The Eclipse ( Completed )

De francinee04

2.8K 641 466

Eclipse- Eclipse nga ba ang dahilan sa pagkawala at pagkamatay ng anak nila? Matatanggap kaya agad nila ang s... Mai multe

Announcement
Chapter 01:
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 010
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
epilouge

Chapter 02:

247 55 87
De francinee04

2










Habang naglalakad ang mag-ina, ay may kakaibang nararamdaman ang bata. Busy ang Naynay nito kaya hindi napansin. Nag-lalako lang sila ng paninda, Hanggang sa may bumiling matanda. May katandaan na ito kaya't mahina ang pandinig. 

At ito mismo ang nakakita sa bata. 

" Ito ba ay iyong anak? mukhang masama ata ang pakiramdam. Base pa lang sa kinikilos nito. " saad nito. Kung kaya't nataranta ang babae. 

" Anak ayos ka lang ba? may masakit ba sayo? sabihin mo kay nay-nay " 

" Yung likod kopo naynay. Napapaso po ako! " 

Saad ng bata. Kung kaya't nagitla ang babae. Tinignan naman nya ito pero wala naman. Kung kaya't mas lalong nagtaka ang babae. 

" Anak yun ba ang nararamdaman mo? " hindi naman matirik ang araw. Nagsalita naman ang matanda at nag tanong. 

" Iha kelan mo sya pinanganak? at anong oras? " 

" Pebrero 4 1997, bakit po? " Nagitla naman ang matanda sa petsa. Petsa yun nung lumabas ang Eclipse. " Patingin nga likod ng bata? " saad nito. 

Pinakita naman nito ang likod pero nagtaka naman ang matanda. Binuklat nito ang ibabang parte at parehas silang nagitla. 

Napapaso ang bata, sa kung saan ang nandun. Ang balat nito ang dahilan, bigla itong nangulay pula. Sa sobrang pula tinakpan ito agad. At nagbigay payo ang matanda. 

" Hindi dapat sya nagtatagal sa labas, lalo na't pinanganak mo pala sya nung lumabas ang Eclipse. " 

" G-ganon poba? Ano po dapat kong gawin? " 

" Iuwi mona sya. Baka may makakita pa sakanya. " 

" Sige po, maraming salamat po! " 

Agad naman umuwi ang mag ina. Ginawa naman ng babae ang lahat ngunit, inapoy ng lagnat ang bata. Walang magawa ang babae, niyapos na lamang nya ito. Magdamag nya itong inalagaan. 

Samantala sa Palasyo, Hindi naman malungkot ang Reyna. Ngunit may iniinda naman itong sakit. Sakit na hindi malaman ang dahilan. Bigla kase itong natumba at inapoy ng lagnat. At habang tulog ang Reyna, Napaginipan nito ang sariling anak! Kung kaya't ng magising at niyakap nito ang asawa. 

" Mahal, napaginipan ko sya, Napaginipan ko si Valentine! " Reyna 

" Mahal panaginip lang yun. Namiss ka lang ng anak natin diba?! kaya mo sya napaginipan dahil miss kana nya. " Hari. 

" Pero mahal may pinapahiwatig sya sakin. Gusto nya akong puntahan at umiyak sa bisig ko. Diko alam pero May iniinda syang sakit! " Reyna. 

" Hindi bale mahal, kung ano man iyon ay gagawin natin ah? " saad ng Hari kaya napatango sakanya ang asawa. Pero umiyak naman ito sa bisig ng hari. Magpahanggang ngayon ay masakit parin sa Reyna. Parang nasa kahapon pa rin sila ng insidente. 

' Nasan na ang mang- gagamot? ' gustong sabihin ng Hari, ngunit ay wala ito sa palasyo. May pinapagaling na bata. Anak ni Beatrice dating alalay ni Queen Olivia. 

Mahigit ilang oras silang naghintay para sa Reyna. Kaya't nang makadating naman ang mang-gagamot, ay inayos na nito ang Reyna. Magpahanggang ngayon ay wala sa sarili ang Reyna. 

Iniisip at inaalala nito ang anak. At yung mga sandaling nasa bisig pa lang nya ito. Masakit ito sa sakanya dahil kahit ilang taon ang lumipas. Tandang tanda nito, kung paano mawala ang anak. ' masakit ito sa para sa isang ina ' saad naman nito sa sarili. 

" Kamusta ang asawa ko? Bakit nahimatay ito? " Pag alala na tanong ng Hari. 

" Wag kana mag-alala ayos na sya. Siguro ay ramdam nito ang anak nyo. " 

" Ha? At paano naman mangyayare yun? " 

" Ina rin ako mahal na hari kaya't alam ko ang pakiramdam, Isa pa hindi ba magkakaganyan ang mahal na Reyna? Kung hindi buhay ang anak nyo? " 

" Ang ibig sabihin mo ay malaking posibilidad, na buhay pa ang anak namin? " 

" Oo! Dahil diba mahal na Hari, wala tayong nakita maski isa na sanggol sa kagubatan. " 

At dahil duon ay nabuhayan ng loob ang Hari na makikita at makakasama nila ang anak. Tinignan na lang nya ang asawa na nakatulala sa labas ng balkonahe. 

Samantala sa bahay ng mag-ina, aligagang aligaga ang babae dahil hanggang ngayon ay nilalagnat pa rin ang bata. Hindi mapakali ang ina nito kaya't napaiyak na lang ito. ' Paano nangyare ang bagay nato sa anak ko? ' saad ng babae sa isip. 

Tinignan nito ang bata. Mahimhing itong natutulog. Hinalikan nito sa noo ang bata at umiiyak nanaman. 

" Sana ayos kana anak! Hindi kita kayang nakikita na nasasaktan. " Bigkas nito sa sarili. 

At saktong nagising naman ang bata. " Naynay? " bigkas nito. Nakita naman ito ng babae kaya hinalikan nya ang bata sa noo. " Anak! Anak kamusta pakiramdam mo? mainit parin ba ang balat mo? Sabihin mo kay naynay. " pag alalang saad nito. 

" Naynay ayos na po ako! wala napo masakit sakin. " saad nito at umupo naman sa kama. 

" Anak wag ka muna tumayo. Nilalagnat kapa! " 

" Po? Wala naman po akong nararamdaman? Naynay naman eh! " napatigil naman ang babae. 

Natulala ito sa sinabi ng anak. Tumingin ito sa anak na nagtataka. 

" Anak sigurado ka? Wala kang nararamdaman? " 

" Opo! Malakas napo ako?! tignan nyo po! " saad ng bata kaya natawa ang ginang dito. Ginulo nito ang buhok ng bata. 

Kaya't niyapos sya ng bata. " i love you po Naynay! " 

" i love you too anak! Nandito lang lagi si Naynay. " 

pero nagitla naman ito sa sinabi ng bata. 

" Tara na po Naynay! Lako napo ulit tayo! " 

"Nako anak hindi pwede, nagkasakit ka kaya?! " 

"Ganon poba? ay nay! alam moba napaginipan kita?! Ang ganda-ganda mo sa panaginip ko, naka gown daw po kayo at nakamake-up. Umiiyak nga po ako dahil sa sakit. Pero hindi naman po ako makapunta sainyo. " 

" Kaya ba nag iloveyou ka sakin? " ngiting saad nito. 

" Oo naman po! Kase naman po, love kopo kayo. " ngumiti muna ang ina sabay ginulo ulit ang buhok. Tumayo ito at naghabilin sa bata. 

" Love naman din kita! Pero anak, simula ngayon dika muna lalabas ha? aalagaan ka muna ni Naynay. Okay ba yun sayo? " 

" Oo naman po! Basta kayo lang po naynay?! " masiglang sabi ng bata. 

At simula nun hindi na nya pinalabas ang bata kahit kailan. Labis pamandin ng bata na maglaro. Ngunit hindi nya talaga pinayagan ang bata. Hindi malabis ng bata kung bakit hindi sya pinapayagan. At simula naman malaman ng Reyna ay umasa narin ito. At sa tuwing kaarawan ng anak. Lahat ng bata ay nasa palasyo. At umaasa sila na sana isa na dito ang anak nila.

~~~ ( ??'s POV ) year of 2021

Nasan ba ako? 

Bakit ako nag iisa? pero hindi naman eh! hindi naman ako saktong nag-iisa. Kasama ko Naynay ko! Nag aaral ako at dalaga na din. Ninanamnam ko lang ang mga sandali, sa pamamagitan ng pagtitig sa kalawakan. Nag iisa lang akong anak kaya medyo strikto si Naynay. Nakapalumbaba lang ako, pinag mamasdan ang dagat. Ang magandang dagat lalo na ang tubig nito. Tinititigan ko lang ito magmula sa classroom namin. 

Sa classroom namin ako, nakapalumbaba habang nakatitig sa kalawakan. Wala nang tao dito at sa buong skwelahan. Ako na lang! Oo, mag isa. May pamilya at kaibigan ako, but i'm into alone, i love to be alone. Nothing more, nothing less. Kinuha kona ang bag ko at umuwi. Lagi naman akong ganto eh! umuuwi ako lagi mag-isa. 

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa pamilihan. Baka wala na kameng putahe. Bumili na lang ako ng mga kakailanganin namin. Kaya't minabuti kong umuwi na. Pag uwi ko naman ay wala pa si Naynay. ' mukhang nag lalako nanaman si Naynay ' saad ko sa sarili. Naawa ako kay Naynay, lagi na lang syang pagod. Gustong gusto ko na syang tulungan, pero ayaw nya eh! pinatong kona lang muna ang mga pagkain at nag-bihis sa taas. 

" Ano naman kaya pwede namin kainin? " nasambit kona lang. Napangiti na lang ako ng may sumagit, sa isip ko. Pag luluto kona si Naynay! 

At hindi pwedeng hindi! Nag simula na akong maggayat at niluto ang mga sangkap. At nang matapos ay naghain ako. Paniguradong masarap ito kay Naynay. Paborito nun ang mga luto ko! pero bakit natatagalan si Naynay sa paglalako? 

" Ahh! Baka nasa palasyo si Naynay?! Dibale hintayin kona lang sya. " nasambit kona lang ulit. 

umupo na lang ako at inintay si Naynay. Napapanguso na rin ako sa tagal. Mukhang napapasarap naman si Naynay sa palasyo. Kung sabagay lagi syang nandun, diko naman din masisisi Naynay ko. Dahil dati na syang tagasilbi ni Queen Olivia. 

Oo nga pala, nasambit kona ba sainyo na nahanap na ang anak nila? It's a miracle, masaya ang lahat na buhay ito at walang galos. Katulad ngayon dumating si Naynay kasama si Queen Olivia at Prinsesa Valentine. Nagitla ako dun at nagbigay pugay naman agad. 

" Oh anak nandyan kana pala, kasama ko nga pala ang Reyna at ang Prinsesa. " 

" Opo nandito po ako at hinihintay kopo kayo. Magandang hapon po Mahal na Reyna, Prinsesa! " at tumungo ako dito. 

" Tuloy po kayo sa aming tahanan. " 

" Kumain narin po kayo nagluto po ako at masarap naman po iyon. " saad ko at ngumiti. Ngumiti sakin ang Prinsesa at tinikman iyon. Mukhang nasarapan ito at tumingin pa sakin. 

" Ansarap mo pala magluto? Minsan punta ka sa palasyo. Turuan moko kung paano ito gawin hehe " mabait ang prinsesa kaya't maraming nahuhumaling dito. Marami nga ba? dahil mapababae o lalake gusto syang kaibiganin. 

Ilan naman sa mga kalalakihan ay gusto itong angkinin. Ha? Mga bastos naman ang mga iyon eh! 

" Kung maari naman po Prinsesa, ngunit abala papo ako sa mga takdang aralin. " 

" Sige na punta kana, gusto nga kitang kaibiganin eh! Sa dami ng gustong kaibiganin ako. Ikaw lang gusto ko! " 

" Po? S-sige ho! " wala naman ako magagawa dahil prinsesa sya eh. Lagi nya rin yun nasasambit, kaya't minsan nasa palasyo ako. Nasa palasyo nga pero naboboring ako. 

Ganun ako eh, that's my life. Everything was boring to me. Naka tungo lang ako kaya hindi nya pansin na ngumiti ako.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.1K 314 25
[Vantrian Tales : On-going] Vantria is a place of fantasy and mystery. Almost every land has its own story or tale to tell. Jaia McCaffrey, a lady f...
5.7K 319 37
Shiela, is a girl who isolated herself from the other people or the world because of the trauma. Shiela has a boyfriend but later she found out that...
3.2K 288 47
𝗠𝗢𝗢𝗡 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗜 Magic Starts at 11:59 PM 🌙 Have you been neglected? Have you felt like you don't belong anywhere? Do you like doing the...
5.5K 213 19
(Fourth book of Majestic Series) Caitlin Paige Wilson, manipulator of the four main elements. A girl who enjoys her popularity and her position of be...