Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE

31.4K 989 1.2K
By Khira1112

#SAT9S


DEDICATED TO : ANA SALVIO


CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE


Matagal na sandali ang lumipas bago ako nakabawi. Inalis ko ang pagkakatitig ko sa kanya at napakagat sa aking labi. Hindi ko na nagawang magsalita pagtapos no'n. Parang may kung anong bagay na dumagan sa akin, pinipipi ang aking katawan sa sakit, dinudurog ng pino ang puso ko at nagpapahirap sa aking paghinga.


Nagbreak sila. Gusto ko sanang malaman kung kailan at bakit pa umabot sa gano'n pero wala akong maisip na tamang salita para ro'n. Dumadagdag pa ang katanungang saan ba siya nanggaling at ba't kailangan niya huminto sa pag-aaral? Sayang ang isang taon.


Pumikit ako sandali. Sumandal sa sofa. Hindi ko akalain na maibabalik niya ng gano'n kadali ang bigat ng damdaming pilit kong ibinaon sa limot nung umalis siya.


Tahimik siyang uminom at hindi na dinugtungan pa ang sinabi niya. Tumikhim ako at tumingin sa sahig. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko kayang makita ang sari-saring emosyon na nakabalatay sa kanyang mukha. Masyadong malakas ang dating ng sakit at parang kaya niyang ipasa 'yon sa iba sa pamamagitan lang ng isang tingin.


Pamilyar ang nararamdaman kong panghihina. Huli ko 'tong naramdaman isang taon na ang nakalipas. Ngayon ay bumalik dahil muli ko siyang nakita. Ano ba talagang meron sa kanya?

"I'm sorry to hear that." Bulong ko. Napakagat muli ako sa aking labi. Hindi pa rin lubusang bumabaon ang ideya sa aking isip. Marahil ay naghahanap ako ng rason. Isang malalim na rason. Maaari ring isang kompirmasyon. Kompirmasyon na baka ako ang rason na 'yon.


Natatakot ako magtanong. Wala akong lakas ng loob. Ano bang karapatan ko para malaman pa 'yon?


Wala.


Hindi na siya sumagot kaya tumayo na ako para umalis. Naramdaman ko kasing tila nakatulala na lang siya sa sahig. Nawalan ng pakialam sa presensya ko at sa ingay na nagmumula sa labas. He spaced out.


Nakaramdam ako ng bahagyang awa. Hindi man niya isinatinig ay kaya ko na hulaan ang epekto sa kanya ng hiwalayang 'yon. His devastation is pretty obvious. Minsan ko lang siya mabasa at iyon ay sa tuwing magpapakita siya ng emosyon. Ang mga emosyong nakita ko sa kanya ay sapat na para makumpirmang naghihirap siya sa sakit.


Nang makalabas ako ng sala ay hinanap ko si Nathaniel para magpaalam ngunit hindi ko siya nahagilap. Umuwi na lang agad ako at nagtext na lang. Pagkauwi ko ay 'yon pa rin ang aking iniisip. Ang hirap tanggalin sa utak. Hindi ako nakatulog agad. Napuyat ako nang dahil do'n.


Paggising ko kinabukasan ay may reply na si Nathaniel.


Nathaniel : Umuwi ka mag-isa? Nakauwi ka ba ng maayos, Manager?


Kinusot ko ang aking mata bago nagreply. Humihikab pa ako habang nagko-compose ng text.


Ako : Yeah. Hindi kita mahagilap kagabi.


Basta ko na lang tinapon ang cellphone ko nang mag-warn 'yon. Malapit na ma-lowbat. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Ilang sandali pa bago bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Ang party, si Ren, ang break-up. . .


Napabangon ulit ako sa kama at hinagilap ang cellphone ko sa sahig. May itatanong nga pala akong importante kay Nathaniel.


Ako : Hoy, paano napunta si Ren sa party mo? May contact ka sa kanya?


Nagcharge muna ako dahil ang tagal magreply ni Nathaniel. Naligo na rin dahil naalala kong mag-aasikaso nga pala ako ng requirements para makapaghanap agad ng trabaho. Nang matapos ako ay may reply na siya sa akin.


Nathaniel : Wala akong contact sa kanya. Nagulat nga rin ako, eh. Nakasalubong ata nina Marco sa kung saan. Ang alam ko, umuwi siya sa Pinas nitong nakaraang araw lang. Iyon kwento niya sa amin. Bakit mo nga pala natanong.


Ako : Wala. Nagulat lang din na nando'n siya. Thanks.


Napabuntong hininga ako pagtapos no'n. So, nangibang bansa pala si Ren? Pero ba't hindi na lang siya nag-aral ro'n? Ba't kailangan pa niya huminto?


Napaungol ako at iritadong napakamot sa aking ulo habang umuusal. "Ba't pa kasi bumalik? Letse."


Sino ba naman ako para diktahan ang pag-alis at pagbalik niya? Wala. Pero nakaiinis lang isipin na kaya niyang guluhin ang sistema ko kahit wala naman siyang intensyon o ginagawang hakbang. Pinaghirapan kong maging maayos sa loob ng isang taon. Sa pagbalik niya tila nasira ang lahat ng effort ko. Nabalewala lahat 'yon. Pakiramdam ko ay nagulo ako at may mas gugulo pa rito.


Pumasok ang summer. Naging abala ako sa paghahanap ng trabaho. First option ko ang university na pinanggalingan ko dahil may credit ako. Recommended mismo ng dati kong prof sa isang major subject ko. Naghahanap ako ng second option na pwedeng pasukan. Pansamantala ay tinanggap kong maging isa sa dalawang trainer ng junior basketball team. Busy agad dahil summer nagsisimula ang try-outs.


"Bakit ito ang hinawakan mo? Pwede namang volleyball na lang. Mukha namang all-around ka." Nagtatakang tanong ni Yoseff. Siya ang co-trainer ko at mas matanda sa akin ng apat na taon. 2 years na siyang trainer ng junior team.


"Mas kabisado ko ang basketball." Simple kong sagot. Tumango-tango siya.


"I see. Dati kang assistant ng Mavens?"


Tumango ako. "First major background. Maganda nga na dito muna ako sa junior. Less hassle kaysa sa Mavens."


Ngumisi si Yoseff at lumitaw ang dimple sa gilid ng kanyang labi. "You're wrong. Mas hassle ang junior team. Kailangang masmahaba ang pasensya dahil hindi sila kasing disiplina ng mga college students."


Napataas ang aking kilay. Napasang-ayon lang ako kay Yoseff nang tumagal-tagal ako sa pagiging trainer. Umabot na ng tatlong linggo. Isang buwan na lang at pasukan na.


Kasalukuyang nagdidrill ang junior team nang mapadaan ang Mavens sa HS Building. Nagjojog ang mga ito. Nakahalukipkip ako at tinapunan lang sila ng tingin pagtapos ay muling ibinaling ang atensyon sa mga bata.


Maya-maya'y may brasong humaklit sa leeg ko at napasinghap ako sa gulat. Nang balingan ko kung sino 'yon ay pinandilatan ko ng mata si Marco. Siniko ko siya para pakawalan ako.


"Harsh as always." Natatawa niyang sagot habang hinihimas ang kanyang sikmura. Inirapan ko siya.


"Manager!" Tawag naman sa akin ni Jeoff. Nakita kong papalapit si Trav sa amin ni Marco.


Kulang na lang ay magsitayuan ang buhok ko sa inis. Mga istorbo talaga! Walang pinagbago.


"Hindi mo sinabing dito ka pala naging trainer." Nakangising wika ni Trav nang makalapit ito.


"Ba't ko naman ipapaalam sayo, aber?"


"Ano ba naman 'yan? Parang wala tayong pinagsamahan." Madamdaming ngunit pabirong sambit pa ni Trav. Inambaan ko siya ng suntok.


"Huwag niyo akong dramahan. Alam ba ni Coach na palaboy-laboy lang kayo imbes na nagjojog? Alis na. Istorbo kayo sa trabaho ko."


"Ouch." Sabay na tumawa ang dalawa. Napakasarap pag-untugin. "Dumalaw ka naman sa amin minsan. Nasa malapit ka lang naman."


"Marco! Trav!" Napalingon kaming tatlo sa sumigaw. Si Kenedic 'yon at mukhang badtrip. Muntik na tumaas ang kilay ko ngunit nagdikit ang mga ito nang makita kung sino ang katabi niya na nagsisintas ng saptos. Unti-unting umawang ang aking bibig.


Anong. . .ginagawa ni Ren dito?


"Oops. Tinatawag na kami ni team captain."


Napanganga ako lalo. "Si Kenedic ang captain niyo ngayon?"


Natawa na naman ang dalawa. "Yes. Katakot nga 'yan, eh. Istrikto." Hindi ko alam kung biro lang ba 'yon ni Trav o totoo.


"Eh, s-si Ren?" Lihim akong napalunok. "Anong ginagawa niya rito?"


Ngumuso si Marco. Si Trav ay nauna na umalis dahil nakadalawang tawag na ang kupal na Kenedic.


"Kasama ulit siya sa varsity. Dito siya ulit mag-aaral. Alam mo na bang nag-stop siya?"


"Marco!" Tawag muli ni Kenedic.


"Oo na! Eto na!" Naiiritang sagot ni Marco. "Una na ako, George. Tangina kasi nitong si Kenedic. Parang aasawahin ako." Tumakbo na si Marco patungo sa mga teammates niyang naghihintay.


Napatingin ulit ako kay Ren at nagulat akong blanko ang tingin niya sa akin. Pagtapos ay inirapan ako.


Ay?


Halos sumayad na ang panga ko sa lupa. "Anong problema ng hayop na 'yon sa akin?" Usal ko.


Simula nung araw na 'yon ay hiniling ko na sana ay hindi na magtagpo ang landas namin ni Ren Delgado. Inis na naman ako sa kanya! Tuwing naaalala ko yung pag-irap niya sa akin, parang gusto ko siyang sugurin.


Pero hindi ata talaga ako malakas kay God dahil hindi maiwasang magkita kami. Naiimbitahan ako sa party ng mga players. Pag naiisip kong nando'n siya, gumagawa ako ng alibi para hindi makasama. Ang una ay birthday ni Jeoff. Iindianin ko sana sila pero sinugod nila ako sa apartment ko. Matagal na akong umalis sa dorm at naghanap nalang ng murang apartment.


"Hindi pwedeng hindi ka kasama, Manager." Tinakpan nila ng masking tape ang bibig ko at binuhat akong parang sako. Hawak ni Orly ang mga kamay ko. Sa paa ko naman ay sina Marco at Lenard. Parang abduction na 'yon!


Narating namin ang bahay ni Jeoff na para na akong bruha kapapalag sa kanila. Tawa ng tawa ang mga kasama ko sa sasakyan. Tinanggal ko ang masking tape sa bibig ko at nangiyak ako sa sakit. Pinagmumura ko silang lahat hanggang sa makapasok kami ng bahay.


Natigil ako nang makitang prenteng-prente si Ren sa pagkakaupo sa sofa nila Jeoff at naglalaro ng xbox kasama si Ervis.


Shit naman! Kaya ayoko pumunta, eh!


Napatingin silang lahat sa akin. Badtrip ako kahit sorry na ng sorry sila Orly. Nagsisikain na sila pero nanatili akong nakaupo. Nagtitiis ng gutom dahil sa pagkabanas.


"Sorry na nga, Manager. Hindi na mauulit." Sabi ni Marco habang ngumunguya ng puto pao. Walang kasincere-sincere!


"Heh!"


Nagkatinginan kami ni Ren nang umupo siya ulit sa sofa. May hawak na platong puno ng pagkain at isang bote ng san mig. Tinaasan niya ako ng kilay. Nagulat ako pero tinaasan ko rin siya n kilay. Ano bang problema nito?


"Ba't ka nandito?" Malamig niyang tanong,


Halos umusok ang ilong ko sa tanong niya. "Ba't ka rin nandito?"


"Teammate ako. Teammate ka ba?"


"Pake ko kung teammate ka?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Nawalan na ata ako ng amor para sa lalaking 'to. Puro inis ang natira. "Kung ayaw mo akong nandito ako, ayaw ko ring nandito ka."


Mapang-asar siyang sumubo ng biko at nginuya 'yon sa harap ko. "Sino ba nagsabing ayaw kitang nandito?"


Natahimik ako. Sandaling nabingi. Para ngang nakarinig pa ako ng kuliglig.


"On second thought, ayaw ko nga talagang nandito ka. Ba't ang galing mo manghula?"


Sumabog ang inis ko. Dumampot ako ng unan at ibinato sa kanya. 


"Huy, nag-aaway ba kayong dalawa?" Nagtatakang singit ni Jeoff. Inabot niya sa akin ang platong may pagkain. Walang sumagot sa aming dalawa ni Ren. Patay malisya siyang kumain at tinatapunan ko naman siya ng nakamamatay na tingin.


'Yon lang ang umpisa dahil may mga sumunod pang pagkikita na kumukulo talaga ang dugo ko pag nasa paligid lang siya.


Nang mang-treat si Trav sa concert ng paborito kong banda ay kasama rin sila. Magka-seat kami ni Ren.


"Ba't ito ang katabi ko?" Naiirita kong bulong kay Trav. "Sinadya mo ba 'to?"


Ngumisi si Trav at bahagyan natawa. "What made you say that?"


"Palit na nga lang tayo ng upuan!" Mariin kong bulong,


"Ayaw rin kita katabi." Singit ni Ren. Napatingin kaming dalawa ni Trav sa kanya. "Nag-effort ka pa talagang bumulong, eh narinig ko naman."


"Bwisit-" Tinakpan ni Trav ang bibig ko.


"Huwag kayo mag-away. Heto na. Makikipagpalit na."


Hanggang sa natanggap ko na lang na hindi talaga maiwasang magkita kami 'coz we have the same circle of. . .err, friends. Napapadalas ang sagutan namin ni Ren at ang mga players na lang ang umaawat sa amin.


"Hindi ka naman marunong."


Muntik ko na siya mabato ng joystick. "Sorry, ah. I'm poor kase. Hindi ko afford ang x-box!" Patuya kong sagot.


"Tama na. Tama na." Pumagitna sa amin si Nathaniel. "Ano ba naman kayong dalawa? Hindi ba kayo pwedeng maiwan nang hindi nagsasakmalan? Kailan pa kayo naging magkaaway?"


Walang sumagot sa aming dalawa. Kailan nga ba? Ba't nga ba nauwi sa ganito ang sitwasyon? Naisip kong bitter lang siya sa akin dahil. . .eh, ba't nga naman siya magiging bitter? Stupid, George.


Nagsimula ang first sem at napadalas ang pag-jog ng Mavens sa HS Building kung sa'n nagti-train ang junior team. Makita ko lang si Ren ay inis na agad ang nararamdaman ko. Dinidedma ko na lang.


May pagkakataon na nakakawala ako sa mga imbitasyon nila. May pagkakataon rin na kahit anong iwas ko ay nahahanap nila ako at pipiliting sumama. Kung may napansin man ako sa team ay matatag ang samahan nila. They are not just teammates but brothers.


Eww, so gay.


One time, ginabi ako sa pag-uwi at gutom na gutom na. Pinasya kong bumili na lang sa convenient store ng makakain. Pumasok ako sa mini stop at pumili ng mabibili nang biglang umulan sa labas. Buti na lang at hindi ako nabasa. Umupo ako sa may bakanteng mesa at tahimik na kumain. Ilang segundo ang lumipas ay may malaking bag na lumitaw sa harap ko.


"Miss, pa-" Nabitin sa pagsasalita ang lalaki at nabitin rin ako sa pagkagat sa siopao.


Ang lalaking 'yon ay si Ren. Bahagyang basa ang suot na uniform. Naabutan siguro siya ng ulan. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Sabi ko na nga ba't hindi talaga ako malakas kay God.


Napatingin ako sa ibang mesa na hindi ko namalayang okupado na. May mga pumapasok pa ring mga tao para makisilong. Naramdaman ko ang pag-upo ni Ren. Magkakastiff neck pa ata ako sa araw na 'to. Pinupunasan niya ang kanyang brasong nabasa rin. Naawa naman ako sa panyo niyang basahan na ata. Inusog ko sa kanya ang tissue na hindi ko pa nagagalaw sabay irap.


"Salamat." Usal niya.


"May bayad 'yan."


"Hindi ka pa rin nagbabago." Bahagya siyang natawa. "And I thought you despised me."


Tinapunan ko siya ng tingin. "Di ba dapat ako ang magsabi niyan?"


"Matagal na rin nung huli tayong nag-usap ng matino. Akalain mong dito pa at sa ganito pang panahon." Huminga siya ng malalim at saka tumayo. Iniwan niya ang bag niya kaya baka may bibilhin lang. Bumalik siyang may dalang dalawang hot choco nasa paper cup. Binigay niya sa akin ang isa. "Bayad sa tissue."


Napanguso ako. "What's wrong with you?"


Tumaas ang kilay niya. "Ba't ka nagtatanong ng ganyan?"


"Simula ng bumalik ka, walang matinong usapan sa ating dalawa maliban nung una. Wala ka sa mood magsungit ngayon?"


"Ikaw rin naman masungit."


"Ano bang nangyari sayo?" Wala sa loob na tanong ko. "Galit ka ba sa akin?"


Humarap siya sa akin. Blanko na naman ang mukha. Napailing na lang ako. Ayaw magpabasa ng emosyon?


"Tapatin mo nga ako. Ako pa ba ang dahilan ng break-up niyo ni Rhea?"


Natahimik siya ng ilang sandali. "Kung anuman ang dahilan, tingin ko hindi mo na dapat malaman."


"Ayaw mo ipaalam?"


"Nakaraan na 'yon."


Kumunot ang noo ko. "Hindi ka man lang na-bitter?"


"Ba't ako mabibitter?" Bahagya siyang ngumiti.


"Wow. Akala ko ba mahal mo?" Patuya kong sabi.


"Mahal nga. Mapipilit ko pa ba kung ayaw na niya?" Makahulugan niyang sabi.


Unti-unting nalusaw ang nais kong biruin siya tungkol do'n. Pinagpagan niya ang bag niyang bahagyang nabasa. Nanatili siyang nakangiti.


"Naka-move on ka ng. . .mabilis?"


"Mabilis ba ang one year para sayo?" Tugon niya.


Napasinghap ako. "L-last year pa kayo nagbreak?"


"Hindi ko alam." Kibit balikat niyang sagot.


"W-walang closure?"


"Huwag mo na alamin." Uminom siya ng kape. "That's all in the past. All I have to do is move forward."


Do'n natapos ang pag-uusap namin. Ang naipon kong inis sa kanya ay parang natapon bigla. Napalitan ng awa. Napalunok akong muli. Kung last year pa sila nagbreak ay. . .baka dahil nga sa akin?


Bwisit na, Ren. Ayaw akong diretsuhin.


Ilang linggo ang lumipas bago kami nagkaro'n ng pagkakataong magkita ulit siya. Iyon yung gabing nag-bar ata ang mga players at mga lasing na kaya napagtripang tawagan ako.


"Manager." Hindi ko pa masyadong maintindihan ang sinasabi dahil maingay ang background. Si Lenard ang tumawag. "Sunod ka rito."


"Huwag na. Patulog na ako."


"Tulog na 'tong mga 'to. Hindi na 'to makakadrive ng maayos. Konsensya mo pag nagdrive kami tapos nabangga tapos namatay-"


"Letse. Nasaan ba kayo?"


Hindi ko rin natiis at pinuntahan ko sila sa Chaos. Muntik pa akong harangin ng bouncer. Buti na lang at nakita ko si Ervis na papasok rin.


"Ano? Tinawagan ka rin?"


Tumango ako. "Ikaw na lang pumasok. Ayoko pumasok sa loob."


Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na ang mga ito. Mukhang nasa huwisyo pa naman. Nagtatawanan pa nga. Pinagmumura sila ni Ervis.


"Ang laki niyong istorbo. Alam niyo 'yon?" Inis nitong wika.


Maayos silang lahat maliban kay Ren na inaalalayan nila Marco palabas. Kumunot ang aking noo. "Anong nangyari dyan?"


"Nalasing." Simpleng sagot ni Orly.


"Hayaan niyo na. May pinagdadaanan 'yan." Sabat ni Kenedic.


"Broken-hearted pala 'to si pare." Tinatawa-tawanan pa nila si Ren samantalang ako hindi man lang makangiti.


Si Ervis ang nag-drive pauwi. Ako ang pinakahuling hinatid. Nagawa pa naming makapag-usap at ang topic namin ay ang mga players hanggang sa napunta kay Ren.


"May gusto ka pa rin ba kay Ren?" Biglaan niyang pag-iba ng topic.


"Ba't ka nagtatanong ng ganyan?"


"Wala na pala sila ng girlfriend niya."


"And so?"


Matagal siyang hindi umimik at walang kakwenta-kwenta ang sagot na nakuha ko sa kanya. "Wala. Naisip lang kita."


"Anong kinalaman ko ro'n?"


"Wala lang." Humingi siya ng malalim. "Bilib rin naman ako sa kanya. Kaya niya itagong may pinagdaraanan siya. Parang ikaw. . ." Nilingon niya ako. "Kaya mong itago yung nararamadaman mo para sa kanya."


At sa puntong 'yon ay napatanong ako sa sarili ko. Meron pa ba? Meron pa bang natitira? Kahit konti?


Hindi ko masagot. 


Kung meron man akong na-realize nung gabing 'yon ay ang pamamaraan ni Ren para makalimot. Ang tibay niya. Hindi siya yung tipikal na lalaking naghahanap ng panakip butas. Kaya niyang tiisin mag-isa ang sakit ng walang ginagamit.


Sayang. . .Sayang sila ni Rhea. Pero parang nakaramdam ako ng bahagyang galit. Kung dahil nga sa akin ang hiwalayang 'yon, bakit niya nagawang bitawan si Ren ng gano'n lang? Wala kaming ginawa. Hindi ba siya naniwala kay Ren? Hindi ko man nasaksihan ang relasyong 'yon, nakita ko naman kung gaano kamahal ni Ren si Rhea. Kaya hindi ko maintindihan kung ba't gano'n. Sino yung mas nagmahal? Sino yung nagkulang?


Bago matapos ang first semester ay nagpakasal si Ervis. Imbitado kaming lahat. Si Ren, late na dumating. Humabol na lang sa reception.


Ginanap ang reception sa isang hotel. Nagkakatuwaan na ang mga imbitado. May sayawan at pumapailanlang ang magandang boses ng singer. Dim ang lights at naggagandahang ilaw sa stage ang nagsilbing palamuti. Pamilyar ang kanta. Pinapakinggan kong mabuti iyon habang nakatitig sa mga sumasayaw.


'Nobody knows just why we're here. Could it be fate or random circumstance. . .'


May umupo sa gilid ko. Si Ren 'yon na may dalang champagne. Ang mga kasama namin sa table ay nagsasayaw na at enjoy na enjoy sa mga partner nila. Inalok niya ako ng champagne at tinanggap ko 'yon.


"Late ka kanina, ah?"


"May inasikaso lang." Napatango-tango ako. Sinimsiman ang wineglass.


'Close your eyes, dry your tears 'coz when nothing seems clear, you'll be safe here. . .'


"Ang akala nila Ervis hindi ka na pupunta."


"I hate weddings. I'm happy for him, though."


Natawa ako. "Bitter, eh? Sabagay, kasal ka na rin dapat ngayon." Hula ko na may halong pang-aasar.


Napangisi siya. "Pinaalala pa."


Nanlaki ang mata ko. "Oh, my God! Tama ako?"


Natawa siya ngunit hindi ko matiyak kung masaya nga ba siya.


'Remember how we laughed until we cried at the most stupid things like we were so high.But love was all that we were on. We belong. . .'


"I'm sorry." Bulong ko. Heto na naman ang pamilyar na guilt na kumakagat sa puso ko.


"Don't be." Sagot niya habang nakatingin sa champagne.


"I know, kasalanan ko."


Umiling siya. "That's her choice. Not yours. Never mine."


'And though the world would never understand this unlikely union and why it still stands. Someday we will be set free. Pray and believe. . .'


"Hindi ko lang mapigilang ma-guilty. Alam ko naman kasi na hirap kang kalimutan siya."


Matagal siyang natahimik bago sumagot.


"I'm done giving my best to her, now I'm trying my best to live without her." Ngumiti siya ngunit lungkot lang ang pinapakita no'n. "I won't try to forget her. Alam kong hindi ko kaya. She'll always have a part of me."


Napangiti rin ako habang nakatitig sa kanya. Nanlalabo ang paningin ko. Nag-iinit ito dahil sa luha. Nasasaktan ako para sa kanya. Sayang talaga. He's a good catch. Ba't siya sinayang? He don't. . .deserve this.


"But I've realize that the best ones will not stay on top. Sometimes, the best ones are beaten by the good ones. Hindi na ako maghahanap ng babaeng kayang pantayan siya. Do'n na lang ako sa babaeng kaya akong pahalagahan."


'Save your eyes from your tears when everything's unclear. You'll besafe here. . .From the sheer weight of your doubts and fears, wounded heart. . .'


"You'll find yours, Ren. . ." Bulong ko. I remember him saying the same words to me a year ago. It's ironic na ako naman ang nagsasabi no'n sa kanya ngayon. Sobrang ironic.


'When the light disappears and when this world's insincere. You'll be safe here. . .When nobody hears you scream. I'll scream with you. . .You'll be safe here. . .'


"George. . ."


Pinunasan ko ang luha ko bago bumaling sa kanya. Napatulala nang makitang nangingislap ang mata niya at pinagmasdan ko ang pagtulo ng luha niya. Pilit pa rin siyang ngumiti. Hindi ako nakaimik. Nanlalaki ang mga mata habang titig na titig sa kanya. Ang makitang siyang mahina at umiiyak sa harap ko ay nakapaparalisa. 



"Pag nakaahon na ako sa kanya. . ." Tila nawala ang mga tao sa paligid at nasasalamin ko na ang sarili ko sa naluluha niyang mga mata. "Can you take a chance on me? Can you be the 'good one?'"



-


Song : You'll be safe here by Rivermaya

Suggested by : Debi Leene Camalao

Continue Reading

You'll Also Like

818 130 35
Z & C Series #3 Zoey and Cholo are about to take their next journey and they're going deep through the ocean where their hearts and destiny lie. Wou...
224K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
868 80 41
In a collision of worlds, Callie's nine-year crush unsettles Kaja's studious life as an aspiring doctor. Despite Kaja's initial resistance due to pas...