BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

AshQian tarafından

75K 3.6K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... Daha Fazla

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 4 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 1 - Ikalawang Yugto

2.1K 115 3
AshQian tarafından

Babaeng manipis ang suot na puting long shirt, kita ang panty at walang bra ang nadatnan ni Aya na kasama ni Javier sa kusina habang nagluluto ang lalaki. Si Xiellou, ayon sa pagkatatanda niyang pangalan nito. Nag-atubili na siyang pumasok nang tumayo ito at niyakap si Javier mula sa likod habang abala sa pagsangag ng fried rice ang lalaki.

"Ang bango!" malandi nitong sabi at pasimpleng sumulyap sa kanya.

Lumikot ang utak niya nang marinig iyon. Pumihit siya paalis. Mabango? Connotative meaning. Hindi ang pagkain ang tinutukoy ni Xiellou kundi si Javier. Nahinto na naman siya sa pamilyar na paghigpit ng kanyang puso. Kagabi, napagod siya sa kabibigay ng kahulugan sa nakakainis na damdaming iyon.

She tried so hard to justify her emotion that it's normal to feel this way because she is Aki's mother. Na natural lang sa kanya ang mainis. Nagmistula siyang palaman sa gitna ng kasinungalingan at katotohanan. She is afraid hatred would again loomed her heart. Bakit ba kasi dumating pa ito? Sana ipinaubaya na lang nito sa kanya si Aki. Pwede naman itong mag-anak ng kahit ilan pa sa babaeng gusto nitong makasama habang-buhay.

"Mama?"

Pumitlag siya nang marinig ang maliit na boses ng anak. Mabilis niyang dinaluhan ang bata na kagigising lamang. Nagkukusot ito ng mga mata at humikab.

"Good morning, baby boy!" masigla niyang bati at hinagkan ng matunog ang nanunulis nitong nguso.

"Good morning, Mama. Where is Papa Jav?" Naglibot sa buong kuwarto ang paningin nito.

"He's in the kitchen, cooking for your breakfast." Ngumiti siya ng matamis.

Naaaliw na tumitig sa kanya ang anak. "Papa is a good cook, unlike you Mama, you don't know how to cook. When you made me scrambled egg, and hot dog, you burn them all."

Magiliw siyang umirap at pinisil ang ilong nito. "Mama will learn to cook, you'll see."

Tawang-tawa ito at kumunot ang bridge ng ilong na parang ayaw maniwala.

"Why don't you ask Papa to teach you?" Nagsasalita ito habang humihikab at nagkamot ng ulo. Lumalaki pa ang butas ng ilong.

"Perhaps, I will."

Sinuklay muna niya ang malambot at mahaba nitong buhok. Hinayaan na lang munang nakabagsak ng malaya sa mga balikat nito. Inayos niya ang suot nitong pajamas. Magkahawak-kamay silang lumabas ng silid habang lihim niyang ipinapanalangin na hindi nila dadatnang nakapulupot kay Javier ang babaeng bisita. Ayaw niyang makita ni Aki ang ama na nilalandi ng iba. Tiyak magtatanong ang bata.

Natanaw niyang lumabas ng kitchen si Javier. Tingin niya ay pupuntahan sila nito. Kumawala agad ang pamatay nitong ngiti na lulusawin ang katinuan ng girls.

"Morning, Papa's boy!" Malalaki ang mga hakbang nito at sabik na kinarga si Aki. Hinagkan sa noo. "And you, Papa's girl," isang damping halik ang kumiliti sa pisngi niya.

Hindi niya iyon napaghandaan. Mistula tuloy siyang kandelang itinulos sa sahig na unti-unting tinutunaw ng sariling init. Pati sikmura niya ay tumatahip at nagkakagulo ang kanyang bituka.

"I'm done setting the meal just right on time," pagmamalaki nitong sumampay sa marupok niyang balikat ang isang braso at inakay siya patungong kusina habang karga nito ang anak nilang abot-tainga ang ngiti. Pumalakpak pa sa kasiyahan ang bata.

Tipid siyang ngumiti at nagpatangay na lang sa kanyang mag-ama. Kanyang mag-ama? Pag-aari na ba niya si Javier para angkinin niya? Pero ang anak niya, mula nang dumating ang binata, laging umaapaw ang ligayang nakikita niya sa mga mata ni Aki. Ibang-iba noong dumadalaw ito sa kanya sa kulungan. Kahit hindi ito malungkutin ngunit may kulang sa saya na nasa mukha nito. Ngayon ay nabura na ang kakulangang iyon.

***
Malutong ang halakhak ni Javier habang naglalakad para ihatid pauwi ang mag-ina. Nakasampa sa mga balikat niya si Aki.

"By the way, I'm sorry about last night." Sinulyapan niya si Aya na  kaagapay niyang naglalakad. "I've been insensitive, and almost forgot how you might got a trauma from whay happened seven years ago."

Yumuko ito. "O-okay lang iyon, natauhan ka naman. You're forgiven."

He's been a big dork last night. Hindi na niya inisip ang takot at sakit na dinanas ni Aya noon. They don't have Aki under normal circumstances. Kahit salat sa detalye ngunit alam niyang hindi consentual ang nangyari sa kanila ng dalaga. Tapos kagabi ay muntik nang maulit.

"And I understand that I am far from the type of your ideal woman. I am the opposite, dagdag nito.

"Roanne, is that your first name?" he asked discarding the statement she is trying to make sense. "I'd like that name to be exclusive for me, and Aki. Something that linked the three of us."

Nanlaki ang mga mata nitong tumitig sa kanya. He is lusting for her, and it is annoying to fend himself off from taking her to his bed. But he is the mother of his son, not just a random girl he knew by accident. She is special to Aki, from that area alone, she is worthy of his respect despite her past. Marahil masama ito sa paningin ng iba. Ngunit dinala nito ng siyam na buwan sa sinapupunan ang anak nila. Iningatan at inalagaan. Binigyan ng disenteng buhay na makakaya nitong ibigay kahit nasa loob ito ng kulungan at walang kalayaan. Naging isa itong mabuting ina sa batang nabuo lamang sa pagkakamali.

Hinawakan niya ang kamay nito at napangiti nang kumapit ito pabalik, hanggang sa sapitin nila ang bahay.

"Cops?" nagtatakang tanong niya nang matanaw sa bakuran ang tatlong police kausap si Rowena. Bakas sa anyo ng babae ang ligalig habang may ipinapaliwanag ang mga opisyal ng polisya.

"Aya!" Lalo itong nabaghan nang makita silang pumasok ng gate.

Ibinaba niya si Aki at ibinigay kay Aya. "Get inside the house, I will talk to them," he instructed.

"Auntie, dalhin n'yo sa loob si Aki."

Napailing siya. Matigas ang ulo ng babaeng ito. Hindi na siya kumontra at hinatid na lang ng tingin sina Rowena at Aki na pumasok ng bahay. Nilapitan nila ni Aya ang mga police na bumati sa kanila.

"Magandang umaga, Ms. Mercado, Sir!"

"Good morning," ganting-bati ni Aya.

"Good morning, Officers. Architect Javier Sepulbidda, " nagpakilala siya. "What for is this visit?"

"Gusto po sana naming imbitahan sa presinto si Ms. Mercado para sa iilang katanungan."

"Tungkol saan?" Hinawi niya papunta sa kanyang likod ang dalaga.

"Umalis po ba siya kagabi, Architect?" tanong ng may katabaan at may edad na.

"No, she is with me last night in my house."

"May nahuli po kasing miyembro ng drug trafficking at umamin na si Aya Mercado ang isa sa mga supplier nila."

Suminghap ang dalaga. Isa sa mga kasong isinampa laban dito noon ang tungkol sa ipinagbabawal na gamot. Nine-eleven, non-bailable. Ngayon ay under probation pa ito. Kapag nasangkot itong muli sa issue ng drugs, automatic itong itatapon pabalik ng kulungan. Wala nang due process pa.

"Is this coordinated with the Correctional?"

"Yes, Sir. In fact, sila ang nagbigay sa amin ng detalye tungkol kay Ms. Mercado."

Tumango siya. Nagtagis ng bagang. "We will comply, Officers. Ako mismo ang magdadala sa kanya bukas sa himpilan ng polisya. But only after we secure some documents to prove her innocence."

"But why is there need to prove?" sikmat nitong namumutla. "Inosente ako, hindi naman ako umalis kagabi!" Giit nito. Maaring hindi nito naintindihan ang sitwasyong kinasasadlakan.

Hinawakan niya ito sa braso. "Let me handle this."

"Sige, Architect. Aasahan namin kayo bukas."

Pagkaalis ng mga police ay gigil siyang  sinita ni Aya.

"Hindi ako iyon! Baka may nagbintang lang o kaya ay magkapangalan kami!"

"That's the point. Ikaw ang hinabol dahil pangalan mo ang ikinanta ng suspek.

"Anong gagawin ko?" tulirong bulalas nito.

"Change your name. Pupunta tayo ng Correctional. We will provide your documents to change your records. You will be using Roanne Mercado from now on."

"Pero sabi mo kanina para sa ating tatlo lang iyon."

"Yeah, but if that name will save you from the issue, I'll gladly share it to the society. Maghanda ka na, kukunin ko lang ang sasakyan." Pinalo niya ng mahina ang bilog nitong puwit na ang  sarap pagmasdan ng hulma sa mahigpit nitong pantalon.

Lintek! Hanggang kailan niya makakayang kadenahan ang libog niya?

He rushed back to his house, got a change of attire, and drove with his car back to Aya's. He is positive the problem was just the name. Babaguhin nila lahat ng record ng dalaga. The name Aya must be some of her friends' preference. It was not official on the registry.

They took the domestic flight to Manila in just eight minutes. Pagdating doon ay kumuha sila ng Live Birth ng dalaga sa PSA. He called his legal council for additional advice too, and preparation of supporting documents. Huli nilang pinuntahan ang Correctional. 

"For now we can only provide a Certification to confirm that you are not the person the suspect is pointing to in his affidavit, Ms. Mercado," pahayag ng Jail Warden sa discussion nila sa loob ng opisina. "The cancellation of the name Aya from your records will take time. Mga isang linggo ang buong proseso. Huwag kang mag-alala, tatawagan namin ang police station doon sa inyo."

"This is so much appreciated, Madam Chief." Nakipagkamay si Javier sa babaeng warden.

"Hindi ko na matandaan kung kailan nag-surface ang pangalang Aya. Noong nag-aaral pa ako? Madalas nila akong gawing bida sa school play at maganda raw 'yong name na Aya," nagkuwento ito habang kumakain sila sa isang Japanese restaurant pagkagaling nila ng Correctional.

"I like the name Roanne."

"Dahil may Anne sa hulihan? Hindi ka pa rin naka-move on kay Anne Marie," paratang nitong inirapan siya.

"Moving on is a choice. There are things I prefer not to get over with even if that happened to be a mistake."

They've spent the whole day together. Palubog na ang araw nang humabol sila ng flight pabalik ng Martirez. Nasa labas ng bahay si Rowena kasama ang bata at nag-aabang sa kanila.

"Papa, Mama!"

May suntok sa puso niya tuwing naririnig ang anak na masaya siyang tinatawag sa titulo niya bilang ama nito.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

129K 5.4K 58
On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung a...
346K 5.5K 22
(Completed & Unedited) Miguel Tudao a hot damn professor! She fall inlove with him for the first time. How Kimberlyn Lyndon seduce this hot one? Find...
240K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
274K 6.3K 44
She started the fire. They both played with it. What if one day, this fire will stop burning? Will they be able to ignite it once more? How? ©All Rig...