The newest hanamichi sakuragi...

بواسطة breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... المزيد

chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 1

1.5K 41 17
بواسطة breakerdreamer

(A/n; sisimulan po muna natin iyong dahilan niya kung bakit siya tuluyang magbabago. Sana suportahan niyo parin ako.)



'yan ba iyong tinutukoy nila miyagi, iyong kulay pula ang buhok na walang ginawang maganda kundi makipag basag ulo?'

'yuuck, feel niya siguro napakagaling niya na dahil lang siya ang nakatalo sa sannoh.'

'matangkad nga siya, wala namang silbi sa pag lalaro ng basketball.'

Samo't saring pang iinsulto na ang naririnig ni hanamichi sakuragi sa mga taong nakapalibot sa kanya. Kilala siya sa pagiging mainitin ang ulo, palaaway at hanap lagi ang gulo. Ngunit binago niya naman iyon magmula ng matuto siyang mahalin ang paglalaro ng basketball at si haruko na nakapag pabago sa kanya.

Mahigit ilang buwan na akong nag lalaro sa basketball, nanalo nga kami sa sannoh pero isang buwan naman akong inirehab dahil sa natamo ko na injury sa likod.

Sa loob ng isang buwan ay halos mamatay ako sa pagka buryong dahil puros pagpapagaling at tulog lang ang nagagawa ko. Kaya nang matapos ang isang buwang pag papahinga, nakabalik na nga ako sa wakas subalit ..

Ito na agad ang bumungad sakin, ang mga pang huhusga nila na wala namang katuturan simula't simula pa lamang. Hindi ko maintindihan kong bakit nag uumpisa na naman sila, inis na ikinamot ko ang aking daliri sa sentido ko bago nakabusangot na naglakad sa koridor.

Habang naglalakad, automatic na napapaiwas lahat sa akin na tila ba'y may nakakahawa akong sakit dahil sa paraan ng pag iwas nila. Hindi ko dapat nararamdaman ito pero nasasaktan ako sa ginagawa nilang pag iwas sakin.

Isang buwan akong nawala pero ito na agad ang maabutan ko? Ang saklap Naman ng buhay ko.

Makapunta na nga lang ng gym. Baka sakaling mawala inis na nararamdaman ko dahil sa mga chismosang nakapaligid sakin.

Kamusta na kaya silang lahat?

Habang nag lalakad biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyaring laban sa sannoh, oo aaminin ko napakalaki kong gunggong dahil hindi ako nakatulong sa mga kakampi ko. Ginagawa ko naman ang makakaya ko dahil alam ko namang may magagawa ko, pero habang naririnig ko sa iba kung gaano ako kawalang kwenta pakiramdam ko dapat baguhin ko na ang nakasanayan ko mula sa umpisa.

Naiinis rin naman ako sa sarili ko e, hindi naman ako nagmamagaling sa totoo lang ginagawa ko lang ang pag yayabang, dahil doon ako mas napapansin.

Kainis, sa sobrang pag iisip ko ay bigla nalang may nakabungguan ako, napaupo ito sa sahig kaya napatingin ako dito.

Nakayuko ito kaya hindi ko pa makita ang mukha niya, pero napakaputi niya, maliit at payat base na rin sa nakikita ko sakanya.


"Pasensya na miss, hindi ko sinasadya." Inilahad ko ang kamay sa harapan nito pero ganon nalang ang gulat ko ng malakas lamang nitong hinampas ang kamay ko.


"kainis, bat ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Bulyaw nito dahilan para magkatinginan ang mga taong nasa hallway, napa singhap nalang ako at napangisi, dagdag na naman ba to sa ichichismis nila tungkol sakin.


"Nag sorry na ako miss, alam kong mali ang nagawa ko kaya nga tinutulungan kitang tumayo e. Sorry okay." Saad ko sa mahinahon na boses. Tila natigilan ito sa sinabi ko kaya napaangat ito nang tingin, hanggang sa unti unting nanlaki ang mga mata nito.


tss. Alam ko na, matatakot siya sakin kasi isa akong basagulerong player ng shohoku, tsk. Dapat masanay na ako sa mga pang huhusga nila pero bakit ang sakit sa puso.


" sakuragi?" Saad nito na pabulong. Bakas man sa mukha nito ang walang kaemosyong expression ay nakikita ko rin ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito.


" ako nga?" Sagot ko. Mukhang natauhan ito kaya sinimangutan ako sabay iwas nang tingin sakin.


"Sorry sa ginawa kong pag palo sa kamay mo. Akala ko kasi kung ano ang gagawin mo sakin e." gaya nga nang inaasahan ko mula sa mga nakakasalubong ko, ganon na ganon din sinasabi ng iba. Akala nila sasaktan ko sila.

mapait akong napangiti bago ngumisi sakanya.


"eh anong magagawa ko, iyon iyong pinapaniwalaan niyo e. Para namang mababago ko isip niyo dahil lang sa konting pag tulong ko." Saad ko. Nag simula na akong naglakad palagpas sa kanya kaya ang ilang mga nakikichismis ay napapaiwas sakin habang masamang nakatingin.



wala na akong pakialam pa sainyo, ang gusto ko mag laro at wala kayong magagawa doon.


pagkapasok ko sa loob ng gym, ang maingay na paligid ay unti unting natahimik ng makita ako. Bakas sa mukha nila ang saya kanina, pero nang makita nila ako ay tila nawalan sila ng gana.


Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ba lahat sila ibang iba na ang trato sakin? May nagawa ba akong mali? O dahil ba sa pag lalaro ko na hindi nakakatulong sa team.


"Kamusta kayo?" Bati ko. Nagkatinginan silang lahat bago ako muling tinignan pabalik.



" nakabalik ka na pala." Saad ni ayako na pilit na nakangiti sakin.


" ayos na ba ang pakiramdam mo sakuragi?" Tanong ni miyagi sakin


"Oo, maayos na. Nandito ako para sana makasama kayo sa pag practice, isang buwan din akong nawala kaya sana payagan niyo ako sa paglalaro." Natahimik sila at ilang saglit lang ay tumango sila mitsui bilang sagot.


napatingin ako kay rukawa na nakatingin din pala sakin, nag tataka ako kung bakit pero iniiwas ko nalang ang aking tingin.

pansin ko na marami rin palang mga tao sa paligid, ibang mga school level ang nanunuod.


"Maghanda kana sakuragi, mag sisimula na tayo sa limang minuto. Mag warm up kana." Saad ni miyagi

tumango ako at agad na tumakbo patungo sa bench, nandoon sila mito na nakatingin sakin.


"Kamusta mga tol?" Bati ko

"Laki ng pinagbago mo ah? Kamusta na likod mo sakuragi? Masakit parin ba?" Tanong ni mito sakin



" hindi na. Okay naman ako, umiinom naman ako ng gamot." Sagot ko. Tumango ito sakin



Hanggang sa...


"andyan na naman iyang may pulang buhok, baka gulo na naman idulot niyan."



"bakit kasi hinayaan nila akagi na maipasok yan, pabigat lang naman yan sa team."


napatiim bagang ako sa narinig, mag hunos dili ka hanamichi sakuragi, wag mong hayaan ang sarili mo na lamunin ng galit, wag mo sakanila ipakita na tama sila.


Muli akong napabuntong hininga kasabay ng pangingirot ng puso ko. Nasasaktan ako.


*Prrrrt*


Pumito na si yasuda kong saan ito ang referee at ang scorer, nag tungo na ako sa gitna kung saan nandoon na rin ang mga kakampi ko.


Kakampi ko si miyagi, kawaki, shuzaki, shin at rukawa

sa kabila naman ay si mitsui, akagi, kogure, ryu at hayato


ako ang mag jajump ball at si gore, nakatingin siya sakin ng deretso kaya tinignan ko rin siya pabalik.



nang ihagis na pataas ang bola ay sabay kaming tumalon ni akagi para igaya ang bola sa kakampi ngunit naunahan ako ni akagi kaya hawak na ito ni mitsui na agad itinataas ang bola mula sa kanilang basket.

agad akong tumango kay kogure para bantayan ito. Kada mag aattempt si mitsui sa pag atake ay nasusundan iyon rukawa kaya wala itong nagawa kundi ang ipasa kay kogure. Pansin ko ang pagngisi ni mitsui ng makahulugan ng bigla nalang nawala sa harapan ko si kogure.


"Umayos ka naman sa pag babantay sakuragi, mag pokus ka." Sita ni miyagi na kinagulat ko. Teka bakit galit kaagad siya e nag sisimula pa lang naman ang laro ah?

Isinawalang bahala ko nalang ang napansin ko at agad na hinabol si kogure, agad na sana nitong ititira ang bola ng maabutan ko ito ngunit nadanggil ko rin ang kamay nito kaya na foul ako.


"Gunggong talaga.. halata namang pinakita lang ni kogure na titira siya pero sinunggaban parin. Tss, nag uumpisa lang pabigat ka agad sakuragi." Sigaw ng kung sino mula sa manunuod. Nag sitawanan ang mga nakarinig dahilan para mamula ang buong mukha ko, kasabay ng paninikip ng aking dibdib.



hanggang sa dumaan si rukawa sa gilid ko.


"Mag relax ka gunggong, wag kang masyadong tensyunado." Saad nito bago ako iniwan na nakatayo..


muling ipinasok ang bola, hawak na ito ni mitsui na binabantayan naman ni miyagi. Sa pangalawang pagkakataon ay muling pinasa ni mitsui kay kogure ang bola at nag tawanan na naman ang ilan sa nakakita.



Mukhang plano niya talagang gawin iyon, bakit ba ganito sila sakin ngayon? Bakit galit sila sakin? Ano bang nagawa ko?


Muling nakalusot si kogure sakin dahilan para inis na bungguin ako ni miyagi sa braso..


"wala ka talagang kwenta, gunggong ka." Saad ni miyagi


tila umeecho sa aking pandinig ang mga tawanan at panlalait na ibinabato nila sakin.


Hanggang sa matapos ang laro ay puros kamalian lang nila ang napapansin sakin. Napayuko ako at aalis na sana ng tawagin ako ni miyagi



"Hindi ka na talaga magbabago sakuragi, kahit ano sigurong gawin naming insayo sayo ay hindi ka parin gagaling. Mas mabuting umalis ka nalang o kaya naman mag quit ka nalang sa pag lalaro." Napatigil ako sa narinig, ganon din si rukawa na hindi man nagpakita ng emosyon ay halata namang nabigla rin ito sa sinabi ni miyagi.



"Ayoko. Myembro ako ng team na ito hindi kayo dapat basta basta nagtatanggal o nag sasabi ng ganyan sakin." Pag dedepensa kong saad sakanila.



" pwes, napag desisyunan na naming paalisin ka. Wag kanang maglaro dahil pabigat ka lang sa team."





[𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚗𝚘𝚝𝚎: 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐎 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐦𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐢𝐧 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨. 𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐫𝐬𝐡 𝐰𝐨𝐫𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐫𝐚𝐠𝐢 𝐚𝐲 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐨 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚, 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐧𝐢 𝐬𝐚𝐤𝐮𝐫𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐤𝐨. 𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐬𝐭𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨. 𝐔𝐮𝐥𝐢𝐭𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐩𝐨, 𝐅𝐀𝐍𝐅𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐭𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐩 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐨 𝐚𝐧𝐢𝐦𝐞 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐮𝐨𝐝 𝐧𝐢𝐲𝐨. 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭.]

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

11.6K 1.1K 62
Si Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong da...
3.2K 138 40
Ito ang kuwento ng buhay Basmetball Player ni Hanamichi Sakuragi. At ito ang unang hakbang sa pagtupad ni Sakuragi mna maging isanh NBA Player. Ang k...
18K 1.2K 74
Kilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing s...
27.1K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...