Wild Heart (Eastwood Universi...

Bởi waurdltsj

396K 11.9K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... Xem Thêm

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 2

12.3K 311 28
Bởi waurdltsj

Maaga akong nagising para maghanda ng sarili papunta ng school. Ayoko kasing makausap ang kahit na sinong tao na nandito sa bahay dahil sa nangyari kagabi at ayoko din mapaiyak pag nag kwento ako. Automatic kasi na pag magku-kwento ako ng malungkot ay iiyak kaagad ako. 

Habang nag aayos ng mukha ay nakita ko kung gaano ka-itim ang ibaba ng aking mata dahil sa kulang sa tulog at kakaiyak kagabi. Agad akong naglagay ng light na make up para man lang ay matabunan ito at hindi na mag alala sila Adira. For sure kasi ay magtatanong ang mga 'yon kung bakit ganun ang mata ko at ayoko din naman sabihin sa kanila dahil nga ayoko rin naman maka perwisyo pa. Alam ko na may mga problema din sila at ayoko na makidagdag pa.

Napatingin ako sa relo na nasa aking wrist at nakita na 5:30 pa lang ng umaga. Madali kong kinuha ang bag sa lamesa at bumaba para umalis na. Sa cafeteria na lang ako kakain dahil ayoko na muna makausap sila Mama o kahit sino man sa kanila. 

Tagumpay akong nakalabas ng pintuan.

Unfortunately, my driver cannot drive me to school today dahil tauhan 'yon ni Mama, napunta lang 'yon dito pag nagtext si Mama para ihatid ako. No choice akong naglakad papalabas ng village para maghanap ng taxi. Hindi naman malayo ang entrance nito kaya hindi ako masyadong mapapagod sa paglalakad. 

I was patiently waiting for a taxi to come when I saw a very familiar sight, coming on my way. 'Yung babae na nakita ko kahapon.

She is, yet again, looking cool driving that bike, and she becomes more beautiful when she stops right in front of me, getting off her helmet on her head before looking at me with a calm expression.

Lalo akong napahanga ng makita na ang babae na 'yon ay walang iba kundi ang pinsan ni Adira.

Si Ate Sid?

"You might want to close your mouth, lady," rinig kong sambit nito sa malumanay na boses.

Bumalik naman ako sa ulirat ng marinig iyon at pasimpleng tumalikod para punasan ang kung ano man tumulo sa bibig ko. Shuta, nakakahiya lang.

Bumaling na ulit ako ng maramdaman na wala naman tumulo bago tumikhim. Umangat ang tingin ko sa babaeng kaharap ko at hindi ko alam kung tama ba ako sa nakita pero nakita ko na nakaangat ang isang gilid ng labi nito pero agad din nawala ng tumingin ako. 

Anyways, ang cool niya habang hawak ang helmet niya sa kaliwang kamay. 

"It's 5:30 in the morning," she uttered. Napatango naman ako at pinigilan ilabas ang mga sarkastikong namumuo sa isip ko.

Hindi man lingid sa kaniyang alam pero may orasan din ako sa akin at may cellphone pa. Alam ko kung anong oras ngayon, mga beh.

"I know," I blurted out, na hindi dapat as I saw how her eyes squints at my remarks.

"Kung alam mo, bakit nandito ka ng ganito kaaga? Your first subject starts at 9am," it seems like she's scolding me kaya napayuko ako. Parang ano naman, wala naman akong ginagawa.

Natigilan ako sa narinig. 

Bakit alam niya? 

Well, siguro nalaman niya lang kay Adira since same lang kami ng schedule. Yeah, that must be it.

"I know," narinig ko na ang pagsinghap nito sa inis kaya napakagat na ako ng labi. Yawa. Ano bang klaseng bibig 'to?

She took a deep breath, "It's still dark at this time, Dione. It's dangerous for a lady like you to stay here. What if---" napatigil ito sa kaniyang pagsasalita nang parang may napagtanto sa sarili.

She is scratching her head as if she said something wrong habang ako ay hinihintay lang ang susunod na sasabihin.

"Nevermind. Come," sabi nito at nilahad sa akin ang helmet na suot. Kunot noo ko lang tiningnan ito bago iangat ang tingin dito. Nakita ko na hinihintay nito na kunin ko ang helmet.

Nang makita na wala akong balak na kunin ang helmet ay umalis ito sa pagkakaupo sa motor niya at lumapit sa akin bago siya na ang nagsuot mismo sa akin ng helmet habang nagsasalita.

"We're grabbing breakfast. I know you're not yet eating and I am too," she said bago tapikin ang taas ng helmet.

Sumakay na ito sa motor habang nakalahad ang braso para makasakay na ako.

Ini-start na nito ang motor ng may mapagtanto ako. Wala siyang suot na helmet.

"How about you po?" Tanong nito kaya napatigil ito sa ginagawa at hinintay ang aking sasabihin.

"Hmm?"

Pinilig ko ang aking ulo para balewalain ang kung ano anong nangyari sa aking tiyan. Magrambulan ba naman ang mga bulate doon.

"Wala kang suot na helmet." I said in a statement. Napatango ito bago inayos ang posture dahil mukhang magsisimula na siya mag drive.

Mukhang hindi niya sasagutin 'yung tanong ko kaya napasimangot na lang ako at humawak sa likod ng motor.

Habang inaayos ang sarili ay narinig ko ang saglit na pagtawa nito.

"Are you sure you're going to hold on to that thing?"

Napakunot naman ang aking noo bago tumango. Wala naman akong ibang paghahawakan kundi 'yon e.

"Yes."

She sighs, annoyed bago bumaling na sa harap."Fine. Suit yourself," medyo mataray na asik nito at biglang pinaandar ang motor pero tinigil din agad kaya bigla akong mapayakap sa bewang nito ng dahil sa takot.

"Gago, potangina," bulong ko habang nakapikit, walang paki kung nakayakap na ako dito o hindi.

"Language, Dione," sabi nito sa mababang boses, "I've asked you if you're ready, and you said yes, but it seems like you're not." dagdag nito sa mababa pa rin na boses. 

Gago ba siya? Malay ko ba na agad siyang aandar tapos titigil din agad. Tama ba 'yon?

"Sorry," I uttered. She just sighs before turning on her motorcycle once again.

Akmang hahawak na ulit ako sa likod ng maramdaman ko na ang palad nito sa aking kamay at mas hinigpitan ang aking pagkakayakap sa kaniyang bewang.

Nang mapagtagumpayan niya na gawin iyon, she gave me a sideway glance, "Hold onto me," she whispers bago tumingin na sa harap.

Bago pa niya simulan ang pagd-drive ay nagsalita pa ako.

"Hindi ka ba talaga mag he-helmet?"

"It's fine," she uttered. Napatango na lang ako kahit na nag aalala. Baka kasi mahuli siya dahil wala siyang suot na helmet. Mahigpit pa naman dito.

"Your safety is my priority, and it'd be my fault if something happened to you. Now, hold onto me, as I'm not going to be able to catch you."










"Do you want a heavy meal or just light?" Tanong nito habang nakatingin sa menu na nasa taas ng counter. Tumingin lang naman din ako doom habang nag iisip.

Kasalukuyan kaming nasa isang karenderya malapit lang sa aming university. Dito na lang namin napagpasyahan para hindi kami abutin ng traffic. For sure kasi pag sa mall ay aabutin kami doon at ayoko din naman ma-late.

Masarap din naman ang mga pagkain dito sa karenderya ni Aling Josie. Halos suki niya nga ang lahat ng estudyante na napunta dito dahil bet na bet daw talaga nila 'yung luto lalo na ang sinigang nila.

Usually, ang mga napunta dito ay mga college students since 'yung building nila ang pinakamalapit dito.

"O, Sidra! Ang aga mo!" Bati ng isang tauhan ata ni Aling Josie dito. Ngumiti naman ang aking kasama at binalingan na ako ng tingin.

"Have you chosen?" She asked kaya napatango na ako, "Okay. What is it?"

"Tapsilog? Is that r-right?" Medyo alanganin kong saad kaya tumango ito. 'Yon kasi pinakamura kaya 'yon na lang pipiliin ko.

Okay, people. Alam kong hindi ako ganito um-order pag sila Adira ang manlilibre but si Ate Sid kasi 'yan at ngayon lang kami nag usap talaga. Nakakahiya naman kung bigla bigla akong feeling close sa kaniya at kumain ng parang timang sa harap niya.

"How about drinks?"

"Just water."

Tumango ito at bumaling sa tindera, "2 tapsilog and a coffee," mukha kasing nagbibigay talaga sila ng water doon sa table kaya 'di na niya sinabi.

She looked at me, "Choose a table for us. I'll wait for our food." She said kaya tumango na ako bago maghanap ng mauupuan.

Nakita ko naman ang isang lamesa na hindi occupied na malapit lang sa bintana ng karenderya. Agad agad akong pumunta doon at umupo.

I'm just watching the whole scenery outside hanggang sa magsawa ako at ang tiningnan ko naman ay ang babaeng kasama ko na matiyagang naghihintay sa may counter.

She has her back on us with both of her hands in her pocket on the black trousers that she's wearing.

She's in a whole black outfit today: black polo long sleeves, black trousers, and black Oxford shoes. Hindi naman halata na favorite niya ang black.

It's just a simple outfit at nakatayo lang siya doon and yet lahat ng tao na nandito ay nakukuhanan niya ng atensyon. No wonder, she is named as the most beautiful among the Tuazon cousins, she has that aura kasi.

Napaayos ako ng upo nang makita na papunta na ito sa aking pwesto habang dala dala ang tray na laman ay ang pagkain namin.

Again, nakatutok sa kaniya ang lahat ng atensyon ng tao dito pero parang wala lang sa kaniya iyon at kalmado lang na naglakad papunta sa akin.

"Here's your tapsilog." She uttered at nilagay ang plato ko sa aking harap. Nag-thank you naman ako dito bago punasan ng tissue ang gagamitin na kutsara.

"Eat now," she said kaya kumain na agad ako dahil kanina pa talaga nakulo ang aking tiyan sa gutom. Sus!

"Slowly, Dione. Walang humahabol sa 'yo," sabi niya nang mapansin na sobrang bilis ko sa pagkain. Ngumiti lang naman ako at binagalan na ang pagkain.

Nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya. Jusko, kahiya.

Tahimik lang naman kaming kumakain at tanging kubyertos lang ang rinig sa pagitan namin. Maingay na rin sa loob ng karenderya dahil medyo dumarating na ang mga estudyante sa Eastwood galing sa iba't ibanf program. Halos lahat nga sila ay binabati ang aking kasama. Forda sikat ang person, ang shala!

"Quit staring at people and continue eating," biglang saad nito kaya agad akong bumalik sa pagkain. Medyo tumalim kasi ang tingin nito sa akin sa hindi malaman na dahilan e wala naman akong ginagawa.

"Are you coming to my Dad's birthday?" She ask habang ang tingin ay nasa pagkain.

Kumunot ang aking noo bago mapailing dahil wala naman nag i-invite sa akin, malay ko ba doon.

"Hindi po ata," sabi ko na lang bago uminom ng tubig. She nodded her head bago sumimsim sa kape.

"Your parents are invited, though," sambit pa nito dahilan ng pag angat ko ng tingin dito. She is just looking outside as if that's the most interesting in this world.

"Are you coming with them?" Tanong nito at tumingin na sa aking mga mata.

Nagulat ako sa naramdaman na pagtaas ng aking balahibo habang tinitingnan iyon. She is looking at me intently, and it looks like she can read what's on my mind by just looking at my eyes.

"I w-will... if they ask me," sabi ko na lang at iniwas ang tingin dito. Masyadong nakakapanlambot ang mga tingin niya lalo na ang mata niya. Hindi ko kinakaya.

"Good." She smirk pero nawala din agad at tumingin na muli sa labas. Katahimikan na muli ang namayani sa amin.

Nakain pa rin kasi ako hanggang ngayon habang siya ay kinakalikot na ang cellphone habang nakakunot ang noo.

Maya maya ay tumingin siya sa akin ng may mapagtanto. "Right..."

"You enrolled in an engineering course, right?" Tanong nito kaya nagulat ako dahil paano niya alam. "I--- Ahm... heard from Adira na kaklase mo siya but nakita kasi kita nung enrollment na sa engineering ka nag enroll."

Napatango ako bago mapangiti ng pilit sa kaniya. "I guess change of heart?" Sabi ko at tumawa ng maliit pero hindi ito natawa at tiningnan lamang ako ng mariin, parang nagsusuri.

I got conscious kaya napayuko at nanahimik na lang.

Napatingin ako sa aking relo at nakita na 8am na. Kumunot ang aking noo nang may mapagtanto.

As far as I know, maaga ang pasok nila kaya nagtataka na ako kung bakit pa siya nandito. Wala ba siyang pasok?

"Wala po ba kayong pasok?" Tanong ko, na dahilan ng pag angat ng tingin nito sa akin.

She shake her head as an answer, "I have. I still have 30 minutes," sabi nito matapos tingnan ang wrist watch. Napatango ako.

"Una ka na," sabi ko dito pero umiling lang siya.

"No," she said bago humalukipkip at nilagay na lang ang cellphone sa lamesa.

Nagkibit balikat na lang ako at mas binilisan pa ang pagkain. Baka naghihintay na sila Adira sa akin at ayoko rin naman ma-late. Takot ko na lang kay Miss Ferrucci.

Uminom na ako ng tubig at tumayo na para sana bayaran  na ang pagkain nang magsalita ito.

"Where are you going?"

"Magbabayad tapos diretso na ng universiry," sabi ko kaya tumayo na ito habang hawak ang bag at sinukbit sa balikat.

"No need to pay. I already done that," she uttered at nauna na lumabas. Nanlalaki ang mata na tiningnan ko ito.

Hala!

"Bakit mo binayaran?" Hindi makapaniwala kong tanong kaya tumingin ito sa akin ng kunot ang noo.

"Hindi tayo makakalabas kung hindi natin babayaran, Dione," may halong inis na saad nito pero napairap lang ako dito dahilan ng pagtalim ng tingin nito sa akin. Napaatras ako.

"What I mean is, kaya ko naman bayaran 'yung akin e," sabi ko sa kabila ng kaba na nararamdaman. She quints her eyes before taking a step forward. Muli akong napaatras.

"Why is that such a big deal?" Tanong nito at tumigil sa paglakad, "I already paid for it, wala ka nang magagawa."

"Nahihiya lang naman ako," sabi ko sa maliit na boses. Okay, ngayon lang talaga ako nahiya. Kasi naman! Si Sidra Exie 'yan e!

"Don't. It's also a thank you kasi sinamahan mo ko. It's unusual for me to be with someone while eating," sabi nito na nagpataka sa akin.

Unusual? Meaning, wala pa siyang nakakasabay sa pagkain kahit minsan? Bakit?

Curious man ay hindi na ako nagtanong pa dahil baka masabihan pa ako nito na napaka chismosa ko, which is medyo totoo. Medyo lang kasi hindi naman talaga ako chismosa. It's just that curious lang talaga ako sa nangyari at hindi ako nakakatulog minsan pag ganon. Hindi natatahimik ang diwa ko.

So, yeah. Chismosa nga ako.

Fine.

"How long are you going to stand there?" Sigaw nito dahil nandoon na siya sa motor niya at nakasakay na habang hawak pa rin ang helmet.

Tumakbo ako papunta dito at agad na kinuha ang helmet at ako na mismo nagsuot sa sarili. Aba, sobra na ata pag siya pa pinagsuot ko.

Sumakay na rin ako at yumakap sa likod nito ng hindi pinapansin ang pagdaloy kuryente sa buo kong pagkatao. Shuta talaga.

"Ready?" Tumango ako, "Hold on tight." Dagdag nito bago ipasibat papunta sa main gate ng university.











Nandito na ako ngayon sa university as of eight-thirty ng umaga. After rin na maihatid ako ni Ate Sid ay umalis na rin agad ito dahil male-late na raw siya. Hinayaan ko na lang ito at hindi hinayaan na hindi makapagpasalamat dito.

Dumadating na rin ang mga estudyante at kaniya kaniya na naman na kwentuhan ang bawat isa. Somehow, parang hindi kumpleto ang araw nila ng walang kwento sa isa't isa.

Maya maya ay natanaw ko si Kale na nakaupo sa bench habang nakikinig ng music at nakatingala. Nakapikit pa ito at bahagyang nag h-head bang para madama ang kanta. 

At dahil isa ako sa mga anak ni Lucifer ay kumuha ako ng damo sa baba para ipasok sa ilong nito, in that case, sisiponin siya at makakaganti na ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan nung ginawa niya sa akin 'to kaya gaganti lang ako. 

Nang makalapit ay ngumisi ako at unti unting ipinasok ang damo sa ilong nito. Nakita ko kung paano mag salubong ang kilay nito at dali daling tinanggal ang earphone sa dalawang tainga at bumahing. Tuluyan na akong humagalpak ng tawa ng makita ang mukha nito tuwing babahing siya, na siya naman dahilan ng pag sama ng tingin nito sa akin. Patuloy lang naman ako pagtawa at hindi pinapansin ang mga tingin niya. 

"O, masaya ka na? Nananahimik 'yung tao dito tapos mang t-trip ka?" Inis nitong saad habang masama pa rin ang tingin sa akin. Kumalma na naman ang aking tawa pero hindi pa rin maalis ang nang aasar na tingin dito.

"Gumanti lang ako, 'no!" Sabi ko at naupo sa tabi nito. Bumaling ako ng dito ng may ngiti pa rin sa may labi. 

"Bakit hindi ka pa kasi pumasok sa room at doon matulog?" Sabi ko at sumandal sa kinauupuan. Nilagay ko ang aking bag sa aking lap para ipang takip sa aking hita. 

"Walang tao at nakakatakot doon." Sabi lang nito at muling kinalikot ang cellphone bago muling tumingin sa akin. 

"Wala pa ba si Adira?" Tanong nito na nagpangisi sa aking isipan. Agang aga hanap agad si Adira. Tsk, down bad. 

"May nakita ka bang Adira dito at saka duh? Late lagi ang babaeng 'yon. Tingnan mo kahapon." Tukoy ko sa nangyari kahapon kung saan pinag ayos kami ng office ng aming adviser at tumawa ng mahina. Naramdaman ko naman na tumititig lang sa akin si Kale kaya tiningnan ko ito at pumilit ng tawa. "What?"

He looked at me, intently, "How are things at home, Dione?" Mahina nitong tanong.

Natigilan naman ako sa sinabi nito at ang ngiti ay nawala sa aking labi. Loneliness started to creep into my system once again as I recall what happened last night at what was supposed to be dinner. I chuckled humorlessly before looking out of nowhere.

Kale is the only one who knows how things are at home and my relationship with my parents. Nalaman niya iyon noong bumisita siya minsan sa bahay namin nung nakaraan at naabutan niya kami ng aking magulang na nagsisigawan sa loob ng bahay.

Muntik na nga siya pagbuhatan ng kamay ni Dad dahil sa biglaang pag aabala nito, buti na lang mabilis ko itong naitulak papalabas at doon ko na kwento ang mga ganap sa akin. Nakinig lang naman ito sa akin at ni-comfort ako. I was very thankful to him that day because that day is really bad for me. 

"We had dinner yesterday." Sabi ko at ngumiti ng mapait na maalala na naman ang nangyari kagabi. Kale just looked at me, waiting for me to tell him more, so I lean on the bench and look up at the sky, unabling my tears to fall out this time.

"Really? That's great then!" Maligaya nitong saad kaya muli akong ngumiti ng mapait. 

"Yeah, if someone didn't ruin it." Sabi ko at napayuko bago mapahinga ng malalim. Tears are threatening to fall yet I didn't let it fall. Pagod na ako magpunas ng luha. 

"Oh." He just said and sat there, quietly, "Do you wanna tell me what happened or we're just going to sit here quietly?" Tanong nito kaya agad akong natawa sabay iling sa sinabi nito. 

"Upo na lang tayo," sabi ko ng natatawa habang nailing iling. Tahimik lang naman namin pinapanood ang mga estudyante na naglalakad sa university ng magsalita ulit ako, "Saka, ayokong umiyak dito sa university, Kale." Dagdag ko at tumayo na sa kinauupuan. Nakatingin lang naman sa akin si Kale ng naaawa kaya napailing ako at iniwas ang tingin dito. 

That's what I don't want to see or get from someone: sympathy.

"Let's go. I don't really want to be late on my second day. Yesterday is enough." Pag aya ko dito at nauna ng maglakad papuntang classroom namin.












Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom ni Kale habang nakatunganga lang. Wala din naman kasi aking magagawa pag ginamit ko ang aking cellphone dahil wala naman ako doon na pagkakaabalahan.

Yes, maaga kami ngayon dahil walang nag add sa akin sa gc kagabi na binagl daw ang schedule at 9:30 na daw simula ng klase. Mga yawa.

Maya maya ay narinig namin ang pagbukas ng pinto at bumungad doon si Adira, na fresh na fresh!

Sana all talaga. Agad itong ngumiti sa amin kaya itong katabi ko ay napamura na dahilan naman ng aking pagtawa sa aking isipan. Down bad talaga. 

"Aga ah!" Pagbati ni Adira sa amin at umupo sa aking tabi. Nagpanggap akong buryong buryo at ngumiwi.

"Ayokong ma-late, beh. Nakakapagod isipin na nandoon ako sa detention room ng walang ginagawa." Sabi ko bago ibusangot ang mukha ng maalala ang mga sinabi ni Ms. Ferrucci kahapon. 

Natawa naman si Adira sa aking sinabi bago mapailing at nanahimik na habang nakatingin sa labas. Ganiyan lagi 'yan pagdating niya sa classroom, manonood ng scenery sa labas. 

Maya maya lang din ay pumasok na sa aming classroom ang istriktong professor namin at agad na tiningnan kami ng malamig. I can feel the shivers, myghad! 

Nakita ko naman na nakanganga lang si Adira na nakatingin dito kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon at inasar ito na dahilan ng pamumula ng mukha nito. Tsk, tsk, sabi ko na nga ba, babae ang nais nito. 

Matapos ko itong asarin ay siya rin naman pagsisimula ni Ma'am sa klase kaya nakinig na kami dito ng tahimik. Takot na lang namin na pagalitan nito.

Nagpatuloy ang araw ko sa school na puro pakikinig lang ng mga gagawin namin this school year at kung ano ano. Second day lang naman kaya ganiyan. Papunta pa lang daw kami sa exciting part, na for sure ay hindi exciting dahil stress ang aabutin namin doon. Sus!









Nakarating na ako sa bahay namin na ngayon ay tahimik. Siguro ay wala dito ang aking mga magulang at baka ay nasa mga trabaho nila. Napa buntong hininga ako at pagod na binuksan ang pinto. Buti naman at wala sila ngayon dahil ayoko sa lahat ay confrontation. 

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang pigura ni Manang na nag aayos ng hapag at nakalagay na ang pagkain sa lamesa. Ngumiti ito ng makita na nandito na ako sa loob. Ngumiti rin naman ako at lumapit dito.

"Nandito ka na pala. Kumain ka na habang mainit pa 'yan. Hindi na masarap iyan kung mamaya ka pa kakain kaya sige." Sabi nito ng nakangiti at sinandukan na ako ng pagkain sa plato.

Agad naman akong umupo sa lagi kong inuupuan sa hapag at agad na kumain. Ramdam ko lang naman ang panonood sa akin ni Manang kaya nginitian ko ito at nag thumbs up. As expected kay Manang, masarap lagi ang luto. 

"Iwan na muna kita, anak at may gagawin pa ako. Kain ka lang diyan." Sabi nito at umalis na ng makita na tumango ako dito. Masaya akong kumain dahil napaka sarap ng luto ni Manang. My parents would love this if they here.

Nang maisip ang aking mga magulang ay agad akong napatigil sa aking pagkain. Napangiti ako ng mapait at tiningnan ang tapat at tabi ng aking upuan kung saan doon lagi naupo sila Mom and Dad. Mayroong plato na nakalagay doon at kumpleto din ang utensils. Mukhang ine-expect ni Manang na sabay na kakain kami nila Dad considering that we had dinner last night. Maybe, she expects na magsusunod sunod iyon pero no, mali sila ng in-expect. 

Dahil sa aking naiisip ay napasandal ako sa aking kinauupuan at doon na nagsimula ang pagtulo ng aking luha. Grabeng pagkalungkot at pangungulila ko sa aking mga magulang. I miss having dinner with them.

But I guess that would become difficult for a family that is now slowly falling apart.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

251K 5.2K 37
What if you meet the right person but not in the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, star...
288K 11.6K 46
WARNING: MATURE CONTENT | R-18 | SPG (BxB) Kyle Xerxez Moriz isn't rich nor famous. He is just a man who want's to have a good future for his family...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
896K 29.7K 52
Prof x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #...