KOLOKOY HUNKS 1: Tayo Na Lang...

Da AndyThoughts

6.4K 509 241

A woman who has tremendous trust issues as a result of her previous flings. A man who is unceasingly praying... Altro

Maikling Ebas Mula sa may Akda
Dedication
Kimilatik Update
KH1 Playlist
1st Attempt
2nd Attempt
3rd Attempt
4th Attempt
5th Attempt
6th Attempt
7th Attempt
8th Attempt
9th Attempt
11th Attempt
12th Attempt
13th Attempt
14th Attempt
15th Attempt
16th Attempt
17th Attempt
18th Attempt
19th Attempt
20th Attempt
21st Attempt
22nd Attempt
23rd Attempt
24th Attempt
25th Attempt
26th Attempt
27th Attempt
28th Attempt
29th Attempt
30th Attempt
31st Attempt
32nd Attempt
33rd Attempt
34th Attempt
35th Attempt
36th Attempt
37th Attempt
38th Attempt
39th Attempt
40th Attempt
41st Attempt
42nd Attempt
43rd Attempt
44th Attempt
45th Attempt
46th Attempt
47th Attempt
48th Attempt
49th Attempt
50th Attempt
51st Attempt
52nd Attempt
53rd Attempt
54th Attempt
Final Attempt
Another Ebas from the Author
Special Attempt 1.1: Angel
Special Attempt 1.2: Obs
Special Attempt 2.1: Niguel Antonio López

10th Attempt

101 12 4
Da AndyThoughts

Masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong venue nang mahiwa ng mag-couple ang three layered chocolate cake na nakapuwesto sa gitna ng hall.

Nagsimula ang kasal ng client ni Ari ay hindi natigil sa pag-iingay ang guests. Hanggang ngayon ay dinig pa rin ang tilian ng mga ito dahil sa kilig sa newly wed couple.

"Perfect shot," mahinang usal ni Ari sa sarili matapos niyang kuhaan ng litrato ang dalawa na nagsubuan ng cake.

"Astig na ba 'to, 'tol?"

Nilingon niya ang ginagawa ni Charles na pagkuha ng video. "Nakuhaan mo ba hanggang sa part na nagsubuan sila?"

May pagtataka sa mukha niya nang bumaling sa kaniya ang lalaki na may malisosyong ngisi sa labi. Binatukan niya ito dahil nakuha niya ang pahiwatig ng ngisi ni Charles.

"Bastos ng utak mo. Magtrabaho ka na nga lang."

"Iyon naman ang ginagawa ko, ah?" natatawa nitong sagot. "Ikaw ang green minded d'yan."

"Ewan ko sa 'yo," irap niya na lang at nag-focus siya ulit sa pagkuha ng pictures.

Nagsasayawan na ang ilang guest sa dance floor nang inaya sila ng bride na kumain na rin. Pansamantala nilang binitiwan ang trabaho at nagtungo silang dalawa sa isang table exclusive sa kanilang dalawa.

Dinaluhan sila ng bride sa pagkain samantalang ang groom ay kinakausap ang ibang bisita na dumalo sa kasal.

"Thank you so much, Miss Ari! Super satisfied kami ng mister ko sa prenup shoot. Excited na kaming dalawa na makita ang wedding pictures namin." Hindi maikakaila ang tuwa sa mukha ng bride. Sa sobrang saya ay hindi niya magawang bitiwan ang kamay ni Ari.

"Best wishes sa inyo ng hubby mo. I'm sure magiging masaya at prosperous ang marriage life niyo. Nakikita ko 'yon sa inyo." Ginantihan niya ng ngiti ang babae.

"Alam mo ba, natuwa ang friend ko no'ng pinasilip ko sa kaniya ang video namin sa prenup. Ni-reffer kita sa kaniya, kaya baka sooner i-approach ka niya." Bahagya itong humilig sa kaniya saka bumulong. "Naengganyo na rin magpakasal kasi nainggit sa pretty shots namin ni mister."

Humagikgik silang pareho, samantalang si Charles ay may sariling mundo na nagpabalik-balik sa buffet area para kumuha ng pagkain. Talagang sinusulit ang pagkakataon na makapamburaot.

"By the way, nagbabalak si mister ko magpagawa ng logo para sa banda niya. Ikaw na rin ang kukuhain naming artist."

Bakas ang labis na hiya at tuwa sa kaniyang maliit na mukha. "Ay naku, thank you po. Sobra naman ang tiwala niyo sa 'kin."

"Bakit naman hindi? Obvious ang talent mo sa ganitong klase ng art, deserve makilala ang name mo sa larangang 'to. At nakikita kong binibigay mo ang best mo para ma-satisfy ang customers sa services mo."

Hindi makayanan ni Ari ang nag-uumapaw na pamumuri ng bride sa kakayahan niya bilang photographer at graphic artist. Minsan lang siya makatagpo ng ganitong genuine customer kaya hindi niya mapigilan ang maging emosyonal.

Iyong madalas niya kasing na-e-encounter na customer, kung hindi magrereklamo na napakamahal niya maningil sa commission fee, babalahurain pa siya at lalaitin ang mga art woks niya. Mayroon ding customer na binabarat siya.

May mga ganoon talagang tao, iyong hindi marunong mag-appreciate sa pinaghirapan ng iba. Hindi nila malalaman na mahirap ang paggawa ng isang obra kung hindi nila ilalagay ang kanilang sarili sa sapatos ng isang artist.

Masakit para sa isang artist na katulad ni Ari ang malait ang gawa niyang kung minsan ay inaabot ng ilang araw bago matapos ang final output. Masyadong mababa ang tingin sa kaniya dahil picture-picture lang, edit ng videos, drawing, at edit ng logo lang naman daw ang ginagawa niya, na kahit ang grade one ay kayang gawin ang ganoong bagay.

Isang malaking insulto iyon para sa kaniya-sa lahat ng tao na may ganitong klase ng propesyon.

Iniwan na rin siya ng bride kinalaunan dahil tinawag ito ng emcee. Ito na kasi ang part na ihahagis na ng bride ang bouquet at ganoon din sa garter toss.

Habang kumakain siya ng Chicken Cordon Bleu ay ang pag-iingay ng kaniyang telepono. Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi dahil si Antonio ang nang-iistorbo sa trabaho niya.

Ayaw niya itong i-entertain ngunit kusang gumalaw ang hinlalaki niya at pinindot nito ang accept call button.

Nag-aalangan pa siya nang itapat niya sa kaniyang tainga ang phone niya. "A-ano? May ginagawa ako," tipid niyang umpisa. Muntik pa siyang pumiyok sa kaba.

"Nandito na ako."

"Ano?" Napatayo pa siya dahil sa sinabi ng lalaki.

"Tamang address ba 'tong pinuntahan ko?" bulong nito sa mouth piece. Mukhang kinakausap pa ang sarili.

"N-nasaan ka ba?" tanong niya at nagsimula siyang tumungo sa entrada ng venue. Sumenyas siya kay Charles na lalabas lang siya saglit.

"Sa Botany Garden ang reception ng client mo?"

Para siyang natisod nang marinig niya ang sinambit ni Antonio. "P-punyeta ka. Nasaan ka ba kasi?!" Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit napapabulyaw siya.

Marahil ay kinakabahan siya. Kabado siya sa fact na pinuntahan talaga siya nito sa kaniyang raket.

Tinuloy niya ang paglabas sa venue. Ilang linga lang sa paligid ang ginawa niya ay namataan niya ang itim na Vios at may lalaking nakasuot pambahay ang nakasandal sa bumper nito.

Eksaheradang napanganga si Ari habang pinagmamasdan niya ang porma ni Antonio.

Paano ba naman kasi? Nakasandong gray ito at khaki shorts na itim, nakatsinelas lang din ito.

Galing siya sa trabaho pero ganiyan ang ayos niyang parang mamamalengke lang?!

"Hoy! Bakit naman ganiyan ang suot mo?" Naibaba niya ang telepono't nagmamadali siyang tumungo sa direksyon ng lalaki.

Mabilis itong lumingon sa gawi niya nang marinig nito ang tili niya. "Kanina pa ako paikot-ikot dito—tangina ang ganda mo naman sobra."

Natigil siya sa paglapit sa lalaki dahil napanganga ito habang pinapasadahan siya nito ng tingin from head to toe.

"T-tangina mo rin!" Minura niya lang din ito gawa ng pagkataranta. Hindi niya inaasahan na pumumuri sa kaniyang ayos ang magiging bungad sa kaniya ni Antonio. Tumikhim siya at sinikap huwag madala sa papuri nito. "Bakit ba nandito ka?" nagsanib puwersa ang kilay niya.

"Hindi mo ba nabasa ang text ko?" Nakatulala pa rin ito sa kaniya.

Naiyukom ni Ari ang dalawa niyang kamay dahil hindi niya nakakayanan ang paninitig sa kaniya ni Antonio.

"Walang duda, pati sa text 'di mo ako pinapansin. Ang isnabera mo porket—"

"Porket ano?"

Naitikom nito ang bibig dahil sa pagtataray niya. Expected niyang madudugtungan ng pamimikon ang sasabihin ng binata ngunit pagtitig lang sa kabuuan niya ang nagawa nito.

Hindi rin nagtagal ang pagkatulala ni Antonio, pinatunog nito ang dila saka umiwas ng tingin sa dalaga. "May pagkain ba sa loob?" baling niya sa entrada ng venue. "Hindi ako nakapag-lunch kanina sa work, eh."

Umikot ang mga mata niya. "Grabe 'yang ilong mo, ah? Naamoy mong may kainan sa pupuntahan ko?" Tatalikuran niya na sana ang binata para bumalik sa loob nang may maalala siya. "Pa'no mo nalamang dito ang pinuntahan kong event? Sinusundan mo ba ako?"

Eksaheradong umingos ang lalaki, iyong tawa pa nito ay para bang naiinis. "Waw, ah?! Pa'no kita susundan, eh galing ako sa trabaho ko? Ginawa mo naman akong stalker na patay na patay sa 'yo. Angas mo naman!"

"Hindi pa ba stalking ang ginagawa mo? Nagawa mo nga akong sundan dito nang hindi ko alam kung saan mo nakuha ang address ng pinuntahan kong lugar."

"Hindi ba puwedeng pinapasundo ka sa 'kin ni Rio kaya alam ko kung saan ka pupuntahan?" Namulsa itong sumulpot sa mukha ang pagyayabang dahil napahiya ang dalaga sa konklusyon nito.

Mariin siyang napapikit sa isipan dahil bago siya makaalis ng bahay ay nasabi niya pala kay Rio kung saan gaganapin ang wedding ng kaniyang client.

Gusto ko ng makipag-swap ng kuya. Sa inyo na 'tong kambal kong hindi mabubuhay kung hindi nashe-share kay Antonio ang happenings sa buhay ko!

Pagtitig ang naging sagot ni Ari kay Antonio. Hindi na siya sumabat pa dahil alam niyang talo siya sa pagkakataong ito. Idinaan niya na lang sa pagtikhim ang pamimintang niya't tinalikuran na ang binata.

Hindi ito nag-aksaya ng oras at sumunod na rin sa dalaga. Napahawak ito sa braso ni Ari nang sandaling makapasok sila sa loob ng venue.

"Gago, nakakahiya naman pumasok dito," wika niyang napatingin sa kaniyang sando.

"Shungangers mo kasi," umikot ang mata ni Ari. "Sino bang may sabi sa 'yong ganiyan ang suotin mo?"

"Malay ko ba na kasalan 'tong pinuntahan mo? Kasalanan mo 'to, 'di mo ko pinanpansin, eh."

"Excuse me? Bakit ako pa ang sinisisi mo? Ikaw 'tong biglang susulpot na walang pasabi!"

"Bakit kasi 'di mo 'ko pinapansin?" Hindi ito nagawang sagutin ni Ari dahil parang ibinulong lang ito ni Antonio sa kawalan.

Napamaang siya dahil walang kahihiyan pa rin na tumuloy si Antonio kahit nakita na nitong hindi appropriate ang kasuotan niya sa okasyong nagaganap.

At sa buffet area pa nga ito dumiretso imbes ipirme ang sarili sa isang tabi.

"Wala talagang kasing kapal 'yang kalyo sa mukha mong Brownies ka," aniya ng masundan ang lalaki na ngayon ay nakakuha na ng plato at utensils.

"Ano 'to, boss?" tanong ni Antonio sa server na nagbabantay sa buffet.

Mariing napapikit si Ari. Nangungunsume siyang napahilot sa kaniyang noo.

"Pesto Fettuccine, sir." Nagpipigil ng tawa ang server habang nakatingin kay Antonio.

"Oks na oks 'to, ah. Mukhang sinukahan pa 'to ni Hulk bago i-serve rito. Bakit kulay green 'yung sauce?" baling niya kay Ari.

"Ewan ko? Ako ba ang nagluto n'yan?" may iritasyon sa tono niya.

Kinain ng hiya ang dalaga dahil kita niya ang pasimpleng pagtawa ng mga server sa nagiging usapan nila, dagdag pa ang pagiging unbothered ni Antonio sa kaniyang kasuotan kahit pa pinagtitinginan na siya ng mga guest.

Wala siyang nagawa at hinayaan niya ang kaibigan na kumuha ng pagkain. Kahit naiirita at naiilang siya rito ay hindi kaya ng konsensiya niya ang mamatay ito sa gutom. Iyon nga lang ay nakakahiya dahil hindi naman imbetado ang lalaki sa kasal ng client niya pero ang lakas ng loob kumuha ng gabundok na pagkain.

Naisip niya na baka hindi talaga ito kumakain pa ng lunch. Bakit kasi 'di siya kumain? Pabaya talaga siya sa sarili.

Hinayaan niyang maupo si Antonio sa table nila ni Charles para kumain. Samantalang siya ay inabala niya ang sarili sa muling pagkuha ng pictures sa kaganapan sa platform. Hindi pa siya satisfied sa nakain niya pero nagtiis-ganda siya dahil naiilang siya sa presensiya ni Antonio, na naman.

Nag-uusap lang ang dalawang lalaki habang kumakain. Hindi niya na inalam pa ang laman ng kuwentuhan nila dahil ayaw niya lumapit sa gawi ni Antonio. Kita niya naman na kumportable ang dalawa sa isa't isa kaya hindi niya masyadong inalala na baka ma-out of place ang binata.

Dinig sa buong venue ang pagbibilang hangang tatlo ng lahat bago ihagis ng bride ang bouquet.

Bago pa ma-click ni Ari ang button ng kaniyang camera ay napaigik siya dahil sa bagay na tumama sa kaniyang ulo.

Nagulantang na lang siya sa kaniyang pagdilat dahil lahat ng guest ay nasa kaniya ang atensyon habang nakangiti ang mga ito. May iba pang kinikilig ang itsura.

"Ang maganda nating photographer pala ang next na ikakasal! Kailan kaya ang date ng kasal, at sino ang magiging groom?" lintanya ng emcee na akala mo'y may pa-blind item.

"Siyempre naman ako ang groom."

Binalingan ni Ari ang nagsalita, wala siyang naging kibo habang sinusundan niya ng tingin si Antonio na dinampot ang bouquet sa paanan niya saka masuyo itong inabot sa kaniya.

"Hindi na ikaw ang nagka-capture ng masasayang moments ng ikinakasal, kasi ikaw na ang kinukuhaan ng picture sa susunod na nakasuot ng wedding dress habang sinasabi ang vows natin sa isa't isa."

Napatingala na lang siya sa mukha ni Antonio. Sinseredad. Iyon ang tangi niyang nakita sa mukha nito habang magiliw itong nakangiti sa kaniya.

Hindi niya namalayan ang sumunod na nangyari dahil natulala siya sa speech ng binata.

Ang huli niyang napagtanto ay nasa kamay niya na ang bouquet.

***

"Hindi ka ba muna magpapalit ng damit? Reunion ang pupuntahan mo, party 'yon. Party." Singkit na nga ang mga mata ni Ari ay lalo niya pa itong pinasingkit habang sinusundan niya ng tingin ang lalaking nang-gate crash sa kasal ng kaniyang client.

Hindi naman literal na nang-gate crash. Umepal lang sa precious moment ng newly wed at inagaw ang spot light.

Nagkibit-balikat lang kasi si Antonio sa tanong niya. Hindi man lang siya nito sinagot at basta na lang siyang tinalikuran para sumakay sa kotse. Napabuga na lang siya ng hangin saka labag sa loob na sumunod sa lalaki.

"Gusto mo talaga na star of conversation ka, 'no?" aniya habang kinakabit sa sarili ang seat belt. "Umuwi ka muna para magpalit. Maaga pa naman."

"Hindi na," simpleng tugon lang ni Antonio. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at kinabit na rin ang sariling seat belt pagkaraan.

Umikot ang mata ni Ari, asar siyang napakamot sa sintido. "Hindi lang inuman sa kanto ang pupuntahan natin. Lahat ng kasama mo ro'n mamaya nakaporma, ikaw lang 'yung mukhang magne-Netflix and chill sa ayos mo."

"Ano naman ang pakialam ko?" baliwala nitong tugon habang sinisimulan nang paandarin ang kotse. "Hindi naman royals from England ang makakasama natin para pumorma ako ng pangmalakasan."

Napamaang na lang siya sa pamimilosopo ng binata. "Bahala ka nga!" Pinabayaan niya na lang ito dahil hindi naman mapipilit ang loko.

Kapag sinabi niya ay sinabi niya. Walang makapipigil pa sa gusto nitong gawin. Kahit pa nga udyukan mo itong bigyan ng milyones kapalit ng ipagagawa sa kaniyang bagay ay hindi siya masisilaw.

Matatag ang paninindigan ng kolokoy.

Bumaling sa bintana ng kotse ang dalaga dahil nadadagdagan lang ang pagkapikon niya sa lalaki. Dapat ay uuwi na siya pagkatapos ng kaniyang trabaho, pero itong si Antonio ay pinadala kay Charles ang lahat ng gamit niya sa photography at sapilitan siyang pina-oo para sumama sa reunion.

Sinabi na niyang ayaw niya pumunta pero parang bingi ang kaibigan at hindi pinansin ang pagtutol niya.

Desisyon ang buwisit.

Naisip niyang nagkuntsabahan na naman ang kuya niya at si Antonio para mapapunta siya sa kaganapan. Hindi niya nga alam kung anong salamangka ang ginawa ng lalaki para mapapayag siya.

Kusang gumalaw ang mga paa niyang sumunod kay Antonio kahit sumisigaw ang utak niyang huwag sasama rito.

Isang beses pa siyang bumuga ng marahas na hangin. Iyong maririnig talaga ng kasama niya. Dinig na dinig ang pagkayamot niya base sa hangin na lumabas sa kaniyang ilong.

Ngunit sumagi rin sa kaniyang isip na hindi rin siguro masama kung magpapakita siya ngayon sa mga dati niyang kaklase at school mates, at sa dati niya ring kaibigan.

Pero sana, wala siya ro'n.

Hindi niya kasi alam ang gagawin kung makikita niya ang dating best friend. Natatakot siya na baka hindi siya nito pansinin kung magkita man sila. Sa social media nga ay ini-snob siya nito, sa personal pa kaya ay hindi iyon mangyari?

"May dadaanan lang ako, ah. Saglit lang naman 'yon."

Nabura sa kaniyang isipan ang pag-o-overthink dahil ginulo ni Antonio ang pagmumuni niya.

"May ipapa-swap lang akong parts ng bike. Malapit lang naman 'yon dito."

"Sige lang," tanging tango niya.

Pagiging siklista ang isa sa hobby ni Antonio, kaya hindi na siya nagtataka kapag minsang gagala sila ay may iba pa itong pupuntahan para makipagpalit ng bike parts sa nakakausap nitong iba't ibang cyclist through online. Kung minsan, kapag napapadpad silang dalawa sa mall ay sa mga bike store sila unang nagagawi para lang sumilip kung may bagong model ng bike itong masisipat.

Kaya mas lumalala rin ang pagiging moreno ng lalaki dahil kung minsan ay tanghaling tapat ito pumupadyak. Kakapadyak nito ay napapadpad na ito sa mga probinsiya around Metro Manila bitbit lang ang pinakamamahal nitong bike, na kung itrato niya ay parang nobya.

Alagang-alaga niya kasi ito, mas pinagkakagastusan pa nga ito ng lalaki kumpara sa pangangailangan niya sa pang-araw-araw. Kung minsan ay pinapakita pa kay Ari ang picture ng bike niyo kapag bagong linis 'tapos ang nakalagay sa message ay, "Bagong ligo baby ko. Ready to ride na kami ulit."

Kaunting padyak pa at magiging tutong na Brownies na talaga siya. Natatawang pagkukuro ni Ari sa isipan.

Nanatili lang si Ari sa loob ng kotse noong nakikipag-usap na si Antonio sa ka-meet up nito. Habang naghihintay ay tumunog ang kaniyang phone, si Rio ang sumulpot sa screen kaya mas sumidhi ang pagkayamot niya.

Nagtanong lang ito kung magkasama na sila ni Antonio. Hindi siya nagdalawang-isip na huwag mag-reply dahil napipikon din siya sa kambal niya.

"Hanap ka ng jowa mo," agaran niyang sambit nang makaupo si Antonio sa driver's seat.

Tinasaan niya ito ng kilay dahil imbes sagutin siya ay naiwan sa ere ang kamay nitong sana'y magkakabit ng seat belt. "Tanginang 'yan? Pa'no ako magkaka-jowa, eh tinanggap mo lang naman 'yung bouquet pero 'di mo naman ako sinagot ng 'Yes, I do'?" pagkukuro nitong tumaas pa ang boses na akala mo'y nakikipaghamon ng suntukan.

Napakurap si Ari at tila nalulunon niya ang kaniyang dila kaya napanganga na lang siya sa kausap. "B-bakit? Nanligaw ka ba sa 'kin para sabihin 'yan? Hindi rin valid 'yung inabutan mo lang ako ng bouquet kanina, gano'n lang 'yon? Hindi mo nga masabi na gusto mo talaga ako ng walang halong eme, ta's hihirit ka kaagad ng 'Yes, I do' d'yan? 'Tsaka 'di tayo talo, kadiri ka naman!"

Agad niyang binaling sa labas ng bintana ang kaniyang tingin. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ng lalaki. Parang gusto niya biglang tumalon palabas sa kotse para takasan ang nagsisimulang kilabot na bumabalot sa kaniyang sistema.

Ayaw niyang i-entertain ang kahahantungan ng kanilang usapan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kung maungkat ni Antonio ang sandaling nagtagpo sa sensuwal na paraan ang kanilang mga labi.

Ayoko pag-usapan 'yon!

"'Di talo, 'di talo . . . Gustong-gusto mo nga 'yung laplap ko sa 'yo."

"A-ang kapal ng mukha mo! Sobrang kapal mo! Hindi ko naman ginusto 'yon!" agap niya at ilang beses niyang pinagsusuntok ang braso ng lalaki.

Pakiramdam niya'y pinamulahan siya ng mukha pababa sa kaniyang leeg dahil nag-make face lang ito na parang hindi kumbinsido sa sinabiya niyang hindi niya naman ginusto 'yon. Gusto niya pang depensaha ang sarili pero tila nag-shrink ang labi niya kaya para siyang pipi na kumikisot lang ang labi.

"K-kasalanan mo naman kung bakit nangyari 'yon. Dinaan mo ako sa laki ng braso mo kaya hindi ako nakapalag! Nilandi mo ako no'n!"

"Anong ako?" May halong gulat sa pag-ingos ni Antonio. "Kasalanan ko ba kung 'di ako nakakailag sa tentasyon mo?" Makahulugan itong sumulyap sa kaniya at ngumisi. "Makasalanang babae."

Hindi makapaniwalang umismid si Ari. "Ako pa talaga ang makasalanan? Talaga ba, Brownies?!"

Hindi na siya pinansin ng lalaki ngunit may kapilyohan pa rin na naglalaro sa labi nito. Gusto niya itong sabunutan sa akusasyong binato sa kaniya pero naisip niyang baka mabunggo sila ng 'di oras.

Ngunit hindi siya nakatiis dahil wala itong tigil sa pagtawa ng mahina pero nang-iinis. Gigil niya itong kinurot sa utong dahil napipikon siya sa ngiting aso nito. "Puta! Kapag tayo nabangga, Mariella, sinasabi ko sa 'yo! Mawawalan ka ng guwapong asawa."

"Bobo! Kasama mo akong matitigok kung gano'n! 'Tsaka tigilan mo ako sa kalandian mo, mandiri ka naman kahit kaunti!" singhal niya't padabog na bumaling ulit sa bintana.

"Hindi mo mapipigilan ang betlog ko na lumandi sa 'yo."

Naiinis man, ngunit napakagat-labi siya sa sinambit ni Antonio. Gustuhin niya mang barahin ito ay nanahimik na lang siya. Ibang init kasi ang nararamdaman niya, iyong init na pati sikmura niya ay naaapektuhan sa kamandag ng mga salita ng lalaki. At alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kayang tablahin ang mga pautot ni Antonio, dahil hindi niya man aminin, bumibigay rito ang sistema niya.

"Sa 'yo lang 'to gustong magpapansin. Kaya humanda ka sa mga susunod pa na araw kasi oras-oras kitang lalandiin—liligawan pala."

-AndyThoughts-

Continua a leggere

Ti piacerà anche

Good Boy Da alyana

Storie d'amore

1.2K 479 24
Many have said that he is indeed a good person. He's tall, handsome, caring, and a family person, everyone wanted to be his wife and everyone also wa...
1.2K 66 12
[Rainbow Series #6: Color Indigo] "I'm Innocent!" - Christine Claire Hernandez "Kaibigan ko s'ya, kaya hindi ko magagawa ang binibintang n'yo sa'kin...
16.1K 1.9K 43
Eleazar Girls Series #1: Book 2 of 3 [COMPLETED] Leaving and forcing herself to forget won't changed everything when it comes to love. Alyssa Yvonne...
977K 33.6K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.