Return of the Survivor

Autorstwa IamnotBanshee

65.5K 3.7K 474

The world is not the same. Monsters. Betrayals. Pain. Starvation. You shall be ready to see your companions'... Więcej

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Book 2

Chapter 22

927 57 2
Autorstwa IamnotBanshee

Chapter 22

I woke up feeling tired. The last thing I remember is something heavy, probably the body of the Giant ogre zombie, on top of me.

Inilibot ko ang aking tingin at napagtantong nasa loob ako nang van. Ako lang ang nasa loob.

Napatingin ako sa nakabukas na bintana. Maliwanag pa naman pero mukhang malapit na lumubog ang araw base sa medyo kahel na langit. I can hear their voices outside. Mukhang okay naman sila.

Bumango ako at naupo. Wala na akong mga sugat pero pagod pa ang katawan ko. It's the side effect of using too much mana. I can also feel the forceful mana manipulation I did taking toll on my body. I guess I won't be able to do it for a while.

Matapos ayusin ang hinigaan ay lumabas na ako sa van. Napatingin ako sa mga taong kaagad na napalingon sa akin. There are some new faces. Mukhang sila 'yung galing sa kabilang van na iniligtas namin.

"What?" Tanong ko sa kanila dahil nakatitig sila sa akin na para akong patay na muling nabuhay.

Unang nakabawi si doc Abel. Kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Max, great! Maayos ka na. Wow, it's... surprising."

Nagtataka akong tumingin sa kanya kaya natawa siya. "You were sleeping like a log kanina pa. Humina din ang pulse mo at kanina lang nagstabilize. Pinag-alala mo kami."

Okay. That's the reason kaya ganoon ang tingin nila sa akin.

Kaagad kong inilibot ang aking paningin. "Nasaan si Peter?" Tanong ko nang hindi siya makita at ang iba pa.

Inalis niya ang kapit sa akin at inayos ang salamin. "Ah, nangongolekta sila nang cores at nagdidispose nang katawan. Don't worry, kasama niya naman si Zander, hindi siya papabayaan. Sinama na nila para malibang. Ayaw kasi umalis sa tabi mo, nag-aalala." Paliwanag niya.

Peter might be scared because of what happened. "Thank you for looking out for him."

Tumango si doc. "No problem."

Napatingin ako sa mga taong nakikinig sa usapan namin. Napansin ito ni doc kaya nagpaliwanag siya. "Sila 'yung sakay nang kabilang van. That is Ronald, his wife Esther, Chloe, and Leo. Kasama nila William 'yung iba."

Tumango ako sa kanya at hinarap ang mga ito. "Hi, I'm Max." Sabi ko bago nang-abot nang kamay. Nag-aalangan namang tinanggap nang mga ito ang aking kamay.

Biglang sumulpot si Daniel. Kaagad niya akong kinamusta. Nagpaalam muna ako kila doc at lumayo kasama si Daniel. I asked him to report the situation.

"Tapos na kaming magcollect nang cores. There are 359 level 1s and 285 level 2s. Ito 'yung core nung 2 higante. Wala na 'yung isa dahil kinain na. Binukod ko dahil iba ang itsura doon sa ibang core." Iniabot niya sa akin ang tatlong supot.

"Nacheck na din namin ang perimeter. Maliban sa paminsan-minsang sumusulpot na zombie ay wala nang buhay kaming nakita. Zander and the others are disposing the bodies. Ang iba naman ay nagbabantay in case may lumapit na zombie."

I tapped his shoulder. "Great job. How about the survivors sa kabilang van?"

May kinuha siyang maliit na notebook. "There are 12 of them. 8 men, 3 women and 1 child. 8 volunteered to help disposing the bodies and guarding the area. Their names are Zac, Rex, Vince, Jake, Dave, Lily, Marco and the child, Harper. Ang mga nandito naman ay sina Ronald, Esther, Chloe at Leo."

My brows twitched nang madinig ang sinabi niya. There are familiar names pero hindi na ako umasa. There are a lot of people with similar names and meeting someone you know is rare.

Inabot niya sa akin ang kanyang notebook at saka sinimulang basahin. It contains their basic description. Although, hindi lahat sumagot sa mga tanong kaya isinulat niya ang observation niya. Naintindihan ko naman kung ayaw nila. Leaked personal information can be dangerous.

Nang matapos ko itong basahin ay ibinalik ko sa kanya. "Continue monitoring them. I-report ninyo agad kung may kahina-hinala silang gagawin." Sabi ko na tinanguan niya.

"Isasama ba natin sila?"

Umiling ako. "No. Magpapalipas lang muna tayo nang gabi bago umalis. Our journey is not for them. They seek safety while we are diving into danger. And we can't take more mouth to feed."

He has a grim expression on his face. Alam ko naman na naintindihan niya ang sinasabi ko. Thsi is only the start of our journey and yet, we already face this much danger.

"Paano kung gusto nilang sumama?" Seryosong tanong niya.

"Then they need to prove themselves to be useful."

~~~

Bago pa lumubog ang araw ay bumalik na ang iba. They are happy to see me up, nangangamusta sa lagay ko. Si Peter naman ay agad na yumakap sa akin. He hugged my waist tightly at ngayon ay ayaw bumitaw kaya binuhat ko na lang siya.

"Max?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

I saw two familiar faces. Their eyes are wide open, hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Ah, that's why your names are familiar. Long time no see. Kamusta?" Tanong ko sa kanila.

Kaagad na lumapit sa akin si Marco at bahagya akong niyakap. "Sabi na nga ba eh, ikaw 'yan! Dave didn't believe me nang sinabi ko sa kanya na ikaw 'yung pinasok nila sa van. Naaalala mo pa ba kami?" Nakangiti nitang tanong.

I chuckled. "Oo naman. You're one of the coolest nurse that I know."

Pabiro niya akong pinalo sa braso. "Nang bola ka pa, ako lang naman ata ang kilala mong nurse na buhay pa."

Umiling ako. "Of course not. Meron din namang buhay pa sa camp. Buti at ligtas kayo. Asan ang iba?" Tanong ko nang hindi ko makita ang iba nikang kasama na umalis sa camp.

Nagkibit-balikat siya. "Dunno. We parted ways nang dumating kami sa Rosario. Kami lang ni Dave ang magkasama."

Lumapit sa amin si Dave kasama ang isang babae at isang batang lalaki. Nakipagkamay siya sa akin. "Good to see you, Max." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Me too." Napatingin ako sa mga kasama niya.

"Your family?" Tanong ko. Sa pagkakaalala ko ay gustong-gusto niyang umalis sa camp noon para puntahan ang pamilya niya. It must be them seeing that the boy looks like him and the woman beside him.

Tumango siya at ipinakilala ang kanyang asawa na si Lily at anak na lalaking si Harper.

We decided to catch up later. Nagpakilala muna ako sa iba pa nilang kasamahan. Si Dave pa mismo ang nagpakilala sa akin and Marco keeps boosting me. Apparently, nakukwento pala nila ako sa kanila. I just hope they told them nice things about me given na noong magkakasama kami sa clini noon ay may pinatay akong infected na kasamahan namin.

Doc and Jenn cooked our dinner. Nagtayo naman nang camping tent sila Mark. We lend the other group some tents para may matulugan sila. They definitely won't fit the van. Sila kuya zander at iba sa kabilang grupo naman ay nagbantay.

Dahil gabi na ay gumawa kami nang bonfire. We just erected some tarpaulin around us para hindi masyadong makalabas ang liwanag. May mga look out naman na nakapwesto sa itaas nang sasakyan kaya makikita namin kung may papalapit na zombie.

Nagtanong pa ang iba kung bakit hindi na lang kami tumuloy sa isang bahay. Ipinaliwanag ko sa kanila na mas mainam na magcamp na lang.

Maliban sa mga nagbabantay ay nakaupo kaming lahat palibot sa bonfire habang kumakain. Panay ang kwento nika Marco sa kung anong nangyari matapos nilang lumabas sa clinic noon. They got lucky na hindi pa masyadong makalat ang kalsada kaya nakabyahe sila.

Kinublit ako ni Peter kaya napatingin ako sa kanya. Ubos na ang laman nang kanyang pinggan. "Ate Max, I'll just read inside the van na lang po." Paalam niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang kanyang pinggan. "Okay. You want to changr your book?" Tanong ko. Mayroon kasi siyang librong binabasa doon sa van. Mayroon din akong nakastore na libro sa aking storage kaya pwedeng palitan kung gusto niya.

Umiling siya. "I'll just finish the book in the van na lang po." Paalam niya.

Tumango ako at saka inayos ang kanyang buhok. "Okay. Wash your body muna then change your clothes." Tumango siya at saka nagpaalam.

Napatingin ako kay Dave at nakitang nakatingin din siya sa akin. "'Yun 'yung anak ni Bethany, hindi ba?"

Tumango ako. "Yeah. He's been with me since then."

He smiled at me. "Thank you."

Natigilan ako dahil sa biglaang pasalamat niya. "For what?"

"For taking care of him."

Umiling ako. "No need to thank me." I enjoyed Peter's company. Somehow, keeping him beside me reminds me that life is important so kahit kaya ko gawin ang mga bagay-bagay, I should think twice. He makes me feel humane, something that is slipping out of me once in a while.

Hinawakan niya ang aking balikat. "I should. Hindi mo siya kaano-ano, ni kilala man lang bago ang lahat nang ito pero kinupkop mo siya. You know what? I saw a few children that are in danger, that are begging for food because they are hungry. Pero nagbingi-bingihan at bulag-bulagan ako dahil iniisip ko ang pamilya ko. Akala ko noon mabait ako pero ngayon, nalaman kong hindi pala. You're different. You can help people kahit hindi mo kilala." Seryoso niyang sabi. Ang mga kasama naman namin ay mga pawang tahimik, nakikinig rin sa sinabi niya.

Bumuntong-hininga ako at saka umiling. Inalis ko ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat. "You're wrong. I'm not kind. It just happened that I can do it kaya ko ginawa iyon. Maraming makakagawa noon. And he's useful."

It's true. In my opinion, mas may silbi pa si Peter kaysa sa iba. Lagi siyang nakikinig sa akin. He easily learn things I thought him too. And he is eager to learn. Ngayon nga ay nagbabasa siya nang textbook kahit hindi ko sabihin.

"Still, there are a lot of people are capable too but they didn't do it. And that's what set you different from them." Nakangiting sabi niya. Nakita ko pa ang pagtango nila Marco kaya nailing ako, hindi na siya binara.

Naisipan kong ibahin ang usapan nang may maalala sa kwento nila. "By the way, you said earlier na kaya kayo umalis sa bayan ninyo at sinundan kami ay dahil sa isang grupo?"

Ang kaninang magaan na atmospera ay biglang nagbago. It became tense at the mention of that.

Dave nodded with a serious look on his face. "Yes. They are called Red skulls." Sabi niya bago nagsimulang magkwento.

Red skulls was a group of syndicate that was based on this area. Nang magsimula ang zombie out break at mawala ang government authority ay sila ang naghari-harian sa lugar. They already had most of the gangs around the area under them. It is a pretty big group kaya mahirap banggain.

Apparently, they took over the stores, monopolizing the supplies. They also took 'taxes' to survivors in the area for 'protecting' them. Of course, a lot will not agree dahil wala naman silang ginawa para maging safe ang lugar bukod sa pagpatay sa ilang zombie na lumalapit sa base nila. And those who are against their rules will suffer. They loot them and beat them up.

They are recruiting members na gustong sumali sa kanila. But only for men. Kapag babae ay ginagawang puta habang ang mga bata naman ay pain sa zombies. Ang mga hindi naman marunong makipaglaban na lakaki ay ginagawang meat shield.

In short, it is their kingdom that serves as hell for the others. That's why the moment they got an opportunity, they grabbed on it para makaalis doon. It is not just them. Mayroon ding iba pang sinubukang umalis pero hindi nakalabas.

"Okay. I get the gist of it. But, do you have a destination on mind?" Tanong ko.

Nagkatinginan sila, wari'y nag-uusap gamit nag tingin bago bumaling sa akin. Umiling si Dave. "Actually, hindi pa namin naisip iyon. Pinlano pa lang namin ay ang makaalis doon." Pag-amin niya.

Tumango ako. "I think you are trustworthy so I'll tell you this. Our camp, the research institute, is a safe place now. Naclear na namin ang zombies sa loob nang compound. We are also doing our best to be a self sustained camp. We, most likely, can defend against those gangs, kaya kung gusto ninyo, I can help you get in there." Paliwanag ko.

Muli silang nagkatinginan at nag-usap. I gave them time to decide. After a few minutes ay nagtanong si Ronald. "Kung sakali bang papayag kami, sasamahan mo kami papunta doon?"

Umiling ako. "No. I'll just contact them para masabi ang tungkol sa inyo. That way, you'll get in with faster procedure."

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi ninyo kami sasamahan? Paano kami makakabalik doon? Baka kapag dumaan ulit kami sa bayan ay harangan kami nang mga tauhan nang Red skull."

"Well, that's not my problem anymore.  I already helped you with the zombies following you and by recommending you in our camp. Don't worry, Dave and Marco had been there. Hindi kayo maliligaw kahit sa ibang ruta kayo dumaan."

"You said you can defend your camp against the Redskulls. Bakit hindi ninyo na lang sila atakihin? Marami pang survivors sa bayan. You'll help us more by eliminating that group." Singit nang babaeng nagngangalang Chloe. Ah, how...bold.

Humarap ako sa kanya at binigyan nang matamis na ngiti. "We are actually an exploration team. Our job is to explore places to gather information. Wala sa trabaho namin ang maghanap nang survivors o iligtas sila."

Nangunot ang kanyang noo. "But isn't that your responsibility to save them? Kaya mo naman, bakit hindi mo gawin?" Mataray niyang sabi at humalikipkipkip pa.

Humagalpak ako nang tawa ako dahil sa kanyang sinabi, dahilan oara tumingin siya sa akin na para akong nasisiraan ang ulo. "Just because I can doesn't mean na gagawin ko. I think you misunderstood dahil sa pakikinig mo sa usapan namin ni Dave. I saved Peter because I want to. I am not obliged nor it is my duty. It is the same saving your people. Hindi ko sila kilala at hindi ko sila gustong iligtas kaya hindi ko gagawin."

Lalong sumama ang kanyang ekspresyon. "Then you're just a fake! Nagbabait-baitan ka pa, hindi mo naman pala sila ililigtas. What, you'll forsake them? Hahayaan mo silang mamatay doon? Hindi ka ba naguguilty?!" Galit na sigaw niya. Tumaas-baba apa ang kanyang dibdib, mabilis ang paghinga dahil sa galit. Ang kanyang mga kamay ay nakakuyom na para bang anong oras ay tatalunin niya ako. Ang mga katabi niya ay pilit siyang pinapakalma pero iwinaksi niya ang kamay nang mga ito.

"Ano ba?! Huwag ninyo akong pigilan! Dapat malaman nang babaeng 'yan kung gaano siya kawalang puso para pabayaan sila!"

Tumayo na ang ilan para pigilan siya nang tumayo ito at mabilis na lumapit sa akin. I signed on my companions na huwag nang mag-abala kaya hindi sila lumapit.

Nanggagalaiti siyang lumapit sa akin. Akmang sasabunutan niya akong nang kinuha ko ang kanyang kamay. Sinipa ko ang kanyang binti kaya napaluhod siya. Kaagad kong hinawakan ang kanyang buhok at saka hinila patalikod. Pipigilan sana kami nang iba pero pinigilan siya ang mga kasama ko.

Umiinda siya at hinahampas ang aking kamay na nakasabunot sa kanya pero mas lalo ko itong hinila kaya napaaray siya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya na naluluha.

Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata kaya natigilan siy. Naramdaman kong nanginig ang kanyang katawan. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang magreklamo pero walang lumabas sa boses.

Sinigurado ko munang hindi siya magsasalita bago ako mabagal na nagsalita gamit ang mababang boses.  "Listen here. You didn't hire us, nor we are a charitable group. We have more important thing to do than saving those people. You're mistaken. I won't be guilty to forsaken those people because in the first place, they are fine there as long as they follow them.

Attack them? You want us to put our people's lives for yours? Then why don't you just go and save them? You think killing someone is easy? Taking someone else's life is easy? You are so entitled. You are the one who is guilty. It is you who forsaken them, leaving them behind. Don't point fingers for your crime."

Alam kong nakikinig din ang iba. I said every last word slowly in a low tone but full of power so they can engrave to their minds what I said. They are wrong if they think we are heroes

Nanginginig na napaupo sa lupa si Chloe nang bitawan ko ang kanyang buhok. Nakatungo siya, tulalang nakatingin sa ibaba.

Nagpaalam ako na mag-i-scout lang sa paligid. Nang tumango si kuya Zander ay umalis agad ako.

Habang naglilibot ay nag-isip ako. Redskull is not the first, nor the only one who will exploit other people. Hindi magtatagal ang camp namin kung iisa-isahin namin ang mga grupong ganoon. Supplies will run out as well as the lives of our members. We need to grow first to withstand and overthrow those groups.

I saw the piles of zombies' bodies. Bukas na susunugin dahil kutang kita ito sa gabi  baka hindi lang zombies ang mattract namin.

Nang matapos akong maglibot ay nagbahay-bahay naman ako. Nang masiguradong wala nang zombies sa pakigid at makuha ang nahanap na supplies at gamit ay tumuloy naman ako bayan. Sa may bungad lang ako para i-check kung may malapit ba sa amin na mutated zombie. After killing a few zombies ay bumalik na ako sa camp.

They are already sleeping maliban kay Daniel na nagbabantay at dalawa pang lalaki mula sa kabilang van. Buhay pa rin ang bonfire pero mahina na lang ang apoy. Wala na ang trapal na pumapalibot dito. Chineck ko muna si Peter na natutulog sa loob nang van. Ianyos ko muna ang kanyang kumot at sa lumabas.

Nag-inat ako. I'm not sleepy yet dahil ilang oras akong nakatulog kanina kaya naman napagdesisyunan ko mung mag-exercise. Humanap ako nang medyo malayong open space bago nagsimula.

Habang nagpupush up ako ay nakaramdam ako nang presensya na papalapit bago ko nadinig ang isang bagay na gumugulong sa lupa. Hindi ako tumigil pero pinakiramdaman ko ito.

"Why are you here in the dark?" Tanong niya. He has a baritone voice but not too deep. Nilingon ko siya at nakita ang lalaking nakawheel chair.

Patuloy pa rin ang pagpush up ko. "I prefer it this way. I can train my senses in the dark." Sagot ko sa kanya.

Tumango siya at hindi na nagtanong kaya hindi ko na rin siya kinausap. Nagpatuloy ako sa pag-e-exercise habang siya ay tumitingin sa paligid, paminsan-minsang pinapanood ako nang magsimula ako sa sword training.

"Max, right?" Biglang tanong niya kaya saglit na napatigil sa ere ang hawak kong katana pero ipinagpatuloy ko ito.

"Yeah. You're Zac?" Sabi ko habang iniikot ang katana, doing a sword dance.

Nakita kong tumango siya. "Yeah. Can I ask you a question?"

Muli akong tumigil at saka tumingin sa kanya. Umayos ako nang tayo at saka kinuha ang kaluban nang katana, sheathing it. Tumingin ako sa kanya.

"What is it?"

Tiningnan niya muna ako sandali bago nagsalita. "I already talked with Daniel. I already know that you're mission is to scout places pero pakiramdam ko ay may iba kayong pakay kaya natanong ko kung ano ba ang tunay na pakay ninyo. Nasabi niya sa amin na may destinasyon kayong pupuntahan."

Napahalukipkip ako. "Ah-huh. And?"

Bumuntong-hininga siya. "You see, I don't want to settle on a place yet. Gusto kong sumama sa inyo pero sabi ni Daniel ay sa iyo dapat ako magsabi dahil ikaw ang boss nila."

Tiningnan ko siyang mabuti. He sounds convincing pero parang may iba pa siyang dahilan. "You're searching for someone, aren't you?"

I saw his brow twitched. Looks like I get it right. Hindi siya sumagot kaya bumuntong-hininga ako. "Look, I'm not belittling you but you're in a wheelchair. It will affect our mobility."

Tinimbang ko ang ekspresyon niya. He didn't look offended. Sa halip ay tumango siya. "I understand your hesitation pero sabi ni Daniel ay kailangan ninyo nang mga taong may pakinabang. I can prove to you that I am useful. I've been in a shooting range for years. I can handle guns. I can fight in a distance kahit na nasa malayo ako. My disability won't affect it."

Well, he really shoots well kanin so I don't doubt that but that is not enough. "Bullets will run out and we will have a hard time replenishing it. Anong gagawin mo kung wala na tayong bala?"

Actually, I'm just testing him. I already like him since I saw them behind the van. They are gutsy and probably the type of person who will not go down without a fight. I just need to check if there are other things he can offer.

He didn't look faced with what I said. "I'm actually an engineer. I can build and modify weapons and other things. Kahit wala sa field ay may magagawa ako. Isa pa, my disability is not permanent. After a few months ay gagaling na ang injury ko. I'm confident with my hand-to-hand combat ability. I cam also use various weapons too."

Napasipol ako. That's what I'm looking for. No, he is overqualified. He is one of the important type of people that is needed like doc Abel.

Lumapit ako sa kanya. Napatingin siya kamay kong nakalahad bago tumingin sa aking mukha na may ngiti sa labi. "Welcome aboard, then."

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

42.4K 812 70
† Reality is your greatest nightmare. †
4.1K 1.4K 22
ESCAPING REALITY SERIES #1 "A travel back to past. The fulfillment of promises. And a continuation of love that was fated by time." Hiraya always wa...
16.2K 1.4K 45
In Year 2030. Ang R.O.S or mas kilala nating rules of Survival ay kilala na sa boung mundo anim na taon na ang nakaraan. Hindi maipagkakaila ang kag...
128K 5.7K 54
❝ Kahit saang lupalop ako mapunta, mapa impyerno man o langit ay wala din namang mababago saakin. Sapagkat natural lang sa isang katulad ko ang mamuh...