HATBABE?! Season1

Von hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... Mehr

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Ten

19K 484 95
Von hunnydew

Laging maraming tumatawag na babae sa bahay namin. Kung sino-sino sa mga kuya ko ang hinahanap. Kung minsan, nagpaparamihan sila ng natatanggap na tawag. Ang pinakamaraming matanggap na tawag, pinakagwapo.

Nanalo ako.

Kasi naman ang aarte ng mga kuya ko. Pinapamigay yung landline number namin pero ‘pag may tumawag naman, hindi kakausapin. Ano kaya ‘yon?

At dahil nga likas akong madaldal, ako ang kumakausap sa mga babaeng ayaw kausapin nila Kuya. Kawawa naman kasi. Siyempre, nag-effort silang i-dial yung number namin, tapos wala naman silang mapapala.

 “Ah, naku Ate, tumatae kasi si kuya. Sira kasi ang tiyan. Next time ka na lang tumawag ha? O kaya mas maganda, magpakilala ka sa kanya sa personal.”

Ganyan yung sinasabi ko para ma-karma naman sila sa panlolokong ginagawa nila. Pero parang mas natutuwa pa ‘yung mga admirers nila kaya tawag pa rin sila nang tawag. ‘Yun nga lang, madalas, ako na ‘yung hinahanap at sa’kin na sila nakikipagkwentuhan o kaya nagtatanong tungkol sa mga kuya ko.

Kaya ko ring gayahin ang boses ni Mason. Kung hindi kasi ako kasama sa bilangan, siya ang may pinakamaraming natatanggap na tawag. Pero dahil suplado, wala talaga siyang kinakausap. At dahil naaawa ako sa mga fans niya, ginagaya ko nalang ang boses niya.

“Hi, kumusta. Pasensya na, ‘di ako pwedeng makipag-usap nang matagal ha. Papaluin ako sa pwet ni Mama kapag nakitang nagtetelebabad ako eh.” Ito kadalasan ang sinasabi ko habang ginagaya ang boses ni Mason.

“Pinapalo ka pa sa pwet?!” gulat na sagot nung babae sa kabilang linya.

“Hinde, joke lang po. Si Charlie po ito, Ate. Ayaw daw po kayong kausapin ni Mason eh. Bata pa raw po siya para magka-girlfriend. Pero stay pretty daw po.” O diba? Ang bait ko, kaya hindi nawawalan ng fans si Mason kasi bini-build-up ko siya eh.

Meron din ‘yung tatawag na hindi sasagot. ‘Pag ganun, kinakantahan ko ng kahit anong maisip ko. Madalas ko palang gawin ‘yun ‘pag okupado ng mga kapatid ko ang computer at ang PS3. Wala akong magawa kaya ‘yung mga tumatawag nalang ang napagdidiskitahan ko.

Kung minsan, pag-angat ko pa lang ng phone, kakanta na agad ako hanggang sa unang chorus para kunwari may ringback lang. Tuwang-tuwa naman sila kaya natutuwa rin ako dahil napapatawa ko sila. Meron pa nga, makakalimutan nila kung bakit sila tumawag dahil nagulo ko daw utak nila, hahaha.

Pinaka-hindi ko makakalimutan ‘yung kumanta ako ng ‘Bakit Ngayon Ka Lang’ pagkatapos kong iangat ‘yung receiver ng telepono.

“Hello po. Sino po ang hinahanap nila?” tanong ko pagkatapos kong kumanta.

“HAHAHAHAHA. Pare, totoo nga? Kumakanta ka nga?” Aba. For a change, naka-tiyempo ako ng lalaki.

“Ha? Sino ka?”

“Ulol, si Nile ‘to.”

“Wala akong kilalang Nile. Wrong number ka yata, ulol,” balik ko naman.

“Hoy, Mason, ‘wag mo nga akong niloloko.”

Nge. Bakit kasi di niya sinasabi agad? “Ay! Tulog si Mason. Naglalaway na nga eh.”

“HAHAHAHA. Teka, sino ba ‘to? Bakit kaboses mo si Mace?” tanong niya.

“Doppleganger po ako ni Mason kaya ganon,” sagot ko naman at humalakhak na naman siya. “Charlie po ang pangalan ko.”

“Aahhh, ikaw pala ‘yun,” sambit niya. “Charlie, pwedeng mag-request? Kantahan mo ‘ko. ‘Yung Masaya. Malungkot ako eh, hahaha.”

Dahil madali naman akong kausap, kinantahan ko siya ng Bohemian Rhapsody at tawa siya nang tawa sa kabilang linya.

Pagkatapos non, madalas ako na ang tinatawagan niya para lang kantahan ko siya.

“Uy, Charlie, salamat dahil lagi mo akong pinapasaya.”

“Tss. Para ‘yun lang? Basta ‘pag nalulungkot ka, kakantahan kita para sumaya ka.”

“Hahahaha, ‘wag kang ganyan. Bata ka pa, baka ma-in love ako sa’yo sige ka, hahaha.”

Hala. Anong ibig sabihin non?

Jamming tayo sa birthday ni Mason ha. Dadalhin ko gitara ko. Kakanta ka ha.”

“Sige.”

Napangiti ako at napatakbo sa banyo dahil naiihi ako.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

420K 10.6K 44
"Ikaw ba ay isang fan girl? Kung ganoon, makaka-relate ka sa kuwento ko. Ako si Cassiopeia Cheng, at isa akong fan girl."
6.8K 301 7
"Hindi ka ba makatulog? Gusto mong patulugin kita? Habangbuhay..." ________________________________ All Rights Reseved Lena0209 July2015
1.4K 109 43
"I guess LANY is right. Good guys never win." ~~***~~ Jazmine Neriah Wong loves to date bad boys. There's just something in them that attracts her. B...
4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...