ZBS#3: Yellow Beetle's Lost M...

נכתב על ידי iamyourlovelywriter

2.3M 50.3K 2.7K

Teaser: She was lost, there are dreams haunting her every night. Dreams that she can't remember when she wak... עוד

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four (SPG)
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven (spg)
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
EPILOGUE-A
Epilogue-B (END)
Extra#1: Letter from MasterH to Yellow Beetle
Extra #2: The Deal

Chapter Eight-A

105K 2.1K 82
נכתב על ידי iamyourlovelywriter

Chapter Eight-A




            KANINA pa namamaga ang mga mata niya habang nakatingin sa flat screen TV na nasa harapan niya. She can't help it, it's just sad for Arielle or Arianne whatever is the girl's name na character sa pinapanood niyang tv series sa youtube. It's an old Taiwanese series na may title na It started with a kiss part 2 na nga siya.




            Hindi siya umuwi sa bahay dahil sa lumakas ang ulan kanina, nagtext na siya sa mommy niya. Mas mabuti na rin siguro na wala siya doon dahil nandoon si Caleb hindi rin siya mapapansin ng kanyang mga magulang kaya nga nandito nalang siya sa loob ng kanyang condo unit. Kanina pa niya natapos ang kanyang trabaho kaya nagpasya nalang niyang ipahinga ang kanyang sarili sa pamamagitan ng panonood ng mga Asian movies and series. At heto nga natagpuan nalang niya ang sarili niyang umiiyak at tumatawa sa mga episodes ng palabas.




            Para nga lang siyang tanga dahil nakabalot siya ng malaking kumot na mukha lang ang nakikita niya, ng matapos siyang maligo kanina ay hindi na siya nag-abalang magsuklay pa dahil sa hindi naman siya lalabas ng unit niya. At inabala niya ang sarili niya sa pagkain ng mga potato chips at yakult, naka-ilang yakult na nga siya. Napapitlag lang siya ng may marinig na doorbell sa labas baka iyon na inorder niyang pizza. Mabilis siyang tumayo bitbit ang kanyang wallet at saka ipinause ang pinapanood niya.




            Inayos muna niya ang kanyang hitsura dahil baka mapagkamalan siyang drug addict ng delivery boy or girl na maghahatid sa kanya ng pagkain. Dahil sanay na siya sa dilim kaya hindi na niya binuksan ang ilaw at nakabalot pa rin sa kanya ang kumot niya. She opened her door at sa halip na ang delivery boy or girl ang mabungaran niya ay si Rye ang nasa labas ng kanyang pintuan at may bitbit itong isang box ng pizza.




            Napahawak siya sa kanyang dibdib ng muli na naman iyong nabuhay ng masilayan niya ito. Everytime she sees her ganyan nalang palagi ang nangyayari sa kanya.



            "R-Rye."



            Kunot-noong lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mukha niya balot ng pag-aalala ang mukha nito. "Why are you crying?" napakurap siya.



            "Ah," hinawi na muna niya ang kamay nito at linakihan ang pagbukas ng pinto. "May pinapanood kasi ako kaya ako umiiyak. P-pasok ka muna."



            "Nasalubong ko ang nagdeliver ng pizza I got this from him."



            "How much do I need to pay?" tiningnan lang siya nito na para bang sinasabing nagbibiro ba siya. "Magkano nga?"



            "Not much at hindi pera ang gusto kong ibayad mo sa akin." He said with a knowing smile on his handsome face. Namula ang pisngi niya sa sinabi nito, she can still remember the way she act during that night she was too aggressive and too wild. Hindi sa hinagap niya makakaya niyang gawin ang bagay na iyon.



            "Rye can I have this day as my off?" mahinang tanong niya habang kinakagat ang pang-ibabang labi niya.



            "Let's see." Makahulugang sabi nito, bagsak ang balikat niya at hinanap ang switch ng ilaw ng kanyang sala. "Why is your place so dark?"



            "Nanonood kasi ako at ayoko ng maliwanag." Agad na bumuhos ang liwanag sa buong silid na iyon, napapikit siya ng mapansin ang kalat sa kanyang buong sala. "Ahm, pasensya ka na hindi kasi nagpunta ang naglilinis ng bahay ko dahil nandito ako kaya medyo magulo."



            Magulo talaga  dahil nagkalat ang mga papel at mga damit niya doon. Ewan ba niya kung bakit hindi siya matuto ng mga gawaing bahay, ni hindi nga niya alam kung paano maglaba. Siguro dahil lumaki siya na may katulong na umaalalay sa kanya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito, nakakahiya talaga!



            "Sanay na ako sa iyo." Tinanggal nito ang suot nitong coat at isasabit sana nito sa coat rack.



            "Ako na." kinuha niya iyon at siya na mismo ang nagsabit kaso biglang humulas iyon at nahulog sa sahig. Muli niya iyong isinabit pero ganoon pa rin ang nangyari, apat na beses na siyang nagtangkang isabit iyon pero nahuhulog pa rin at nainis na siya kaya ibabato na sana niya iyon sa sofa ng hawakan iyon ni Rye.



            "Let me." At naisabit nga nito iyon ng walang kahirap-hirap. Napasimangot siya at hinila iyon pero nakasabit na talaga sa rack. "Halika na walang kwenta ang makipag-away sa coat rack mo na hindi mo naman nagagamit." Hinapit nito ang beywang niya at hinila papunta sa sofa at pina-upo siya doon.



            "Paano mo nagawa iyon?"



            "Ang alin?"



            "Ang pagsabit ng coat sa rack."



            "Madali lang iyon." yumuko ito at pinulot ang mga gamit niya nagkalat sa paligid.



            "Teyka lang ako na diyan." Nakaramdam talaga siya ng hiya dito, ano nalang ang iisipin nito na kababae niyang tao tapos ang kalat-kalat niya? She can't defend herself though dahil makalat naman talaga siya kaya nga hindi pumupunta ang mga kaibigan niya sa unit niya dahil naglilinis pa ang mga ito.



            "Just sit wala tayong matatapos kung kikilos ka pa diyan." At iyon nga ang ginawa niya sa katunayan ay nag-eenjoy siyang panoorin ito na maglinis pero natamaan din siya ng konsensya niya.



            "I'll make you something to drink."



            "Ako na-."



            "Kaya ko na iyon nagtrabaho kaya ako sa school cafeteria ng isang taon kaya kahit iyon ay alam kong gawin."



            "Huwag kang hahawak ng kutsilyo."



            "Ang OA mo."



            "Basta hindi ka pwedeng humawak ng kutsilyo."



            "Oo na." natatawang tinanggal niya ang kumot na nakabalot sa kanya at pumasok na sa kusina at nagtimpla ng ice tea. Kailan pa gagamit ng kutsilyo sa pagtimpla ng ice tea? Natawa nalang siya it seems so impossible at first na magkasundo silang dalawa pero heto nagagawa naman nilang pakisamahan ang isa't isa. Pakiramdam kasi niya kapag kasama niya si Rye hindi na niya kailangang magpanggap na okay siya dahil alam nito na hindi siya okay. Hindi na rin niya kailangan pang magpanggap na kaya niya ang mga bagay dahil alam nito ang mga kahinaan niya.



            Paglabas niya sa kusina niya ay muntik na niyang ibato dito ang hawak niyang dalawang baso ng ice tea ng makitang nakahubad baro na itong naka-upo sa kanyang sofa. She saw those muscles flexing na tila ba sinasabi sa kanya na bawiin niya ang sinabi niya kaninang huwag muna siya nitong galawin ngayon.



            "Ano ba Chloe maghunos-dili ka nga para kang-." Hindi na niya natapos ang ibinubulong niya sa sarili dahil lumingon ito sa kanya. Pinuntahan nalang niya ito at inilapag ang ice tea sa harap nito.



            "You didn't used knives, did you?"



            "Nagtimpla lang ako ng ice tea walang gumagamit ng kutsilyo kapag nagtitimpla ng ice tea." Nakakaasar na ito para kasi siyang bata na pinagbabawalan nito na humawak ng matatalim na bagay.



            "Huwag ka ng magalit." Hinila siya nito hanggang sa mapaupo siya sa kandungan nito. "Hindi ka maaasahan sa mga gawaing bahay."



            "Marunong kaya ako."



            "You can't hindi ka marunong maglaba, hindi ka marunong maghugas, hindi ka marunong magluto, hindi ka marunong mamalantsa, you can't even fold clothes." And he pointed her weaknesses.



            "Umuwi ka na nga."



            "But I don't hate you for that." Malakas na tumibok ang puso niya sa sinabi nito. "I already know your weaknesses and those weaknesses means you aren't perfect. May mga bagay na hindi mo kayang gawin and that doesn't make you less human."



            Napakagat siya ng labi sa sinabi nito, how can he be so hot and sweet at the same time. "Bakit ka ba naghuhubad? Kukuha lang ako ng shirt sa room ko." Kailangan muna niyang dumistansya dito baka kasi hindi na niya kayanin pang magpigil at bigla nalang niya itong lundagin. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang t-shirt, kunot-noong tiningnan nito ang shirt na bitbit niya.



            "Kanino iyan?"



            "Sa kapatid ko ito, I have a twin brother and his name is Caleb nadala ko yata ito mula sa bahay nasali ng mga katulong sa pagpapack ko kaya itinago ko nalang muna." Kinuha nito ang shirt at isinuot niya iyon dito. "Magkasingkatawan kayo ng twin ko." Masayang ani niya.



            "Turn off the lights."



            "Why?"



            "I want you to continue watching whatever you are watching."



            "Sure?" nagdududang tanong niya dito.



            "Do you want me to do something?"



            "Sabi ko nga manonood nalang ako." She got the remote and press the off the lights button and then grab her TV remote and press the start button. Muli siyang sumalampak sa sahig at nagsimulang manood. There's a scene where Michael, the bidang lalaki is doing a cold war against his wife dahil sa selos. Naramdaman niyang tumabi sa kanya si Rye at hinila siya upang mahiga siya sa lap nito.



            "Ano ba iyang pinapanood mo?"



            "It started with a kiss, ang sama lang hindi ba? Hindi nakikita ni Michael na nahihirapan na ang asawa niya, kino-cold war pa rin niya bakit ba kasi hindi niya aminin na nagseselos siya nakakabuwisit lang. Nasanay kasi siya na siya ang pinapansin dahil gwapo siya at genius, hindi niya alam ang feeling ng walang pumapansin sa iyo." Nadadala siya sa pinapanood niya. Ang sakit lang kasi at naiinis siya sa girl dahil masyado nitong mahal ang asawa nito kahit na nagmumukha na siyang tanga ay sumisige pa rin.



            "Baka hindi lang alam ng guy kung paano i-express ang pagmamahal niya sa asawa niya."



            "Kahit na sinubukan nalang sana niya hindi ba? Hindi naman siguro ikakabobo niya na ipakita na he cares." Nainis siyang bigla dito dahil kinampihan pa nito ang bidang lalaki.



            "Baka masyadong manhid ang babae at hindi niya napapansin na mahal din siya ng lalaki at nahihirapan din ito."



            "Hindi pa rin tama iyon he needs to make a move hindi ganyan na ang babae ang palaging kumikilos nakakaawa na kaya ang babae."



            "Nakakaawa din ang lalaki."



            "I hate you." Asar na hinampas niya ito. "Mga buwisit kayong mga lalaki."



            "Why are you too affected?"



            "Because I feel her, I feel her pain. Iyong gustong-gusto mong mapansin ng mga taong mahal mo pero hindi ka pwedeng magdemand dahil may mas mahalagang bagay na dapat nilang bigyang pansin. It hurts knowing that they love you but you can't tell them to love you the way you wanted to be love. It pains to know they can't give you a moment of their time because... because you seems to be invisible to them." Hindi niya alam kung bakit nasabi niya ang mga bagay na iyon masyado lang siguro siyang nadala sa pinapanood niya. "Nevermind."



            "Is this about your parents?"



            "No." agad na sagot niya hindi na nito kailangan pang malaman ang tungkol sa kanya dahil aalis at iiwan din naman siya nito kapag nagsawa na ito.



            "You can't lie to me dear I know it's your parents."



            "Don't ask."



            "I am already asking." He tilted her chin so they can see each other. "You can tell me."



            And something is telling her to trust him, "Ano ang sasabihin ko?"



            "Everything dear Chloe, you can tell me everything." Muli niyang itinutok ang mga mata sa TV.



            She sighed. "I... I love my parents Rye. Noong bata pa ako I always dream to have a love story as sweet as their's. Natutuwa ako kapag nahuhuli kong tinititigan ng daddy ko si mommy na para ba siyang ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Well, my mom she is the most beautiful woman in the world." She chuckled. "Noong bata pa kami ni Caleb ginigising niya kami ng good morning na dinig na dinig ng buong bahay pati ng kapitbahay namin. Noon naiinis ako kasi naiingayan ako hanggang nakasanayan ko na at kapag hindi siya pumapasok sa room namin ay alam namin masama ang pakiramdam niya." she blinks her eyes so many times ayaw niyang maiyak. "And my dad, when I am scared ay niyayakap niya ako at sinasabihan niya ako ng I love you ng paulit-ulit. My dad is a big man with a big heart dahil kasya kaming lahat sa puso niya, he's an ideal guy. Gusto ko kapag nagmahal ako kagaya niya, someone who loves his wife unconditionally. And then one morning everything stopped, paggising ko parang nabago nalang."



            Binuksan niya ang isang yakult. "Alam mo iyong paggising mo mag-isa ka nalang sa room mo wala ka ng kasama, wala na rin ang maingay na boses ni mommy na gumigising sa akin, wala na akong nakitang daddy na naghihintay sa amin habang umiinom na kape. At wala ng bumabati sa akin ng good morning my little fairy I am my parents little fairy." Pinigilan niyang hindi magcrack ang boses niya at ipinagpatuloy ang panonood kahit na nanlalabo na ang kanyang mga mata.



            "Everything has changed, I can't blame them though. May sakit si Caleb, namana niya ang sakit sa puso ni mommy. Kailangan nilang pumunta ng London dahil mas magagaling ang mga doctors doon and mas maganda ang place kaya mas gagaling si Caleb doon. I asked them if I can come but they said sa Pilipinas nalang ako, my mom said I am already a grown up girl I was sixteen then. Hindi na ako nagreklamo dahil alam kong kapag nandoon ako mas maraming iisipin si mommy, I saw her cry and I saw how she blamed herself dahil sa nangyari kay Caleb. Nakita ko kung paano nasaktan si daddy habang tinitingnan niya si mommy na nasasaktan I was hurt as well pero hindi ko iyon pwedeng ipakita dahil mas lalong mag-aalala sina mommy at daddy. I don't want to be a burden, hanggang sa nakasanayan ko na lang din na mag-isa.



            Umalis ako sa bahay upang magdorm kasi ayoko sa bahay masyadong malungkot. I found my friends, my real friends. Dahil sa kanila nakalimutan kong mag-isa pala ako nakalimutan kong magpanggap na okay lang ako. Hanggang sa nakasanayan ko ng sa kanila idepende ang kasiyahan ko. Nang gumaling na si Caleb at bumalik na sila dito but I chose to stay sa dorm dahil pakiramdam ko na-out of place ako sa kanila. Kapag nasa bahay ako parang wala lang din siguro nasanay na ang mga magulang ko na hindi ako nakikita kaya mas pinili kong lumayo para hindi masaktan. Twelve years na rin iyon at hanggang ng makita nila ako sa isang hospital, ako naman ang nakita nila pero iba na." inubos niya ang laman ng yakult. "Iba na hindi na katulad ng dati, ang awkward na nga. Hindi na ako sanay na nandiyan sila, hindi na ako sanay na may nakatingin sa mga kilos ko. Para bang I don't fit in or they don't fit in."



            She place her chin above her folder knees. "Why don't you give them a chance to make it up for you?"



            "I did but I can't." humugot siya ng malalim na hininga. "It must be my problem then, siguro may mali talaga sa akin."



            "There's nothing wrong about you Chloe."



            She chuckled. "Sinasabi mo lang iyan ngayon you are having fun using me when you need me. My parents doesn't need me." Bigla siya nitong hinila palapit dito hanggang sa naglinya na ang mga mata nila. She can see anger on his black orbs.



            "I am not having fun using you Chloe, I am not using you."



            She gave him a knowing smile. "Aalis ka rin hindi ba Rye? Kapag nagsawa ka na aalis ka rin, ganyan ang mga tao sa paligid ko." She stated as a matter of fact. "My family is rich they have the connections, noong bata pa ako kinakaibigan ako ng mga girls sa school dahil kapatid ko si Caleb. They are using me upang makalapit sila sa kakambal ko kapag tinanggihan na sila ni Cal iiwasan na nila ako. May iba din na kinakaibigan ako dahil gusto nilang mapalapit sa mommy ko at sa daddy ko kapag nagawa na nila iyon aalis na sila na para bang hindi nila ako nakikita. After I am used I'll be an invisible display doll." Hinawakan niya ito sa pinsgi at matapang na tinitigan ito sa mga mata.



            "Hindi ko alam kung ano talaga ang kailangan mo sa akin, I don't know you—maybe I do dahil kahit na hindi pa kita gaanong kakilala ay nagawa kong magtiwala sa iyo. Ibinigay ko na nga ang sarili ko sa iyo ng ilang ulit hindi ba kahit labag iyo-." She cleared her throat. "Kaya nga kapag nakuha mo na ang gusto mo at lalayo ka na sa akin hindi ako magagalit." And she knew it will hurt so much dahil ngayon palang isipin pa niya iyon ay nasasaktan na siya. "Pwede ko bang malaman kung ano talaga ang pakay mo sa akin at ng maihanda ko naman ang sarili ko?"



            His eyes narrowed at her with his forehead on knots. "Kapag naalala mo na ang lahat Chloe baka ikaw ang kusang lumayo sa akin. Pero hangga't hindi mo iyon naaalala hinding-hindi ako magsasawa sa iyo. Bahala na ikaw ang magsawa sa akin hindi pa rin ako aalis sa tabi mo." She bit her lips when she heard those words. "You will never be invisible in my eyes and you are something special. Kung maalala mo ang lahat malalaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin."



            She blink her tears away. "Bakit hindi mo sabihin sa akin ang nangyari? I want to know, I want to know you." He pressed his lips on her nose like he is used to kiss her their.



            "You try to remember Chloe, alalahanin mo."









<<3 <<3 <<3

a/n: Naaamoy ko na ang next chapter, I can feel it. Alam niyo bang mas nauna ko pang matapos ang chapter ten-C at epilogue sa story na ito keysa sa chapter 8-10B... wala lang trip ko lang talagang pahirapan ang sarili ko. By the way kapag napost ko na ang chapter 8-C hindi muna ako mag-uupdate ng chapter 9A kasi kailangang matapos ko na ang second part ng Waiting on a Feeling, iyon kasing nagkita sila ulit ni Jair at Xy second/middle part palang iyon. Hindi ko pwedeng ipost ang 9-A kasi spoiler talaga siya... may makikilala kayo doon na unexpected people at saka ayokong awayin niyo ako. Curious kayo no? Tanging si RMD lang ang nakakaalam sa mangyayari sa WOAF kasi nagbi-brief ako sa kanya ng mga stories and summaries. Hahahaha.. mukhang alam narin ni MDN, nasabihan ko rin yata. Basta iyon na iyon, may pasabog lang siya. Super.

המשך קריאה

You'll Also Like

2.3M 50.2K 19
Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. Masyadongmaganda.com: Paano mong nalaman...
86.8K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
866K 3.2K 8
A woman in lust wants chocolate A woman in love wants diamond