Crucify You in Cebu

Da areyaysii

13.9K 495 107

Simple and down to earth, Cara travels back to the Philippines for a short and healing vacation. But her supp... Altro

Crucify You in Cebu
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 2

837 57 22
Da areyaysii

"Bulag ka ba ha?" asik sa akin ng lalaking nabangga ko no'ng papasok ako ng foundation. Instead of making a fuss about it, I immediately bowed and muttered my apologies. I'm not sure nga lang kung tinanggap n'ong lalaki yung apology ko since when I looked up to check on him, he was nowhere in sight na pala.

Sayang. I didn't even get to see his face. Gwapo pa naman yung boses kahit na masungit. I mentally slapped my face dahil sa kalokohang naisip ko. Now's not the time para mag-isip pa ako ng kung anong pagkerengkeng. Nauna ko pa talagang napansin 'yon kaysa sa pag-attitude niya sa akin. If I were in Korea now, baka nakipagsuntukan pa ako dahil sa nangyari.

"Relax, Cara," I whispered to myself. Pilit ko na lang pinakalma ang sarili ko at naglakad na ako papasok, hoping to see some familiar faces. Unfortunately though, hindi ko alam kung dahil sa tagal na ng panahong lumipas, halos wala na akong makilala rito.

"Anong maitutulong ko sa 'yo, hija?" tanong sa akin ng isang madre nang makita ako sa gitna ng hallway. Napalingon naman ako sa kanya at naiilang akong napangiti.

"Uhh, nandito pa po ba si Aling Susan?" Nanlaki ang mga mata ng madre dahil sa naging tanong ko. I immediately bit my tongue dahil sa sobrang kahihiyan.

At the back of my mind, I was silently reprimanding myself dahil Aling Susan pa rin ang tawag ko kay Aling Susan kahit na siya naman ang founder nitong foundation. Kahit kailan talaga, walang filter 'tong bunganga ko. But Aling Susan didn't bother to correct me rin naman kasi before! Nasanay na ako na gano'n ang tawag ko sa kanya.

"I meant Ms. Susan, the founder of this foundation?" pagtatama ko sa sarili ko. Nakita kong lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ng madre sa harapan ko dahil doon. She then told me that Ms. Susan isn't here right now. She's taking care of some business daw overseas and it might take her a while before she comes back. Disappointed with the news, I just thanked the nun and left the foundation na. Wala rin naman pala akong mapapala rito.

Pagbalik ko sa sasakyan, gulat na gulat pa si Kuya Richard kasi ang bilis kong lumabas ng foundation. He kinda expected that I would take some time here since naikuwento na rin naman na sa kanya ni appa na dito ako nanggaling dati.

"Ang bilis niyo naman po, Ma'am? Palli palli?" tanong niya sa akin. (Hurry hurry?)

"Wala po rito yung hinahanap ko, e. Tara na po. I'll just rebook my flight para makapunta na po ako sa Cebu. Doon naman po talaga dapat ako pupunta," sagot ko sa kanya and he immediately volunteered to fix everything for me. Mula sa plane ticket hanggang sa accommodation ko, siya na raw ang bahalang mag-ayos.

Pagbalik namin sa hotel, I started packing my things already. The flight that Kuya Richard got leaves in a few hours and it's best that I keep on moving. Hindi naman uubra na mag-stay pa ako nang matagal dito sa Manila kung wala naman yung kailangan ko.

The flight, surprisingly, was not delayed. According to the reviews that I have read kasi before, lagi raw nade-delay yung mga flight to and from Cebu. I kind of braced myself for it already that's why I brought some books with me but we left Manila on time, which I'm kind of thankful for na rin. I didn't want to waste more time and I badly wanted to relax.

By the time we reached Cebu, the sun was still up. I immediately saw the van of the resort I'll be staying at kaya lumapit na ako roon para makabiyahe na kami agad. Fortunately, ako lang yung susunduin nila so I got the whole van to myself.

After checking in, dumeretso na ako sa kwarto ko. I took a bath, and changed into comfortable clothes before calling eomma again. She wasn't answering though kaya nag-iwan na lang ako ng message sa group chat namin.


Chu-Chu-Chu!!!

Cara
Annyeong from Cebu!

Maknae
Pasalubooooong!!!

Cara
I'll pick up some stones for you. :P

Maknae
EOMMAAAAA!!!

Eomma
Are you done with your school works?

Maknae
*seen*

Cara
HAHAHAHA.
I'll update you often while I'm here.
Take care always!

Eomma
Nado. Saranghae!

Since nagugutom na rin ako, I decided to leave my room and look for the restaurants here in the resort. Naglalakad-lakad lang ako when suddenly, a young woman appeared in front of me.

"Good afternoon, Ma'am! How may I help you today?"

"AY KABAYO KA!" hindi ko napigilang sigaw sa kanya. Her eyes immediately widened upon hearing what I said.

"Hala, Ma'am! Pinay po pala kayo? Akala ko po foreigner kayo! Kamukha mo 'yong nando'n sa pinapanood kong K-drama!" dere-deretsong sagot niya which piqued my interest. Anong K-drama naman kaya ang sinasabi nitong isang 'to? I mean, I usually get that comment a lot kahit sa Korea since pasok daw ako sa beauty standards nila pero it's my first time hearing it here sa Pinas mismo.

"H-ha? Alin?" tanong ko sa kanya, half-expecting na yung mga may magagandang bida ang isasagot niya.

"'Yong sa True Beauty po! Yung pag walang makeup!" natatawang sagot niya na siyang nagpainit ng ulo ko.

"YA! JUGEULLAE?!" sigaw ko sa kanya kaya nanlaki na naman ang mga mata niya. If she's really a K-drama fan like what she's claiming to be, dapat alam niya na yung ibig sabihin ng sinabi ko sa kanya. (Ya! Do you want to die?!)

"Pasayloa ko, Ma'am. Joke only!" nag-aalanagan niyang sagot kaya tiningnan ko siya nang masama. She then apologized repeatedly and when I finally accepted her apology, para na siyang tutang sunod nang sunod sa akin. She was explaining all of the amenities of the resort pati na rin yung mga pagkakaiba ng mga restaurant dito. Apparently, my dad made a request na naman na may mag-assist sa akin dito while I'm staying here. He wanted to make sure daw that I will be very comfortable here since matagal tagal din ako rito. (Sorry, Ma'am.)

"Ay, Ma'am! You should try this one. Masarap yung lechon dito saka seafood, promise!" alok niya sa akin which I reluctantly accepted. Wala pa sa plano ko ang mag-pig out ngayong araw but here she was, filling my plate with lots of food.

"Uhh, thank you but wait. You haven't really introduced yourself yet. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya at agad niyang tinampal ang noo niya dahil doon.

"Huy! Ano ba 'yan! Pinaggagagawa mo?" natataranta kong sabi dahil kung ano-ano nang ginagawa niyang kalokohan sa harapan ko. My gosh. Namali pa yata ng pagpili si appa ng magiging assistant ko rito.

"Maayong Hapon! Ang akong ngalan kay Venus Sora! Nalipay ko nga nakaila tika!" masigasig na sabi niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya dahil wala naman akong natindihan sa sinabi niya. (Good afternoon! My name is Venus Sora! Pleased to meet you!)

Nang mapagtanto niyang hindi ko siya naintindihan, agad siyang humingi ulit ng dispensa at nagpakilala na ulit siya sa akin. Apparently, hindi naman pala nasabi sa kanya na hindi ako marunong mag-Bisaya kaya raw hindi siya masyadong nakapaghanda ngayon...which I highly doubt. Sa taas ng energy niya simula nang magkasalubong kami kanina, parang prepared na prepared naman siya sa trabaho niya.

"If you don't mind me asking, Ma'am, hanggang kailan po kayo rito?" tanong ni Venus when we were walking along the shore. Malapit nang mag-sunset at sobrang ganda ng view ngayon dito. Marami pa ring mga pamilya at magkakabarkada ang magkakasama, nagtatawanan at nag-e-enjoy sa kuwentuhan at inuman. I can't help but miss my family tuloy. Ganito rin kami whenever we go to Jeju o kaya sa Busan. We were all smiles kahit na madalas, nagkakapikunan na kami ni Jansen.

"Three months," tipid kong sagot sa kanya. Agad napalingon si Venus sa akin at halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Seryoso, Ma'am? Three months? Ang tagal naman po!"

"May hinahanap lang ako. Pag okay na ang lahat, I'll probably return to Korea na ulit."

"Uyyy, Ma'am, love life 'yan, 'no? Don't worry, be happy! Ako pong bahala sa inyo. May gwapo po kaming guest, halos kasabay niyo lang dumating. Pag nakita ko po ulit, pakilala ko sa 'yo. Feeling ko bagay po kayo, e. Isang gwapa at isang gwapo kaso parang medyo masungit lang po si Sir. Pero pag nakita ka siguro n'on, titiklop din 'yon sa 'yo. Sa ganda niyong 'yan, nako!" tuwang tuwang sabi ni Venus na siyang ikinailing ko. Kahit kailan talaga, hindi na 'to naubusan ng kalokohan. Nagawa pang makagawa ng kuwento.

"Baliw. Anyway, kapag tayong dalawa lang naman ang magkasama, huwag mo na akong tawaging ma'am saka wag ka na ring mag-po. Feeling ko naman halos magka-edad lang tayo."

"Sure ka po, Ma'am?"

"Venus..."

"Sabi ko nga po," sagot niya and upon realizing na may po na naman yung sinabi niya, agad niyang pinalo ang bibig niya at halos sabunutan niya na rin ang sarili dahil sa frustration.

"Ay, pisti! Ang hirap naman nito!"

"It's okay. Masasanay ka rin," natatawang kong sagot sa kanya. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad hanggang sa napagdesisyunan naming manatiling nakatayo sa isang parte ng shore. Nagpaalam din muna siya saglit na magta-time out mula sa trabaho at babalikan niya na lang daw ako maya-maya pagkatapos niyang makapagpalit ng damit.

At nang maiwan akong mag-isa sa pampang, tinitigan kong mabuti ang papalubog na araw. I can't help but admire the beauty that I'm seeing right now. My trip to the foundation may not be successful but the this view in front of me makes everything worth it now.

"Ang ganda..."

"Yup, ang ganda..." a familiar voice said which made me freeze on the spot. Teka. Siya 'yong kanina...'di ba? Or not.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

785K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
1.2M 49K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
154K 7.2K 42
Batid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang ma...
4.5M 57.6K 51
Nagkulang ba ako sa kanya? Binigay ko naman sa kanya ang lahat, ang puso ko, ang kaluluwa ko at ang katawan ko pero bakit niya sakin nagawa ito? Akal...