Hope Beyond Deprivation (Defi...

بواسطة InknHeart

2.6K 338 96

Hope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fan... المزيد

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8)
Playlist
Chapter 1 : Comfort In The Midst Of Destitution
Chapter 2: Encounter
Chapter 3: Two Worlds Closer
Chapter 4: First And First
Chapter 5: Beautiful Mess
Chapter 6: Contrite
Chapter 7: The Confession
Chapter 7.2: The Confession
Chapter 8: Soothe Behind The Darkness
Chapter 9: Be Helped
Chapter 10: Favor
Chapter 11: He's In The Hospital
Chapter 12: Cancelled
Chapter 14: Pain?
Chapter 15: Constantly
Chapter 16: Issue
Chapter 16.2
Chapter 17: Accusations
Chapter 18: The Untold History
Chapter 19: Confession
Chapter 20: Cherish
Chapter 21: Complications
Chapter 22: No Good In Goodbye
Chapter 23: Bid Your Last Goodbye
Chapter 24: Fate Vs Faith
Chapter 25: His Please
Chapter 26: On His Wedding Day
Chapter 27: After
Chapter 28: Réunion
Chapter 29: His Special Day
Epilogue
Probinsiyana

Chapter 13: Back At One

38 10 0
بواسطة InknHeart


“Kompleto naba 'yang mga papeles mo parikoy?” tanong ko kay Jeff sabay turo sa brown envelope na dala-dala niya. Isang ngiti ang pinakawalan niya. Halatang excited mag enroll eh.

“Oo naman. Mabuti nalang at naitago ko pa' yong mga important papers ko!” Napatango naman ako. Lunes ngayon at sasama na saakin si Jeff para magpa enroll siya sa college. Medyo late na ang pagpapa enroll niya pero pwede pa naman sigurong habulin at tutulungan ko naman siya.

Criminology ang kinuha niya dahil gusto niya talagang maging pulis. Masaya ako para sa kaibigan ko dahil sa wakas ay sabay naming matutupad ang mga pangarap namin sa buhay.

“Maganda ba ang college niyo?” Tumango naman ako at nagsimula nang maglakad. “Oo naman isa nga 'yan sa pinakamalaking college dito sa siyudad diba?” Napatango naman siya.

Isang mayaman na negosyante ang nag offer ng scholarship kay Jeff. Sana all diba!
First year hanggang sa magtapos siya ay pinangakuan siya nito ng scholarship pero every Saturday and Sunday ay pupunta tutulong siya sa negosyo. Okay narin 'yon diba. Mas maigi nga' yon at wala siyang grades na dapat habulin, hindi katulad ko na dapat maintain talaga ang grades ko.

“May kasama kana parikoy na uuwi!” saad niya. Napangiti ako. Oo naman kasi kadalasang ako lang talaga palagi may-isang naglalakad sa kahabaan ng daan.

“Hindi kana iiyak mag-isa!” pang aasar niya. Nakita kasi niyang umiyak ako kahapon diba at ang dahilan ko'y natakot lang ako, no explanation. Mabuti na lamang at hindi na siya masyadong nagtanong pa.

Bigla ko tuloy naalala kahapon. Hindi naman ako sobrang tanga at manhid para hindi marealize ang nararamdaman ko. Ayokong magsinungaling sa sarili ko na hindi ko siya.. Hindi ko siya gusto dahil oo gusto ko si Apollo.

Napatunayan ko na talaga na hindi ako abnormal dahil sa unang pagkakataon nagkagusto ako sa isang tao, ewan ang labo lang kasi doon pa talaga ako nagkagusto sa taong sobrang labong maging akin.

“Parikoy! Tulala kana naman!” Napakurap ako at nabaling ang tingin kay Jeff. “May iniisip lang!” palusot ko.

Sinundot niya ang tagiliran ko. “Kung pag-ibig 'yan parikoy aba wag kang magpadala, scam' yan!” Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Tama ka nga Parikoy, love is a scam.

Narating namin ang Montain University habang hindi makapaniwala si Jeff na sobrang laki pala raw. Baka mas lalo pa siyang mapanganga kapag nalaman niyang sina Apollo ang may-ari.

Dumiretso kami sa dean's office. Syempre hinatid ko muna siya sa office kung saan pwedeng magpa enroll. I don't know kung tatanggap paba sila ng mga late enrolles pero I'm hoping na sana oo.

“Parikoy dito ka lang. Kaya ko na'to!” saad ni Jeff.

“Sure ka?” paninigurado ko. Tumango naman siya at ginulo ang buhok ko.

“Oo pumasok kana! Hindi pa naman siguro ngayon agad ang pasok ko. Ingat ka ha!” Hinampas ko ang kamay niya sa ulo ko.

“Ok sige sabi mo 'yan!” Ngumiti lang siya at tuluyan nang pumasok.

Napatingin ako sa dean's office. Kagabi ko pa ito iniisip na sasabihan ko na si Dean na hihinto na ako sa tasked na binigay niya at babalik na ako sa dati, total okay na si Apollo. He do his study well at siguro tapos na ang binigay saakin na task.

Huminga ako nang malalim bago pinihit ang doorknob. Pagbukas ko ay naramdaman ko ang maginaw na loob.

Pagpasok ko ay agad ko namang nakita si dean na nakaupo sa upuan niya habang abala sa pagtitipa sa kaniyang computer.

“Magandang umaga ho!” bati ko. Nabaling ang tingin niya saakin.

Kinuha niya ang salamin at ngumiti nang makita ako. “Goodmorning Ms.Ellison!”
Dahan-dahan akong lumapit sa bakanteng upuan sa tapat ng lamesa niya.

“What brought you here? About kay Apollo ba? I've heard that he's now improving?” Napatango naman ako.

“Ah 'yon nga po. Ah kasi po okay naman po si.. A-Apollo. Siguro po pwede na po akong bumalik sa dati kong trabaho?” Seryosong napatingin saakin si dean na nagpakaba saakin.

“Binubully kaba niya Ms. Ellison?” Napaangat ako ng tingin at dali-daling umiling.
“Hindi po, wala po. Ah kasi po okay naman siya at sa tingin ko po ay hindi niya na ako kailangan pa.”

Ayokong mas lalo pang mapalapit kay Apollo lalo na ngayon na alam ko na. Mahirap kalaban ang puso kaya hanggang maaga pa ako na mismo ang gagawa ng paraan na hindi na lumalim ang pagtingin sa kaniya. Ano man itong nararamdaman ko ngayon, hanggang dito nalang ito.

“Oh kung 'yan ang iyong desisyon Ms. Ellison. And by the way I'm so thankful sa tulong mo dahil malaki talaga ang pagbabago ng pamangkin ko.” Napatango naman ako.

“Walang anuman po dean. Maraming salamat din po!” tugon ko.

“And sa sweldo mo pala, punta ka dito mamayang hapon. Okay?” Napailing naman ako. Wala naman talaga akong ginawa kaya nakakahiya namang tatanggap ako.

“Ah 'wag na po dean. Sapat na po ang scholarship ng school. Maraming salamat po talaga!” Napailing si dean at hinawakan ang kamay ko.

“You've done well Ms. Ellison at hindi ako makakapayag na wala kang matatanggap.”

Tango na lamang ang naging tugon ko at nagpaalam na. Huminga ako nang malalim at naglakad na patungo sa classroom ng subject ko ngayong araw.

“Kilala mo si Apollo diba?”

“Oo 'yong gwapong engineering student na anak ng may-ari ng school? Sino ba namang hindi makakilala sa kaniya?”

“May jowa na raw! Nakita raw kasi silang magkasama ng isang nursing student. Nag date yata!”

“Hala talaga? Sayang naman. Sino raw?”

“Jane ba' yon? Joyce? Ah Joy!”

Napalingon ako sa dalawang babae na nag-uusap. Hindi ko mapigilang makichismis.

Parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Ngayon hindi ko talaga pinagsisisihan ang desisyon kong layuan siya.

Congrats. Congrats sa kanila.

Pumasok na ako sa classroom. “Safira totoo bang si Joy at Apollo na?” bungad ng isa kong kaklase.

“Close kayo ni Joy diba?” dagdag tanong niya. Parang reporter talaga 'tong mga kaklase ko.

“Hindi ko alam,” maikling tugon ko.

Nakakawalang gana. Hindi naman ako ganito noon pero bakit ang hirap ngayon. Noon ay ang pang araw-araw na pagkain lang namin ni mama at Jeje ang inaalala ko bakit nag iba na ngayon?

Dumaan ang araw na hindi naman pumasok si Joy. Hindi ko alam kung nasaan siya.

Pauwi na ako ngayon at katulad nang sabi kanina ni dean ay dadaanan ko muna siya sa office.

Mabilis ang lakad ko nang marating ko na ang engineering department. Ngunit laking gulat ko nang biglang may humila saakin.

“Safira.” Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makilala ko kung sino ang taong humila saakin.

“B-Bakit?” Nahihirapang tanong ko kay Apollo. Nakahawak ito sa kamay ko at wala siyang balak na bitawan ako.

Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan na kami ng maraming tao. Kahit kinakabahan ako'y ako na mismo ang humila sa kaniya sa medyo walang taong lugar.

“Why?” tanong niya. Umiling ako at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya parin ako binibitawan.

“Bitawan mo ako Apollo,” mahinahong saad ko. Hindi ako makatingin sa kaniya sapagkat mas lalo lang lumalakas ang tibok ng puso ko.

“Baka ano pang sabihin ng mga tao!” dagdag ko. Napakunot naman ang noo niya. “What? What's with the peoples opinion?” he asked.

Huminga ako nang malalim at ginamit ang lakas ko para tuluyang makawala sa pagkakahawak niya.

“Kayo na ni Joy Apollo at kapag nakita nila tayong magkasama baka ma issue pa. Kaibigan ko si Joy.” Aakmang aalis na ako ngunit pinigilan niya na naman ako.

“What? I'm here to ask for your help.” Napatitig ako sa kaniya. Biglang tumibok ang puso ko nang maglakbay ang mata ko sa gwapong mukha nito. Masama na ito!

“Sinabihan ko na si dean na tapos na ang paggaguide ko sa'yo. You're already doing well Apollo at kaya mo naman siguro 'yan diba?”

Napakunot ang noo niya. Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagsimula nang maglakad ngunit napalingon ako sa kaniya nang magsalita ito.

“I’m willing to go back for who I am before if that was the only choice I have to be with you again Safira.”

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

5.2K 322 26
ATHLETE SERIES #1 Hanelle Villena, a varsity swimmer, had a mission to fulfil that she promised the moment she step foot on her dream school called...
206K 10K 57
UNDER REVISION. She decided to stop stealing, she can't take the illegal work anymore. Magbabagong buhay na siya, para sa kanilang magkapatid. Pero a...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2.5K 244 38
A SOUFFRIR SERIES 1 [COMPLETED] Every night, she has to watch her mother suffer because of her father's death, while her mother has to be used to her...