Irresistible Series 2: Lost i...

بواسطة exjhayy

5.2K 257 33

Minsan kung sino pa ang taong bumuo sa pagkatao natin, ay siya rin pala ang higit na wawasak sa'tin. المزيد

Lost in Fire
Blurb
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6

Kabanata 4

361 34 2
بواسطة exjhayy

Kabanata 4

Warning


"Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna. Sasayaw ng cha-cha-"

"What are you doing, Gwen?"

"Ay palaka!!" napatili ako sa gulat dahil sa boses na biglang sumulpot sa likuran ko.

Paglingon ko ay magkaisa ang linya ng labi niya na para bang nagpipigil ng tawa. Buti pa talaga itong tao na ito matino. Hindi nagsasabong ang kilay sa tuwing kinakausap ako.

"Nakakagulat ka naman boss," nakasimangot kong sinabi.

Tumaas ang isang kilay niya sa akin habang nakangisi.

"You're so witty, Gwen. I always caught you singing and dancing," komento niya.

Napakamot ako ng ulo dahil sa hiya.

"Marami kasing kanta ang nakalagay sa phone ni Brianna na binigay sa akin."

"But they are already old. You should download some new songs," suhestiyon niya.

Napakamot ako ng ulo. "Eh, wala po akong load pang-download boss. Sa susunod na lang siguro."

"Hindi ka naka-connect sa wifi?"

Umiling ako. "Hindi yata, eh."

"Wait," yumuko ang ulo niya at inangat ang phone na hawak-hawak sabay kinalikot ito.

Saglit ko siyang pinagmasdan at kung ikukumpara ay mas matapang ang awra niya kumpara kay mokong.

He is more of a hard features if he's serious. Hindi lang mahahalata dahil palagi naman siyang nakangisi.

But I was once saw him mad, at parang mas nakakatakot siyang magalit kumpara kay mokong.

Luigi's features are quite different. Kahit laging nakasambakol ang mukha ng mokong na iyon ay hindi maitatanggi na mas malumanay ang itsura niya kung hindi lang magsasalubong ang kilay.

They have the same dark broadened eyes na mukhang nakuha nila kay Sir Zoren. Their nose is indeed in a perfect pointed shape.

"I don't know the password since I have my pocket wifi. Si Kuya Luigi lang nakakaalam, eh," bigla niyang sinabi kaya napabalik ako sa sarili.

"Ah, ganoon ba boss, sige ayos na lang..." sambit ko at binalik ang atensiyon sa ginagawa.

"I'll ask him later," he said, so I had a chance to gaze back at him.

"Nasaan po ba siya?" kuryoso kong tanong at hindi napigilan ang sarili.

Kasi halos ilang linggo na siyang hindi umuuwi simula nang naglinis ako sa condo niya.

Mukhang nandoon lang naman siya. Hindi ko rin alam kasi palagi naman akong naiiwan dito kapag may pasok si Brianna sa school. Pati na rin ang magulang nila kapag pumapasok sa trabaho ay gabi na nakakauwi.

"Uuwi pa ba iyon?" usisa ko pa.

Sana huwag na. Ang payapa ng mga araw ko noong wala siya. Walang asungot na mainitin ang ulo. Walang asungot na mahuhuli kong masama ang tingin sa akin.

Walang mokong na galit sa mundo.

"Why are you asking?"

Agad na napatikom ang bibig ko dahil baritonong boses na sumulpot na umalingawngaw pa sa buong sulok ng sala.

Humigpit ang hawak ko sa panlinis ng alikabok at kunwaring bumalik ang atensiyon sa ginagawa.

"Where have you been for the past few days, Kuya Lui?" tanong ni Rocco.

Naglakad ako papunta sa kabilang bintana ng sala at iyon naman ang sunod kong lilinisin. Hindi na ako lumingon sa kanila pero ang tainga ko ay tahimik na nakikinig.

"Out of the country. I just checked the University there," sagot ni mokong.

"Are you really sure that you'll take an MBA?" paninigurado ni Rocco.

"Yes."

"I thought, you wanted to join the military?"

"I changed my mind. Mas gusto ko mag-handle ng negosyo. What about you?"

Kahit nalilito sa mga naririnig na usapan nila ay nanatili ko itong pinapakinggan habang naglilinis. Nakatalikod sa kanila.

"Yes, I want to pursue it," Rocco laughed. "But I'm worried about Brianna, Kuya Lui."

"Why? She's good and well-"

"She'll be alone here. Sinong makakasama niya kapag wala na tayo pareho? You know Brianna doesn't like to interact with others."

"Oh, I thought she already had a friend? Last week she went to the mall with her friend?"

"Friend?"

"Yeah."

"Friend? I didn't know," si Rocco. "Anyway, that's good for her. Wait, I have to go now, Kuya. Baka ma-late ako sa lakad ko," paalam ni Rocco.

"Where are you going?"

"I'll be meeting someone, bye!" paalam nito kaya dahan-dahan lumingon ang ulo ko sa kanila ngunit maling galaw iyon dahil eksaktong bumaling sa akin si mokong kaya nagkasalubong ang mga mata namin.

Humalukipkip siya at mabilis na pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib. Napasimangot akong iniwas ang mga mata sa kaniya at bumaling sa ginagawa.

Bumaba ako saglit at hinila ang plastic na upuan patungo sa tapat ng kabilang bintana bago sumampa muli roon. Sunod kong hinawi ang makapal na kurtina para mapunasan na rin ang parteng iyon.

Nakaramdam ako nang pagkailang habang nagtatrabaho dahil ramdam ko pa rin ang titig niya mula sa likuran ko.

I quickly closed my eyes and took a deep breath as I continued cleaning. Ngunit maya-maya lang ay nagsalita si mokong.

"Babae, pagtimpla mo nga ako ng kape," utos niya kaya napatigil sa ere ang kamay ko habang hawak ang panglinis.

Hindi ako agad nagsalita o gumalaw.

"Bingi ka ba? Sabi ko ipagtimpla mo ako ng kape," ulit niya.

Napabuntong hininga ako at akmang bababa sa upuan nang umariba na naman ang kapilyuhan ko.

Nilingon ko siya sabay ngisi.

"Mok, may ginagawa pa ako eh. Minamadali ko na ito kasi maglilinis pa ako sa garahe. Pauwi na mamaya ang magulang mo. Puwedeng ikaw na lang muna? May paa at kamay ka naman eh. Nandoon lang naman sa kusina ang kape, tasa, kutsara, termos, tubig-"

"Ginagago mo ba ako?" malamig niyang putol sa akin kaya agad napatikom ang bibig ko.

Napalabi ako upang pigilan ang tawa dahil sa ekspresiyon niya.

"Hindi naman, nagpapaliwanag lang," sabi ko gamit ang mahinang tono.

"Kahit kailan talaga!" iritado niyang sabi sabay talikod.

Nagkibit balikat na lang ako pero bago pa man siya makalayo ay nagsalita akong muli.

"Mok, galit ka ba?"

"Hindi!" sigaw niya.

"Ba't ka sumisigaw?" pansin ko at pigil ang matawa.

Huminto siya sa paghakbang at nakita ko ang pag-igting ng bagang niya kaya napangiwi ako. Ayan na naman siya.

Dali-dali akong bumaba sa upuan at nagpahabol ng salita.

"Sige na nga ako na magtitimpla, ikaw na lang maglinis dito," sabi ko na agad niyang ikinalingon sa akin.

"Inuutusan mo ba ako?" lalong nagsalubong ang kilay niya at halos hindi na ito maipinta sa sobrang sama ng awra.

Mabilis akong umiling.

"'Naku, hindi 'no! Inuutusan mo ako kaya palitan mo muna ako rito para mabilis akong matapos."

"Edi inuutusan mo nga ako?" hindi makapaniwala niyang wika.

"Hindi—"

"Nakaka-stress kang babae ka!" angil niya sabay talikod sa akin.

"Mok-"

"Dalhin mo sa kuwarto ko ang kape. Damn it, you're always ruining my day!" malamig niyang pahabol na sinabi bago dire-diretsong naglakad palayo sa akin.

Agad akong napatakip ng bibig dahil sa gustong kumawala ng tawa sa bibig ko. Hindi ko alam pero ang sarap-sarap niyang asarin.

Nanatili akong nakatingin sa kaniyang likod sa papalayo niyang bulto hanggang sa umakyat na ito patungo sa kaniyang silid.

Nakangisi akong bumaba sa upuan at pinatong doon ang hawak na panlinis ng alikabok at sunod na naglakad patungo sa kusina para sa kape niyang pinapatimpla.

Tamang-tama, may utang pa siya sa akin. Aha, akala niya siguro makakalimutan ko iyon.

_

A few minutes later, I was walking toward his room while holding the cup of his black coffee. Tumatama sa mukha ko ang aroma nito ng biglang lumabas si Brianna sa silid niya.

"Hi, kanino iyan?"

Umangat ang mata ko sa kaniyang mukha.

Napansin kong nakabihis siya kahit wala naman silang pasok. At ilang araw na lang ay graduation na nila.

"Kay mok- este Luigi," sabi ko na muntik pang madulas.

Baka isipin ni Bria binabastos ko na ang Kuya niya. Hindi naman masiyado, slight lang. 'Tsaka iniinis ko lang naman eh.

"Oh, he's here?"

"Oo kakarating lang. Saan ka pala pupunta?"

Ngumiti lang siya at inayos ang mahabang buhok na halatang malambot kung hahawakan.

"Manonood lang ako ng banda ng kaibigan ni Kuya. Uh, huwag mo na lang sabihin ha? Babalik din naman ako kaagad."

Tumango ako.

"Sure, no worries," tugon ko.

"Thank you," aniya at saglit pang pinasadahan ng tingin ang buong pisikal ko. "Anyway, change your clothes immediately. You're sweaty, baka matuyuan ka pa. It's not good for your health," paalala niya sabay ngiti.

Saglit akong natulala sa kaniya dahil sa ganda niya na kahit walang kolorete sa mukha ay litaw na litaw ang natural na ganda.

Napakagat labi ako sa sinabi niya at wala sariling napatango. I was about to say something but her phone abruptly rang loudly.

"I have to go, Gwen, bye!" paalam niya bago tumalikod.

Nilingon ko pa siya at saglit na tinitigan bago nagpatuloy na paghakbang. Marami siguro siyang manliligaw.

After another few minutes, I finally reached mokong's front door.

Hawak-hawak ko ang tasa ng kape sa kaliwa kong kamay. Umangat naman ang kanan kong kamay upang kumatok.

"Mok, nandito na ang kape mo. Magdamit ka muna ha?" dire-diretso kong paalala sabay ngisi.

Naghihintay lang ako sa labas habang umiikot ang mata sa paligid. Malaki talaga ang bahay nila. Sa ilang buwan ko na rito ay hindi pa rin ako makapaniwala.

The whole house consists of the 3rd floor. Pero mukhang nasa second floor silang lahat na may apat na kuwarto. Sa third floor naman ay hindi ko alam kung anong nandoon dahil hindi naman ako pinapaakyat doon.

Pero madalas din nandoon ang mag-asawa kapag weekends.

Ang swerte ko na lang talaga dahil nakatapak ako sa ganito kalaking bahay.

Napabalik ulirat ako sa totoong pakay ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa loob kaya muli akong kumatok ng tatlong beses.

"Sir?"

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bumukas ito bigla.

"Mok, heto na ang kape n'yo—" Naudlot ang sinasabi ko ng bigla niya iyong kinuha sa akin ng walang salita.

Napakurap-kurap ako dahil sa ginawa niya. Buti na lang hindi dumaplis sa kamay ko ang tasa. Tsk, wala talagang manner.

Naiwan akong nakasilip sa nakaawang na pinto nang tumalikod siya at naglakad papasok ng hindi iyon sinasara. Natitigan ko pa ang ang bawat galaw ng kaniyang braso.

Buti naman may damit siya ngayon. Nanatili akong nakasilay sa pinto.

"Sir, nasaan thank you ko?" biglang lumabas sa bibig ko ngunit mukhang bingi na naman siya.

Napairap ako sa kawalan hanggang sa tumama ang paningin ko sa malaking flat screen TV sa loob ng silid na nakaharap sa kama niya at medyo nasa gilid kong banda.

"Hala ka!" napasigaw ako sa gulat, napatakip ng bibig nang nakita ang lumabas sa screen ng TV.

"The fuck babae ka! Get out of here!" bayolente niyang reaksyon at dali-daling lumapit sa akin.

Nilingon ko siya.

Nakaigting ang kanyang panga, magkasalubong ang makakapal na kilay at bahagyang pang nakatiim bagang.

"Leave!" malamig niyang sinabi.

My eyeball secretly looked back at the flat screen TV. Napalabi ako, napalunok sa sariling laway nang nakita ang unti-unting paghuhubad ng babae sa palabas at diretsong pumatong sa lalaki.

Jusmiyo!

"Nanonood ka ng porn, Mok?!" sabi ko sabay baling sa kaniya pabalik.

Lalong dumilim ang mukha niya kaya napaatras ako.

"Nanonood ka ng porn?" ulit ko nang natauhan.

"That's not a porn-"

"Susmaryosep! Ang mata ko! Nakapanood ng porn!" hiyaw ko at patakbong bumaba mula sa hagdan.

Oh my goodness! My innocent eyes!

"Hey babae that was not a porn!" sigaw niya.

Nang lingunin ko siya ay nakasunod pala siya sa akin.

"Porn! Porn!" ulit-ulit kong sinabi hanggang sa tuluyan akong makababa.

"Shut up!"

"What's happening here again, Luigi?!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses nang narinig ang pagsigaw nito ngunit malumanay pa rin ang dating.

Kumurap-kurap ako nang napansin ang mag-asawa na seryoso ang mukha. Masama ang tingin sa anak nila. Patay.

"Mom, Dad..." si Luigi.

"Yes, we're here. So what's happening? Why are you guys shouting?"

Napayuko ang ulo ko nang humakbang si Luigi pasalubong sa magulang niya. Rinig pala ang sigawan namin sa ibaba.

Nakakahiya!

"Kailan ka pa umuwi?" si Ma'am Mayumi.

"I just arrived a few minutes ago. How are you guys doing?" si Luigi.

Umangat ang ulo ko at nakita kong nakayakap ito sa kaniyang mga magulang na agad ding kumalas.

"Napaaga yata uwi ninyo, Mommy?"

"Aalis din kami ng Daddy mo may binalikan lang ako. Anyway, where's Brianna?"

Namilog ang mata ko sa gulat nang sambitin iyon ng ginang. Nataranta akong sumingit kahit na hindi sigurado.

"Ah, Ma'am, umalis po saglit. Sabi niya po may kikitain lang siyang kaibigan," sabi ko na medyo natataranta.

"Kikitain?"

"Kaibigan daw po, Ma'am," sabi ko. "T-Tawagan n'yo na lang po para sigurado," dagdag ko pa.

Ayokong magsinungaling sa pamilyang nagmamalasakit sa akin.

"Alright, tatawagan ko na lang. By the way, Gwen, na move ang opening ng college. You still have more than three months to prepare."

Kumislap ang mata ko nang narinig iyon. Dahil sa totoo lang ay hindi pa ako handa at medyo nag a-adjust pa ako.

"Sige po Ma'am, salamat po," magalang kong tugon.

"You are welcome, and it is a vacation. You can come with us when we go on vacation," anito.

Namilog lalo sa gulat ang mga mata ko sabay lingon kay mokong nang malakas itong tumikhim.

"Mommy 'di ba may kukunin lang kayo? And I bet it's important? Hindi n'yo naman babalikan kung hindi," singit ni mokong kaya napasimangot ako.

Ako ang kinakausap hindi naman siya eh.

Mahinang natawa ang ginang bago tumango-tango.

"Right," Ma'am Mayumi chuckled slightly as she slowly turned her back and walked up to the stairs.

Naiwan kaming tatlo at sunod na nagsalita ang ama ni moong.

"So, how's the company, Luigi?" si Sir Zoren.

"It's running good, Daddy. But I'm still trying to get the deal with Mr. Zarcon. If I get to close the deal with him our company will be on top leading in Arsenal trading. Yet as of now, we are still in the top 2 in the whole world," anito.

"That's still good. Have you visited the warehouse?"

"Yes, Dad. Last week I went out of the country—"

"I told you guys don't talk that in front of me," sulpot ni Ma'am Mayumi kaya napahinto sa usapan ang mag-ama.

Napalingon kaming lahat nang mabilis na nakababa ng hagdan ang ginang na diretsong tumabi kay mokong.

"We were sorry Mommy," si Luigi.

Nakamasid lamang ako sa tatlo. Inakbayan ni Sir Zoren si Mayumi dahilan ng pagtango nito.

Nagkaroon pa sila ng maikling pag-uusap bago tuluyang nagpaalam ang mag-asawa at naiwan kaming dalawa ni mokong.

Lumabi ako bago umangat ang ulo sa kaniya.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

The way he stood up he seems very professional. Sumisigaw din ito ng kapangyarihan—

"Stop eyeing me, babae!" puna niya sa akin gamit ang matalim na tinig.

Nagkibit balikat na lamang ako at akmang tatalikod ng muling naalala ang nakita kanina sa kaniyang TV.

Bumaling muli ako sa kaniya at napahagalpak ng tawa.

"Stop laughing."

"Aminin mo na kasi nanonood ka ng porn," sabi ko.

"Can you please shut up?! I'm not watching it!" tanggi niya.

"Sus, in-denial to the highest level. Okay lang 'yan mok, natural lang iyan sa lalaki," pamimilit ko.

"I told you, I am not watching it! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" iritado niyang sinabi.

Kahit na tumataas na naman ang boses niya ay hindi naman ako nakaramdam ng takot. Mas lalo akong naeengganyo na inisin siya.

"Kitang-kita ko kaya nanood ka—"

"Anong pinapanood?"

Gulat akong napabaling sa likuran ko nang narinig muli ang pagsulpot ng boses ni Maam Mayumi na ngayon ay may hawak ng folder kasunod nito ang asawa niya.

"Mom it's nothing," si mokong.

"Gwen, anong nakita mo?"

Napalabi akong sinulyapan si mokong na umiigting na naman ng panga marahil ay sa labis na iritasyon.

Ngumisi ako kalaunan at akmang magsasalita na nang sumingit na naman siya.

"Gwenilla Adaline Galicia! I am warning you!"

Napaawang ang labi ko sa narinig mula sa kaniya. Mabilis na pumipintig ang dibdib ko dahil ito ang kauna-unahang beses na binaggit niya ang buo kong pangalan.

"Gwen, anong pinapanood ni Luigi na nakita mo? Mind sharing it with us?"

Bumaling ako sa ginang. Para akong natutuliro bigla.

"Gwenilla!"

I ignore mokong's words as soon as I respond to Ma'am Mayumi.

"Hehe, wala Ma'am. Nahuli ko lang si Sir Luigi nanonood ng spongebob," sabi ko at pigil ang matawa.

"What the fuck?!"

"Spongebob?"

"Opo, Ma'am. Ang cute nga eh, ang hilig niya pala roon," dagdag ko pa.

Patawarin sana ako ni mokong pagkatapos nito. Mas maayos na ito kaysa naman sabihin kong nahuli ko siyang nanonood ng porn.

Mas nakakahiya iyon.

Malakas na humalakhak ang mag-asawa kaya nagtataka akong tumitig sa kanila.

"No wonder. Ganoon nga siguro kapag pinaglihi sa cheese," sabi ng ginang. "We have to go now, may binalikan lang ulit kami. We are glad to know that you guys looks like slowly knowing each other," dagdag nito pero bago pa man ito makalayo ay muli akong nagsalita.

"Akala ko po Ma'am, sa sama ng loob ninyo pinaglihi ang anak n'yo? Para kasing galit lagi sa mundo," saad ko.

Tinawanan lang ako ng mag-asawa bago sila tuluyang nagpaalam paalis. Nang nakalayo na sila ay nilingon ko si mokong at naririnig ang mabigat niyang paghinga.

"You really enjoy pissing me, huh?" malamig niyang sinabi ngunit ang labi niya ay unti-unting kumukurba ang ngisi.

"Hindi naman mok—"

"Stop calling me mok. And what does that mean?"

"Iyon mok? Shortcut word ng mokong, galing ko 'di ba? May name ako sa'yo?" sabi ko sabay talikod.

"Gwenilla. Gwenilla. Gwenilla!" malamig ang tinig niya habang binibigkas iyon.

Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata.

"Siguro kaya ka nawala ng halos isang buwan dahil kinakabisado mo ang pangalan ko 'no? Ayiee, ikaw mokong ah!" I teased him and made him more pissed.

Napahinalmos siya sa mukha gamit ang dalawang palad. He looked so frustrated with me again. Makikita rin ang pamumula ng mukha niya.

Akala ko nagsasalita pa siya pero bigla na lang siyang tumalikod sa akin.

"Mokong—"

"Shut the fuck up, Gwenilla! This is the last time that I will control myself! I am warning you! Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko!" banta niya at malalaki ang hakbang na naglalakad palayo.

"Ito naman si mokong kala mo may dalaw. May regla ka ba? Baka gusto mo ng napkin, mayroon pa naman ako. Share tayo," sabi ko na agad niyang ikinalingon sa akin.

Nakangisi ako ngunit unti-unti iyong napawi ng halos mabilisan niyang kinain ang distansiya sa pagitan namin.

Napaatras ako dahil sa tingin niya ngunit maya-maya lang ay namalayan ko na lamang na hawak na niya ang kamay ko.

"Mokong, j-joke lang..." sabi kong nauutal nang mabilisan niyang isinandal ang likod ko sa dingding na malapit sa akin.

Napalunok ako nang ipako niya ang kamay ko paangat habang madilim ang tingin sa akin. Kumurap-kurap ako dahil dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha sa akin.

"I did warn you right?" paalala niya.

Tumango ako.

"Then why did you keep pissing me off?"

Nanatiling tikom ang bibig ko.

"Answer me!" mariin niyang sinabi ngunit hindi pa rin ako nagsalita.

"Isa!" bilang niya.

Tiklop pa rin ang bibig ko kahit na naiilang ako sa amoy mint niyang hininga na tumatama sa mukha ko.

Mas lalong nakakahiya ang magsalita. Ang lapit-lapit niya sa akin.

"Dalawa!" pagpapatuloy niya. "Papalayasin kita kapag umabot ng tatlo."

Namilog ang mata ko sa gulat.

"H-Hindi pa kasi ako nag to-toothbrush, mokong. Mabaho pa ang hininga ko. Kumain ako ng sardinas kanina..." mahina kong sinabi sabay takip ng bibig at yumuko ang ulo.

Goodness, Gwenilla! Nakakahiya ka! 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.1M 36.8K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...