The Night We Met in Intramuros

De Savestron

1K 186 42

What would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met befor... Mai multe

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
EPILOGUE
WRITER'S NOTE

22

13 3 0
De Savestron

TRIP TO BATAAN

NATUTULOG pa rin siya at patuloy sa pakikinig ng music. Dahil boring at wala akong magawa, balik ako sa madalas kong ginagawa-ang mag-imagine. Binalikan ko ang scenario kung saan nakita ko si Blythe upang masigurong siya na nga ang katabi ko.

Nakita ko siya, gano'n pa rin ang hitsura niya. Nagkamali pala ako dahil inakala kong kamukha niya itong dalagang katabi ko sa bus. Narito ulit kami sa lugar kung saan ko siya nakasama noong unang beses ko siyang nakita sa imahinasyon ko. At kahit ilang beses nang laman ng imahinasyon ko ang lugar na ito, hindi ko pa rin malaman kung anong lugar at saan 'to.

Magkaharap kami at nakangiti siya habang hawak ang aking mga kamay. Napakalambot ng mga kamay niya kaya hinigpitan ko ang hawak sa mga ito.

"Excuse me," bigla niyang sabi.

Biglang may tumapik sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko agad ang dalagang katabi ko sa bus. Naalala ko na nag-i-imagine nga pala ako, at hawak ko na ang kamay niya. Shit, nakakahiya.

Mabilis ko itong binitawan at agad nag-sorry sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tingnan dahil baka isipin niya na masama akong tao. Napangisi siya, hindi ko alam kung bakit. Napabuntong-hininga naman ako habang hinihintay ang susunod niyang gagawin.

"Hindi ako ganiyan mag-isip," maikli niyang sabi sa akin habang nakangiti.

Nagulo ang ekspresyon ng mukha ko nang sabihin niya iyon. Paano niya nalaman na 'yon ang iniisip ko? Mind reader ba siya o mentalist?

"Mind reader," maikli niyang sagot na mas lalong nagpagulo sa iniisip ko.

What the?! Seryoso ba siya? Nababasa talaga niya ang nasa isip ko? Akala ko hindi totoo na talagang nababasa nila ang nasa isip ng isang tao. Sige, subukan ko nga kung talagang mind reader ka.

"What else can you say?" I asked.

"In love ka," nakangisi niyang sabi.

Am I? In-love na ba talaga ako?

Napangiti ako nang sabihin niya 'yon. "Paano mo naman nasabi na in love ako?"

Hindi siya sumagot at sumandal lang habang nakatingin sa harapan.

"Just say it," bulong ko pero narinig pa rin niya kahit naka-airpods siya.

"I just know, because you're constantly thinking about her, dude."

Tumango-tango lang ako at hindi sumagot, pero alam kong alam na niya kung ano ang sagot ko.

"Ikaw?" tanong ko, sabay tingin sa kaniya.

Ngumisi na naman siya. "I had a boyfriend," she answered.

"Why is that?" Napalingon ako sa bintana.

"He's dead."

Natahimik ako at hindi na alam ang isasagot sa sinabi niya. "I'm sorry." Napayuko ako. Pinagdaop ko ang mga palad ko at hindi mapakali.

"Don't be sorry, hindi naman siguro ikaw ang nakasagasa sa kaniya," tugon niya kaya lalo akong hindi naging komportable sa topic at sa pag-uusap namin. Bahagya siyang natawa. "That was two years ago, ang bilis nga ng panahon, parang kailan lang ay kasama ko pa siya." Nag-umpisa na siyang magkuwento. "Bago mangyari ang aksidente, ibinigay niya sa akin itong kuwintas. Kinabukasan, date namin pero hindi natuloy dahil nga nadamay siya sa isang aksidente. May kotse siya, but for some reason, hindi niya ginamit, and he didn't tell me why. That's the reason kung bakit siya naglakad papunta sa restaurant, malapit lang naman kasi ang apartment niya," pagpapatuloy niya habang hawak pa rin ang kuwintas na letter F ang pendant.

Lahat ng sinabi niya, tugma sa imahinasyon ko two years ago. Iniisip ko na lang na coincidence lang ang lahat ng nangyari, pero pakiramdam ko, ito na ang nasa imahinasyon ko noon.

"You're Francheska," sabi ko na lang. Iyon kasi ang pangalan ng babae sa imahinasyon kong iyon.

Siya naman ang napatingin sa akin nang sabihin ko ang pangalang 'yon. "Y-Yes. How did... Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong niya.

"I just, uhm... Hinulaan ko lang," palusot ko.

She smirked. "You're thinking of something from the past, which makes you think that you're the one to blame, aren't you?" she said straightforwardly.

Tumango lang ako at hinintay kung itutuloy niya ang pagkukuwento. Pagkatapos niyang magkuwento, hindi na ako nagsalita at mas inisip ang mga sinabi at ikinuwento niya. Medyo tumalikod siya pero sapat pa rin para makita ko na nakapikit siya. Pumikit na lang din ako at pinilit matulog dahil naiinip na rin ako sa biyahe.

Pagkalipas ng mahigit isang oras, nagising na ako at nakitang wala na siya sa tabi ko, bumaba na siguro. Lumingon ako sa labas at nakita kong traffic. May katapat kaming bus, at nakasilip ang isang bata mula sa bintana. Kumaway siya sa akin nang makita niya ako kaya napangiti ako. Kumaway din ako sa kaniya at ipinakita ang kape ko. Iniharang niya ang kurtina sa bintana, at nang hawiin niya itong muli ay ipinakita naman niya ang milkshake na hawak.

Lugi ako, hanggang kape lang ang maipakikita ko sa kaniya. Pero naalala ko, may sandwich nga pala akong baon na gawa ng tatay ni Allestair. Agad ko itong ipinakita sa kaniya at bahagya ko pang inilabas ang dila ko na tila nakikipagbiruan sa kaniya.

Hinawi na naman niya ang kurtina. Nang hawiin niya ito pabalik ay nakasilip na rin ang ate niya. Sa puntong iyon ay hindi ko maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nananaginip ba ako? Imahinasyon ba 'to? Nakikita ng dalawa kong mata si Blythe. Ito na ba ang tamang oras? Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Kumakaway siya sa akin kasama ng kapatid niya. Inilapat ko ang palad ko sa bintana ng bus at inisip na hawak ko ang kamay niya na kumakaway sa akin. Napangiti ako habang masayang pinagmamasdan ang kaniyang kagandahan. Hindi ko alam, pero parang hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Siya lang ang tangi kong nakikita.

Naisin ko mang bumaba ng bus at yakapin siya, hindi ko magagawa dahil magkaiba kami ng daan-saktong papasok na kami sa underpass at sila naman ay paliko, palayo sa kung saan papunta ang sinasakyan kong bus. Hinabol ko na lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita dahil madilim na sa underpass.

Natulala ako at halos hindi makahinga dahil sa nangyari. Nakita ko na siya. Nagkita na kami, pero bakit parang hindi kami itinadhanang magkasama? Isa lang naman ang hiling ko, bakit hindi pa magkatotoo?

Biglang naging malungkot ang mukha ko dahil sa sobrang panghihinayang. Naluha ako sa sobrang lungkot. Nasa harapan ko na, bakit parang bula pang naglaho bigla? Napapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko na pilit kumakawala sa aking mga mata. Sobrang lungkot, nakakapanghinayang.

"Sir," wika ng isang lalaki, sabay tapik sa akin. Bigla akong napalingon sa kaniya at natukoy ko na siya ang konduktor ng bus. "Bus stop po. Kanina pa po kayo nakatulala, okay lang po ba kayo?"

Napabuntong-hininga ako at nainis sa sarili ko dahil sa ginawa kong imahinasyon. Imahinasyon na naman. Lagi na lang. Umasa ako. Akala ko nakita ko na siya.

Binuksan ko ang aking bag upang isauli ang isang sandwich dahil isa lang naman ang kakainin ko. Agad nahagip ng paningin ko ang brown tissue sa loob nito kaya kinuha ko ito bago muling i-zip.

Wala naman akong dalang brown tissue, pero bakit mayro'n sa loob ng bag ko? Tatlong pirasong nakatuping tissue ang nakuha ko. Agad ko naman iyong binuklat.

Malapit na akong bumaba pero tulog mantika ka pa. Eat those sandwiches, hindi na masarap 'yan kapag lumamig lalo. Nice to meet you! Ingat sa biyahe. You'll meet HER soon! I promise.

-Francheska

"Thanks," bulong ko sa kaniya kahit wala na siya sa tabi ko. Papunta lang ako ng Bataan, naka-meet pa ako ng mabait na mind reader.

***

INAYOS ko na ang sarili ko dahil ayaw ko namang magmukhang dugyot at hindi presentable kapag dumating ako sa bahay nina Celeine. Nasa ikalawang bus na ako papuntang Bataan.

Parating na kami sa terminal ng bus dito sa Mariveles, Bataan. Pagbaba ko, natanaw ko kaagad ang branch ng 7-Eleven. Pagpasok ko sa loob, hindi na ako bumili ng kape dahil marami pa ako sa bag.

Tinawagan ko na kaagad si Celeine pagkaupo ko rito sa loob. Ilang minuto pa akong naghintay bago dumating ang pinsan niya pero ayos lang, hindi naman ako VIP para mag-demand.

Nang matanaw ko ang isang binata na nasa labas na tila may hinahanap ay lumabas na ako dahil alam kong iyon na ang pinsan ni Celeine. Sinenyasan ko siya at agad lumapit sa kaniya. Pagsakay sa tricycle ay dumiretso na kaagad kami pauwi kina Celeine. Medyo kinakabahan ako dahil hindi naman nila ako kakilala pero makikituloy ako sa kanila. Total stranger ako para sa kanila.

May katabi pala ako rito sa tricycle, kapatid daw 'to ni Celeine. Batang lalaki na sobrang puti, mukhang babad sa air-conditioned room, at hindi yata naglalaro sa labas-parang ako lang dati.

Akala ko'y English speaking pero hindi pala, marunong naman siyang mag-Tagalog. "Boypen ka... ate ko?" pabulol-bulol niyang tanong sa akin pero naintindihan ko naman.

Napangiti ako at saka ko ginulo ang kaniyang buhok. "Hindi po, kaibigan ko si Ate Celeine," sagot ko sa kaniya habang sinusubukang pantayan ang boses niya.

Humawak siya sa braso ko habang nasa biyahe kami. Panay ang turo niya nang matapat kami sa nagtitinda ng ice cream. "Mamaya, bibili tayo niyan," bulong ko sa kaniya dahil hindi naman kami makabibili ngayon.

Abot-tainga ang ngiti niya nang sabihin ko 'yon. Nakatingin lang siya sa akin, kinikilatis at kinikilala niya ako habang hawak ang laruang kotse.

Pagdating sa kanila ay agad akong tinanggap ng pamilya ni Celeine, lalo na ng kaniyang lola. Pagpasok namin sa terrace ng bahay ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Cyruz, dito ka kay lola, apo ko," wika ng lola ni Celeine sa bata dahil ayaw niyang humiwalay sa akin.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pilit akong hinihila papasok ng bahay. Tumingin ako sa kanila at sumenyas sila na samahan ko na sa loob ang bata.

"Punta tayo sa kuwarto, dami ako toys dito," wika niya sa akin sabay turo sa pinto ng isang kuwarto.

Pagpasok namin sa kuwarto ay nakita kong puno nga ito ng laruan at stuffed toys. Naka-carpet ang sahig at air-conditioned ang kuwarto, tama ang hula ko. Sa dingding ay mayroon pang malaking portrait niya-charcoal art at naka-frame nang sobrang laki. Na-impress ako dahil sobrang ganda ng charcoal portrait na ito at sobrang laki kumpara sa arts ko sa sketch pad.

"Ako 'yan, eh," wika niya sa akin. Napangiti ako dahil napakaliit talaga ng boses niya.

Naupo ako sa kama niya na blue ang kulay. Actually, halos lahat sa kuwarto ay kulay asul. Kauupo ko lang nang bigla siyang humarap sa akin.

"Tingnan mo, cars ko," mabagal niyang wika sa akin, saka dumeretso sa ilalim ng isang cabinet.

Pinagmamasdan ko lang ang kuwarto niya dahil ganito rin ang kuwarto ko noong bata pa ako, pero naging black na lahat nang magbinata at nagkaisip na ako. Pagbalik ng tingin ko sa portrait niya ay biglang may kumalabog at parang nauntog. Paglingon ko kay Cyruz ay nakahawak na siya sa ulo niya habang tumatawa.

"Untog pa 'ko," aniya habang hinahaplos ang ulo.

Nilapitan ko siya at binuhat papuntang kama. "Patingin nga si Kuya," wika ko habang tinitingnan ang parte ng ulo niya na nauntog.

"Hindi naman asasakit," sabi niya habang patuloy lang sa paglalaro ng laruan.

Napangiti na lang ako. "Sige, maglaro ka na," tugon ko nang makitang hindi naman siya nabukulan o nasugatan sa pagkakauntog niya.

Pagkalipas ng ilang saglit, lumabas na kami ng kuwarto dahil niyaya kami para magmeryenda. Hati raw kami sa isang sandwich kaya pinakagat-kagat ko na lang siya dahil magkakalat kapag siya pa ang hahawak lalo't naglalaro pa naman siya. Request talaga ng bata na hati kami sa isang sandwich. Pero ilang oras na lang, maghahapunan na, kaya hindi ko na masyadong pinakain.

Lagpas pitong oras din ang biyahe ko papunta rito, napakatagal, palibhasa ay malayo nga naman ang Ilocos Sur. Bukas na lang ako lalabas. Wala na akong gana, at isa pa, gabi na rin.

"Nasa'n Ate Celeine?" tanong ni Cyruz sa akin nang iabot sa akin ang isang laruan.

Tumuro ako sa malayo. "Doon, nasa malayo si Ate Celeine mo, nagwo-work siya," sagot ko.

Tumaas naman ang dalawang kilay niya at nagpatuloy lang sa paglalaro. Hindi ko alam, hindi ko inasahan na ganito pala ang buhay na pinanggalingan ni Celeine. Ang sabi kasi niya, simple lang ang pamumuhay nila. Naniwala naman ako dahil simple lang ang pananamit niya. Baka ayaw lang niyang sabihin na mayaman sila, just like me. Ang sabi sa akin ni Mommy noong bata pa ako, "If somebody asks if you're rich, don't tell them that you are. Instead, just say that we have a comfortable life and you're contented, okay?"

Itinuro sa akin ni Mommy na maging humble pagdating sa estado sa buhay. Huwag maging maarte at maging thankful sa lahat ng mayro'n ako dahil ang kayamanan, mauubos din, hindi habambuhay ang pera.

May mga mahal akong gamit at mga damit, pero hindi ko ipinagmamalaki sa mga tao, not even once. I have respect for my parents. Kung magiging bastos at matapobre ako, magre-reflect sa kanila ang kagaguhan ko. If I did that, our business might stop growing, which I don't want to happen. Sobrang dami nang effort at paghihirap ni Mommy para lang mapalago ang business, 'tapos sisirain ko lang dahil naging gago ako? Hell, nah.

"Kuya," tawag ni Cyruz, sabay tapik sa pisngi ko. Napatingin agad ako sa kaniya. "Eat tayo," aniya, sabay hila sa kamay ko. Hindi agad ako tumayo at tiningnan lang siya. "Tara na," pangungulit niya habang buong lakas na hinihila ang kamay at braso ko.

Pagtayo ko, sinundan ko lang siya. Bago makalabas ng kuwarto, nagpabuhat siya sa akin kaya kinarga ko siya. Nang tumapat kami sa pinto ay naabot pa niya ang mataas na bahagi ng pader dahil matangkad ako.

"Tall ako," wika niya, sabay taas sa dalawa niyang kamay.

Paglabas namin ay naghahain na ng mga pagkain sa lamesa. Pormal na hapunan at napakasarap ng mga ulam, amoy pa lang. Parang nasa mamahaling restaurant ako.

Habang kumakain, kuwento lang nang kuwento ang lola nina Celeine at Cyruz tungkol sa kanilang magkapatid. Nabanggit niya na noong una, ayaw nilang magbanda si Celeine, pero makulit masyado at palaging tumatakas, kaya pinayagan na nila. Parang ako lang din, takas lang din naman ako sa bahay.

Nagkuwento na rin ako kahit kaunti tungkol sa akin. Sinabi ko na lang na makikipag-meet up ako rito sa Bataan. Hindi ko na sinabi na may hinahanap akong dalaga na nakita ko sa imahinasyon ko. Napaka-weirdo ko naman kung sasabihin ko sa kanila 'yon. Kung ako ang nasa lugar nila, gano'n talaga ang iisipin ko. Weirdo.

Pagkatapos kumain, nagprisinta ako na maghugas ng mga pinggan pero pinigilan ako ng lola ni Celeine. "Bisita ka rito, hayaan mong kami ang magsilbi sa iyo," wika nito. Medyo nahiya ako dahil sobrang bait nila sa akin.

Pagkatapos magpahinga matapos kumain ay nag-toothbrush na ako at naglinis ng katawan bago ako pumasok sa kuwarto. Pagpasok ko, dumeretso agad ako sa kama ni Celeine nang mailagay ko sa lamesa ang mga gamit ko. Ayoko nga sana rito sa kuwarto ni Celeine, kaso ang sabi ng lola niya, maraming nakatambak na gamit sa isa pang bakanteng kuwarto.

Saglit kong tiningnan ang kabuoan ng kuwarto niya. Sobrang daming decorations, mostly related to music. Music is literally around me. Mayroon pang plaka ng album ni Elvis Presley. Pero hindi naman ako pakialamero kaya hanggang tingin na lang ako sa mga gamit ni Celeine. Hindi pa naman ako matutulog, nakahiga lang ako at nagpapahinga.

Naka-boxer shorts lang ako dahil wala na akong malinis na pajama. Hindi rin ako nagsuot ng pang-itaas dahil medyo mainit. Ayaw ko namang kapalan ang mukha ko at paandarin ang AC. Nakahiga ako habang nakapatong sa dalawa kong kamay ang ulo at nakatingin sa glow-in-the-dark decors sa kisame.

Bigla akong nagkumot nang bumukas ang pinto, sinusubukang itago ang hubad kong katawan. Hinihintay kong may pumasok pero tila walang tao. Natanaw ko na lang ang anino ni Cyruz, may dalang baso na tila gatas ang laman. Pero bakit pumunta pa siya rito?

"'Tabi ako sa 'yo," aniya habang dahan-dahan sa paglakad dahil baka matapon ang gatas na nasa baso.

Nakangiti lang ako habang papalapit siya sa akin. Nagsuot na ako ng sando habang naglalakad pa lang siya palapit. Inabot ko na ang gatas nang makalapit siya sa akin at inilagay sa lamesa. Agad naman siyang umakyat sa kama at tumabi sa akin. Parang nagustuhan yata akong kaibigan ng batang 'to. Hindi na humiwalay sa akin magmula kanina.

Nang makaakyat siya sa kama, agad niyang sinalat ang tiyan ko. "May abs ka rin?" wika niya nang masalat niya ito.

Napatawa ako nang bahagya at sinalat din ang tiyan niya. Tumawa siya at nakiliti nang gawin ko iyon. Pati pagtawa, cute. Lahat na ng nasa batang 'to, cute. Itinaas pa niya ang damit niya at ipinakita ang kaniyang tiyan.

"Alaki tiyan ko." Tumawa siya.

Nakipaglaro ako sa kaniya at iniangat pa siya sa ere. "Airplane!" sigaw niya.

Pagkatapos naming maglaro nang kaunti ay pinainom ko na siya ng gatas na dala niya. Nang maubos niya iyon, ako na ang naglabas ng baso at hinugasan ko na rin. Pagbalik ko ng kuwarto, niyaya ko na siya sa kuwarto niya. Tumayo naman siya at nagmadali pang lumapit at tumalon sa akin. Sinamahan ko na siyang mag-toothbrush, saka ko siya pinahiga. Matapos iyon, lumabas na ako ng kuwarto niya at kumaway siya sa akin na may kasama pang "good night." Nalibang na siya kaya hindi niya naalala na gusto niyang tumabi sa akin.

Pagbalik ko ng kuwarto, humiga na ako para matulog. Nakapatay na ang lamp nang bumukas na naman ang pinto.

Bumalik si Cyruz dala ang stuffed toy niya. "Dito nga ako atutulog," aniya habang naglalakad papunta sa kama. Agad siyang humiga sa tabi ko at yumakap pa sa akin. "Atutulog na 'ko," dagdag niya, saka pumikit dahil mapungay na ang mga mata niya.

Napangiti na lang ako at hinayaan na siyang matulog. Inaantok na rin ako kaya siguradong maya-maya ay makakatulog na rin ako. Ilang minuto pa akong nagmuni-muni hanggang sa tamaan na rin ako ng antok. Tulog na tulog na si Cyruz kaya kinumutan ko siya dahil naaalis ito sa kalikutan niyang matulog.

Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kisame bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko. You have a lot more things to accomplish, Kiel.

Continuă lectura

O să-ți placă și

2.6K 192 32
Zandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She w...
374K 1.7K 8
Zein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete fa...
Endless Pen [COMPLETED] De HadZ

Polițiste / Thriller

1.8K 94 29
PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~ Wicked Writers Series ~•~•~ Athanasia, a thriller writer, is known under the pen name "Infinite Ink,"...
13.2K 1.1K 53
Mortal Series 4: Kieran Pilantro Crimson cover not mine.