Itatapon ko sana sa fezlak mo, pang facial cream.” Sabay bulong niya.

“I remember, lo…, I mean Kathryn used to like pancakes before.” Humabol ito sa bilis ng lakad niya.

“Yah, used to.” Sumakay siya sa kotse niya na nakapark katabi ng kotse ni Scanver. Nakaka stress and hombreng itey!

Sa sobrang inis niya, hindi na siya bumili ng itlog, nag-iimagine kasi siya na tatawag si Scanver sa Papa ni Kathryn, tapos hingin ang address, tapos mauuna sa bahay nila, pagkatapos… “I kennot!” Sigaw niya, mabuti at mag-isa lamang siya sa kotse.

Napangiti siya nung matanaw si Kathryn sa garden, karga ang isa sa kambal at ang isa naman ay nasa yaya nito.

Pag lingon niya, nakita niya agad si Scanver na kahit anong bilis o bagal man, nakakasunod talaga sa kanya.

“Hmp! Askal lang ang peg!” Itinaas niya ang hindi niya naka pluck na kilay, kitang-kita iyon ni Kathryn at base sa reaksiyon ng kanyang gwapong asawa at sa nakasunod na si Scanver, alam niyang nagseselos ito.

“Sinta.” Ayaw na muna niyang tignan si Scanver, baka magselos lalo at ipakuha ang nail cutter kay Inday.

“I missed you, Sintas.” Nagulat siya sa halik na ibinigay nito sa kanya. Syete! Hindi smack! Kakalunod. Kung hindi niya lang buhat-buhat si Kael, baka mas sobra pa. Sarap namang magselos nito.

“Kumusta Baby Kael.” Hinalikan niya ito sa noo. Pagkatapos ay kay Erynn naman. Kinuha niya ito kay Inday. Saka lamang parang naalala niyang kasama niya si Scanver na nakangiting nakatingin sa kanila. Sarap itanong ang

Inggit much?

“Scanver, I’m glad to see you.” Nakangiting sabi ni Kathryn sa nakapamulsang lalaki.

“Yah. How are you, Lo…Kathy?” Hahalikan sana niya ito sa pisngi pero  biglang tinawag ni Elvin kaya sa gilid ng buhok ang landing ng kiss.

Pahiya konti ?

“I’m doing great. Sobrang saya ko, Scanver. Ganito pala ang feeling.”

“Good. Can I see them? Hold them?” Referring to the twins.

“Oo naman. Halika, pasok na tayo sa loob at hapon na. Sinta, napagod ka ba?”

“Kanina, SInta, but when I saw and kissed you, plus the twins. Nawala. Ikaw, napagod ka ba rito?” Lambing niya. Kiber kay Scanver.

Inggit much?

“Hindi naman. Upo ka, Scanver.” Umupo rin si Kathryn sa harap nito, siyempre si Elvin sa tabi ng kanyang Joanna Paras.

“Nice house.”

“Thanks.”

“Ganito ang dreamhouse mo, hindi ba?”

“Yes. Inday, magpahanda ng meryenda please.” Nilalaro ni Elvin si Erynn na nakatingin lang naman sa kanya.

“Ito ba yung napag-usapan natin noon? Ganitong bahay, kung sakaling nagkatuluyan tayo?” Biglang umangat ang ulo ni Elvin sa narinig?

Selos mode!

“Pare, close kasi kami dati.” Biglang paliwanag ni Scanver sa seryosong si Elvin.

“Yeah.”

“Hindi ah! Iba to, si Sinta mismo ang nagdesign. Pinag-usapan namin.  This is our dream house.” In love na in-love na sabi ni Kathryn.

Ang sarap pagtaasan ng hindi niya naka pluck na kilay.

Ano ka ngayon? Durog? Wasak? Basag? Asa pa more!

Ang sarap talagang kausapin ang sarili niya in silent mode.

“Mabuti. Kung tayo ang nagkatuluyan, I mean, kung sana lang ha, mas malaki siguro rito ang ipapagawa ko.” Nakatawang sabi nito. Sabay sabing… “Joke lang.”

Napatayo si Elvin!

Bastusan na itey!

Eksenadora ang hombreng itey na ate matet (malapad ang noo), na ate lucky (malaki ang ilong), na nag iispluka (nagsasalita/nagsasabi) ng palagay niya ay ate nancy (nonsense) na story na malamang ay ate gina (gumagawa ng kwento) lahat!

Ang kapal ng fezlak!

***************************************

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now