Be My Endgame

Oleh Miss_Terious02

10.8K 264 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... Lebih Banyak

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 17

225 4 1
Oleh Miss_Terious02

Enjoy reading!

Dumaan ang ilang buwan at kahit papaano ay natapos rin namin ang grade eleven na magakasama pa rin kaming tatlo nina Jasmin at Mojica. At kahit papaano ay nakakaya naman namin ang pagiging grade twelve.

Plano rin naming tatlo na sa iisang university lang din kami papasok. At napag desisyunan namin na doon din kami papasok sa university kung saan pumapasok si Kuya Edward at Jack Jendrick. Hindi rin naman ako papayagan ni Kuya Edward na sa ibang university papasok.

Ilang buwan na lang ay graduate na ako ng senior high school. Hindi ko alam ngunit excited na akong mag college upang palagi ko ng makikita si Jack Jendrick sa school. Iisang university na lang kami kapag nangyari iyon. Lihim akong natuwa sa mga naiisip ko. Gusto ko ay palagi kaming magkasabay na uuwi.

Dahil graduating ay maraming pinapagawa sa amin at dahil malapit na rin ang exam. Minsan ko na lang din nakikita si Jack Jendrick. Bihira na lang din siya pumupunta sa bahay dahil na rin sa pagbabawal ni Kuya Edward.

Dala ang dalawang libro ay lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kuwarto ni Kuya Edward. Naabutan ko siyang abala sa paglalaro sa selpon kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko. Lumapit ako sa kaniya at doon lang niya ako napansin. Tumingin siya saglit sa akin bago bumalik sa nilalaro niyang online games.

"What is it, Ki?" Tanong niya habang nakatutok pa rin sa kaniyang selpon.

"Ipabibigay ko lang sana kay Jendrick." Mahina kong sabi at pinakita sa kaniya ang hawak kong libro kahit hindi siya nakatingin. Matagal bago siya sumagot at nang matapos ang nilalaro niya agad siyang tumingin sa akin at sunod ay sa hawak kong libro.

"Hindi ba pinagbawalan na kita kay Jack?" Turan niya.

"Kaya nga sa 'yo ko iaabot 'tong libro. Hindi ko rin naman babasahin ang mga 'to dahil nakakatakot." Turan ko.

"Last na 'to, Kiera. Masasaktan ka lang kay Jack." Wika niya at inabot ang hawak kong libro.

"Thank you, Kuya." Turan ko at ngumiti sa kaniya ngunit nanatiling seryoso ang kaniyang mukha.

"Malapit na ang graduation mo. May napili ka na bang university na papasukan?" Tanong niya.

"Oo, meron na." Sagot ko.

"Saan?" Tanong niya.

"Sa university kung saan ka nag-aaral." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"No. Hindi kita tutulungan na makapasok doon. Sa ibang university ka na lang." Mabilis niyang sabi.

"Pero gusto ko roon. Kung hindi mo ako tutulungan e 'di tulungan ko ang sarili ko na makapasok doon." Wika ko.

"Kiera, nandon si Jack tapos doon ka rin?" Saway niya.

"E ano naman? Sabi niyo nga doon na lang din ako para mabantayan niyo ko 'di ba? Bakit biglang nagbago?" Masungit kong sabi.

"Dati 'yon noong hindi ko pa alam na may gusto ka kay Jack. Bakit ba ang tigas ng ulo mo." Sabi niya na para bang suko na sa katigasan ng ulo ko.

"Bahala ka. Basta doon ako papasok ng college." Sagot ko bago lisanin ang kuwarto niya.

Lumipas pa muli ang mga buwan at mas lalo akong naging abala sa nalalapit kong graduation. Sa wakas ay makakapagtapos na rin ako ng high school.

"Congrats, anak!" Masayang bati ni Mama nang matapos ang graduation program.

"Thank you, Ma." Nakangiti kong sabi at niyakap siya.

"Congrats, Ki." Bati rin ni Kuya at may regalo pang binigay at agad kong inabot iyon.

"Thanks, Kuya. Nag abala ka pa ng regalo." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

"Hindi 'yan sa 'kin." Turan niya kaya kumunot ang noo ko.

"Kanino?" Tanong ko.

"Kay Jack." Sagot niya at tinaasan pa ako ng kilay. Alam kong kasalanan niya na naman kung bakit hindi niya kasama si Jack Jendrick ngayon. Inirapan ko na lang siya. At least may binigay pa rin na regalo kahit wala siya.

Bago kami tuluyang umuwi ay marami pang kuhanan ng litrato ang naganap. Dahil alam kong mananatiling nakaraan na lang ang araw na 'to sa paglipas ng panahon. Kaya huwag nating sayangin ang mga pagkakataon na ganito. Iyong masaya ang lahat.

Pagkatapos ng graduation program ay agad na rin kaming kumain sa labas. Hindi na rin nakasama sina Jasmin at Mojica dahil may kaniya-kaniya rin silang handa.

Gabi na nang makauwi kami at agad akong dumiretso sa kuwarto at nagbihis. Pagkaraan ay nakita ko ang nag-iisang regalo na bigay ni Jack Jendrick sa akin. Agad akong napangiti nang isa pa ring relo ang regalo niya sa akin. Bigla kong naalala ang sinabi niya noong nakaraan kung gusto ko ng isa pang relo para may salitan ako.

May nakita rin akong papel sa ilalim at may sulat kamay roon mula sa kaniya.

Congratulations, Ki! Keep moving forward hanggang sa makuha mo ang gusto mo sa buhay. I'm so proud of you always.

Jack Jendrick

Agad akong napangiti nang mabasa ko iyon. Hindi ko alam pero kahit hindi siya nakapunta sa graduation ko ay masaya pa rin ako. Masaya ako sa regalo at sa message niya. Doon pa lang ay sapat na. Paano pa kaya kapag naroon siya.

Muli kong ibinalik sa maliit na box ang relo at pati na rin ang message letter niya sa maliit na paper bag at itinago ko iyon sa kabinet ko. Pagkaraan ay agad na akong humiga at niyakap ang unan ko at parang baliw na nakangiti habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko.


Kuwarto, kusina at sala lang ang pinupuntahan ko nang mag bakasyon na. Nagsisisi tuloy ako dahil bakasyon na. Ang akala ko ay kapag walang pasok ay makakagala na ako ngunit mali. Mukhang makukulong pa ako rito sa bahay.

"Pero, ma, hindi ko siya puwedeng isama." Rinig kong reklamo ni Kuya Edward habang pababa ako ng hagdan.

"Alangan naman iwan mo 'yong kapatid mo rito mag-isa. Bibigyan ko naman siya ng pera para hindi na siya humingi sa 'yo basta isama mo lang." Sagot ni Mama. Agad akong lumapit sa kanila sa sala kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Anak, sasama ka ba sa Kuya Edward mo mamaya?" Tanong ni Mama.

"Saan po?" Tanong ko.

"Sa mall. Bibili 'yan ng regalo niya sa birthday ng Kuya Jack mo." Turan niya. At para akong nabuhayan ng loon dahil sa narinig. Birthday ni Jack Jendrick? Kailan?

"Opo, ma, sasama po ako." Mabilis kong sagot. Masama naman ang tingin sa akin ni Kuya Edward.

"O sige. Bibigyan kita mamaya ng pera at huwag ka ng humingi sa kuya mo. Bumili ka ng gusto mo roon." Wika ni Mama na ikinangiti ko.

"Ako, ma, hindi mo ba ako bibigyan?" Tanong ni Kuya Edward.

"Binigyan ka na ng Papa mo, hindi ba?" Tugon ni Mama. Napakamot na lang ng ulo si Kuya Edward na ikinangiti ko.

Agad namang umalis si Mama at pumunta sa kuwarto niya kaya naiwan kami ni Kuya Edward sa sala. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"Dapat hindi ka na sumang-ayon." Masungit niyang sabi.

"Kailan ang birthday ni Jendrick?" Tanong ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Puwede mo ba akong isama sa birthday niya?" Tanong ko.

"No." Maikli niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bibigyan kita ng pera basta isama mo lang ako." Turan ko. Matagal bago siya nakasagot at para bang pinag-iisipan pa ang sinabi ko.

"No." Sagot niya.

"Please, kuya. Kahit sa birthday niya na lang," pagmamakaawa ko.

"No, Ki. Itigil mo na 'yang kabaliwan mo." Sabi niya at agad na tumayo at umakyat ng hagdan. Tinatawag ko pa siya ngunit dire-diretso siyang naglakad patungo sa kuwarto niya.

Hindi puwedeng hindi ako makapunta sa birthday ni Jack Jendrick. Bibili rin ako ng regalo ko para sa kaniya. Gusto ko na ulit siyang makita.

Pagsapit nang hapon ay agad na rin kaming umalis ni Kuya Edward. Kahit labag sa loob niya na isama ako ay wala siyang nagawa dahil utos ni Mama. Lihim akong natuwa dahil kahit papaano ay nakalabas rin ako.

"Kuya, hindi ba natin isasama si Jendrick?" Tanong ko.

"Bakit ko naman siya isasama kung nandito ka?" Masungit niyang sabi habang nagda-drive.

"Minsan ko na nga lang siya makita tapos ipagdadamot mo pa." Sabi ko na para bang nagtatampo.

"Kung puwede nga lang ay huwag na kayong magkita. Alam mo napapagod na ako kasasabi sa 'yo na tigilan mo na 'yang kahibangan mo sa kaniya." Inis na sabi niya. Hindi na rin aki nagsalita pa dahil mukhang naiinis na siya sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa mall kung saan siya bibili ng regalo para sa kaarawan ni Jack Jendrick ay tahimik akong nakasunod sa kaniya. May nadaanan pa akong book store at hanggang tingin lang muna ako sa labas dahil ang bilis ng bawat lakad ni Kuya Edward.

Huminto kami sa mga nagbebenta ng mga sapatos. At bago pa man makapasok si Kuya Edward doon ay agad akong nagsalita sa tabi niya.

"Magkita na lang tayo sa book store. May bibilhin lang din ako." Paalam ko na ikinatango niya.

Agad akong naglakad at naghanap ng puwede kong regalo sa kaarawan ni Jendrick. Hindi ko alam kung ano ba ang puwede kong regalo sa kaniya? Mukhang na sa kaniya naman na lahat. Mukhang wala na rin naman siyang kailangan.

Napatingin ako sa nagbebenta ng mga necklace at bracelet. At hindi ko alam ngunit dinala ako ng mga paa ko roon papasok.

Pumunta ako sa mga nakahilerang mga bracelet na pang lalaki. May lumapit na isang babae sa akin.

"Hello, ma'am. Bracelet po para sa boyfriend niyo po?" Nakangiti niyang sabi.

"H-hindi. Kaibigan lang." Sagot ko. Pero malay natin hindi ba?

"Ay sorry po, ma'am." Agad niyang sabi. Ngumiti na lang ako.

Medyo natagalan ako sa pagpili ng bracelet na babagay sa kaniya. Ayokong pagsisisihan sa huli kapag naisuot niya na at hindi bagay.

Napahinto ang tingin ko sa isang stainless bracelet. Mukhang bagay iyon sa kaniya kaya agad kong itinuro iyon sa babae.

"Okay na po ba 'to, ma'am?" Tanong niya. Tumango lang ako. Agad niyang kinuha iyon at inilagay sa isang itim na box at binalot sa paper bag na may tatak ng kanilang logo. Hindi naman ganoon kamahal iyong bracelet at kaya naman ng budget ko kaya binili ko na. Sana lang ay magustuhan niya.

Nang matapos akong bumili ng regalo ay bumalik na muli ako sa book store upang bumili ng puwedeng basahing libro. Kulang na lang ay magpagawa na ako ng sarili kong library sa loob ng kuwarto ko sa dami ng libro na nabili ko.

Dalawang libro lang ang nagustuhan ko kaya agad na akong pumunta sa counter upang magbayad at sakto namang pumasok si Kuya Edward at agad niya akong nakita. Mabuti na lang at walang pila kaya mabilis akong nakapag bayad.

"Tara na?" Tanong niya nang matapos akong magbayad. Tumango lang ako at sabay na kaming lumabas ng mall.

At habang bumibiyahe kami pauwi ay biglang tumunog ang selpon niya at agad niyang sinagot iyon. At dahil maka loud speaker ay rinig ko ang boses ni Jack Jendrick mula sa kabilang linya.

"Ed, nandyan ka ba sa bahay niyo?" Bungad na tanong sa kaniya ni Jack Jendrick.

"Why?" Maikling tanong ni Kuya.

"Iimbitahin ko sana sina Tita, Tito at si Kiera bukas sa birthday ko." Turan niya. Napatingin sa akin si Kuya Edward at tinaasan ko lang siya ng kilay at lihim akong napangiti.

"Wala si Mama at Papa sa bahay ngayon. Kami lang ni Kiera. Nga pala wala kami sa bahay dahil gumala kami." Sagot niya.

"Ibig sabihin kasama mo ngayon si Kiera? Puwede ko ba siya makausap? Imbitahan ko lang sa birthday ko." Sabi ni Jack Jendrick at hindi ko na napigilan ang ngiti sa labi ko dahil sa reaksiyon ni Kuya Edward.

"Magsalita ka na nakikinig siya." Turan ni Kuya.

"Hi, Ki. Punta ka bukas ng gabi sa birthday ko ha. Sabay ka sa Kuya Edward mo. Hindi ko papasukin sa bahay 'yan kapag wala ka bukas." Sabi niya na ikinangiti ko.

"Okay, pupunta ako." Nakangiti kong sabi kahit hindi niya nakikita.

"Okay. Bye, Ki." Paalam niya at agad na tinapos ang tawag.

Tiningnan naman ako ni Kuya Edward kaya agad akong nagseryoso ng mukha.

"Uuwi tayo agad bukas nang gabi." Sabi niya. Kahit kailan ay panira 'to sa kaligayahan ko. Minsan ko na nga lang makita si Jack Jendrick tapos saglit pa.

••••

Thank you for reading!

Miss_Terious02

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

199K 3.1K 28
Si Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambaha...
564K 10.3K 37
Zaphire Saavedra is the only Daughter of Ezekiel and Allianah Saavedra. At dahil nag-iisang anak lang si Zaphire ay kailangan niya pamahalaan ang kom...
2.5K 124 43
Xyña Velazco, a young woman who always felt miserable even after having everything she wants, everything she needs. Ever since she was a little girl...
27K 638 48
Young, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong si...