Prison City

By Samixx7

64 5 0

Is a Place where... Serial killers,psycho,evildowers and demon were imprisoned. And death is just an option. More

INTRODUCTION
Prologue
Chapter 1
Some Characters' Picture
Chapter 3
CHAPTER 4

Chapter 2

4 0 0
By Samixx7

Chapter two:

Keerah's P.O.V

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang babaeng mahimbing na natutulog ngayon sa kanyang higaan.

Isa't kalahating oras na itong natutulog magmula nang dalhin ito ni Kuya Nolan sa aming kwarto.

"Ang ganda niya, hindi ba?" Mabilis akong napalingon sa gawi ni Fumi nang bigla itong magsalita.

"Oo nga ehh. She reminds me of someone. Parang nakita ko na sya." Pagsasabi ko ng totoo at muling pinasadahan ng tingin ang babae.

Hindi ko maiwasang magtaka. Para talagang nakita ko na s'ya.

Parang may kamukha sya...

Hindi ko lang mawari kung sino.

"I think, She belong to Versailles family" napahinto ako sa pagiisip at tila nabato sa napagtanto.

Kapwa kami napatingin ni Fumi sa isa't isa at tila tinakasan ng dugo dahil sa sinabi ni Thana.

Bahagya pa itong nakapikit habang nakapatong ang ulo sa dalawang kamay.

"O-oo nga! K-kamukhang kamukha nya nga s-" hindi na napagpatuloy pa ni Fumi ang gustong sabihin nang bigla s'yang tutukan ni Thana ng baril.

Hindi ko maiwasang mapailing.

Mabilis akong lumapit sa gawi ni Thana at kinuha ang baril na hawak nya.

"Control your self, Thana. Ayokong makarinig ng ingay ngayon" pagbabanta ko sa kanya.

"Tsk. Ayoko ring banggitin nyo ang isa sa pamilya ng mga Versailles" pakli nito at inis na tumitig sa gawi ng babae. "At puwede ba!? Takpan nyo nga ang pagmumukha ng babaeng iyan!? I really hate her face! Nakakairita" galit pa nitong turan at padabog na pumunta sa kanyang higaan.

"Ang sama talaga ng ugali mo! Mukha naman s'yang mabait ah!" Nakabusangot naman na pakli ni Fumi habang nakapameywang.

"Every demon has a mask. Mukha nga syang mabait pero hindi mo alam kung ano ba talagang ugali ang meron s'ya" seryong pahayag ni Thana na nakapagpatahimik sa akin.

Tama sya.

"Where am I?" Mabilis akong napalingon sa gawi ng babae ganun din si Fumi at ang masungit na si Thana; nang bigla nalamang itong magsalita.

Mukhang natakot pa ito nang makita kami at umiyak.

At maya-maya'y...BIGLANG NAHIMATAY!?

What the fuck?!

Did she really belong to Versailles family?!

Mara's P.O.V

Nararamdaman ko kung gaano kabilis ang bawat pintig ng puso ko habang unti-unting idinidilat ang mga mata sa pangalawang pag-kakataon.

"Gising ka na ba? O mahihimatay ka ulit?" Napabalikwas ako ng bangon at napasinghap.

Mabilis na dumako ang tingin ko sa babaeng nagsalita.

Maganda ito. Sobrang ganda. Bagay na bagay ang maikli nitong buhok sa maliit at maamo n'yang mukha. Ngunit nakakatakot ang tinging ipinupukol nito sa...aking mga mata!?

"Who are you!?" Taranta kong tanong.

Tumaas ang kilay nito.

"May mapapala ka ba?kung malalaman mo?" Nagtaka ako sa isinagot nito.

"Huh?" Napabuntong hininga ito at pumameywang.

"Who are you?" Napangiwi ako nang ulitin nito ang aking tanong.

"Ako ang unang nagtanong"

"Sagutin mo nalang" napairap ako sa kawalan.

"Mara Sandoval" nakabusangot kong pakli.

Napansin kong tumaas ang kilay nito at napangisi.

"Liar"

"Liar ang pangalan mo?" Mangha kong tanong. Napansin kong nanlaki ang mata nito at mukhang hindi makapaniwala.

"I said Liar! As in...sinungaling! Tanga ka ba?!" Inis nitong pakli.

"Bakit ka galit?" Pang-aasar ko pa at halos magwala sa tawa ng makitang naiinis ito. "Bakit pikon k-"hindi ko na natuloy pa ang dapat na sasabihin nang bigla nalang nitong itutok sakin ang baril nitong hawak. I gasped.

"THANA!" Nanlaki ang mata nito at mabilis na itinapon ang baril sa kung saan. Mabilis itong lumingon sa kanyang likuran at ganun din ang ginawa ko.

Wow. Ang gaganda nila

Ang isa'y mahaba ang buhok na hanggang bewang at ang isa nama'y pang lalaki ang gupit na bumagay sa kanya.

Mabilis ang mga itong lumapit sa amin at hinila si Thana sa kung saan.

Hindi ko maiwasang magtaka habang pinagmamasdan silang nag-uusap.

Mga seryoso ang mga ito at mukhang nagulat ang babaeng nagtutok sakin ng baril kanina or should i say...Thana? sa sinabi sa kanya ng dalawang babae at nagbaba ng tingin.

May-maya'y lumapit ang mga ito sa akin.

"I'm sorry sa nangyari" biglang saad nang babaeng panlalaki ang gupit ng buhok. "By the way, I'm Keerah. And this is Fumi" pakilala nito at itinuro ang isa pang babae na mahaba ang buhok.

"Hi. Nice to meet you" biglang sabat nung Fumi at naglahad ng kamay habang abot langit ang ngiti.

Hindi ko maiwasang mapangiti "Nice to meet you too"

"Kumain ka na ba?" Walang anu-ano'y tanong ni Keerah sa akin.

Bahagya akong umiling nang maramdamang nagugutom na nga ako.

"I see" nakangiti nitong pakli at tinapunan ng tingin si Thana " Paabot nga ng Sandwich dyan,Thana" utos nito at hindi nakaligtas sakin ang pag-irap nang inutusan nito. Si Thana.

"Pasensya kana kung Sandwich lang ang mabibigay namin sayo huh. Hindi pa kasi Dinner Time at limitado lahat rito" hindi ko maiwasang mag-taka sa sinabi nya.

"Limitado? What do you mean?"

"A-ahhhm-" hindi na nasabi pa ni Keerah ang gusto nyang sabihin nang si Thana na ang nagsalita.

"You didn't know? Nasa Prison City ka. And from the word PRISON, isa kang bilanggo. Ano bang ine-expect mo?" Galit na wika nito at inihagis sakin ang sandwich nitong dala.

Para akong natulos sa kina-uupuan ko at nanatiling nakatingin sa kanilang tatlo.

Ang kaninang gutom na nararamdaman ko ay nawala at napalitan ng kaba at takot.

"W-what do you m-mean?"

"Tsk! Ang sabi ko-" hindi na natuloy pa ni Thana ang gustong sabihin nang sumingit si Keerah.

Masama ang tinging ipinupukol nito kay Thana at umirap rito bago tuluyang humarap sa akin.

"Don't mind her,Mara. Kumain ka muna. Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo" pakli nito at kinuha ang inihagis ni Thanang Sandwich at maingat na iniabot sa akin.

Mabilis naman akong tumalima at sinunod ang sinabi nya.

Mabilis kong kinain ang Sandwich at ngumiti sa kanila.

"I'm done. Pwede nyo nang ipaliwanag sa akin." Nakangiti kong pakli.

Sa wakas! Nakakain rin. Maganda na ang mood ko.

Napansin kong nagbago ang ekspresyon ni Keerah na kanina'y nakangiti.

Tumabi ito sakin sa pagkaka-upo sa kama at ganun rin ang ginawa ni Fumi.

Hinawakan ni Fumi ang kamay ko at pinagsiklop.

"Bago namin sabihin sa iyo, ipangako mo munang hindi ka matatakot o magagalit man lang" seryosong pahayag ni Fumi na aking ipinagtaka.

Tumango na lamang ako."Pangako"

"Gaya nga ng sabi ni Thana, nasa Prison City ka. Meaning...isa kang bilanggo" pahayag ni Keerah na nakapagpatahimik sa akin. Tinignan ko lang s'ya upang ipakitang ipagpatuloy nya lamang ang pagsasalita.

"Ang Prison City ang nagsisilbing kulungan o lugar kung saan ipinatatapon ang mga pinaka mapapanganib na nilalang sa mundo. Mamamatay tao man o demonyo." napasinghap ako sa sinabi nya. Ngunit ipinagpatuloy pa rin ang pakikinig kahit nakararamdam na ako ng takot at pangamba.

Ibig sabihin...mamatay tao rin sila?!

"Tama ka" napahinto ako sa pakikinig at gulat na napalingon kay Fumi.

Paano nya nalaman ang iniisip ko?!

Nagulat ako nang makitang nagbago ang kulay Itim nitong mga mata at unti-unting nagiging...puti

Para akong naestatwa sa aking kina uupuan. I can't breathe.

"Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan. Maniwala ka." Lalo akong nanginig nang magbago ang boses nito.

Ang kaninang mahinhin at malambing na tinig ay napalitan ng isang nakatatakot na tunog. Parang dumodoble ang tinig nito na akala mo'y dalawa ang nagsasalita.

"A-anong nagyayari...sayo?!"

"Don't worry. Hindi kita sasaktan. Hindi ko lang talaga mapigilang magbago ng anyo kung minsan" pakli nito at muling bumalik ang anyo sa dati.

Nakahinga ako ng maluwag.

Pilit kong kinalma ang aking sarili bago muling magsalita.

"God" wala sa sariling pakli ko.

Napansin kong natawa si Keerah sa sinabi ko.

"Sa ganoon palang...natakot kana. Ano pa kaya kung malaman mo lahat ng bagay tungkol sa lugar na to" iiling-iling na pakli nito na nakapagpakunot ng aking noo

"What do you mean?" Kinakabahan kong tanong sa kanila

"What i am trying to say is-" napahinto si Keerah sa pagsasalita nang isang napakalakas at nakakakilabot na tunog ang umalingawngaw sa buong paligid.

Para itong tunog ng isang kampana sa simbahan ngunit nakakatakot ang alingawngaw nito.

"Shit we need to go" biglang sabi ni Thana. At patakbong lumabas sa aming silid.

"Wear this" nawala ang tingin ko sa nilabasang pinto ni Thana at nadako sa damit na binigay ni Keerah.

"Bakit kailangan kong magsuot nito?" Taka kong tanong habang pinagmamasdan ang blanket hoodie na hawak ko

"Mamaya na namin sasagutin. We really need to go, know. Kundi....magugutom tayo hanggang bukas ng umaga" seryoso nitong pahayag at hinila ako palabas.

Kahit nagtataka ay nagpatianod ako sa kanya.

At hindi makapaniwala sa nilalandas ng aking mga paa.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.

This place seems...

Normal.

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 201K 31
After she tragically loses her mother, Cassie turns to street fighting-but she soon learns that the biggest fights happen outside the ring. ...