Dirty Bastard

由 MarkusJuan

6.5K 235 12

Shawn Raven Walton, anak nina Roice at Gaia. Isa siya sa mga suki ng kulungan. Normal na ring maituturing ang... 更多

Prologue
Hello
Sorry
Cute
Daydreaming
The Past
Starting Point
Preparation
Kiss
Sweet
Partners
Out of Control
Mated
Non-stop
Shattered
Frustrated
Reminisce
Two in One
Tranquility
Unexpected
He's Not
Deception
Seen
Normal Day

Seductive

343 13 0
由 MarkusJuan

Nang makarating sina Shawn at Aika sa kuta niya ay sumalubong sa kanila ang mga tunog ng putukan.

Pagkaparada pa lang ni Shawn ng motor niya ay agad naman bumaba si Aika. Itinaas nito ang dress at hinugot doon ang baril na nakasuksok sa hita nito.

Nasaksihan naman ni Shawn ang sandali na iyon, halos lumuwa ang kanyang mata nang masulyapan niya ang maputi at makinis nitong hita.

"Ar–"

Nabalik naman siya sa katinuan nang tampalin ni Aika ang noo niya.

"Humanda ka at may kalaban, hindi yung kung saan saan nakakaabot ang mga mata mo," wika ni Aika. Dahan dahan naman itong sumilip sa isang sulok.

Kinuha ni Aika ang selpon nito at nagdial. "Hello, I need backup," bungad nito sa kabilang linya. "Itetext ko ang address," sambit nito bago binaba ang tawag. Saglit naman muna itong nagtipa bago kinasa ang baril.

Manghang mangha naman si Shawn sa bawat galaw ng bibe niya. Nang makarecover siya sa nakita niyang hita ni Aika ay kumuha siya ng isang kahoy sa gilid na may mga pako na nakabaon.

May narinig silang kaluskos sa gilid, nang makita ni Aika ang itsura ng armado ay agad nitong pinatamaan ang binti nito. Sumirit ang dugo nito, pinukpok naman ni Shawn ang ulo nito. Dahil sa pagpukpok na yun ay bumaon ang ilang pako sa ulo nito na dahilan para mamatay ang lalaki.

"Nice one, Bibe," pagpuri ni Shawn kay Aika.

Hindi naman siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa kung saan naroon ang mga putukan.

Habang naglalakad sila palapit doon ay panay paputok naman ng baril si Aika.

Nang makarating sila sa kuta nina Shawn ay tumambad sa kanila ang mga bangkay ng tauhan niya. Kinuyom niya ang kanyang kamao dahil sa nakita.

Sa sobrang gigil ay halos masira ang hawak niyang kahoy.

Samantala, habang nagmamasid ang dalawa ay hindi nila napansin agad ang lalaki na nasa isang sulok na may hawak ng baril at nakatutok kay Aika.

Naramdaman ni Shawn ang pagtutok na iyon. Bago pa man tumama kay Aika ang bala ay mabilis itong tinulak ni Shawn. Dahil doon ay siya ang sumalo ng bala, mabuti na lang at tanging daplis sa hita niya ang kanyang natamo.

Naging alerto si Aika dahil sa mabilis na nangyari, hinanap nito ang may gawa at hindi ito nagdalawang isip na barilin ang bungo nito.

Nang masiguro ni Aika na basag na ang bungo ng lalaki ay lumapit ito kay Shawn.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong kay Shawn.

"Oo naman, malayo naman sa bituka," Dumadaing na sagot ni Shawn.

Napairap si Aika dahil sa pagsisinungaling ni Shawn. Kitang kita naman kung paano umagos ang dugo mula sa hita niya.

Lumapit si Aika sa kanya at inilabas ang panyo.

Hindi na nakapagreklamo si Shawn ng balutin ni Aika ang hita niya nang mahigpit.

"Aray, Bibe dahan dahan naman, first time ko ha," daing ni Shawn na may halong pagbibiro.

Sa halip na sagutin ay inalis ni Aika ang pagkakatali non at pinunit nito ang suot ni Shawn na pambaba.

"Woy– maghunos dili ka, hindi ako ganun na lalaki ha," bulalas pa ni Shawn. Pero sa isip niya ay gustong gusto niya ang ginagawa nito.

Nang mapunit ni Aika ang suot niya ay mabilis nitong kinuha ang maliit na bote ng alcohol sa ilalim ng suot nitong dress.

Hindi naman makapaniwala si Shawn sa babaeng nasa harapan niya.

Ang daming tinatago ah, ano pa kayang nasa ilalim ng dress na iyan. Dinaig niya pa si Doraemon.

Nabalik si Shawn sa pag-iisip nang buhusan ni Aika ang sugat ng alcohol kung saan siya may tama ng bala.

Napakagat naman ng labi si Shawn dahil doon. Nang makita ni Aika ang reaksyon niya ay napangiti naman ito nang kaunti.

Gamit ang hairpin ni Aika ay dinukot niya ang bala na bumaon sa hita ni Shawn.

"ARGH–" Impit na sigaw ni Shawn.

Pigil hininga si Shawn habang kinakalikot ni Aika ang kanyang sugat. Nang maalis nito ang bala sa sugat niya ay binuhusan nito ulit ng alcohol iyon.

Gustuhin man magreklamo ni Shawn ay wala siyang magawa. Tinitigan niya ang mukha ni Aika na seryoso sa panggagamot sa kanya.

Sobrang lakas naman ng tibok ng puso niya dahil sa ang bibe niya ay ginagamot siya.

Nasa ganun silang posisyon nang may narinig si Shawn na tumawag.

"Babe!" pagtawag sa kanya ng kung sino man.

Nang lingunin ni Shawn ay nakita niya ang tumatakbong si Rebecca. Kapansin pansin din ang pag-alog ng pakwan nito sa harapan.

"Ayos na," sambit ni Aika.

Agad naman namawis si Shawn dahil sa kanyang napagtanto. Huli na bago pa siya makapagpaliwanag nang salubungin siya ni Rebecca ng yakap.

"Thank you, Bi–Aika," saad niya rito. Sa pagitan ng mga yakap ni Rebecca.

Mayamaya pa ay dumating na rin ang ilan pa niyang tauhan. Isa na rito ay si Kaloy.

"Anong nangyari?" seryosong bungad ni Shawn dito.

"Boss, wala rin kaming ideya kung sino ang naglakas loob sugudin ang teritoryo mo," paliwanag ni Kaloy. Halos mangatal naman ito dahil sa nararamdaman nitong aura ni Shawn. Kung kanina ay mukhang mabait ito, ngayon ay para siyang manlalamon na tigre.

"Alamin niyo kung sino ang may pakana nito sa lalong madaling panahon," wika ni Shawn. Tumingin siya sa mga natirang tauhan niya. "Mata lang ang walang latay," dagdag pa niya na nagpanginig sa mga tauhan niya.

Alam nila na ibang klase magalit ang kanilang boss. Hindi nila gugustuhin pa ang maulit dati.

"M-masusunod Boss," tugon ni Kaloy.

"Tutulong din kami sa pag-iimbestiga," biglang saad naman ni Aika sa isang sulok.

Napalingon naman dito si Rebecca. "Babe, kilala mo ba iyan?" tanong nito habang mas idinidikit pa ang mga pakwan nito sa katawan ni Shawn.

Biglang nanlamig si Shawn dahil sa tanong na iyon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

"Teka, nasaan si Alfredo?" pag-iiba ni Shawn ng topic. Napailing na laman ang ilang mga tauhan niya dahil doon.

"Sinugod niya yung mga sasakyan ng mga iyon," sagot ni Kaloy. "Baka pabalik na rin po yun Boss," dagdag pa nito.

Pagkasabi pa lang nun ni Kaloy ay siya namang pagdating ni Alfredo.

"Boss, may nahuli ako na isa!" Sigaw nito habang kinakaladkad ang lalaki na tadtad ng pasa.

Nanlisik naman ang mata ni Shawn sa lalaki. Inagaw niya ang baseball bat na hawak ng tauhan niya at mabilis na sumugod doon.

Malakas niyang hinampas ang binti nito. Rinig na rinig kung gaano nadurog ang mga buto nito. Halos mapaos naman ang lalaki dahil sa walang humpay nitong pagsigaw.

Ni hindi makatingin sina Kaloy sa ginagawa ng boss nila.

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na si Shawn. Puno ng dugo ang damit niya at may ilan din na tumalsik sa kanyang mukha.

"Alamin niyo kung sino ang salarin," utos niya sa mga iyon.

Pinagtulungan naman buhatin nina Alfredo ang lalaki. Bagamat nadurog ang mga buto nito sa paa ay buhay pa rin ito.

Lalapit na sana si Shawn kay Aika nang dumating ang mga pulis.

"Parak!" sigaw ng mga tauhan niya.

Sumenyas naman si Shawn na tumahimik ang mga ito. Pinakiramdaman din muna niya ang mga pagdating ng pulis. Kahit na alam niyang ito ang tinawagan ni Aika ay mabuti na ang sigurado.

"Ma'am Aika!" saludo ng nangungunang pulis kay Aika. Sumaludo naman ito pabalik doon.

"Pakilinis ng mga kalat dito lalo na yung mga bangkay, yung mga humihinga pa gamutin at dalhin sa interrogation room," utos nito sa mga iyon.

Dali dali namang nagsikalat ang mga pulis at kunin ang ilang mga bangkay.

Manghang mangha naman si Shawn dahil kay Aika.

"Babe, I'm scared," malambing na wika ni Rebecca sa kanya. Ramdam niya ang pasimpleng paghawak nito sa Shawn jr niya.

Lumingon siya sa dako ni Aika na baka sakaling nakita nito ang ginawa ni Rebecca. Ngunit nang tingnan niya ito ay nakita niya ang isang lalaki na bumaba sa kotse.

Suot nito ang suit na aakalain mong may ari ng isang malaking kumpanya.

"Are you okay Aika?" nag-aalala na tanong nito kay Aika bago niyakap nang mahigpit.

Nang makita ito ni Shawn ay halos kumulo ang dugo niyo. Pinilit niya lamang kontrolin ang sarili.

"Anong ginagawa mo dito, Fornier? Akala ko ba may business meeting ka?" sagot ni Aika at inalis ang yakap nito.

"Well, ako lang naman si Moon Fornier, kahit hindi ako dumalo ay ayos lang," taas noo nitong sambit.

Konting pagpipigil na lang ang ginagawa ni Shawn. Malapit niya na itong sugudin at bugbugin.

Naramdaman niya ang paghimas ni Rebecca na nagpakalma sa kanya.

"Chill, Babe," sambit nito habang hinahamplos ang dibdib niya pababa ng kanyang abs.

Nang kumalma si Shawn ay nakita niya ang nanlilisik na mata ni Aika sa kanya. Lumingon siya sa iba at hindi pinansin ang matalim na tingin nito.

Nang malinis ng mga pulis ang ilang bangkay ay unti unting nag-alisan ang mga ito.

Lalapitan na sana ni Shawn si Aika nang lumapit dito ang lalaki na iyon.

"Sa akin ka na sumakay, Aiks," nakangiting suhestiyon nito.

Tumango na lamang si Aika at dumiretso sakay ng kotse nito nang hindi nililingon si Shawn.

"Tang in-" reklamo niya nang makaalis na ang mga ito. Kitang kita pa niya ang mapang-asar na ngiti ng Moon Fornier na iyon.

"Matyempuhan lang kitang Buwan ka, hindi ka na sisikatan pa ng araw," bulong niya bago naglakad pabalik ng compound nila.

Saktong paghakbang niya ay napansin niya ang isang usb na may design na bibe.

Agad niya naman itong pinulot at diretsong inilagay sa bulsa. Nagpatuloy na sila sa paglakad habang nakapulupot pa rin ang mga braso ni Rebecca sa kanya.

"Babe, pasukin mo ako," hiling ni Rebecca nang makapasok sila sa loob ng silid.

"Sure."

繼續閱讀

You'll Also Like

51.5K 3.5K 10
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1.4M 32.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
947K 32.5K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.