load. Meron daw siyang raket sa school, isa roon ang pagdo-drawing. Iyong huli raw na nagpa-drawing sa kanya ay walang pambayad, kaya load ang ibinayad. Kupit lang daw sa tindahan ng nanay.


Sinusulit talaga niya ang load. Nakuwento niya na hindi pala iyon ang unang beses na nagkasakit siya. Bata pa lang, sakitin na raw siya.


[ Palagi akong nagkakasakit kahit dati pa. UTI, amoeba, ear pain, skin infection. Di napapagaling ng mga doktor. Kahit sabi ni Dr. Brosas, gagaling na raw ako. Kilala mo iyon? ]


Sa Makati raw ang clinic ng doktor.


[ Iyong huling sakit ko bago ito, ang nakapagpagaling sa akin ay taga Cavite, City. Meron doong church tuwing Biyernes ng gabi. May mga matatanda na sinasapian, tapos nakakagamot sila. Subukan niyo. Di ko lang sigurado kung nandoon pa. ]


Binanggit niya ang lugar kung saan sa Cavite, City. Sa may San Antonio raw, malapit na sa P.N. Dalahican. Mga miyembro ng simbahan, pero kaunti lang daw ang nakakaalam.


"Naniniwa ka ba na totoo iyon?" tamad na tanong ko. Dahil ayaw ko nang maniwala sa kahit ano.


Hindi rin siya naniniwala noong una, pero marami na raw ang napagaling. Wala ring bayad, donasyon lang. Pero bakit ba kailangan pang may magkasakit? Bakit may sakit na hindi maunawaan?


Bakit kailangang maging komplikado ang mga bagay-bagay sa mundo? Bakit kailangan pang pahirapan ang mga tao? Pagsubok lang ba sa paniniwala? Pero bakit nga? 


Bakit kailangan pa ng pagsubok sa buhay? At bakit ang pinagdadaanan ng mga tao ay hindi pantay-pantay? Bakit merong madali lang ang pinagdadaanan, meron namang napakahirap. Bakit parang may favoritism?


Pumasok si Tito Randy sa pinto ng hospital room. "Ako na ang magbabantay rito. Umuwi ka na muna. May pasok ka pa bukas nang maaga."


Lumabas na ako ng kuwarto dahil hindi puwede ang dalawang bantay. Paglabas ko ng ospital ay nakita ko si Joachim na nakaabang sa lobby. Bakit nandito siya? Anong oras na?


Naka-uniform pa ang lalaki. Polo na puti, slacks na itim, at black shoes sa ibaba. May nakasampay sa balikat na maroon varsity jacket. Palakad-lakad na para bang may hinihintay. Nang mapatingin siya sa akin ay nagsalubong ang makakapal na kilay. Siguro dahil sa itsura ko. Mugto ang mga mata at ang buhok ay parang sinabunutan. 


Humakbang siya palapit. "Sinamahan ko si Papa rito, kasi nag-withdraw pa kami sa ATM. Sabay na tayong umuwi."


Nakatingala lang ako sa kanya. Malat na sa kakaiyak ang lalamunan ko para magsalita.


Pumara naman na siya ng tricycle. Magkatabi kami sa loob, magkadikit ang mga balikat, pero walang kibuan. Hindi rin naman siya makuwentong tao, siguro ay pagod siya, at siguro din alam niya na wala ako sa mood na magsalita.


Hindi kami sa mismong bahay nagpababa. Bumili pa siya ng barbecue sa kanto. Ulam daw dahil hindi pa rin siya kumakain. Naglakad na lang kami pauwi. Ang mga mata ko ay malikot sa paligid. Lalo nang makarating na kami sa lugar na sarado na ang mga bahay at tulog na ang mga tao.


Habang naglalakad sa madilim na kalsada ay nakayuko na ako. Pinipilit ko nang wag tumingin kahit saan, kaya lamang ay ramdam ko pa rin na sa bawat paghakbang namin ni Joachim, hindi kami nag-iisa. Meron kaming kasama. 


Dahil pasulyap-sulyap siya sa akin kaya nahuli niya ang panginginig ko. "Nilalamig ka ba?"


Iiling pa lang ako nang isinaklob niya na sa ulo ko ang dala niyang varsity jacket.


Nakarating kami sa bahay sa wakas. Dahil sa ulo ko nga nakasaklob ang jacket, hindi lang ako sa lamig niyon naprotektahan, dahil natabunan din niyon ang gilid ng aking paningin. Pagpasok sa sala ay doon ko lang iyon hinubad.


Isinasara niya na ang pinto nang maipit ang dulo ng palaspas. Nakasimangot na binaklas niya iyon. "Bakit ba meron nito dito?" inis na sabi niya. "Nakaharang lang naman."


Napatitig ako sa hawak-hawak ni Joachim na palaspas. Naalala ko ang aking ginawang pag-iwan sa rosary kanina, doon sa lapag ng aking tricycle na sinakyan.


Nang inihagis ni Joachim ang palaspas sa labas ay nakahabol na lamang ako ng tingin. Ano nga ba kung wala na ang palaspas? Hindi naman ako naniniwala roon.


Isinara niya na ang pinto at ini-lock pagkatapos. Bitbit ang biniling barbecue sa labas ng balingan niya ako. "Bago ka matulog, kumain muna tayo."


"Hindi na." Nauna na ako sa kanya na pumasok sa kuwarto ko. Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya. Kung maiirita man siya, siguro ay mas maganda. 


Hindi na rin para tumabi ako ng tulog sa kanya. Kung may salot man dito sa bahay na ito, ako iyon. Ako ang tagadala ng malas dito. Kung didikit pa siya sa akin, baka mapahamak lang siya katulad ni Mama.


Nag-lock ako ng pinto, at nahiga na sa kama. Hindi pa ako nagpapalit ng uniform. Kumatok si Joachim matapos ang ilang minuto, hindi ko siya pinagbuksan.


Narinig ko na lang ang mahinang boses niya, "Pag nagutom ka, nasa ref iyong ulam."


Ipikinit ko na ang aking mga mata. Tahimik ang paligid lalo noong maghating-gabi, pero ang tainga ko ay kabi-kabila ang naririnig.


Bago ako tuluyang kainin ng antok, may natatandaan pa akong huling mga salita. "...TE IPSUM OCCIDERE...ERRRR..." Parang nagdedeliryo na lang ako sa mga oras na sumunod pa.



NAGISING AKO sa boses na ni Tito Randy noong madaling araw. Umuwi lang daw ito para i-check kami rito sa bahay. Wala pa rin daw pagbabago kay Mama. Ganoon pa rin. At lumolobo na sa ospital ang bayarin.


Maaga akong nakapag-ayos dahil hindi na ulit ako nakatulog. Ayaw ko sanang pumasok, pero mas hindi ko gustong manatili sa bahay nang nag-iisa. Hindi rin naman ako puwede sa ospital, dahil sa public ay isa lang doon ang puwedeng bantay.


Bago umalis si Tito Randy ay inabutan ako nito ng baon. Bente pesos lang dahil kapos na raw ito. "Pagkasyahin mo muna, Kena, dahil magtitipid tayo."


Saktong paglabas ni Joachim mula sa pagligo sa banyo. Naka-towel pa siya nang mapatingin sa hawak kong bente pesos. Akma siyang may sasabihin at lalapit sa akin subalit tumalikod na ako. Kahit maaga pa, lumabas na ako ng bahay kasunod si Tito Randy.


Napaaga ako. Binubuksan pa lang ang gate ng school at wala pang gaanong estudyante rito sa labas pagdating ko. Nakatayo ako sa labas ng isang saradong tindahan nang sa harapan ko ay may lalaking dumaan.


Sumunod dito ang aking paningin. Namumukhaan ko ito. Ito iyong lalaki na nakita kong pinakatititigan ni El. Sa malapitan ay bata pa nga pala talaga ito, nasa mid twenties nga siguro. Busy ito sa hawak na phone habang naglalakad.


Bago ito makarating sa dulo ay huminto ang kotse na pag-aari ng daddy ni El. Hinatid siguro ulit siya ng daddy niya. Pagbaba niya ay huling-huli ko nang matigilan siya pagkakita sa lalaking makakasalubong sa daan.


Nangunot ang aking noo. Bakit nagiging ganoon ang ekspresyon ni El kapag nakikita ang lalaking iyon?


Hanggang sa makalampas sa kanya ang lalaki ay nakahabol pa rin siya ng tingin. Mga ilang minuto bago siya tumingin sa akin. Parang nagulat na naman siya nang makitang nakatingin ako sa kanya.


Nang maglakad na siya ay umalis na rin ako sa tapat ng tindahan. Magkasabay kami na naglakad papunta sa gate. Ang aga niya rin. Wala pang katao-tao sa building namin. Dulo na nga ang puwesto, ang floor pa namin ay pinakataas na, ang classroom pa ay nasa pinakadulo.


Hindi pa nakatulong na may katabi pa kaming malaking puno, bukod sa madilim-dilim pa dahil nga sa maaga pa, ang langit ay bahagya pang makulimlim. Nauna kami ni El. Wala pa rin iyong kaklase namin na may hawak sa susi kaya wala kaming choice kundi sa terrace muna manatili.


Wala siyang imik na tila ba sanay na. Ganito siguro siya kapag nauuna nang pasok. Ni hindi man lang siya natatakot. Hindi naman talaga siya duwag. Prente na nakasandal siya sa terrace na akala mo ay hindi siya nakaranas mahulog dati. 


Parang hindi niya ako kasama. Ni hindi niya man lang ako usisain kung ano ang nangyari kahapon. Aakalain mo na hindi talaga kami magkakilala. Na wala talaga siyang pakialam. O baka talagang ako lang ang nag-iisip na kahit kaunti, itinuturing niya na ako bilang kaibigan.


Sumandal din ako sa pader na katapat naman ng terrace na sinasandalan niya. Ang presko ng itsura niya, plantsadong-plantsado ang malinis na polo at slacks. Sinadya ko siyang titigan pa. Ni hindi siya naiilang o naiirita man lang, kahit pa lantarang pinagmamasdan ko siya.


"El, sino ba iyong lalaki na tinitingnan mo kanina?"


"Hindi ko kilala," tipid na sagot niya.


Ayaw niya talagang sagutin kahit pangalawang tanong ko na ito. Gayunpaman, nasa mga mata niya na okay lang sa kanya na makipag-usap. Ako na lang ang nagkuwento. "Na-coma na pala ang mama ko. Akala ko, okay na. Hindi pa pala."


"Ano ang plano mo?" walang anuman na tanong niya. Wala man lang simpatya, kahit pakitang tao.


Tumaas ang sulok ng bibig ko. "Ano ba ang magiging plano ko? May magagawa ba ako?"


"Kapag namatay siya, ano ang plano mo?"


Napahumindig ako sa sinabi niya. Hindi ba napaka-insensitive naman yata para magtanong ng ganoong bagay?!


Kaswal na tumingin ulit sa akin ang mga mata niya. "I just heard from your friend, Bhing. Nakikitira lang kayo sa bahay ng ka-live in ng mama mo. So what will happen to you if your mother dies?"


Kahit ang tono niya ay kaswal lang.


"Reality check, Kena, you're just there because of your mother. Kapag wala na ang mama mo, wala ka ng kaugnayan sa pamilyang tinutuluyan niyo."


Tama lang naman ang sinabi niya kahit nakakasakit. Paano na nga ba ako kung mawawala ang mama ko? Hindi ko naman kaano-ano si Tito Randy at ang mga anak nito.


"Do you have other relatives?"


Meron pero hindi ko lahat kilala. Hindi ka-close kahit ni Mama. At sino ba ang tatanggap sa akin kung sakali? Sa hirap ng buhay, baka wala—


"Kena will live with me."


Gulat na napatingin ako sa hallway. Sa matangkad na lalaki na nakangisi habang palapit sa amin. Si Kristian Vergara. Nakapamulsa ito sa suot na pantalong slacks, naka-tshirt lang, dahil ang uniform polo ay nakasampay sa balikat. 


Nagpalobo ito ng bubble gum sa bibig. Pinutok muna bago ulit nagsalita. "Sa akin titira si Kena kapag pinalayas siya sa tinitirahan niya. I'll take care of her."


Tamad na tiningnan lang naman ito ni El.


"Kena, nasa abroad pareho ang parents ko. Ang kasama ko lang sa bahay ay ate ko saka lola. Iyong ate ko, nag-uuwi rin ng syota sa bahay, kaya takot lang niyon na isumbong ko siya. Kaya walang problema kahit sa amin ka rin tumira. Tapos iyong lola naman namin, malabo ang mata, hindi ka niyon makikita. Itatago kita!"


Kumiling ang ulo ko. Seryoso ba ito?


"Ano, Kena? Hindi ka gugutumin sa amin. Marami kami laging grocery. Ako ang bahala sa 'yo." Lumapit sa akin si Kit. Ngiting-ngiti pa rin. Kulay pulang-pula lalo ang mga labi, dahil siguro sa flavor ang bubble gum na nginunguya. Amoy matamis na cherry ang mainit na hininga.


"As if you can take care of her," malamig na sabi ni El.


Masama naman ang tingin ni El sa kanya. "Bakit ba nakikialam ka sa amin ng baby ko? Kinakausap ka ba namin, ha?"


"Are you still in your right mind?"


"Maybe you're the one who's out of your mind," banas na balik ni Kit sa kanya. "Wala na nga yata. Naalog na iyong utak mo noong mahulog ka at mabagok. Nakapagtataka pa nga na nabuhay ka pa."


"Kit..." mahinang saway ko. Masyado nang offensive ang remarks na binitiwan nito.


Hindi naman nagpapigil si Kit. "Teka lang, baby. Ang hangin nito, eh. Napipikon na ako." Maangas na humakbang ito palapit kay El. "Salgado, baka naman hindi na pala talaga ikaw iyan? Baka sapi ka na lang?"


Imbes naman na maasar ay ngumiti si El. "Maybe."


"Oh, Right!" palatak ni Kit at namewang. "Maybe you're a demon!"


"Or an offspring of one and a human."


Iyong kuwento ni Ekoy, iyon ang sinasabi ni El. Akala ko ay hindi siya interesado, pero mukhang nakinig naman siya.


Si El naman ang humakbang palapit kay Kit, na halos magdikit na ang dulo ng ilong nila sa isa't isa. Napausod naman si Kit, pero sinamantala iyon ni El para itulak ito sa balikat. Napahingal ako nang magkapalit sila ng puwesto. Si Kit na ang nakatalikod sa terrace!


Natulala ako dahil ngayon ko lang nakitang ngumisi nang ganito si El. Humakbang siya para sukulin si Kit sa barandilya ng terrace. "You do that every night, right, Vergara? Jerking yourself in your bedroom."


Napaatras naman si Kit, pero terrace na ang nasa likod nito. "Gago, kung makapagsalita ka parang ang linis mo! Bakit, hindi mo rin ba ginagawa iyon?!"


Lalo pang lumapit si El na hindi pinapansin ang sinabi ni Kit. "You do that every night. But aren't you curious if you were really alone while doing it? Malay mo, may kasama ka pala na hindi mo nakikita. Malay mo, you were already doing it with an entity. At malay mo na nagbunga iyon. How disgusting it would be if you already have a child with a demon that you don't know about."


Sa huling hakbang pa ni El ay napa-bend na sa terrace si Kit. Napahawak ako sa aking bibig dahil muntik na itong mahulog, kung hindi hinawakan ni El ang kuwelyo nito. Hiniklas ito ni El palapit saka tinulak.


Namumutla at humihingal na napasadsad naman si Kit sa sahig ng hallway. Nanlilisik ang mga mata nito kay El. "Fuck you ka, Salgado!"


Galit na galit si Kit habang si El ay hindi ko masabi kung kalmado pa. Iba ang mood niya. Madilim ang mga tingin niya kay Kit. Hindi na nga lang sila ang kumukuha ng aking atensyon. Dagdag na iyong batang lalaki, na hindi ko sigurado kung kailan pa nakatayo sa tapat ng pinto ng sarado naming classroom!


Nagpakita na naman. Nandito na naman. Katulad ng iba pa, totoo ngang hindi ito talaga tuluyang nawala. Pinaasa lang ako na wala na sila, pero nandirito pa. Nasa paligid pa rin gumagala-gala!


"Ano ba?!" sigaw ko sa bata habang nagluluha na ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay lumalaki ngayon ang aking ulo. "Bakit bumalik ka pa! Bakit nagpapakita na naman kayo?! Ano ba ang problema niyo?!"


Si Kit ay nagtataka na napatingin sa akin. Akala nito ay dito ako galit. "B-baby, hindi ako ang nauna. Si Salgado iyong naunang mag-angas kanina!"


Ang batang lalaki na may maputlang mukha ay napaatras. Nakita nito ang lalong pagdidilim ng mga mata ni El. Tila ito tinubuan na naman ng takot, at balak na sumalisi ng alis. Ng takas.


Pero ang pagtatangka ng bata na pagtakas ay hindi nagtagumpay, dahil pagkatakbo nito paalis ay siyang hakbang ni El palapit. Tinadyakan ni El ang bata sa likod!


Tinadyakan niya ito papunta sa sahig kung saan lang naman nakaupo pa rin ngayon si Kit!


jfstories

#JFBOTCP

继续阅读

You'll Also Like

2.2M 74.4K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
213K 7.5K 85
Inaalay ko ang mga tulang ito para sa mga taong nasaktan, umibig, nasaktan ulit at nawalan na ng pag-asang magmahal muli. Highest Rank: #1 in Mga Tul...