Meant To Be

De TwinkleBubblegum

1K 135 20

Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang... Mai multe

Meant To Be
Chapter 1 - The Voice
Chapter 2 - Neighbors
Chapter 3 - Crush
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Cheating
Chapter 6 - Drunk
Chapter 7 - First Kiss
Chapter 9 - Missed Call
Chapter 10 - Text
Chapter 11- Rebound
Chapter 12 - Truth or Drink
Chapter 13 - Closer
Chapter 14- Request
Chapter 15- Jealous
Chapter 16- Admirer

Chapter 8 - New Neighbor

44 6 0
De TwinkleBubblegum

Ilang minuto akong pirming nakatitig lang kay Kieran habang mahimbing siyang natutulog sa ibabaw ng aking kama. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa akin ang naganap.

Hinalikan niya ako! I chanted that to myself for several times.

Napahawak pa ako sa aking bibig dahil dito. Nakadikit pa naman pala 'yong bibig ko sa mukha ko! Akala ko kasi ay natanggal na ito dahil sa rahas nang paraan ng paghalik ni Kieran sa'kin kanina.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nakabalik sa aking ulirat. Hinubad ko 'yong rubber shoes ni Kieran para mas maging kumportable siya sa pagtulog.

Saan naman pala ako matutulog nito? Naguguluhan na ako sa aking gagawin. Hindi naman pwede na tabihan ko si Kieran sa kama ko. Baka mamaya ay mapagkamalan na naman niya na ako si Kylie dahil sa sobrang kalasingan. Baka hindi lang paghalik ang gawin niya sa akin.

Mabuti na lang at may nakita akong banig sa isa sa mga cabinet. Iniwan siguro ito no'ng dating boarder dito. Mayroon naman akong extra na unan at kumot. Nag-shower muna ako bago matulog.

Iyon nga lang ay ayaw akong dalawin ng antok. Hindi na kasi mawala sa isip ko 'yong ginawang paghalik ni Kieran sa'kin. Baka nga isang linggo kong isipin ang tungkol dito.

Hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa nangyari. I already admitted that to myself. Crush ko talaga si Kieran! Sino ba ang hindi kikiligin kung mahahalikan ang crush nila?

However, there is a voice inside me that kept on reminding me that I should not give myself a false hope. Huwag kang hopia, Scarlet! Walang gusto sa'yo si Kieran! Inakala lang niya na ikaw si Kylie kaya ka niya nagawang halikan.

***
Pupungas-pungas pa ako habang dahan-dahang idinidilat ang mga mata. Nakaramdam ako nang bahagyang pagsakit ng likod epekto nang matagal kong paghiga rito sa banig. Ilang beses pa akong humikab bago tuluyang iminulat ang mga mata.

My mouth dropped open when I saw Kieran sitting on a monobloc chair. Mukhang kanina pa siya nakaupo roon at hinihintay akong magising.

Bigla tuloy akong na-conscious sa aking itsura. Baka mamaya ay may tulong laway pa ako. Kaagad akong tumayo at dumiretso sa cr. Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago muling lumabas.

"Pasensya ka na kung tanghali na ako nagising," maagap kong sabi.

He raised an eyebrow. May bahid ng pagtataka sa paraan ng pagtanaw niya sa akin.

"Ah, naabutan kasi kita na nakasalampak doon sa harap ng unit ni Kylie. Naawa ako sa kalagayan mo kaya't naisip ko na rito ka muna dalhin," wika ko. Kalmado niya akong tinanaw habang pinapakinggan.

"Ginigising kita kaso sobrang lasing mo na talaga kaya naisip ko na rito ka na lang sa unit ko patulugin."

Marahan siyang tumango pagkaraan ay hinilot ng isang kamay ang kanang sentido.

"Salamat. Sobrang nalasing talaga ako kagabi." He talked in baritone. Napaawang ang labi ko pagkarinig sa "manly" niyang boses. Dahil doon ay nabuhay na naman ang mga kulisap sa loob ng aking tyan.

Ekeshe nemen kresh ke she eh!

I tried to calm myself. Scarlet, kailangan 'yong kaswal lang at huwag masyadong halata!

"Gusto mo ba ng kape o tsaa?" kuryoso kong tanong habang pinupuno ko ng tubig 'yong electric kettle.

Kieran made eye contact with me. "Coffee is fine."

Pinagdiin ko ang mga labi ko bago iayos ang pagkakasaksak ng electric kettle sa ibabaw ng kitchen counter.

Naupo ako sa upuan na katapat ni Kieran. Naging tahimik ang atmosphere sa pagitan namin. Naiilang pa din kasi ako dahil sa nangyaring kissing incident saming dalawa.

"I'm Kieran by the way." Napapitlag ako nang ialok ni Kieran ang isang kamay niya upang makipag-handshake. Kimi kong inabot ang kamay ko.

"It's nice to meet you. Ako nga pala si Scarlet!" nahihiya kong saad. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa tubig na pinapakuluan.

Nagtimpla ako sa dalawang tasa ng Nescafe White. Inabot ko 'yong isang tasa sa kanya.

Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko ba siya tungkol kay Kylie. Lumagok muna ako ng kape mula sa tangan kong tasa.

"Ahm, may balita na ba kayo kung nasaan si Kylie?" I asked in a concern tone.

He heaved a heavy sigh. Afterwards, he run a hand through his hair. Mukhang hindi yata kumportable si Kieran sa tinanong kong iyon. Pero nagawa naman niyang tumugon.

"Wala pa. Kaya balak ko na rito muna ako sa unit niya mag-stay baka sakaling maisipin niyang umuwi."

I was caught off guard from what I heard. Hindi ako kaagad nakapagbigay ng reaksyon.

"Pasensya na nga pala kung naabala kita kagabi!" He uttered sincerely. Maagap akong umiling.

"Naku, wala 'yon! Kahit papaano ay naging magkaibigan din naman kasi kami ni Kylie kahit bagong boarder lang ako rito sa staffhouse. Concern din ako sa kalagayan niya no'ng nabalitaan ko na wala nga daw nakakaalam kung nasaan siya."

Hindi na nagawang mag-reply ni Kieran sa sinabi ko pero habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya ay mababanaag na tila may mga lihim na nakapaloob doon.

***
Totoo nga 'yong sinabi ni Kieran na roon muna siya mananatili sa unit ni Kylie. May mga naiwan pa kasing gamit do'n ang huli. Iniisip niya siguro na kung naroon lang siya ay hindi siya magagawang takasan ni Kylie kung maiisipan na nitong umuwi.

Honestly, I felt sorry for him. Ngayon ko na-realize na ganito pala talaga siya ka-martir kay Kylie. Iyong tipong pilit pa rin niya itong iniintindi gayong harap-harapan na siyang niloloko.

Kung totoong mahal ni Kylie si Kieran ay hindi niya hahayaang mag-alala ng ganito ang boyfriend niya.

Gaya ng inaasahan ay usap-usapan sa Club DC ang pagkawala ni Kylie. Bago mag-uwian ay napag-tsismisan din namin ni Glaiza ang tungkol dito.

"Paano mo hahanapin 'yong taong ayaw naman magpahanap?" palatak niya. Kasalukuyan kaming kumakain ng cheeseburger sa pantry.

Glaiza furrowed her eyebrows. "Sa tingin ko nga ay hindi na babalikan ni Kylie 'yong mga naiwan niyang gamit sa unit niya. Kung totoong 'yong naka-Ferrari nga ang bagong bf niya malamang nakapag-shopping na 'yon ngayon ng mga mas mamahalin na damit at appliances!" Dugtong pa niya. Tila siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi.

***
Kapansin-pansin sa performance ni Kieran ang pagiging malungkot niya.

"Wherever You Will Go" ng The Calling at "Over You" by Daughtry ang mga huling kinanta niya sa gig nila. Pati mga song choices niya ngayon ay pang-broken hearted din.

Napansin ko rin na magmula ng gabing nalasing siya ay madalas na niya akong batiin kung magkakasalubong kami sa Club DC. Pinipilit kong hindi kiligin sa tuwing nginingitian niya ako but I can't help it! Crush ko siya!

Araw ng Sabado nang naisipan kong dalhan si Kieran ng ulam. Medyo naparami kasi ang nailuto kong menudo. Hindi naman niya siguro mapapansin na crush ko siya. Ganito naman talaga ang ginagawa ng magkakapit-bahay.

Nakatatlong katok ako sa pinto bago niya ito buksan. He was wearing a black Giordano polo shirt that was paired with dark blue denim jeans. Mukhang bagong ligo din siya. May lakad siguro siya ngayon.

"Oh, Scarlet. Ano 'yang dala mo?" tanong niya habang nakatanaw sa tangan kong mangkok.

Pumasok na kami sa loob ng unit ni Kylie.

"Medyo naparami kasi 'yong nailuto kong ulam. Naisipan ko na dalhan ka. No'ng nandito pa si Kylie, madalas din kaming magbigayan ng ulam." Medyo defensive yata 'yong pagkakasabi ko no'n ayoko lang din kasi na bigyan ng malisya ni Kieran 'yong ginawa ko.

"Salamat!" aniya. His lips twitched into a smile. Isinalin niya sa ibang mangkok 'yong menudo. Magpapaalam na sana ako sa kanya na aalis pero bigla siyang nagsalita.

"Scarlet, pwede ko bang makuha ang number mo?" Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig.

What the hell?

Hiningi niya ba talaga 'yong number ko? Tila nagpapalpitate na naman 'yong dibdib ko dahil sa kaba.

Mukhang nahalata yata ni Kieran 'yong pagkabalisa ko.

"Hanggang bukas na lang kasi ako rito sa unit ni Kylie. If ever man na makikita mong uuwi rito si Kylie, i-text mo sana ako agad!"

Continuă lectura

O să-ți placă și

17.9M 37.4K 7
#StanfieldBook3: Sage Steele Shakyra Noelle Lagdameo wants to know the memories her brain had refused to re...
13.3K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
941K 16.9K 12
Ashlee have always been in denial of her feelings for Reede Dela Fuente. From the outside, she acts as if she doesn't care at all, but deep inside h...