Despicable Men - The Doctor's...

Bởi Raffy_S

1.4K 116 20

All he wants was to see the world, but when he does, he wishes he shouldn't He was helped by his doctor but h... Xem Thêm

Author's Note
...
TDT - 1
TDT - 3
TDT - 4
TDT - 5

TDT - 2

142 18 1
Bởi Raffy_S

XIAN'S POV

Maaga akong ginising ni nanay dahil ngayong araw ang simula ng Medical mission dito sa lugar namin.

Balita ko ay ilang araw din sila dito, sabi ko naman kay nanay na sa ibang araw na lang kami pumunta dahil panigurado ay maraming tao ngayon nguniy ayaw  niya dahil mas maganda na daw ngayon, baka daw kasi magkaubusan ng gamot o kung ano mang kagamitan. Wala na akong nagawa kaya pumayag na lang ako

Si Liza ang nag-asikaso ng susuotin ko. Siya na daw ang bahala sa fashion ko.

Labag sa loob kong nagbihis…

Tumawag si Liza ng tricycle na sasakyan namin papuntang bayan

.
“Anak, samahan mo muna ang kuya mo dito ha, doon ako sa kabila pipila” Saad ni nanay

“Sige nay! Ako na bahala kay kuya” Sagot ni Liza

“At pakiusap lang Xian! Wag kang gagawa ng away ngayon. Lapitin ka pa naman ng gulo. Ikaw Liza! Bantayan mo yang kuya mong takaw gulo!” saad ni nanay

“Opo nay! Relax lang. ako na bahala kay kuya” Saad ni Liza

Matagal tagal din akong nakaupo dito sa pwesto ko bago ako alalayanan ni Liza na tumayo at paupuin sa susunod na bangko

Hindi ko alam kung gaano kami katagal dito bago ako ang mapunta sa pwesto kung saan tatanungin na ako.

“Anong nararamdaman mo iho?” tanong ng isang babaeng tinig

“Actually, wala naman po akong nararamdamang masama sa katawan ko po. Pumunta lamang po ako dito dahil gusto ng inay na ipacheck ang mata ko po” Saad ko

“Ay ganoon ba iho? Nako pasensiya na ha, wala kaming kagamitan para diyan. Pero teka, may tatawagin lang ako.” Saad  niya

“Doc! Doc! Doc Montereal” Tawag niya sa isang doctor

“Oh my gash kuya! Ampogi” Kilig na bulong ni Liza

“Yes nurse Gel? What’s the problem?” A manly voice asked. Base sa boses nito. Tama si Liza. Gwapo nga.

“This one asked for an eye check up pero wala po tayo noon dito ngayon, pero if im not mistaken ay may dadating po tayo dito one of these days right?” saad ng Nurse
“kailan pa ko naging doctor sa mata? and Yes. Pabalikin mo na lang sila sa mga susunod na araw” Saad ng boses ng doctor

“Kailan po kaya Doc?” Tanong ulit ng Nurse

“hindi ko alam nurse Gel. They can come back every day though, he looks like he have the whole day as free time” matabil na dilang saad ng doctor

“but Doc…”

“Nurse Gel. Maraming pasyente doon na iniwan ko para lang sa isang to? Kaya mo na naman sigurong ayusin yan no? We have patients there who needs help more than him. We have priorities, definitely not him. Just let him wait. Bakit ba kasi ako ang pinapunta dito. Madami pa kong trabaho. F*ck. Just tell him white lies. He’ll believe.” Inis na saad ng doctor akala niya siguro ay hindi ko siya maiintindihan

Bigla na lang akong tumayo

“Oh kuya? Anyare sayo?” takang tanong ni Liza

“Uwi na tayo” Saad ko saka humakbang pero pinigilan niya ako

“Pero hindi ka pa tapos sa check-up mo”  sagot ni Liza

“Hindi na kailangan. Besides, wala naman patutunguhan pala ang pagpunta ko dito. Kasinungalingan lang. You know what, I never thought I would meet such incompetent doctor like you” ito na nga sinasabi ko eh. Walang patutunguhan ang pagpunta namin dito. Madali pa naman akong mainis sa mga kagaya niya. lalo na sa mga sinungaling.

Kahit saang lugar talaga, hindi mawawalan ng discrimination kahit sa maliit na bagay man lang

“ha? Hindi kita naintindihan pero sige. Sabi mo eh. Pero kailangan pa rin natin hintayin si nanay” saad ni Liza

“Sige. Ialis mo na ko dito” saad ko pero bago pa kami makaalis ay nagsalita pa ulit ako

“Sobrang taas ng tingin ko sa mga doctor na kagaya mo. It is such a shame that there are doctors like you. If you can’t handle the situation, please lang, don’t try to fool your patients. We deserve to know the truth. How can we trust doctors like you if you can’t let us know simple truth. People’s lives is in your hands but you let pressure get the better of you. Why don’t you try to change your profession?” Saad ko saka niyaya si Liza na maglakad palayo

“Kuya, nang-aaway ka na naman ba? Inaaway mo ba kanina ung mga yon?” Takang tanong ni Liza

Good thing, hindi magaling mag English ang isang to.

“hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi pang-aaway yon” Saad ko

“Ay kapag pa naman ikaw ang nagsabi ng totoo, palaging paaway. Pero kuya, sobrang gwapo noong doctor kanina. Para siyang artista sa mga telenobela” Manghang saad niya

“Gwapo nga, masama naman ang ugali” Saad ko

“Ay paano mo nasabi? Teka? Iyon ba ung sinasabi niya kanina sa English na hindi ko maintindihan? Aba! Saglit! Susugurin ko” Saad ni Liza.

“wag na. hayaan mo na. mag-aalala lang si nanay. Saka sabi ko naman sa inyo. Wala akong mapapala dito.” Niyakad ako ni Liza sa hindi ko alam na lugar

“Dito ka umupo kuya” saad ni Liza at inalalayaan akong umupo sa isang batong upuan

“Nasaan tayo Liza?” Tanong ko sa kanya

“Nilayo na kita doon kuya sa mga nurse at doctor. Baka mang-away ka naman eh. Nandito tayo sa parke, malapit lang naman ito doon sa pwesto” Saad ni Liza

Hindi na ko sumagot

Tahimik ko na lamang pinakiramdaman ang paligid

Iniimagine kung anong itsura ng lugar na ito hanggang sa makabuo ako ng isang magandang senaryo sa aking isipan.

“Ay kuya! Ung mga kaklase ko!” saad ni Liza

“Oh? Anong gagawin ko? Tatmabling  ako o sasayaw?” sarkastiko kong saad

“Taray naman nito. Papaalam lang ako na puntahan ko lang saglit” saad niya

“Sige sige. Puntahan mo na baka umiyak ka pa” Pang-aasar ko

“Che! Wag kang aalis dito kuya ha, dito kita babalikan.” Paalala nito

“oo na. Sige na. Shoo! Shoo! Nang tumahimik ang paligid ko!” pagtataboy ko sa kanya

“Sige kuya” nrinig ko pa siyang tumakbo at tinawag ang mga kaklase niya

Sana hindi na lang talaga ako sumama. Mas gusto ko sa bahay dahil gamay ko ang bawat lugar doon. Dito kasi ay hindi ako basta basta makagalaw

True colors

You with the sad eyes
Don’t be discouraged, oh I realize
It’s hard to take courage
In a world full of people
You can lose sight of it all
The darkness inside you can make you feel so small

This song has been my favorite since then. Ito kasi ang kinakanta ni mama sa akin noong nabubuhay pa siya

How I wish she’s still here to sing me this song

Show me a smile then
Don’t be unhappy
Can’t remember when
I last saw you laughing
This world, makes you crazy
And you’ve taken all you can bear
Just call me up
‘cause I will always be there

Iniimagine ko sina mama at papa sa isip ko na nagmamasyal kami ng magkakasama kung saan saan gamit ang mga mukha nila sa aking mga ala-ala na unti unting lumalabo dahil sa paglipas ng panahon.

Nasa ganoong pagmumuni ako ng makarinig ako ng salita mula sa likod ko

“Nice voice” comes from a deep voice and I can still recognize that voice

“Share mo lang?” pagtataray ko sa kanya

“Taray mo naman” natatawang saad niya

“G*go ka naman” Balik ko

Kapal nitong kausapin ako after what he said

“Look! Im sorry for my words earlier. Is just that, Im exhausted already. Medyo nag init lang ang ulo ko” paghingi ng paumanhin nito

“It is not an excuse for you to fool your patients” Sagot ko

“I know, that’s why I’m here to apologize. I’m really sorry! I shouldn’t have said those words” He apologetically said

“ok. Apology accepted. May kailangan ka pa?” mataray na tanong ko

“Wala na naman” maiksing sagot niya

“Good. Makakaalis ka na” saad ko

I heard him chuckle

“Mind if I join you for a while. I asked for 20 minute break dahil medyo nahihilo na rin ako doon sa dami ng patients” Paliwanag niya
“Ok lang. hindi naman akin tong lugar” sagot ko

“By the way, Im Doctor Tristan Montereal” Saad niya

“oh ok? Nice name doc” Sagot ko. I heard him chuckle again

“thank you. How about you? What’s your name?” he asked

“Will I get any benefits if I tell you my name?” I said

“Maybe. You will have me” He said

“Pardon?” I asked

Medyo mahina kasi ang pagkakasabi niya kaya hindi ko sure kung tama baa ng pagkakarinig ko

“Wala nevermind. By the way, tinawagan ko na pala yung ophthalmologist, bukas ay nandito na rin yon” saad nito

“oh. Then good.” Sagot ko

“So you will be back tomorrow?” He asked

“I don’t know. Hindi na sigur…”

“Anong nangyayari dito kuya? Inaaway ka na naman ba ng gwapong doctor na yan? Ha? Kuya? Sabihin mo sakin, tatawagin ko ang barkada ko at ipapabugbog ko yan” sigaw ni Liza

“G*aga hindi” Saad ko pero hindi nakinig ang loka

“Hoy ikaw” tawag niya kay Doc

“Me? Why?” Tanong ni Doc

“oh my gash. English” bulong ni Liza na kinatawa ko ng mahina

“You! You payt me? I payt you! Im not takot.”
“Kuya anong English ng takot?” bulong niya

“Scared”

“Im not scared in you. You can’t stop me… kahit… kahit…” Tila naghahanap ng sasabihin pa
“kuya anong English ng manigas ka pa?” bulong niya

“freeze be with you” bulong ko pabalik

“you can’t stop me! Freeze be with you!”

Itutuloy…

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

233K 11.7K 91
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
58.6K 3.3K 72
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
253K 5.8K 57
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
213K 1.1K 196
Mature content