Probinsyana Series: BOOK 2...

By MERAALLEN

45.2K 1.8K 552

Lumipas ang pitong taon ng paninirahan ko sa ibang bansa ay babalik ako sa aking lupang sinilangan para bawii... More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
Kabanata XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
Kabanata XXVI
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
CHAPTER 36
Chapter 37
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
Untitled Part 44
Untitled Part 45

KABANATA 30

690 37 4
By MERAALLEN

Pagdating ko sa opisina galing sa Bella ay agad akong tumungo sa meeting room upang idiscuss ang napag usapan at napag kasunduan namin ng Bella.

"Nabawi ko ang kontrata natin sa Bella at gusto kong gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo upang mabawi natin ang tiwala nila," seryosong saad ko sa kanila.

"Narito na po ang presentation na hinihingi niyo Sir Lucio," sambit ni Marga sabay abot ng isang flash disk. , "Ayan po ang soft copy ng photoshoot natin sa product ng Bella at ipapakita ko naman po sa inyo thru presentation ang mga magaganda at pinasa naming litrato sa kanila."

Ipinakita ni Marga ang mga litrato na nakuha nila sa produkto ng Bella at masasabi kong wala namang problema dito ngunit ang nakakapag taka lang ay bakit hindi ito nagustuhan ng Bella.

"Bukas na bukas ay itutuloy na natin ang photoshoot sa Bella at gusto ko gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo para hindi na nila alisin ang kanilang investments sa atin. Hayaan niyo na muna ang ibang kompanya na umalis sa atin dahil hindi sila ang ating priority ngayon dahil mas malaking isda ang Bella kumpara sa kanila." paliwanag ko sa kanila.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hiniling ko na silang bumalik muli sa kanilang kanya-kanyang trabaho.

"Get back to work." utos ko sa kanila.

Madali akong lumabas sa silid upang tumungo sa opisina ko. Sinundan ako ni Emily at tinanong niya ako kung anong naging kasunduan namin ng Bella.

"Kamusta? Bakit ang bilis mong nabawi ang Bella?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Binaba ko yung dignidad ko at nilunok ko ang pride ko para bumalik sila sa atin," paliwanag ko sa kanya.

"Huh? Si Lucio na kilala ko na mayabang at hambog ay nag gaganito na ngayon?" gulat na tanong niya sa akin.

"Anong gagawin ko? Wala na tayong choice dahil sila ang pinaka maimpluwensyang fashion icon ngayon. Kakabalik ko palang Emily kaya gusto ko mabawi ang lahat ng nawala sa akin," seryosong sambit ko sa kanya.

"Asan ka ba kanina at bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tanong niya muli sa akin.

"Bumalik na ang alaala ko simula nung nag past out ako pagkatapos ng kasiyahan natin. Bumalik na ang alaalang nawala sa akin at mas lalo akong nabuhayan ng loob ngayon dahil hindi si Gianna ang nasunog sa resort makalipas ang walong taon," sambit ko sa kanya.

"Congrats! Sana tuloy-tuloy ng makarecover ka dahil may pag asa pa na magkita kayo muli ni Gianna dahil hindi siya patay ngunit kung buhay pa siya bakit hindi siya nag papakita sayo?" tanong niya sa akin.

"Yan din ang hindi ko alam kaya ipapahanap ko siya sa pinaka magalit na detective na kilala ko dahil gustong-gusto kong malaman kung bakit ako iniwan ni Gianna ng ganun-ganun lang," sambit ko sa kanya.

"May dahilan kung bakit siya nawala ng parang bula. Bakit hindi mo subukang kontakin muli ang kanyang magulang baka sakaling may alam sila kung nasaan si Gianna?" tanong ni Emily sa akin.

"Magandang idea 'yan pagkatapos ng problema natin sa Bella ay pupunta ako sa bahay nila Gianna sa probinsya para makausap ko ang mga magulang nila," sambit ko.

"Tama 'yan dahil gustong-gusto ko ng makita na buo ang pamilya mo." nakangiting sambit niya sa akin.

Ngumiti ako kay Emily at umupo ako sa upuan ko para mag pahinga.

"Sige na bumalik kana sa pwesto mo at gusto ko munang mag pahinga," utos ko sa kanya.

"Sige." tugon niya sa akin.

Isinandal ko ang katawan ko sa upuan at habang nakasandal ako ay may nakita akong envelope sa gilid ng la-mesa ko kaya agad ko itong kinuha at binuksan. Pagbukas na pagbukas ko dito ay nakita ko ang aming kontrata ni Gianna at ang aming marriage contract na pinadala ni Henry sa amin.

Pangiti-ngiti akong binasa ito ng bigla kong naalala ang mga sinabi ko kay Emily kani-kanilang lang. 

Tinawagan ko si Marco upang humingi ng tulong sa kanya sa pag hahanap kay Gianna. Nag ring ang kanyang cellphone at ilang sandali lang ay sinagot na niya ito agad.

"Ooh? Lucio? Kamusta?" tanong niya agad sa akin.

"Tulungan mo akong hanapin si Gianna. Gusto ko ng makita ang asawa ko," pakiusap ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala dahil bago ko palang ikinuwento sayo ang nangyari kay Gianna ay pinapa trace ko na siya dahil alam kong matutuwa ka kapag nalaman natin na buhay talaga si Gianna," masayang sambit niya sa akin.

"Salamat Marco! Mabuti nalang na nandyan ka kung hindi. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nauubusan na ako ng pag-asa na makita siya," malungkot na sambit ko sa kanya.

"Stay put ka lang diyan! Makikita mo din ang asawa mo Lucio. Tsaka pala gusto mo bang ma-meet ang girlfriend ko? Madami kang malalaman na impormasyon sa kanya kay Gianna," sambit niya sa akin.

"Sige magkita tayo mamaya pagkatapos ng trabaho ko dito," sambit ko sa kanya.

"Sige. Susunduin ko nalang siya at magkita nalang tayo sa mall para doon natin pag-usapan 'to," tugon niya sa akin.

"Sige aasahan ko 'yan." masayang tugon ko sa kanya.

Ibinaba ko na ang tawag ko sa kanya at binuksan ko ang laptop ko upang aralin ang presentation na ginawa ni Marga kanina. 

Pailing-iling akong tinitingnan ang mga litrato na pinadala niya sa akin na kuha nila mismo sa Bella.

"Maganda naman at kalidad ang mga litrato na ito pero bakit hindi nagustuhan ng Bella?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko lang ito ng tiningnan ng bigla may tumawag sa akin.

Sinagot ko agad ang tawag sa cellphone ko at tinanong kung sino ito dahil unknown number ito.

"Hello?" tanong ko sa kanya.

"Hello Mr. Iglesias!" bati niya sa akin.

"Sino po ito?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na ito na ang huling pagkakataon niyo para ayusin ang kapalpakan ng kumpanya mo. Bukas na bukas kailangan ayos na ang lahat para sa bago naming produkto at may mga mangilan-ngilan kaming kaibigan na dadalhin diyan para makisaya sa ating photoshoot bukas. Kung ano ito o sino? Bukas mo nalang malalaman," seryosong sambit niya sa akin.

"Si-ge." putol na tugon ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pinaplano ng Bella sa kumpanya ko pero kahit ano pa ito ay kakayanin namin ang kanilang pagsubok sa amin para lang sa matagal ko ng iningatan na kumpanya ko.

Pagkatapos ng isang tawag sa akin ng Bella ay tumunog muli ang cellphone ko at sa pagtingin ko dito ay may iniwang mensahe sa akin si Marco.

"Century Mall 5:00 pm." text niya sa akin.

Tumingin ako sa relo ko sa dingding at nakita kong may dalawang oras pa para mag alas singko kaya lumabas ako sa opisina ko at pumunta ako sa production team.

Pagkababa na pagkababa ko palang ng elevator ay tumambad na agad sa akin ang mainit na klima dito sa baba kaya agad kong tinawag si Marga at tinanong.

"Ganito ba talaga kainit dito?" iritableng tanong ko sa kanya.

"Opo Sir Lucio. Mainit po talaga dito dahil wala po kaming aircon," malungkot na tugon niya sa akin.

"Ok hintayin mo at ipapa-installan ko ng aircon dito ngayon din," tugon ko sa kanya.

"Huh? Maraming salamat po Sir Lucio!" masayang sambit niya sa akin.

Lumakad ako papunta sa photoshoot area at nakita ko ang mga nag gagandanhang mga model namin doon.

"Gusto ko 'yung mga model mo ayusan niyo ng maayos bukas dahil may bagong produktong ipapagamit ang Bella sa atin," utos ko kay Marga.

"Sige po Sir Lucio," tugon niya sa akin.

"Asan ang mga make up artist niyo dito?" tanong ko sa kanya.

"Teka po at tatawagin ko lang." tugon niya sa akin.

Umalis sa harap ko si Marga at tumungo siya sa bandang gilid upang tawagin ang make up artist namin.

"Dalawa lang?" tanong ko sa kanya.

"Opo Sir Lucio nag bawas po tayo ng mga empleyado nung nakaraan kasi po ano," tugon niya sa akin.

"Ano? Na bankrupt ganun? Mag hire ka ng tatlong artist ngayong araw gusto ko magagaling para sa kinabukasang photoshoot natin," utos ko sa kanya.

"Masusunod po." tugon niya sa akin.

Umalis ako sa harapan niya at naglakad-lakad ako sa paligid ng makita kong ok na ang lahat ay umalis na ako agad sa production department dahil sa mainit na klima dito.

Pawis na pawis akong pumasok sa elevator at agad ko itong sinara ngunit sa pindot ko dito ay bigla muli itong bumukas at pumasok ang isang pamilyar na babae.

Ngumiti siya sa akin at napatingin ako sa kanya ng matalim.

"Dimple! Remember?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Aaah... Oo! Bakit?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Kamusta ka? Bakit hindi mo na ako tinatawagan?" tanong niya muli sa akin.

Napapa iling lang ako sa kanya at napapaisip kung anong sinasabi niya.

"Bakit naman kita tatawagan?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba?" tanong niya sa akin.

"Ang alin?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Yung ginawa nating dalawa?" nakangiting sambit niya sa akin.

"Anong ginawa nating dalawa?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sa kotse mo! Hinalikan mo ako at inaya mo akong maging babae mo pero hindi ako pumayag nun kasi asawa ka ng bestfriend ko pero ngayon handa na akong papasukin ka sa buhay ko Lucio," sambit niya sa akin sabay lapit sa akin.

"Wag!" sigaw ko sa kanya sabay hawi sa kanya. , "If may nagawa man akong kakaiba sayo kalimutan mong lahat 'yun dahil si Gianna lang ang mahal ko," sambit ko sa kanya.

"Hindi mo mahal si Gianna Lucio dahil simula't sapul ay ginamit mo lang siya para mapabalik si Celine sa buhay mo," mataray na sambit niya sa akin.

"Nagkakamali ka diyan Dimple. Sige na bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sa kanya sabay alis.

Bumaba ako sa parking area upang sumakay sa kotse ko ngunit sumunod si Dimple sa akin sa parking area at hinila ako sa gilid upang pag hahalikan sa aking labi.

Pinilit ko siyang hawiin papalayo sa akin ay pabalik-balik pa rin siya sa akin. Habang nagkakaroon kami ng iringan ni Dimple ay dumating si Celine at pinag sasampal niya sa pisngi si Dimple. Pinigilan ko agad si Celine sa ginagawa niya kay Dimple dahil kailangan ko si Dimple kinabukasan.

"Anong ginagawa mo Celine?" galit na tanong ko sa kanya.

"Napakalanding babae kasi nitong si Dimple at talagang tinatalo mo pa ako?" galit na tanong niya kay Dimple.

"Wala namang kayo Celine kaya pwedeng maging kaming dalawa!" sigaw ni Dimple sa kanya.

"Tumigil kayong dalawa! Walang sinuman sa inyo ang makakapalit sa puso ko kay Gianna!" sigaw ko sa kanila.

"Gianna na naman?" galit na tanong ni Celine sa akin. , "Patay na si Gianna! Bakit hindi mo nalang patahimikin ang kaluluwa niya!" sigaw niya sa akin.

"Hindi pa patay si Gianna! at papatunayan ko ito sa inyong lahat!" galit na sigaw ko sa kanya.

Madali akong umalis sa harap nilang dalawa at sumakay ako sa kotse ko. Binuksan ko ang engine nito at pinaandar ko papalayo sa kanilang dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.6K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
28.4K 513 49
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
370K 11.3K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
71.6K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...