LIVING WITH MY EX

Von Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... Mehr

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Twenty

161 30 0
Von Thaeryzxia

Agad na tumayo si Ashna at hinila yung matanda papuntang back door.

"Shit kapag nalaman ni Karic ang existence mo di ka na maarawan bukas." Napakunot noo yung matanda pero wala itong nagawa ng utusan na ni Ashna yung mga katulong na palabasin na yung matanda.

Nang makabalik si Ashna agad na naglagay ito ng alcohol sa kamay.

"H-hey." Shit ba't nautal ako? Para namang nagtago ako ng kabit ko, ew! Saan galing ang word na yun?

"Hey, Why you look so tense?" Tanong nito at nilapitan ako. Napatingin ako kay Ashna pero umexit na ito.

"Anong tense? Pinagsasabi mo dyan, kumakain kami ni Ashna ng breakfast dito eh ikaw? Bakit ka bumalik may naiwan ka ba?" Tanong ko at umupo ulit.

"Yeah just some papers." Sabi nito at hinalikan ako sa noo bago umalis.

"Grabe yung kaba ko kanina girl akala ko okay lang pero nung narinig ko yung boses ni Karic." Napailing ito at uminom ng juice. Nandito kami ngayon sa gilid ng pool dahil gusto daw nyang maligo.

"Kasalanan mo bakit mo pa kasi binigay yung adress." Inis kong sabi.

"Kasi naman para tumigil na sya kakaligaw sayo kapag nakita nya si Karic, yun pala maling ideya iyon. Kanina ko lang narealize. Kasi naman yang si Karic ikaw agad hinahanap kapag umuuwi yan dito. Wala naman syang kailangan sayo pero kung makasigaw kanina"

"Delikado talaga ang matandang yun kapag nalaman ni Karic na pinopormahan ka nya."

"Don't worry pagsasabihan ko ang guard ng village na to para di na sya makapasok."

"Hello everyone!" Napalingon ako at nakitang papalapit si Veyra na maraming dala na paper bags.

"What the fuck nagshopping kana!?" Umahon ito sa tubig at agad na kinuha ang mga paper bags na dala ni Veyra.

"Napadaan lang kami ni Dyson pero may mga nakita akong nagustuhan ko kaya binili ko na." Ngumiti ito kay Ashna pero inirapan lang ito ng kapatid.

"Eh ikaw bakit basang basa ka. Akala ko ba magsho-shopping kayong dalawa?" Tanong ni Veyra at umupo sa tabi ko.

"Nakita mo namang kakagaling ko lang pool tapos magtatanong ka kung bakit basang basa ako? Ano naiwan ba yung utak mo sa mall?"

"Gusto daw muna nyang magrelax bago magshopping at baka pangit ang mabili nyang mga damit at bags."

"Relax? Stress ka ba sis?" Tanong ni Veyra at nakiinom sa juice ni Ashna.

"Wag ka ng magtanong, magpapalit lang ako at magsho-shopping na tayo."

"What!? Kakashopping ko lang" Hindi sya pinansin ni Ashna kaya napasimangot ito.

"Araw araw kayo nagwawaldas ng pera bakit di kayo magdonate sa mga charity o kaya pumunta kayong mga bahay ampunan at magdala ng mga pagkain." Sabi ko at nakikipili rin ng mga damit.

"Oh yes, I remember." Napatingin ako kay Veyra. "Bumibisita kami sa bahay ampunan tuwing December para mamigay ng regalo." Nanlaki ang mata ni Ashna at napatakip ng bibig.

"Shocks! Di pa ako nakakabili ng mga regalo. Oh no tatlo ba ang pupuntahan natin?" Nagkibit balikat si Veyra at may tiningnan sa phone nya.

"Hindi ko alam kay Alius. Bakit di mo sya tanungin." Sabi nito habang may katext sa phone.

"Oh magkasama silang tatlo ngayon. Wala ba silang mga trabaho?" Sabi ni Veyra at pinatingin sa amin ang convo nila ni Dyson.

"Parang ang dalas na nilang magkasama no?" Sabi ko. Napatingin ang dalawa sa akin na para bang nagjoke ako.

"Malamang sis kasi magbestfriend silang tatlo i mean apat. Matagal ng magkaibigan yang si Dyson at Karic, tapos naging tropa lang si Alius at Rius ng maging boyfriend ni—" napatigil ito at napatikhim. Napatingin ako kay Ashna at blanko lang ang expression nito na para bang walang narinig.

"Back to the topic na nga, anong petsa ba tayo bibisita sa mga bahay ampunan?" Tanong ni Veyra.

"Tanungin mo yung tatlo." Sabi ni Ashna at ngumuso sa labas. Napalingon kami at nakitang naglalakad nga ang tatlo papasok sa boutique kung nasaan kami ngayon.

Narinig ko ang mahinang tili ng mga empleyado ng makapasok ang tatlo pero agad ring nawala ng dumiretso sila sa pwesto namin.

"Hey." Bati ni Karic at binigyan ako ng magaang halik sa labi ganun din ang ginawa ni Dyson. Nanlaki ang mata ko ng halikan rin ni Alius Si Ashna.

"Fuck you!" Napangiwi ako ng hampasin ito ni Ashna ng hanger na nakuha nya sa sa tabi.

"Fuck! Sorry akala ko kasi required eh." Napataas ako ng kilay dahil parang sinadya  nya iyon. Napakunot rin ng noo si Veyra at may binulong kay Dyson. Napangisi lang ito at hindi sumagot.

"Alam nyu may alam akong bilhan ng nga damit na mura lang marami pa kayong pagpipilian." Sabi ko.

"Pass." Agad na sabi ni Ashna.
"Ayaw nya sa mura sis." Bulong ni Veyra sa akin.

"Hindi naman para sayo, ipapamigay natin sa bahay ampunan, yung 100k nyu isang damit lang mabibili pero doon marami ka ng mabibili. Hindi lang naman pagkain ang pwede nyung ibigay sa bata pwede rin naman damit."

"Paano kung di magkasya sa kanila?" Tanong ni Ashna.

"Sa dami nila doon may magkakasya talaga yan o kaya kung ayaw nila pwede namang ibigay natin sa mga nasalanta ng bagyo."

"Wala namang bagyo na nangyare." Nalabuntong hininga ako at kinalma ang sarili ko na wag sabunutan si Ashna.

"Di ka sure, nanonood ka ba ng balita?"

"No." Kita mo na, ang babaeng to ang sarap putulan ng dila.

Sa huli sumama pa rin naman sila ng pumayag si Karic. "Bantayan nyu yung mga bag at wallet nyu baka pagkalabas natin dito wala na rin kayong damit."

"What?" Nakakunot noong tanong ni Veyra.

"Magnanakaw. Marami sila dito." Napaawang ang labi nila kaya natawa ako.

"So many." Komento ni Veyra ng makita ang mga bilihin.

"Zertyl look it's a sunflower dress!" Napangiwi ako sa pinakita ni Ashna at inilingan ito.

"What? I thought you like sunflowers?" Nagtatakang tanong nito.

"Yes, but the flower only not the design please lalo na sa mga damit."

"What? Ang weird mo, yung mga notebook mo nga noon sunflower design eh." Hindi ko sya pinansin at dumiretso ako sa damit ng nga pambata.

"Bibili ho kayo Mam 500 ho yung terno." Napataas ako ng kilay sa sinabi ng ale.

"500!?" Hindi ito nakasagot dahil busy ito sa kakasurvey sa mga kasama ko.

"That's 500 pesos? Wow really?" Naamaze na tanong ni Ashna.

"200 lang to wag mo kong pinagloloko ate." Sabi ko.

"I think 500 is enough let's buy it." Umiling ako kay Veyra at binitawan yung damit.

"Wag na sa iba na lang tayo." Masungit kong sabi.
"M-mam 300 na lang po." Umirap ako at umalis na doon.

Naglibot kami roon at sa tuwing pinapataasan ng sobra ng mga tindera yung mga damit umaalis agad kami.

"Nasaan na ba yung boys, kainis naman magbitbit nito." Reklamo ni Ashna ng makalabas kami.

"Kumain na muna tayo." Sabi ko ng may nakitang nagtitinda ng street foods sa gilid.

"Where? Wala naman akong may nakikitang restaurant o fastfood dito eh." Tinuro ko yung tinda ni kuya kaya napakunot sila ng noo.

Lumapit kami doon at sabay pa silang napangiwi ng makita yung tinda.

"Ew it looks dirty." Nanlaki ang mata ko at siniko si Ashna. Napatingin ako doon sa kuya at mukhang di naman nya narinig.

"Safe ba yan? Look yung mantika mukhang 20 times ng nagamit." Natawa ako sa sinabi ni Veyra.

"That's normal. Try nyu kasi puro kay reklamo hindi nyu pa nga natitikman." Sabi ko at tumusok ng fishball at pinatikim sa kanila.

"Oh sheezz.... I like the sauce." Maarteng sabi ni Ashna. Natawa ako at talagang sauce pa ang napansin.

Napalingon ako ng makita yung tatlo na kakalabas lang sa divisoria. Kinawayan ko ang mga ito at si Alius ang unang nakapansin sa amin.

"Ano yan?" Tanong ni Dyson ng makalapit sa amin.

"Here love try this." Sinubuan ito ni Veyra ng kwek kwek. Ng matikman nito nagthumbs up ito kay kuya at nakikain na rin.

"Anong mukha yan?" Tanong ko ng makita ang masungit nitong mukha.

"Nawala phone nya hahaha...!" Tuwang tuwa pa si Alius.

"Phone lang pala. Okay lang yan wala ka namang proper phone I mean lahat naman tayo." Sabi ni Veyra. Except me. Well okay lang naman na mawala phone nila since wala naman importanteng files ang naroon but they have a device kung saan pwedeng tumawag kapag may emergency sa mga missions nila.

"Di nyu nahabol?" Tanong ko.
"Nahabol tapos binigyan pa nya ng pera hahahaha...." malakas na tumawa si Dyson pero nabitin iyon ng tignan sya ng masama ni Karic kaya nabilaunan ito.

"What? Why?" Naguguluhang tanong ni Veyra. Napatingin ako kay Karic na yumakap sa akin.

"Kamukha ni Zertyl yung lalaki eh." Natatawang sagot ni Alius. Nanlaki ang mata ko at nilingon si Karic na nakayakap mula sa likod ko.

"Really? How old is he?" Tanong ni Ashna.
"Bata pa! Mukhang di pa tuli." Walang sense na sagot ni Alius.

"Ilang taon nga!?" Inis na tanong ni Ashna.
"Tangina di ko alam. Hindi ko naman kilala yun. Anong gusto mo mag-interview kami?" Napailing ako ng sapukin ito ni Ashna.

Pagkatapos naming kumain umuwi na kami para magwrap ng mga regalo.

"Mama! Daddy! Food!?" Patay gutom ata tong anak ko. Natawa si Karic at binuhat si Aera at hinalikan sa pisngi.

"Pumunta kaming divisoria kaya walang pagkain. Ang dami ng pagkain dito, bakit ka pa maghahanap sa tuwing umuuwi kami." Napalabi ito.

"Para lang po may matanong." Napailing ako at dumiretso sa salas.

Umupo ako sa sahig na sinunod naman ng iba.

"Wow so many clothes Mama! Akin po ba to ." Sabi nito at sinukat yung isang dress.

"No, don't wear it maldita that's cheap." Oa na sambit ni Ashna at kinuha kay Aera yung dress.

"Ang arte mo yun rin naman ang sinusuot ni Aera dati. Mga mura lang."

"Dati pa naman, iba na ngayon." Masungit nitong sagot.

"Wala kang klase ngayon baby?" Tanong ni Alius na nakahiga sa sofa sa likod ni Ashna.

"Wala po pumunta daw po kasi ng states yung teacher ko para magcelebrate ng pasko."

"Talaga!? Excited naman ata sya november pa lang ngayon. Lumipad na agad papuntang states? Tamad yang teacher mo baby, di bale na pagbalik nya dito ako ang kakarate sa kanya." Biro ni Dyson.

"Like this po?" Natawa ako ng sinipa ni Aera si Dyson. Nagulat ito at di agad nakaiwas kaya natumba ito kahit nakaupo naman sya. Napahagikgik si Aera at tumakbo sa ama.

"Oh god you're so weak! Ayoko na sayo." Biro ni Veyra.

"Gagi bro wala ka pala eh." Tuwang tuwa si Alius at pabirong sinunod ang ginawa ni Aera. Gulat pa rin si Dyson ag di makapaniwalang tinignan si Aera.

"Did you just kick me?" Nagtago si Aera sa likod ng ama ng akmang aatakehin ito ni Dyson. Napatili ito ng maabot ni Dyson ang paa nya.

"That's enough." Kj na saway ni Karic. Tinapunan ko ito ng damit sa mukha na ikinasama ng tingin sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Hoy ikaw tumulong ka rito!" Tinapunan nito si Alius ng isang plastic na puno ng damit. Nagulat si Alius na kakahiga pa lang ulit sa sofa.

"I want to help too!" Sigaw ni Aera at kumuha ng gunting at wrapper.

"No, don't hold this again." Saway ni Karic at kinuha ang gunting sa kamay ni Aera.

"Can I give my toys too daddy? I have a lot, maybe gusto rin nila ng toys kasi po noon gustong gusto ko rin pero walang money si Mama." Napatingin silang lahat sa akin.

"Pasensya kana baby may pustahan kasi eh." Sarkastikong sabi ni Ashna. Inirapan ko lang ito at di na nagsalita.

Gabi na kami ng nakatapos dahil puro sila kalokohan. Pagkatapos nilang maghapunan, nag inuman pa ang mga gunggong kaya hindi na sila nakauwi.

"Good morning Sunshine!" Pagkalabas ko ng kwarto boses agad ni Ashna ang narinig ko na kakalabas lang rin ng guest room.

"Hi so pretty naman!" Napataas ako ng kilay sa sinabi nito. Bakit parang wala ito sa katinuan.

"Char! Naniwala naman kaagad, by the way anong breakfast?"

"Sige tanungin mo ako, kakagising ko lang rin kasi tapos di pa ako nakakababa kaya alam ko kung anong breakfast." Sarkastikong sagot ko. Natawa lang ito at nauna ng bumaba.

"Hey morning. Anong breakfast?" Napalingon ako kay Veyra na kakalabas lang rin ng guest room. Napakamot ako ng ulo at nilagpasan ito.

"Dito na lang kaya kayo tumira." Sabi ko ng makitang kumakain na sila ng breakfast.

"Pwede?" Walang hiyang tanong ni Ashna. Inismiran ko ito at nagtimpla ng kape.

"Good morning po Mam ito na po yung list ng kailangang bilhin." Magalang na sabi.

"Ano yan?" Tanong ni Veyra at lumapit sa akin.

"Groceries. Ako na ang maggro-grocery since marami silang ginagawa dito at saka yung grocery natin last time hindi natuloy."

"Sama ako!"
"No." Agad na sagot ko.
"Of course kasama rin ako." Napabuntong hininga ako ng magsalita rin si Ashna.

Wala akong nagawa at ngayon nandito nga kaming tatlo sa harap ng SM. Araw araw na ata kaming magkasama, sawa na ako sa pagmumukha nila. Hindi ko alam pero habang tumatagal ng tumatagal nagiging komportable na ako sa kanila. Kahit na gaano sila kayaman parang di ako kakaiba sa kanila.

"Kay aga aga beer agad." Ngumiti lang sila at nilagay iyon sa sariling cart. Kumuha rin sila ng cart para may groceries rin daw sila.

"Ilagay mo sa ibabaw para kung may biglang sumugod na naman hampasin mo na lang ng beer."

"Oo ihanda mo sarili mo kasi ikaw lang ang nakalugay ang buhok." Sabi ni Ashna. Nanlaki ang mata ni Veyra at napahawak sa buhok. Pareho kasing nakabun ang buhok namin ni Ashna.

"Sa gitna ak—" napatigil ito ng may nakita sa likuran namin. Napalingon rin tuloy ako pero isang lalaki lang naman ang naroon.

"Oh ano? Ex mo?" Tanong ni Ashna. Napalingon sa amin yung lalaki at napakunot ng noo at tumalikod ulit. Hindi ko alam kung anong pinipili nito dahil medyo malayo sya sa amin.

"Gaga ako pa talaga? Nilandi mo yan noon diba? Tangina ang gwapo gwapo na nya ngayon! Mukhang model sis. Ang tangkad!" Hinila ko ang dalawa sa malayo kasi napalingon ulit sa amin yung lalaki.

"Sana nilakasan mo pa boses mo halata kasing pinaparinig mo talaga." Sarcastic kong sabi.

"Gaga ang gwapo kasi." Kinikilig nitong sabi habang si Ashna nakakunot ang noo at inaalala kung sino ba nilandi nya.

"Nilandi ko?" Tanong nito at tinuro ang sarili. "Hindi ko nga kilala yun. Kung ganun kagwapo sana di ko na pinakawalan." Hinampas ni Veyra si Ashna sa balikat.

"Gaga hindi mo naalala si Gulf?" Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig.

"Si Gulf yun!?" Gulat kong tanong. Kinikilig na ngumiti si Veyra at ilang ulit na tumango.

"Fuck shit!" Mura ni Ashna at babalik sana doon ng pigilan namin ito.

"Bitawan nyu ko lalandiin ko lang ulit baka bumigay na." Natawa ako at hinampas ito.

"Paunahan tayo Sis." Excited na sambit ni Veyra.

"Gaga my Dyson kana. Ibigay mo na sa akin single naman ako eh."

"Pero kung si Gulf lang naman, ibabalik ko na lang si loves sa states." Mas lalo akong natawa sa usapan nila. Mukhang mag aaway pa ang mga gaga.

"Malay nyu ako ang gusto." Biro ko. Sabay pang lumingon ang dalawa sa akin.

"Sige kung makakaahon ka sa pagmamahal ni Karic." Napataas ako ng kilay. Excuse me, Ako?

"Puntahan nyu na lang." Sabi ko na lang at tumalikod. Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok ng puso ko. Napakagat ako ng labi at nilibang ang sarili ko sa pagpili ng mga gulay habang inaantay yung dalawa.

"Oh anyare?" Tanong ko ng nakasimangot na bumalik yung dalawa.

"May boyfriend." Napakunot ako ng noo dahil hindi ko maintindihan ang sinabi nito.

"Sino? Ikaw?"

"Gaga si Gulf may boyfriend." Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatawa ng malakas.

"Tangina ang nakakabwisit pa gwapo rin yung boylet!" Inis na sabi ni Ashna.

Napailing ako ng tinapos namin yung paggro-grocery na badtrip ang dalawa.

"Ano ba yung nagustuhan mo kay Gulf noon? Grabe yung tinangkad nya no? Hanggang balikat lang nya si Ashna kaya nga di na ako masyadong lumapit baka di rin ako mapansin kasi ang liit ko na kapag tumabi pa ako sa kanila."

"Yung nose nya girl, grabe nakakaattract lalo na ngayon. Kaya lang taken na Sis." Disappointed na sabi ni Ashna

"Marinig sana kayo ni Alius at Dyson." Agad na naningkit ang mata ni Ashna sa akin.

"Saan galing yan? Kadiri ka." Natawa si Veyra at pabirong binunggo ang balikat ni Ashna.

"Badtrip yan?" Nakangising pangbwi-bwisit ni Veyra dito.

"Gago tigilan nyu ko." Natawa ako ng naunang naglakad ito paalis.

"Halatang halata ang gaga. Wala ka naman sinabi tungkol sa kanila, sabi mo lang naman na baka marinig." Natatawang sabi ni Veyra.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

9.6K 61 40
Bakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?
1.2M 44.6K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
463 91 32
Do you believe in love? Do you believe that when your heart beats for someone, you can do nothing without following it? Meet Lovely, a woman who doe...
2.2K 51 34
itong istoryang ito ay hango sa kantang Simula pa nung una ni Patch Quiwa 😊 dalawang magkaibigan na naging mag-ka-ibigan I know na sobrang common...