V. Academy (Completed)

Від Zyreneiayo45

27.2K 1.2K 26

(Vampire Active Series #3) Evia Shy Lontio, a girl who was hidden from the outside world. Innocent and a frag... Більше

Disclaimer!
Synopsis.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Epilogue.
AUTHOR'S NOTE

Prologue.

1.6K 44 6
Від Zyreneiayo45

Dahan-dahan akong naglalakad sa gitna ng hallway, sobrang ingat dahil may dala akong napakaraming libro. Mabuti na lamang ay wala ng mga estudyante rito dahil unti-unti nang tumatama sa ilang parte ng paaralan ang hindi gaanong kaliwanag na araw, ibig sabihin ay paumaga na at natutulog na ang iilang bampira o matutulog pa lamang.

Ewan ko ba, ako na lamang parati ang inuutusan ng mga guro rito para dalhin ito sa loob ng library. Marami naman kaming estudyante nila ngunit ako na lamang palagi ang pinipili. Alam naman siguro nilang hindi ko kabisado ang napakalaking paaralan na ito. Minsan nga ay nawawala pa ako. Mabuti na lamang talaga ay tinutulungan ako ng iilang mga bampira rito. Hindi ko naman maabala si Maureen at Quiara dahil alam ko inaantok na sila at pagod galing sa kanilang mga klase.

Kaunti na lamang ay iisipin kong ako ang pinagdidiskitahan nila dahil sa wala akong alam dito. Siguro rin dahil bago lamang ako. Pati iyong ibang mga estudyante ay ang sama-sama ng tingin sa akin na tila ba ay gusto nila akong patayin ng wala sa oras. May iba pang pinagtatawanan ako na akala mo ay may nakakatawa sa akin, pero ang totoo ay wala naman talaga. Pero imbis na pagtuonan sila ng pansin ay hindi ko na lamang sila pinansin. Alam ko namang wala akong ginawang masama sa kanila. Nandito lang naman ako dahil gusto kong makaranas na mag-aral. Hindi ko nga lang inaasahan na mapupunta ako rito.

Ilang araw na ba akong nandito? Hmm… sa tingin ko ay anim na araw na? Tama ba?

Sa loob ng mga araw na iyon, pinaramdam ng iilan sakin na hindi ako bagay rito. Ang iba ay hindi ako pinapansin na tila ba ay hangin lamang ako sa kanila. Sa mga araw na iyon, tingin ko ay mahirap? Dahil siguro ako na lamang palagi ang inuutusan nila. Hindi naman ako makatanggi dahil ke-bago-bago ko pa, magmamaldita na ako tapos ayoko pang may gulo. Ayoko rin naman maging masungit dahil baka wala akong magiging kaibigan.

Mabuti nang sumunod na lang keysa magkagulo.

Huminto ako saglit saka nag-stretch ng paa, sumakit kasi ito. Mahirap na baka matapilok pa ako at madapa, mahulog pa ang lahat ng aking dala.

Napapikit na lamang ako nang may mahulog na isang libro. Kinalma ko ang sarili dahil baka mapasigaw ako sa inis at magising ang mga bampirang tulog na. Ayoko namang maging usap-usapan na naman dito. Hindi pa naman mahaba ang aking pasensya.

Tiningnan ko ang librong nahulog. Lumilinga-linga ako upang tingnan kung may bampira ba sa paligid. Nang masiguradong wala ay tiningnan ko ulit ang libro. Nag-focus ako at bumigkas ng lengwaheng tanging mga Salvi lamang na katulad ko ang may alam kung paano at nakakaintindi nito.

Napangiti ako nang makitang dahan-dahan itong tumaas mag-isa at pumatong sa librong nasa itaas. Salamat naman akala ko’y matatagalan pa ako.

Habang nagpatuloy ako sa paglalakad, napahinto ako nang may marinig na kung ano sa hindi kalayuan. Ngunit pagtingin ko sa bandang kaliwa ay wala naman akong makitang posibleng magsimula ng ingay. Kahit na saang parte ay wala talaga.

“Sino iyon?” tanong ko sa aking sarili.

Umiling na lamang ako at binaliwala iyon at nagpatuloy sa aking paglalakad.

Napahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa mismong pintuan ng library. Ngunit hindi ko alam kung paano buksan ang pintuan dahil sa aking mga hawak. Mabuti na lamang talaga ay isa akong Salvi. Nagagawa ko ang gusto kong gawin gamit lamang ang pagbigkas ng lengwahe ng aming lahi.

Nang makapasok ako ay nilagay ko muna ang mga libro sa isa sa mga lamesa at saka sinimulang ilagay ang mga ito sa tamang pwesto. Inabutan ako ng ilang minuto bago matapos.

Bumuga ako ng hangin saka pinagpagan ang aking mga kamay. “Tapos na,” bulong ko sa aking sarili at saka ngumiti.

Napalingon ako sa may pintuan nang marinig itong kumalabog at may narinig ako nagsalita mula roon. Kumunot ang aking noo nang makitang wala namang kahit na sino ang naroon. Pinilig ko ang aking ulo at sinubukang baliwalain iyon at napagdesisyonang umalis. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang hawakan ng pintuan ay may biglang humila sa damit ko at mabilis ako itinapon kung saan na ikinagulat ko at ikinasigaw.

Napasigaw akong muli nang tumama ang aking likuran at ulo sa matigas na bagay, hinuha ko ay pader. Napapapikit ako dahil sa sobrang sakit niyon.

May naramdaman akong tumulo mula sa aking noo dahilan para hawakan ko iyon at tingnan. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang dugo iyon. Hala!

Mabilis kong nilingon kung sino man ang may gawa noon. May nakita akong bulto ng isang babae. Bago ko pa man maaninag ang kaniyang mukha ay napasigaw ako nang may humila sa aking buhok at mabilis ako nitong binalibag dahil para malakas akong mapadaing at namimilit sa sakit. Ang sakit!

Naramdaman kong may kung anong tumulo mula sa aking ilong at sa gilid ng aking labi. Hindi ko na kailangan tingnan iyon para alamin, alam kong dugo ko iyon. Sino ang may gawa nito sakin?

 

Habang namimilit ako sa sakit ay narinig kong tumawa ang mga may gawa sa akin nito.

Pilit akong bumangon para makawala at makatakas sa kanila, ngunit mabilis akong napahiga at mapadaing nang tinadyakan ng isa ang aking tiyan. Napadaing ako ng malakas dahil doon at halos hindi na makagalaw dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Ramdam kong sunod-sunod tumulo ang aking mga luha. Oo, umiiyak ako. Hindi ko akalain na gaganituhin ako ng mga bampira rito, ni-wala akong ginawa sa kanila.

“Oh, what a crybaby? You look like shit,” narinig kong saad ng isang babae at binuntungan ng tawa. Sumabay sa kaniya ang kaniyang mga kasama.

Humikbi ako saka pilit silang inaaninag kahit nanghihina. Malabo man ang aking paningin, ngunit alam kong tatlo sila sa aking harapan. Nakaapak pa rin sa akin ang paa ng nasa gitna.

“S-Sino kayo? B-Bakit niyo ginawa s-sakin ito?” nauutal kong tanong sa kanila.

Ang babaeng nasa kanan ay inulit ang sinasabi ko na tila ba ay nakakatawa ang aking sinabi.

“Innocent girl, you don’t get it?” daing ang tanging sagot ko nang mas diniin niya ang kaniyang paa sa aking sikmura. Nagpumiglas ako pero hindi ako nitong hinayaang makawala. Tumawa siya. “Oh, she doesn’t even understand me. Pity. Hindi nakakaintindi ng English because she is dumb.”

Nagkakamali siya. Naiintindihan ko ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Kahit na hindi ako nakakalabas sa amin, alam ko kung paano magsalita at umintindi ng wikang Ingles. Hindi ko lamang ito ginagamit dahil hindi naman talaga necessary na gamitin ito. Pwera na lamang kung nasa klase.

“B-Bakit niyo ginagawa sa akin i-ito? Wala naman a-akong ginagawang masama sa i-inyo,” nahihirapan akong magsalita dahil sa mga hikbing lumalabas sa aking bibig.

Ito ang kauna-unahang nangyari ito sa akin. Pino-protektahan ako ng aking mga Ina at iniiwasang masaktan; hindi ko akalaing makakaranas ako ng ganitong kalupitan.

“Oh, poor you. Wala ka ngang ginawa sa amin, pero malaking pagkakamaling pumasok ka pa rito. You don’t belong here, you dumb girl. Isa ka lamang basura kaya bakit ka pa narito? Just leave. Magiging delikado ka pa rito kung magtatagal ka. You will die.” madiing ani niya.

Tila naintindihan ko kung bakit siya naging ganito. Kahit nasasaktan at umiiyak ay pinili kong pinalakas ang aking sarili at sinagot siya.

“I-Iyan ba talaga ang rason o you just don’t w-want me here?” kaunti lamang ang aking sinabi ngunit nagulat sila. Hindi siguro nila inaasahang sumagot ako ng ganoon at mas lalong hindi nilang inaasahang magsasalita ako ng kanilang ginagamit na lengwahe. “Ako ba ang b-basura? O kayo?” dahil sa sinabi ay tila na-trigger siya.

Masama niya akong tiningnan at tinaas ang kaniyang baseball bat na hawak na ikinalaki ng aking mga mata dahil sa gulat at takot.

“You bitch!”

Napasigaw ako nang tumama iyon sa aking kaliwang braso. Sa sobrang lakas ay pakiramdam ko ay nabali ang buto ko. Napasalampak lalo ako sa sahig at mas lalong umiyak habang namimilit sa sakit.

Akmang tatamaan pa niya ulit ako nang may pumigil ritong braso. Napahinto siya at napatingin sa may-ari noon. Hindi ko ito tiningnan at pumikit na lamang dahil sa sakit. Ramdam ko ang panghihina. Anong kasalanan ko para makaranas ako ng ganitong sakit?

“What are you doing, Kalla?” nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang baritonong boses na iyon. Kahit ganoon ay nanatili akong nakapikit at humihikbi.

“L-Lu—”

“What the hell, Kalla?! What did you do to her?!” rinig kong malakas na sigaw ng isang babaeng kakarating lamang.

“Shit,” mura ng isang lalaki.

“N-Nauna siya,” nauutal na sagot ng babae, takot na takot.

“Oh, please! Huwag mo kaming lokohin, you witch!” sigaw na naman ng isang babae.

Hindi ko na nasundan pa ang mga nangyari nang biglang mas sumakit ang braso ko dahilan para mapadaing ako lalo.

Napahinto ako nang may maramdamang humawak sa aking pisnge. Dahan-dahan akong nagmulat at ang kaniyang pulang mata ang unang bumungad sa akin. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa hindi ko malamang dahilan.

“B-Babe…”

___________________________________________________________________________________________________

Продовжити читання

Вам також сподобається

9.6K 72 21
it's my first imagines of ateez so I hope you enjoy you can request it
121K 2.4K 43
[ NOT MY STORY! MTL with a lot of editing... you're welcome] Title: 夫人她又娇又美 Author: 公子羽橙 Hu Rong is a well-known beauty in her small village. Her ski...
The Bookstore Від <3

Фанфіки

292K 9.8K 26
Izuku Midoriya was in an accident in middle school that made him go deaf. He gave up on his hopes of becoming a hero and ended up moving schools. 6 y...
9.6K 1K 26
ARJUN PATEL, a twenty-six-year-old teacher from a middle-class background, is smart, handsome, sweet, and very serious when it comes to studies and o...