"E-Eh? Anu ba! Eh sa wala naman akong ginagawa ah, sadyang lumalapit lng talaga sila saakin. Nagkukusa kumbaga, hindi pinipilit hindi. Kundi nagkukusa" Ngisi kung sabi. Peste late na nga ako eh! Haharangan pa ako at imbestigahan. Mukha ba akong nasuklong sa kaso ng kagandahan Chos hehe.
Sinakyan ko nalang trip nila.

"Malandi ang isang yan ah" sabi ng kasama niya.

"Hindi ba halata? Kimuel at French talaga ang pinili niya hoho haba ng buhok mo ah! Sa kilikili hahahahaha" nagtawanan sila.

"Alam mo bang nanggigil ako sayong babae ka ha!" Sabi niya at sinabunutan ako. Tinulungan pa talaga ng isa. Gusto kung makipagsabunutan din kaso ginapos nila ang kamay. Peste hindi pwedeng sila lang ang may karapatang manabunot dapat ako din .

"STOP IT!!!" Sigaw ng isang lalake.

"F-French....." Mahinang sambit nung babaeng sumabunot saakin.

"I said stop it! And let her go!" Sigaw ulit ni French sa kanila.

Binitawan naman nila ako, at tiningnan ng masama at tinuro turo pa. Tsk

Inayos ko lng ng kaunti ang nagusot kung damit at buhok kung nagulo.

Humarap ako sa direksyon ni French nakatingin lng siya saakin.

Pero hinding normal na pagtingin niya saakin. May bahid ng kalungkutan at pighati ang mga mata niya.

"Ahh, salamat" sabi ko.

Tumango lamang siya at diretsong lumakad paalis.

Wala manlang ngiti? O salita??

Bakit ganun siya? Ang cold hindi siya ang French na nakilala at nagustuhan ko.

Nagkibit balikat na lamang ako at binilasan ang lakad papunta sa room.

Jusme alas otso na pala putik! Late na talaga ako.

Tinakbo ko ang daan papunta sa room which is hagdan siya.

*chimes*

Hingal na hingal ako ng pumasok ako sa loob ng room.

Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin saakin na parang shock?!

Ang iba ay parang natatawa pa.

At doon ko naalala mukha pala akong palaboy dahil sa pagka subsob ko sa sahig.

Instant basahan ang peg

"Ooohhh Good Morning Miss. Reasol you're too early for the next subject"sarcastic niyang sabi.

"Go to your seat and sit down" mahinahon pero pasigaw niyang sabi..

Napatungo na lamang ako habang naglalakad papunta sa upuan ko.

Hindi manlang uminit ang pwet ko kakaupo, tsk.

Eh sa trentang minuto lamang akong nakaupo tapos Recess na!

Pero okay na din hindi pa naman ako nakapag almusal.

KIMUEL DUANE's GIRLМесто, где живут истории. Откройте их для себя