AlphabetusSeries 2: One Wild...

بواسطة Ly_iasthics

64.5K 1.2K 67

ALPHABETUS SERIES #2 BAST TEIN FREIMN One of the top Neurosurgeon in the world. He's deadly and untamed when... المزيد

Synopsis
Prologue: ( SPG )
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 (SPG)
Chapter 7 (SPG)
Chapter 8
Chapter 9- (SPG)
Chapter 10- (SPG)
Chapter 11
Chapter 12 (SPG)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 16

1.1K 34 2
بواسطة Ly_iasthics

CHAPTER 16

MAHIGPIT na humawak si BASTE sa cellphone na hawak niya. Bigla nalang siya nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

Alam naman niya na delikado ang ginawa niya noon pero pinili niyang ibaon 'yun sa limot. 

Brain hemorrhage (Intracranial Hemorrhage) The bleeding occurs in the lobes, pones and cerebellum of the brain. It's too risky and dangerous in his condition right now. Kahit doktor siya, hindi niya alam kung maliligtas pa siya.

Mabigat ang dibdib na dumako ang tingin ni Baste sa dalawang mahimbing natutulog. It's too early to leave them but he need to hide this. Ayaw niyang masaktan ang mga ito at lalo na, ayaw niyang makita ng anak ang kondisyon niya. Lalo na ang kasintahan niya. Selfish na siya kung tatawagin pero ayaw niyang makita na nagdudusa at umiiyak ang lahat dahil lang sa nangyari noon sa pamilya niya. It's his fault, lahat ng nangyari sa buhay niya ay kasalanan niya.

“I-im s-sorry for everything, Mon Coeur” Mahinang bulong niya sa kasintahan at matagal na hinalikan ang noo nito.

“Im s-sorry”

Napapikit siya ng mas lalong lumalala ang kondisyon niya.

Ayaw niyang iwan ang dalawa! Pero kapag pinapatagal niya ang kondisyon niya. Baka, hindi na niya makita ang mag-ina niya habang buhay. Kailangan niya munang mag-tiis ng kunti at mawalay sa kanila.

'Sana..sana, pag-gising ko may babalikan pa ako..'

He tried not to get emotional but it's too hard to restrain his emotions. Hindi niya inaasahan na magkatotoo ang hinihiling niya noon.

Bakit ngayon pa?

“B-brace? Don't cry again ha? Babalik si Papa. Promise” Bulong niya sa anak at hinalikan rin ito sa noo.

Mabigat at nahihirapan si Baste na umalis sa tabi nila. Gulong-gulo ang utak niya sa decision na gagawin. Hindi niya rin alam kung tama ba ito?

Napatingin siya sa screen ng cellphone niya.

Lase Calling..

“G-gusto kona magpahinga, Lase” Agad na bungad ni Baste sa kaibigan.

Gusto niya tumawa ng marinig ang malakas na mura ng kaibigan.

“F*ck you! B-bakit ka tumakas?! Diba sabi ko sayo, mag-hintay ka lang sandali?!” Buong lakas na sigaw ng kaibigan, galit na galit ito sa ginawa niya. “At ano ang magpapahinga?! You can do it—we can do it.. Hindi kaba naawa sa sarili mo? Naisip mo ba ang mga taong iiwan mo ha? Paano kapag nalaman ito ng kapatid—”

“Kapag nalaman niya ang totoo. Alam ko naman magagalit si Tween sa akin lalo na si Yohanne. W-wag mong sasabihin sa kanila”

Matagal na sumagot si Lase sa sinabi niya.

“W-what? Anong sinasabi mo, Baste?!”

Ang katotohanan ang dumurog sa buong pagkatao niya.. Ang katotohanan na pinagkait sa kaniya ng ina at ama.

Kaya pala ganun nalang ang galit nila..

“I-i'm o-okay.. O-okay lang t-talaga ako. T-tanggap kona, tanggap kona ang katotohanan.” 'Yun lang ang huling sinabi niya at binaba ang tawag.

Tumingala siya at pinipigilan na pumatak ang luha na kay tagal na niyang pinipigilan.

Why?! Why?!

All this years, ako naman pala ang may kasalanan bakit nawala sila..

“K-kuya”

Inayos ni Baste ang sarili ng marinig ang boses ni Yohanne.

“Bakit ka nandito?”

Yumuko lang ito.

“I just want to see you—”

“I'm okay” Matigas na pag-putol niya sa pinsan. Pinsan huh?

Humarap siya kay Yohanne at tinititigan ito ng matiim. Hindi nagkakamali si Heiro, totoo ang lahat ng impormasyon na binigay nito. Ang hindi lang niya matanggap, bakit ginawa 'yun ng ina ni Tween? Why she decided to claim him as her son if Yohanne will end up alone?

He treasure them so much. Lahat na ginawa niya sa kanila pero bakit pinagkait nila sa kaniya ang totoo?!

“Tinawagan ako ni Kuya Heiro. Para dalawin ka. Kung ano ang kalagayan mo ngayon, Kuya”

“Wala naman akong sakit at maayos lang ako.”

Nagbuntong hininga si Yohanne.

“Tinatawagan ka ni Tween. Hindi mo raw sinasagot? Nag-aalala na siya sayo”

Napatigil si Baste..

Hindi ko rin matatanggap na hindi ko siya kapatid.. Na kasalanan ko na muntik na siya noon mawala..

“Busy ako at lowbat ang cellphone ko. I'll call her, later.. Okay?”

Tumango si Yohanne pero kunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.

“Alam mo bang may kapatid pa ako?”

Nanigas si Baste sa narinig.. Paano ni Yohanne nalaman 'to?

“H-hindi, bakit mo natanong?”

Umiling ito.

“W-wala. May nag-tanong lang sa akin kung naligtas ang kapatid ko sa aksidente noon? I'm just still 2 years old that time.. May alam kaba?”

“W-wala. H-hindi ko alam na may kapatid kapa”

Tumango lang si Yohanne.

“Ihahatid na kita sa hospital, Kuya..”

Aalis na sana si Baste ng tumigil siya at humarap kay Yohanne.

“Baka nagka-mali lang ang taong nag-tanong sayo. Wag muna isipin 'yun. Okay?” Hinawakan niya ito sa balikat at matiim na tiningnan..“Naintindihan mo ba ako? Don't ever ask Heiro for help. Wag mong alamin ang katotohanan, Yohanne. Trust me, hindi mo magugustuhan ang kalalabasan.”

Lumalim ang gatla ng noo ni Yohanne. Naguguluhan at nagtataka.

“Pero, Kuya. Kapatid—”

“Hindi 'yun totoo. Masasaktan ka lang, Yohanne. Ayoko masaktan ka kaya sundin mo nalang ako. Okay?”

Ilang sandali na pag-titig ni Yohanne sa kaniya at agad rin tumango.

“G-good. Ihatid mona ako. Marami akong pasyente ngayon”

Napapikit si Baste at tinitiis ang pamamanhid ng paa at kamay. Nahihirapan rin siya ngayon huminga. Pero, hindi niya pinapahalata sa kasama ang dinaramdam. Hanggat sa makakaya niya ang sakit. Hindi niya sasabihin sa lahat ang kondisyon niya.

Hindi naman siguro mahahalata na mawawala siya lalo na't busy siyang tao at doktor siya.

“Kailangan mong magpahinga, Kuya.. Maayos na ang kalagayan ni Darren. Hinihintay lang natin na magising siya ulit.. You want to surprise Ate Joce on her birthday, right? Kaya kailangan mong magpahinga kahit dalawang araw lang” Ani ni Yohanne at sabay na pag-sulyap sa kaniya.

“I need to rest, Yohanne. Ikaw na muna bahala kay Darren? Just a week or month, sa susunod na buwan pa naman ang kaarawan ni Mon Coeur ko. I need to think another way to surprise her. Pwede lang ba?”

Ngumiti si Yohanne at tumango sa kaniya.

“Yes! Oo naman, Kuya. Ako na ang bahala magpaliwanag sa kasintahan mo.”

“Thank you, Yohanne. Pwede rin bang  bisitahin mo si Brace at bigyan ng mga laruan? Pwede rin bang ipasyal mo siya habang wala ako?”

Huminto ang kotse ni Yohanne sa tapat ng hospital niya. There, he saw Lase with grumply look. Pero lamang doon ang pag-aalala. Hindi parin ito nagbabago..

“Si B-brace? Sige, gagawin ko. Hindi ka naman magtatagal diba?”

Umiling siya..

“Babalik ako, Pangako. Babawi pa ako”

Magsasalita pa sana si Yohanne ng pinutol 'yun ni Lase.

“You can go, Yohanne. Ako na ang bahala kay Baste.” Seryuso na ani ng kaibigan. Nagmamadali ang bawat salita nito.

Pinipigilan nito ang sarili na mataranta ng makita ni Lase ang kalagayan niya.. Baste felt numbness or weakness in the part of his body, his vision is not clear and it's hard for him to breath.

Mas pinili nalang niyang pumikit para hindi makita ng pinsan.

Tama ba ang ginagawa niya?

Baste heave a deep sigh and he let the darkness filled him. Ang huli niyang natandaan ang mabigat na kamay na nasa dibdib niya, ang sigaw ni Lase at ang paghihina ng tibok ng puso niya.

Isa lang ang alam niya, inaatake na siya ng seizure niya..

NAPATAKIP ng ilong si JOCELYN dahil sa hindi kaanya-anya na amoy ng pagkain. She really fond of strawberry pie. Bakit ayaw na niya sa amoy nito?

Nakangiwi na nilayo ni Jocelyn ang pagkain sa harapan. She doesn't like the smell of strawberry pie. Baka sira na?

“What's wrong? Ayaw mo ba?” Tanong ni Hans.

Tumango siya at tinakpan ang bibig na parang susuka sa amoy. Hindi niya talaga nagugustuhan ang amoy, para siyang duduwal na hindi niya maintindihan.

“Papalitan nalang natin?” Tanong ulit ng binata.

“Wag na, wala naman akong gana” Ani niya.

Bumibigat ang dibdib niya nitong nakaraan na araw. Palagi nalang ang binata nawawala!

She missed Baste so much but she tried herself not to ask Syd about him. Baka mas lalo niyang ma-miss ang kasintahan.

“Hans, pwede bang mauna na ako umuwi? Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko” Mainahon na sabi niya sa kaibigan.

Hans is transgender. Hindi naman siya nadidiri sa kaibigan, mas lalo niya itong hinahangaan sa ginawa nito. Ang tapang nito para tuparin ang pinapangarap niya noon.

She's Hanna Anderson but now, he's Hans Zimmer Armindes. Hindi niya alam bakit ito ang ginawa ng kaibigan pero susuportahan parin niya ito.

“Hindi ba nagagalit si Baste? I just felt this few days, may sumusunod sa akin.. Alam mo bang may sumira sa kotse ko at may taong humahabol sa akin, Joce?”

Bahagya siya napatigil at tumingin sa kaibigan.

Hindi naman galit si Baste?

“A-ano? Sinaktan kaba—”

Mahina natawa si Hans.

Umiling ito. “No.. Binantaan lang ako na layuan ka. Baste is still the same. Patay na patay parin sayo, Joce”

What?!

“Hindi 'yun magagawa ni Baste. Hindi siya galit—”

“Hindi? Nakita mo ba ang mukha niya habang nakatanaw siya dito? Galit na galit ito at halos susugod na siya sa akin. You know him, Joce. Sasabihin naman nito na okay lang kahit alam mong nagseselos na ang kasintahan mo” Umiiling si Hans habang tumingin sa kaniya.

Kunot ang noo niya. Nagseselos?

Pero, napatigil siya sa sinabi ni Hans. It's Baste nature, to be pretend okay but inside of him. He's suffering, he's in pain, he's hurt. Bakit kaya palagi nalang nito sinasaktan ang sarili?

Mag-aalala na ba siya sa kasintahan dahil isang linggo na ito hindi nagpapakita?

“H-hindi ko alam. Okay naman kami nitong nakaraan na araw”

Tinapik ni Hans ang balikat niya.

“Baste love you, noon man at ngayon. Siguro ayaw lang niya gumawa ng hakbang para iwan mo siya ulit. Worst, baka ipagpalit mo siya sa ibang lalaki katulad noon.”

May kumidlit sa puso niya sa sinabi ng kaibigan. May alam ba ito noon?

“Joce, ayaw kung sabihin to pero nakita ko kayo ni Baste mag-kasama sa bar? Hindi mo ba naalala?”

Mabilis na bumaling ang tingin niya sa kaibigan.

Bigla nalang siya kinabahan at ang lakas ng tibok ng puso niya. Why she can't remember that night?! At, anong ibig sabihin ni Hans?!

Hindi magagawa ni Baste na mag-lihim sa kaniya!

“Hindi ko maalala. I can't remember that night” Naguguluhan na ani niya.

Nagbuntong hininga si Hans.

“Alam mo bang hinintay ka ni Baste sa araw na 'yun? Tinulungan ko pa siyang mag-ayos ng studio para supresahin ka. Hindi naman sa nasa side ako ni Baste pero.. You hurt him more than he hurt you. At, nagalit ako sayo nun. Paano mo nagawang saktan si Baste na halos lahat ginawa na para sayo? Bakit mo 'yun ginawa? Paulit-ulit ko 'yun tinatanong sa sarili ko pero bago ko binago ang sarili ko. Naka-usap ko si Baste. Hindi sa magarang restaurant kundi sa hospital. May mga apparatus na naka-sabit sa katawan niya. Sa totoo lang naawa ako at nasasaktan para sa kaniya.” Yumuko si Hans at nahihirapan na tumingin sa kaniya.

Anong ibig sabihin nito?

“Sabi niya, hahayaan na kita kung saan ka masaya. He chose to stay away for your happiness, Joce. Kapag nakikita ko sa mga mata ni Baste ang sakit at malungkot na mukha nito katulad noon, gusto ko sabihin sayo ang totoo. Pero, ayoko masira kung anong meron kayong dalawa ngayon.”

Mas lalong naninikip ang puso niya sa nalalaman. Hindi niya naramdaman ang pag-laglag ng ilang butil na luha sa pisnge niya.

“H-hans, tell me everything. Lahat ng nalalaman mo. P-please.”

Umiling si Hans.

“Bakit hindi mo tanungin si Brace? Alam ko na kilala nito ang ama niya. Hindi niya lang sinasabi sayo”

Nanghihina na sumandal siya sa inuupu-an.

Si Baste ba?!

Gulong-gulo ang utak niya ngayon. Gusto niyang halughugin ang utak niya sa gabi na 'yun pero ang huli niya lang natandaan ang pag-sundo sa kaniya ng kaibigan. She can't remember everything! Just blurr images and scenes.

Kapag napaniginapan niya 'yun gabi-gabi, bigla nalang niya nakalimutan kapag nagising siya!

She wanted to remember that night! Gusto niya rin malaman kung sino ang nakabuntis sa kaniya noon pero hindi niya alam kung paano?!

“H-hans, naguguluhan ako—”

“Don't run away again, Joce. Wag kang maging maka-sarili ulit. Isipin mo si Brace. Alam kung gagawin mo ulit ang ginawa mo noon dahil lang galit ka at naguguluhan. Please, Joce. Find Baste and find out the truth. Ayoko pangunahan siya”

Napapa-awang ang labi ni Jocelyn sa naririnig sa kaibigan. Kinakabahan siya sa bawat tingin nito at nag-aalala rin siya sa binata.

May nangyari ba sa kasintahan niya?!

Hindi siya mapakali sa emosyon na bumalot sa kaibigan. Bigla nalang siya nakaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon sa loob niya.

“H-hans, anong ibig mong sabihin?” Kinakabahan na tanong niya sa kaibigan.

“Brace is here, Joce. Sana makatulong to sa inyo. Siguro aalis muna ako sa bansa. I already accepted that Jiya doesn't want me anymore. Thank you, Joce.” Tinapik nito ang balikat niya at kumaway sa kaniya.

“M-mama! M-mama!”

“B-brace, bakit ka umiiyak?” Malambing na tanong niya sa anak. Lumuhod rin siya sa harapan nito at tinuyo ang luha na nagkakalat sa mukha ng anak.

“G-gusto ko makita si Papa! M-mama, p-please.. Gusto ko siya makita”

Jocelyn look up with Baste's cousin. Umiwas ito at parang umiiwas na tanungin kung saan ang binata. 'Yun ang palagi niyang nakikita kapag inaaya nito ang anak mamasyal.

“Shh, wag ka nang umiyak. B-baby.. Please—”

Umiiling si Brace.. Nagwawala ito at gusto na gusto makita si Baste.

“Titigil lang ako kapag pupunta tayo kay, Papa! G-gusto ko m-makita si P-papa.. G-gusto ko s-siya m-makita!” Pamimilit ng anak.

Nakakuha na sila ng atensiyon ng lahat sa loob ng restaurant.

Paano nila pupunta si Baste kung hindi nila alam kung saan ito?!

Sinapo ni Jocelyn ang mukha ng anak. Nakaramdam si Jocelyn ng kunting hilo at masama ang pakiramdam niya ngayon.

“P-pupunta na tayo kay Papa. Okay? Wag ka nang umiyak. Please? ..” Pag-tahan niya sa anak na hindi tumitigil sa pag-iyak.

Tumingala siya kay Yohanne.

“Pwede bang sabihin mo sa akin kung saan si Baste? Isang linggo na siyang hindi nagpapakita. Please?”

But Yohanne shook his head. Hindi rin nito alam kung saan ang pinsan.

“Hindi ko alam kung saan ang pinsan ko. Nag-aalala narin si Tween. Pero, tutulungan kita”

Tumango siya at nakahinga ng maluwag.

Hindi alam ni Jocelyn pero masama ang kutob niya. Kinakabahan rin siya..

Nasaan kana, Baste?

A/N: Pakita kana Baste🥺

Wait for Califf and Yohanne story❤️

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

3.9M 114K 116
Dr. River Johnson didn't know the consequences of sleeping with the Capo of the Sicilian Mafia. She didn't even remember his name or face. But then t...
1.6M 73.7K 76
မာဗာရစ် + ခွန်းညီလွန်းရန် ( 8.9.2023)
425K 23.7K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3M 192K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...