Ang Aswang Sa Poblacion San J...

Alexis_Seguera tarafından

18K 908 87

Lugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar n... Daha Fazla

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 22

497 26 3
Alexis_Seguera tarafından

Chapter 22

Pagkatapos non ay umalis na silang lahat sa loob ng kuwarto niya. Habang si Hades ay nag-aayos parin. Nakatulalang naka-upo naman ako sa kama nito. Ito na nanaman ang kabang nadarama ko kanina pero mas dumoble pa ito dahil nalaman ko ng nandito rin an Deeg mga Lolo at Lola nito.

Pero bakit parang hindi naman tumatanda ang Lola niya? Batang bata parin ito tignan at aakalain mong dalaga pa dahil sa kinis at ganda ng balat nito. Wala rin itong kulay puting buhok kahit ni isa.

Bahagya naman akong napatalon sa kinauupuan ng may humalik sa pisngi ko. Si Hades na nag-aalalang nakatingin sa akin.

" Are you okay? " Tanong nito sa akin

" O-okay lang ako " pilit na sabi ko rito sabay ngiti ng pilit

Mukha namang hindi ito kumbisado sa sagot ko dahil kumunot ang noo nito hanggang sa dumapo ang tingin sa magkasalikop kong mga kamay na nanginginig na pilit kong pinipigilan.

Itinago ko naman mula sa paningin nito ang kamay ko. Bumuntong hininga ito at hinawakan ito.

" Are you nervous Mi Reina? " tanong nito habang simisilip ang nakayuko kong mukha

Itinaas ko naman ang paningin ko dito at dahan dahang tumango.

" Medyo kinakabahan lang ako " sabay ngiti ng pilit

" Don't be, they will love you, you see " nakangiting sabi nito

Ngiti na para bang kayang pawiin ang lahat ng kaba na nadarama ko. Ngiti na kayang magpahinto ng pag-ikot ng mundo ko, ang ngiting nagpapanatag sa nararamdaman ko at ang ngiting nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Ang ngiti niyang gumugulo sa buong sistema ng pagkatao ko. Ngiting hindi ko makakalimutan kahit kailan pa man. Siya lang ang nagpaparamdam sa akin ng ganitong kasayang pakiramdam at hindi ko na kakayanin pang hindi makita ang mga ngiting yon.

" Come on, Mi Reina they are waiting for us downstairs---" sabay hila ng kamay ko "--- by the way your so beautiful in that white dress Mi Reina, your like an Angel " namumulang nag-iwas naman ako dito ng tingin

" Thank you "

Lumabas na kami ng kuwarto nito at tahimik na naglalakad sa mahaba nitong pasilyo. Hindi ko kanina masyadong nakita ang mga detalye dito dahil sa kaba at pangambang naramdaman ko kanina.

Napakarangya talaga ng pamumuhay nila Hades dahil ang bawat muwebles at mga palamuti na nakikita mo dito sa bahay nila ay hula kong nagkakahalaga ng milyones. Maging ang sahig nila ay napakalinis, pakiramdam ko nga ay puwede akong manalamin dito.

Meron ring mga nakasabit na portrait ng bawat henerasyon ng pamilya nila. Napahinto ako saglit ng makita ang isang larawan na siyang nakakuha ng pansin ko. Larawan ng isang komunidad. Komunidad na kakaiba sa lahat dahil ito ay nasa nag-iinit na lugar. Parang nasa gitna ito ng bulkan dahil sa nalalagablab na paligid nito.

Meron rin mga kakaibang nilalang na nag-aapoy sa kalangitan. Isang uri ng ibon na apoy ang mga balahibo at ang buong katawan nito. Nakakamangha at nakakakilabot dahil pakiramdam ko parang totoo ito. Ang mga mamamayan rin doon katulad na katulad sa nakita noong minsan at umuwi ako mag-isa.
Itim na itim ang mga mata, matatalim ang mga ngipin, may mahabang sungay na nakaturo sa kalangitan, at merong pakpak na parang sa paniki.

Totoo rin ba ang lugar nato? Dahil ang mga nilalang na nakikita ko ngayon sa litratong ito ay totoo, dahil nakakita na ako ng isa nito. Pero higit itong mas malaki at mas matikas kasya sa mga nilalang dito.

Kung totoo man sila ay ano ang tawag sa kanila? At ang tawag sa lugar na iyon? Dumako naman ang paningin ko isang banda ng litrato. Isang babae na kasa-kasama ang isa sa mga nilalang na iyon, magkayakap sila habang nakatingin sa kulay pulang buwan sa kalangitan. Parang pamilyar sa akin at tindig ng lalaki pero ko malaman kung saan ko ito nakita.

Napakaganda at dahil noong una ay aakalain mong kinunan ito ng isang napakagaling na photographer pero hindi dahil ipininta ang larawang ito.

Nagpatangay naman ako kay Hades ng marahan ako nitong hinila para umalis na pero hindi parin maalis ang paningin ko sa pintang iyon. Napakagaling lang kasi ng puminta non, ngayon lang ako nakakita ang isang obra maestra. Sayang at hindi ko nakita ang pangalan ng puminta non.

" That painting was painted by the brother Mi Reina " bigla sabi ni Hades ng mapansin nitong nakatingin parin ako don

Lumingon naman ako dito at namamangha nag-tanong dito

" Talaga? Hindi ko akalain na marunong pala siyang magpinta " nakangiting sabi ko

" Yeah, he painted it 5 years ago " kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito

5 years ago? Ano ba talaga ang meron limang taon na ang nakakaraan? Bakit palaging 5 years ago? Hindi ba puwedeng 3,4,2? Years ago? Anong meron sa limang taon?

" Huh? Bakit niya naman ipininta iyon? Tsaka totoo ba ang lugar na iyon? " Tanong ko rito

Parang bigla naman itong natigilan dahil sa tanong ko rito, bago sumagot

" Nah that painting was come from the pure imagination of Haiden " hindi tumitinging sabi nito sa akin

Luminga linga muna ako sa paligid at nang makita na wala namang tao ay lumapit ako ng bahagya kay Hades.

" Alam mo ba? May sasabihin ako sayo " bulong na sabi ko, kaya kumunot naman ang noo nito

Huminto muna ito saglit sa paglalakad at seryosong humarap sa akin.

" What is it? "

" Eh kasi noong nakaraan, naalala mo? Bago ako ma-ospital, diba nilagnat muna ako? Tapos hindi ko masyadong maalala ang nangyari non kung paano ako naka-uwi ng bahay ng araw nayon pero ngayon naaalala ko na---" bigla naman itong lumunok dahil sa sinabi ko "---teka? May problema ka ba? " Tanong ko dito para kasi itong namumutla at kinakabahan

" D-don't mind me Mi Reina, go on, continue " sabay ngiti sa akin

Ipinagkibit balikat ko lang ito nagpatuloy sa pagsasalita.

" So ayon nga, naalala ko non, nanggaling kami sa bahay niyo tapos naglakad kami pauwi tapos---"

• Hades POV •

Seing her unexplained reactions right now makes me laugh at the same it making me nervous. How the f*ck did she able to remember that f*cking scene. I already erase it to her memories---thats the reason why she had fever the next day.

Thinking about that scene again makes my blood boil. That old scumbag really did a great job to give hint to my queen on what happened 5 years ago. I must eliminate that g*dd*mn pest before everything is too late.

I won't make the same mistakes twice. I will do everything just to make her stay with me. And I will f*cking kill everyone who gets in our way

• Art's POV •

"---Tapos tapos---" unti unting nanlaki ang mga mata ko dahil naalala ko nanaman ang senaryong yon "---meron kaming nakitang anino na si Tata Seno lang pala tapos merong tumalon bigla sa harapan namin. I-isang n-nilalang na merong malalaking pakpak na parang sa paniki, matatalim at mahahabang mga kuko, matutulis na mga ngipin, kulay itim rin ang mga mata nito na kasing dilim ng gabi, meron rin itong mahahabang sungay ng nakaturo sa itaas!! Hades!!! Totoo ang mga nilalang na nakapinta doon!! " Nanlalaki ang mata habang niyuyog-yog ko ang balikat ni Hades.

Dahan dahan naman nitong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak ko dito at hinalikan ito.

" Relax Mi Reina there is no such thing---" bago pa matapos ang sinasabi nito ay nagsalita na ako

" Hindi! Totoo yon! Nakita mismo ng dalawa kong mata ang nilalang nayon, tsaka nahawakan ko pa nga ihh " naiinis na sabi ko rito.

Bakit ayaw niyang maniwala sa akin? Mukha ba akong nagsisinungaling?

Bumuntong hininga ito.

" Mi Reina you must be hallucinating " marahang sabi nito

Ngumuso naman ako dahil sa sinabi nito .

" Hindi ah! Totoo kaya ang nakita ko! Tsaka paano mo nasabing namamalikmata lang ako? " Nakataas kilay na sabi ko

" Remember, nilagnat ka pagka-morning non? Maybe your mind is playing tricks with you, thats why " napa-isip naman ako dahil sa sinabi nito

Baka nga, baka nga namamalik mata lang ako ng mga oras na iyon, pero hindi eh, kahit anong tanggi ng isip ko na namamalikmata lang ako ay iba naman ang sinasabi ng puso ko.Alam kong totoo ang nakita ko iyon.

Napipilitang tumango nalang ako dito dahil ayaw kong simulan yon ng away naming dalawa. Bago palang kami pero heto at nag-aaway na. Diba kapag bago lang naging magkasintahan ay puro masasayang senaryo lang dapat. Tsaka ko nalang ulit iisipin yon.

Hinawakan ulit nito ang kamay ko at iginiya ulit ako papunta sa bulwagan ng bahay nila kung saan gaganapin ang seremonya ng kanyang kaarawan.

Ngayon ay palakas na ng palakas ang kabog ng dibdib ko dahil naririnig ko na mula sa pasilyong nilalakaran namin ang musika na nanggagaling sa bulwagan nila.

Habang patagal ng patagal ay palapit narin kami ng palapit sa bulwagan kung kaya't mas nagiging malakas rin ang nadidinig namin musika.

Nagsisimula naring manginig at manlamig ang mga kamay ko ng matanaw ko ang isa engrandeng hagdan na magdadala sa amin sa mismong bulwagan.

Hindi ko rin maipaliwanag ang nadarama ko at halos hindi ko narin marinig ang sinasabi ni Hades sa tabi ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Parang akong masusuka dahil sa kaba.

Napalingon naman ako ng halikan ako ni Hades sa gilid ng noo ko kaya napabaling naman ako dito. Nakita ko ang mukha niyang nakangiti na siyang nagpawala ng kaba ko. Ang ngiti niyang nagsasabi na huwag akong mabahala dahil nandiyan siya parati sa tabi ko.

" Relax Mi Reina, they won't eat you, Chin up and show them your confidence, show them that you are already mine, show theme that I'am yours, because today they will witness the la futura condesa de la casa de Vallderama ' the future countless of the house of Vallderama ' kasabay ng sinabi niyang yon ay ang paghinto namin sa mismong itaas ng hagdanan kung saan makikita mo ilalim ang mga taong may mga dugong bughaw na nagmula sa bansang Espanya.

Lumapit sa amin ang spotlight kung kaya't bahagya akong nasilaw at siya namang pagpakila sa amin.

" Let us welcome our birthday celebrant Count Hades Vallderama together with it's Condesa Artemis Gonzales " pagkasabing pagkasabi non ng MC ay siya namang nakakabinging palakpakan ang maririnig mo.

Inalalayan ako ni Hades pababa ng makita niyang nanginginig ang mga binti ko. Hindi ko kasi kayang tagalan ang tingin sa akin ng mga tao na puno ng pagkamangha, naiilang ako sa tuwing tinitignan nila ako.

Kaya pinokus ko nalang ang tingin ko sa isang banda kung saan walang tao akong makikita pero bahagyang nangunot ang noo ko na parang may nakita akong gumalaw na anino doon banda sa may halaman. Bahagya kasi itong gumalaw na parang nakatingin sa akin ngunit ng tignan ko ulit ito ay wala na.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makababa kami sa napakataas nilang hagdan. Pero bigla rin bumalik ang kaba ko ng makita ang tingin sa akin ng mga tao. Nakangiti sila sa akin at nakatingin na walang halong panghuhusga. Buong akala ko ay kukutyain nila ako dahil wala naman akong halong dugong bughaw.

Nakakatuwa lang dahil sa paraan ng pagtingin nila sa akin ay tanggap nila ako, parang wala silang pakialam kung ano man ang katayuan ko sa buhay kung mahirap o mayaman, dugong bughaw man o hindi.

Buong akala ko na ang mga taong katulad nila ay mapagmataas at mata-pobre pero hindi naman pala. Mukha hindi naman lahat ng mayayaman ay ganon. Dahil sa nakikita ko ngayon.

Isa isa naman kaming nilapitan ng mga bisita nila Hades at binati ito maging ako. Nahihiyang napayuko tuloy ako. Hindi kasi talaga ako na pinanupuri ng ibang tao. Nangangalay na ako sa kakatayo ngunit hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko. Ang sarap ng ganitong pakiramdam yung bang pakiramdam na parang tanggap ka ng lahat ng tao sa paligid mo at itinuturing ka na hindi kakaiba sa kanila.

Pina-upo na muna ako nila Hades sa puwesto ng mga pinsan niya ng makita na nangangalay na ako pagtayo doon.

" Are you hungry Mi Reina? " Nakangiting tanong nito sa akin

" Medyo " nahihiyang sabi ko

" Hmm, stay here I get your food " buong galak na sabi nito

Ngumiting tumango lang ako dito at hindi na nagsalita pa, nangangalay kasi talaga ng husto ang mga binti ko dahil sa matagal na pagkakatayo dahil sa taas na suot kong heels. Pina-palitan kasi ito kanina ni Chandler dahil sabi raw ito ng Abuela nila para maging bagay raw sa suot kong damit.

Bahagya naman akong napatalon sa pagkaka-upo ng may tumapik sa balikat ko.

" Awww " mahinang daing ko dahil sa lakas ng pagkakatapik sa akin

Tinignan ko naman ang may gawa non at nakita ang nakangising mukha ng beast friend ko, sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa ginawa niya. Hinila nito ang upuang inuupuan kanina ni Hades ay siya ang naupo rito.

" Ikaw ha!? Ano yon? Kayo na pala ni Hades pero hindi mo sinabi sa akin, nakakatampo ka na " nakangusong sabi nito

" Paano ko naman sasabihin sayo? Eh kanina ko nga lang siya sinagot " namumulang sabi ko

" Ayieee nagdadalaga na siya " sundot nito sa tagiliran ko

Tinapik ko naman ang daliri nito dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya

" Tumigil ka nga " nahihiyang saway ko rito nakangisi na rin kasi sa akin ang mga pinsan nila Hades at umiiling dahil ginagawang pang-aasar sa akin ng kaibigan ko.

Nanggigigil narin ako dahil sa kakulitan niya tapos ang lakas lakas pa ng tawa nito. Kaya naiiling tuloy na nakatingin sa amin ang mga bisita.

Tumigil lang ito sa pangungulit sa akin ng makita nito si Hades na paparating dala dala ang pagkain naming dalawang.

Umalis naman ang kaibigan ko sa kinauupuan nito at lumipat sa upuan na katabi ni Xyfer.

" Let's eat Mi Reina " sabay lahad ng pagkain nito sa mesa

Natakam naman ako sa pagkaing nakahain kaya hindi na ako nag-atubili pa at kumain na. Tahimik lang kami habang kumakain samantalang nag-uusap usap naman ang mga batang Vallderama.

Nag-e-enjoy rin ako sa buong paligid dahil sa nag-gagandahang mga palamuti sa bulwagan. Ang pangunahing tema kasi ng mga desinyo ay kulay ginto na sumisimbolo sa karangyaang taglay ng pamilya nila Hades.

Maging ang mga suot ng mga bisita ay nag-ga-gandahan rin. Mula sa nagkikislapang mga alahas sa mga katawan nito at maging sa suot nilang mga damit na ginawa pa mga international at mga sikat na designer.

Ang sarap nilang pagmasdan dahil pasimple lang silang nag-uusap usap at nagtatawanan. Nakilala ko rin kanina ang buong angkan ng mga Vallderama at masasabi mo talagang nanggaling sila sa mga makikisig at nag-gagandahang mga lahi. Parang hindi sila tumatanda dahil sa itsura nila.

Para silang mga bampira na hindi tumatanda dahil ang mga Tito, at Tita nito ay hindi mo mahahalatang may mga anak na. Halos mabuwag narin ako sa kinatatayuan ko kanina dahil ipinakilala sa akin ni Hades ang Lolo nila.

Nakaka-intimidate ito tignan dahil natural na matatalim talaga ito kung tumitig idagdag mo pa ang malaki nitong pangangatawan, halatang batak ito sa pag-g-gym. Hindi mo kasi mahahalata na matanda na ito dahil kung titignan mo ito ay halos kaedaran lang ito ng papa nila Hades.

Nandito rin ang mga kapatid at magulang ko. Doon sila naka-upo sa puwesto ng mga nakakatandang Vallderama. Nakakatuwa rin dahil nagtatawanan at nagkakasundo sila.

" Are you enjoying Mi Reina? " Tanong ni Hades habang may hawak na kopita

Ngumiti naman ako dito at tumango

" Oo, thank you at Happy Birthday ulit Mahal ko " nakangiting sabi ko sabay halik sa mga labi nito

Bahagya naman akong mapalayo kay Hades at namumulang umiwas ng tingin sa mga taong nandirito dahil sa nanunukso nilang mga tingin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang nakakainis na ngisi ng kaibigan ko.

Natatawa namang binitawan ni Hades ang hawak nitong kopita at hinapit ako papalapit dito. Inihilig ako nito sa dibdib nito at mahigpit akong niyakap sabay halik sa noo ko.

" Te amo Mi Reina "

" Yieee dalaga na ang beast friend ko " parang naiiyak na sabi ng kaibigan ko sabay punas ng mga pekeng luha nito

Inirapan ko naman ito dahil sa sinabi niya at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Hades. ' Ang bango. Bakit ganon, ang bango na parin niya. Ako nga pakiramdam ko ang baho baho ko na. Napanguso nalang ako dahil sa naiisip ko. Ang unfair! Wala ba talagang kapintasan itong si Hades? '

' Parang napaka-perpekto niya ng tao, guwapo, mayaman, mabait at higit sa lahat mapagmahal, hayy wala ka na talagang hahanapin sa isang Hades Vallderama '

" Tignan mo! Nagka-jowa lang hindi niya na ako pinapansin " napatingin naman ako dito dahil sa sinabi nito

Umiling iling nalang ako dito at sumandal ulit sa dibdib ni Hades. Parang nababaliw na siya dahil sa ginagawa niya.

" Hah! Ganyan ka na ngayon, matapos kitang pakain, bihisan, at pag-aralin ganyan ang igaganti mo!? " Nababaliw na sabi nito

Napatampal naman ako ng noo dahil sa mga pinagsasabi nito

" Manahimik ka nga Trisha, para kang nababaliw " nakangusong sabi ko rito

Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa sinabi ko, at itinuro pa ang sarili nito. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya. Ang totoo ano ba talaga ang nangyayari sa kaibigan ko? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga pumapasok sa utak niya.

Mas Lalo pa akong natawa ng yugyugin nito ang balikat ng katabi nitong si Xyfer na tahimik lang na kumakain sa isang tabi. Dahil sa ginawang pag-yugyog ng kaibigan ko rito ay nagkanda-tapon tapon ang pagkain nito sa kutsara para sana isubo nito.

" F*ck get off me! " Naiiritang sabi nito sa kaibigan ko

" Hindi mo ba narinig ang sinabi ng kaibigan ko? Na.ba.ba.liw. na raw ako!? " Nanggigigil na sabi nito at pinanlisikan ako ng mata

" Yeah I heard it clearly, now get off me! " Nanggigigil rin na sabi rito ni Xyfer habang tawang tawa ang iba pang mga batang Vallderama sa nakikita nila.

Mukhang sanay sa sila sa ginagawang to ng kaibigan ko kaya hinaayaan na lang nila. Hindi ko na nga rin alam kung paano ko natagalan ang pagiging ganyan ng kaibigan ko.

" Ano ka ba naman! Ipagtanggol mo naman ako sa babaeng yan! Nagka-jowa lang ay aba! Inaapi api na ako! Hmmmp! " Sabay irap sa akin. Hindi ko naman ito pinansin at napatingin kay Hades ng halikan ako nito sa gilid ng noo ko.

Narinig ko pa ang malakas na singhap ng kaibigan ko ng hindi ko ito pansinin.

" Are you tired Mi Reina? " Tanong nito sa akin

Nakangiting umiling naman ako dito at natatawang tumingin ulit sa kaibigan ko na kinukulit parin si Xyfer na ipagtanggol raw ito mula sa akin.

" I love you Trisha kahit baliw ka " nakangiting sabi ko habang nakahilig parin at nakayakap sa mga braso ni Hades

Naningkit naman ang mga nito habang nakatingin sa akin.

" How dare you!? Okay na yung I love you eh! Dinugtungan mo pa ng baliw ako! Mukha ba akong baliw!? Hmmp! I love you too " nakangusong sabi nito sa akin na tinawanan ko lang

Napa-upo naman ako bigla ng maramdaman na parang may nakatingin sa akin.

" Why? It there a problem Mi Reina? " Takang tanong ni Hades dahil sa biglaang pag-upo ko.

" W-wala, okay lang ako" nanginginig na sabi ko, hindi ko rin kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko

" F*ck it! Your not okay Mi Reina! What is it? " Nag-aalalang tanong nito sa akin

" H-hindi okay lang ako, kailangan ko lang na pumunta ng Cr " hindi ko na hinintay pa sasabihin nito at dire-diretso na akong tumayo at umalis mula sa kinauupuan ko para pumunta ng Cr

Nang makarating ako doon ay hinihingal akong napasandal sa likod ng pintuan nito. Grabeng kaba ang naramdaman ko sa mga oras nato. Hindi ko masyadong maipaliwanag dahil nanginginig at pinagpapawisan ako ng malamig.

Alam kong may nakatingin sa akin---matatalim na titig na hindi ko alam kung kanino nanggaling. Huminga ako ng malalim para kalmahin sa ang sarili ko.

Hindi ako puwedeng bumalik kay Hades na balisa dahil ayaw kong mag-alala siya sa akin. Naghilamos ako para tanggalin ang iilang pawis na namumuo sa noo ko.

Sakto pag-angat ko ng tingin sa malaking salamin na nasa harapan ko ay siya namang bahagyang pagtalon at pag-atras ko mula sa kinatatayuan ko. M-may babaeng nakatayo sa may bandang likuran ko.

Pamilyar ito sa akin dahil minsan ay nakita ko na ito. Ang babaeng nagpakita rin sa akin noon ay nandito na ngayon.
Umangat ito ng tingin sa akin at nagsalita.

" Huwag kang lalayo sa kanya, huwag na huwag mo siyang iiwan mag-isa dahil lang sa mga nakikita at naririnig mo sa iba, huwag kang gagaya sa akin na sinaktan ang lalaking pinakaminamahal ko dahil sa lang matinding galit ko. Ngayong mag-kasintahan na kayo, tanggapin mo siya kahit ano man ang pagkatao niya. Lakasan mo ang loob mo, dahil nag-uumpisa palang kayo. Marami ang sisira sa relasyon niyo at ang magiging hadlang nito. Maghanda ka Artemis dahil hindi magiging madali ang pagsasama niyong dalawa " at bigla nalang itong nawala na parang bula

Saglit naman akong mapatulala dahil sa sinabi nito. Ang daming gumugulo sa isipan ko dahil sa mga sinabi nito. LIANNA VALLDERAMA, ano ba talaga ang kaugnayan mo kila Hades? At bakit mo ito sinabi sa akin? Sino ka ba talaga at ano ang totoong pagkatao mo?

Noong una palang ay alam kong hindi magiging madali ang pag-iibigan naming dalawa. Dahil siya ay maharlika at ako ay isang hamak na ordinaryong babae lamang. Pero kanina habang ipinapakilala ako ni Hades sa harap ng mga kamag-anak niya at maging sa mga dugong bughaw na kalapit ng pamilya nila ay nakaramdam ako ng kaginhawan dahil wala akong nakikitang hadlang sa aming dalawa.

Akala ko ay magiging madali na pagsasama namin ngunit ngayon ay biglang nagbago dahil sa sinabi ni Lianna. LIANNA, isa kang napakalaking palaisipan na gumugulo sa aking isipan. Ano ba ang nangyari sayo at bakit mo ito ngayon sa sinasabi sa akin?

Base sa kanyang pananalita ay alam kong hindi naging maganda ang kanyang pinagdaanan. Puno ng lungkot, galit, at hinagpis ang makikita mo sa mga mata niya sa tuwing nagsasalita niya.

Nabalik naman ako sa reyalidad ng makita ang humahangos at nag-aalalang itsura ni Hades sa harap ng
sinira nitong pintuan.

" Mi Reina " sabay hingang malalim

Taka ko naman itong tinignan dahil sa reaksiyon nito

" Bakit? May problema ba? " balewalang tanong ko dito

" F*ck! What taking you so long, your almost half an hour in this g*dd*mn comfort room " galit na sigaw nito

Nagtaka naman ako dahil sa sinabi nito, kalahating oras? Paanong nangyari yon? Wala pa nga akong 15 minutes dito sa CR.

" F*ck! I thought something happened to you " sabay lapit sa akin at hinapit nito ang bewang ko tsaka niyakap ako ng mahigpit

Nang bumitaw ito mula sa pagkakayakap ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

" Come on Mi Reina, I know your tired " at hinila na ako para lumabas doon.

Nagtataka ko pang tinignan ang sirang pintuan na gawa ni Hades, paano niya nagawang sirain ang pintuan nato? Nakakapagtataka lang kasi, dahil nahati talaga sa dalawa ang pintuan na binalibag niya.

Ipinagkibit balikat ko na lang ito ay hindi na pinansin pa. Bumalik naman ang alaala ko tungkol sa sinabi ni Lianna kanina, tungkol sa paghihirap na dadaan ng relasyon naming dalawa ni Hades.

Kahit ano man ang pagsubok na iyon ay pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para sa relasyon naming dalawa. Hinding hindi ako susuko at tatanggapin ko ang buong pagkatao ni Hades. Buong pagkatao?

Kahit pamilyar sa akin ang mga ikinikilos at ipinapadarama sa akin ni Hades hindi ko parin talaga lubos na kilala ang isang Hades Vallderama. Wala akong alam tungkol sa kanya, kung ano ang mga paborito, gusto at hindi nito gusto.

Sabi nila, hindi mo talaga lubusang makikilala ang isang tao dahil kahit sila ay hindi mismo kilala ang sarili nila. Pero kahit ganon ay hihimay-himayin ko ang buong pagkatao nito, nakilala ko lang itong ng lubusan.

Tinignan ko naman si Hades na nasa tabi ko lamang ' Hades, kahit wala man akong alam tungkol sa pagkatao mo, ay sisiguraduhin ko na sa bawat araw na magkasama tayo ay kikilalanin kita ng husto. Kikilalanin ko ang lahat ng buong pagkatao mo, masama man ito o mabuti ay tatanggapin ko ito ng buong puso, pangako ko yan sayo mahal ko '

Bumuntong hininga naman ako ay niyakap ang braso ni Hades na nasa tabi ko. Nakakapagtataka lang na wala na akong maramdaman na matang nakatitig sa akin. Kumpara kanina ay mas bumuti na ang pakiramdam ko.

Hindi kaya ay guni-guni ko lang yung kanina? Pero hindi, dahil totoo yon, totoong totoo. Napatigil naman ako saglit dahil sa naiisip ko. Hindi kaya sa aninong nakita ko kanina nanggaling ang matatalim na titig nayon?

Pero ang tanong sino yon? Ito na nanaman, ang panibagong katanungan na naglalaro sa aking isipan. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng iniisip ko. Ang daming tanong na hindi ko masagot sagot. Kung meron namang sagot ay mas lalo lang nadadagdagan ang aking mga katanungan.

Gusto ko nang magpahinga at mahiga nalang kama. Gusto ko ng matulog para kahit saglit lang ay maipahinga ko rin ang sarili ko maging ang utak ko. Pakiramdam ko ay anumang oras ay sasabog na ito dahil sa dami ng mga tanong na naglalaro dito.

Buong akala ko ay ihahatid ako nito sa bahay namin pero laking gulat ko ng dumiretso ito papasok sa bahay nila.

" Hades? Saan tayo pupunta? " Takang tanong ko

Bahagya naman ako nitong nilingon at ngumiti.

" Your staying in here for tonight Mi Reina " nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito

" Ano? Hindi puwede hahanapin ako nila Nanay " hindi mapakaling sabi ko

" Nah, of course not, pinagpa-alam na kita sa kanila, besides I know that you are already exhausted, and you badly want to rest "

" P-pero wala akong pamalit " maliit na boses na sabi ko rito

Pinisil lang nito ang kamay ko nagsalita

" Ako na ang bahala don " sabi nito at patuloy parin akong hinila papasok sa loob ng bahay nila

Wala na akong nagawa kundi magpatianod *a/n: sakto ba yung words? 😅 * dito dahil pagod narin naman ako at gustong gusto ko na talagang magpahinga

Huminto kami sa isang kulay itim pintuan na kaharap ng kuwarto nito. Binuksan nito ang pintuan at hinila ako papasok sa loob. Namangha naman ako dahil sa Ganda ng buong kuwarto.

Hindi man ito kasing laki ng kuwarto ni Hades ay napaka-elegante naman nitong tignan. Nag-aagaw ang kulay itim at pulang tema ng kuwarto nito. Meron rin itong flatscreen Tv at isang mini set ng kulay itim na sofa. Sa ilalim non ay ang kulay pulang carpet.

Ang kama naman ay kasing laki lang ng kama ni Hades. Pina-upo ako nito sa malambot na kama ng kuwartong iyon at pumasok ito sa pintuan na sa tingin ko ay CR. Narinig ko naman ang lagaslas ng tubig na naroroon.

Hindi rin ito nagtagal ay lumabas na ito doon. Lumuhod ito sa harapan ko.

" Wait for me Mi Reina, I just gonna get you clothes, I ready prepare your bath you so can clean yourself " tumango lang ako dito at tipid na ngumiti. Hinalikan naman ako nito sa noo bago tuluyang umalis at lumabas ng kuwarto

Napahiga naman ako sa kama at bahagya ipinikit ang mga mata. Si Hades, ang suwerte ko sa kanya dahil wala ka ng hahanapin pa. Hindi mo aakalain na may ganoong side si Hades dahil sa unang tingin ay suplado ito tignan.

Parang siyang Greek God dahil sa perpekto hugis ng mukha nito, ang tangos ng ilong at ang mga matang matatalim kung tumitig. Isa siyang obra maestra para sa akin. Lalo na ang kulay berde nitong mata na siyang makakakuha ng pansin ng karamihan.

Magaganda talaga ang lahi ng Vallderama. Lahat sila ay pinagpala at may kanya kanyang angking kagandahan at kakisigan.

Napa-upo rin ako mula sa pagkakahiga ng bumukas ang pintuan at pumasok doon si Hades dala dala ang damit na pamalit ko at iniabot ito sa akin.

" Here, fix yourself Mi Reina so you can rest already "

" Thank you " pagod na ngiti ko dito

" Your always welcome--" sabay halik sa noo ko "---now go Mi Reina "

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo dala dala ang damit na ibinigay ni Hades sa akin. Bahagya pa akong namula dahil damit niya ito at meron rin isang bagong boxer short. Magmumukha akong naka-daster sa oras na isinuot ko ang damit na ito dahil masyado itong malaki sa akin.

Lumusob na ako sa nakahandang bath tub na merong lavender scent. Maligamgam na tubig ang bumalot sa buong katawan ko. Nakaka-relax at nakakagaan sa katawan ang init na ipinapadama nito sa akin.

Parang sa isang iglap lang ay nawala ang lahat ng pino-problema at iniisip ko kanina. Mas mabuti na ito kaysa mabaliw ako sa kakaisip ng mga sagot sa tanong ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na namnamin ang maligamgam na tubig. Ni-relax ko ang sarili ko pero makaraan ang ilang minuto ay napa-isip parin ako. Bakit yata hindi ko masyadong nakita si Hayden kanina?

Ni anino niya ay hindi ko na nakita simula noong pumasok ako kanina sa kuwarto ni Hades. Nakakapagtataka lang dahil napansin ko kanina ang mga mata niya. Mata niyang puno ng lungkot at pangungulila. Hindi ko nalang ito masyadong pinansin dahil nag-alala ako kay Hades at baka rin ganon ang dahilan nito kung bakit ito malungkot.

Pero hindi eh, may iba pa, may iba pang gumugulo at nagpapalungkot sa kanya. Ang mga asul niyang mata kanina nawalan ng kulay at sigla, nakakahawa ang lungkot ng makikita mo sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang lahat ng ito dahil ngayon ay FEB. 29 birthday ni Hades kung saan ngayon rin ang iksaktong araw ng pagkamatay ni Lianna.






Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.6M 108K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
260K 12.9K 60
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
21.8K 335 9
This story is based on village story with lots of smut...
59.8K 5.9K 117
A story following a young hunter named Jay. He has grown up in a world where dungeons, monsters, and humans with leveling systems are a cultural norm...