You Were Just A Dream [COMPLE...

Missflorendo tarafından

533K 16.5K 2.2K

Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no... Daha Fazla

SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
Kabanata 32
Kabanata 33
KABANATA 34
Kabanata 35
Kabanata 36
KABANATA 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
KABANATA 47
KABANATA 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
KABANATA 58
KABANATA 59
Kabanata 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Epilogue (Part 1 of 3)
Epilogue (Part 2 of 3)
Epilogue (FINALE)

KABANATA 57

6.9K 218 19
Missflorendo tarafından

Angel's note: thank you for patiently waiting. Please don't forget to vote and leave a comment if you liked this chapter. Happy reading!

--

[Celestine]

"Fuck...Damon...this is wrong..." Mabilis na inilayo ko ang mukha ko sa kanya at bahagyang itinulak ang katawan niya para makawala ako. "I'm sorry...nadala lang ako." Nangangatal na ipinunas ko ang likod ng palad ko sa noo kahit hindi naman ako pinagpapawisan.

Salubong ang kilay niya na humarap sa 'kin, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"There's nothing wrong with it, Celest! We're both not in a relationship!" Sinundan niya 'kong tumungo sa harap ng salamin upang ayusin ang sarili ko at ang buhok kong ginulo niya.

"Wala na tayo, Damon." At 'yon ang mali ro'n. Tangina! Ano ba kasing pumasok sa utak ko at ginantihan ko ang halik niya!

"So it's wrong just because we're not together? Fuck the label, Celest! We know in ourselves what we truly feel!"

"Not the right time to talk about that." Tumingala ako sa kanya at mataman ko siyang tinitigan. "Bumalik na tayo ro'n bago pa sila makahalata"

Galit pa ang mga mata niya, pero naglakad na ako palabas ng pinto. At kahit gustuhin ko mang maunang maglakad sa kanya, baka mapahiya lang ako kaya hinintay ko pa siya. Hindi ko na kasi tanda ang way pabalik sa living room. Punyetang size naman kasi ng bahay 'to balak yatang pagkasyahin lahat ng Pilipino.

Pagbalik namin sa sala ay parehong nakatingin sa amin ang mga magulang niya. Parang umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko at pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa mga tingin nila. Pucha. Nahulaan kaya nilang may ginawa kaming konting kababalaghan? Napapikit ako at nakahinga ng maluwag nang tawagin na kami ng mga kasambahay nila for lunch.

"What do your parents do?"

Muntik akong mabilaukan sa isinubo kong pagkain sa tanong ni Mrs. Amanda. Madali kong nilunok ang laman ng bibig ko at nagpunas bago ito sinagot.

"My parents are both lawyers."

"Do you live with them?"

"Currently, no. But when Sydney and I were still in the US we lived with them." Nanginginig ang mga labi ko at kinagat ko ang loob ng pisngi ko para kalmahin ang sarili ko.

Kinuha ko ang baso ng tubig sa tabi ko at halos makalahati ko ang laman nito. Hindi naman sila mukhang galit sa pagtatago ko kay Sydney sa anak nila dahil mukhang kinausap na sila ni Damon bago pa kami pumunta rito. Ni hindi nga rin nila ako sinusumbatan sa mga panahong ninakaw ko sa mag-ama.

"Mommy, are we going back na to Grandpa and Grandma's house?"

Napatingin ako sa anak kong nasa pagitan namin ni Damon.

"Not yet, anak."

"But I missed them."

Pinagpawisan yata bigla ang mga palad ko at nanlamig. Jusko naman bakit ngayon niya pa kailangan itanong 'to? At talagang sa harap pa nilang lahat? Gusto ko na lang na lamunin ako ngayon ng kinauupuan ko.

"Why, Sydney? Do you wanna leave Daddy already?" tila nagtatampong tanong naman ni Damon. Lumipat tuloy ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang umiinom ng wine.

"No, Daddy! I will bring you to them."

As soon as he heard that, bigla na lang siyang nasamid sa iniinom.

"Sorry," aniya habang nagpupunas at medyo inuubo-ubo pa rin.

Patago akong napangisi nang makita ko ang kaba sa mga mata niya. Takot ba siyang humarap sa parents ko? Pfftt...Pero kung sabagay, kahit ako ay takot na ipaalam sa kanila ang mga kaganapan sa amin ngayon dito sa Pilipinas. I swear, they will definitely bring us back to the US.

"You're not going back to the US..." Napaangat ako ng tingin sa Daddy ni Damon. "...with our granddaughter. If you want to go back, you have to leave her to my son."

"Dad!"

"What? It's good that we're getting clear here early, Son."

"I agree with your father," ani Mrs. Amanda kay Damon at saka bumaling sa 'kin. "Celestine, alam mo naman siguro na ngayon pa lang magkakasama ang dalawa. We have nothing against you anymore and I don't know what you two have discussed about your relationship, but if you plan to take my granddaughter away from my son again, I think that's where we should take the matter legally."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ng mga ito. Nagagalit na dapat ako pero nananatili pa rin akong kalmado sa pwesto ko. Gan'to na ba kahaba ang pasensya ko ngayon? O baka dahil tama naman ang sinabi nila? Hindi ko rin alam sa totoo lang. Masyadong naging okupado ang isipan ko sa kasalukuyang nangyayari at hindi pa nararating sa mga posibleng mangyayari sa hinaharap ang utak ko.

"Kami nang bahalang mag-usap sa bagay na 'yan," malamig na tugon ni Damon sa ina. "I already let you see the child. Now let me fix my family's matter alone."

I just gave them an apologetic look dahil biglang binuhat na lang niya si Sydney at inutusan akong sumunod sa kanya. Napakamainitin naman talaga ng ulo ng lalakeng 'to! Hindi man lang nagpaalam ng maayos sa mga magulang!

"Damon, wait! Teka lang!" habol kong sigaw dahil ang laki ng mga hakbang niya! Punyeta! Hingal na hingal tuloy ako pagdating namin sa sasakyan.

Sinamaan ko siya ng tingin pero walang emosyon lang siyang nakatitig sa labas. Pinigilan ko na lang ang bibig ko na magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Limang minuto halos na walang nagsasalita sa amin, maliban sa anak kong sobrang gulo at kung anu-ano ang tinatanong.

"Sydney, stop it. Wag ka ngang magulo!"

"But, Mommy! I don't wanna go home yet!"

Nagmamaktol na tumayo ito at lumipat sa driver's seat. Mukha namang nagising sa katotohanan ang bwisit na kurimaw at inalalayan ang pasaway niyang anak paupo sa kandungan niya. Mabilis pa sa alas kwatro na nagbago ang timpla ng mukha ni gago nang kausapin siya ng bata. Moody! Parehong-pareho silang dalawa!

Simangot akong tumingin na lang sa labas ng bintana at nag-drive siya nang kandong pa rin si Sydney. She's busy playing with his smartphone when it suddenly rang. Napatingin ulit tuloy ako sa kanila.

"Daddy, someone's calling you!" sigaw ni Sydney sabay sinagot ito. Aba't talaga namang! Pakialamerang bata talaga 'to!

"It's a call for your Dad, not for you!" mahinang singhal ko at pinanlakihan ito ng mata. Tinignan lang naman ako nito habang parang wala namang pake si Damon. Ugh! Nakakabwisit pala lalo ang pinagsanib pwersang katigasan ng ulo ng dalawang 'to!

"Hayaan mo na," sabi niya habang nakatingin sa kalsada. "Who is it, baby?" baling na tanong naman niya sa bata.

"Let me ask, Daddy." Umayos pa muna ito ng upo at saka sineryoso 'yong nasa kabilang linya. "Hello? who is this po?"

Inirapan ko silang mag-ama kahit hindi nakatingin sa 'kin.

"...really? You are my Tita Ams' Kuya?....oh okay, I like it...yes we're coming...yeah oh--wait! Do you have cakes too?"

Is she talking to Kuya Jer?? At anong party pinagsasabi ng batang 'to?! Kunot noong kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung anong petsa ngayon.

"It's Jeremy's birthday," singit na sagot ni Damon at saglit na sinulyapan si Sydney bago ibinalik ang tingin niya sa kalsada. "She has already said we're going, so let's just go there."

"Para namang may magagawa pa 'ko," bubulong-bulong kong sagot.

Nakita ko sa phone ko na puro missed calls din mula kina Isla at Ams na pinapapunta kami sa birthday ni Kuya Jer. Anak ng tokwa! Siguradong kumpleto ro'n ang mga barkada nila ng bwisit na lalakeng 'to! Alam na nila panigurado ang tungkol sa anak namin kaya nila 'ko pinapapunta! Grrr.

Magpahatid na lang kaya ako pauwi? Psh. Asa naman akong papayag 'tong bwisit na kasama ko.

"Sydneeey!!"

"Tita Islaaa! Tita Amsss!!"

Nauna pang salubungin ng yakap ng mga kaibigan ko ang anak ko kaysa sa 'kin. At gaya ng inaasahan ko, kumpleto nga rito ang mga barkada ni Damon. Para silang lahat na mga nakakita ng multo habang pinagmamasdang mabuti ang anak ko at kaming dalawa ni Damon. Binati ko agad ang birthday celebrant pagkakita ko rito.

"Happy birthday, kuya Jer."

"Salamat, Tin. I'm glad na nakapunta kayo," nakangiting sagot nito at excited na pinatuloy kami.

"Damn! Pare, totoo nga?!" Tumayo 'yung mukhang model na mahaba ang buhok. Ito 'yung napagkamalan ko pang artista noon sa ganda ng katawan nito.

"Watch your mouth, Rafael," istriktong sabi nitong katabi ko at saka iginiya ako paupo sa sala. Sunod ang tingin nilang lahat sa amin hanggang makaupo kami. Nag-fist bump silang magkakaibigan pagkalapit namin at binati rin nila 'kong lahat.

Wala namang ibang mga bisita maliban sa mga barkada ni Kuya Jer. Halos wala nga ring nagbago sa itsura ng mga ito maliban sa nagmukhang mas respetado sila. Yung iba ngayon ko na lang ulit nakita and 'yung iba naman ay na-meet ko na before sa resto no'ng kasama ko si Cenon.

"Kamusta, Tin?" alangan na tanong ni Tyrell. Nakatingin kasi sa kanilang lahat si Damon at parang nagbabanta ang mga mata niya sa anumang lalabas sa bibig ng mga kaibigan.

"Ayos lang. Eh kayo kamusta? Are you all married now?"

Isa-isang nasamid sila. Ooops.

"Hay nako, Tin! Mga allergic 'yan sa salitang marriage!" sigaw ng paparating na sila Isla at may dalang sliced fruits. "Tignan mo, mga inubo silang lahat sa sinabi mo."

"Ay sorry naman." Natatawang napailing ako. Halos lahat naman yata ng tao ngayon ay allergic sa salitang 'yon.

Medyo awkward pa kaming lahat sa una since matagal-tagal din no'ng huling nagkausap-usap kami. Pero pagkalapag ng alak sa table sa harapan namin at nakatag-iisang shot kami, okay na ulit at parang bumalik na kaming lahat sa normal.

"Nasa'n na 'yung mga ayaw maniwala sa 'kin noon na may anak na nga 'tong si Damon?" Tumayo si Kuya Jer. "Akin na mga bayad niyo dali! Baka akala niyo nakalimutan ko nang pumusta pa kayong mga siraulo kayo."

Nagrereklamo silang lahat na naglapagan ng pera sa lamesa habang iginigiit na naniwala naman daw sila kahapon. Aba't talagang pinagpustahan pa kung totoo ngang may anak ang kurimaw na 'to! Mga siraulo. Mukha bang imposible na mauna siyang magkaanak sa kanilang lahat? Sa landi nitong kaibigan nila, they should've guessed it noon pa lang.

"Hi, Sydney!"

"Hello, Sydney!"

Isa-isang nagpakilala sila sa anak ko, pero natakot yata at tumakbo papunta sa 'kin.

"Say hi to them, anak. They're Daddy's friends," sabi ko at lumipat ang tingin nito kay Damon.

"Are they?"

Tumango naman siya at sinenyasan itong lumapit sa kanya. Binuhat niya ito paupo sa isang binti.

"They just look scary, but don't be afraid of them."

"Pfft..." Napatakip ako ng bibig ko.

"Pare, wala namang ganyanan."

"Sydney, pwedeng pasapak sa Daddy mo?"

"Ako rin, Sydney, promise mahina lang. Parang sapak lang ng snake."

Lumapit sa kanila si Isla at pinagbabatukan silang lahat.

"Wag niyo ngang tinatakot 'yung bata!"

"Hey, baby. They're just joking." Bigla na lang kasi itong yumakap kay Damon at nagtago.

"No! I don't like them!"

Natarantang nagkatinginan silang lima at nagturuan bigla kung sino ang may kasalanan. Subalit nang maglabasan na ng mga regalo ang mga ito, parang may magnet ang mga mata ng anak ko na napatingin pabalik sa kanila.

"Look, Sydney. We prepared gifts for you," panunuhol ni Rafael at lumuhod pa sa harapan ng anak ko. "I heard that na mahilig ka sa bags?"

"Yes." Bumitaw agad ito kay Damon at bumaba para kunin ang regalo. Napatingin rin ang anak ko sa iba pang mga regalong hawak nina Tyrell, Dean, at RJ.

Kanya-kanya sila ng strategy kung papaano mapapaamo ang maldita kong anak. At dahil mga inborn yata na mambobola 'tong mga kaibigan ni kurimaw, mabilis na nabola nila ang anak ko and in just a while, wala na sa birthday celebrant ang atensyon ng lahat.

"Wow. Seryosong wala kayong regalo sa 'kin? Ako 'yung may birthday dito, for your information," nagtatampong reklamo ni Kuya Jer. Tinawan namin ito nina Isla at Ams dahil walang pumapansin. Kawawang celebrant, inagawan ng spotlight.

Habang busy sila sa anak ko, nagbukas ako ng beer dahil nauhaw ako sa kakatawa. Pero bago ko pa ito maidikit sa labi ko, isang kamay ang pumigil sa 'kin at inagaw ito.

"Kumain ka muna bago uminom."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong tingin mo sa sikmura ko? Weak?"

"Of course not. Alam ko kung gaano katibay 'yang simura. Pero hindi ka na makakakain kapag kumain ka niyan." Tumayo siya at pinahawak niya sa 'kin ang phone niya. "I'll just get you food."

Pagkaalis na pagkaalis niya ay mga mapanghusgang mga mata ang agad na bumaling sa 'kin.

"Ano 'yan? Kayo na ba ulet?" nakangising tanong ni Dean.

"Hindi."

"Talaga lang, ha." Binigyan ako ng nakakalokong ngiti ni Rafael.

"Alam mo ikaw? Pogi ka sana kaso chismoso ka."

"Aww! At least pogi pa rin sa paningin mo."

Inantok na ang pasaway kong anak dahil sa pagod sa pagbubukas ng mga regalo nito. Kaya naman habang kumakain ako ay pinapatulog na ito ni Damon. Hindi tuloy siya makasali sa inuman ng mga barkada niya.

"Bagay pala sa 'yo maging tatay, 'no?" lasing na tanong ni RJ sa kanya. "Mukha kang maamong demonyo. HAHAHAHAHA."

"Gusto mong masaktan?"

"De joke lang, pare. Heto talaga ang totoo..." Inubos muna nito ang natitirang laman ng baso saka pinunasan ang bibig. "Proud kami sa 'yo. Dahil sa dami ng mga nilandi mong babae simula nang magkakilala tayo, dito ka lang kay Celestine nagka---" Hindi na nito nagawa pang tapusin ang sasabihin dahil isang lumilipad na makapal na photo album ang dumapo sa kawawang RJ.

Napaismid ako pagkakita sa itsura niyang mukhang mananaksak. See? Malandi 'yan, eh.

Sobrang saya ng kwentuhan namin dahil sa mga kagaguhang hirit nila. Dito na rin kami nag-decide matulog since napilit na uminom ng mga barkada niya si Damon at hindi naman ako KJ para sila pagbigyan.

"Damon, ano ba 'yan?" nakangiwing sigaw ko dahil pumasok siya sa kwarto nang susuray-suray. Hindi niya na 'ko halos masagot sa sobrang kalasingan niya kaya napilitan tuloy akong ipanghiram siya ng dami ni Kuya Jer kay Ams.

Panay ang sermon ko sa kanya habang binibihisan ko siya dahil sobrang likot niya!

"Isang galaw mo pa tatamaan ka na talaga sa 'kin!"

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. "Tin? Okay lang ba kayo d'yan?"

"Bakit naman nila hinayaang malasing ng husto 'tong kurimaw na 'to?!" sigaw na tugon ko kay Ams.

"Naku, Tin, hindi ko rin masasagot 'yan. Dahil lahat sila ro'n sa baba ay mga hindi na makausap sa kalasingan. Buti nga at nakaakyat pa pala 'yang si Kuya Damon. Kailangan mo ba ng tulong?"

"Tawagin na lang kita kapag napikon na 'ko sa bwisit na 'to."

Tumatawang nagpaalam si Ams at ako naman ay inabot ng siyam-siyam bago napalitan ng damit si gago. Napilitan pa 'kong hilamusan siya dahil sobrang amoy alak siya at hindi ako makatulog!

"Wag ka naman masyadong malikot, anak. Dinadaganan mo 'ko--punyeta." Napaharap ako sa kabila ko nang ito namang isa ang nagpatong ng paa sa 'kin.

Hatinggabi na pero parang biglang gusto kong maglayas ng kwarto dahil sa kalikutan nilang dalawa! Hindi na 'ko nakatulog sa sobrang likot nila! Pareho nila 'kong dinadaganan ng mga paa nila at kapag tinatanggal ko ay binabalik lang nila!

Yamot na yamot tuloy akong pumasok sa trabaho kinabukasan dahil sa wala akong maayos na naging tulog. Panay naman ang sorry ni Damon pagkagising at nakita niya 'kong mukhang zombie.

"Good morning, Tin," bati ni Cenon nang makasalubong ako. Kababalik nga lang pala nito sa office last week mula sa business trip abroad. "Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ka yata natulog?"

"Good morning. Hehehe. Oo medyo."

Inalok ako nitong mag-breakfast, pero tinanggihan ko dahil sa tambak kong trabaho na dapat tapusin. Naintindihan naman ako ni Cenon at hindi na ito nagpumilit pa. Sinimula ko agad ang mga pending kong gawain, pero nang maalala ko na naman si Nathan ay lumabas ako sandali para tawagan ito.

"What the hell, Nathan?" bungad ko rito nang sa wakas ay sumagot din ito sa tawag ko.

[I'm sorry, Tin.]

"Ano ba talagang nangyayari sa 'yo? Ilang araw ka nang hindi umuuwi!"

[I'll explain everything to you. May tinatapos lang ako---]

"No. Let's meet later at lunch. Pupuntahan kita sa opisina."

[Tin, no! Please...may konting problema lang sa kasong hawak namin ngayon. It's dangerous to see me right now.]

"I knew it." Napakuyom ako ng mga kamao ko. "Where are you exactly right now?"

[I checked into a hotel and no need to worry about me. I just want to ensure the safety of you and Sydney that's why I decided not to go home for a while. I hope you understand, Tin.]

"Just promise me you'll be safe too."

[Yes...I promise. I missed you both already.]

Bahagyang napanatag ang loob ko pagkatapos kong makausap si Nathan. At least ngayon ay alam ko na kung nasaan siya at ano ang dahilan ng hindi niya pag-uwi. Pero s'yempre, hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang mag-alala sa kanya kaya naman nag-research ako ng estado ng kaso ngayon ng mga Gonzago and I found out na tagilid ang mga ito. Hindi na 'ko nagtataka kung bakit ginigipit nila ngayon si Nathan.

Pagod akong napasandal sa upuan ko habang iniisip ko kung papaano ko siya matutulungan. Ipinikit ko sandali ang mga mata ko dahil ramdam na ramdam ko na ang pagod ng mga ito. Ikaw ba naman ang maka isang oras na tulog lang ay hindi ka ba manghihina?

Pagdating ng lunch break ay pinili kong hindi na lang lumabas dahil parang mas kailangan ko ng tulog ngayon kaysa pagkain. Inayos ko ang upuan ko at bahagyang ibinaba ang sandalan nito para makaidlip ako ng maayos. Pero saktong palayas pa lang ang diwa ko ay tila muling nagising ito sa napakaingay na boses ng mga katrabaho ko.

"Nandito raw si sir Damon at may kasamang bata!"

Para akong robot na napadilat agad ng mga mata pagkarinig ko sa sinabi ng mga ito.

"Kamukhang-kamukha niya 'yung bata! Wala naman sigurong anak si sir, 'no?"

"Baka pamangkin lang naman."

Hindi na 'ko nag-aksaya pa ng oras at mabilis pa 'ko sa alas kwatro na tumayo mula sa upuan ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko para tumakbo na sana palabas at kumpirmahin ang pinagtsitsismisan nitong mga kasama ko...ngunit pagdating ko pa lang sa tapat ng pinto palabas ay nakita ko na silang nakatayo ro'n.

Napatingin ako sa paperbag ng pagkaing dala niya...at sa batang paslit na nakabungisngis na hawak naman niya sa kabilang kamay.

DAMON JAMES HIDALGO!!! Anong ginagawa n'yong dalawa rito?!

***

Angel's note: read it in FULL on Patreon! Just visit www.patreon.com/missflorendo and subscribe to the burger tier ($6). May access na rin ito sa iba pang stories na nasa Patreon din such as GMM, FIBL, SOY, at kasama na rin ang exclusive story ni Ali Sabella. For gcash users, just send a message to my FB Page Missflorendo for assistance. Thank youuuu.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
993K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
14K 271 27
"How can I love the person I hate the most? Is it really possible to fall in love with your worst enemy?" Copyright © 2014 by Fushiaxpink_ Started Da...