Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 2

83 30 12
By Unnie_Corn0

Ngayon na ang aming pasukan, online class kami ngayong week. Ginagawa pa kasi ang  Senior High School building, kaya alternate kami ng mga Grade 12.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang dalawang STEM student na iyon.

Para akong nababaliw kaiisip sa kanila, kaya naman tinignan ko ang screen shot ko. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita, ang dalawang taong iyon pala ay iisa.

What a coincidence.

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon, nakita ko ang kanilang pangalan, iisa lang pala. Kaya pala magka hawig sila. Siraulo ka, Amery!

Gwapo pa nga.

Crush ko na ata si Ivan. Bakit kasi ang gwapo nya? Kasalanan niya to, eh.

Sinisi mo pa yung tao, Amery.

I was planning to stalk him, but he doesn't have any posts on his social media.

Kailangan ko munang mag focus sa pag-aaral. At kailangan ko ring balitaan ang kaibigan ko tungkol dito. Alam nya na ata lahat sa akin kaya bawal na kaming mag FO.

Amery:
Ariel! Guess what.

Ariel:
What?

Amery:
Yung dalawang gwapong STEM na sinabi ko sayo nung orientation namin, naalala mo?

Ariel:
Malamang maaalala ko, bukambibig mo ba naman. Oh, napano sila?

Napa nguso ako sa sinabi ng kaibigan ko, sabi na, eh. Baharahin nananaman ako nito.

Amery:
Iisa lang pala sila. Nagulat ako, hindi ko kasi binasa 'yong pangalan nung una, ang tanga ko sa part na iyon.

Ariel:
Ayan hindi kasi nagbabasa, pero totoo ang tanga mo sa part na iyon.

Grabe talaga ang isang ito, buti nalang at mahal ko tong isang ito.

Ariel:
Oh ano? Inistalk mo na ba sya?

Ariel:
Congrats, may crush kana rin.

Amery:
Ayun na ang problema, wala syang kahit anong post. I just saw sa About Info niya ay basketball, playing guitar, sketching, and watching movies. Ayun lang.

Ariel:
Low-key naman pala sa social media itong crush mo.

Ariel:
Pero lahat ng About Info nya ay gusto mo sa isang lalaki.

Amery:
True, mas naging crush ko tuloy sya.

Ariel:
Hindi na ikaw ang Amery na nakilala ko. Akala ko pag-aaral lang nasa isip mo.

Amery:
Tao rin ako noh, pero tama ka. Kaya ko yang i balance haha.

Ariel:
So, anong balak mo sakanya?

Amery:
Focus muna ko sa acads.

Ariel:
Osya sige, support lang kita.

Kailangan kong mag focus sa acads dahil na rin mas mahirap ang senior.

Alala ko madadaliaan lang ako ngayong senior pero akala ko lang pala iyon.

Walang-wala pa pala ito noong JHS ako, mahihirap na ang subject namin.

Kailangan kong magsipag para matupad ang pangarap ko. Ang maging CPA. Actually my dream was to become a doctor, pero takot ako sa dugo kaya huwag na lang.

Mag-aasawa na lang akong Doctor.

Pero, paano ako mag f-focus sa acads kung laging sya ang laman ng isip ko?

Wala namang lesson na naganap ngayon, puro introduce yourself lang.

Amery Gem Thompson
16 years old
Sa Meadows State University ako nag-aral dahil ito ang gusto ni mama at dito na rin ako mag-aaral sa college.
Nag ABM ako dahil accountancy ang kukunin kong course sa college.

Ayan lagi ang sinasabi ko mula pa kanina. Pare-pareho lang naman ang tanong nila.

Gusto kong mag face-to-face na kami para makita ko na ang school ko at ang crush ko.

Mabilis nagdaan ang mga araw and finally face-to-face na namin, 4:30 palang ay gising na ako dahil malayo ang school mula rito saamin.

Excited ako, pero kabado. Normal na siguro ito na maramdaman.

Naligo ako at kumain pagkatapos ay nag-ayos na ako. Polbo, liptint, at kaunting blush on lang ay ayos na ako. Nilalagay ko lang ito para hindi ako maputlang tignan.

"Ma, alis na po ako." paalam ko kay Mama.

"Ingat ka anak, good luck sa first day mo." sagot niya.

Habang nag b-byahe ako papunta sa school ay kinakabahan talaga ako. Nag o-overthink ako, paano kung madapa ako? Nako, Amery!

Fortunately, nakarating ako sa campus nang ligtas at hindi rin naman ako nadapa, just kidding. Pagkarating ko sa tapat ng building namin ay umakyat ako papunta sa 2nd floor dahil naroon ang classroom ko.

Pagkapasok ko sa pinto ay tumingin ang lahat saakin, at dahil sa pagka taranta at hiyang naramdaman ay lumabas ako at isinarado ang pinto.

Anong bang ginawa ko?! Bakit ako lumabas?! Nakakahiya ka, Amery Gem!

Pero dahil matapang akong tao ay pumasok ulit ako, hindi ko sila tinignan at dire-diretsong pumwesto sa may bandang likuran.

Pagkaupo ko ay may naghello sa akin na isang babae. Nakangiti ito sa akin kaya ngumiti ako pabalik sa kanya.

"Hello, anong pangalan mo?" tanong nito sa akin.

"Amery Gem Thompson, ikaw?" sagot ko rito.

"Kristine ang name ko." sagot nya.

Tumango na lang ako at nag cellphone na lang. Ginagawa ko ito para iwasan ang hiyang nararamdaman ko. Ang hirap naman kasing makihalubilo sa mga taong hindi mo naman kilala.

Nagmessage ako sa isang classmate na kakilala ko, si Julianna. Nakilala ko ito dahil sa program sa school.

Amery:
Juls, nasaan ka na?

Julianna:
Malapit na ako, Amery. Na traffic lang.

Hindi na ako nagreply at nag hintay na lang. Maya-maya pa ay nakita ko na itong pumasok. Sa kabilang banda sya umupo, hindi nya ata ako nakita.

Amery:
Lipat ka rito sa pwesto ko.

Julianna:
Ikaw na ang lumipat, nahihiya kasi akong tumayo.

Kaya naman ako na lang ang lumipat ng pwesto dahil kung hindi ako lilipat ay mapapanis lang ang laway ko dahil wala naman akong kasundo rito.

Pagkatabi ko sakanya ay ngumiti ako. Humarap ako sa kanya at kumaway sa kanya.

"Hello, kumusta ka?" pamimula ko rito. Alam ko kasing nahihiya syang kausapin ako, kaya mag f-first move na ako.

"Okay lang ako, Amery. Ikaw, musta? tanong nito.

"Ayos lang din ako, excited na nga ako." sagot ko kay Julianna. "Balita ko may orientation daw tayo ulit sa gymnasium." dagdag ko.

"Sinabi rin ng pinsan ko na mayroon nga tayo, kaso mamaya pa raw." sagot nya.

Tumango na lang ako. Maya-maya pa ay dumating na ang Professor namin. As usual, magpapakilala ulit. Paulit-ulit lang na nangyari iyon, nababagot na nga ako, eh. Maya-maya pa ay pinatawag na kami para pumunta sa gymnasium.

Naka line kami ngayon papunta sa gym, may orientation pa pala. Pagkapasok namin ay umupo kami roon sa may mga upuan, by section ang position namin.

Napatingin ako sa pwesto ng mga stem, pero hindi ko sya nakita. Sayang naman.

Ang layo kasi ng building nila sa amin. Nahihiya naman ako kung dadaan ako roon.

What if umamin na kaya ko sa kanya? Pero syempre gagawa akong other account para hindi nya ako makilala.

Tama! Pagkauwi ay gagawin ko iyon.

Paano ang study first mo, Amery? Tanong ko sa sarili. Hayaan mo na, wala namang masamang kiligin.

Excited akong makauwi sa bahay noong na araw na iyon. Pagkuwi ko ay nag chat ako sa kaibigan ko.

Amery:
Ariel, plano kong umamin sa crush ko.

Amery:
Gagawa akong other acc para hindi niya ako makilala.

Ariel:
Support kita, Amery.

Ariel:
Kinikilig ako sa'yo, gaga ka!

Ariel:
Ilabas niyo ang kaibigan ko, hindi ikaw ang Amery na kilala ko!

Amery:
Ikaw talaga, nako pasalamat ka at mahal kita.

This is it. Plano ko siyang i chat sa instagram account nya.

I was doing my dump account when I suddenly feel nervous.

Itutuloy ko pa ba?

Andito na ako paninindigan ko na.
Pagkatapos kong gawin ang dump acc ay nag type na ako ng confession message ko sa kanya.

Dump acc:
Hi, first of all, I made this account to confess my feelings toward you. I have a crush on you. We have the same school; I saw you in orientation. You're wearing a white t-shirt. And all I knew was that I had a big crush on you. Bat ka kasi nag open cam? Nakita kita tuloy kita. Just kidding, okay lang if hindi ka mag r-reply saakin. Baka rin may girlfriend kana kaya naiintindihan ko. Take care always!

Pinindot ko ang send button, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kabadong kabado ako. Matutulog na lang ako, baka hindi rin ito mag-reply sa akin, eh.

Before ako natulog ay nag pray muna ako, syempre kasama sa prayers ko si crush na sana mag reply sya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 82 36
| This story is dedicated to those who can't move on and and still longing for their past. | Reign Andrea Bernabe Alcazar is still in grief after lo...
214K 5.7K 37
She had a name, once. She no longer goes by it, because it doesn't exist to her. The world, what little of it, knows her by another name: Hell's Ange...
4.2M 115K 29
Angelica Dalton never took up running and she doesn't like it when she has to run on high heels to save her life. She hates it when her dress gets ru...
90.6M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...