the stars above us (medtech s...

guaninejwl tarafından

1.9K 89 16

MEDTECH SERIES #2 What Lula Madaline Quinto has prayed for ever since she was a kid was finally coming true... Daha Fazla

- - -
00
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13

1

169 4 0
guaninejwl tarafından

"Di ka pela gamin nagbasa idtoy."

Napasubsob ako ng mukha sa study table ko at napa-buntonghininga. Na-ho-homesick ako. Second year na'ko pero na-ho-homesick pa rin ako. Gusto kong kumain ng Ilocos empanada kaso wala akong mahanap na authentic. Miss ko na bagnet, shet. Sana pala no'ng umuwi ako nagbaon ako nang marami. Pwede naman akong magluto rito sa apartment ko.

May dorm 'yung univ, kaso ayaw kong masakal--'di nga raw pwede magluto no'ng nag-inquire ako kaya ekis agad talaga. Tapos ang sabi rin nila may curfew do'n. Hindi naman ako gano'n kabait para magpatali sa curfew hours. 'Yung uwi ko nga sa Laoag minsan pag lumalabas kami ng barkada ko umaabot ako ng alas-dose, pero hindi naman ako bad girl... medyo lang. Pero ayun basta, ayaw ko lang talaga ng nagagahol sa oras lalo't balak ko noon na mag-working student. Kaso ang ending naghanap na lang ako ng online job... konti na lang talaga maghahanap na lang ako ng sugar daddy.

For the past 2 years, nakakaya ko namang pagsabayin 'yung trabaho tsaka pag-aaral ko, tapos kunwari maraming oras si gaga kaya sumali rin ng org. Kaya namang i-balance--charing siyempre joke lang, 'di naman ako gold. Minsan 'di ko rin napagsasabay kaya buti na lang may break din kami sa org, lalo kapag hell week. Ang hell week sa Medtech, literal na hell week. Dagdag mo pa kapag may moving exams sa Histology, mapapa-pray over ka na lang talaga minsan sa sobrang sakit sa ulo. Pero siyempre, 'di naman ako gano'n katalino kaya tinatanggap ko na lang kapalaran ko kapag bagsak ako--sabi nga ng mga ka-batch ko, sa college mo malalasap ang tunay na tagumpay pag tapos na ang exam. Literal na "uy bagsak ako... anyways" ang ganap araw-araw. Pero kebs, at least tapos na.

'Di ako nangangarap na mag-cum laude, pero thanks G na lang kasi nakakasabit pa rin naman sa President's List tapos medyo Summa standing pa rin (small brag, don't hate)--simula yata 'yun no'ng hindi ako pumasa sa UPCAT. Oo, hindi ako pumasa. Although pasok naman daw ako kung magpapa-recon ako sa ibang degree program, kaso 'yun lang naman talaga 'yung sign na hinihingi ko para hindi mag-UP. Baka kainin ako nang buhay do'n. Kaya no'ng nalaman kong bagsak ako, siyempre iyak-iyak lang saglit si gaga tapos nag-apply na agad para sa entrance exam do'n sa sinabi sa'kin ng kaklase ko. Ngayon, siya 'tong nasa UP, ako 'yung nandito sa suggested school niya. Walanjo.

"Ammom met mabain nak ken titang kon," sambit ko, kasi nahihiya naman na talaga ako kay tita at ayaw ko nang maging palamunin niya dahil 'yung ibang kumare niya tinatawag na siyang mayor tapos ako raw scholar niya. Two years na'ko sa Manila, pero buti na lang hindi ko pa rin nakakalimutan mag-Ilocano. Sabi ni tita, normal lang naman daw 'yung medyo nakakalimutan mo 'yung ibang salita kasi siyempre wala naman akong kausap nang ilokano dito, puro mga kaibigan ko lang sa Laoag. Sabi pa nila 'yung iba naman diyan, laking Ilocos pero 'di man lang inaral mag-Ilocano, charot. "Tsaka bet ko rin naman ng new place."

Sabi nila masaya mag-soul searching, pero bakit nagsa-suffer ako ngayon? Pucha. Pang-elitista lang yata 'yung soul searching, e. Pag hindi ka mayaman, para ka lang pala talagang gago na naghanap ng problema.

Pero masaya rin naman sa QC. Mas masaya nga lang kung may isang milyon ako, or may susunduin sa airport katulad no'ng napapanood ko sa Tiktok. Last resort ko na talaga 'yung sugar daddy. Balita ko nga marami raw freshies na mayaman ngayon tulad daw no'ng Olly ba 'yun... apo raw ng may-ari ng ospital. Pero ang weird naman no'n kung maghahanap ako ng jojowain tapos freshie pa, parang ang gago naman no'n. Baka ma-trauma pa sa'kin.

Holly sighed, "Basta kung may need ka ket nandito lang naman kami. One call away."

I nodded. Nagpaalam na rin si Holly dahil nasa gitna pa siya ng klase. Bruhang 'yun, tumawag habang nagka-klase sila, tapos ang sabi pa niya ayos lang kasi nasa likuran naman siya at hindi siya nakikita. Malamang sa malamang ilang beses na ring natulog 'yun sa klase.

Sobrang sakit na ng ulo ko kakabasa kahit wala naman na yata talagang pumapasok kaya lumabas na lang ako para kumain sa Food Park. No'ng una kapag mag-isa akong kumakain sa Food Park at hindi ko kasama sila Maya, pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ng world kasi halos lahat ng nandito either magkabarkada or magjowa kaya sobra talaga akong na-tempt magjowa no'ng first year, kaso baka malaman ni tita na lumalandi na'ko agad first year pa lang kaya ngayong second year ko na lang igo-goal 'yun.

Nakaka-miss kumain ng pinakbet ni tita kaya 'yun na lang 'yung in-order ko tsaka softdrinks. Hindi naman ako mahilig sa softdrinks, pero ang boring kasing kumain mag-isa tapos tubig lang. Mas okay naman na 'yung may sipa man lang kahit pa paano para pambawi sa pagiging lonely girl ko.

"Si gaga nag-eemote na naman yata." Napalingon ako sa gilid at halos mapatili nang makita ko si Maya na nakatayo sa gilid.

"Akala ko ba free spirit ka na now at next week ka pa uuwi?"

Napairap naman si Maya, "Girl, makapal mukha ko pero hindi ko keri bumagsak 'no. Buti sana kung pwedeng makihati sa utak mo," natatawa niyang sabi dahilan para mapairap ako. Hindi naman ako matalino! Mas marami nga mas matalino sa classroom namin, pero mas madalas yatang nanghihingi sila sa'kin ng sagot sa assignments kesa sa iba. Sabi nila sa'kin 'di raw kasi ako masungit, sus, binola pa nila ako. Sana sinabi na rin nilang maganda ako para naman naniwala ako.

"Ano, sasali ka ba sa Science Fest?"

Napa-kibit-balikat ako. 'Yung dean namin pinipilit akong sumali sa SIP sa upcoming SciFest. Maganda naman 'yung pros, may plus points ako sa lahat ng subjects automatically tapos another plus kapag nanalo, kaso ang con, may possibility na mai-partner ako do'n sa isang student na tamad na hindi ko naman ang pangalan pero nag-sign up daw for SIP for the pros, pero sabi naman ni dean matalino naman daw siya... pero ang chismis talaga sa'min tamad siya. Pakiramdam ko tuloy iiyak na'ko ngayon pa lang.

"Gwapo raw 'yun si Sergio."

Napairap ako, "Yotniinam bakla, mukha ba'kong naghahabol sa gwapo?" I mean... true. Slight. Pero grabe, mukha na bang trademark ko 'yun para kay Maya?! Siyempre maghahanap ako ng pogi, alam ko namang maganda ako! Bakit ako magse-settle for less?

Natawa si Maya at hinila 'yung buhok ko.

"Alam mo, ire-report na kita ng abuse!"

"Akala mo naman talaga! Mas masakit ka pa ngang manghampas pag tumatawa ka!" Napairap ako. Nagulat ako no'ng biglang may sumigaw ng number ko kaya mabilis akong tumayo para kunin 'yung order ko. Kanina pa pala ako tinatawag. Hayop na Maya 'yan.

"Na-curous ka kay Sergio 'no?"

Peke akong ngumiti, "Bakit mayaman ba 'yan?"

"Shuta ka beh, gagawin mong sugar daddy?"

Napakunot ako ng noo, "Bakit, mayaman daw ba?"

"Hulaan mo," natatawa niyang sabi at mukhang kinikilig pa si bakla. 'Tong Jeremiah na'to talaga, napakatalas ng mata kapag may pogi sa MedTech tapos inaaway pa kami ni Ali kapag na-cu-cute-an din kami. May mata rin naman kami! Kaya nga may mata para mag-appreciate ng hitsura!

Inirapan ko na lang siya at kumain na lang. Ang daming kwento ni Maya sa mga bar hopping niya tapos nakita pa raw niya one time 'yung isang MedTech freshie na mayaman sa may Pobla, Rene raw 'yung pangalan. Nagulat pa nga raw siya kasi hindi raw niya in-expect na nagba-bar si ate girl. Pati expenses nila Rene kumalat pa dahil nagbayad daw siya ng 100k, tapos mukhang leech daw 'yung mga kasama niya at nakikisipsip lang para may magbayad ng drinks nila.

Kung anu-ano talaga nasasagap ng baklang 'to. Sa sobrang pagiging extroverted niya, pati ibang prof tropa niya. Minsan nga no'ng first year nag-invite siyang kumain kami sa Vikings tapos may mga kasamang prof, akala ko bibiruin niya ng KKB pero siya naman nagbayad. Masyado talagang outgoing, legit 'yung pagka-PR niya. Kaya automatic siyang nalagay sa Sponsorship Committee ng student council, e.

"Huy, bakla." Napalingon ako kay Maya nang bigla akong kalabitin nang paulit-ulit kaya napatingin din ako kung saan siya nakatingin. Nanlaki 'yung mata ko kasi ang gwapo? What the fuck? Naka-white shirt lang siya na naka-tuck in sa jeans tapos white sneakers, pero ang lakas ng appeal.

Mukha siyang conyo na magugulat ka na lang magse-send ng picture ng ceiling nila na maganda 'yung lightings at may dim light din kaya mapapasabi ka na lang ng you deserve better.

"Sino 'yan?" tanong ko habang nakatingin kay Maya na pasimpleng kinukuhanan ng picture si kuya kaya mabilis kong inagaw 'yun at dinelete. "Gaga ka talaga."

Napairap naman si Maya, "Hindi naman niya alam!"

"Tanga, kahit na. Kung ikaw ba kinuhanan ng pictures without consent, matutuwa ka?"

"Sabagay," sagot niya bago kinuha 'yung phone niya pabalik at tinago iyon. "Sorry na madam."

"Pero sino ba 'yun?"

Natawa siya, "Curious ka? Si Sergio 'yan."

Napakunot ako ng noo. Bakit naman 'di ako in-orient ng dean na ganito naman hitsura ni Sergio?! Sayang naman kung tamad talaga siya... nakakairita kaya 'yun. 'Yung mga pabuhat tapos gagawin pang biro na looks ang ambag niya. Hindi ko naman malalagay sa fucking references 'yung kagwapuhan mo, isaksak mo sa baga mo 'yan.

Napasimangot ako, "Pass," sambit ko. "Pag ganiyan parang ipapagawa lahat sa'yo."

"Pati?" Napatingin ako kay Maya na nagtataas-baba ng kilay dahilan para manlaki ang mata ko.

"Ang landi mo talaga!" sambit ko at napatayo na mula sa kinauupuan ko dahil pakiramdam ko naririnig na ng mga katabi namin 'yung mga kabastusan ng bunganga niya.

Napasimangot si Maya pagkalabas namin ng Food Park dahil kakaupo pa lang nila Sergio do'n tapos may mga kasama pa siyang ibang lalaki. They all exuded a different aura—'yung tipong pag nakita mo may conclusion ka kaagad na mayaman sila.

Ewan ko ba, basta may aura talaga 'yung mayayaman na hindi mo ma-point out kung ano.

"Hindi ka talaga sasali sa SIP?" I shrugged. "Sayang girl, malay mo siya na ang hinihintay mong gardener."

"Gardener?"

"Taga-dilig!"

Natawa ako, "SIP 'yun beh hindi SOP, punyeta ka," natatawa kong sabi bago napatingin saglit kila Sergio na nakikipagtawanan. 'Yung iba sa kanila mukhang familiar kasi baka nakasalubong ko na rin sa hallway, mukhang wala naman silang kasama na officer sa SC. Kahit President naman ako sa school council hindi pa rin ako magaling magkabisado ng pangalan kaya madalas puro familiar lang 'yung mukha nila.

Sabi naman ni dean matalino si Sergio.

Sabi no'ng mga tao sa kabilang section tamad siya.

Ewan ko ba.

"Ano?"

Inirapan ko si Maya, "Pag-iisipan ko."

Natawa si Maya at napapapalakpak, "Pag 'yan naging jowa mo, ilibre mo'ko ng pizza."

"Asa ka pa," sambit ko bago kami naglakad pabalik sa apartment ko. Mga naiisip talaga ni Maya pang-out of this world.

**
Translation

"Di ka pela gamin nagbasa idtoy." - 'Di ka na lang kasi nag-aral dito.

"Ammom met mabain nak ken titang kon," - Alam mo namang nahihiya na'ko kay Tita.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

44.7K 1.4K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
366K 24.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...