Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

Von donnionsxx04

87.8K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... Mehr

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 108:

308 21 6
Von donnionsxx04

ALING DOYA POV:)

"Rose, akala ko ba naghihintay sa locker room si Beth?" tanong ko dito nang lapitan ko ito.

Abala ito ito sa pagma-mop nang floor nang napahinto ito dahil sa akin. Bumaling naman ito na may ngiti sa mga labi.

"Ah? Andoon siya, Aling Doya, hinihintay ka." sagot nito.

Napakamot na lamang ako sa ulo."Wala naman doon. Saan naman pumunta siya? Hindi ko pa nabibigay 'yong sahod niya."

"Baka lumabas o nag-CR lang?" Sagot nito habang hawak pa rin ang mop.

Tinaptaptap ko naman ang braso nito."Oh sya! Maglinis kana. Babush!" Sabi ko dito pagkatapos ay umalis na ako at iniwan ito para hintayin na lamang si Beth sa locker room.

Hindi pa ko nakakarating sa locker room, nakita ko na lamang si Elizabeth na tumatakbo.

"Beth, 'yong---" di ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko nang hindi ako nito pinansin at patuloy lamang ito sa pagtakbo.

Kunot-noo na sinundan ko naman ang tingin nito. Base sa nakita ko sa kanya parang umiiyak siya. May nangyari ba sa kanya?

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkarating na pagkarating ko ng apartment, dumeretsyo kaagad ako sa aking kwarto. Pagkapasok, humiga kaagad ako at doon ko lalo binuhos ang bigat na nararamdaman ko. Humagulhol ako na parang bata habang yakap ko ang unan. Hindi na ako makahinga ng masyado dahil naipon na ang sipon sa ilong ko.

Sari-saring mga pangyayari ang lumalabas sa isip. Na ganito kesyo ganyan ginawa ko na lamang ng pangyayaring iyon pero sa huli nagsisisi ako. Dapat pinagtanggol ko ang sarili ko at hindi ko hinayaang tapakan ako ng mga taong matataas sa akin.

Sabagay, sino naman ako ipagtanggol. Nasaksihan ko mismo na hindi ako pinagtanggol ni sir Johnser---ano pa nga ba i-expect ko? Nakakalimot ka ba, Klarisse? Amo mo siya at kailanman hindi mo siya naging kaibigan kaya hindi mo deserve na ipagtanggol ka ng isang mayaman.

Siguro, nasanay lang ako. Nasanay ako na pag kailangan ko nang tulong, dumarating si Ros para ipagtanggol ako. Pero ngayon? Sarili ko nalang aasahan ko at mag-isa nalang ako lalaban.

Napahinto ako sa pag-iyak habang nakatingin lamang sa kisame. May naglalaro na lamang mga imahe sa taas at nakikita ko ang mukha ni Ros. Ang bawat ngiti niya ay nagpapagaan sa akin. Dahan-dahan ko iniangat ang kamay ko para abutin ito pero naglaho din kaagad iyon.

Doon ko napagtanto na hinding-hindi na babalik si Ros. Wala nang taong magpapagaan ng loob ko sa tuwing malungkot ako. Sarili ko na lamang aasahan ko.

Niyakap ko ulit ng mahigpit ang unan at nagsimula ulit umiyak.

Napag-isip ko na nakakatakot pala makipaghalubilo sa mundo ng mayayaman. Dahil pagdating sa edukasyon, talo ka. Sa pera, mas talo ka. Labanan na lamang ay ang ugali. Kahit gaano ka pang kabait, kaya nila paikutin ang mundo para ipakita sa lahat na ikaw ang masama hindi sila. May kakayahan ang mga matatas na kontrolin at baliktarin ang lahat na sitwasyon. Kaming mahihirap? Ipagtanggol na lamang ang sarili na nagagawa namin.

Simula ngayon, magsisimula na ako gumalaw at tumayo kung nasaan ako nararapat. Doon ako sa saan ako nababagay. Ayaw ko na makihalubilo sa mundo ng mayayaman.

MANDY YU POV:)

Unti-unting minulat ko ang aking mga mata. Malabo ang aking nakikita halos pinipikit-pikit ko ang mata ko. Nang luminaw iyon, iginala ko kaagad ang paningin sa paligid. Nakita ko na lamang na may mga aparatus na nakadikit sa kamay ko.

Doon ko napagtanto na nasa hospital ako.

"Gising kana?" Boses na pamilyar sa akin.

Pagtingin ko sa gilid ko, nagulat na lamang ako nang makita ang imahe ni Dylan. Nakaupo ito ng de kuwatro habang nagbabasa ng isang magazine. Ano nanyari sa akin? Siya ba nagbantay sa akin?

"A-ano ginawa mo dito?" Nautal na tanong ko kaagad dito. Ngayon ko lang siya ulit nakita, napansin ko kasi na ang daming kinakaabalahan niya ng mga nagdaang araw. Kaya minsan ko lang siya makita si Uphone.

Binaba nito ang magazine na binabasa para tumingin ito sa akin."Nasa labas ang magulang mo, kausap ang doctor. Babalik din kaagad iyon." Cold na sabi nito.

"I-ikaw?" nautal na tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumagot bagkus malamig na tingin ang ipinukol niya sa akin.

Binalik na nito ang magazine sa pinagkuhanan nito. Tumayo na ito sa pagkakaupo para balak nang umalis.

"Tatawagin ko lang ang mama mo. Sasabihin kong gising kana."

"Sandali!" Pigil ko. Huminto naman ito sa pag tangkang pag-alis.

Dahan-dahan na humarap siya sa akin na may malamig pa ring ekspresyon sa kanyang mukha.

"A-alam mo na ba ang nangyari kay Ros? Patay na daw---" pinutol nito ang sasabihin ko.

"Alam ko. Matagal ko nang alam."seryosong sagot nito.

Tumango-tango na lamang ako.

Tatalikod sana ulit ito para umalis, pinigilan ko ulit siya.

"Sandali, Dylan."

"Hmm?"

"P-pwede bang samahan mo ko?" Request ko.

Napakunot-noo ito sa pagtataka."Saan?"

"Kay Beth. Kakamustahin ko lang siya." Sagot ko.

"Sa tingin mo, gusto ka pa niyang makausap sa kabila ng ginawa ng mama mo?" Makahulugang turan nito.

Napataas-kilay ako sa pagkalito."Ah? Ano sinasabi mo---"

Di ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto at iniluwa doon sina mama at papa.

"My baby!" Bulalas ni mama at dali-dali itong lumapit sa kinaroroonan ko at niyakap."Akala ko mawawala ka sa akin. Salamat at ligtas kana, baby ko." Mangiyak-iyak na saad ni mama.

"Okay na ko, mommy."

Binitiwan na ako nito sa pagkakayakap. Hinawakan niya ang mukha ko sunod ang balikat ko."Ano gusto mo kainin? Ipapaluto ko kaagad kay Manang." tanong nito.

"Huwag na, mama. Hindi pa ako gutom." Sagot ko. Naalala ko na lamang paano ako napunta sa hospital dahil nawalan ako ng malay dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko.

"Mom, Dad, ano daw findings ng doctor bakit masakit ang tiyan ko?" Pag-iiba ko ng topic.

"Na-food poisoning ka." tipid na sagot ni papa.

"Ano ba nangyari anak? Paano ka na-food poisoning? Ano ba kinain mo kanina?" Alalang tanong ni mama sa akin.

"A-ano..." Inalala ko naman halos napakamot ako sa noo ko."May janitor kasi na namimigay kanina ng juice." kwento ko.

"Janitor?" Sabay na turan ni mama at papa. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

Nangunot lamang ang noo ni Dylan.

Tumango ako."Oo."

"Saan?" Curious na tanong pa rin ni papa.

"Basta dad, janitor siya at nagtatrabaho siya sa Uphone. Nung ininom ko iyon, saka ako nakaramdam ng pananakit ng tiyan."

Nagtinginan naman si papa at Dylan na tila nag-uusap sila sa kanilang mata. Maya-maya pa tumango si Dylan dito pagkatapos umalis na ito.

Sinundan ko pa ito ng tingin bago ito tuluyan makalabas sa loob. Mula nang may nangyari sa amin, nagbago na siya. Nag-iba na ang pakitungo niya sa akin. Feeling ko naging parausan lang niya ako at sinadya nga niyang angkinin ako dahil sa kondisyon ko noong gabi.

Siguro nga, wala siyang nararamdaman sa akin. Ibang babae ang gusto niya at maaring hindi ako iyon. Siguro, mas maganda iyon kaysa sa akin. O maaaring maganda ako at ang babaeng gusto niya ay maganda ang ugali. Kahit ikumpara kaming dalawa, talo ako. Dhil kung labanan lang naman ng ugali, panalo na iyon at ganda lang mailalaban ko.

"Hindi ka ba tinulak?" Tanong na lamang ni papa.

Napatingin naman ako dito."Tinulak? Nino?" napakunot-noo na tanong ko.

Tumingin si papa kay mama. Dahil doon, tiningnan ko din si mama. Mailis naman ito nag-iwas ng tingin sa amin. Tumikhim pa ito sabay ayos sa pagkakaupo. Base sa naging reaksyon ni mama, parang may nagawa siyang mali.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Bumaba na nga ako ng taxi. Nakaramdam ako ng kaba dahil first time kong papasok sa restaurant na ito na mayayaman lang ang kumakain dito.

Naglakad na ako papunta sa entrance. Bago paman pumasok sa loob, humugot muna ako ng malalim na hininga. Pinapakalma ko ang sarili ko sa kaba. Inayos ko pa ang damit ko at tinitingnan ang kabuuan ko sa repleksyon sa salamin. Nang handa na ako, nagsimula na ako maglakad. Pinagbuksan pa ako ng pinto ng nagbabantay sa entrance.

Pagkapasok, langhap ko kaagad ang masasarap na pagkain at amoy yayamain. May kaunting tao na kumakain dito ngayon at lahat sila, ang gaganda ng damit. Mga kutis at ayos palang nila, masasabing matataas ang posisyon nila sa lipunan.

Nakita ko na lamang di kalayuan si Mr. Kailes. Nakaupo mag-isa sa table habang umiinom ng wine. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin.

Naglakad na nga ako palapit sa kinaroroonan nito.

"Pasensya na po, Mr. Kailes kung ngayon lang po ako nakarating. Masyado traffic po kasi ngayon." Hinging pasensya ko.

Umayos ito ng upo at ngumiti sa akin."It's okay. Umupo ka."

Nahihiyang umupo naman ako. Hindi ko alam bakit gusto niya makipagkita sa akin. Siguro may sasabihin lamang ito tungkol kay Ros o may iba pang dahilan.

"Waiter!" Tawag nito sa waiter. Pagkalapit nito, binigyan kami nito ng menu."Pumili ka kung ano gusto mong kainin." Nakangiting sabi nito.

Nahihiyang tumango ako. Pagkabukas ko ng menu, nanlaki mata na lamang ako. Hindi ko masyado mabasa at hindi ko alam anong klaseng ulam ang mga ito, espanyol kasi. Sabagay, Spanish restaurant kasi ito.

"Have you chosen anything yet?" Mabait na tanong nito sa akin.

"Ahm, a-ano..."

Ano naman oordering ko? Nahihiya ako na basahin ito baka nali pronunciation ko. Nakakahiya.

"Kung ano sa'yo, sir, iyo nalang din po sa akin." sabi ko.

"Okay." Saad nito. Bumaling na ito sa waiter at sinabi na niya oorder-in namin."Thank you!"

Umalis na nga ang waiter saka bumaling si Mr. Kailes.

"Kaya kita pinatawag kasi may iaalok sana ako sa'yong trabaho." Panimula nito.

"Ta-trabaho?" Gulat na saad ko.

Nakangiting tumango ito."Uuwi kasi 'yong kapatid ko ngayon from States."

"Tapos po?"

"Kung pwede sana maging sekretarya ka niya." amin nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko."Ano po? Ako? Sekretarya?!" Gulat na turan ko sabay turo sa sarili ko.

Tumango ito."Okay lang ba? Ikaw lang kasi kilala kong pinagkakatiwalaan ko." Sabi nito.

Napaisip naman ako. Sabagay, wala naman akong trabaho. Matagal na kong resign sa Uphone. Kailangan ko na ata magtrabaho ulit at baka maubos na ang ipon ko. Pag magmumukmok lang ako sa bahay, baka lamunin ako lalo ng kalungkutan.

"Sige po." Sa wakas, payag ko.

May binigay naman sa akin si Mr. Kailes ng isang folder. Takang kinuha ko naman iyon dito at binasa ang mga papel na nasa loob nito.

"That's a contract. If you have read it, just sign it." Sabi nito at tinurol ulit sa akin ang isang ballpen.

"S-sige po."

"Dadating mamayang gabi ang kapatid ko from US so bukas start ng work mo as his secretary." dagdag nito. Tumango naman ako dito habang sinisimulan na binabasa ang kontrata."Ipapadala ko mamaya sainyo ang damit na susuotin mo sa trabaho."

"Sige po."

****

"Ate Beth, palagi kana namin makikita sa A.D." nakangiting turan ni Pubg habang nakaupo ito sa sofa. (A.D means All Day Company.)

Nandito kami sa sala, nanonood ng T.V at tinitingnan ang mga damit na pinadala sa akin ni Mr. Kailes para susuotin ko bukas. Nang makita ko ito, feeling ko isa akong ka-respe-respetong tao. Ganito napapanood ko sa mga drama. Para na rin akong negosyante pag suot ko ito.

"Sabay tayo mag-break at lunch nila Anthony." Sabi ko habang inaalis ang tag ng mga damit at nandoon pa ang presyo ng mga ito.

"Ang bait talaga ni Mr. Kailes sa atin. Pag maging mayaman rin ako tulad niya, tutulong din ako sa mga mahihirap. Idol ko na talaga siya." Nakangiting wika ni Pubg.

"Oh sya!" Tumayo ako sa pagkakaupo sa sahig."Ipa-plansya ko muna ito." Sabi ko at tumungo na sa kwarto ko dala ang mga damit."Matulog kana din deretsyo ah? Goodnight!"

"Goodnight, ate Beth!"

Pumasok na nga ako sa kwarto. Nilapag ko sa kama ang mga damit. Bago paman kunin ang plansya na tinago ko sa ibaba ng kama, naupo ako sa kama at kinuha ang frame na nakalapag sa night table. Tiningnan ko ang picture namin ni Ros na nilagay ko doon.

Dapat noon ko pa ginawa ito kaso ngayon ko lang naisipan ipa-develop ang picture namin ni Ros at ilagay sa frame. Pag may oras ako, bibili ako ng photo album. Ilalagay ko doon ang mga picture namin ni Ros na magkasama.

"Ros, kamusta kana? Marami kana bang kaibigan sa taas? Pakisabi naman kay God na sana okay ang araw ko bukas." Sabi ko habang kinakausap ang picture ni Ros."Oo nga pala, may inalok sa akin si Mr. Kailes na trabaho. Magiging isang assistant ako ng kapatid ni Mr. Kailes kaso nakalimutan ko itanong kung babae o lalaki ang magiging boss ko. Ingat ka palagi ah?" Madamdaming sabi ko. Dahan-dahan ko siniil ng halik ang litrato ni Ros pagkatapos ay binalik na ito sa kinalalagyan nito kanina na may ngiti sa mga labi.

Nakangiting tumayo na ako sa pagkakaupo at kinuha na ang plansya sa ibaba ng kama.

****

Naglalakad na ako dito sa hallway papunta sa office ng bago kong boss. Pagkakaalala ko na sinabi ng babae kanina sa ibaba, ang magiging office ng boss ko ay office ni Mr. Kailes. Alam ko saan kinaroroonan ng office ni Mr. Kailes kaya hindi na ako nagpasama papunta dito.

May nasasalubungan naman akong mga nagtatrabaho dito. Hindi ko maiwasang mahiya sa mga dito. Halos inaayos ko pa ang damit ko pag nakita kong nakatingin sila sa akin. Nag-aalala ako baka may dumi sa mukha ko o baka hindi bagay sa akin ang damit ko.

Siguro nga pinagtitinginan ako dahil sa sapatos ko. Wala naman kasi akong sandals o black shoes na ite-terno sa damit ko. Sneaker lamang meron ako. Siguro, nababaduyan sila sa porma ko dahil dito. Siguro, bibili na lamang ako ng sandals pag nakasahod na ako.

Nandito na ako sa harapan ng office. Humugot pa ko ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko sa sobrang kaba. Iwinaksi-waksi ko pa ang kamay ko para hindi ito manlamig. Sa totoo, kinakabahan ako ngayon. Humihiling ako na sana mabait ang boss ko.

Nang ready na ako, binuksan ko na nga ang pinto. Pagkabukas, nakita ko na lamang may lalaking nakatayo at nakatalikod. Nasa bulsa nito ang isang kamay nito at tindig pa lamang nito ay halatang negosyante na negosyante. May magandang katawan ito base sa kanyang likuran.

Lalaki pala ang boss ko...

Dahan-dahan na humarap na nga ito sa akin.

"Good morning, si---" yuyuko na sana ako nang hindi ko napatuloy ang pagbati ko dito.

Para akong nakakita ng multo nang makita ang mukha ng boss ko. Slow motion pa ang pangyayari na unti-unti itong humarap sa akin. Hindi mawala ang tingin ko sa mukha nito halos nanlalaki ang mata ako habang nakaawang ng bahagya ang bibig ko.

"Are you Miss Elizabeth Villatorte? My new secretary?" Panimulang tanong nito.

"Ros?" Sa wakas, saad ko.

Totoo ba itong nakikita ko? Guni-guni ba ito? Buhay si Ros? Si Ros ba ang lalaking nasa harapan ko?

To be continued...

Ano masasabi n'yo? Sa tingin n'yo ba si Ros ang nakita niya?
Abangan...

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

823K 16.9K 77
COMPLETED I'm Living with the arrogant and cold blooded king. --- Most impressive ranking; Rank 1 in maid category Rank 1 in exo category Rank 1 in...
277K 4K 49
The Billionaire's Heiress_ _Ice Alcantara is a normal working student. Has this bitter boss, expressionless professor, talkative classmate and a craz...
132K 2.9K 66
Note: ➡️ 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 [ 𝐉𝐮𝐥𝐲-𝟐𝟗-𝟐𝟎𝟐𝟏 ] ••• ⚖ ••• Palaban at matapang ang loob at handang ipagtanggol ang mga biktima sa ano man...
34.6K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...