More Than Words

Von AtashiaBliss

1.6K 162 2

Everyone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chao... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue

Chapter 18

58 4 0
Von AtashiaBliss

Clarizette Marie's

"Kamusta ang pakiramdam mo?" kaswal na tanong sa'kin ni Hans pagkagising namin. Ang sarap ng pakiramdam ko dahil bawing bawi ang katawan ko sa pahinga.

"Ahm, okay na. Nakapagpahinga na ako nang maayos" sagot ko naman kaya tumango-tango siya at saka bumangon na sa kama. Dumeretso siya sa banyo at ilang sandali pa ay narinig ko ang lagaslas ng tubig.

Napabuntong hininga ako at bumangon na rin. Iniligpit ko ang hinigaan namin at pagkatapos ay kinalkal ko ang maleta niya para ipaghanda siya ng bihisan.

Nang maayos ko ang mga dapat ayusin ay kinuha ko ang phone ko para icheck ang oras. 2 pm na pala. Ganun ba kasarap ang tulog namin? Nasaan na kaya ang anak ko?

As if on cue ay bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Isla.

"Mama, Look! Ang daming binili sa'kin ng mga Tito ko!" tuwang-tuwang sabi niya habang isa-isang ipinapatong sa kama ang mga paperbag na dala niya.

"Naku, baka pabili ka nang pabili sa mga Tito mo! Nakakahiya!" nanlalaki ang matang sabi ko sa bata dahil ang dami niya talagang dala.

"Aba, Mama hindi po kaya ako nagpapabili. Pag po may item akong tinitingnan o hinahawakan, binibili na kaagad nina Tito kahit di ko sinasabing gusto ko! Nag-uunahan pa nga po sila sa pagbili" nakangusong katwiran niya kaya napakamot ako sa ulo ko. Bakit ang galante naman masyado ng mga kabarkada ni Hans?

Bumukas ang pinto ng cr at lumabas mula doon si Hans na nakatapis lang ng tuwalya kaya napalunok ako. Bakit naman may pa-show si Koya?!

Nang makita ni Hans si Isla ay hinalikan niya ito sa noo bago kinuha ang mga damit na ihinanda ko kanina. Muli ay pumasok siya sa cr para magbihis.

Paglabas ulit ni Hans sa cr ay naupo ito sa tabi ko. Tiningnan niya ang mga dala ni Isla at natawa siya. "Mukhang bumabawi ng papasko ang mga Tito mo, Love. Siguradong pag humingi ka ng house and lot ngayon ay mag-uunahan magpagawa o bumili ng bahay ang mga lokong yun"

Nanlaki ang mga mata ko at siniko siya. Baka mabigyan pa niya ng ideya si Isla at humingi ito ng kung ano-ano sa mga Tito niya. Natawa lang naman si Hans sa ginawa ko.

Naiiling na kinuha ko na lang ang suklay sa bedside table para ayusin ang buhok niya. Siya naman ay muling binalingan si Isla at nagkwentuhan silang mag-ama tungkol sa mga pinuntahan nina Isla at mga ginawa nila habang nasa galaan. Masayang nagkwento naman ang anak ko at kung paminsan-minsan ay may action pa talaga siya. Ang daldal ng anak ko. Ang sarap pakinggan at pagmasdan.

Matapos magkwento ni Isla ay tumayo na si Hans at saka inalalayan si Isla na makababa ng kama. Binalingan ako nito at saka inilahad ang kamay sa harapan ko "Tara muna sa labas. Hahanap ng makakain"

Kiming tumango ako at atubiling tinanggap ang kamay niya. Magsasaya na sana ako ngunit pagkatayo ko ay kaagad niya ring binawi ang kamay niya. Akala ko pa naman ay sinasapian na ulit siya ng kabaitan.

Pagkalabas namin ng kwarto ay dumeretso kami sa pool area kung saan naroon ang lahat. Naghahanda sa mga iihawing pagkain ang mga kalalakihan, ang mga kababaihan naman ay kumakain habang nagkukwentuhan at ang mga bata ay naglalaro.

Kaagad na humiwalay sa'min si Isla nang makita niya sina Sabrina. Nagtatakbo ang anak ko para makipaglaro sa mga kaibigan niya. Natigilan naman ako nang naramdaman kong umakbay sa'kin si Hans. Marahang iginiya niya ako palapit sa mga kabarkada niya.

"May pagkain pa? Di pa kami nakain" Tanong niya sa mga kaibigan niya kaya makahulugang nagtinginan ang mga ito at nagngisihan.

"Maniwala sayong hindi ka kumain" pang-aasar ni Lynard kaya kaagad na nag-init ang pisngi ko. Hindi ko tuloy alam kung ipagpapasalamat kong hindi ako slow pagdating sa ganung mga bagay.

Binato naman siya ni Hans ng napulot niyang kamatis. "Gago! Natulog lang kami!"

Inosenteng tumingin naman si Lynard sa kanya. "Luh? Wala naman akong ibang ibig sabihin doon. May naiwan kasing pagkain diyan kanina kaya hindi ako naniniwalang hindi ka pa kumakain"

Dahil sa sinabi ni Lynard ay napasimangot si Hans at nagtawanan ang mga kaibigan niya. "Gago. Kidnapin ko kaya si Andeng at hindi ko ipakita sayo ng isang linggo?"

"Aba, edi ibibili ko ng ticket si Lizette at Trevor papuntang Maldives para makapagbakasyon silang dalawa" pang-aasar muli ni Lynard kaya lalong sumimangot si Hans. Tinanggal nito ang pagkakaakbay sa'kin at saka nilapitan ang kaibigan para sakalin.

"Best friend mo ako since high school, sa'kin ka nangongopya ng assignment minsan, pero mas ililibre mo pa ng bakasyon yung ibang tao kesa sa'kin?! Gusto mong magkalimutan na lang tayo?!" himutok niya sa kaibigan habang sinasakal ito. Ang iba naman nilang mga kaibigan ay natatawang napapailing na lang na parang mukhang sanay na sanay na sila sa bardagulan ng dalawa.

"Joke lang e! Syempre, sayo ako pare! Ikaw ang manok ko, noon, ngayon, at magpakailanman! Kahit saan mo pa gustong dalhin yung bebe mo, sagot ko promise!" itinaas pa ni Lynard ang kanyang kanang kamay na parang totoong-totoo ang pangako niya.

Ngumisi si Hans at saka tinapik-tapik ang balikat ni Ly. Inayos pa niya ang kwelyo nito. "Yan ang gusto ko sayo! Pakiss nga ako!"

Sumimangot naman si Lynard at todo iwas sa tangkang paghalik ni Hans sa kanya. "Gago! Tigil-tigilan mo ako! Para kay Dawnita lang ang lahat ng parte ng katawan ko! Pati ang kaluluwa at anino ko, kanyang-kanya lang din!"

"Tsk, titigil kayo diyan o pagbubuhulin ko kayong dalawa?" supladong tanong ni Jerick kaya mabilis pa sa alas kwatrong naghiwalay ang dalawang makulit.

Muling bumalik si Hans sa tabi ko at hinila ako para maupo sa isang bakanteng upuan. Pagkatapos ay dumekwat siya ng isang pusit mula sa iniihaw ni Miguel at saka inilagay sa paper plate. Nang makita niya ang kaldero ay nagsandok na rin siya ng kanin. Bumalik siya sa akin at saka inabot ang pagkain. Naupo na rin siya sa tabi ko at nakisalo sa pagkain.

Napangiwi ako nang malasahan ko ang pusit. May kakaiba sa lasa nito na hindi ko nagugustuhan. Nakakapagtaka dahil paborito ko naman ang kalamares at adobong pusit.

"Ayaw mo ng luto ni Miguel?" takang tanong sa'kin ni Hans kaya napatigil si Miguel sa pagpapaypay ng mga iniihaw niya. "Si Miguel kaya ang pinakamasarap magluto sa'min" dugtong pa niya kaya napakamot ako sa ulo ko.

Nakakahiya. Baka sabihin ang arte ko. "H-hindi naman --"

"Ano bang gusto mong kainin?" muling tanong ni Hans pero malumanay na ang boses niya. Napangiwi ako dahil hindi ko rin alam kung anong gusto ko. Wala akong ganang kumain ngayon. Pero nagugutom naman ako.

Napapalatak si Hans at saka tumayo. Umalis ito sa tabi ko at lumapit kay Jarred. Mula sa mga isdang tinitimplahan at nilalagyan ng pampalasa ni Jarred ay kumuha siya ng isang tilapia bago siya lumapit kay Miguel. Inilagay niya doon sa isang side ng ihawan ang tilapia at saka hiniram niya ang pamaypay kay Miguel. Siya ang nagluto ng tilapia kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit nakasimangot siya ay ang cute nyang tingnan. Mukha wala nga siyang sapi ngayon.

Matapos niyang lutuin ang tilapia ay inilagay niya ito sa paper plate at dahan-dahang binuksan ang foil na nakabalot. Iginawa na rin niya ako ng sariling sawsawan ko bago siya lumapit sa'kin at ibinigay ang luto niya.

"O, di'ba kumakain ka naman ng tilapia?" nakataas ang isang kilay na tanong niya kaya nagingiting tumango ako at tinanggap ang luto niya.

Maganang kinain ko ang pagkaing inabot niya dahil ang sarap ng pagkakaluto niya sa tilapia. Sa sarap ay naka 2nd round pa ako ng rice. Grabe, ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa kwarto para magtoothbrush. Si Hans naman ay pinakain si Isla.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay lumabas na ulit ako ng kwarto dahil miss ko nang kakwentuhan si Andrea at Athena.

Pababa na ako ng hagdan nang mapansin kong bumukas ang isang kwarto. Mula doon ay lumabas ang babaeng napapabalitang pinopormahan daw ni Hans ngayon. Bakas din sa mukha nito ang gulat nang makita ako.

Nakakaramdam man ako mg awkwardness ay sinubukan ko pa ring ngitian siya subalit tinanguan lang ako nito. Mukhang wala siya sa mood dahil parang kagigising lang niya. Wala din siya sa pool area kanina.

Mula sa loob ng kwarto ay nakarinig ako ng boses ng batang lalaki. Lumabas din ang bata at lumapit sa ina saka ipinakita ang isang key holder. "Mommy, kay Teacher Hans po ito, di'ba? Naiwan po niya kagabi!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala kong hindi nga pala bumalik sa kwarto si Hans kagabi. Mukhang alam ko na kung saan siya nagpalipas ng gabi.

Nag-iwas ako ng tingin sa mag-ina at saka bumalik na sa pool area. Ang sakit-sakit ng gumuguhit sa dibdib ko ngayon dahil sa nalaman ko. Paano nagagawa ni Hans yung ganung bagay? Paano niya nagagawang pumorma ng ibang babae habang nagpapakita pa rin ng pag-aalala sa'kin? Ito ba talaga ang parusa niya sa'kin? Grabe naman atang sakit itong pinaparamdam niya.

"Hoy! Bakit tulala ka diyan?" napapitlag ako nang tapikin ni Andrea ang balikat ko. Kasama niya si Athena na buhat-buhat ang anak niya. Ngumiti sa'kin si Athena kaya nahawa ako at napangiti na rin. Wala pa rin talagang kupas ang ganda ng babaeng 'to. Kaya ulol na ulol si Trevor e.

Nagkwentuhan kaming tatlo tungkol sa mga buhay-buhay namin. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong dumating na din dito ang babaeng pinopormahan ni Hans or should I say ay girlfriend na niya. Lumapit ang babae kay Hans at saka inabot ang key holder nito. Nanlaki ang mga mata ni Hans at saka tuwang-tuwang nagpasalamat sa babae. Inalok pa niya ito ng pagkain na kaagad naman nitong tinanggap.

"Landi ni Hans. Ang sarap pa kurutin gamit ang nail cutter" natatawang sabi ni Andrea nang mapansin niyang wala na sa pinag-uusapan namin ang atensyon ko. Tumikhim ako at iniwas ang tingin kina Hans.

"Ha? Sinasabi mo diyan?" patay malisyang tanong ko.

"Grabe ka naman kay Hans, Andeng. Sweet at maalaga lang talaga siya kahit kanino" kontra naman ni Athena kay Andrea sabay tingin sa'kin at ngumiti. "Kahit kami ay ganyan din niyang alagaan. Prinsesa pa nga ang tawag niyan sa'min"

"Psh. Di ba siya aware na pwede siyang magbigay ng mixed signals sa mga babae dahilan para umasa sa kaniya" tila inis na tanong naman ni Andrea kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

Muling bumaling sa'kin si Andrea at ngumisi. "Okay, enough na sa panget na Hans na yan. Kamusta na si Papa Trev? Di pa nagpapakita sa'kin ang gagong yun mula nung nakauwi ng Pilipinas ah!"

Napailing na lang ako kay Andrea at napasulyap kay Athena na hinahalik-halikan ang kamay ng anak niya. "Busy masyado sa pamangkin niya. Saka syempre sa singing career niya. Ang alam ko ay may bago siyang irerelease na album. Tuluyan nang nagsolo ang walanghiya"

"E? Taray talaga ng gagong yun. Kaya sadyang pinagpala si Athena e" natatawang sabi ni Andrea kaya gulat na napatingin sa'min si Athena.

"Ha?"

Nagkatinginan at nagkatawanan na lang kami ni Andrea. Maganda ang babaeng 'to pero manhid. Hanggang ngayon ay hindi siya aware na deads na deads sa kaniya si Trevor. Sabagay, masayang-masaya na naman ang buhay nila ni Miguel ngayon.

KINABUKASAN ay maaga kaming umalis ng Tagaytay dahil may kanya-kanya pa daw trabaho ang mga kasama namin at may pasok na rin ang mga bata sa school. Akala ko ay ihahatid ako ni Hans sa probinsya pero sa bahay niya sa Batangas kami tumuloy.

Pagkarating sa bahay ay inasikaso lang sandali ni Hans si Isla bago niya itinuon ang atensyon sa pagtatrabaho. Naroon siya sa opisina niya na narito din sa loob ng bahay. Sabi pa niya ay wag daw siyang aabalahin dahil marami daw siyang dapat gawin.

GABI na nang lumabas si Hans sa opisina niya. Mukhang marami siyang ginawa dahil parang pagod na pagod siya. Kaagad naman akong naghain para makakain na siya. Nakapagluto na kasi ako kanina dahil pinakain ko na si Isla na kasalukuyang natutulog na.

Naupo si Hans sa dining chair. Nakamasid lang ito sa'kin habang naghahain ako. Nang makalapit ako sa kanya ay napasinghap ako nang kabigin niya ang bewang ko at hinila ako para mas mapalapit sa kaniya. Siniksik pa niya ang mukha sa dibdib ko.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinilit ang sariling lumayo kahit na ang totoo ay gustong-gustong ko talagang nakapalibot ang bisig niya sa'kin. "Hans, ano ba? Bitiwan mo ako"

Nang tuluyang makalayo ako sa kanya ay kumunot ang noo niya. "Why?"

Napaiwas ako ng tingin. "K-kasi hindi tama"

Ayokong may masaktan. Ayokong makasakit ng kapwa ko babae. Siguro naman, kaya naming palakihin si Isla kahit hindi kami magkasama sa iisang bubong.

Pagak na natawa si Hans at saka padabog na tumayo sa upuan. "Okay. Ipapahatid na kita kay Ryan"

Iyon lang ang sinabi niya at saka lumabas na ng dining area. Napabuntong hininga na lang ako at niligpit na ang mga pagkain sa lamesa. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Ryan para ihatid ako pauwi ng probinsya kahit gabing-gabi na.







"BAKIT ba ayaw mo pang magpacheck up?" inis na tanong sa'kin ni Trevor nang malaman niyang masama na naman ang pakiramdam ko. Nandito kasi ulit siya sa bahay para bisitahin ako.

"Low blood nga lang ako. Pero dahil nandito ka na, siguradong babalanse na ang dugo ko dahil maha-highblood na ako" inis na sagot ko naman at inirapan siya.

"I was just worried" katwiran naman niya pero hindi ko na siya pinansin. Busy kasi ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko dahil nakatanggap ako ng chat mula kay Hans na family day daw sa school nina Isla bukas at kailangan kong umattend. Hindi daw niya ako mapapasundo dahil may inutos ang Daddy niya kay Ryan at siya naman daw ay may ginagawa. Sakto namang nambubulabog ngayon si Trevor kaya magpapahatid na lang ako sa kaniya maya-maya.

"I told you, okay lang ako. Wag kang OA" naiiling na sagot ko na lang.

Bumuntong hininga na lang siya at saka nakigulo sa pagtutupi ng mga damit na dadalhin ko. Hindi naman ganun karami ang mga dadalhin ko dahil siguradong pagkatapos ng event nina Isla bukas ay papalayasin na rin ako ni Honesto sa bahay niya. Nakalungkot lang dahil isang buwan na mula noong huling makita ko si Isla tapos limited pa yung oras na makakasama ko siya.

Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay kaagad na inagaw sa'kin ni Trevor ang bag ko. "Ako na ang magdadala. Parang mangangalas ka na e. Bakit ba ang namamayat ka?"

Tinaasan ko siya ng kilay at namewang ako sa harap niya. "Alam mo, ang dami-dami mong napapansin. Ganun mo ba ako namiss?"

Sumimangot lang siya at dinutdot ang noo ko. "Kasi hindi mo inaalagaan ang sarili mo! Paano pag nagkasakit ka? Gusto mo bang malungkot si Isla?"

Binelatan ko na lang ang sermon niya sa'kin bago siya tinalikuran para hanapin si Nanay dahil magpapaalam ako.

Nakita ko ito sa kwarto na as usual ay malungkot na naman. Simula kasi nung nawala si Tatay ay palagi na lang itong nakakulong sa kwarto. Siguradong nasasaktan pa rin siya sa nangyari kay Tatay, dagdag pang wala na din dito sa bahay si Isla. "Nay, alis na po ako. Tatawagan ko na lang po kayo pag kasama ko na si Isla para makausap nyo rin siya"

Tipid na ngumiti si Nanay. "Anak, baka naman mapakikiusapan mo si Hans na makadalaw man lang kahit sandali si Isla dito. Miss na miss ko na ang apo ko"

Naupo ako sa edge ng kama at hinawakan ang kamay niya. "Susubukan ko po. Siguradong miss na rin kayo ni Isla"

Kaagad na nag-init ang sulok ng mata ko nang haplusin ni Nanay ang pisngi ko. "Alam mo ba kung anong huling sinabi sa'kin ng tatay mo bago siya nawala?"

Doon tuluyang tumulo ang luha ko. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin para sa akin ang pagkawala ni Tatay. "A-ano po?"

Ngumiti si Nanay. "Gusto daw niyang maging masaya ka. Gusto daw niyang dumating ang panahong magkaroon ng buong pamilya si Isla kagaya ng tanging kayamanang ibinigay namin sa inyo. Salat man tayo sa materyal na bagay ay mayaman naman tayo sa pagmamahal at nanatili parin tayong buo kahit ang daming problemang dumating sa atin"

May gumuhit na sakit sa dibdib ko pero nginitian ko pa rin si Nanay at saka pinisil ang kamay niya. "Masaya naman ako, Nay. Masaya akong nakakasama ko na kayo ngayon. Yung buong pamilya naman para kay Isla, s-siguradong maibibigay iyon ni Hans sa kanya."

Napakunot ang noo ni Nanay. "Bakit parang isinusuko mo na ang karapatan mo para sa anak mo?"

Umiling ako. "Hindi po, Nay. Ayoko lang pong magulo at gawing komplikado ang buhay ng anak ko. Ayoko na po ng gulo, Nay. Hindi naman po ibig sabihin na wala sa poder ko ang anak ko ay kakalimutan ko na siya. Palagi pa rin po akong nakaalalay at nakasuporta sa kaniya. Kahit po baliktarin ni Hans ang mundo ay ako pa rin po ang ina ni Isla. Wala siyang magagawa doon"

Nang wala ng nasabi si Nanay ay hinalikan ko na siya sa noo at lumabas na ako ng kwarto niya. Nang makita ni Trev ang namumula kong mata ay tinaasan niya ako ng kilay pero inirapan ko lang siya.

Tahimik ang naging byahe namin. Wala akong ganang magsalita dahil paulit-ulit na nagpa-flash sa utak ko ang sinabi ni Nanay kanina. Sana ganun lang kadaling bigyan ng pamilya si Isla. Sino ba namang ina ang ayaw maging masaya ang anak?

Napalingon ako kay Trevor nang bigla siyang bumuntong hininga. "Kung nagpakasal ka na nga lang sa'kin, edi sana masaya na tayo sa London ngayon kasama si Isla"

Napataas ang kilay ko dahil sa tinuran niya. "Alam mo, isang hirit mo pa ng kasal na yan, iisipin ko na talagang crush mo nga ako"

Tumaas ang sulok ng labi niya pero nananatiling nasa daan pa rin ang tingin. "Paano kung sabihin kong oo, crush nga kita at seryoso ako sa pag-aalok ko ng kasal sayo?"

Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong nahampas ko siya sa balikat sa sobrang gulat. "H-hoy! Hindi ginagawang biro ang mga ganyang bagay!"

"Sino bang may sabing nagbibiro ako?" walang kakurap-kurap na tanong niyang muli kaya napatanga na lang ako.

"G-gago ka ba?!" tanging nasabi ko na lang pero tinawanan lang ako ng walanghiya.

"What's wrong? Hindi ka naman mahirap magustuhan e. I like you, Lizette. Siguradong maswerte ako kung ikaw ang makakasama ko sa pagtanda" kaswal lang ang way ng pagsasabi niya pero ang dibdib ko ay sige sa pagtibok. Jusko! Totoo ba 'to?

"P-pero kaibigan kita"

"Hindi naman kailangang magustuhan mo din ako pabalik e. Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako at kaya kitang saluhin. You don't have to face this journey alone, Lizette. Handa akong samahan ka" ramdam ko ang sinseridad sa boses niya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Hans ay hindi na ako sumagot kay Trev. Nakaramdam kasi ako ng pagkailang. Parang naging awkward tuloy ang samahan naming dalawa dahil sa mga sinabi niya kanina.

Nauna na siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Nang hindi ako makatingin sa kanya ay natawa siya at pinitik ng tatlong beses ang noo ko kaya napasimangot ako at hinampas siya sa balikat. Ang sakit pa naman niyang mamitik.

"Wag mong masyadong isipin ang sinabi ko. Offer lang naman yun. Nasa iyo kung tatanggapin mo o hindi" malokong sabi niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Siraulo ka! Akala ko ba, nagpapaampon ka kay Nanay? Edi kapatid kita kung ganun!" inis na asik ko pero tinawanan lang niya ako. Hindi ko na rin napigilang mapangiti. Nawala ang awkwardness na nararamdaman ko. Komportable talaga ako sa lalaking 'to.

Halos mapatalon ako sa pwesto ko nang may malakas na bumusina sa likod namin. Paglingon ko ay nakita ko ang kotse ni Hans. Mukhang nakauwi na siya mula sa trabaho.

Bumukas ang kotse niya at mula doon ay lumabas si Isla na nakauniform pa. Awtomatikong napangiti ako at ibinuka ang bisig ko. Nagtititiling tumakbo naman si Isla palapit sa'kin at yumakap nang mahigpit. "Mama! You're here! I missed you so much po!"

"Ay sus! I missed you too, baby ko" kahit naluluha ay nakangiti pa rin ako. Miss na miss ko talaga siya. Hindi sapat na nag-uusap lang kami sa phone gabi-gabi. Iba pa rin talaga yung yakap ko siya.

Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita kong nakababa na rin pala si Hans ng kotse. Nakasandal ito sa sasakyan na parang naiinip na. Nakasimangot lang siya habang nakatingin sa wristwatch niya. Nakakapanibago ang hitsura niya. Mukha siyang intimidating na businessman sa suot niya black dress shirt, pants at leather shoes. Minsan ko lang siyang makitang ganito ang pormahan.

Napapitlag ako nang tapikin ako ni Trev sa balikat at binulungan. "Aalis na ako. Baka masapak pa ako dito pag nagtagal pa ako"

Pabirong binatukan ko na lang siya. "Ingat ka. Tatawag ako pag magpapasundo ako"

"Okay. Take care" bumeso pa ito sa'kin bago binalingan si Isla at hinalikan sa pisngi. "Take care, sweetheart. Alagaan mo din si Mama mo"

Nang ngumiti at tumango si Isla ay sumakay nang muli si Trev sa sasakyan niya at humarurot na paalis. Nang makaalis si Trevor ay naiiling na pumasok si Hans sa gate aymt binuksan ang main door ng bahay niya.

Pagkapasok namin ni Isla ay muling lumabas si Hans para iparada nang maayos ang sasakyan niya.

"Mama, sasama ka sa'min bukas ni Papa sa school?!" excited na tanong sa'kin ni Isla kaya napangiti ako at pinisil ang pisngi niya.

"Yes, anak."

"Yehey! Excited na ako, Mama. First time kong aattend ng Family Day tapos complete pa tayo!" yumakap sa leeg ko si Isla at humalik sa pisngi ko. "Thank you po, Mama" at natunaw ang puso ko.

KINABUKASAN, sobrang agang nagising ni Isla dahil excited siya kaya kahit masama pa rin ang pakiramdam ko ay bumangon na ako kaagad inasikaso siya.

Nagluto lang ako eggs and bacon para pang breakfast niya at saka nagprepare ng sandwich para may pang snacks siya mamaya. Habang pinapakain ko si Isla ay bumaba na rin si Hans mula sa kwarto. Nakapaligo na rin ito at bihis na rin ng plain white shirt, jeans, and sneakers.

"Good morning, Papa!" bati ni Isla kaya ngumiti si Hans at hinalikan ang bata sa pisngi.

"Good morning, my love" sabi pa niya sa bata bago pumunta sa upuan niya. Inabutan ko naman siya ng kape na kaagad niyang tinanggap at ininom.

Pagkatapos naming kumain ay inayusan ko lang ng buhok si Isla bago kami bumyahe papuntang school nila. Sa byahe pa lang ay ramdam na ramdam ko naman ang hilo kaya hindi ako mapakali. Mukhang hindi iyon napapansin ni Hans dahil nakafocus lang siya sa pagmamaneho.

Pagkarating namin sa school ni Isla ay ang dami na kaagad tao kaya lalong sumama ang pakiramdam ko. Inakay ko si Isla dahil pakiramdam ko, pag nalingat lang ako sandali ay mawawala na siya.

Napakurap-kurap ako nang naramdaman kong may umakbay sa akin. Nang tingalain ko kung sino yun ay nakita ko si Hans na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Are you okay? Namumutla ka"

Kiming ngumiti ako. "M-medyo nahihilo lang"

Napakunot ang noo niya at saka inagaw sa akin ang mga dala ko. "Doon muna tayo sa classroom nina Isla habang hindi pa nagsisimula ang program. Mainit nga dito"

Tumango na lang ako at nagpatianod sa kaniya. Maraming napapatingin sa amin at may naririnig din akong nga bulong-bulungan pero parang walang pakialam si Hans. Yumuko na lang ako para hindi nila masyadong makita ang mukha ko.

Nang magstart ang program ay nakaalalay lang sa'kin si Hans. Hindi ito umaalis sa tabi ko habang ang mga tingin naman niya ay hindi inaalis kay Isla.

Noong pinapunta kami sa field kung saan gaganapin ang mga palaro ay pinayungan pa ako ni Hans kaya kahit papaano ay makakasurvive ako kahit ang sakit na talaga ng ulo ko.

Sabay kaming napatayo ni Hans nang madapa si Isla habang tumatakbo. Kasalukuyan kasi silang naglalaro ng relay.

"Go, Love! You can do it!" napatingin ako kay Hans nang sumigaw siya sabay malakas na palakpak. Tumayo si Isla at nagsimula muling tumakbo kaya maging ako ay napapalakpak na din. Ang sayang panoorin ng anak namin dahil kitang-kita na nag-eenjoy siya.

Sa sunod na laro ay kailangan kasama ang mga Daddies kaya tumayo kaagad si Hans at nilapitan ang anak namin. Tawa ako nang tawa habang nakatingin sa mag-ama. Punong-puno na ng harina ang mukha nila pero hindi pa rin nila mahanap ang pisong nasa plangganita.

Sa susunod na laro ay mga Mommies naman ang kasama ng mga bata kaya lumapit na rin ako kaagad kay Isla. Madali lang naman ang gagawin. Kailangan lang naming hulaan kung anong dinodrawing ng mga anak namin habang nakatalikod kami sa kanila. Di man kami nanalo ni Isla ay masayang-masaya pa rin ang bata.

Sa sumunod na laro ay kailangan kasama na ang Mommy at Daddy ng bawat bata. Sack relay ang gagawin kaya siguradong mapapasubo ako nito.

"Sigurado kang kaya mo 'to?" nag-aalalang tanong ni Hans habang nasa loob na kami ng malaking sakonat naghihintay ng signal kung kailan pwede magstart.

Hindi na ako nakasagot dahil biglang humudyat ang committee ng laro kaya nagsimula na kaming tumalon. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang biglang manlabo ang paningin ko. Parang umiikot ang paligid at ang sakit-sakit na ng ulo ko.

Napahinto ako sa pagtalon dahil hindi ko na talaga kaya. Akala ko ay masusubsob ako sa lupa ngunit maagap na naipulupot ni Hans ang mga braso niya sa bewang ko. Hindi ko na nalaman kung anong nangyari basta ang huli kong natatandaan ay binuhat na ako ni Hans.

Nagising akong puting kisame ang bumungad sa akin. Nang ilibot ko ang tingin ko ay nakita ko si Isla na nakahiga sa couch habang natutulog. Saktong bumukas ang pinto at pumasok doon si Hans na wala na namang emosyon ang mukha.

"Dehydrated ka daw sabi ng doktor" seryosong sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko.

Pinilit ko ang sariling bumangon kahit na nahihilo pa rin ako. "Okay nga lang ako. Hindi na naman kailangang dalhin ng ospital --"

"Sabi din ng doktor, kailangan mo daw alagaan ang sarili mo para sa b-baby na nasa tiyan mo" dugtong pa niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"B-baby? Bakit ako magkakababy?" gulat na tanong ko sa kaniya sabay hawak sa tiyan ko.

Kumuyom ang mga kamay niya at pagak siyang natawa. "Kailangan ko bang iexplain kung paano nakakabuo ng sanggol?"

"Oh my God!" nasapo ko ang noo ko. Buntis ako? Paano? Bakit hindi ko alam at bakit hindi ko nararamdaman?

Bakit ako mabubu -- Oh my God! Ibig sabihin hindi panaginip yung nangyari nung holy week?! Takte?! Nasalisihan ako ng walanghiya?!

Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Hans. Nanginginig ang nakakuyom niyang mga kamay. Walang ibang lalaki sa buhay ko kundi siya lang kaya sigurado akong siya ang ama ng batang 'to!

"Alam ba ng lalaking yun ang tungkol diyan?" galit na tanong niya kaya napatanga ako sa kanya.

"Ha?" sinong lalaking tinutukoy ng gagong 'to?

Sarkastikong natawa siya. "Yung boyfriend mo, alam ba niyang buntis ka?"

Lalong kumunot ang noo ko. Lalong sumasakit ang ulo ko habang kausap siya "May boyfriend ako?"

"Nakakatawa yun? Hindi ako nakikipagbiruan sayo"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago ka ba?! Ikaw ang magulong kausap! Leche ka!"

"E sino ngang ama ng batang yan? Ano ka naghimala?!" frustrated na tanong niya kaya inirapan ko siya.

"Baka nga" sabi ko na lang at napakamot sa ulo ko. Bakit ba hindi ko alam na buntis ako?

Bumangon ako sa kama.

"Saan ka na naman pupunta?" inis pa ring tanong niya pero hinawakan ko lang ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto.

Hindi ko sinasagot ang pangungulit niyang tanong hanggang sa makarating kami sa clinic ng isang OB-Gyne. Pumasok ako doon at saglit na nakipag-usap sa sekretarya ng doon.

Pinaghintay lang kami nito ng sandali bago pinapasok sa opisina ng doktor. Chineck lang ako saglit ni Doc at saka niya inultrasound.

Hindi ko maiwasang maluha nang makita ko ang baby ko. Totoo ngang buntis ako.

"You're 16 weeks pregnant, Mrs. Alagaan mo ang sarili mo ha. Para healthy din si baby" nakangiting sabi ng doktor. Nang lingunin ko si Hans ay nakatitig lang siya sa monitor. May kakaibang kislap ang mga mata niya. "Gusto nyo bang marinig ang heartbeat ni baby?"

"Pwede po?!" napatingin ako kay Hans nang maunahan pa niya akong magsalita. Tumango naman ang doktor at may kinalikot sandali at makalipas ng ilang minuto ay pumalibot na sa buong lugar ang heartbeat ng baby ko. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko pero nangingibabaw ang kasiyahan.

Kinuha ni Hans ang cellphone niya sa bulsa at pinicturan ang monitor kung saan naroon si baby. May nangingilid ding luha sa mga mata niya at ramdam na ramdam ko ang tension niya. Nanginginig ang kamay niya at parang hindi alam ang gagawin.

Matapos akong icheck ni Doc ay hinarap ako ni Hans. Tipid siyang ngumiti sa'kin. "Congratulations. M-masaya ako para sa inyo"

Napakunot ang noo ko. Akala ba niya, anak ko sa ibang lalaki 'tong baby ko? Siraulo ba siya?!

"Gago ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya kaya napatanga siya. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay "Tinatanong kita kung gago ka"

"Binati ka na nga, naging gago pa ako?"

"16 weeks daw yung tiyan ko sabi ng doktor. Natatandaan mo ba yung panggagapang mo sa'kin nung Holy Week? Marunong kang magcompute di'ba? Do the Math. And for your fucking information, walang ibang naging lalaki sa buhay ko kundi ikaw lang! Yes, I kissed a lot of men before pero ikaw lang nag-iisang pinayagan kong umangkin sa'kin, Tarantado!"

"Ha?" parang tangang tanong niya kaya napakamot ako sa ulo ko.

"Sa madaling salita, bayaran mo yung check-up and ultrasound ko dahil anak mo 'tong batang nasa tiyan ko! Naiintindihan mo?!" singhal ko dahilan para manlaki ang mga mata niya at mamutla siya.

Naiiling na napahawak ako sa tiyan ko.

Baby, mukhang lutang pa ang Papa mo. Next time na lang kayo magbonding.

...

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

5.5M 166K 32
They had it all. The cars, money, girls, the houses. But the one thing money can't buy them, they can't get. Happiness. Here's the prestigious Gold...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
40.3K 2K 43
Someone who will not turn his back to you. Date started: July 16, 2021