The King's only daughter

sxaynrdra tarafından

350 25 12

'A lost life is a start of a new beginning. A beginning that we never know how it ends.' Status: On-going Dat... Daha Fazla

Prologue
#1
#2
#3
#4
#5
#6
#8

#7

31 1 0
sxaynrdra tarafından

Chapter Seven

-

Samantha

Tirik na tirik ang araw kaya tagaktak ang pawis ko. Pinunasan ko ulit ang noo ko gamit ang likod ng palad ko habang di inaalis ang tingin sa kanya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong mahabang stick at sumugod sa kanya na siyang nailagan niya agad pero di ako tumigil sa pag atake.

Tatamaan sana ako ng atake niya ng kaagad akong nakailag at tumalon palayo. Naging maayos ang pag landing ko ng bigla akong may narinig na umubo sa likod ko.

Nilingon ko ito at nakita si Erlyiea na pinupunasan ang mukha niya.

"Oh emgee girl yung damo napunta sa bibig ko." maarte niyang sabi at inirapan ako. Nakaupo pala sila dalawa ni Cendrix dun at kumakain.

"Talaga naman, sa lahat ng lugar na pipiliin niyong magdate dito pa talaga." sabi ko pero inirapan niya lang. Naku kung di lang talaga kami nagkasundo nung isang araw kanina ko pa nadukot mata niya.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng may mangyare sa hospital. Pagkabalik ko sa clone ay bigla itong nagkabasg basag sa mga parte kung saan ako nasugatan lalo na sa tyan. Nagkaaron yun ng malaking crack kaya kailangan nila akong dalhin sa hotel at ayusin.

May underground laboratory pala dun sa hotel kung saan nila ginagawa ang clone, at di lang yun ang natuklasan ko.

/* Flashback

"May sira siya, yung maliliit na crack madali lang namang ayusin pero yung crack sa tyan ay kailangan talagang sa lab ayusin." Sabi ni Elizabeth habang ineexamine ang katawan ko.

Tumango lang ang papa ni Jhaviel na nakatayo sa likuran niya at tumingin sa akin.

"Can you remember his face Samantha?" tanong niya sa akin. Napapapikit ako inalala ang hitsura nung lalaki, "It's fine if you can't."

"He looks like a fish with a human body. He has fins behind his neck pero pang tao yung kamay niya, may tahi sa siya sa banadang right side ng mukha niya. Malaki ang katawan, he has sharp teeth na parang sa isang shark, as for the other features di ko na matandaan dahil sa sobrang dilim." sagot ko at tumango lang siya at napaisip.

"Can my ghost form be seen in the dark?" biglang tanong ko kaya napakunot noo si Elizabeth habang inaayos ang chamber ko.

"No, why do you ask?" sagot niya pabalik.

"Nakita kasi ako nila mama habang nakikipaglaban ako, I think it was because of the pin na nakita ko sa castle." nagtinginan naman sila sa isa't isa dahil sa sinabi ko.

"How did you do that by the way? Yung pag ilaw ng pin nung hawak mo?" tanong ni Mr. CEO, I forgot his name, I'm bad with names.

"Hindi ko po alam, bigla nalang po siyang umilaw pagkapatay nung kuryente sa hospital, bago lumabas yung lalaki." sagot ko.

Nanumbalik ulit ang katahimikan sa aming tatlo habang tinutulak ni Elizabeth ang kabaong ko- I dont know what its called- palabas ng kwarto. Di daw ako pwedeng gumalaw kasi baka mas lalong lumala ang crack sa tyan ko.

"He wanted to kill me." biglaang sabi ko.

"They might have found out that you're the summoned warrior kaya ka nila tinatarget." sagot ni Elizabeth habang tahimik lang na nakikinig si Mr. CEO.

"No, it was something else." sagot niya at huminto sa paglalakad. Napahinto rin kami ni Elizabeth at tiningnan siya. Nakatayo lang siya dun at nakatingin sa labas na malalim ang iniisip.

"His name was Destro." sabi ko kaya napatingin sila sa akin, "There was another guy that time pero nung panghuli na siya nagpakita. He called the guy Destro. He has a scar on his left face and has a big body. Dagdag pa niya may namumukhaan siya sa amin ni kuya kaya niya kami kinaiinisan." sabi ko na nagpatingin sa kanya sa akin.

Ilang sandali pa ay bigla niyang binaba ang kamay na nasa baba niya at tumingin kay Elizabeth. Napatingin din ako kay Elizabeth pati kay Mr.CEO, I still cant remember his name.

"Can you bring her to the lab yourself? I have to go somewhere." Sabi niya at tumango lang naman si Elizabeth. Tumango lang siya sa akin at naglakad na paalis.

Ilang sandali pa pagkatapos niyang umalis ay may naririnig kaming ingay mula sa malapit na hagdan. Habang papalapit kami ay nagiging pamilyar ang mga ingay na naririnig naming.

"I mean seriously, paano niya mapapailaw yung pin kung hindi siya related kay King Acvell?" Rinig kong sabi ni Erlyiea. Ako ba pinag uusapan nila?

"Ly, it wasnt proven na may naging anak si King Acvell. The only relative na alam natin na meron siya ngayon ay ang current royal family, wala ng iba." Sagot ni Cendrix pabalik, parang may pinag-uusapan silang involve ako.

"Thats enough, lets not talk about that for now." Sagot ng isa na obviously si Jhaviel. Siya lang naman kilala kong englishero dito kahit nasa Pilipinas siya.

"Naririnig ko kayo". Biglaang sabi ko kasi nasa may dulo na din naman kami ng hagdan. Napatingin silang tatlo sakin at nagulat ako ng biglang lumapit si Erlyiea sakin. Hinawakan niya ako sa balikat ko at sinuri ng mabuti.

"Oh my g, youre fine. Akala ko talaga malala nangyare sayo." Sabi niya. Kailan pa nagging mabait to? Parang nung nakaraan lang iniirapan niya ako sa tuwing nagkakatinginan kami. Nabagok bato?

"Im actually not fine Erlyiea." Sagot ko pabalik at pinakita sa kanya ang tyan ko. Nanglaki naman ang mata niya at napaatras. All three of them stood there shock seeing the big crack on my stomach. The blue energies were leaking out of it kaya agad kong tinakpan ng damit ko, Im starting to fell dizzy. "Elizabeth nahihilo na ako." Mahinang bulong ko na narinig niya naman agad. Pinatabi niya agad ang tatlo at may pinindot sa wheelchair ko kaya naramdaman kong lumutang ito.

"Where are you taking her Eli?" rinig kong tanong ni Cendrix. I almost forgot his there.

"Sa lab." Simpleng sagot ni Elizabeth na naglalakd ng mabilis, I need to hurry shes losing too much energy. Sabi niya ulit. I can feel my breath getting heavy, nagiging malabo na din ang paningin ko at nagsisimula ng manghina pandinig ko. "Stay conscious Sam, hindi natin alam mangyayare if ever mawalan ka ng malay."

I was staying conscious as much as I can but I feel like something was pulling me to close my eyes. Something or someone was telling to sleep. Nararamdaman kong sobrang pagod ko even though this is not my actual body.

It suddenly went dark around me at pakiramdam ko lumulutang ako. I tried looking around but all I can see is darkness. I felt fine, parang Nawala yung pagod na nararamdaman ko kanina.

"So its you, the one destined to stop me." Rinig kong boses. A big dark figure stood up behind me kaya lumingon ako. It was something big with big glowing red eyes, Im infront of a monster myself. Hindi ako makagalaw, I feel my knees tremble. This is not a normal person, it looks like one but something tells me it isnt. "Lets see how will you stop something big, little butterfly." Sabi niya at tumawa ng malakas. Napaatras ako dahil sa takot, hindi ako nainform na ganito kalaki ang makakalaban ko. Anong laban ng isang maliit na tulad ko dito? Napatakip ako ng tenga sa lakas ng tawa niya, para bang patagal ng patagal palakas ng palakas tawa niya. Nakakasakit sa tenga.

"Tama na! Tumahimik kana!" sigaw ko habang nakatakip sa tenga ko. Napaupo na rin ako sa sobrang sakit ng tenga ko. Para sinisira ang loob ng tenga kosa lakas ng tawa niya.

"Samantha!" nagising ako sa isang malakas na sigaw at tapik sa mukha ko. Nagising ako bigla habang humihingal. Pinagpapawisan din ako na di naman nangyayare kasi di ko naman totoong katawan.

Napatingin ako sa mga nakapalibot sa akin at nakita silang nakatingin sa akin. Nasa loob kami ng isang van at si Elizabeth ang nagmamaneho. Nakapalibot sa akin sina Erlyiea, Cendrix at Jhaviel na nakaupo sa right side ko. Nakatingin sila sa akin na para bang binabangungot ako.

"Why are you sweating? Youre not supposed to be sweating." Biglang sabi ni Jhaviel. Napatingin naman ako sa sarili ko at nakitang pinagpapawisan nga ako. Di ako nakasagot dahil wala talaga akong lakas para magsalita. Losing big amount of energy takes a toll on me, since its the only thing making me alive.

Pumikit ulit ako at nagising din agad ng maramdaman kong huminto ang sasakyan. Napadilat ulit ako at nakitang inaalis na nila ang wheelchair sa van. And as usual, nakapikit ulit ako kas inga manika ako para sa ibang tao. Ilang minute din akong nakapiki, pabor din sakn to kasi wala talag akong lakas kahit dumilat man lang. nagging literal na manika ang katawan ko.

Nang maramdaman kong gumalaw na ang whellchair na inuupan ko ay dumilat ako ng kunti. Bumngad ang nakakasilaw na paligid, maraming taong nakaputing coat at may mga katawan akong nakikita sa loob ng mga malalaking test tubes. They doesnt look like a clone to me.

"They were the first summoned warriors before you, hindi naging compatible ang mga kaluluwa nila sa clone na ginagamit nila. Their clone bodies eventually shutted down leaving their souls to get lost." Rinig kong sabi ni Jhaviel, napansin niya yatang nakatingin ako sa mga yun. "The clone body you're using connects your soul to your actual body. The moment na may mangyareng masama sa clone body mo it'll take a toll to your soul. Pag namatay ka sa clone body mo you'll eventually die while your real body is in a coma."

"So its very important that you always take care. Mag-iingat sa paligid mo, as much as possible wag kang lumabas ng bahay ng di ako kasama." Pahabol niya pa pero tumango lang ako.

Ilang sandali pa ay biglang nagkagulo ang lahat ng biglang isa sa mga katawan na nasa test tubes ay biglang nagising at gumalaw, pinagkakalampag niya ang test tube mula sa loob kaya agad nilang inalis ang tubig. Agad nagtakbuhan ang ilang tao papalapit dun at nilabas yung babae habang binabalutan nila ng tuwalya, she was naked.

"She doesnt have a butterfly bracelet. Paano siya nakabalik?" rinig kong tanong ni Cendrix. Napatingin ako sa kamay niya at nakitang wala nga siya nung bracelet. Napatingin din ako sa mukha niya na natatakpan ng basang buhok niya at nakitang nakatingin din siya sa akin. Nagulat ako ng bigla siyang gumapang papalapit sa akin at lumuhod sa harap ko habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko kaya nagtaka ako.

"Princess, please help us. We need you." Bulong niya bago nahimatay. Kinarga siya ng isang doctor dun at dinala kung saan. Lumapit din sa amin si Elizabeth na isa sa mga lumapit sa babae kanina.

"Eli paano siya nakabalik? She doesnt have the butterfly bracelet." Tanong ni Erlyiea na siyang nagtutulak na ngayon ng wheelchair ko dahil umalis bigla si Jhaviel at pumunta kung saan.

"She wasn't a summoned warrior. Shes King Acvells general, the strongest female general he ever had. Rumors says that she was King Acvells lover. She was put here for observation because she was in a deep sleep for more than a hundred years." Paliwanag niya. "Stop here." Sabi niya at huminto kami sa harap ng pinto. Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang isang maliwanag na kwarto.

Bubuhatin na sana ako ni Cendix ng biglang sumulpot si Jhaviel, saan nanggaling ang isang to? Winakli niya si Cendrix at binuhat ako. Napasimangot naan si Cendrix dahil sa pagwakli ni Jhaviel.

"Wala namang aagaw." Rinig kong bulong ni Cendrix. Hiniga niya ako ng dahan dahan sa isang hospital bed at unti-unti ko ng naramdaman ang antok.

"You can sleep now. This might take a couple of days to finish, you can visit your body for the mean time, well let Jhaviel fetch you up when its done." Rinig kong sabi ni Elizabeth kaya tumango lang ako. Pinindot ko ang butterfly bracelet bago tuluyang nakatulog. And as usual kadiliman ang unang sumalubong sa akin.

"Ma, naniniwala ka bang si Samantha yung nakita natin nung isang araw?" rinig kong tanong ni kuya kay mama na nagbabalat ng apple. Saan niya nakuha yan? Bigay siguro ng mga kaklase kong bumibisita din sa sakin minsan. Nagtataka pa nga rin ako bakit ang ganda ng kwarto ko dito, di rin daw sila Jhaviel ang nag-provide ne'to kasi baka malaman ng mga kalaban nila kung sino ang summoned warrior at baka mapahamak pa daw ang katawan ko if ever. You can't trust anyone around you, hindi mo alam your closest friend is actually a betrayer.

"Hmm, hindi ako sigurado." Sabi niya at binigay ang apple na binabalatan niya kanina kay Kuya pero nilagay niya lang ulit sa plato yun, ignorante talaga. "Buhay pa naman kapatid mo imposibleng multo niya yung nakita natin." Omsim ka diyan ma. Kung ano anong tanong binabato ni kuya sa kanya ng biglang umilaw ang bracelet sa kamay ko, bakit na naman to? May kalaban na naman ba?

"It's time to go home Sam, you're fixed already." Rinig kong boses mula sa bracelet sa kamay ko. Bumaba ako sa pagkakalutang at naglalakad palapit sa pinto di ko na binuksan lulusot din naman ako. As expected he was there standing outside my room with his usual bored face and uncombed hair. Mas mayaman kesa sa amin pero mas mukha pang sabog kesa kay kuya. He looked at me at magsasalita na sana ng bigla ko siyang pinatahimik.

"It'll be weird seeing someone as handsome as you talking to himself." Sabi ko, napakunot naman siya ng noo dahil sa sinabi ko. Umayos siya ng tayo at biglang nilusot ang kamay niya sa pader. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"I won't go out physically if you're in that form." Sagot niya at tumitig sakin kaya napaiwas ako ng tingin. "So you think I'm handsome huh?" nang-aasarpa niyang pahabol. Why did I even say that?

"That was a joke, I wasn't serious." Sagot ko. Staying with them for almost a month ay nahahawa na ako sa kaka english nila. If my brother would be hearing us right now he would be laughing his butt off and cringing at the same rime.

"That wasn't obviously a joke, wag kang in-denial." Sabi niya kaya umirap nalang ako.

"Gwapo ka nga mas mukha ka namang sabog kesa sa kuya ko." Sagot ko pabalik na nginitian niya lang. Umalis din naman kami dun after seconds of fighting about useless shits.

/* End of flashback

That's what basically happened. What did I find out? Just the fact that King Acvell's royal general was at the lab for more than a hundred years. She said her soul has been wandering throughout those years finding a way to return to her body. Hindi niya nga rin daw alam na ilang taon na ang lumpias after she was under that spell. She also mistook me for a royal member na buhay nong time na yun kaya niya nasabi yun, but something else was telling me it wasnt the reason but never mind.

"Focus Samantha. Hindi kalaban mo ang mag-aadjust at hihintayin kang bumalik sa huwisiyo mo if you're pre-occupied in a battlefield." Rinig kong sabi niya. She's training me after finding out I'm the summoned warrior. She was also informed about the upcoming apocalypse and she didn't like hearing it. "It's the apocalypse you're facing Samantha. That monster took thousands of life 100 years ago." Sabi niya.

"I know pero it's almost an hour, hanggang isang oras lang po ako pwedeng mag train. The clone's not fully healed yet." Sabi ko. Napatingin naman siya sa phone niya, she's still weirded out by the phone.

"I still want to train." Sabi niya at bumuntong hininga. "Whos willing to spar with me?" tanong niya sa dalawang nagdedate sa likod ko.

"I'm not a sword user." Sagot ni Cendrix.

"I don't want to sweat a lot." Sabi naman ng isa. Napailing nalang ako habang tinitingnan silang dalawa na umiinom ng kape, Filipino nga naman. Init init nagkakape. Ilang sandali pa ay may biglang may nagsalita. Nilingon ko ito at nakita si Jhaviel na isa pang may hawak na baso ng kape.

"I can train with you if you like." Sabi niya at humigop sa baso ng kape niya. Napailing nalang ako lumapit sa mesa kung saan nakalagay yung tumbler ko.

"Nah, last time I was having a training with your dad I almost died." Sabi niya na nagpatigil sa ginagawa namin. Napatingin kaming lahat sa kanya kaya nagtaka siya. "Oh, you didnt know?"

"Is there something we need to know?" tanong ni Jhaviel at binaba ang hawak na baso sa mesa. Umupo siya sa kaharap na upuan ko at tumingin kay Sabrina. Napalunok naman si Sabrina at ngumiti ng pakla bago biglang tumakbo ng mabilis palabas. As expected from a royal general, hindi namin halos makita ang galaw niya.

Napabuntong hininga nalang si Jhaviel at tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa pagtingin niya. Ano na naman bang kailangan ne'to?

"I'm bored. Samahan moko sa mall." Sabi niya at agad na tumayo. Ganito pala mabored mga mayayaman pumupuntang mall? Ako kasi sa kwarto sabay nood at tulog.

"Oh mall, sama!" rinig kong sigaw ni Erlyiea at tumayo sa pagkakaupo nila ni Cendrix sa damuhan, mistulang may picnic na naganap sa ginagawa nila. Kape nga lang iniinom.

"Mag mall kayo ng inyo." Sabi niya kaya napasimangot ang gaga at tumingin sakin. Okay? Am I supposed to do something? “Magbihis kana dun.” Sabi niya sa akin. Umiling naman ako kaya kinunutan niya ako ng noo. His face was asking me why.

"Puro dress nasa cabinet ko. Everyone here is actually treating me like a doll, naiinitan ako sa mga damit na yun. It feels uncomfortable." Sagot ko at tumayo. Total naka longsleeves at skinny jeans na rin naman ako ito nalang isusuot ko paalis.

"Then lets buy you a new one. I told my sister to stop putting those dress in your cabinet but she throws a tantrums at me." Sagot niya kaya napatango ako. May naramdaman naman akong mga tingin mula sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ang dalawa na may nagmamakaawang mukha.

"Isabay nalang natin tong dalawa dito. Nakaka-awa naman tong mga aso mo." Sabi ko kaya sinamaan ako ng tingin nung dalawa. Napabuntong hininga naman si Jhaviel at pumayag nalang kaya nagtakbuhan palabas ang mag jowa. Hindi ba nakakapag date itong dalawang to ng walang permiso ni Jhaviel?

Napailing nalang ako at sumunod sa kanila. Nakasalubong ko ang bunsong kapatid ni Jhaviel na nakasilip sakin. Narinig niya siguro pagrereklamo ko sa mga damit na nilalagay niya sa closet ko, well Im not here to be her plaything after all.

"Narinig mo yung sinabi ko?" tanong ko na tinanguan niya lang. Napatango din naman ako at pinantayan ang height niya. "I'm sorry but its making me uncomfortable and also Im not summoned to be your plaything. Sabi ko." Napahikbi naman siya at tumakbo palayo. Now I've done it.

"Why would you say that?" rinig kong boses ko kaya nilingon koto. Nakita ko si Jhaviel na nakakunot noong nakatingin sakin. Tumayo ako at inayos ang suot kong damit.

"I was being honest. Hindi naman pwedeng mag sinungaling ka sa bata hanggat gusto mo." Sagot ko pabalik.

"You're clearly aware na masasaktan siya sa sasabihin mo right?"

"I do, and I don't care." Nilagpasan ko lang siya at naunang maglakad palabas.

"I won't buy you anything today Samantha!" rinig kong sigaw niya na di ko pinansin. Okay lang binigyan naman ako ng tatay niya ng credit card incase may gusto daw akong bilhin para sa sarili ko. Masyado akong spoiled dito na hindi naman nila dapat ginagawa.

Nadaanan ko pa si Sabrina na hawak yung librong nakuha ko sa palasyo, it was a book with a butterfy engraved at the middle of the cover. Nakalimutan kong babasahin ko pa pala dapat yun kung ano man laman nun kasama nung isang librong nakuha ko din dun sa secret library.

Nakita ko siyang parang naiiyak habang hawak hawak yung libro. Napalingon naman ako ng makitang papalapit si Jhaviel.

"What is that book all about? Di ko pa kasi nababasa yan." Tanong ko habang nakatingin sa hawak na libro ni Sabrina. Napatingin naman siya dun.

"You still won't be able to read it. Only those royal blooded mages can only read that book." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin yun. Royal blooded?

"You mean to say parang spell book yan?" Tiningnan niya naman ako na parang ang weirdo ko dahil sa tanong ko. Anong masama sa tanong ko?

"Anong parang? Tanga ka ba? Spell book talaga yan, tabi nga dyan ang laki mong harang." Sabi niya at tinulak ako paalis sa harap niya. Aba.

"Ang laki ng bahay nila dito talaga siya dadaan sa kinatatayuan ko, siraulo ampota." Bulong ko at sumunod nalang sa kanya. Tumutuwid talaga tagalog niya pag naiinis.

Naabutan ko siyang nakatayo sa labas ng kotse niya habang nakasimangot. Init init na nga ng panahon mainit pa ulo neto.

"Tinutunganga mo dyan? Sumakay kana."Sabi niya pero inirapan ko lang siya.

"No thanks."Sabi ko at dumiretso sa motor na bigay sa akin ng tatay niya. Hindi naman daw sa kanya talaga galing tong motor pero inisip ko nalang na sa kanya kasi wala naman akong ibang kilalang magbibigay sakin ng ganito kagandang motor.

"Naks gara ng motor ah, saang nakaw galing yan Sam?" rinig kong tanong Cendrix pero nagkibit balikat lang ako.

"Hindi ko alam. Pinapabigay lang ng papa ni Jhaviel, bigay daw para sakin ng hindi ko kilala." Sagot ko at sinuot ang helmet. Nagulat ako ng biglang may naglabasang mga salita pagkasuot ko ng helmet. "Ano to?"

"Bakit? May naglalabasan mga image katulad nong kay Iron Man pagkasuot mo ng helmet?" rinig kong tanong niya, maririnig talaga yung excitement sa boses niya. Tinanggal ko ang helmet at tinignan siya. Nakangiti pa yung gago.

"Meron nga."Sagot ko at bigla namang kuminang ang mata niya, napailing nalang si Erlyiea at napairap sa naging reaksyon niya. Samantalang yung isa nanatiling nakabusangot habang nakatingin sa amin.

Bigla niyang hinablot ang helmet sa kamay ko at sinuot habang tumatalon. Nagtaka ako ng tumigil siya sa pagkakatalon pagka suot niya ng helmet, hinubad niya ulit ito at tiningnan ako ng nakasimangot. "Wala naman Sam eh." Sabi niya kaya napatawa ako ng mahina.

"Uto uto ka naman. Akin na nga yan." Binawi ko sa kamay niya yung helmet at nakita ulit yung mga nakasulat dun. It says go here in capslock habang may pinapakitang mapa na biglang lumalaki pag tinitingnan ko. "Sumakay na kayo sa sasakyan niyo, sunod ako."

Hinila naman siya ni Erlyiea na natatawa rin dahil mukhang iiyak na si Cendrix sa itsura niya, di ko alam ba't di niya nakita mga nakita ko dito. May nakita akong close this for now na nakalagay sa taas kaya tiningnan ko'to at nawala din naman yung mga yun. Naririnig ko na yung busina ng mga sasakyan nila kaya binuhay ko na yung makina ng motor ko. Oo ko kasi akin naman daw to eh, buti nalang marunong akong magmaneho ng motor.

Tahimik lang akong nagmamaneho kasi di naman ako ganon kabilis magmaneho ng motor, kaya ko naman bilisan yung pagpapatakbo ko kaso natatakot ako. Biglang nag red light kaya huminto ako. Tinitingnan ko lang ang mga taong napapadaan ng makita ko ang girlfriend ni kuya na may kasamang ibang lalaki na halatang hindi niya kapatid, kasi wala naman siyang kapatid na lalaki sa pagkakaala ko. I stalked her and looked for her family background, paano ko nagawa yun? I hacked our school files. Oo masama yun but I was doing it for my brothers own good, I don't like her in the first place kahit gaano pa siya maging mabait sakin something's telling me not to trust her. Pumasok sila sa isang coffe shop habang nagtatawanan. Does my brother know about this?

Agad ko din namang binuhay ang makina ng motor ko ng makitang nag greenlight ito. Ilang sandaling pagmamaneho pa ay nakarating na din kami sa mall. Naunang bumama si Jhaviel sa sasakyan at sumunod ang dalawa. Nakita kong si Erlyiea ang nagmaneho ng sasakyan ni cendrix kasi umiiyak daw yung gago sa pang-uuto ko kanina. Di ko naman kasalanang di niya nakikita yung nakikita ko sa loob ng helmet. For my eyes only lang siguro yun.

Una naming pinuntahan ay yung mga damit kasi nga papalitan ko yung mga damit na nasa cabinet ko. Kasama ko si Erlyiea sa ladies area kasi gusto niya din daw bumili ng mga bagong dress, she's too girly and its making me somewhat awkward. Kaya kong magsuot ng dress pero siguro hanggang limang minuto lang and then after that gusto ko ng mamatay pag tumagal pa ako ng isang oras sa damit na yun. Nagbangayan pa yung dalawa kanina kasi ang dami niya na nga daw mga damit gusto niya parin daw bumili ng bago, yung ibang mga damit nga daw ni Erlyiea eh nasa bahay na nila Cendrix, may sariling kwarto na nga daw siya dun eh. Wow.

"You're buying all of that?" Rinig kong tanong ni Erlyiea habang nakatingin sa hawak kong mga shorts, jeans at tshirts. May pandidiri din sa mukha niya habang nakatigin sa hawak ko, aba pinandididrian niya mga damit na hawak ko eh branded lahat ng to siraulo. "Wala kang bibilhing dress? Or something casual?"

"Kailangan ko ba nun?" tanong ko pabalik habang nagtitingin ulit ng mga bagong damit. Nakasunod naman siya sa akin kasabay nung saleslady na dala dala ang mga damit na binili niya. "Bat di mo na icheck out yang pinili mo? Nahihirapan na sayo yung tao." Sabi ko kaya napasulyap naman siya sa nakasunod sa kanyang babaeng nakasilip nalang mula sa likuran ng gabundok niyang mga damit.

"Ate you can bring those to the counter, I'll be there in a minute." Sabi niya sa babae at dahan dahan naman itong naglakad paalis, muntik pang may mahulog na isang damit. "Wag mong hahayaang may mahulog na isa dyan ate." Dugtong niya pa kaya napairap nalang ako. Spoiled brat.

Nang mahanap ko na ang gusto kong shirt ay dumiretso na ako sa counter, and guess what? Hindi parin sila tapos icheck out yung mga pinamili ni Erlyiea. Mukhang matatagalan pa kami dito, di lang pa naman kami yung mga bumibili. Nakatayo sa tabi ng counter ang dalawang lalaki na sirang sira ang mga itsura. Napapahimas nalang si Cendrix sa mukha niya sa nakikita niyang dami ng damit ni Erlyiea.

Lumapit ako sa kanila at nilagay ng maayos sa sa kabilang counter yung mga pinamili ko. Limang shorts na pambahay, limang t-shirt at jeans lang naman yung binili ko.

"What are you going to pay for that?" tanong ni Jhaviel na nakatayo sa tabi ko. Nilabas ko naman ang card na binigay sa akin ng papa niya mula sa bulsa ko. Nanlaki naman ang mata niya ng makitang black card yung nilabas ko. "He never gaved me a black card tapos ikaw bibigyan niya?"

"Hindi naman daw to galing sa kanya eh may nagpapabigay lang din daw." Sagot ko. Bigla niya namang hinablot to at tiningnan ito ng mabuti. Nagtaka naman ako sa ginawa niya at kinuha ulit yun dahil naghihintay na yung cashier sa counter.

Binigay ko ito sa kanya ng bigla siyang napatingin sakin. "Sandali lang po maam." Sabi niya at umalis. Ilang sandali pa ay bumalik siyang may kasamang babae. May nakalagay na manager sa pin na nasa damit niya. Pareho silang sumusulyap sa akin kaya nagtataka ako. May problema ba sa card ko?

"Saan niya kamo nakuha yung card na binigay niya sayo?" napalingon naman ako ng bigla akong tinanong ni Jhaviel. Nakatayo na siya sa likuran ko kasama nila Erlyiea at Cendrix na nagtataka rin kung bakit natagalan ako sa pagbabayad.

"Hindi ko alam. Wala naman siyang sinabing pangalan kung kanino galing basta tanggapin ko nalang daw." Sagot ko pabalik. Ilang sandali pa ay may nagsidatingan ang mga security guard sa loob ng shop at pinalibutan ako. Naging alarma ang tatlo at muntik na nilang ilabas mga kapangyarihan nila ng pinigilan ko sila agad.

"Pasensya na po ma'am but we need to clarify if kayo po ba ang may ari ng card. So for the mean time sumama po muna kayo sa security, they'll keep you detained hangang sa ma-clarify po namin na kayo po talaga may-ari ng card." Sabi nung manager kaya agad akong hinawakan ng mga security at kakaladkarin sana ng bigla silang pigilan ni Jhaviel.

"No need to hold me, hindi ako tatakas. You would be dead if you hurt me." Sabi ko kaya agad din silang bumitaw. Nararamdaman ko ang sama ng tingin ni Jhaviel habang papalayo kami.

They brought me in their office at pinaupo lang ako sa harap ng round table nila na puro kalat. Inabutan ako ng isang matandang may malaking tyan ng isang baso ng juice at dalawang piraso ng tinapay.

"Relax ka lang iha, ilalabas ka din namin pag okay na lahat. Pasensya kana makalat." Sabi niya habang nakangiti ng pakla. Napatango naman ako sa kanya habang pinapanood siyang inaalis ang mga kalat sa mesa. Puro gabundok na papel ang nakikita ko at mga damit na nakasampay kung saan.

Biglang tumunog ang cellphone ko at binuksan ito. Nakita kong may text message mula kay Jhaviel. Bakit ba grabe mag-alala tong isang to? Para namang if ever may gusto siya sa akin eh may pag-asa siya sakin.

He was asking if I'm fine kaya sinagot ko na oo. Binuksan ko ang data at bumungad sa akin ang maraming chat message mula sa group chat namin. Napailing nalang ako at kumuha ng litrato ng pandesal at kape na nasa mesa ko. Tinabi ko yung kape kasi di naman ako nagkakape. Napansin yata yun ng isang security kaya inabutan niya ako ng softdrinks.

Nanonood lang ako ng mga kung ano ano sa tiktok dahil sa sobrang bored ko ng biglang bumukas ang pinto ng office. May pumasok na babaeng kasing edad lang siguro ni mama. Mahaba ang kulot niyang buhok na umaabot hanggang bewang. Nakasuot siya ng blue na coat at white polo pati black slacks with her black high heels.

Tumitingin siya sa loob na para bang may hinahanap, biglang napahinto ang tingin niya sa akin kaya napa upo ako ng maayos. May sumulpot bigla na lalaki sa likod niya na nakasuot ng black na tuxedo, butler ba siya? Teka. Bakit parang nakita ko na siya?

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatayo sa harap ko yung babae. Nanlaki ang mata ko at inilabas yung nakuha kong hologram mula dun sa secret library na napasukan namin dun sa palasyo nung nakulong kami ng buong araw.

Pinindot ko ito at lumabas ulit yung mukha nya, as usual sinabi niya ulit yung sinabi niya nung una ko itong makita. Napatingin sila sa akin pareho at nagulat ako ng bigla itong hinablot ng babae mula sa akin, tiningnan niya lang ako at naglakad palakad. Aba.

Tumayo ako at sinundan siya di naman ako pinigilan ng security kaya pwede na siguro ako lumabas. Hinablot ko ang kamay niya at tiningnan siya ng masama.

"I don't know who the fuck you are but that is mine." Sabi ko at kinuha sa kamay niya yung hologram na nakita ko. Inirapan niya lang ako at binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko, binaba niya ang shades niya at tiningnan ako sa mata. Napansin kong nagiging asul ito kaya nagtataka ako.

Nanatiling nakatitig sa akin ang mga asul niyang mata ng isang minuto bago siya lumayo ng kunti at nangunot ang noo, pinaggagawa neto?

"Weirdo." Bulong ko at nilagpasan siya ng makita sila Jhaviel kasama ang papa niya at si Elizabeth at Sabrina na tumitingin sa paligid, bat siya andito?

Lumapit ako sa kanila ng bigla na namang sumulpot sa tabi ko yung babae kanina na nakatingin parin sa akin. Bigla niya akong pinaharap sa kanya at tinitigan ulit habang nagiging asul ang mga mata niya.

"Ikaw na naman? Ano bang kailangan mo?" Tanong ko at nilayo ng konti ang mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko at tumingin sa mga kasama ko. Pipi ba'to? Bat puro lang siya tingin? Napatingin naman ako sa mga bagong dating na tao at nakita ang mga bagong dating.

"Where is she?"  rinig kong taong nung matandang babae. Nakasuot siya ng kulay red na coat at may mga kasamang mga naka tuxedo at shades. Anong gimic to? Napatingin sa akin ang papa ni jhaviel at tumingin dun sa babae.

"She's right here your highness." Sabi niya at yumuko ng kunti. Your highness? Royal blood ba siya? Napayuko naman ako ng kunti ng makita siyang napatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng mabuti. Napalunok naman ako dahil sa ginagawa niyang pagtingin. I feel anxious I don't know why, maybe because I'm in front of a royal blood.

"Is she a clone?" rinig kong tanong niya. Napatingin naman silang lahat sa paligid dahil sa sinabi niya. She's not supposed to say anything about that in publc. May lumapit sa kanyang isang guard at may binulong, napansin kong biglang namutla ang mukha niya at napalunok ng laway.

"Sumama kana muna sa amin Sam. May pupuntahan tayo." Sabi sakin ng papa ni Jhaviel. Napatango naman ako at sumunod sa kanila habang nauuna yung mga royal guard kanina pati yung matandang babae at yung naka coat na blue na tingin parin ng tingin sa akin.

"I don't remember King Acvell having any relatives. Ang naalala ko lang na kadugo niya ay yung mga anak niya." Biglang bulong ni Sabrina kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano? May anak si King Acvell?" mahinang tanong ko sa kanya. Napahinto naman siya sa paglalakad at tiningnan ako ng may pagtataka sa mukha.

"Oo, hindi ba nasabi yun? Pinakilala ni King Acvell ang anak niya sa buong mamayanan pagkaanak neto. Andun nga din ako sa mismong kasal nila ng mahal na reyna." Sagot niya pabalik. "Nakakasakit lang kasi parehong silang mag-iina hindi nakaligtas sa nangyaring apocalypse noon."

"Sabrina, may sasabihin ako sayo." Sabi ko kaya napatango siya. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso at tiningnan ng mata sa mata. "Walang sino man ang dapat makakaalam sa totoong kwento. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam kong kailangan mong itago ang katotohanan na may asawa si King Acvell." Mahinang sabi ko sa kanya. Naguguluhan man ay nagawa niya paring tumango, "Dahil sa panahong itong, walang nakakaalam sa nalalaman mo." Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero tumango nalang din sya ulit.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa diyan? Nagagawa niyo pang mag tsismisan." Napalingon naman ako at nakita ang nakabusangot na mukha ni Jhaviel di kalayuan sa amin kasama. Napatayo naman ako ng maayos at naglakad palapit sa kanila. Napasulyap ako kay Sabrina at nakitang nasa malalim na pag-iisip siya.

Nang makarating kami sa parking lot ay agad akonglumapit sa motor ko ng bigla akong pigilan ng isa sa mga royal guard. Inalok niyang siya na daw ang magmamaneho at sumakay nalang daw ako sa kotse. Tumango naman ako at aalis na sana ako ng makita siyang biglang tumilapon palayo sa motor ko. Nagulat kaming lahat sa nangyare, napatingin ako sa motor ko at may namuong barrier dun. Ano yan?

"Imposible." Rinig kong bulong ni Sabrina. Napalingon naman ako sa kanya na nakatingin sa motorko. "Tanging si King Acvell lang ang nakakagawa ng ganyang barrier." Sabi niya. Napatingin naman ako ulit sa motor ko at dun sa isang guard na tumilapon palayo dun.

"Sabi ko kasi ako nalang magmamaneho eh." Sabi ko at naglakad palapit sa motor ko. Narinig ko pa si Sabrina na sumigaw pero di ko nalang pinansin. Problema niya ba?

Agad kong sinuot ang helmet pagkalapit ko sa motor ng makita ki si Sabrina na nakatayo sa tabi ko habang may gulat na mukha. Ano bang problema ng babaeng to?

"Samantha sinong mga magulang mo?" bigla niyang tanong. Tinangal ko naman ang helmet ko at tiningnan siya ng may pagtataka. "Isang tao lang ang kilala kong kayang pumasok sa barrier na gawa ni King Acvell." Biglang sabi niya. Ba't niya na naman ba sinasali yung patay na?

"Sino?" tanong ko pabalik na medyo may inip sa mukha.

"Ang mahal na prinsesa. Ang nag-iisang anak na babae ng hari." Sagot niya pabalik habang may seryosong mukha.

Ha?

_

A/N: Hindi ko alam ba't nawala yung mga quotation marks maayos lang naman yun kanina. But anyways, naayos ko na din naman so enjoy reading :)

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.5M 188K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
87.2K 4.5K 52
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Started...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
15.9K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...