The Devil Beside You (UnGodly...

La_Empress

238 20 0

UnGodly #1: After graduating high school, Ren moves to the city in hopes of getting into a prestigious univer... Еще

p r o l o g u e
n o t e
p l a y l i s t
ii. first night
iii. black umbrella
iv. the photographer
v. eyes on me
vi. another missing case
vii. someone is in my room
viii. sidekick rookie
ix. a killer on loose
x. new prey
xi.dinner with the tuoma residence
xii. chase down the street
xiii. trust no one
xiv. gone on a saturday
xv. predators on hunt part 1
xvi. the devil's wrath
xvii. the perfect girl
xviii. the girl with red lips
xix. two-faced bitches
xx. lust and confused
xxi. When the Sheep becomes the Wolf
xxii. everything before disaster
xxiii. captured
xxiv. where is riko?
xxv. first night in hell
xxvi. the will to survive
xxvii. run riko run!

i. the tuoma residence

14 2 0
La_Empress



R  E  N

A U G U S T   15,  2021

O S A K A,  J A P A N


"Next stop, Osaka."

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko nang marinig ang anunsyo sa speaker ng tren na sinasakyan ko, lalo na't matanaw ko ang mga nag ta-taasang estraktura na wala sa probinsya namin. Hindi mapalagay ang kamay ko. Sa loob lamang ng ilang minuto, magbabago na sa wakas ang yugto ng aking buhay.

Would my life really change?

And if so, would it change in a good or bad way?

Katulad ng nakikita ko sa screen, pang mayaman talaga ang lungsod ng Osaka. It's such an advanced city that you could see robots working on an establishment. Sa probinsya namin, kahit sa bus man lang walang aircon at nag-aagaw buhay pa ang makina. Japan is really a progressive country, but only with its huge cities; just like any other nation in the world, the small provinces are usually forgotten.

Huminto na ang tren na sinasakyan ko, isa-isang nagsilabasan ang mga tao. To my surprise, hindi sila nag-aagawang makalabas na parang mga zombie. Dala-dala ang isang malaking maleta at malaking backpack, bababa na sana ako nang insaktong nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko muna ito dahan-dahan akong lumapit sa pintuan.

"Ma?"

Walang ibang tumatawag sakin kundi ang nanay ko. Ayon sa kanya, kailangan niya ng pera dahil sinugod na naman sa hospital ang nakababata kong kapatid. Napalitan ng pag-aalala ang kaninang excitement. Sa tuwing sinusugod sa hospital ang kapatid ko, para akong naiiyak sa matinding pagkabahala. May iniinda siyang malalang sakit, leukemia. Nais ko sana sa hospital siya pananatilihin ngunit dahil sa mahal ng gastusin ay napilitan kaming sa bahay na lamang siya aalagaan. Now that I moved in Osaka, my mom was left alone to take care of him.

"Ipapadala ko kaagad ang pera. Huwag kang mag-alala sakin, palagi akong nakakahanap ng paraan. " tugon ko kay mama. Ramdam ko ang nginig sa kanyang boses na halatang kakaiyak lang.

"You should also take care of yourself, ayaw kong pati ikaw ay magkasakit din. "

Malapit akong matumba nang biglang may bumangga sa balikat ko. I looked up to see a tall man wearing a black hoodie. He quickly apologized, before I could say something, he immediately get off the tren. 

"Tatawagan ulit kita mamaya."

I inhaled deeply as I watched the images that were only visible on the screen now in front of my eyes. Hindi ko dream city ang Osaka, sadyang napilitan lang akong lumipat dito dahil sa pag-aaral. 

I'd chose to stay in the province with my mom and my brother. Once he'll recover, that's the time we'll moved to a big city together. Too bad I had to finish college far away from them. Wala pa ngang isang araw, na-miss ko kaagad sila.

Nag hanap muna ako ng bank upang ipadala kaagad kay mama ang pera. Pagkatapos, back to business which is hanapin ang apartment na tutuluyan ko. Para akong tanga na hila-hila ang malaking maleta at hindi alam kung san pupunta. It took me an hour to reached my destination. 

Dito sa Osaka, lahat ng bagay ay mas mahal pa keysa sa buhay ko. Most apartments here are expensive the closer its location to the universities. The cheapest I could find costs 52,000 yen, which is definitely not advisable for a student like me. 

Since na binigay ko kay mama ang pang bayad ng apartment, hindi ko na alam kung anong gagawin. After debating with myself, I finally gathered the strength to negotiate with the landlord. He showed me around the entire area first before we settled down to talk about the rent.

Sa kasamaang palad pinagtabuyan niya ako nang malamang wala pala akong sapat na pera.

Aniya'y marami na raw siyang na e-encounter na studyanteng katulad ko. Yung tipong mangangako raw na magbabayad ngunit mag ta-tatlong buwan na at puro pangako pa rin.

Marami pang apartment dito, there could be a landlord out there that would accept my offer.

Huminto muna ako sa isang restaurant upang mag browse sa internet. Dapat kaagad akong makahanap bago sumapit ang gabi, baka sa gilid ng daan ako makakatulog nito.

"Ms. May balak ka bang umorder? May iba pa kasing customer dito na walang mauupuan. " nilapitan ako ng babaeng waiter. 

Hindi ko namalayan na halos mag i-isang oras na pala ako nakatambay dito. Tubig lang ang inorder magmula kanina. Halata sa mukha ni ate na bweset na bweset na siya sa pagmumukha ko. Umalis na lamang ako bago pa niya ako kaladkarin palabas.

Minutes turned into hours, and hours turned into a heavy sigh. I found not a single affordable apartment. Panay tanggi yung mga landlord na kinausap ko, malaki nga yata ang trauma nila sa mga studyanteng tulad ko. 

Umabot sa punto na napa-upo na lamang ako sa gilid ng kalsada upang magpahinga. Hindi tirik ang araw ngunit animo'y walang hangin na tumatagos sa manipis kong sweater. Pakiramdam ko'y uulan maya-maya.

As I watched the people cross the bustling street, I pondered to myself, "Should I just go back to my hometown?"

No. Hindi dapat ako sumuko kaagad. Pagsubok lang 'to. 

Nakatitig ako sa screen ng cellphone ko, debating whether I should call my mom or not. Ngunit ayaw kong dagdagan ang problema niya. In the end, pinili kong mag apartment hunting ulit.

Just trust yourself Ren, makakahanap ka rin ng matutuluyan.

* * * * *

Sumapit ang gabi at bigo akong makahanap. 

Sukong napaupo sa gilid, napagkamalan akong naglayas sa bahay namin. Hinihilot ko ang sintido habang nag-iisip ng paraan. I didn't expect my journey to turn out like this. It was going smooth when I was able to received the scholarship. 'Di nga lang kasali ang apartment sa scholarship ko ngunit may monthly allowance naman. Aside from that, I have to provide my own place to stay. 

Wait hold on!

Is it raining?

"Oh shit!" 

Dali-dali akong sumilong sa isang sarado na restaurant. Maambon-abon na at tiyak bubuhos ang ulan mamaya. 

Mali ulit ang hinala ko nang biglang lumakas ang ulan.

Napamura ako sa isipan at napagpasyahang tumakbo na lamang sa ilalim ng nagbabagsakang tubig. Hahanap muna ako ng motel sa ngayon upang magpatuloy bukas sa paghahanap ng apartment.

Basang-basa ang aking katawan habang hayakap-yakap sa isang kamay ang bag at hila-hila naman sa kabila ang malaking maleta. Tumambad sa aking harapan ang isang napakahabang hagdanan paakyat. Nag da-dalawang isip ako kung aakyatin ito o bumalik sa pinanggalingan. Heaving a deep sigh, umakyat ako, nagbabakasaling may motel doon. I haven't explored that place so there could be at least one there. 

Hingal ako nang makarating sa tuktok, giniginaw sa matinding lamig. Tahimik ang kapaligiran at walang tao. Tanging ilaw galing sa nag-iisang poste ang nagbibigay liwanag sa lugar na 'to. 

'Di kalayuan, nakatayo ang isang building na mukhang apartment. Madilim ito at walang pintura ang kahalati. At this point, I don't even care about what the apartment looks like. I'm overly desperate kaya pinindot ko ang doorbell ng building. 

My voice appears to be diminished by the sound of the heavy rain after I rang the doorbell three times. Kumatok ako ng limang beses bago bumakas ang pintuan.

"Oh my goodness, basang-basa ka ineng!"

A middle-aged woman appeared on the front door. She's short and has a typical 'auntie' demeanor. Gulat siya nang makita ang kalagayan ko.

"M-magandang gabi ho, p-pwede po bang . . . " Hindi niya ako pinatapos at kaagad binuksan ng malaki ang pintuan.

"Pasok iha, halika sa loob."

Nahihiya akong pumasok dahil sa basang-basa kong katawan. Tumutulo sa sahig ang tubig at putik dala ng sapatos ko. Ayaw akong makaabala ngunit kailangan ko na talagang sumilong.

"Bakit nakipagsapalaran ka sa ulan iha? Magkakasakit ka nyan. " 

Iginaya niya ako sa sala kung saan may maliit na center table sa gitna at malaking sofa na halatang luma na. On the side is a long staircase leading to the second floor of the building. There are cobwebs on every corner and some heavy dirt on the walls as if the whole place hasn't been cleaned for many years. 

My gaze halted at the man standing on the second floor. I could barely make out his face due to weak light that barely reach the upper floors. He's wearing a sleeveless shirt and appears to be looking over me.

"Ano bang maipaglilingkod ko ngayong gabi, iha? "

"A-ano ho?" I got distracted by the man upstairs.

"Ikaw ba ay mangungupahan?"

The ambience of this place is dark and gloomy. But the woman standing in front of me is the complete opposite as she's smiling from ear to ear.

"O-opo, naabutan kasi ako ng ulan kaya naghanap ako ng matutulugan. I'll stay for just one night, ayos lang po ba?"

Parang nakaramdam ako ng pangangalay dahil sa ngiti ni ate. Ewan ko ba bakit ang saya-saya niya. 

"Oo naman ineng! Welcome na welcome ka sa apartment ko. Umupo ka muna, kanina ka pa nakatayo diyan. "

Nahihiya akong tumanggi, "Huwag na po. Baka mabasa po yung sofa niyo ate. "

She chuckles lightly, "Naku, huwag mo akong tawaging 'ate'. Auntie Jo nalang. "

Nawawala ang singkit niyang mata sa tuwing tumatawa siya. Medyo komportable naman ako despite napaka-creepy ng building dahil sa masayahing personality ni Auntie Jo. Ayaw ko rin kasi ng landlord na masungit.

"Auntie Jo, magkano po ba one night stay dito?"

"Hmm, usually kasi ineng for rent talaga lahat ng rooms dito. Dahil mukhang kailangan mo talaga ng matutuluyan ngayong gabi, kahit 80 yen lang sakto na. " 

Nagulat ako sa sinabe niya, "80 yen?! Ang mura naman ho. " Mostly it would cost more than a thousand yen to spend a night, especially in an expensive city like Osaka. On the other hand, this place is not worth spending thousands considering its poor condition.

"Isang gabi ka lang naman mananatili rito. Tsaka mura talaga dito sa apartment ko ineng. 'Di tulad ng iba dyan, dito hindi ka mangangayayat kakahanap ng pera pambayad sa upa lalo na sa mga studyanteng tulad mo. " aniya.

Well, I'll only stay for one night, right?

"Ano nga pala ang pangalan mo iha?"

"Ah right! I'm Ren Kaneko po. " ngiti ko. I forgot to introduce myself earlier.

Mas lumaki ang ngiti niya nang marinig ang aking pangalan, "Bagay na bagay sa isang magandang dalaga ang pangalan mo. "

"Can you take me to my room?" I asked.

Tumayo siya nang hindi nawawala ang malaking ngiti sa labi.

"Of course, dear. Welcome to the Tuoma Residence. "


* * * * *

- E N D   O F   C H A P T E R  1 -

Продолжить чтение

Вам также понравится

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
Mark The Code [ COMPLETED ] supercalifragilisti...

Детектив / Триллер

1.2K 230 59
"Do you want to follow me silently or do you want me to make a big fuss about it as well? But if you really want to stir things up, just go ahead. It...
49.4K 281 5
"Kung gano'n bakit nandito ka pa? Just go with them. Kung ayaw mong gawin huwag mong gawin. Tsk! Too simple but why did you follow them? May tinatago...
CTRL Key (C-RIES #2) yerie

Детектив / Триллер

1.2K 205 83
Control Key (CTRL Key) ◼ a key on a computer keyboard that when pressed in combination with other keys enables special commands or symbols to be acce...