Whisper of an Angel (COMPLETE...

Da dyesstheexplorer

1.1K 139 2

Levi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano... Altro

Whisper Of An Angel
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Epilogue

Chapter 4

57 9 0
Da dyesstheexplorer

Habang nag-lalakad, hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa kung saan. May naririnig akong boses na hindi ko maintindihan, hindi ko naman maitanong kay Aurora dahil nakatikom ang bibig niya kanina pa.

"Your sorry is not enough! You'll pay for this!"

Napalingon ako sa likuran ko para alamin kung ang nagsalita ba ay ang babaeng sumusunod sa akin, napakamot na lamang ako sa aking ulo nang makitang may kausap sya sa telepono.

"Naka-usap mo na ba si Pao about what happened last time?'' Aurora asked, awtumatikong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Pao.

"Oo, tama si Pao." sambit ko.

"H-ha?" Si Aurora.

"Sa palagay mo, anong ibig sabihin ng 'your sorry is not enough' at 'you'll pay for this?'" Tanong ko, hindi ko mapigilang isipin kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin no'n.

"Uhm, baka naman kailangan mong magbayad?'' Sagot ni Aurora na tila ba hindi sigurado sa sinabi, tumango na lamang ako.

Nang makapasok sa clothing store, nagkahiwalay kami ni Aurora dahil may bibilhin daw kuno siya na hindi ko puwedeng makita.

"Your sorry is not enough!"

"You'll pay for this!"

Gulat akong napalingon sa likuran ko nang muling marinig ang mga salita, napapalunok pa ako't napapapikit sa pag-aakalang ako'y nababaliw na.

"Nakapili ka na?" Tanong ni Aurora, nilingon ko naman sya't inilingan. "Ano bang gusto mo? Maraming magaganda rito ka-"

"Puwede ka bang humanap ng damit, pants or skirt na magugustuhan ni Pao?" Pakiusap ko, she raised her brows. "Gusto ko lang bumawi, mukhang nasira ko 'yong kulay ng damit niya last time, e. Isa pa, nasabi rin sa 'kin ni Ashiee na kay Pao pala 'yong ipinahiram mo sa 'kin." Paliwanag ko,

"Okay." Tugon niya bago lumakad palayo, sinundan ko na lamang siya ng tingin.

Imbes na maghanap din, naghintay na lang ako sa tapat ng cashier. Ilang saglit lang ay narito na si Aurora, may bitbit siyang black pants at white polo.

"It's a combination of her two favorite colors, I'm sure magugustuhan niya 'yan." Aurora said, napatango naman ako at ngumiti bago kunin sa kanya ang pinamili.

Nang makapagbayad, lumabas na agad kami. Eksakto namang kadarating lang ni Tito Anthon.

"Let's go home?" Tito Anthon asked, wala naman kaming nagawa ni Aurora kung hindi ang sumunod na lang.

Pagpasok sa loob ng kotse, napansin ko agad ang isang color nude Louis Vuitton barrel bag. Imbes na pansinin pa ay naupo na lamang ako.

"Dad, kanino po ang bag na 'yan?" Aurora asked her father, may halong panginginig ang boses niya.

Tito Anthon turned his gaze to the bag that was on the shotgun seat. Nakita ko naman kung paano nagbago ang reaksyon niya, may napansin akong takot.

"M-my friend," he stuttered.

Hindi naman na nagsalita pa si Aurora.

"Saan ka nga pala nakatira ngayon, Levi?" Tito Anthon asked.

"Sa Belareez po," I answered.

Tumango siya bago pinaandar ang kotse.

...

"Magugustuhan kaya ni Pao ang regalo ko?" Tanong ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin, ibinaling ko ang tingin sa paper bag at napabuntong hininga na lamang bago muling ibalik ang tingin sa salamin.

Nakarinig ako ng sunod sunod na katok mula sa pinto, napalingon ako rito at eksakto namang iniluwa nito si Mommy. Seryoso ang mukha nyang nakatitig sa akin, napayuko agad ako dahil ramdam ko na magagalit s'ya.

"Bakit gabi ka ng umuwi?" She asked, I gulp.

Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko, nakataas ang kanang kilay niya at nakapa-maywang na tila ba maestra na nagagalit sa kanyang estudyante. Binigyan ko ng pekeng ngiti si Mommy bago tumayo at lumapit sa kanya para yumakap.

"May kasalanan ka?" She asked again, bakas sa boses niya ang nagpipigil na galit.

"N-nagpunta po kami sa w-walter, k-kasama sina Aurora at ang Dad niya." Mahinang usal ko, alam kong ramdam ni Mommy ang takot ko.

"Who's Aurora?" Lalong tumaas ang boses niya.

"S-she's my friend, and her dad is Tito Anthon." I answered.

"A-anthon?" Bakas sa boses ni Mommy ang pagkagulat.

Dahan dahan akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya. "Yes, the man na laging nagpupunta sa bahay when we where in Japan pa."

"Ah, okay. Go to bed, maaga pa pasok mo bukas." Nagmamadaling sambit ni Mommy, kasunod no'n ay lumabas na s'ya.

Napakunot ang noo ko, napansin ko no'ng masabi ko ang pangalan ni Tito Anthon ay nakaramdam ako ng kakaiba. Nakayakap ako kay Mommy kaya naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso niya, gano'n ang nararamdaman ko kapag kinakabahan ako o natatakot. May dapat kaya akong malaman? May itinatago kaya si Mommy?

Iwinaksi ko ang isiping 'yon. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kama at nahiga na, maaga pa ang pasok ko bukas...

Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan nang marinig ang sunod sunod na malalakas na katok mula sa pinto, kahirapan ko pang iminulat ang aking mga mata dahil sa mga nanigas na mutang nakapalibot dito.

"Levi! Tanghali na!" Rinig kong sigaw ni Ate Joy mula sa labas, napakunot pa ako at napahilamos sa aking mukha bago tuluyang tumayo.

"Palabas na!" Walang gana kong sigaw.

Binuksan ko ang pinto, sumalubong naman agad si Ate Joy na may dalang tray ng pagkain.

"Dinala ko na rito para pagbaba mo sa kotse na agad ang deretso mo.''

Gumilid ako para makapasok siya, dahan dahan nyang inilapag ang tray sa lamesa na ipinatong niya sa kama. Nakangiti s'ya habang isa isang inilalapag sa mesa ang mga pagkain, tulad ng dati bread, tuna, poached egg at kaunting kanin lang ang inihanda niya. Nakasanayan ko na kasi ito mula pagkabata.

"Bilisan mo ha?" She said, napatango naman ako bago kumuha ng bread. "Oh! Anong oras na pala, magmadali ka na!" Pagmamadali ni Ate Joy, natawa naman ako para siyang si Mommy kung kumilos.

Nang matapos kumain, ginawa ko na ang morning routine ko. Ang tatlong M, mag-tooth brush, maligo, at magbihis. Bumaba agad ako pagkatapos, eksakto namang nakagayak na rin ang driver.

"Kuya, pakibilisan." Sambit ko habang ang tingin ay nakapako sa mga gamit kong nagkalat sa bag.

"Hindi kasing bilis ni Flash ang kotse." Walang ganang sambit ni Kuya Rodel, ang driver.

Tinapunan ko na lang s'ya ng masamang tingin. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at nag-cross arm 'tsaka ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako...

Naramdaman ko ang paghinto ng kotse, iminulat ko agad ang mga mata ko. Napabuntong hininga pa ako bago lumabas dito, narito na ako sa tapat ng AU.

"Anong oras kita susunduin?" Tanong ni Kuya Rodel, imbes na sumagot ay tinanguan ko na lang s'ya.

Pagkadating ko sa loob ng classroom, nadatnan ko sina Pao at Aurora na naglalaro ng chess. Seryosong seryoso ang mga mukha nila at tila hindi nila napansin ang pagdating ko. Napalingon naman ako sa upuan ni Niña, wala pa s'ya.

"Hi, Levi!" Bati ni Aurora.

"Good morning!'' Pabalik bati ko sa kanya.

Inilipat ko ang aking tingin kay Pao, nakasalampak siya ngayon sa lamesa. Nakataas ang kanan niyang paa, nakapatong rito ang kanyang kamay habang nakayuko. Agad akong umiwas ng tingin nang ako'y kanyang lingunin.

"Laban kayo ni Pao?" Aurora asked, muli kong ibinaling ang tingin sa gawi nila.

"Hindi na, kayo na lang." Sagot ko 'tsaka siya binigyan ng mapait na ngiti.

Lumakad ako papunta sa upuan ko, eksakto namang dumating na si Niña. May dala siyang badminton.

"Para saan 'yan?" Tanong ko 'tsaka inginuso ang bitbit niya.

"Ah, ito?" iniangat niya ang bag bago tumingin sa akin, tumango naman ako. "Bukas na ang start ng intrams, nakalimutan mo?" Muli niyang tanong, papeke na lang akong natawa bago naupo.

Nang dumating ang aming guro, agad na bumalik sa kanya kanyang upuan ang aking mga kamag-aral. May group activity at naging magka-grupo kami ni Pao. Sa oras na ito, kailangang mamili ng magiging leader ng grupo.

"Group 1, who's the leader?" Tanong ni ma'am Cecil, she turn to me then smile.

I smiled back.

"Ma'am, since Levi is a new student here, I bet her to lead our group." Sambit ni Ashiee sabay turo sa akin, agad naman akong umiling nang magtama ang tingin namin ng guro. "Ma'am, pleeeaase!" Masyadong mahaba ang pagkakasabi niya sa huling salita, ipinagdikit niya pa ang mga palad niya na tila ba nagdarasal at nag-pout.

Napalingon ako sa gawi ni Pao, ngumiti ako ngunit sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"I-iba na lang po,'' sambit ko.

"Kung ayaw, h'wag pilitin." Sambit ni Pao, napalingon ang lahat sa kanya.

Walang gustong umako, sa huli ay ako rin ang naging leader. Dahil sa tagal ng pag-tuturuan, hindi na kinaya ng oras ang aktibidad na gagawin.

"Kulang na tayo sa oras, 'pag tapos ng intrams na lang siguro natin ituloy ang group quiz niyo." Sambit ni ma'am Cecil habang ang tingin ay nakapako sa kanyang relo.

Lumipas ang mag-hapon. Napansin kong lumabas si Pao kaya sinundan ko siya, binitbit ko na rin ang paper bag para maibigay na sa kanya. Hindi ko sinasadya ang nangyari pero ito na siguro ang pagkakataon para makabawi ako, baka mawala rin ang galit niya.

"Pao!" tawag ko rito, agad naman siyang huminto at ako'y nilingon.

"Ano?" Masungit niyang tanong, ngumiti ako bago iniabot sa kanya ang paper bag. "Anong gagawin ko dya'n?" Taas kilay niyang tanong.

"Ang sabi mo kasi 'you'll pay for this' kaya naisip ko baka gu-"

"Wala akong sinabi na bilhan mo ako ng kung ano!" Si Pao sa mataas na boses, napayuko ako kasunod ng dalawang beses na pag-lunok. "H'wag ka ngang epal, sinapawan mo na nga lang ako kanina, e." May halong galit niyang sabi.

"A-akala k-ko k-kasi m-magu-gustuhan m-mo," utal kong sabi.

"Hindi ko 'yan magugustuhan, at never kitang magugustuhan!" She shouted.

"W-wala naman akong sinabi na gustuhin mo ako." mahina kong sabi.

Hindi naalis sa semento ang tingin ko. Nang iangat ko ang aking tingin ay hindi ko na nakita pa si Pao. Tila nawala ako sa aking sarili, ni hindi ko man lang naramdaman ang pag-alis niya.

Muli akong luminga linga hanggang sa mapako ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng hallway kung nasa'n ang paper bag na dala ko, ang damit at pants ay nagkalat sa sahig. Napabuntong hininga pa ako bago pulutin ang mga ito, nang matapos ay bumalik na agad ako sa classroom.

"Levi, kanina pa kita hinihintay." Si Aurora, nagulat naman ako nang bigla na lamang siyang lumitaw sa harap ko. "Gala tayo?" Nakangiti n'yang tanong.

"U-uuwi na ako, m-masakit kasi ang ulo ko." Palusot ko, papeke pa akong napangiti bago bitbitin ang bag ko.

"Hindi ba nagustuhan ni Pao?" Tanong niya, gulat naman akong napalingon sa kanya. Isinenyas niya ang paper bag na ngayon ay nakapatong sa lamesa, nakalimutan kong ipinatong ko pala ito rito.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa paper bag at kay Aurora. "Ah, hindi!" Sambit ko, sumenyas ako at mapait na ngumiti. "Hindi ko kasi s'ya nakita, baka umuwi na." Dagdag ko at papekeng natawa.

"Sinungaling!" Napalingon agad ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Pao, napalunok pa ako nang magtama ang tingin naming dalawa. "Hindi ko nagustuhan dahil baka kung saang palengke o ukay ukay niya lang nakuha ang damit na 'yan, ayaw ko sa madumi!" ani Pao habang nanlalaki ang mga mata, napatango na lang ako't malalim na napabuntong hininga.

Tinanguan ko pa si Aurora bago tuluyang lumakad palayo, eksaktong paglabas ko ng gate ay narito na ang sundo ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang...

"Hoy, babae!" Napalingon ako sa likuran ko at nagulat nang makita si Pao, nagbabounce ang buhok niya habang tumatakbo. "Nasa'n na?" She asked.

"Ang alin?" Tanong ko habang nakatitig sa mukha niya.

"Alam mo ang tinutukoy ko." Pasinghal n'yang sabi 'tsaka walang ano anong hinablot ang paper bag mula sa kamay ko. "Si Aurora pala ang pumili nito, sayang naman ang pagod niya sa paghahanap kung hindi ko tatanggapin." Mahinang usal ni Pao, may kinuha s'ya sa bulsa niya. Saglit n'ya ring ibinaba ang hawak na chess board, nagulat na lang ako nang hablutin niya ang palad ko, may kung ano siyang inilapag dito. "Ito ang kabayaran, pakisabi kay Aurora. Salamat."

Nang masabi ang mga salita ay agad din siyang umalis, napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa loob ng kotse.

...

"Bakit si Aurora ang pinasalamatan niya? Bakit hindi ako?" Tanong ko sa aking sarili habang ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa aking buhok."Isa pa, ano ang binigay niya? Bakit nya 'to ibinigay sa akin? Anong gagawin ko rya'n?" Muli kong tanong habang ang tingin ay na sa blue bill pa rin.

Bumuntong hininga ako ng malalim at iwinagayway ang aking katawan na para bang sumasayaw bago ito ibagsak sa kama, muli akong napabuntong hininga bago ipinikit ang aking mga mata.

"Bakit nga pala niya nasabi 'yon?" Umayos ako ng higa at 'di nagtagal ay napaupo rin. "Hindi niya raw ako magugustuhan? Umamin ba ako sa kanya? Ano bang nagawa ko bukod sa pagbigay sa kanya no'ng paper bag?" Walang emosyon kong tanong, napasampal pa ako sa aking sarili bago muling ibinagsak ang katawan.

Hindi ko mapakalma ang aking sarili, tila ba may tuwa sa aking puso.


Continua a leggere

Ti piacerà anche

155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
13.6K 425 53
I am your light through the darkness and you are my sunshine through the rain.
931K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.7K 122 9
Why Can't I Have You? (Formerly entitled as They Won't Stay) Enzo and Heart's BLURB: There are words that we can't say. There are moments that we...