Abat!! Lilingon sana ako ng biglang bumukas ang elevator, kaya taimbaga na lamang akong pumasok sa loob at pinindot ang number ng opisina ni Arabella.

Papasok sana silang dalawa ng agad kong hinarangan ang kamay ko sa harapan nila para mapa hinto ang mga nito pumasok.

"Ayaw kong makasama dito loob ang mga chismosang gaya niyo."

Napalaki naman ang mga mata nito na parang di maka paniwala, hanggang sa sumera na ang pinto ng elevator,

Mag chichismis na lang kayo maririnig ko pa? Ako?!! Kaugali ko si Arabella? Excuse me.... Mabait ako!! Baka kapag nakilala niyo si Althea, yun pa... Masasabi ko pang masama talaga ang ugali. Tsk... Napaka judgemental.

Pag ka bukas ng elevator ay agad akong pumasok sa loob ng opisina ni Arabella. And thank God andidito pa siya, kausap niya si Sophia na naka upo sa kahabaang sopa.

Mukhang may pinag didiskusyunan silang mag asawa ngunit napatigil lang ito ng biglaang pag pasok ko.

Tila nagulat naman silang dalawa sa biglang pag pasok ko kaya napalitan ito ng pag ka simangot ni Arabella.

"Do you ever know how to Knock?" Sita nito sa akin.

"Actually....Yes." Pilosopo kong sagot at umupo sa tabi ni Sophia. "Hi Sophia,"

"Himala dumalaw ang isa sa mga tagapagmana? Anong sadya mo dito?"

"Bakit? Bawal bang bumisita sa kompanya ko?"

"Whatever." Pag iirap ni Sophia at muling tinuon ang atensyon sa laptop na nasa lap niya.

"Honestly Athena, ano ang sadya mo dito? At himalang napa dalaw ka sa kompanya natin?" Seryosong tanong ni Arabella habang nasa computer din ang mata nito.

Bihira lang kasi ako sumisipot dito, mahaba na ang limang segundo ko sa kompanyang ito. Ewan ko ba, ayaw na ayaw kong tumatagal dito.

"Tulad ng sinabi ko kanina, napadalaw lang ako ok," pag iirap ko sabay napatayo para kumuha ng tubig sa mini ref na nasa opisina niya.

"Tumawag sa akin si Althea."

Napatigil ako sa pag inom habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Why did you punch her Athena--"

"She start it." Walang ganang sagot ko at napalingon na ako rito.

Nakatingin na pala sila dalawang mag asawa sakin kaya napa buntong hininingang napasandal na lang ako pader habang pinag papatuloy ang pag inom ng tubig.

"Care to explained?"

"Para saan pa? Alam kong alam mo na ang pinag mulan namin ng away."

"Athena, bakit mo naman sinuntok ang kapatid mo--"

"I don't want t talk about it." Pag didismis ko sa usapan.

Napatayo narin ako para sana umalis ngunit napatigil ako sa pag hakbang ng mag salita muli si Arabella.

"Bakit di ka makinig kay Althea, Athena. You know her Athena, She never fail to her instinct,"

Napa tingin ako kay Sophia na nasa harapan kong naka upo parin sa couch at seryoso lamang nakatitig sa akin.

Athena Guevara Series: Cruel Intentions (Killing Me Softly)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant