Assasino Playground (Complete...

由 imangelaxwp

1.1K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... 更多

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 18

24 5 0
由 imangelaxwp

KABANATA 18

(OCEANĺA'S POINT OF VIEW)

Simula nang mangyari ang di inaasahan, wala ng estudyante ang nagpunta dito. Itinuring na isang cursed place dahil sa namatay na estudyante. Maski ako ay ayaw ko ng makita o mapuntahan ang lugar na ito dahil ako mismo ang nakasaksi ng aksidenteng yon.

Dito mismo namatay ang kaibigan namin, sa tinatapakan namin ngayon. Lahat ng masasayang alaala ay napalitan ng galit at poot. Ang naging dahilan ng matinding pagkamuhi sakin ng maraming estudyante. Hinayaan ko silang isipin na ako ang may kasalanan dahil ayokong malaman nila ang totoo. Tinanggap ko ang lahat ng masasamang salita, pagbabanta o kung anong gusto nilang gawin sakin.

Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Hindi ko na siya maibabalik.

"Iniisip mo siya?" nabalik ako sa wisyo dahil sa tanong ni Casano. Pinili naming lumayo sa isat'-isa, limang metro siguro ang pagitan namin ngayon. Wala siyang hawak na kahit anumang armas samantalang dumampot naman ako ng isang kutsilyo.

Hindi pa magaling ang kaliwang kamay ko kaya natitiyak akong mahihirapan ako na labanan siya.

"Simulan na natin." Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Kanang kamay lang ang ginagamit ko hawak-hawak ang kutsilyo. Agad siyang nakailag kahit na nagulat sa ginawa ko.

Dinoble ko ang bilis ng paggalaw at sinusubukan siyang sugatan ng sunod-sunod kong pag-atake. Alam kong mas magaling siya kumpara sakin ngunit hindi ko hahayaan na hindi ko man lang siya masusugatan.

"Sineseryoso mo naman masyado ang mensahe nila..." Saglit akong napatigil at napatingin kay Casano. Magkatalikod kaming dalawa.

"Hindi masamang subukan," ngumisi ako saka mabilis na inatake ang likod niya ng kutsilyo ngunit nahawakan niya ang kanang kamay ko.

Hinawakan niya ang likod ko at hinila papunta sa kanya saka nilapit ang mukha sakin.

"Sigurado ka bang ginagawa mo lang ito para sa ka-miyembro mo o dahil sa iba pang rason..."

Tinulak ko siya palayo. Ilang araw lang naman ang ipinahinga ko, parang mabilis ko na atang mapagod. Nagsisimula na akong pagpawisan kahit wala pang isang oras na nandito kami.

"Ano pa bang ibang dahilan?" tanong ko naman.

Nagsimula siyang maglakad palapit sakin. Nasa likod ang mga kamay niya at nakangiting tinignan ako.

"She reminded you of our dear friend, right?"

"Eh ano naman ngayon?" Sinalubong ko din siya gamit ang hawak na kutsilyo.

Muntik ko ng tamaan ang mukha niya nang bigla niyang i-bend ang katawan. Mabilis niyang iginalaw ang mga paa patungo sa likuran ko. Ginamit ang kaliwang kamay at ipinulupot sa leeg ko. Hinawakan ng kanang kamay niya ang isang kamay ko at nilagay sa likod. Alam niyang hindi ko kayang igalaw ang kaliwang kamay ko ngayon.

"Nakita mo ang resemblance sa mukha nila. Nakaramdam ka ba ng konsensya kaya tinanggap mo siya sa organisasyon mo?" Nagpumilit akong makawala ngunit hindi naging sapat ang lakas ko.

"Wala kang pakialam! Kung ayaw mong seryosohin ang laban natin, pwes hindi ako papayag. Naghihintay sakin si Zeta!" Binitawan niya ako at lumayo. Nagtaka naman ako nang itaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko na.

Hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa pag-atake sa kanya hanggang sa mahawakan ng mga kamay niya ang batok at likod ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at tila sinadyang yakapin ako.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang ibinulong niya. Muntik na akong maiyak dahil sa sinabi niya ngunit mas nangibabaw ang determinasyon ko.

Mabilis na gumalaw ang kaliwang kamay ko at isinaksak ang kutsilyo sa tiyan niya. Nagsimulang lumabas ang dugo sa tiyan niya ngunit hindi siya bumitaw sa pagyakap sakin.

Inalis ko ang kutsilyo at bahagyang lumayo. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang makita ang nakangiti niyang mukha.

"Ayaw mo bang iligtas si Zeta?" tanong niya na nakahawak sa tiyan na dumudugo. Sinuklian ko ang ngiti niya. Ginamit ko ang aking buong lakas at sinipa ang dibdib niya. Sunod-sunod ang mga suntok at sipa na binigay ko sa kanya. Hindi siya nanlaban o umilag sa mga atake ko. Tinanggap niya ito kahit na namimilipit na siya sa sakit.

Hindi na siya muling nagsalita pa. Pumikit siya nang tanggapin ang huling malakas na sipa ko sa mukha niya. Unti-unti siyang nawalan ng balance at natumba sa damuhan. Hindi na siya dumilat pa.

Napaluhod ako nang mapagtanto kung anong nagawa ko. Nawalan ako ng kontrol sa sarili, hinayaan ni Casano na saktan ko siya. Kapag hindi ako nakapagpigil, maaari ko siyang mapatay. Sapat na ang pagsaksak ko sa tiyan niya ngunit hindi ako nakontento. Binugbog ko siya hanggang sa mawalan siya ng malay. Ito ba talaga ang gusto mong mangyari, Casano?

Ilang saglit kong pinagmasdan ang nagkalat na dugo sa katawan niya. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko na naman ito. Lagi na lang nauuwi sa ganto kapag nandito ako sa lugar na ito. Ayoko ng maulit pa ang nangyari noon.

Tumayo ako at tinapon ang kutsilyo. Nagsimula na akong maglakad at iniwan ang katawan ni Casano. Napabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad paalis. Ito ang naging desisyon niya.

Siguraduhin mong hindi ka mamamatay, Casano...

(At dyan nagtatapos ang laban sa pagitan ni Casano at Pacifica. Ang panalo ay si PACIFICA.)

Pagkadating sa gusali namin ay muntik na akong matumba. Mabuti na lang at dumating agad si Kimberly na sinalubong ako.

"Nasugatan ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi..." pahina ng pahina ang boses ko. Nahihilo ako, hindi na kakayanin ng katawan ko.

"Pacifica!" narinig ko ang boses ni Ivy. Naaninag ko silang tumatakbo palapit sa akin. Kasama niya sina Roman at Paris.

"May resulta na! Ang lason na inilagay sa office mo ay kapareho ng lason na nainom ng mga estudyante sa night club noon." Pinipilit kong intindihin ang mga sinasabi ni Ivy ngunit hindi ko na nalabanan ang sobrang pagkahilo.

"Umamin na ang lalaking naglagay ng lason, sinabi niya ang pangalan nito. Loveshot poison..."

Loveshot poison??

Tuluyan na akong nawalan ng malay at natumba.

(END OF OCEANĺA'S POINT OF VIEW)

Nang makaalis si Pacifica sa lugar na iyon ay saka naman dumating ang dalawang lalaking nakatakip ang mukha. May tinutulak silang napakalaking basurahan. Nilapitan nila ang katawan ni Casano at pinagmasdan.

"Ano ba yan?! Kasali ba sa trabaho natin ang magbuhat ng duguang katawan?!" reklamo ng isa sa kanila.

"Eh anong gusto mo, ang magbuhat o ang mamatay?" pananakot ng kasama niya.

Saglit na napaisip ang lalaki at napapailing na tinignan ang kasama niya.

"Gusto ko pang mabuhay syempre..."

"Kung ganun naman pala, buhatin na kaya natin siya. Baka pagalitan tayo kapag hindi pa natin siya nadala doon sa tamang oras," sita ng kasama niya.

Pinagtulungan nilang buhatin ang mabigat na katawan ni Casano saka inilagay sa dala-dala nilang malaking basurahan. Wala paring malay ito at tuloy-tuloy ang paglabas ng dugo mula sa tiyan niya.

"Buti na lang pala ito ang dinala natin hindi sako." Napakamot sa batok ang lalaki.

Nagsimula na nilang itulak ang basurahan at nagkunwaring walang nangyari habang papaalis.

"Ano kayang gagawin nila sa katawan niya?" bulong ng lalaki sa kasama niya.

"Ano pa nga ba? Malamang gagawing experiment," sagot nito.

"Hindi pa ba sila nagsasawa sa ginagawa nila? Inutusan pa tayong atakihin yung bagong estudyante na babae gamit yung kutsilyong may lason."

"Oo nga e. Tapos hindi rin naman natin natatamaan. Manghuhula ba ang babaeng yun?"

Ang pinag-uusapan nila ay walang iba kundi si Zeta. Ang mga di inaasahang nangyari kay Zeta, ang kutsilyong may lason na muntik na siyang tamaan, silang dalawa ang may kagagawan nito.

Sila din ang palihim na umatake noon nang maglaban sina Leona at Zeta. Si Zeta talaga ang target nila ngunit biglang humarang ang katawan ni Leona kaya ito ang nasaksak.

Nagkunwari lang silang nagtutulak ng basura hanggang sa makarating sa lugar na pagdadalhan ng katawan ni Casano.

Binuhat nila muli ang katawan na nasa loob ng basurahan at inilapag sa isang mesa. Kaagad din silang umalis at iniwan ang walang malay na si Casano.

继续阅读

You'll Also Like

29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
18.6K 329 19
She is a Princess turned into Nobody , She is an Angel with a Devil inside her , She is the Runaway Princess of Wilson High .
655 297 58
Echo Monterrey, a simple guy with a simple life. He has a best friend named Twilight, and he secretly likes her, but sadly, Twilight already has a bo...
46.7K 1K 45
"He's somewhat familiar. His smile, laugh and even those eyes that every time he looks at me, tells me something, loveable. Who really he is?" - Autu...