Kristine Series 23 - Wild Enc...

由 MarthaCecilia_PHR

539K 16.4K 2K

Kristine Series 23 - Wild Enchantment Adriana's new stepmother considered her an excess baggage. Through cunn... 更多

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
35
36
Epilogue

34

16.9K 487 78
由 MarthaCecilia_PHR


NASA reception na rin halos ang mga taong nakita ni Adriana sa kapilya. Mula sa kung saan ay sinalubong sila ni Rowel.


"Congratulations to you both," bati ni Rowel at inilahad ang kamay kay Jordan na tinanggap naman nito. Pagkatapos ay tumingin kay Adriana. "Maaari ko bang hagkan ang bride?"


"Oh, I don't think so, Rowel," mabilis na sabi ni Jordan na ang tinik sa sinabi'y binantuan ng ngiti. "I happened to be very possessive of Adriana. Kisses are off-limits even to childhood friends or exes." Bago pa makasagot si Rowel ay dinugtungan nito ang sinabi. "Is Debbie with you?"


Umiling ito. "She wasn't feeling well the whole day, Mr. Atienza. Ipinararating niya ang paumanhing hindi siya nakadalo sa kasal ninyo."


"Is she all right?" kaswal na tanong ni Jordan.


"Naglilihi si Debbie, Mr. Atienza," sagot nito at sinulyapan si Adriana na bahagyang umangat ang mga kilay sa pagtatanong.


"Of course. Give Debbie my—" Naputol ang sasabihin ni Jordan nang kuhanin ang atensiyon nito ng ilan sa mga empleyado nito at binati sila. Ilang sandali pa'y nakangiti nang hinarap ni Adriana ang mga bisita.


"I'M GLAD you've found Adriana, Jordan," ani Jared at tinapik siya sa balikat. "And I thought the saying goes true to you, lucky in business, unlucky in love."


He smiled. "Well, now you know I'm good at everything."


Jared laughed. "And I'm happy for you. Hindi ako makapaniwalang sa isang buwang mahigit mula nang mag-usap tayo'y makatagpo ka ng babaeng gusto mong pakasalan. When Carrie told me that Adriana was perfect for you, I didn't believe her.


"Pareho nating alam na kailangan nating mag- asawa... at kaagad. But when I saw you at the chapel today, I revised my opinion. You couldn't get your eyes off her even for a moment. And it is as if you couldn't wait to take her to bed."


Jordan's laugh was hollow. "Sa pamilya ay ikaw ang pinakaromantiko, Jared. Nabibigyan mo ng kahulugan ang kahit munting kilos."


"If that statement meant you are not enamoured with your wife, then it's horsefeathers, Jordan. I won't believe you."


Nagkibit siya ng mga balikat. "Huwag mong pag-isipan ang tungkol sa amin ni Adriana, Jared. Kailangan mo ring mag-asawa kaagad, 'di ba? You only have two months left."


Nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Damn," he swore softly. "I don't even have a time to find a wife. I'm so busy at the ranch." Pagkuwa'y bigla itong napatitig sa kawalan na tila may sumingit sa isip.


"It's obvious. You have tanned your hide enough to upholster a sofa."


"Very funny," sarkastikong sagot nito. "Anyway, where's your wife? I'd better say my good-byes now. Baka gabihin ako nang husto, wala na akong aabutang ferry."


Agad siyang nag-angat ng tingin at hinanap sa paligid si Adriana. Sa isang sulok ng bulwagan ay natanaw niya ito na kausap si Rowel.


Jordan clamped his teeth angrily. Humakbang siyang palayo sa kapatid at nakisiksik sa mga empleyado niya na bawat isa'y gusto siyang antalahin upang batiin.


"ROWEL, hindi tamang makita tayo ni Jordan na nag-uusap..."


"No, you listen," putol nito sa sasabihin niya. "Gusto kong humingi ng paumanhin sa mga nangyari. Gusto kong sabihin sa iyong napag-isip-isip kong tama ka. Na kailangang harapin ko ang responsibilidad ko bilang lalaki. Actually, nang sabihin sa akin ni Debbie na nagdadalang-tao siya, I felt trapped. Gusto kong maghanap ng dahilan upang makawala. I have been selfish, Adriana. When I saw you at your father's wedding, I actually used both of you...


"Pagkatapos nating mag-usap sa mall ay nag-isip akong mabuti. Nang umuwi ako at datnan kong nag-eempake si Debbie ay tila may bahagi sa katawan ko ang unti-unting hinuhugot, na ikamamatay ko kung mawala iyon. I realized in that instant that I can't afford to lose her. I had a hard time convincing her that I love her. At sinabi niya sa aking hindi niya maatim na ipalaglag ang magiging anak namin kaya mas gugustuhin na niyang lumayo..."


"Oh, Rowel!" she exclaimed happily. "I'm so glad for you and Debbie!"


Ngumiti si Rowel. "Hindi ko na sana gustong dumalo pa sa kasal ninyo ni Jordan, lalo at hindi mabuti ang pakiramdam ni Debbie kaninang iwan ko siya sa apartment. Pero gusto niyang kahit isa man lang sa amin ay makadalo. At huwag kang magtanim ng sama ng loob sa pinsan mo, Adriana. Pinaniwala ko siyang walang seryosong namamagitan sa atin kundi matalik na magkaibigan at magkababata lamang.


"Na kung mayroon man ay bahagi iyon ng kabataan. Ang totoo niyan, noong huling magbakasyon si Debbie sa Baguio ay..." He gave a faint guilty smile "... niligawan ko siya. Pero hindi niya ako pinatulan dahil sa iyo."


Nakapagtatakang ni hindi iyon nagdulot ng kahit na bahagyang pait sa dibdib ni Adriana. At ang ano mang hinanakit niya sa pinsan ay tuluyang naglaho.


"At mula noon ay lagi na siyang nagseselos sa iyo. Ang dahilan kung bakit nag-iisip siyang ipalaglag ang bata ay upang mawalan ng dahilang pakasalan ko siya at balikan kita.""Oh, no!"


"Don't look horrified. We've talked that night till daylight. Nakumbinsi ko siyang totoo ko siyang mahal. We've set the date for our wedding. It's two months from now. Hindi pa masyadong halata ang tiyan niya." Isang masuyong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "I came because I don't want to miss your wedding, Adriana. Gusto kong saksihan ang kasal ng aking... kababata at kaibigan."


Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Ngayon niya natiyak nang husto na ang damdamin nila ni Rowel sa isa't isa ay iyong para sa magkapatid. Isa rin marahil iyon sa mga dahilan kung bakit hindi nagpilit nang husto si Rowel na makatalik siya sa panahong magkasintahan sila.


Marahil sa sulok ng isip ni Rowel ay hindi nito kayang makipagtalik sa isang babaeng sa subconscious mind nito'y itinuturing na kapatid. And it was only lately that they started to realize that. Dala ng kasiyahan ay niyakap niya ito.


Tinapik-tapik nito ang likod niya. "I want you to be happy, Adriana, though I still believe that it's a mistake marrying Jordan Atienza..."


"Nandito ka lang pala, Adriana. Hinahanap ka ni Jared. Gusto niyang magpaalam sa iyo bago bumalik sa Marinduque."


Adriana almost jumped. Kumawala siya sa pagkakayakap kay Rowel at humarap sa asawa. Lumatay ang guilt sa mukha niya na nahuli siya nitong nakayakap sa dating kasintahan. Gayunma'y hindi siya mag-aaksaya ng panahong magpaliwanag dito.


"Magpapaalam na rin ako, Adriana," ani Rowel at pagkatapos ay tumingin kay Jordan, "Mr. Atienza. At congratulations uli."


Isang tango lang ang isinagot ni Jordan. Isang huling sulyap at tipid na ngiti ang iniwan ni Adriana kay Rowel bago tuluyang nagpaakay sa asawa palayo rito.


"Ito ang unang araw natin bilang mag-asawa!" Jordan hissed. Ang mga daliri nito'y halos bumaon sa braso niya. Pero hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan na marinig na dumaing siya. "I could kill you for this, Adriana "


"Natitiyak kong kahit na ano pang sabihin ko sa iyo'y hindi mo paniniwalaan," sagot niya at binawi ang braso. "Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin, Jordan! I'm going home."


Ang tangka niyang pagtalikod ay napigil nang hilahin siya nito pabalik. "Uuwi ka kapag nakaalis na ang kahuli-hulihang bisita! I am paying you to be my wife so you have to keep your part of the bargain! Now, smile and look happy. Your father's coming this way."


************Bakit kaya naiinis ako kay Jordan hahahaha. Pero kay Jared natutuwa ako is this a sign mga beshie char hahahaha. Congrats pala sa mga winners natin. Puwede na ulit kayong sumali sa next giveaway, mag comment lang sa mismong video. Mag-like at subscribe at ishare n'yo na rin. Happy weekends mga beshie. ;) - Admin A ********************

继续阅读

You'll Also Like

73.1K 1.3K 20
"In his eyes was the same tenderness and love he had for her nine years ago. Ganito rin siya titigan nito noon. As if she was the only girl in the wo...
1.8M 46.7K 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil s...
17K 1K 22
"Gusto kig ligawan, Adrienne. Pero hindi naman ako marunong manligaw. Marunong lang akong mang-asar." ***** Adrienne Isabel Montoya Vargas. Pangalan...
22.5K 1.2K 20
Matigas na matigas ang leeg ni Avery para lingunin si Jake, ang lalaking sinasabi ni Maia na makaka-partner niya sa trabaho. May feature assignment s...