MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)

Par Amyfinity_writes09

25.8K 3.3K 591

Kaya kayang putulin ni jaydee ang sumpa sa apat na henerasyon , na bunga ng pagkamatay ng mga minamahal ng un... Plus

MDA-00
PROLOGUE
MDA- I (Beginning)
MDA- ll (Writer J)
MDA-III (Flower Of Life)
MDA- lV (Hardships)
MDA-V (First Day Of School)
MDA-Vl (The Girl In The Red Dress)
MDA-Vll (Inevitable Feelings)
MDA-Vlll (Maltreatment)
MDA-IX (Painful Moments)
MDA-X (Hidden Love)
MDA-Xl (Be A Good Person)
MDA-Xll (Miss Dough)
MDA-Xlll ( Red Roses)
MDA-XIV ( Ms. White T-Shirt)
MDA-XV (Jealous?)
MDA-XVI (Unexpected Moments)
MDA-XVII (Love is in the air)
MDA-XVIII (I'm In Pain)
MDA-XIX (Rejection)
MDA-XX (Values)
MDA-XXI (Tears in the rain)
MDA-XXII (Worried)
MDA-XXIII (Love Sick)
MDA-XXIV (Good Times)
MDA-XXV (Way To You)
MDA-XXVI (Confession)
MDA-XXVII (Restaurant Y' Quirino)
MDA-XXVIII (Library)
MDA- XXVIX (P.E Session)
MDA-XXX (Birthday Plan)
MDA-XXXI (Amy@18 Part 1)
MDA-XXXII (Amy@18 Part 2)
MDA-XXXIII (The First Date)
MDA-XXXIV (The Closet) Part 1
MDA- XXXIV (Therese @19) Part 2
Teaser for MDA XXXV
MDA-XXXV (Villa Crisostomo , The Cursed Villa)
MDA-XXXVI (The Bloody Bracelet)
MDA-XXXVII (The Encounter)
MDA-XXXVIII (Battle of the smartest)
MDA-XXXIX (The Book of Tommy)
MDA-XL (Protect Amy At All Cost)
MDA-XLI (Curiosity will put you in danger)
MDA-XLII (The Plan has already started)
MDA-XLIII (Where is the missing piece of the book?)
MDA-XLIV (If Loving you was a sin? Then I wanted to be a sinner)
MDA-XLV (Mr. Broom?)
MDA-XLVI (The Promise Ring)
MDA-XLVII (The Truth Part 1)
MDA-XLVIII (The Truth Part 2)
MDA-L (Finding the traitor)
MDA-LI (Suspects)
MDA- LII (Bloody Nose)
MDA- LIII (A Love that is worth to fight)
MDA- LIV (Loving can hurt)
MDA- LV (Last Moment)
MDA- LVI (Something Suspicious)
MDA- LVII (1st Wave)
MDA-LVIII (Hitting Two Birds with one stone)
MDA-LIX (Investigation as it finest)
MDA-LX (Finding The Truth)
MDA-LXI (The Missing Piece of The Cursed Book)
MDA-LXII (Lost Of Lives)
MDA-LXIII (Danger Awaits)
MDA-LXIV (The Final Match Up)
MDA-LXV (The End of The New Beginning)
MDA-EPILOGUE

MDA-XLIX (The Cursed of Helena Sta. Rita)

224 41 4
Par Amyfinity_writes09

Jaydee Pov

Still the flashback

'Halata na ang labis kong pag aalala kay manang helena kung totoo man na wala na si Clara ay kinakabahan ako na baka iyun din ang gawin sa kanya ng aking sakim na ama "Hindi po namin makakayang gayumahin man o kulamin ang iyong anak boss tonyo? Hindi po namin kayang gawin iyun ganuong napakalaki ng aming utang na loob sa iyong pamilya" napailing naman si ama dahil sa sinabi ni manang helena , mas lalo niyang hinablot ang buhok ni manang helena saka binigyan iyun ng malakas na sampal. "Talaga lang na dapat kayong tumanaw ng utang na loob helena! Kung hindi dahil sa akin ay baka hindi guminhawa ang buhay niyo! Kulang na kabayaran ang buhay ng iyong anak sa kanyang kapangahasan!" Turan ng aking ama kay manang helena saka binitawan ang buhok nito nung tumilapon siya sa pagkakasampal sa kanya ng aking ama "Kailangan natin siyang tulungan lorenzo , baka ano pa ang mangyari" naaawang sabi ko kay Lorenzo ngunit napailing na lamang siya. "Gustuhin ko man na tumulong tayo kuya ngunit baka mas tumindi ang galit ni ama , hindi lang ikaw ang malalagot kundi ako" wika niya saka hinawakan ang aking balikat. Nabigla naman kami nang makita na tinulak ni manang helena ang aking ama. "Wala kang karapatang patayin ang aking anak boss tonyo! Nagmahal lamang siya at hindi dapat buhay niya ang maging kabayaran gayung minahal din naman siya ng iyong anak!" Sigaw ni manang helena at patuloy na sa pagpatak ang kanyang luha sa mga mata maging ako ay hindi ko na din kinakaya ang galit na aking nadarama. "At talagang alam mo pa na may namamagitan sa kanila ah? Mga hayop kayo!" Napatayo ang aking ama saka nilapitan si manang helena saka binigyan ng isang napakalakas na suntok na siyang ikinatumba nito "Boss Tonyo?" Tawag ng isang guwardya sapagkat walang awang pinagsusuntok ng aking ama si manang helena. Sinenyasan naman sila ng aking ama na wag mangialam at nung pagtingin muli ng aking ama kay manang helena ay pinukpok siya nito ng malaking bato na siyang ikinatumba ng aking ama. Duguan ang kanyang uluhan at inalalayan siya ng  aming guwardya. Duguan din ang pagmumukha ni manang helena at kasalukuyang gumagapang ngayon palayo sa aking ama. Gustong gusto ko man na lapitan siya ngunit wala akong magawa , masyado pa akong mahina gayong sariwa pa ang sugat ko. "Walang hiya kang babae ka? At talagang nagkalakas loob ka pa na pukpukin ako ng bato ah? Magbabayad ka ngayon sa akin!" Galit na sabi ng aking ama at hinawakan niya ang kanyang sugat saka lumapit kay manang helena. Alam na alam ko yang mga tinginan ng aking ama at yan ang tingin na kayang kayang pumatay ng tao. "Lorenzo tulungan mo siya!" Aniya ko ngunit tinakpan lamang ni lorenzo ang aking bibig nang sa ganun ay hindi na ako makapagsalita ay marinig nila. Kinuha na ng aking ama ang buhok ni manang helena at nginudngud niya iyun sa may lupa pagkatapos niyang gawin iyun ay ipinaharap niya si manang helena sa kanya saka pinukpok din ng bato ang mukha nito , tanging hikbi lang ang kaya kong gawin ngayon habang pinagmamasdan siya. Unti unti nang lumapit ang guwardya nang sa ganun ay pigilan ang aking ama na mapatay si manang helena. "Bitawan niyo ako!" Sigaw ng aking ama sa kanyang mga guwardya. Napangiti naman si manang helena na duguan na sa ngayon at tsaka biglang nagsalita. "Isinusumpa ko! Na dadanak ang dugo sa inyong pamilya at magiging miserable ang buhay hanggang sa ikaapat na henerasyon ng angkan niyong mga Garcia! Mamatay man ako ngayon ay natitiyak ko na pagbabayaran mo ang lahat ng masasamang ginawa mo lalo na sa aking anak!" Napangisi naman ang aking ama nang dahil doon , sinabihan niya na bitawan siya ng kanyang guwardya at binitawan naman siya nito. "At may gana ka pa talagang magsabi ng sumpa ah? Sisiguraduhin ko na yan na ang huli mong sasabihing impakta ka!" Wika nito at alam ko na ang susunod na gagawin niya dahil sa mga matang meron siya ngayon. Lumapit siya kay manang helena na halos basag na ang mukha dahil sa kanyang ginawa. Sinakal niya iyun na siyang ikinapiglas ko sa ginagawang pagpigil sa akin ni lorenzo. Tinuloy niya ang pagsakal doon ngunit tumigil din siya sa kalagitnaan. Nabuhayan ako nang makitang humihinga pa si manang helena sapagkat nakikita ko pa ang pagalaw ng kanyang mga kamay'

Napakawalang puso ni Lolo tonyo hindi ko lubos maisip kung paano niya nagawa iyun sa isang taong walang kalaban laban sa kanila.

'May sinenyas ang aking ama sa kanyang tauhan at naglabas naman ito ng isang lubid , makapal na lubid at sa puntong iyun ay alam ko na ang mangyayari , hinawakan na ng dalawang guwardya si manang helena at yung iba naman ay itinali na ang lubid sa may puno na narito , matapos nilang gawin iyun ay itinaas na nila ang hinang hina na na si manang helena at ipinulupot na ng guwardya yung ulo ni manang helena sa may pabilog na lubid at tsaka binitawan nila iyun. Nagpupumiglas at lumalaban pa si manang helena at ako naman ay nagpupumiglas na din dito habang lumalakas na ang aking paghikbi. "Patawad kuya" mahinang bulong ng umiiyak din na si Lorenzo. Ang tanging nakikita ko na lamang ngayon ay ang mapupulang mata ni manang helena na wala nang buhay sa ngayon. "Ibaba niyo na siya , yung ipinag utos ko ay gawin niyo na" utos ng aking walang hiyang ama , wala man lang akong magawa kagaya nang kahapon kung sinunod ko ba ang nais ng aking ama ay makikita ko pa si Clara at sana ay buhay pa si Manang helena. Wala silang ginawa na masama ngunit nagbayad sila ng kasalanan na ako naman ang nagsimula. Nakamasid pa din kami ni Lorenzo ngayon sapagkat nais ko pang makita kung saan nila nais ilibing ang labi ni manang helena. Naghukay na ang mga guwardya at mabilis lang naman sila nakapaghukas ng malalim gayung madami sila. May inilabas naman na itak ang isa sa mga tauhan ng aking ama at siya na mismo ang kumuha nun at lumapit sa labi ni manang helena nagulat ako nang biglaan niyang paghahampasin ng itak ang leegan ni manang helena na siyang ikinapikit ko , tumalsik ang ulo ni manang helena sa bandang malapit sa amin kung kaya'y napilitan si lorenzo na mabilis na lisanin namin ang lugar na iyun. Hindi ko na marinig ang mismong pag iyak ko tanging nakatulala na lamang ako habang papabalik kami ng mansyon ngayon'

So ang ibig sabihin nito na yung babaeng nakita ko sa Villa Crisostomo ay ang multo ni Helena? Sobrang sama ni Lolo tonyo , hindi ko alam kung paano niya kinaya ang kanyang ginawa.

Hindi ko masisisi ang pamilya ni helena kung nais nitong maghiganti sa amin dahil sa ginawa ng aking angkan. Marapat lamang na pagbayaran ng sinumang nagkasala ang kanyang kasalanan.

'Pilit kong kinalimutan ang lahat ng nangyari at makalipas ang dalawang taon ay nagkaroon na kami ng anak ni Anastasia at iyun ay si Thomas. Siya lamang ang aking naging anak at kasalukuyang nakatira na kami sa Villa Aguinaldo. Sila ama ay nasa Villa Crisostomo , hindi ko siya kayang harapin gayung napakawalang hiya niyang tao. Wala man kaming ebidensya na magpapakulong sa kanya ngunit alam ko na kung hindi niya mapagbabayaran ang kasalanan niyang ginawa ngayon ay alam kong may araw din na sisingilin siya nito. Si chris naman ay biglaang naglaho sa amin at hindi na namin siya mahagilap magmula nung araw na nakita ko siya sa aking silid. Tungkol naman kay Lorenzo ay minabuti niya na mag aral sa states at kuhanin ang gusto niyang kurso na pagiging piloto. Ayun ang tanging hiling ko sa aking ama na makalaya man lang si Lorenzo at bilang kapalit nun ay pumapayag na akong ipakasal kay Anastasia.  Pinilit ko naman na mahalin siya at kahit papaano ay natututunan ko naman siyang mahalin at nagbunga iyun na magkaroon kami ng anak na si thomas. Nawala kahit papaano ang sakit na aking nadarama dahil sa aking anak , naging masaya din ang pagsasama namin ni Anastasia hanggang sa dumating ang panahon nang biglaang pagtawag sa amin sa Villa Crisostomo. Nagtungo kami doon sapagkat nabalitaan ko na may nangyari daw na hindi maganda sa aking ama. Pagkadating namin ay bumungad ang alingasaw ng baho na nanggagaling sa loob ng mansyon nakita kong umiiyak ang aking ina habang nakatingin sa aking ama na nakahandusay sa may sahig , may lumalabas na di umanoy mga bulate at palaka sa bibig ng aking ama ngunit wala na siyang buhay sapagkat puting puti na ang kanyang katawan at naninigas na din. At doon ko na nasabi na pinagbabayad na nga kami dahil sa sumpang bibitawan ni manang helena sa amin noong una ay hindi pa ako naniniwala ngunit ngayon sa aking nakikita ay mukhang ito na ang simula. Makalipas ang iilang taon at anim na taong gulang na si thomas at kasalukuyang magkasama kami na naglalaro sa playground nang biglang may tumawag sa akin tungkol daw sa aking asawa. Mabilis kong kinarga si thomas at dali daling nagtungo sa aking tahanan at nakita ko na na nakahandusay na ang aking asawa , ibinaba ko na si thomas at ipinakuha ko sa aming kasambahay upang ilayo siya roon , hinawakan ko ang palapulsuhan niya at napatulo na lamang ang aking luha nang wala na akong maramdaman na kahit anong pulso niya , binuksan ko ang damit niya at doon ko nakita ang mga itim itim sa kanyang katawan at may mga nagsisilabasan na mga uod na matataba sa kanyang tyan at iba't ibang parte ng kanyang katawan. Labis ang aking paghihinagpis nang dahil sa aking nakita , ito na nga talaga ang simula. Sa may bandang paanan niya ay may nakita akong tanda at napagtanto ko na nakita ko din iyun sa aking ama nung siya ay namatay "Itim na paru-paro ang tanda ng mga taong kasapi ng kadiliman kaya sa mga susunod na henerasyon sana ay makatulong ito sa inyo". Sana lamang ay may magtagumpay , thomas? Alam kong sa oras na ito ay wala na ako sa iyong piling ngunit nais kong malaman mo ang buong katotohanan , protektahan mo ang magiging anak mo at ang mga apo mo sa hinaharap wag mong hayaan na may mangyaring hindi maganda sa kanila , alam kong dapat hindi tayo madamay sa kasamaan na ginawa ng aking ama ngunit umaasa ako na kahit isa sa ating henerasyon ay magtatagumpay sa pagpigil na wala nang ibang madamay.

End of the Flashback

Sa Una palang ay hindi na dapat pang madamay ka amanda sa sumpa na ibinigay ni Helena Sta Rita. Hindi ko na hahayaan pang maging kagaya ka ni Lola Amelia , Lola Leonida at ng ina kong si Feliz Garcia. Ayang tatlong yan ang sumalo ng kasalanan ng aking kalololo lohan na si Lolo Tonyo at bilang ika apat na henerasyon na unang apo ay gagawin ko ang lahat upang mailigtas ka mahal kong amanda.

Handa akong mamatay para lang matapos na ang sumpa na inilaan sa iyo? Hindi ako magiging duwag kagaya ng ginawa ni Lolo Tommy.

Gagawa ako ng paraan para mahanap ang taong nasa likod nito , marami na ang nawala sa aking pamilya at hindi ko na hahayaan pang madagdagan iyun.

Labis na kaduwagan ang ginawa ni Lolo Tommy sa ginawa niya sa nakaraan ngunit ako hindi ako magiging duwag at sunod sunoran kung nabigo man siyang ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Clara , asahan niyo na ako ay ipaglalalaban ko sa huli si amanda.

Kung sino man ang taong nasa likod nito ay aking pipigilan sa abot ng aking makakaya.

"Ang tanong sino sino sila?" Komento ko sa aking sarili habang inilagay na yung libro sa may lamesa ko at napapaisip na lamang.









A/N: Sino sino nga ba? Hahaha try ko ulit if maka ud ako mamaya😇

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

33.2K 828 30
― ❝ in which wicked wipes kids memories and puts them on trial to find a cure for a deadly disease. only some of them make it out alive. the others w...
67.4K 2.5K 6
Leather clad, in army boots and oozing raw sex, Lycans were a breed you simply didn't mess with. Some were born normal, while other were born elite...
773K 36.4K 59
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
2.1M 111K 63
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...